Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(7)

Kabuoan at Katauhan

+Pang-pito+
--SMUTSTULA--

Wangis mo'y panlaban
sa madla'y nasisilayan ang 'yong kakaiba kagandahan.

Mula sa mahaba mong buhok
at sa labi mong natural ay pulido ang pula hanggang sa sulok.

Sa mga mata mong nangungusap,
tila kapag tinitigan ang sarap mong pagmasdan lalo na kapag ika'y kausap.

Sa pilik-mata mong kay haba,
ay hindi na kailangan ng kahit anong kolorete tanging pagpikit lamang at ito'y madadala.

Sa dibdib mong pangmalakasan
ang mga kalalakihan ay nagkukumahog na ika'y masilayan kahit sa malayuan.

Sa hubog na'yong katawan
kakaibang hugis ang kaagaw-pansin ng karamihan.

Ngunit sa'yong kabuuan,
busilak pala ang puso mo— 'yan ang tunay na kagandahan.

Hindi naman basehan ang kasuotan mong maiksi
ika'y nagpapakatotoo at 'yan ang tunay na nais.

Ngunit pangalagaan pa rin ang sarili,
at tandaan na respeto mo'y p'wedeng madali.

Ipakita lamang ang nararapat,
at patuloy sa sarili  na maging tapat.

Hayaan ang mga taong bulag ang isip,
sila'y kulang sa dunong kaya patuloy ang paninisi.

Ilaban lamang ang kagandahang taglay,
at hayaan mong sila'y hatakin ng alindog mo.

-Roselia Poessy


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro