Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 15

wyrdaest>>

KABANATA 15

HINDI MAKAGALAW SA pwesto si Aika. Pakiramdam niya ay nanghihina siya dahil sa pagkalapit nila ng binata.
She finds him attractive yet also looks like a pervert--no a real pervert. Tsk. Sayang gwapo kaso bastos.

Pinipigilan ni Aika ang paglalapit ng mukha nila. Ayaw niya nga. It should be romantic.

"Come on, Aika. You're Aika right?" tanong nito.

Hindi pa rin niya ito sinagot. At nanatiling walang emosiyon ang mukha pero sa loob loob niya ay takot na takot na siya sa pwedeng mangyari. Oo, magaling siyang makipaglaban pero tiklop siya 'pag lumapit na ang lalaki sakaniya sa mukha.

Ilang segundo na lang ay maglalapit na ang mga labi nila.

1...

2...

3...

4...

Mariin napapikit si Aika. Wala na. Wala na ang first kiss niya. Nag-antay pa siya ng paglapit ng mukha nito pero wala siyang madama. Ni hininga ay hindi na niya maramdaman. Dahan-dahang iminulat ni Aika ang mga mata. Kumunot ang noo dahil hindi na niya mahagilap ang lalaki. Nilibot niya ang tingin at nakita ang PE uniform sa bench malapit sa cr.

What happen?

Hindi niya gusto ang mahalikan, buti na lamang. He's strangers to her eyes. Kahit kaklase niya ito ay hindi niya pa rin ito kilala ng lubusan.

She think his name was Andrew? If she's not mistaken.

Hanggang sa unti unting natauhan si Aika. Nakaramdam siya ng galit sa ginawa ng lalaki. Now she's angry. Kinuyom niya ang mga palad at nanlilisik ang matang nakatingin sa pintong palabas ng locker room.

You fucking bastard! Magbabayad ka.

Nabalot na nakakatakot na aura si Aika at padabog na tinulak ang pinto lumikha iyon na ingay. Pinabayaan niya ang PE uniform sa loob at naglakad palabas ng likod. Nagulat siya sa ayos ng classroom na iyon. Mukha itong covered court. Nakagilid na ang mga upuan sa gilid. Hindi niya alam kung pa'no nangyari iyon. It looks like the same to the covered court from the real venue.

Nakita niya ang mga kalalakihan sa gilid at abala ang mga ito sa pagpili ng mga patalim na gagamitin. Hanggang sa mahagip ng mata niya ang lalaking hinahanap. Muli nanamang nabuhay ang kaniyang galit. Kinuha niya ang kutsilyo sa likod at patagong tinago sa kamay. Naglakad siya palapit sa pwesto ng mga lalaki.

"Oh Aika, I thought you're wearing your P.E. uniform already." ani ng proof niya pero hindi niya ito pinansin. Dire diretso si Aika sa pakay. Natigil sa pagpili ang iba ng armas at tinignan ang kaniyang galaw.

Lumapit siya sa pwesto ni Andrew. Natigil ito sa pag-aayos ng patalim which is isang itak.

Nagulat ito pero agad ding ngumisi. "Aika, may kailangan ka?" pang-aasar ng loko.

Ngumisi rin pabalik si Aika ng malademonyo at kagaya ng parati niyang inaasahan ay nagulat ito sa itsura niya.

"Gusto ko lang tuparin ang hiling mo." saad niya.

Kumurap kurap ang lalaki at ngumisi rin sa huli. "Really?" masigla nitong saad.

Ramdam ni Aika ang mga matang nakatingin sa ginagawa nila.

"Really." at nilabas ang kutsilyong hawak at dinuro dito.

Nanlaki naman ang mga mata nito. Maging ang mga nanonood ay nagulat rin.

"But first, kiss my knife." seryoso niyang saad.

Kumarap muli ito at sumeryoso ang anyo ng mukha. "You can't do that." seryoso nitong saad.

Nanlilisik ang mga matang tinignan niya ito at inilapit pa lalo ang kutsilyo sa bibig nito. Napaatras naman ang huli. "I'm a devil, honey. Wala akong sinasanto." saad niya.

Walang pumigil kahit ni isa sakaniya. Alam niyang hindi na siya mapipigilan ng tatlo, kapag galit siya ay kailangan mong dumistansya, dahil wala talaga siyang patawad.





"Ano bang kinakagalit mo? Hindi lang nakabili ng cerelac nagkakaganyan ka na? Ano ka bata?" suway sakaniya ni Draven.

Pumunta silang mall dahil may pinabili ang boss nila. At sakto nahagip ng mata niya ang cerelac na paboritong paborito niyang papakin.

Kaso hindi siya pinagbigyan. Kaya nagalit siya.

"It's delicious! Hindi mo kasi naiintindihan." aniya habang naglalakad palabas ng mall.

"'Wag na, Aika. Matanda ka na, act like one." pagbibilin nito.

Hindi na siya makatiis pa. At agad na inilabas ang kutsilyo. Nagulat naman si Draven sa ginawa niya.

"Bibilhan mo ako o hindi?" pagbabanta niya.

Mabuti na lamang at walang katao tao sa parking lot sa ibaba kaya malaya niyang tutukan ng kutsilyo ang binata. Ngunit alam niyang may cctv ang basement ng mall, ngunit wala siyang pakialam.Nagagalit siya ngayon. And no one will stop her.

"Ang sinasabi ko la--"

Mas lalo niyang inilapit ang kutsilyo sa bibig nito.

"Just say it! Fuck!" nararamdaman na niya ang galit sa buong kalamnan. Hindi na niya makontrol ang sarili.

"Shit, eto na!" ani ni Draven at muling bumalik sa loob at bumili ng tatlong box ng cerelac.

"Happy?" sarcastic nitong tanong.

Ngumisi siya at inabot ito. "Very." masaya niyang sabi.

Umiling ito. "Iba ka magalit, Aika."

Ngumisi siya at naglakad papalapit ng motor.



"Ano bang ikinakagalit mo? I'm just asking! Hindi ko naman nakuha di'ba?" galit na ring saad ni Andrew.

"You son of a fuck! Hindi mo nga nakuha pero balak mo! Fuck you." aniya at dinaplisan ito sa braso. Hindi ito nakailag kaya natamaan ito. Sunod sunod na mura ang narinig niya sa lalaki.

Nanginginig na siya sa galit.

"Tama--"

Nanlilisik na ibinaling niya ang tingin sa proof. Napaatras naman ito at tinikom muli ang bibig. Walang nagbalak lumapit sakaniya. Maging ang mga kagrupo ay hindi siya nilapitan.

"Humanap ka ng makakatapat mo. Iba na lang, idiot! Hindi ako basta basta, remember that." aniya at bumalik ng likod pero bago iyon ay nilingon niya ito.

Dumadaing pa rin ang lalaki sa sakit. 

"Sa susunod na gawin mo 'yun ay hindi lang 'yan ang mapapala mo."

***

NAKAPAGPALIT NA SI Aika ng P.E. uniform at lumabas ng likod. Tahimik na ang mga itong nag-eensayo. Wala roon ang lalaki at ang proof, apat na lamang ang nandu'n.

Naglakad na siya palapit sa gitna at pumili ng kutsilyo. Maraming dugo ang kutsilyo niya kaya pumili na lamang siya.

Nang matapos ay pagalit na ibinato niya ito sa pakwan 'di kalayuan. Tumama iyon sa uluhan. Tsk. Sablay nanaman.

Pinakiramdaman ni Aika ang paligid. Sobrang kahihiyan ang ginawa niyang pagtira.

Hays, ang bobo, Aika! Ang bobo.

Tumikhim siya at kumuhang muli ng kutsilyo. Nagfocus siya sa target, maya maya pa ay tinira niya iyon. Kaso muli siyang nabigo, sa uluhan muli ng pakwan tumama.

Mariin siyang pumikit.

"Focus." ani ng lalaking malapit sakaniya.

Napatingin siya dito. It was Bado without looking at her. Nakafocus ang mga mata sa pakwan maya maya pa ay kumuha ito ng medyo may kalakihang kutsilyo at tinira ang pakwan. Napatingin naman si Aika roon, sakto gitna tumama.

Magaling talaga kahit kailan.

Seryoso itong humarap kay Aika. "Bakit mo ginawa 'yun?" kumunot ang noo niya seconds later she already know what his referring.

"Bagay lang sakaniya 'yun. Manyak e." kumuha muli siya ng kutsilyo at tinapat sa target. Napangiti siya ng tumama iyon sa gitna.

"Still." giit nito.

Napairap si Aika at mataray na tinignan si Bado. "Ano? Hahayaan ko na lang? Maraming lumalaki ang ulo dahil sa pagpapabaya, Bado. Dapat alam mo 'yan." protesta niya.

"Kaya ba naging ganyan ka dahil pinabayaan ka." malaman nitong saad.

Natigil naman si Aika at tumitig sa mga mata nito. What is he saying?

"A-Ano bang sinasabi mo?" umiwas siya ng tingin at muling inabala ang sarili sa pagbato ng kutsilyo kaso muli siyang sumablay. Nagulo ang isip niya sa sinabi nito.

"You don't have to be bold or certain to be brave always, Aika. Kailangan mo ring maging duwag minsan. Hindi pwedeng galit na lang parati ang paiiralin mo."

Napatigil muli si Aika sa ginagawa. Sapul na sapul siya sa sinabi ni Bado. Sumusobra na ba siya? Pero tama lang ang ginawa niya.

Why does he can't understand it?

Anong pinaglalaban nito?

Ugh!! Bado!!!! I don't understand you sometimes! I hate you!

"I-I'm just protecting myself. Alangan naman wala akong gawin." aniya.

"Control your emotions, Aika. Hindi mo alam nakakasakit ka na pala ng iba sa ginagawa mo." with that he walk away.

Napatingin naman si Aika sa papalayong bulto ni Bado. What was that for?

Bakit ang lalim ng pinaghuhugutan nito?

May problema ba ito?

Umiling na lamang siya at pinagpatuloy ang pagbato kaso parati itong sablay dahil na rin sa iniisip.

Bakit Bado? Anong nangyayari?

Umiling siyang muli at umalis ng classroom at nagtungong dorm nila.

Wala na siyang ganang pumasok ngayon. Dahil sa sinabi ni Bado, naging palaisipan iyon sa kaniyang isip.

---
052419

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro