
KABANATA 6
wyrdaest>>
KABANATA 6
NATAPOS SILANG KUMAIN ay aalis na sana si Aika ng magsalita si Marcus.
"Sinong magliligpit ne'to?" tanong nito.
Kumunot ang noo nilang lahat. At tumingin sa gawi ni Aika.
Anong?! Teka---
"What?" inis niyang tanong.
Ngumisi si Marcus. "Ikaw na lang kaya, Babe." anito.
Napanganga naman si Aika sa kanilang lahat. Tumikhim siya at naningkit ang matang tinignan ang tatlo.
"Ba't ako? Niyaya niyo lang naman ako." She said then crossed her arm.
Nagkibit balikat si Draven. "You're the girl." saad nito.
Tumas naman ang kilay niya. "Then?"
"Come on Babe! Mahirap bang gawin ang pagliligpit?" Marcus.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Eh kung ikaw kaya?! Ikaw nakaisip e!" sigaw niya.
Nagulat naman ang dalawa pero hindi ang Boss niya. Tsk.
Magsasalita pa sana si Marcus ng biglang tumayo ang Boss niya.
Halos lumuwa naman pare pareho ang mga mata nilang tatlo ng bigla nitong kuhanin ang mga plato at nilagay sa lababo. Kumuha pa ito ng basahan at binasa saka muling bumalik sa mesa then wipe it.
"No... freaking... way." saad ni Marcus habang nakatingin sa Boss nilang kasalukyan ng naghuhugas ng platong pinagkainan nila.
Niyugyog ni Marcus si Draven sa balikat. Napatingin naman si Draven at Aika kay Marcus.
"Punch me, bud. Nanananginip lang ba ako?" anito habang patuloy na niyuyugyog si Draven.
Nailing naman si Aika at muling tumingin sa nakalikod na si Boss Dale.
He's bored? Hmm.. I guess.
Umiling siya at tumayo na saka iniwan ang tatlo sa kusina at hinanap si Bado.
Nalibot na niya ang buong bahay pero wala pa ring Bado na nakita.
"Where the hell are you?!" naiinis na siya. Kanina niya pa hinahanap si Bado.
Lumabas na si Aika ng bahay at sinimulang hanapin sa labas. Ang ingay, walang pinagbago. Buti na lamang at sound proof ang bahay ni Boss.
Natigil siya ng magawi ang mata niya sa mga nag-iinuman.
Lumapit siya roon. "Hoy, Froy!" tawag niya sa atensyon ne'to.
Napatingin naman ito sa likuran niya.
Napaatras naman ito at mukhang natakot ng makita si Aika. Lihim siyang napangisi.
--
"Di'ba siya yung babaeng pinagtanggol ni Bado sayo, Pare?" natigil sa paglalakad papasok ng Brgy. na iyon si Aika ng marinig ang usapan sa gawing kanan niya.
"Oo siya iyon." anang ng isa.
Nagpatuloy na lang uli sa paglalakad si Aika. Ayaw niyang gumawa ng gulo. Bago pa lang siya sa lugar na iyon. One month to be exact.
"Uy Miss!" hindi na lang pinansin ni Aika iyon. Baka naman hindi siya yung tinatawag.
Hinawakan nito ang pulsuhan ni Aika dahilan para mapaharap siya sa mga lalaking siya pala ang tinatawag.
Binawi niya ang kamay na hawak ng isa sa mga lalaking kasamahan ni Froy. At nanlilisik ang matang tinignan ito.
"What?" tanong niya.
Ngumisi si Froy. "'Wag kang mag-eenglesh dito, Miss. Tandaan mo teritoryo namin itong pinasok mo."
Hindi na siya nakaramdam ng takot kay Froy. Well, hindi naman nakakatakot ang isang 'to. Nagpapanggap lang ito. Malaki nga ang katawan takot naman kay Bado.
She smirk and crossed her arms. "Then? Pakihanap ang paki ko." pilosopo niyang sabi.
Nakita niya ang pagdilim ng mukha ni Froy.
Okay, galit na siya.
Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat saka diniinan. Nakaramdam siya ng sakit dahil sa ginawa nito. Napangiwi siya dahil sa ginaww nito.
"O-Ouch!"
"Masakit di'ba? 'Wag ka kasing sumasabat ng ganun sa'kin, Miss. Saka umayos ka, wala ka sa teritoryo niyo. 'Wag kang umastang reyna." anito.
Dun na siya tuluyang nagalit. Ayaw niyang pinupuna siya at pinagsasabihan. Tama na ang nakaraan, hindi pwedeng maulit pa iyon.
Kahit masakit ang pagkakahawak nito sa balikat niya ay tinuhod niya ito sa ari ng lalaki. Dahilan para mapadaing ito sa sakit. At nabitawan siya.
Nagulat rin ang iba nitong kasama.
"A-Aray! Putek! Ginagalit mo talaga akong babae ka ha!" tumayo ito at muli nanaman sana siyang hahawakan ng bigla itong tumigil. Nawalan ng kulay sa mukha.
Ngumisi si Aika. Well, nilabas lang naman niya sa kaniyang likuran ang kutsilyong ginagamit sa pag-eensayo nila ni Marcus.
"Sige lumapit ka at hindi ako magdadalawang isip na itarak ito sa utak mo." matapang niyang saad.
Hindi na gumalaw pang muli ang lalaki.
"Ito ang tatandaan mo, Froy. I maybe new to this world but I'll assure you, I can be as devil as you are or worst. Kaya 'wag mo akong minamaliit, dahil hindi lang ito ang mapapala mo." malademonyo at may panggigigil niyang saad.
Dali dali niyang dinaplisan ang braso ng lalaki na nagpadaing dito. Gulat namang tumingin sakaniya ang mga tao roon.
Pinunas niya muna sa damit na suot ang kutsilyo at muling tinago sa kaniyang likuran.
She did a dead glare once again to him before leaving.
Naging tanda iyon para katakutan siya ng mga tao sa Brgy.
--
"A-Anong kailangan mo?" kinakabahan nitong tanong.
Huminga siya ng malalim. "Nakita mo ba si Bado?" tanong niya.
Umayos ito.
"H-Hindi ko alam k-kung nasa'n siya... P-Pasensya na." anito.
Nakuyom ni Aika ang kaniyang kamao. Bwisit! Nasa'n ka na ba Bado?
Pagalit niyang sinipa ang mesang naglalaman ng mga alak at pulutan ng mga ito.
"Sayang naman yung alak at pulutan!"
Nanlilisik ang matang tumingin siya sa lalaking nagsalita. Lumunok naman ito at natakot. Lumapit si Aika dito at kinuwelyuhan.
"I don't fucking care idiot! Bumili ka ng bago kung gusto mo!" sigaw niya sa mukha nito mismo.
Akmang susuntukin na ni Aika ito ng biglang...
"Stop it." ani ng pamilyar ng boses sakaniya.
Nabitin sa ere ang kamao niya saka tumingin sa kanan niya.
Nakapamulsa lang ito habang nakasandal sa pader. Tinulak ni Aika ang lalaking kaharap at lumapit sa pwesto ni Bado.
"Where have you been?" nanggigigil na tanong ni Aika.
Nag-iinit ang dugo niya sa hindi malamang dahilan. Umalis kasi ito ng hindi nagpapaalam. Sinong hindi magagalit dun?
Seryoso pa rin ang anyo ng mukha ni Bado.
"Ano bang paki mo?" parang nabingi si Aika. At hindi nakapagsalita.
Oo nga naman, ano bang paki niya? Pero kasi... yung puso niya. Feeling niya ay parang kumirot ito.
Fuck this heart.
Nag-iwas siya ng tingin. Hindi alam ni Aika kung anong sasabihin.
"Tsk." umalis na ito at iniwan siyang tulala sa nangyari.
Muli nanamang bumalik ang pagkainis niya kaya padabog na sinundan niya ito papasok ng bahay.
"W-What's the matter, Bado? Ba't ka ba nagkakaganyan?" hindi na mapigilan ni Aika ang bumulyaw dito.
Nasa sala sila ngayon. At nakakakuha na sila ng atensiyon ng ibang membro. Pero walang paki si Aika. Naiinis siya. Hindi niya alam. Basta naiinis siya.
Humarap sakaniya si Bado. Still serious.
"Wala nga." anito.
Gusto niyang sumigaw. Nafufrustrated na siya sa kinikilos ni Bado.
Mariin siyang pumikit at huminga ng malalim saka muling nagmulat ng tingin. Nakaupo na sa sofa si Bado habang nanunuod sa telebisyon.
"Look, kung may problema ka sabihin mo. Hindi yung umiiwas ka sa'kin." pigil niyang mairitang aniya.
Parang hangin lang iyon kay Bado dahil focus talaga ito sa panonood.
Kinuyom niya ang kamao at pumwesto sa harapan ni Bado. Kinunotan ni Bado si Aika.
"I'm sorry, I need to do this ng matauhan ka." and with that she punch Bado in his face. Making him knocked out.
Huminga si Aika ng malalim. Saka umalis.
Pero natigil siya sa paglalakad paakyat ng hagdan ng makita roon ang tatlo. Si Marcus at Draven lang ang nanlaki ang mata at mukhang gulat samantalang ang Boss niya ay walang reaksyon.
"Fuck." Marcus.
"Damn, woman." Draven.
Umirap si Aika at padabog na naglakad paakyat ng hagdan nilampasan ang tatlo.
Nilock niya ang pinto saka patapong humiga sa kama.
Ugh! Ano bang problema mo?
Nakakainis ang kinikilos ni Bado sakaniya. Akala mo may nagawa siyang mali.
She's clueless. Bakit kasi nagkakaganun na lang si Bado sakaniya? Mababaliw siya kakaisip kung bakit.
Tumayo siya sa pagkakahiga at nagtungo sa cr. She need to calm herself. Baka hindi lang iyon ang magawa niya kay Bado.
Natapos siyang maligo ay nagbihis siya ng simpleng black skinny jeans at pinaresan ng Grey shirt na may tatak na 'Run Around Naked' saka siya nagsapatos ng puti.
Nang makuntento ay dali dali siyang bumaba. Nagising na ang loko. Habang ang tatlo ay nakapaligid sakaniya.
Hindi naman makikita ang hagdanan sa sala kaya tumigil siya sa paglalakad at nakinig sa usapan ng apat.
"Ano bang ginawa mo kay Aika at bigla ka nalang sinuntok?" tanong ni Marcus habang binibigay ang ice pack kay Bado.
Kunot ang noo ni Bado habang nilalagyan ang namamagang kaliwang pisngi. Mukhang bad trip at wala sa mood magsalita.
"Tsk." iyon lamang ang sinabi nito.
Wala talaga itong balak magsalita ha?
"Better talk to her." ani ni Draven na nakaupo sa pang-isahang sofa.
Hindi nalang kumibo si Bado.
Maglalakad na sana siya papalapit sa mga ito ng biglang magsalita ang Boss nila na nakatayo sa gilid.
"Looks like someone is jealous." ani nito sa malamig na boses.
Gulat na tumingin si Aika kay Boss Dale maging ang tatlo.
Jealous from who?
Ba't naman ito magseselos? Sa'n naman? Kailangan sabihin ni Bado kung ano nga bang kinaiinit ng ulo nito sakaniya.
---
051719
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro