KABANATA 14
wyrdaest>>
KABANATA 14
BUMALIK NA SI Aika sa classroom niya. Mukha siyang timang sa tuwing naaalala ang yakapan nila ni Bado. Pangiti ngiti siya. Tinakpan naman ni Aika ang mukha saka umupo sa bandang harapan.
Am I blushing?! Anong nangyayari sa'kin?!
Natauhan siya at biglang pinagsasampal ang mukha. "Stop blushing! Shit!" mahina niyang bulong sa sarili.
"Crazy woman. Tsk." ani ng baritonong boses sa bandang taas. Natigil naman si Aika sa ginagawa at tumingin sa likod.
Halos lumuwa ang kaniyang mata sa nakikita. Shit! He's the guy that she see in the nipa hut yesterday. Ang lalaking nakita niyang gumagawa ng kababalaghan sa bahay kubong iyon. Fuck don't tell me...
"Quit staring, woman." anito at naglakad pababa palapit sakaniya. Si Aika at ang lalaki pa lamang ang tao sa classroom nila.
Lumapit ito sa pwesto niya. Hindi pa rin tinatanggal ni Aika ang tingin sa lalaking kaharap.
Ngumisi ito at yumuko, pinantay sa mukha niya. Napaatras naman si Aika.
"M-Move away." suway niya dito. Katulad kanina, ay ngumisi lamang ito at mas lalong inilapit ang mukha sakaniya.
Kinabahan si Aika pero pilit niyang tinatago iyon. Kaso bigo siya. Iba talaga ang epekto sakaniya kapag nilapit na ng mga lalaki sakaniya ang mukha.
"You're pretty." puri nito at nilikot ang mga mata hanggang sa dumako sa kaniyang mga labi.
Nahigit ni Aika ang hininga. Pinagpapawisan na siya kahit na sobrang daming aircon sa classroom.
"I s-said... move a-away." pagbabanta niya pero wala lamang iyon sa kausap.
"Damn, you have a sexy kissable lips." anito at dahil malapit ang mukha nila sa isa't-isa ay naramdaman niya ang hininga nito. Hindi niya ipagkakailang mabango ang hininga nito.
Shit! Umayos ka nga Aika!
Pigil na pigil ni Aika ang hininga. Napahawak na si Aika sa arm chair ng upuan, ni hindi siya makagalaw.
Pumikit ang lalaki at mas lalong inilapit ang mukha sakaniya. Nanlaki naman ang mga mata ni Aika at umatras muli.
Fight Aika!
Du'n na siya natauhan. Nanlilisik ang matang tinuhod niya ito sa pagkalalaki nito.
Napadaing naman ang huli at hinawakan ang pagkalalaki nito. Lumayo ito sakaniya kaya nakahinga siya ng maluwag. Hindi maipinta ang mukha ng lalaki.
"Fuck!" mura nito habang namimilipit sa sakit.
"Pervert!" sigaw ni Aika dito.
Umayos ng upo si Aika at hinayaan niya lamang ang lalaking mamilipit sa sakit.
Maya maya ay umayos na ito ng tayo at nanlilisik ang matang tumingin kay Aika.
"Damn you, woman!" nanggagaliiting sigaw nito.
Aika smirk devilish makes the guy look shocked. Well, iba talaga ang itsura niya kapag ganu'n. Then crossed her arms.
"Well, thank you then." she said in sarcastic tone.
Nakabawi naman na sa pagkabigla ang lalaki at ngumisi saka umiling. "You're different from the other girls... I like you." puri nito.
Nawalan naman ng emosiyon ang kaniyang mukha. "Don't be, Mister. Hindi kita type." deretsa niyang saad.
Lumapit nanaman ito sakaniya. Napaatras nanaman sa kaniyang upuan si Aika. Ugh! Kailan ba siya titigilan ng lalaki.
"Really?" nakakaloko nito saad.
"Y-Yes. So f-fuck off." matapang niyang saad.
Ilalapit na sanang muli ng lalaki ang mukha ng biglang may nagsalita bandang taas.
"Fuck off or I'll kill you." ani ng pamilyar na boses sakaniya.
Natigil naman ang lalaki at tuminging taas. Nawala lahat ng emosiyon nito sa mukha at umayos ng tayo. Kunot noong tinignan naman ni Aika ang tinitignan nito.
It was Draven with his blank face.
Teka anong nangyayari?
"Draven." ani ng lalaki sa malamig na tono. Wait what?----
Ngumisi lang ang huli. Nagpasalit salit naman ng tingin si Aika sa dalawa. Nakakunot ang kaniyang mga noo.
"Your girl?" basag ng lalaking kaharap kay Draven.
"No-oh. But keep your distance away from her, fucker." saad ni Draven at naglakad papalapit sa lalaki.
The guy is still smirking. "Ba't naman kita susundin?" nang-aasar na sabi ng lalaki.
Nagsubukan ang dalawa ng tingin. Mga ilang minuto na lamang ay baka magsuntukan na ang dalawa. Kaya tumayo na si Aika at pumagitna sa dalawa.
"Can you stop both of you!" sigaw niya sa dalawa.
Tumingin si Aika kay Draven na walang emosiyon ang mukha. "Draven, stop." suway niya. Saglit na tumingin si Draven sa lalaki at hinila si Aika palabas. Nagulat si Aika pero agad ding nakabawi.
"Nice to meet you, Miss. Soon you'll be mine." sigaw ng lalaki.
Tumingin si Aika dito ng masama but the guy just plastered a playful smirk.
***
"DON'T EVER COME near to him." ani ni Draven habang hinihila pa rin siya sa kung saan.
"Hindi naman ako ang lumapit du'n. And for your information I can handle myself." saka siya umirap sa hangin.
Natigil naman sila at seryoso siyang hinarap ni Draven. Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat at nilapit ang mukha. Namilog ang mga mata ni Aika at umatras.
"W-What are you doing?" kabado niyang saad.
Draven smirk then move away. Nakahinga naman ng maluwag si Aika. "See? It was just a simple closeness yet you look nervous." saad nito.
Pinangningitan niya ito ng tingin. "I'm not! Tsk." giit niya.
Binitawan na nito ang balikat niya at nakapamulsa saka ngumiti. "Chill Aika, chill." then he chuckled.
Nakagat ni Aika ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Hindi niya pinagkakailang namiss niya ang kalokohan nito maging si Marcus. Pero hindi niya pwedeng ipakita dito na natutuwa siya.
"Ba't nandito ka?" tanong ni Aika dito.
"I just miss something."
Kunot noong tinignan niya ito.
Ngumiti ito ng tipid. "I miss you, Aika." seryoso nitong saad.
Aika stilled. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Inantay ang iba pa nitong sasabihin.
"Please come back to us. Miss ka na namin." saad nito.
Ngayon hindi niya alam kung uunahin niya pa ang pagkainis or patatawarin na lamang ang mga ito. Kaso may parte sakaniya na nagsasabing hindi pa. Half half ba.
"You're joking right?" saka siya pineke ang tawa.
Seryoso lamang itong nakatingin sakaniya kaya tumigil na siyang tumawa at tumikhim.
Huminga siya ng malalim. "I-I don't know." tuluyan niyang saad at nag-iwas ng tingin dito.
"H-Hindi ko na alam... Nasaktan ako Draven. Pakiramdam ko hindi ako parte ng grupo... K-Kaya sana bigyan niyo ako ng space. I need to think seriously." saad niya at humakbang papalabas ng classroom na kanilang pinuntahan.
Tuluyan na sana siyang aalis ng bigla itong magsalita. "It's confidential, Aika. Soon you'll understand why we need to hide it from you." mahina nitong saad pero sapat na para marinig niya iyon.
Hindi na lumingon pang muli si Aika at lumabas na ng classroom na iyon. Ramdam niya ang panghihina at pag-init ng teinga at mga mata. Pinipigilan niya ang maiyak dahil sa sinabi nito.
Pumasok na si Aika sa classroom kumpleto na ang naroon siya na lamang ang hindi. Pero ang nakapagtataka ay iba ang mga suot ng mga ito. She think it was the PE uniform of the campus.
Dark green jogger pants and a simple white shirt. Kumunot ang noo niya, wala namang natanggap na PE si Aika.
Naupo na siya sa harapan na ramdam ang tinginan ng mga tao sakaniya.
"Good Afternoon, students. So we'll have an exercise today to know what you're capable of. I-eensayo natin ang paggamit niyo na inyong mga armas. I think you're al---Aika why are you not wearing your PE uniform?" tanong nito.
"I don't have one, Sir. Kailangan pa ba?" tanong niya.
"Of course, siguro ay hindi lang nadaan sa'yo. Kumuha ka na lang sa likod."
Tumango siya at pumuntang likuran. May isang pinto lamang roon, binuksan niya iyon at tumambad sakaniya ang maraming locker room sa dulo ng pasilyo ay mayroon muling pinto, comfort room to be exact.
"Sa'n ba dito iyon?" bawat locker ay binubuksan niya na, kaso walang laman ang halos lahat. Bakit kasi hindi niya nai-tanong sa Proof niya kung sa'n banda. Hays, Minsan talaga hindi siya nag-iisip.
Binuksan niya lahat hanggang sa wala pa rin siyang makita. Naiinis na sinara niya ang pinakahuling locker na binuksan.
Where is it?
Naupo si Aika sa bench na naroon. Nakakainis. Muli siyang natingin sa pintong naroon.
Baka naman nadu'n lang?
Tumayo na siya at naglakad patungong cr. Pipihitin na sana niya iyon ng may magsalita sa kaniyang likuran.
"Eto ba ang hinahanap mo?" anito.
Napatingin naman si Aika sa kaniyang likuran, kaso mukhang nagkamali siya dahil ilang inches na lamang ang pagitan ng mukha nila ng binata.Nahigit ni Aika ang hininga dahil sa pagkakalapit nila ng mukha ng binata. Ngumisi ito at pinakita sa gilid niya ang isang pares ng PE uniform.
"G-Give me that." aniya at inabot ang PE kaso iniwas ito ng lalaki.
Nanlilisik ang matang tinignan niya ito. Kaso hindi nagpatinag ang lalaki.
"In one condition."
Hindi siya umimik at tamad na tinitigan ito.
"Just one kiss." mapang-akit nitong bulong.
Nataasan naman ang balahibo ni Aika sa narinig. Nakaramdam siya ng takot at kaba dahil sa sinabi nito.
No. Fucking. Freaking. Way.
---
052419
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro