KABANATA 50
wyrdaest>>
KABANATA 50
THEIR RELATIONSHIP WENT well without anyone noticing it. And Aika prefer it kaysa ipagsigawan sa iba ang relasyong meron sila. Kagaya ng ibang magkasintahan, hindi maiiwasan ang tampuhan at awayan ng dalawa.
Lalo na si Aika. First time niyang sumabak sa relasyon kaya hindi niya maiwasang magselos sa mga taong malalapit kay Bado mostly girls. It irritates the hell out of her.
Ngunit kahit ganu'n ay parati naman siyang sinusuyo ni Bado. Minsan nga ay nagtataka na sila Draven sa kinikilos nila. They act normal infront of them pero kapag pareho silang nagsolo ay sobrang sweet ang nangyayari kabilang na roon ang ehem... kissing. Ngunit hanggang doon lang.
November. Its her birthmonth. Aayain niya sana si Bado na lumabas sa mismong araw ng kaniyang kaarawan ngunit busy sa nasabing araw si Bado.
At hindi maipagkakailang tumagal na ng isang buwan ang kanilang relasyon. Matapos ang naganap na laban ay nawalan na ng balita si Aika sa kaganapan sa gangster society. Kapag naman nagtatanong siya ay todo iwas at iniiba ang usapan tungkol dito. Isinawalang bahala na lamang iyon ni Aika at namuhay na lamang na parang walang nangyaring labanan.
Nagbihis si Aika ng simpleng dark jeans at black t-shirt with a print on every part of the shirt. Nagsapatos siya ng puti at lumabas ng kwarto.
Medyo humaba na rin ang kaniyang buhok at lumampas na ng kaniyang balikat iyon. Mas lalong naging halata ang medyo kulutan niyang buhok dahil du'n.
Nakangiting bumaba siya ng hagdan at tinungo ang kusina ngunit napansin niya na konti lamang ang tao sa bahay.
Nagkibit balikat siya at muli sanang maglalakad papalapit ng kusina ng makarinig ng boses galing sa loob.
"What? Are you kidding me?" bulalas ni Draven.
Kumunot ang kaniyang noo at pasimpleng sumilip sa bulwagan. Tatlo silang naroon. Bado, Draven and Marcus. Nakaharap sila pareho sa mesa at seryoso ang mga mukha. Huh?
Nagtataka si Aika. May meeting? Edi sana kasali siya.
"Look mga pare." Bado lick his lower lip.
"Kailangan natin siyang mailayo na rito sa lalo't madaling panahon. Ayoko na siyang madamay." ani ni Bado.
And who is he talking about?
"That's the first plan." ani ni Draven at sumandal sa upuan.
"I know! Pero ayoko na. I don't want her to be part of this world anymore."
"Pero pre, ang ama mo ang kinakalaban natin dito. We need to stick to the plan." ani naman ni Marcus.
Kita na sa mukha ni Bado ang kadesperado at pagod. "Ayoko na siyang idamay sa plano nila. Alis na siya sa usapan at hindi na natin susundin ang plano." pangungumbinsi nito.
Naguguluhan si Aika sa pinag-uusapan ng tatlo. What are they talking about?
"Malalagot ka sa ama mo, Callus. Hindi natin alam ang pwedeng niyang gawin." madiing saad ni Draven. At heto nanaman sila sa Callus.
Sino ba si Callus? Ugh! Mababaliw siya kakaisip kung sino ito.
"You know what, hindi ko naman kayo pinipilit." nagulat siya sa paghampas ni Bado sa lamesa that cause a loud sound.
"Its just a simple yes or no sa plano ko. At gusto niyo talagang madamay si Aika? Kung ayaw niyo okay fine! I'll do it on my own." at naglakad papalabas ng kusina. Nagtago naman ng mabilis si Aika at mabuti na lamang at hindi na ito lumingon pa.
She repeated in her mind what did Bado said. Bakit nadamay ang kaniyang pangalan? Siya ba ang pinag-uusapan? At anong plano?
Maraming katanungang nabuo sakaniyang utak sa pinag-usapan ng tatlo. Maging siya ay naguguluhan at gustong tanungin na lamang ngunit base sa mga itsura ng mga ito ay hindi niya mapipilit na magsalita ang mga ito. Now she's back to zero. Ang Aika na walang alam sa pinasok.
Umiling siya at akmang maglalakad na ng marinig ang usapan nila ni Draven.
"Tild might kill Callus. Anong gagawin natin Draven?" ani ni Marcus.
Kumabog ng sobrang bilis ang kaniyang puso pagkarinig ng pangalang iyon. Biglang kinain siya ng kaba at takot.
"We need to inform others, baka sakaling makatulong sila." seryosong saad ni Draven.
Anong nangyayari?
***
PINARK NI AIKA ang motor malapit sa isang restaurant. Its her birthday. Plano niya sanang kumain sa restaurant ngunit mukhang ayaw makisama ng kaniyang katawan kaya muli siyang umangkas ng motor at pinaharurot iyon sa libingan ng ina.
Ngunit bago iyon ay dumaan muna siya sa isang flower shop at umorder ng bulaklak na paborito ng kaniyang ina. A tulips.
"Thank you." at inabot ang bayad bago tinungo ang Holy Garden.
Naglakad siya papalapit ng libingan ng ina. Naramdaman ni Aika ang pagbabadya ng pagpatak ng kaniyang luha. Its been three years since the last time she visited her Mom's grave. Ngayon lamang uli.
Nanginginig na inilagay niya ang bulaklak malapit sa pangalan ng ina. Hinaplos niya ang pangalan ng ina.
"M-Mom, its me, your beautiful daughter." huminga siya ng malalim.
Patuloy siya sa paghaplos, kinakabisado ang bawat letra.
Michede Valdez Rias
1988-2019
"How are you, Mom? I hope you're doing fine in there. Pakamusta ako kina Lola ha?" she chuckled weakly. Tuluyang pumatak ang kaniyang luha.
Namiss na niya ang alo ng ina. Maagang nawala ang kaniyang ina dahil sakaniyang kapabayaan. Halos kamuhian niya ang sarili dahil sa mabilis na pagkawala ng ina. Kung hindi dahil sakaniya ay sana nabuhay pa sana ang kaniyang ina. Sana kasama niya pa ngayon at masaya sana ang kanilang pamumuhay.
Wala sana siya sa lugar niya ngayon. But everything happens for a reason. Hindi naman natin hawak ang buhay. Magpasalamat na lamang tayo at binigyan tayo ng pagkakataong masilayan ang mundo.
She regret everything she did back then. She regret not to spent more time and bonding to her family.
Pero anong magagawa niya? Nangyari na. Wala na. Tapos na. Sinayang na niya.
"I miss you." mapait niyang saad.
Tuloy ang pagpatak ng kaniyang luha dahil sa pagpipigil.
"Mom, ang hirap." pinuno niya ng hangin ang baga at tumingala sa langit. She smiled weakly. "Ang hirap kapag wala ka. Mahirap kapag hindi kita kasama."
Tumingin siyang muli sa lapida nito. "I regret everything. Nung nawala ka... Nanlamig si Dad sa'kin. But I'm fine with that. Kasalanan ko naman."
"Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit parang dinadaya na ako ng mundo. Even my happiness can't stick with me."
Masaya sana siya ngayon pero dumating nanaman ang problema. Nawawalan na siya ng pag-asa. Pag-asang mabuhay.
Regrets is eating her.
Tinignan niyang muli ang lapida ng ina bago tumahan at napagdesisyunang umalis. Tumayo siya at pinagpagan ang pang-upo. She smile while looking at her Mom's grave.
"I'm going, Mom. Take care always... I love you." she took a deep breath at umalis na roon.
Habang unti unti siyang lumalayo sa libingan ng ina ay unti unti niyang napagtatanto ang ginawa. Walang mangyayari kung patuloy niyang sisisihin ang lahat sakaniya. At mas lalong walang mangyayari kung hindi siya magpapatuloy sa buhay.
Now she's determined to live... for the love. And that is Bado.
Magaan ang loob na naglakad muli papalapit ng motor. Pagkauwi niya ay una niya sasalubungin ng masayang mukha si Bado. Tatanggapin niya kahit ano man ang mangyari. Dahil desidido na siyang mabuhay kasama ito, panghabangbuhay. And she's excited.
Natigil siya sa paglalakad ng makita ang lalaking nakasandal sakaniyang motor.
The guy is wearing a black shoes, black pants and a black jacket. Natatabunan ng mukha nito dahil sa hood ng jacket. Ang dalawang kamay ay nakatago sa bulsa ng jacket. At kahit hindi makita ni Aika kung sino ito ay kumabog ng sobrang bilis ang kaniyang puso.
Habang nakatingin sa lalaking nakayuko ay patuloy ang pagkalat ng kaba at takot sakaniyang sistema. Nagsimulang mabuo ang pawis sa kaniyang noo't mukha. Hindi na niya kailangang alamin who's behind of that jacket dahil sa katawan at porma pa lamang nito ay hinding hindi makakalimutan ni Aika ang lahat.
Kabisado na niya ang lalaki. The guy is her greatest nightmare.
Akmang hahakbang siya paatras ng may biglang humawak sakaniyang kaliwang balikat. Gulat na napatingin siya sa lalaking humawak sakaniya.
The guy smirk devilishly to her. Binalot ng takot ang sistema ni Aika. Iisa lamang ang nasa kaniyang isipan...
"Hey, lady." ani ng lalaking kaharap. Napabaling si Aika dito. Patuloy pa ring nakayuko ang lalaki at napansin niya na nagsilabasan sa kung saan ang mga armadong lalaki. Nanlamig sa kinatatayuan si Aika habang nililikot ang mga mata sa mga armadong lalaki. They're holding a different kinds of guns.
Tuluyang nag-angat ng tingin ang lalaki sakaniya. And slowly appeared his familiar evil smirk on his face.
Gustong tumakas ni Aika pero pa'no? Nakapaligid na ang mga lalaki sakaniya. At kung magbalak man siyang tumakas ay siguradong papatayin siya ng mga ito.
"Nice to meet you again... That little girl that I've met years ago. How are you?" he said that gives shiver down to her spine.
Nanlalamig si Aika. Bakit? Bakit kung kailan determinado na siyang mabuhay saka darating ang isang ito?
Tumayo ito ng tuwid na mas lalong nagpakaba kay Aika.
"Mikyla Jay Rias." he said her full name.
She gulp hard. At alam niyang nababakas na sakaniyang mukha ang takot at kaba.
"The girl I've met years ago is now a fine lady." tumango tango ito.
You evil! Kapag nakawala ako dito ay hindi kita patatahimikin.
"How are you sweetie?"
Hindi siya umimik.
"Balita ko ay may nobyo ka ngayon." kumabog lalo sa takot ang kaniyang puso. No! Not Bado!
"D-Don't you dare touch him!" sa wakas ay naisatinig na niya.
He laughed mockingly. Nakakakilabot. Mukha itong demonyo sa pagtawa. No talagang demonyo ito.
"You really love him, huh?" he then again laugh.
"Don't wory, I won't hurt him." medyo nabawasan ang kaba sakaniyang puso.
"I won't hurt my son just because of you." nabingi si Aika sinabi nito. His what?
He smirk. "Yes, Aika. Callus or Bado is my son. My one and only son."
---
080319
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro