Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 8

wyrdaest>>

KABANATA 8

PUMWESTO NA SILA pareho ni Red sa dulo at kumuha ng patalim na nakalapag sa mesa. Lahat ng klase ng matatalim ay naroon except the gun. Bawal iyon sa labanan.

Kinuha ni Aika ang parati nilang pinag-eensayo ni Marcus. Mas sanay siya roon. Saka siya bumalik sa gitna.

While Red's weapon is an ax. Kinabahan siya ng makita iyon pero agad ding nawala.

"Sure na ba ang mga gagamitin nin'yo? Bawal ng magpalit pa." ani ng emcee.

Tumango lang uli si Aika.

"Nervous?" asar na tanong sakaniya ni Red.

Ngumisi na rin si Aika ng malademonyo. Kita niya ang pagkagulat sa mukha ni Red.

Well, mukha kasing demonyo ang mukha ni Aika 'pag ngumingisi ng ganu'n. Dahil sabi sakaniya ni Bado, ay angelic ang mukha niya pero nag-iiba 'pag ngumisi na siya ng malademonyo. Asset niya raw iyon.

"Okay, let's start!" sigaw ng emcee.

Sinuri ni Aika ang patalim niya bago sumugod. Pero naunahan siya ni Red. Dali dali itong tumakbo papalapit sakaniya.

Nagulat siya pero agad na nawala saka umilag sa pag-atake ng ax na gamit nito.

Gumawi nanaman ito sa pwesto ni Aika. Hindi naman agad makahanap ng tyempo si Aika sa pagtira dahil parati itong sumusugod. At ang tanging nagagawa lamang niya ay ang pag-ilag.

"Come on, fight, Aika!" sigaw nito habang parating sumusugod sakaniya.

Shit!

Nagulat siya ng matamaan nito ang kanang braso niya dahilan para mapunit ang isang braso ng leather jacket na suot.

Ngumising muli si Red and make another move but then again she keeps on avoiding it.

Kinabisado niya ang bawat tira nito. Hanggang sa nagkaroon ng tyempo ay dali dali siyang umilag sa paghampas nito ng ax na hawak sa kaniyang kaliwa at puwesto sa likuran nito. Dinaplisan lamang ni Aika ang batok nito.

"Argh!" daing ng huli.

Napangisi si Aika.

Got it!

Bumaling sa likuran niya si Red at tatamaan na sana siya pero inunahan niya ito. Muli niyang dinampi ang kutsilyo sa binti nito.

"Ugh!" napahawak ang huli sa kaliwang binti.

Nagsigawan naman ang mga tao dahil sa ginawa niya.

Tumayo ito at sinamaan siya ng tingin. "Fuck you bitch. Magbabayad ka." sumugod uli ito sakaniya.

Inayos ni Aika ang pagkakahawak sa kutsilyo saka inantay ang pag-atake ni Red.

Just like before she still avoiding Red's attack but she was surprised when Red did an attack to her back. In a blink of an eye Aika felt a liquid to her right waist. Blood.

Napadaing naman si Aika sa sakit.

Aatake pa sana si Red pero iniwasan niya iyon at hinagis ang kutsilyo sa kaliwa nito. Nadaplisan si Red sa braso na ikinadaing ng huli.

Tumayo si Aika habang hawak ang kanang beywang.

Tangina masakit!

Pinulot niya ang kutsilyo sa sahig habang si Red ay namimilipit pa rin sa sakit.

Susugod na sana si Aika ng tumayo si Red at hinanda ang ax na gamit.

Magaling makipaglaban ang huli pero hindi nagpatalo roon si Aika.

Salag. Iwas. Atake.

Ganun ang naging gawa nila pareho ni Red. Walang nagpatalo.

Hinga na hingal na sila pareho. Marami na silang tama pareho. Pero mas lamang ang tira ni Aika dito. Purong puro na si Red pero hindi ito papatalo. Kasabay ng matinding labanan ay ang hiyawan at sigawan ng mga taong nanonood. Mas lalong nagiging mainit ang labanan na siyang gustong gusto ng mga manonood.

"Y-You bitch. T-Tangapin mo n-n-nalang na talo ka..." ani ni Red habang sinusubukan na tumayo. Napilay na ang kaliwang binti nito dahil du'n parati ang tira ni Aika.

Huminga ng malalim si Aika at tumayo na rin. Tiniis ang sakit. Napangiwi siya sa tuwing mararamdaman ang mga sugat.

"W-Why would I? A-Anong mapapala k-k-ko?" tanong niya rin at pinuwesto ang kutsilyong hawak na nababalutan na ng dugo.

Nakatayo na si Red at ngumisi. "Loser." anito at muling sumugod.

Aatake na rin sana siya ng biglang magsalita ang emcee.

"Stop! Boss Dale have something to say." natigil sila pareho ni Red maging ang mga tao.

Hinihingal na tumingin si Aika sa itaas na upuan, sa pwesto ng mga leaders.

He still had his blank face then speak. "I want the fight without any weapon that's using." nanlaki naman ang mata ni Aika.

No freaking way. Hindi sila nag-ensayo ni Marcus ng walang armas na gamit. Ano bang plano ne'tong lalaking eto? At bigla bigla na lang nagdidesisyon?

Agad niyang tinago ang kaba ng makita si Red na nakangising nakatingin sakaniya.

"Gladly." and with that she throw her weapon from nowhere.

Humigpit ang hawak ni Aika sa kutsilyong hawak.

No! I don't know how to fight without any freaking weapon.

Mariin siyang pumikit at tinapon na rin ang kutsilyo.

Bahala na. Siguro naman ay natatandaan niya pa ang tinuro ng karate teacher niya nung grade school pa lamang siya.

Pinatunog ni Red ang leeg at mga daliri saka dumaing.

Nanatili lang si Aika na nakatingin sa ginagawa ni Red.

Oh god, magagawa ko ba ito?

Huminga siya ng malalim at sinugod na si Red. Susuntukin na sana niya ito sa mukha ng maharang nito iyon at inikot sa kaniyang likuran.

"Argh!" daing niya ng makaramdam ng sakit. Sabi na.

"Wrong move, bitch." ani ni Red saka siya binalibag sa sahig.

Umarko ang katawan ni Aika ng maradam ang sakit sa pagkakatama sa sahig. Fuck! Napapikit siya sa sakit.

Hindi pa siya tuluyang nakakatayo ng bigla siyang daganan ni Red at sinuntok sa kaliwang pisngi. Napaubo naman siya ng dugo dahil sa lakas ng impact. Feeling niya ay umiikot ang paligid.

Fuck.

Pinagsusuntok siya nito sa mukha ng pasalit salit at paulit ulit. Nanghihina na si Aika. Kasabay ng malakas na sigawan ng mga tao.

Her eyes are half shut at may black eye na rin siya sa magkabilang mata. Pumutok na ang labi niya. Bugbog sarado na siya.

Am I going to lose?

Tumayo si Red at sinabunutan siya. Napadaing naman siya sa isipan, wala ng lumabas na boses sa kaniyang bibig. Dahil pati bibig niya ay napagod na rin.

Hindi na maipinta ang mukha ni Aika dahil sa sakit ng pagkakasabunot nito. Pakiramdam niya ay matatanggal ang anit niya.

"Fight bitch. Ni hindi man lang ako pinagpawisan sa'yo. Ano?" sigaw ni Red sakaniya.

Binitawan nito ang kaniyang buhok dahilan para mahulog uli siya sa sahig. Gumulong siya sa sakit at mariing pinikit ang mga mata.

Siguro nga hindi ako bagay sa lugar na ito.

Binuksan niya ang mga mata at nakita ang pamilyar na bulto 'di kalayuan sakaniya.

Nakasandal ito habang kunot ang noong nakatingin sakaniya at umiling.

Ngumiti siya ng mapait. At pinikit ang mga mata.

***

"ANO AIKA, HANGGANG diyan na lang ba ang kaya mo?" insulto ni Bado sakaniya habang nag-eensayo sila sa Leon War.

Walang ni isang gamit na armas sila pareho.

Umayos ng tayo si Aika saka pinunasan ang dumudugong gilid ng labi at madilim ang mukhang sinugod si Bado at sinuntok ito sa mukha.

Hindi naman nito nasalag iyon kaya natamaan ito sa mukha.

"I'm not as weak as you thought, idiot." sigaw ni Aika at muling sinugod si Bado.

Sa ikalawang pagkakataon ay nasalag ni Bado iyon at bigla na lamang siyang sinuntok sa sikmura. Napadaing siya. Hindi naman gaanong masakit ang ginawa nitong pagsuntok pero sapat na para makaramdam siya ng sakit.

"Think before you attack, Aika. Kung matalino ka ay mas lalong maguguluhan ang kalaban. Kaya 'wag kang agad agad sumusugod ng hindi nag-iisip." ani ni Bado saka niluhod ang isang tuhod para magpantay ang kanilang mukha.

Ngumiti ito. "Lumaban ka hangga't kaya mo. 'Wag mong tanggapin na talo ka, dahil kapag natanggap mong talo ka na sa larong ito tiyak na aabusuhin ka na ng taong nakapaligid sa iyo."

--

Nagmulat siya ng tingin. Tama si Bado. Kailangan niyang manalo.

Hindi siya pwedeng maging talunan. Umaasa ang lahat ng taong nakapaligid sakaniya.

"Stand up, bitch!" sigaw ni Red at muli siyang sinabunutan.

Patuloy ito sa pagsasalita ng masasakit na salita sakaniya pero wala roon ang kaniyang atensyon.

Fight Aika. Fight if you still can.

Huminga ng malalim si Aika at kahit dama ang sakit sa buong katawan ay sinuntok niya sa sikmura si Red. Napabitaw ito sa pagkakahawak ng kaniyang buhok.

Mas dumoble ang sigawan sa loob ng covered court sa ginawa niyang pag-atake.

Napayuko ito at dinama ang sakit.

Paika ika siyang naglakad sa harapan ni Red.

"I'm not a loser. Remember that." and with all her force, she kick Red's back. Napadaing ito at pinagpapapalo ang sahig.

Diniinan pa ni Aika ang paang nakapatong sa likod nito.

Now she's back. Hindi na niya dinama ang sakit sa buong katawan. Ngayon ay galit na siya. Nabalot na ng galit ang buo niyang pagkatao.

I'm not a loser and will never be one.

Inalis niya ang pagkakapatong ng paa sa likod nito at tinayo si Red.

Kahit masakit ang katawan ay kailangan niyang lumaban.

Nang matayo ito ng maayos ay muli niyang sinuntok sa sikmura si Red napabuga naman ito ng dugo.

Paulit ulit ang ginawa niyang pagsuntok sa sikmura nito. Wala na siyang paki kung mapatay niya ito. Ang kailangan niya ay manalo.

Ilang ulit niyang sinuntok ito hanggang sa mapahandusay ito sa sahig. Knocked out.

Huminga ng malalim si Aika at pinunasan ang pumuputok na labi.

Natahimik ang mga tao ilang segundo saka nag-ingay ng sobrang lakas.

"And the winner is, Aika from 'Leon War!'" sigaw ng emcee.

Ngumisi siya sa lahat ng tao at paika ikang naglakad papalapit kina Marcus at Draven na ngising ngisi.

"I thought you're going to lose." ani ni Draven.

"Loser don't deserve to live." aniya.

"Congrats Babe!" ani ni Marcus.

Ngumiti lamang siya. Du'n na siya nakaramdam ng paghihina. Sumakit nang muli ang kaniyang katawan.

Maglalakad na sana sila palabas ng bigla na lamang siyang maout of balance.

Nanlabo na ang kaniyang paningin kasabay ng sigawan nila Draven and Marcus.

May isang pamilyar na lalaking naglakad sa gawi niya at binuhat siya. Hindi malinaw sakaniya kung sino ito.

"You did well, Aika." bulong nito. And with that all she see became black.

---
051719

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro