Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 16

wyrdaest>>

KABANATA 16

HINDI NAKATULOG NG maayos kagabi si Aika, dahil na rin sa kakaisip ng mga sinabi ni Bado sakaniya.

Tinatamad siyang nagtungong cr at naligo. Lumabas na siya ng cr ng nakatapis lamang ng twalya at hinanap ang uniporme sa cabinet. Nagising siya ng tuluyan ng makitang wala roon ang kaniyang uniporme. Paulit ulit niyang binuklat ang mga damit upang makasigurong nandu'n ang uniporme pero wala.

Fuck!

Mariing pumikit si Aika dahil sa paalala ni Berna sakaniya.

"May one rule po ang campus Ate, 'pag hindi ka nakauniform kapag pumasok ay matinding penalty ang matatamo mo. Kaya pakaingatan niyo po iyang kaisa isang uniporme niyo, mahirap na."

Putek! Ngayon magkakasala pa siya!

Huminga siya ng malalim. Sunod sunod naman ata ang kabadtripan niya nitong nakaraang araw. Hays!

Kumuha na lamang si Aika ng skinny ripped jeans at black shirt saka siya nagsapatos ng black. Hinanap ni Aika ang kutsilyo sa night stand pero laking gulat niya ng wala roon.

Ugh! Nasa'n na ba iyon?!

Busy si Aika sa paghahanap ng may bigla siyang maalala.

Nasa likod ng classroom ang uniporme't kutsilyo niya! Napatapik naman sa noo si Aika. Ugh! Ba't kasi nakalimutan niyang dalhin ang mga iyon.

Tumingin si Aika kay Berna na mahimbing pa rin ang tulog. Gigisingin na sana niya ito ng makitang sobrang himbing ng tulog nito at mukhang walang balak pumasok. Tsk. Baka makaabala lang siya sa pagtulog nito kaya 'wag na lang.

Naglakad na siya palabas ng silid at tinungo ang classroom sa kabilang building. Pinagtitinginan siya ng mga tao dahil sa suot niya. Well, lahat ng mga ito ay nakauniform except from her.

Hingal na hingal na pumasok siya ng classroom. Teka---

"Miss Aika! Why are you not wearing your uniform?!" namula na sa galit ang proof niya. Oo, nandito na ang lahat maliban sakaniya. Anong oras na ba?

Napatingin si Aika sa malaking wall clock malapit sa entablado. Halos lumuwa ang mata dahil sa nakita. Shit it's already 9:30 in the morning. At ang klase niya ay kaninang 8 am pa!

Nakabawi na si Aika sa pagkahingal at hinarap ang proof na galit na galit.

"S-Sorry sir, I forgot it at the locker. Kaya hindi ako nakapag-uniform." pagpapaliwanag niya pero hindi pa rin kuntento.

"Follow me." naglakad na ito paakyat at lumabas ng classroom naiwan naman siyang nakatunganga sa pintong nilabasan nito.

Hindi na siya nag-abalang lumingon sa mga kaklase at sinunod ang kaniyang proof. Hindi nakaligtas kay Aika ang bulungan at tinginan ng mga estudyante sakaniya.

'Hala! Ba't hindi siya nakauniform?'

'Lagot ka girl!'

'Nako! Sana mabuhay ka pa'

'Hays! Ang arte kaseee!'

'Kung sumunod ka na lang.'

Ilan lang iyan sa kaniyang naririnig. Anong ibig sabihin ng mga ito? Teka? Simpleng punishment lang naman ang makukuha niya di'ba? Parang ordinary---

Hell! Nakalimutan niyang hindi basta basta ang university na kaniyang pinasukan. Huminga ng malalim si Aika at tumingin sa bulto ng likod ng kaniyang proof.

Shit! Aika anong ginawa mo?

Nakarating sila sa isang pinto. Guidance office, maybe.

Pero hindi lamang iyon basta bastang guidance office. Iba ang aura ng silid na iyon. Masama ang kutob ni Aika. She took a deep breath again to calm herself. Shit! Kahit anong gawin niya ay takot talaga siya sa kung anong mangyari. Pumasok ang proof niya roon kaya sumunod siyang muli. Pero mali ang akala niya, isa nga itong guidance office. May sofa sa gilid, table of the guidance council. Tinignan ni Aika ang pangalan ng tumatayong guidance council.

Mika Dela Fuentes.

Wala ito kaya naupo muna sila ng proof niya sa sofa'ng malapit sa table ng ginang. Hindi siya kinibo ng proof niya. Kaya tahimik siya sa gilid habang nililibot ang tingin. Hanggang sa magawi siya sa isang pinto. Walang label na nakalagay kung para sa'n iyon.

Maybe the bathroom?

Pero hindi siya kumbinsido sa sariling isipin. Kakaiba ang aura ne'to. Muli siyang huminga ng malalim. Seconds later the guidance council arrived. Ngumisi ito kay Proof at kay Aika. Umupo ito sa swivel chair without breaking the gaze to them.

"Anong sa'tin, Gio?" tanong nito.

"Someone break the rule." saad ng proof niya at tumingin sakaniya. Nanatili lang na nakatingin si Aika sa ginang habang seryoso ang mukha.

"Well, ano bang ginagawa sa mga rule breaker?" she smirk devilish. Mas lalong natakot si Aika sa nakikita.

Pinagpapawisan na siya. She gulp many times. Her hands are shaking. Hindi niya maipahiwatig ang takot na nadarama. Pero pinanatili niya ang seryosong mukha.

"Punishment. A devil punishment." galit na saad ng ginang at tumingin sa mga mata ni Aika.

Sinalubong ni Aika ang nag-aapoy nitong titig. Kailangan niyang maging matapang sa harap nito.

***

PUMASOK SILA AIKA sa pintong kaniyang nakita sa silid na iyon. At tama ang hinala niya, may tinatagong kamandagan ang silid na iyon. The room is so dark tanging ang bumbilya lamang sa gitna ang nagsisilbing liwanag. Nahagip ng mata niya ang mesa 'di kalayuan, she gulp hard when she see something on the table. Isang latiko. Nag-iwas siya ng tingin roon at nakitang lubid sa ere.

Naguguluhan si Aika pero isa lang ang malinaw sakaniya ngayon. That is their way of punishing people who's breaking their rule.

"Pahirapan 'yan." ani ng guindance council at umalis ng silid kasunod ang kaniyang proof. Hinawakan siya ng dalawang malalaking tao sa magkabilang braso at dinala sa parte ng may lubid.

Hindi na nakipag-argumento si Aika. Mahirap na baka hindi lamang iyon ang mapala niya. They grab her wrist up to the air then tie it with a rope that she saw earlier tightly. Napadaing naman sa isip si Aika dahil sa higpit nito.

Malayo ang ilaw sa parteng pinagtalian sakaniya kaya malaya siyang mag-iba ng ekspresiyon. Ngayon takot at kaba ang nakarehistro sa kaniyang mukha. May pumasok na lalaki sa silid ngunit hindi niya masyadong maaninag kung sino ito. Hanggang sa naglakad ito papalapit ng mesang may latiko. Du'n na niya tuluyang nakita ang mukha nito.

The guy is wearing a black mask. Tanging ang mga mata lang nito ang nakikita. His wearing a black jacket and a faded jeans. Hinawakan nito ang latiko at pinaghahampas sa hangin. Lumikha iyon ng ingay.

Mas lalong kinabahan si Aika dahil sa narinig. Fuck! Wala na talaga siyang kawala.

"Someone tried to break the rule, eh? Eto lang ang masasabi ko miss... Dead end." anito at lumapit sa kaniyang pwesto.

"'Wag kang mag-alala. Hindi 'to masakit." pang-aasar nito.

Hindi na nagreact si Aika at inantay ang pagdapo ng latiko sakaniya. Alam na niya ang pakiramdam ng mataan nu'n, minsan na silang nag-ensayo ni Marcus nu'n. Kaso iba pa rin ang pakiramdam 'pag iba ang gumawa nu'n sayo. Saglit pa nitong hinawakan ang latiko at tinama sa kaniyang kaliwang binti.

"Uggghhh!" humigpit ang hawak ni Aika sa lubid at mariing pumikit. Umarko ang kaniyang katawan sa hapdi. Shit! Iba ang inaakala niya sa latiko. Ang latikong iyon ay may mga tinik not a simple one.

Fuck! Dama ni Aika ang sakit nu'n pakiramdam niya ay hinihiwa ang kaniyang kaliwang binti. Daing lamang siya ng daing hanggang sa medyo nawala na ang sakit. Sunod sunod ang ginawa niyang paghinga, ramdam na niya ang pagpapawis dahil na rin sa dulot na sakit.

"See? Hindi masakit di'ba?"

Hindi niya ito pinansin at bumuntong hininga. Then again the guy hit Aika on her right leg, ni hindi pa nga nakakabawi sa unang pagtama ng latiko sakaniya.

"Aaaaaahhhhhh!" napatingala si Aika sa sakit muling naramdaman. Nanginginig na ang kaniyang mga tuhod. Para siyang binabalatan sa ginawa nito. Ramdam niyang kumapit ang mga tinik nito sa kaniyang kanang binti at napunit ang suot na skinny jeans. Huminga ng huminga ng malalim si Aika. Pakiramdam niya ay napagod siya sa ginawa nitong pagtira. Tagatak na ang pawis niya.

Hindi pa siya tuluyang nakakarecover ng tumirang muli ito. This time he hit her again to her right leg. Malapit sa una nitong tinira.

"Uuuuuuugggghhhh!" pinanggigigilan ni Aika ang pagkapit sa lubid, nanginginig na ang buong kalamanan. Ramdam niyang mas lalong bumaon ang ginawa nito. Naliligo na sa sariling pawis. Her eyes are half shut, dahil sa panghihina't pagkapagod. Daing lamang siya ng daing.

Wala siyang magawa.

Palo. Daing. Palo. Daing.

'Yan ang ginawa niya hanggang sa tuluyang bumigay ang katawan. Marami na siyang pasa sa ibabang parte ng katawan. Ramdam niya ang hapdi, dugong dumadaloy na pinaghalong pawis. Mahapdi ito kapag naghahalo. Sunod sunod ang ginawa niyang paghinga. Pero hindi siya nagpatinag.

"Kaya mo pa?"

"D-Demonyo kayo." nanghihinang aniya.

Bumigay na ang tuhod niya kaya mukha siyang nakasabit ng keychain sa bag dahil sa nadarama. Sumasakit na rin ang kaniyang mga braso't kamay dahil sa higpit ng kapit ng lubid. Sigurado siyang magbabakas iyon.

"Matagal na. Dapat alam mo na 'yan." ani ng lalaki at tinamaan siya sa kaniyang mga tuhod.

Muli siyang dumaing. Humahapdi na talaga. Ughhh!

Mabigat na ang paghinga niya dala ng sobrang pagod.

"Ano? Gagawa ka pa ng ikakapahamak mo?"

Kahit mabigat na ang talukap ay sinalubong niya ang lalaki sa mata. Hindi niya ito makitang mabuti dahil sa dilim.

"N-No one w-will control m-me, idiot." matapang niya pa ring saad.

"I won't force you." anito at tatamaan na sanang muli ng biglang may nagsalita sa kanilang likuran.

"Stop it, Sab." ani ng lalaking tinig sa likuran nila.

Napatingin naman ang lalaki sa kaniyang likuran at dali daling binitawan ang latikong hawak at lumapit sa lalaki. Hindi na masyadong maaninag ni Aika kung sino iyon dahil na rin sa pagod at dilim ng lugar. Nanlalabo na ang kaniyang paningin. Sunod sunod ang kaniyang panghinga. Ramdam ang pagod at uhaw.

"B-Boss Kyle... anong ginagawa niyo dito?"

Habol pa rin ang hininga ni Aika habang nakatingin sa lalaking nagpahirap sakaniya. Nasa madilim na parte ng lugar ang kausap nito kaya hindi niya masyadong maaninag.

"Pakawalan mo na siya."

Sumunod naman ang lalaki at dali daling kinalas ang lubid. Parang papel na nahulog sa pagkakatali si Aika dahil sa natamo. Nahihirapan na siyang tumayo habang habol pa rin ang hininga. Umalis ang lalaki at pinabayaan siya roon. Nakahinga na sa malamig na sahig si Aika. Naliligo sa sariling dugo at pawis.

She suddenly heard a footstep going to her. Kahit nahihirapang makakita ng maayos ay nakita niya ang malabong bulto ng lalaki. Lumuhod ito at pinatitigan siya. Hindi niya pa rin maaninag ang mukha nito.

"Mahina ka."

---
052519

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro