KABANATA 48
wyrdaest>>
KABANATA 48
"HEY, LADY! I'M asking you." muling sabi ng babae sakaniyang likuran.
Hindi siya kumilos maging ang kaniyang bibig ay naapektuhan. Nabalot ng takot ang kaniyang buong sistema ng marinig ang kasa ng baril na kung hindi siya nagkakamali ay nakatutok sakaniya ngayon.
"Sino ka?" nagulat siya sa pagtatagalog nito. Hindi mo mahahalatang may lahi ito sa pagsasalita ng tagalog. Damn!
Huminga siya ng malalim bago pinilit hanapit ang boses. "A-A-Aika." nanginginig niyang saad.
"I thought you're a deaf... So, Aika... Why are you here?" tanong muli nito.
Mariin siyang pumikit ng hindi masagot ang tanong nito. Dapat una palang ay tinigil na niya ang ambisyong makita ang bahay ng malapitan. Damn!
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito bago narinig ang takong nitong naglakad papalayo sakaniya. Nabunutan ng tinik si Aika sa lalamunan dahil sa paglayo ng babae sakaniya. She took a deep breath before looking at her back. Nilibot niya ang tingin hindi dahil sa kagandahan ng lugar kundi para hanapin ang babae.
Where is she?
Pero teka! Ba't niya hinahanap? Pasalamat nga siya na umalis ito. But--Ugh! Stop it Aika and go!
Maglalakad na sana siya ng matamaan ang babaeng pababa ng grand stair.
Naestatwa si Aika sa ganda ng babae. She really shouted beauty and elegance. And damn! She got an angelic face. Napapaisip si Aika kung ito ba ang nanutok ng baril sakaniya. Parang hindi, she look so innocent. Pero hindi siya dapat magpalinlang sa mukha nito. Malay niya bang may natatagong kamandag pala ito? Hindi natin alam.
She's wearing a beige dress down up to her knees. A curly brown hair down to her waist and she got a bangs. Her glowing and fair skin. Hindi maiwasang mainliit ni Aika sa sariling ayos. Mukha siyang taong grasa dahil sa baho maging ang dugo't pawis sa buong katawan. At maging ang suot niya ay nakakahiya.
The woman walks to where's Aika standing. Paglapit pa lamang nito ay nagdala na ng takot sa buong katawan ni Aika. Kahit maliit ito kumpara sakaniya ay nakakatakot ang aura'ng bumabalot dito.
She smile na siyang mas lalong kinaganda ng babae. Damn!
"Aika." matamis nitong banggit sakaniyang panggalan. At hindi nga siya nagkakamali. Ito ang babaeng nanutok ng baril sakaniya. How come a beautiful woman like her hide her real self?
Nilahad ng babae ang kamay at talagang nanatili ang ngiti sa labi. But Aika thought that something's not right.
"Kezia. Kezia Keren Miller."
Tumingin si Aika sa nakalahad nitong kamay. Nag-aalinlangan siyang tanggapin iyon ngunit inabot niya rin sa huli. Nahiya siya sa dungis sa kamay niya kumpara sa kamay nito. Ngunit mukhang wala lamang iyon sa babaeng kaharap.
Nagbitaw ang kamay nila at nagsalita muli ito. "Pa'no ka napadpad dito at bakit..." pinasadahan nito ng tingin ang kaniyang kabuuan. Muli nanamang nahiya si Aika. Namula ang kaniyang pisngi dahil sa pagtingin nito sakaniya. "Bakit... I mean... Sorry, but can I ask?"
Tumango siya at kinagat ang ibabang labi.
"Why are your body and clothers are full of bloods. What happen?"
Sasabihin niya ba? Maging siya ay naguguluhan din kung sasabihin niya ba o hindi.
"Mind to share it with me?" matamis nitong saad. Damn! Ba't ba ang ganda maging boses nito?
Umiwas si Aika ng tingin bago nagpasiyang sabihin na lamang dito. "N-Nakipaglaban a-ako."
Tumango tango ito. "I see. Oh, come inside." naglakad ito papasok ng bahay at tinungo ang sala.
Nahihiyang naglakad siya habang pasimpleng sinisilip ang kabahayan sa loob. Yes, masasabing mayaman rin sila ngunit hindi ganu'n kalakihan ang kanilang bahay. Masyado nang malaki ang kanilang bahay upang tirhan lamang ng limang tao.
"Mag-isa mo?"
Napalingon siya rito. Nilahad nito ang kamay sa gray sofa nito.
"I'm dirty." aniya at winagayway ang dalawang kamay bilang hindi pagsang-ayon.
"Its okay." she smile.
Wala nang nagawa si Aika kundi ang umupo. Umupo na rin si Kezia sa pang-isahang sofa sakaniyang kanan.
"You win?" kumunot ang noo ni Aika sa tanong nito.
Nakita naman ng babae ang kaniyang naging reaksiyon. "I mean, you fight right? Nanalo ka?"
Mabilis na umiling si Aika. "Hindi ko na tinapos."
"I see." saka ito tumayo. "Wait for me here, I'll lend you some clothes to wear."
Naiwan siyang nakatulala sa kawalan. The woman is so kind. Nangangamba tuloy siya kung nagpapakitang tao lamang ba ito o hindi. Umiling siya at tinapik tapik ang mga tuhod. Ngunit agad natigil ng maramdamang kumirot iyon.
May sugat pa pala ako. Akala ko namanhid na.
Hindi kalaunan ay bumalik ang babae na may dalang damit maging first aid kit.
Kezia smile while walking on near her. Nilapag nito ang dala sa center table. Umupo ito pagkatapos sakaniyang tabi.
"Lets clean your wounds." pero bago nito gawin iyon ay pinigilan ni Aika ang kamay nito. Napatingin naman sakaniya ang babae.
"A-Ako na."
"No, I insist."
"Hindi na talaga. I can do it." she assured.
Nagtinginan sila bago ito ngumiting sumuko at inabot sakaniya ang mga gamot.
***
NAHIMASMASAN SI AIKA habang naliligo. Muli niyang naramdaman ang pagod maging ang gutom. Natapos siyang maligo ay nagbihis na siya ng binigay ni Kezia sakaniya. A mint green strap dress down to her knees. Nag-iwan ng mga bakas ang mga natamong sugat at mabuti na lamang at binigyan siya ni Kezia ng gamot upang madali itong maibsan.
Natapos maligo ay lumabas na siya ng cr ng kwartong kaniya daw munang tutuluyan. Alas dos na ng umaga ngunit hindi pa rin siya makatulog.
Lumabas siya ng kwarto upang daluhan si Kezia sa kusina. Pagkapasok sa bulwagan ng kusina ay abala ito sa pagluluto. Nakaramdam ng gutom si Aika sa naaamoy na luto nito.
Napansin nito ang presensya niya kaya lumingon si Kezia. She smile. "Umupo ka na, ako na ang bahala."
Tumango siya at ngumiti rin ng tipid bago umupo sa island counter nito. Muling lumikot ang mga mata ni Aika at binusog ang mga mata sa nakikitang kasangkapan maging desenyo ng kusina nito.
Maganda--no--perfect. Perkpekto ang laman ng kusina nito. Obviously, the owner wants a spanish styled.
Nilapag na ni Kezia ang pagkain sa mesa kaya napatuwid siya ng tayo. Nagsimula na silang kumain sa niluto nitong breakfast. Egg, bacon and a fried rice.
"Sorry, 'yan lang ang alam kong iluto. Hindi ako nakapaghanda."
"Its okay. Okay na ako dito. Thank you."
She smile then begin to eat. Maging siya ay nagsimula ng kumain. Masarap ang pagkakaluto nito kaya mas lalong natakam si Aika.
Matapos kumain ay nagpresinta si Aika na maghugas ng pinggan ngunit sumalongat roon si Kezia.
"Ako na. Kaya ko naman. Nakakahiya na kasi."
Sa huli ay sumuko na rin ito at hinayaan siya.
Mabilis na natapos ni Aika ang paghuhugas dahil na rin sa kagamitan nitong high tech.
Naglakad na si Aika papuntang sala ng matamaan niya si Kezia na nanunuod ng TV.
Tumingin ito sa gawi niya bago nilahad ang sofa sa tabi nito. Naglakad siya papalapit dito at umupo na rin.
Tinutok niya ang mga mata sa TV. Kasalukuyang pinapalabas ang teleseryeng ayaw niya ngunit hindi siya nagreklamo.
"Alam mo bang ang teleseryeng 'yan ang paborito ko sa lahat." ani ni Kezia.
Nagawi ang tingin ni Aika kay Kezia. Napangiwi siya sa sinabi nito. She loves guns that much?
Kezia glance at her then smile. "Not that I want what they're doing but thats how I lived. Their world is also my world." nagulat siya sinabi nito.
What? Isa itong sindikado? But--no no no.
"I also lived in a complicated world. At hindi ko na ito matatakasan." nanatiling tahimik si Aika habang nakikinig kay Kezia.
She can see in her eyes that she already accept the world where she belong right now.
Kezia shrugged her head. "Ikaw ba Aika? What world do you have?"
"I-I d-don't know-w."
Hindi niya nga talaga alam kung anong mundo ang pinasok niya. Maging siya ay naguguluhan sa nangyayari sa buhay niya.
"Sana ganyan na rin ako sa'yo. I lived but I don't know what world I'm in."
"But thats the problem. Hindi mo alam kung anong mundong tinitirhan mo. Mas mahirap iyon."
"Kezia, i-if you don't mind... W-What world are you in?"
Walang nagsalita sakanilang dalawa. At tanging ang bukas na telebisyon lamang ang nagsisilbing ingay sa buong kabahayan.
"You might scared."
"I don't mind."
She took a deep breath.
"If I tell you... lalayo ka ba sa'kin?"
"I mean... The first time I see you alam kong may magiging kaibigan na akong ituturing without knowing what my world is."
Dumaan ang sakit sa mga mata nito bago umiwas.
"I can be your friend." aniya.
Napatingin ito sakaniya at di kalaunan ay ngumiti ito. Inabot nito ang kaniyang kamay.
Napatingin si Aika sa kamay nilang magkahawak.
"I lived in a hell." nag-angat ng tingin si Aika. Kumabog ng sobrang bilis ang kaniyang puso.
Don't tell me...
"I'm a member of a gangster society."
---
080119
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro