(20)
Huling Kuwento ng Tayo
+++ Ikadalawangpu +++
+
SMUTULA+
Tanaw-tanaw ang mayabong mong mga mata,
Ang kintab ng labi mong nakakadala, sinta.
Ang pangungusap mong may pagbabanta,
Na dahilan para manatili ako sa bisig mo.
Subalit hindi ka nakakasindak, kundi giliw ika'y nakakasabik.
Masyadong detalyado ang kilos mo,
Nakakamangha at palagi kong inaabangan ang mga ito.
At higit sa lahat, hindi man maganda ang naging simula, subalit ito ang dahilan para mabuo ang táyo.
Sa bawat haplos na iniiwan mo, kakaibang kiliti ang nagmamarka,
Daig nito ang kuryente kumikitil sa'king kabuoan, dahil aminadong hinahanap.
Ang pagsinta mong wagas na ikaw lamang ang may dalang paralumang sangkap.
Mga pangako mo, patuloy kong hinahagkan at naniniwalang maisasakaruparan mo.
Kaya't sinta, iiwan ko ang aking paalala.
Nais ko sanang manatili tayo hanggang may paghinga,
Tandaan mo, ikaw lang ang tangi kong pahinga
Madalas man nauuwi tayo sa pagtatalo, ikaw lamang ang gusto at mahal ko.
-Roselia Poessy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro