KABANATA 1
wyrdaest>>
KABANATA 1
Three years later...
"UY BADO!" TAWAG ni Mikay kay Bado.
Kasalukuyang naglalaro ng cellphone si Bado habang siya ay stress na sa plano nila mamaya.
"'Wag kang magulo, Aika. Naglalaro ako." inis nitong saad.
Napanganga naman si Aika sa sinabi nito. Aba'y ang gago!
Inis na tumayo si Aika at kinuha ang cellphone nito.
Sunod sunod na mura ang narinig niya kay Bado.
"Gago! Uunahin mo pa ito kaysa sa plano mamaya? Inaasahan tayo ni Boss." suway niya rito.
Napasimangot naman ang loko.
"Oo na. Tsk."
Ngumisi siya at umupong muli sa mesa. Sa mahigit tatlong taon niyang nanirahan doon nasanay na siya sa gulo roon. Kailangan niya lamang makipagsabayan.
Naalala pa ni Aika kung pa'no siya napadpad roon.
---
"Ma'am andito na po tayo." nagising si Mikay sa boses na gumising sakaniya.
Nagmulat siya ng tingin at tumingin sa bintana.
Magulo.
Maingay.
Awayan.
Sigawan.
Makalat.
Sobrang gulo. Her brows furrowed. Hindi masasabing mga tao pa ang nakatira roon. Mga alagad ata ni santanas.
Huminga siya ng malalim saka nagbayad.
Lumabas na siya ng sasakyan at kinuha ang maleta sa compartment. Tinapik niya ang pwetan ng taxi saka kumaway.
Muling tumingin sa paligid si Mikay. Shit! A living hell, this is their place.
Nanlalambot ang tuhod niya sa nakikita pero kailangan niyang harapin iyon saka napatakip ng ilong. Ang baho ng lugar o sadyang hindi lang siya sanay sa amoy na nalalanghap.
San 'to?
Umiling na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad papasok ng magulong lugar na iyon.
"Hi miss!"
"Naks! May pangpulutan ngayon!"
"Witwew!"
Patuloy lang sa paglalakad si Mikay. Walang patutunguhan. At hindi nababagay ang katulad niya roon. Itinago ang totoong nararamdaman sa pamamagitan ng blankong mukha.
Pero ito lang ang lugar kung saan hindi tatangkaing hanapin siya ng kaniyang ama kaya no choice.
Lahat ng makakasalubong niya ay iba ang tingin. They stared at her like she is the only person in their world. Oo naman di'ba? Mas mukha siyang tao sa mga naroroon.
"Sino yan?"
"Anak ata ni Ebeng?"
"Kay ganda naman niyan? Baka naman hindi."
"Siguro. Pero pa'no napadpad 'yan dito?"
"Mukhang mayaman."
"Ay! Ang puti!"
"Jusko, naligaw ata sa'tin?"
Samu't saring bulong ang naririnig niya. Bulong nga ba talaga?
Patuloy pa rin siya sa paglalakad. Walang patutunguhan.
Mabaho ang amoy ng lugar. Shit!
Because of you dad! I need to live in this hell.
Kanina pa nirereklamo ni Mikay sa kaniyang isip ang ama. Kung sana ay sinunod nito ang gusto niya sa buhay 'edi sana wala siya sa lugar na iyon ngayon.
Napayuko siya. Nangingiligid ang luha sa mga mata. Pero kailangan niyang maging matatag.
Natigil sa paglalakad si Mikay ng may mabangga siyang matigas na pader... Err, 'di rin niya alam.
Nag-angat siya ng tingin. Isang lalaking mataba pero matso. Nakangisi ito sakaniya. Shit, sabi na hindi pader iyon.
Bumangon ulit ang nararamdamang takot si Mikay.
"Miss. Sa'n ang punta mo? Samahan na kita." anito at ngumisi katulad ng aso.
Manyak. Ganyan ang tingin ni Mikay sa lalaking kaharap.
Umiling siya at mahigpit na hinawakan ang hawakan ng maleta. "N-No, thanks. I can handle m-myself." She said in a shakey tone.
Nagtinginan naman silang mga kalalakihan. At sabay sabay na umiling.
"Pare, inglesyera pala yan e!" sigaw ng isa.
"Oo nga pare! Englesh him! Englesh him!" sigaw rin ng isa.
Napatingin muli ang nasa gitna ng dalawa sakaniya. Naguguluhan siya sa mga ito.
"I don't now wat to sai!" anito. [I don't know what to say]
She frowned. Maya maya ay pinigilan ni Mikay ang matawa. Shit seryoso ang anyo ng mukha nito habang sinasabi iyon.
Tumikhim siya. "Excuse myself, Mister." aniya.
Pero hindi siya pinatakas ng tatlo.
"Sa'n ka naman pupunta? Wi not dun yet!" ani ng lalaking nasa kanan. [We not done yet.]
Namumula na si Mikay hindi sa takot kundi sa pagpipigil ng tawa.
"Oh! way ar u red red?" tanong ng nasa kaliwa. [Why are you red red?]
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Ramdam niya ang pamumula ng mukha.
"Miss, I'm askeng. Wer r yu prom?" ani naman ng nasa gitna. [I'm asking. Where are you from?]
Hindi na napigilan ni Mikay ang matawa.
"Anong nakakatawa ha?" pagalit na sigaw ng nasa gitna.
Natigil naman sa pagtawa si Mikay. At tumingin dito. Shit! Nakakatakot ang anyo ng mukha nito. Muli siyang binalot ng takot. Isang maling galaw ay sigurado siyang papatulan siya nito.
"N-Nothing." she plainly said.
"Wala? Eh ba't ka tumatawa?" sigaw ng nasa kanan.
Nagkibit balikat siya. At nag-iwas ng tingin nakakatakot salubungin ang galit na titig nito.
"Aba'y gago!" akmang hahawakan na nito ang braso niya ng may biglang nagsalita.
"Froy, Kaibigan. Masamang pumatol sa babae." napatingin naman silang lahat sa pinggalingan ng boses na iyon. An icy baritone voice.
Nasa likuran ni Mikay ang lalaki at nakasandal sa poste malapit sakaniya.
Parang nagslow motion ang lahat. Damn. May naliligaw na gwapong lalaki pala sa lugar na ito?
The guy is wearing a faded ripped jeans and a simple sleeveless caramel shirt na sinadyang gupitin ang mga manggas.
"B-Bado." kinakabahang sabi ng lalaking nasa gitna. Nawalan pa ng kulay ang mukha at mababakas ang takot roon.
Kunot noong tumingin si Mikay sa lalaking kaharap. Namumula ito maging ang mga kasamahan nito.
Bakit?
Ang kaninang sobrang ingay ng lugar ay ngayon ay natahimik.
Huh? Anong nangyayari?
Naramdaman ni Mikay na may lumapit sa likuran niya.
Tumingin siya sa likod. But that's her wrong move. Ilang inches na lang ang pagitan ng mga mukha nila ng lalaki.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi malamang dahilan. Ang lakas ng aura ng lalaki na hindi niya makayanan.
Ngumisi ang lalaki. "Umatras ka muna, Miss. May pag-uusapan lang kami ng kaibigan ko." anito.
Nilayo na ng lalaki ang mukha nito sakaniya. Gulat pa rin si Mikay sa nangyari kaya hindi siya agad nakagalaw.
"Tsk." he hissed.
Hinawakan ng lalaki ang braso niya that sends so many voltage in her body then place her to the road side.
Bumalik ang lalaki sa mga kaibigan daw nito.
"B-Bado. Pasensya na. N-Nakikipag-usap lang naman kami doon sa babae." dahilan nung lalaking nasa gitna. Sumang-ayon naman ang mga kasama nito.
Nagulat si Mikay. Nakikipag-usap? What a big word.
She mentally rolled her eyes because of that.
"She's my visitor. Hindi niyo siya pwedeng hawakan at makausap ng ganun, Froy." she suddenly got shocked. That guy. He can speak english. Marunong ito. And he's not like anybody. He must be something.
"Pasensya na, B-Bado."
"Pasensya na."
"Sori."
Ngumisi si Bado daw. Bigla na lamang nitong sinipa sa tiyan ang lalaking nasa gitna habang nakapamulsa ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon. Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa ginawa ng lalaki.
Fuck!
Napadaing naman ito sa sakit. Kay laki ng katawan pero takot sa lalaking kaharap?
"Next time, hindi lang 'yan ang mapapala niyo." anito at lumapit sa gawi niya.
Nakakatakot ang aura nito. Hinila siya nito sa braso at naglakad sa hindi niya malaman kung saan habang akay akay ang maletang dala.
"Bado nga pala."Nakangiti ito ng tipid saka nilahad nito ang kamay sa harap niya pagkarating nila sa isang bahay. The house was so simple compared to the other households in that place. It looks neat outside, she conclude its also neat inside. Hindi marumi at hindi masikip. Not bad.
Tumingin si Mikay sa kamay nito. Pero agad niyang napansin ang tattoo nito sa pulsuhan. A leon one.
"Mikyla. Mikay nalang for short." inabot niya ang kamay rito at ngumiti ng malawak sa lalaki na agad napalis ng makaramdam ng kuryenteng dumaloy sa buong kalamnan niya dahil sa simpleng skin contact. Anong nangyari?
"Mikay? Ang pangit naman!" inalis na nito ang pagkakahawak sa kamay niya.
Nakaramdam siya ng disappointment. Hindi dahil pinakawalan nito ang kamay niya well sort of. Kundi dahil sa sinabi nito.
"Maganda naman, ha?" depensa niya.
"Mikay? Eh kung... Aika! Aika na lang kaya itawag ko sayo?" he suggest and he smiled once more, this time it is widerthan the other one.
She stilled. She didn't expect that someone will decid of what will be her nickname. First time... na lalaki.
"A-Aika?" tanong niya.
Tumango ang binata at ngumiti ng totoo sakaniya. That. Freaking. Smile.
Nag-iwas siya ng tingin. "S-Sige. Ikaw ang bahala." aniya.
***
"NATUTULALA KA NANAMAN. Anong iniisip mo?" tanong ni Bado na nakapagpabalik sa kaniya sa reyalidad.
Tumingin si Aika dito. "H-Huh? Wala. Ipagpatuloy na natin ang plano." aniya.
Tumango lang ito at muling tumingin sa hawak niyang papel.
"Mamaya na ang laban ng grupo sa Dragon Lid." ani ni Bado.
Napangisi si Mikay at tinapik ang balikat nito. "Good luck, mamaya." Aniya.
Nagkibit balikat ito. "At bukas na rin ang laban mo. Isasabak ka na sa labanan, Aika." tumingin ito ng seryoso sakaniya.
"Handa ka na?" tanong nito.
Bumitaw si Aika ng hawak sa balikat nito at nag-iwas ng tingin si Mikay. Nakakahipnotismo ang titig nito.
"K-Kaya ko. At handa na ako." aniya.
Ngumisi si Bado at ginulo ang hanggang leeg niyang buhok.
Nanlilisik ang matang tinitigan niya ito. "Ano ba?" naiinis niyang suway. Kung guluhin nito ang buhok niya ay parang isang mabalahibong aso.
Natawa naman ito. "Wala. Bagay naman pala sa'yo ang maikling buhok. Nung unang salta ka dito ang haba ng buhok mo. Mukha ka tuloy white lady." at natawa nanaman ito.
She rolled her eyes. "Gago." tumayo na siya at umakyat ng ikalawang palapag ng bahay. Ang bahay na iyon ang pinagdalhan sakaniya ni Bado.
Akala niya bahay iyon ni Bado hindi pala. Pagmamay-ari iyon ng leader nilang si Dale. Boss Dale.
Dito rin nakatira ang ibang myembro ng samahang napabilang siya.
Ang Leon War. Ang siyang naging pamilya niya simula ng maging isa siyang myembro dalawang taon ng naganap.
Hindi pa rin niya makakalimutan kung pa'no siya napasok sa larangan ng gangster society. At nagpapasalamat siya roon.
She's not the Mikyla back then. That Mikyla is already dead three years ago.
Aika. Aika na ang pangalan niya. Ang Aika, na bagong katauhan niya.
---
050219.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro