Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 23

wyrdaest>>

KABANATA 23

UNANG UMATAKE ANG limang sections sakanila. Nagulat si Aika dahil sa pagka-agresibo ng mga ito. Ang tatlong babae'y papalapit na sakaniya. Huminga siya ng malalim at pumosisyon upang salubungin ang tatlo.

Nagsimula na ring makipaglaban ang mga kasama niya, hindi maipagkakailangang gamay ng mga ito ang pakikipaglaban.

"Yaaaaah!" sigaw ng isang babae at sinugod na siya. Umilag si Aika sa pagtangka nitong paglusob.

Susugod na sana siya ng biglang sumugod ang babae sakaniyang gilid. Fuck! Nakalimutan niya, three vs one ang ganap nila.

Muling inilagan ni Aika ang isa. Humigpit ang hawak niya sa kutsilyo. Saka dinaplisan sa leeg ang isang babaeng susugod na sana sakaniya. Napadaing naman ang huli.

Sunod sunod ang ginawang pag-atake ng tatlo kay Aika. Pero ni isa sa mga ito ay walang nakatama sakaniya.

"Yaaaah!" sigaw ng babae naging alerto naman si Aika umilag siya dito saka pumwesto sa likod nito, tinamaan niya ito sa likuran at sinipa. Nawalan na ng malay ito.

One-zero.

Hinarap niya ang dalawang natira. Akala niya ay susugod ang isa, ngunit ang hindi niya inaasahan ay pareho itong susugod sa gawi niya. Nanigas si Aika sa kinatatayuan, she never expect that!

Parehong nakabantay ang dalawa sa gilid niya habang tumatakbo sakaniya. Ang isa'y hawak ang kutsilyo ang isa nama'y cutter. Nag-iisip si Aika ng solusiyon pero wala! Mental block na siya ngayon!

Nataranta na si Aika habang papalapit ang dalawa. Pasalit salit niya itong tinignan, handa na ang mga armas sakaniyang tumama.

Think, Aika! Think!

Papalapit na ang mga ito. Wala pa rin siyang maisip na paraan upang matakasan ang dalawa. Should she run?! Nooo!!

Ilang inches na lamang ang layo ng mga ito sakaniya. Wala talo na siya. Mariin siyang pumikit. Inantay ang pagdapo ng patalim sakaniya.

Minutes later, wala siyang naramdamang patalim sa kung saang bahagi ng katawan niya. Nagmulat siya ng tingin at tumingin sa paligid. Nagkalat ang mga estudyanteng kalaban. Wala nang natira kahit isa. Kitang kita niya ang dalawang lalaking nakatayo sa kaniyang harapan habang hinahabol ang hininga. It was Draven and Marcus, while looking at the students in the floor. Hawak ang mga armas na puno ng dugo.

Tumingin si Aika sakaniyang magkabilang gilid. Ang dalawang babaeng susugod sana sakaniya ay nakahandusay na rin sa sahig.

But the other girl using a cutter really captured her attention. May tama ito sa braso habang walang malay. It was a knife blade... Wait, knife blade?!

Tumingin sa likod si Aika and she's right, it's Andrew. Ito ba ang tumama sa babaeng susugod sana sakaniya?!

Tumingin si Aika kay Andrew. Hingal na hingal rin ito habang hawak ang duguang knife blade at nakatingin ng kakaiba sa babaeng may hawak ng cutter.

He save me?

Naroon rin sa likuran ang dalawa. Si Bado at Prince.

Maya maya pa ay malakas na sigawan, palakpakan at tilian ang dumagundong sa buong silid.

"As expected, the winner, Section Bloody!" sigaw ng emcee.

Aika took a deep breath then look to the crowd. Still not processing what was really happened. It was fast like a thunder.

Umalis na ang kasamahan niya, sumunod na rin siya dito.

Napunta ang mga ito sa likod ng entablado. Sa locker room ng silid nila. Ang iba ay kaniya kaniyang kuha ng extrang damit sa locker at umupo sa bench, si Prince naman pumasok ng cr.

Naiwan siyang nakatunganga sa gilid ng pintuan habang nakamasid sa lima.

Iba ang pakiramdam ko. I don't know why?

Tumingin siya kay Andrew. May kakaiba kanina sa kinilos nito.

"Y-You saved me." bulalas niya habang nakatingin dito.

Natigil naman ang iba sa ginagawa at tumingin sakaniya. Nagtama ang mga mata nila ni Andrew. Seryoso ang anyo ng mukha.

"It's a competition." malamig nitong saad at tumayo saka naglakad palabas.

Napatingin naman si Aika sa lalaking lumabas. Wait-- bakit ganu'n ito ngayon?! Di'ba pinagbantaan na siya dati nito. Pero bakit siya sinagip nito?! Ugh!! Ano bang merong utak ang mokong na iyon?!

Lumapit sakaniya si Marcus at nilahad ang twalya saka extra shirt. Ngumiti ito. "Here, wear this. Baka magkasakit ka." anito at tinanggap naman ni Aika.

Ngumiti siya dito. "Thank you." Marcus just smile then walk again to his locker.

Nagtataka pa rin siya sa kinilos ni Andrew. Oo, hindi sila close pero there's  something about him. Umiling na lamang siya at tinungo ang cr ng matapos si Prince na maligo, nakabihis na ito.

Lunch time kaya naman napagpasyahan ni Aika na pumuntang canteen. Umorder na siya ng makakain saka sinimulang kainin. Sobrang gutom at pagod siya dahil sa labanan. Pero worth it naman dahil nanalo sila.

Habang kumakain ay bigla na lamang nakarinig si Aika ng sigawan sa bandang harapan. Nagkukumpulan ang mga ito. Out of her curiousity she stand up and walk towards the crowded people.

Nakipagsiksikan siya upang makita ang nangyayari. Halos manlaki ang mata ni Aika dahil sa nakikita. It was Andrew he's fighting a guy!

Wtf! Ano nanamang kalokohan iyon?!

"Are you blind or what?!" kuwelyuhan ni Andrew ang lalaki. Bakas sa mukha nito ang galit. Nag-aapoy sa galit.

Anong problema ng isang 'to?!

"A-Andrew, h-hindi ko naman si-sinasadya..." nanginginig sa takot ang lalaking hawak nito. No one dared to stop them. Wtf?!

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Andrew sa lalaki dahilan para mawalan ng malay ang lalaki at mapahandusay sa sahig. Fuck!

"No one messed up with me! Remember that idiot!" sigaw nito sa lalaki saka umalis ng canteen.

Sari saring bulungan ang narinig ni Aika sa mga tao habang papaalis sa kumpulan. Naiwan namang nakatulala si Aika sa lalaking nasa sahig.

May nangyari ba kanina? He's not in the mood. Ibang Andrew ang nakita ko.

Hindi namalayan ni Aika na tumatakbo na pala siya para habulin si Andrew.

Dumeretso itong tagong lugar. Storage room of the campus. Medyo liblib roon at mukhang hindi dinadaanan ng mga estudyante.

Pumasok ito roon ganu'n din ang kaniyang ginawa.

***

TANGING ANG LIWANAG sa bintana sa kanan ang nagsisilibing ilaw ng lugar.  Makalat, maalikabok. Sirang upuan ay nagkalat rin maging ang mga sirang mesa. Tambakan ng mga sirang kagamitan ang storage room.

Nagtago si Aika sa isang aparador na naroon habang nakasilip kay Andrew sa isang maliit na butas.

Andrew is sitting in the corner, nakayuko ito habang ang dalawang braso ay nasa tuhod.

May problema ba siya?

Saglit niya pa itong tinignan. Mukhang natutulog naman kaya dahan dahang umalis si Aika ng pinagtataguan at akmang hahakbang palabas ng pinto ng makarinig siya ng mahihinang hikbi.

Nanigas sa kinatatayuan si Aika. Is he crying?! Maingat muli siyang naglakad pabalik ng aparador at sumilip. And yes, she's right! Andrew is crying! He wiped his tears using his right hand. May mabigat itong dinadala ngayon.

Nakaramdam naman ng awa si Aika dahil sa nakikita. Pero bakit ito umiiyak?

"T-Trixie..." ani ng lalaki.

Kumunot ang noo ni Aika. Trixie? Is that Andrew's ex? friend? bestfriend? girlfriend?

"S-Sorry, I-I didn't protect you..." nagsimulang umiyak ng sobrang lakas si Andrew. Nag-iwas si Aika ng tingin dito. Pakiramdam niya ay nahahawa siya sa pagluluksa nito. Pakiramdam niya ay sobrang bigat ng kaniyang dibdib dahil sa naririnig. She can't even comfort him!

Alam niyang masakit mawalan ng minamahal dahil naranasan niya rin ito. Pero fuck! That's so selfish! Magkapareho sila ni Andrew na nawalan ng minamahal, yes. Pero hindi siya iniwan ng ibang tao sa paligid niya, which is totally different from Andrew. Nasasaktan ito pero walang ibang matakbuhan. Walang ibang umaalalay.

"T-Trixie... I'm sorry." masakit isiping ang isang Andrew na kilala niyang bully ay nasasaktan rin. She thought that every bully people doesn't know what is feeling to be hurt. But no, mas doble pa rin ang sakit na nadarama ng mga ito. Maybe, they're basing on their experience thats why they choose to bully.

Ika nga nila, 'Don't judge the book, by its cover.' Nakaramdam ng hiya si Aika dahil agad niyang nilait ang lalaki na hindi inalam ang totoong istorya nito. She felt guilt.

Muli siyang tumingin sa lalaki. Nakayuko ito at patuloy na umiiyak. His hand turns into fist.

"I can't even protect you to her... S-Sorry."

Sino ba kasi si Trixie? And wait 'to her?'

Naguguluhan si Aika sa nangyayari pero patuloy pa rin siya sa pagmasid sa binata.

Pinahid ni Andrew ang sariling luha saka huminga ng malalim at humarap sa kawalan. Kita ni Aika ang namamaga nitong mga mata, his eyes are red same as his nose. Dahil sa puti nito kaya halata ang pag-iyak nito.

Ngumiti ito ng mapait. "I also need to protect her. She's silly sometimes but still a good fighter just like you. Sorry kung pati ikaw nadamay sa laban." nanlaki ang mga mata ni Aika. Laban?bTeka? Kalaban ba nila kanina ang Trixie na iyon? Pero sino du'n?

"I just need to protect that girl, Aika." naramdaman ni Aika ang kabog ng dibdib habang sinabi nito ang pangalan niya.

Aika. It was me. He's protecting me? From who?!

"I'm sorry, dear bestfriend." at muling umiyak.

---
060119

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro