KABANATA 28
wyrdaest>>
KABANATA 28
NANATILI LAMANG SI Aika sa kanilang silid at nakatitig sa kawalan. Gusto niyang tumakas pero magiging dahilan lamang ito upang matawag siyang duwag. Pinili siya hindi para umatras kundi ang lumaban. At iyon ang gagawin niya.
Alam na niyang hindi siya mananalo kung walang tutulong sakaniya. Pero pa'no kapag ang sarili niya ay ayaw makisama sakaniya?
Napahawak si Aika sa noo at mariing pumikit.
Wala na akong kawala sa lugar na ito. Kailangan kong lumaban.
Huminga siya ng malalim. Ramdam na niya ang muling pangingiligid ng luha.
Kailangan niyang magpahangin. Malayo sa lugar na ito.
Tama. Nagmulat ng tingin si Aika at nagtungo ng kaniyang kabinet.
Kumuha siya roon ng maroon sweatshirt at jagging pants saka naligo.
Pagkatapos ay nagbihis siya at nagsapatos. Pasimple siyang sumilip sa may pinto.
Nang makasigurong walang mga taong nagkalat ay agad siyang naglakad palabas. Sinuot niya rin ang hood ng sweatshirt.
Tagong tago ang ginawang lakad ni Aika hanggang sa makarating siyang dulo ng Grave Civis. Ang backdoor ng lugar.
Nilabas ni Aika ang dalang kutsilyo sa sweatshirt at sinimulang hawiin ang mga damo.
Mahina siyang dumadaing kapag nahahagip ang mga kamay. Pagkarating ng backdoor ay nakabukas ito.
May ibang may alam ng lugar na ito?!
Umiling na lamang siya sa isipin at lumabas ng Grave Civis.
Nagulat siya sa nakikita. Ngayon alam na niya ang itsura ng lugar nang maliwanag. Mukhang walang dumaraang mga sasakyan roon dahil sa tahimik ang lugar.
'Di bale na.
Nagsimula ng maglakad si Aika sa mahabang daan na hindi niya alam kung hanggang saan ang katapusan. Mabuti na lamang at tanda niya pa ang daang tinahak nila ni Marcus. Tanda niya nga ba?
Sa kaliwang bahagi ng daan siya dumaan.
Binilisan ni Aika ang maglalakad mahirap na baka may makasalubong pa siyang ibang taong nakakakilala sakaniya.
Habang naglalakad ay naging laman ng kaniyang isipin ang paghahanda sa laban sa maikling panahon. Never niya pang nakitang makipaglaban ang mga leaders.
Masyadong napuno ng katanungan ang isip niya sa pwedeng mangyari kapag nakalaban na niya ang mga leaders.
Paano kapag natalo siya?
Hindi niya rin alam ang gagawin. Baka mabaliw na siya sa kakaisip.
Ramdam na ni Aika ang pagkatalo sa mga ito.
***
"NENG TAGA SA'N ka?" natigil ang pag-iisip ni Aika at tumingin sa likuran niya. Isang matandang babae ang nakatingin sakaniya.
Siya ba ang kinakausap?
"Ako po ba?" tanong niya.
Ngumiti ang matanda at tumango. "Oo ikaw ineng. Sa'n ang punta mo? Mukhang hindi ka taga dito."
She look around at napanganga dahil sa nakikita. May maliit na baryo roon at ang ibang tao ay nakatingin sakanila. Well sino ba namang hindi dahil sa suot niyang makabago? Ang mga tao roon ay nakasuot ng makalumang damit. Fuck! Tama ba talaga ang dinaanan niya?
"S-Sa siyudad po sana." aniya sa matanda.
Kumunot ang noo ng babae. "Sa siyudad? Naku ineng malayo ang lugar na ito sa siyudad."
Nanlaki ang mga mata ni Aika. What?! Malayo? Eh dito ang dinaanan nila ni Marcus nu'n ha?! Baka mali ang dinaanan niya?
"S-San po ba ito, Ale?"
"Nasa Ilocos Sur ka ineng."
Mas lalong nagulat si Aika. Ilocos Sur? Tangina!? Totoo ba?
Akala niya pa naman nasa Manila pa sila? Ilocos Sur ba talaga ang main branch ng Grave Civis?
"M-May sasakyan bang dumaraan dito?"
"Nako ineng, mamayang hapon pa ang sunod na dyep na dumaraan dito pero hanggang Pangasinan lamang ang byahe nu'n."
Pangasinan! Pangasinan naman ang pupuntahan niya? Fuck! Ngayon nagsisisi na siya kung bakit pa siya umalis. Sana hindi na lang siya naglayas, putek!
Tumingin si Aika sa wrist watch niya. Its already 10:30 in the morning.
"Wala po bang pabyaheng Manila?"
Umiling ang Ale. "Naku! Kahapon pa ang byaheng pa-Manila. At madalang lamang ang pagdaan ng dyep dito papuntang Manila. Taga sa'n ka ba?"
"QC po." sinabi niya ang lugar ng Brgy. na kinabibilangan niya.
"Nagmamadali ka ba?"
Umiling siya. Mabuti nga rin na nawala siya para malayo sa problema. Babalik na lamang siyang lungsod kapag nakatakda na ang laban niya.
Ngumiti ito. "Mabuti kung ganu'n. Halika ineng, du'n ka muna sa'min." nauna itong naglakad kaya sumunod na lamang siya dito. Lahat ng mata ay nakatingin parin sakaniya. Ang inosente ng mga ito.
Hindi maiwasan ni Aika na hiniling na sana na ganu'n din siya. Kaso hindi. Pinanganak siya sa magulong mundo.
Nakarating sila ni Aika sa isang kubo roon. Maliit lamang ito.
"Pasensya ka na sa bahay namin. Tatlo lamang kasi kaming nakatira dito. Maupo ka at kukuhanan kita ng makakain, siguradong pagod ka sa iyong paglalakad." iniwan siya ng matanda at du'n lamang naramdam ni Aika ang pananakit ng paa.
Malayo ba talaga ang nilakad niya? Ba't hindi niya naramdaman? Masyado bang nawala ang atensiyon niya ng dahil sa iniisip?
Nilibot ni Aika ang tingin. May dalawang silid roon na ang pinto ay yari lamang sa kurtinang berde sakaniyang harapan. Masyadong makaluma ang lugar. Malayo sa isang modernong bahay.
Malamig ang klima roon marahil sa nagtataasang mga puno sa paligid kahit na mataas ang sikat nang araw. Tahimik ang lugar, malayo sa problema.
Nahagip ng mata niya ang isang litrato sa pagitan ng dalawang pinto.
Tumayo siya sa pagkakaupo sa kahoy na sofa at tinungo ang litratong halatang makaluma na.
Kinuha niya iyon at pinagmasdan.
Isang batang lalaki iyon at ang ginang. May kasama rin itong matandang lalaki na sa pagkakaalam niya ay ang asawa ng matanda. Masyado nang luma ang litrato.
"Anak at asawa ko iyan, ineng." halos mapatalon si Aika sa gulat dahil sa ginang.
Binalik niya sa ayos ang litrato at naglakad muli pabalik ng upuan.
Nilapag ng ginang ang dalang kamote at tubig sa mesang nasa gitna.
"Kain ka, ineng." ngumiti si Aika dito at sinimulang kumain. Alam na niya kung pa'no kainin iyon dahil sa Yaya niya noong--- 'wag na tayong bumalik du'n. Past is past.
Nakangiting pinagmasdan siya ng ginang. Nakaramdam naman ng awkward si Aika.
Gusto niyang singhalan ang ginang pero wala siya sa teritoryo niya. Pinakalma na lamang niya ang sarili.
"Ilang taon ka na, ineng at anong pangalan mo?"
"Ako po si Aika, I'm 24 years old."
"Inglesyera ka pala, Aika. Matutuwa sa iyo ang mga kabaryo ko."
"Bakit naman po?"
Ngumiti ito. Ano? Sanay ba talaga itong ngumiti? "Bihira lang ang mga may alam ng wikang ingles dito sa'min. Ang kapitan lang namin ang marunong umintindi sa mga inglesyerang tulad mo."
Tumango na lamang siya. Pero nakaramdam siya ng inis. Hindi napagtutuunan ng pansin ang mga mababang tao ng gobyerno kaya maraming pilipino ang hindi nakakaintindi ng ibang lenggwahe lalo na ang ingles. Tsk.
Naisip niya, pa'no kapag siya ang nasa sitwasyon ng mga ito? Mahihirapan rin siyang makipag-usap sa mga mayayamang tao?
Mabuti na lamang at pinganak siyang mayaman. Pero minsan na niyang hiling na sana hindi na lamang. Sana naging normal na tao na lang siya.
"Emelda!" sigaw ng isang lalaki sa labas.
Napatingin naman sila pareho ng ginang sa pinto.
"Nandiyan na pala ang mag-ama ko."
"Sandali lamang!" umalis ang ginang at pinagbuksan ng pinto ang mag-ama nito.
Nagmano ang lalaking pakawari niya ay ang anak nitong lalaki at nabaling ang tingin sakaniya. "May bisita pala tayo, Inang." anito. Tumingin si Aika sa lalaki.
May itsura ang lalaki. At talagang bumagay dito ang kayumanggi nitong kulay. Naka puting damit ito at slacks? May suot rin itong sumbrerong yari sa abaka. Teka, nagsasaka ba ito?
Sunod namang pumasok ang medyo katandaang lalaki. Ang asawa ng ginang.
"Oh, Emelda, may bisita pala tayo?" anito. Ganu'n din ang suot nito sa anak.
Nahihiyang ngumiti si Aika sa dalawa. Tumayo si Aika at binati ang mga ito. "Magandang umaga po."
"Magandang umaga din, ineng."
Ngumiti lamang ang lalaking anak ng ginang.
"Aika, eto nga pala ang asawa ko si Mario tawagin mo na lamang siya Mang Mar. Eto naman ang anak ko si Jose." anito.
Nilahad ng lalaki ang kamay kaya inabot iyon ni Aika. At hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Hinalikan ng lalaking ang likod ng kaniyang kamay.
"Kinagagalak kitang makilala, Aika." anito.
Naiilang na ngumiti siya dito at pasimpleng binawi ang kamay.
Napabaling ang atensiyon niya sa matandang lalaki. Inabot nito ang kamay.
Huh?
Napansin siguro ng matanda na hindi niya iyon inabot kaya ito na lamang ang kumuha ng kamay niya at pinagmano sakaniyang noo.
Nakabukas ang mga bibig ng mapagtanto ang ginawa nito. Magmano!
Damn! Aika kailan ka pa hindi natutunong magmano?!
Nakakahiya tuloy.
"Sorry po." aniya.
Nagulat naman ang dalawa sakaniya. May sinabi ba siyang mali?
"Marunong ka palang mag-ingles, Aika?" tanong ng matandang lalaki sakaniya.
"Oho."
"Nako, matutuwa ang mga tao sa'yo dito. Magiliw kami dito sa mga taong marunong mag-ingles. Hindi kasi kami nakapagtapos ng pag-aaral kaya gustong gusto namin ang mga taong marunong mag-ingles." nakangiti nitong saad.
Ngumiti lamang siya. Kanina pa siya ngumingiti. Nakakapagod din pala.
"Oh siya, maghanda ka na Emelda ng makakain ng makapagtanghalian na tayo at ni Aika. Nakakahiya sa bisita natin."
Umalis na si Manang Emelda gayundin ang mag-ama nito. Naiwan siya roong mag-isa.
Hindi maiwasan ni Aika ang mainggit. Ganu'n na ganu'n sila dati ng kaniyang mga magulang. Masayang nagsasama. Pero agad nawala dahil sa isang trahedya.
Nabago ang pagsasama nila. Nagkalayuan ng loob. Hindi lubos maisip ni Aika na darating ang araw na mawawala rin ang masayang pagsasama nila ng mga magulang.
Tama nga na ang lahat ay may hangganan.
Aika feels a hot liquor from her cheek. Then she realized she's crying. A babycry side of her.
Pinunasan niya ang luhang kumawala sakaniyang mga mata at ngumiti ng mapait.
Siguro kung wala siya sa sitwasyong ito hindi sana nagkandabuhol buhol ang relasyon nila ng ama.
Mom, I miss you.
---
061119
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro