Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(17)

Aking Daing

+++ Ikalabing Pito+++
+

SMUTULA+


Ilang araw ang nagdaan, at kahit buwan ika'y inaabangan.
Mensahe mo aking hinihintay sa tuwing sa oras ng ating pahinga, tayo ay maglalambingan.
Alam kong abala ka, sa mga bagay na kailangan ngunit sa tuwing ang pagod ay dama.
Tinatahak mo aking lungga para lamang pakawalan ang iyong sakit at mga hirap na dinadala.

May pagkakataon man tayo'y hindi nagkakaunawaan,
nawawala ang pagkakaisa at katotohanan ng pag iibigan, ngunit sa huli ang punto ng bawat isa ang natatanggap.
Hanggang mauuwi tayo sa sa isang pagsubok na iba ang hinahanap.
Kakaiba ang ating mga galaw na masyadong nagpapaubaya sa isa't isa.

At ang daing ay iisa, hindi mapagkunwari dahil parehas ang dinadaing.
Masyadong mabagal at mabilis na tila ba hindi p'wedeng itigil.
Parehas tayong sabik, higit sa lahat hindi tayo papapigil.
At labi natin ay nagdikit, inangkin ang bawat sandali na may minimithi.
Ikaw at ako ay nagkulong sa ating mga daing, na hindi natin kaya baguhin o alisin— dahil ito ang pagsintang may kinalaman ang kalayawan, hiyaw ng ating mga katawan.

-Roselia Poessy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro