Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9 #smashedsrs

"Yeah..." Napahagod siya ng mga daliri sa buhok at nilingon ang entrance ng building nila. "I'm with Ulrich and Stance. Pababa na rin mga 'yon. Can you wait?"

"Sure!" gulat kong sambit. "I didn't know they're athletes too."

Nakakunot pa ang aking noo nang maisip na manlalaro rin ang dalawa. Hindi naman sa hindi halata iyon. Sadyang hindi ko lang siguro sila napag-isipan ng ganoon.

He smiled at me. "They are, but not badminton. Nag-breakfast ka na?"

"Uhm... Oo. Bread lang."

Nangingiti siya nang nagtaas ng isang kilay. "You're fine with just that?"

"P'wede na," I answered, shrugging my shoulders and with also a small smile. My eyes widened when I spotted his friends exiting their building. "Ayan na sila!"

Kasusuot lang ng I.D. si Stance habang naglalakad at si Ulrich naman ay tumigil sa tapat ng nakaparadang sasakyan doon upang manalamin sandali. Sumisipol si Ulrich nang palapit na sa amin ni Uno. Parehas silang natigilan nang mamataan ako.

"Miss Rivi!" Ulrich exclaimed while they were both nearing us.

"Miss ka nang Miss. Rivi na lang," nakangisi kong sinabi.

"Saan ka... galing?" litong tanong ni Stance sa akin at lumingon sa paligid namin. "Sinundo ka, brad?" tanong niya nang dumestino ang mga mata kay Uno.

"Huh? Ba't ako susunduin?"

Ulrich chuckled in the background.

"Kasali na siya sa badminton. Naka-dorm na rin," dagdag na paliwanag ni Uno.

Namilog ang mga mata ni Ulrich at mangha akong sinipat. "Nice! Galing, ah!"

Sinangga ko ang palad ko sa kaniya dahil nakaangat iyon at malinaw na nag-aabang ng high five. "Hindi, ah. Sakto lang. Salamat."

Nanunudyo niyang tinakpan ng palad ang bibig, may takas na ngiti. "Sus! Humble!"

Kusang umusli lang ang aking nguso. Hindi naman talaga, eh. I don't think highly of myself when it comes to badminton even if it's the sport I deeply love.

Sa tingin ko, ayos lang naman 'yon. Na aminin natin sa sarili natin na hindi tayo o hindi pa tayo magaling dito o riyan. O kaya kung may mga bagay talaga tayong hindi kaya. Kasi normal lang naman 'yon, 'di ba?

Saka kapag alam kong nagkukulang pa ako, mas magkakaroon ako ng drive na mas pag-igihan ang ginagawa at mas matuto. Personally, mas matindi iyong urge na nararamdaman ko niyan.

Pabiro akong h-in-ead to foot ni Stance. "Sa datingan na 'yan? Feeling ko MVP levels."

Nanlaki ang mga mata ko. Ang OA!

"Sabi nila... magaling ako. Naniniwala naman ako. Pero alam kong hindi sa level ng mga star players." Napabuga ako nang hininga at kumapa ng mga salita. "Basta, hindi pa ako satisfied. Para sa'kin, I'm not yet that great."

Ulrich's face suddenly softened and concern crossed his eyes. "Hala ka naman. Ba't mo naman dina-down bigla sarili mo—"

"No, no! I'm not!" natatawa kong tanggi. "I was just being honest. And I didn't mean that in a bad way na as if minamaliit ko na sarili ko. 'Wag kang mag-alala."

Bumaling si Ulrich sa gilid nang inakbayan siya ni Stance. Kita kong halos sakal na nga ang estilo ng pag-akbay nito sa kaibigan.

"Tara na, almusal," anyaya ni Stance.

"May klase na yata si Rivi, eh?"

I transferred my eyes to Uno who was looking at me while waiting for my response. Kaagad kong pinindot ang cellphone na hawak ko lang para makita ang oras.

"Anong oras first class mo?" si Stance.

"Halos isang oras pa bago 'yung unang klase ko."

"Huh?!" eksaheradong bulalas ni Ulrich na halos mapapikit ang isang mata ko. Pinasadahan niya ng tingin ang ayos ko. "Ang aga mo namang umalis sa dorm?!"

"'Di ko pa kasi kabisado rito. Sabi walking distance lang papuntang school. Kakapain ko pa 'yung daan kaya maaga sana akong aalis."

"15-minute walk lang naman galing dito," sabi ni Uno. "Wala namang mga pasikot-sikot kaya madaling matatandaan."

"Nilalakad n'yo lang din?" I asked out of curiosity.

"Naman, brad!" Ulrich burst out laughing. "Magsasayang lang ng gas kung gagamit pa ng wheels, aba. 'Pakalapit, eh!"

The corner of my lips twitched in acknowledgement. Besides that, it's also an exercise to walk in the morning. Puwede nga ring jogging. Road to healthy lifestyle lang!

"Tara na, tara na, almusal," awat ni Stance sa discussion namin. But this time, he even pulled Ulrich's arm with him as he advanced steps.

Ulrich shook his head repeatedly. "Para naman 'tong ano! Gutom na gutom?!"

Mahinang tinampal ni Stance si Ulrich sa tiyan bago ako tiningnan. "Sama ka na, Rivi! Tara!" He wriggled his eyebrows at me while he was slowly dragging Ulrich who was letting him.

Kaya ayon, nang-iwan at nauna nang maglakad ang dalawa. Naramdaman ko naman na agad akong tinabihan ni Uno. It turned out automatic when we started walking abreast each other, following his friends.

"Inaantok pa 'ko," he shot casually and almost indecipherable because he was yawning. "Good morning nga pala."

I laughed. "Good morning. Sa'n tayo kakain?"

"Malapit lang naman," aniya at tinanaw ang mga kaibigan kaya sinundan ko siya ng tingin. "Ayun oh, 'yung pinasukan na no'ng dalawa."

"Oh."

Hindi ko alam kung gawa ba ng mahahabang binti nina Stance at Ulrich o hindi ko lang napansin na tumakbo na sila kaya ang layo na bigla ng agwat namin. Despite that, Uno didn't quicken his pace so I didn't too.

"What do you guys usually eat? Ano mga nasa menu?"

"Classic Filipino breakfasts. Goto, champorado, spaghetti... the likes. Also the meal with the combo of fried rice and egg and the other available dish. For breakfast."

He was yet in the middle of enumerating but my mouth already salivated. Nakagugutom tuloy talaga bigla. Kanina, sapat naman na ako sa tinapay. Now, it suddenly lacked.

"Breakfast lang sila open?"

"Nope. Hanggang hapunan 'yan sila bukas. Nga lang, sa breakfast lang kami kasi nasa school naman kami kapag tanghalian. Dinner, we explore."

Tumango-tango ako.

I feel like what he said is a mirror of my upcoming routine too. Pero expected naman na talaga iyan sa independent living, lalo na at dorm type ang akin. Kung apartment sana na kumpleto sa appliances at hindi limitado ang maaaring gawin.

Naalala ko tuloy iyong isang blockmate ko na narinig kong magkwento sa kaibigan. Nangayayat daw siya simula noong nag-dorm. It was followed by Mommy's reminder about maintaining a healthy body by eating nutritious food.

Kaya ko naman siguro.

Ito kasi ang unang beses ko sa ganito. I mean, I experienced living in a house without my family but that was just a vacation. I spent it with my grandparents. So this is quite different. At noong high school ako, hindi naman kailangan mag-dorm ng mga varsity players.

About feeling homesick... Hmm... that visitor haven't arrived in my system yet.

Hindi na ako nakasagot kay Uno dahil nasa tapat na kami nitong kainan. Hindi na rin naman siya humabol ng kahit ano tungkol sa topic.

Masikip sa pakiramdam at maliit sa paningin ang espasyo. Reason why Uno appeared like a giant when he stepped in through the doorless entryway. Halos maabot na nga rin ng ulo niya ang itaas na parte ng door frame.

That, I think, was also by courtesy of his broad shoulders and his enviable wealth in height. I suddenly wanted to become a thief and steal a bit of his tallness!

Ganoon din siguro ang naging sitwasyon noong dalawa kanina kaso hindi ko lang nakita. The three seems like they share the same heights or if not, there must be just small differences. Speaking of which, nakaupo na ang dalawa sa may sulok.

"Pansit na lang sa'kin," sabi ko. Parang natakam ako sa pansit bihon nila.

Inabutan kami ng kaniya-kaniyang kubyertos na nababalutan ng tissue bago umalis iyong babae. Probably to prepare what we ordered. Mga SiLog ang sa tatlo. Kay Ulrich, hotdog. Kay Stance, tapa. Kay Uno naman, corned beef.

"Consistent 'yung orders n'yo?" tanong ko. I undressed my utensils and used the tissue to wipe them just to make sure.

"Hindi," sagot ni Ulrich. "Iba-iba. Depende sa gusto ng dila."

"Ikaw? Paborito mo 'yung bihon?" si Stance.

"Uhm, not really. Do'n lang din natakam dila ko ngayon."

"Ayan na!" Ulrich announced excitedly.

Hindi ko na kinailangan na lumingon. Isa-isa nang nilapag sa tapat namin ang mga plato. Impressive. Mabilis ang serving nila.

Nga lang, nang umalis ang babae ay nadismaya ako. Pinakialaman ko iyong lalagyan sa gitna ng mesa at tiningnan ang mga naroon.

"What is it?" biglang tanong ni Uno.

He was seated beside me. In front of us were his friends.

I glanced at him briefly and resumed my search. "Kalamansi sana."

"Ah, wait."

Huminto na ako at pinagmasdan na lang siyang tumayo. Halos mabulunan pa si Stance nang nakita iyon. He quickly gulped what was inside his mouth.

"Oy, suka rin ng tapa ko!" habol nito kay Uno.

I watched how Uno politely asked for Stance's vinegar and my calamansi. Inabot niya agad ang lalagyan ng suka kay Stance nang makabalik.

He sat again. Napakagat ako sa ibaba kong labi nang mapansin na mukhang hindi ibibigay sa akin ni Uno iyong kalamansi. Siya yata ang pipisil no'n.

Ayoko kasi ng didikit sa daliri ng iba ang katas na babagsak sa kakainin ko. I mean, it would be better if I'd be the one to squeeze it. Mas panatag dahil sinisiguro ko namang malinis ang kamay ko. But not that Uno's hands were dirty though. Neat kaya siya lagi tingnan.

As a source of relief, he took a tissue and used that as he positioned the calamansi. Kinuha niya rin ang tinidor ko para salain iyong mga buto.

"Thank you."

Binalot niya na nang tuluyan sa tissue ang kalamansi. He stood and threw it to the trashcan fortunately near our table.

Nakaisang kayod pa lang ako ng tinidor sa pansit nang i-check ko ang oras sa cellphone ko. Nakarinig agad ako ng singhap mula kay Ulrich.

"Relax, you're not gonna be late!"

"Eh, baka mabagal kayong kumain!" asar ko.

He clicked his tongue. "Sanay mga atleta sa bilis, aba."

I surrendered to that. It was nothing but a fact. Nagsimula na kaming kumain. Maingay silang kumain, nangunguna si Ulrich. Most of the time, they would make me the center of attention while we were eating so I didn't feel out of place.

"Rivi," narinig kong tawag ni Uno sa kalagitnaan ng pag-ipon ko sa huling subo. Tumingin ako sa kanya na hawak ang pitsel. "Tubig?"

May maliit na ngiti akong umiling. "I have my tumbler with me."

He just nodded then he looked at his friends. "Oh. Tubig."

"Mamats!" si Ulrich nang tanggapin ang baso na inabot ni Uno.

Umalis din kami makalipas ang ilang minuto matapos kumain. Insultong-insulto ako habang naglalakad kami. Puro tore ba naman sila, eh?

They were right about the way not being difficult to memorize. Pakiramdam ko, tanda ko na agad. They were also right that it's just a short walk.

Pagkapasok sa school, lumiko sa kanan si Ulrich na hindi ko alam kung bakit nakatikim ng kutos kay Uno. He was cupping his head when he turned and faced us.

"Ano?" he asked Uno with a grimace.

"Ihatid natin, brad. Pinilit n'yong isama kumain tapos 'di n'yo manlang ihahatid?"

Naitikom ni Ulrich ang mga labi. His eyes found mine. "Ay, sorry. Nawala sa isip ko na kasama natin si Rivi. I didn't mean to be rude."

But that wasn't totally rude, if I would be asked. Hindi naman required iyon lalo at ginusto ko rin namang kumain kanina.

"It's fine." Hinarap ko naman si Uno. "'Wag n'yo na 'ko ihatid, Uno. Ayan lang naman building, eh." I even pointed at the nearest building which is ours.

"Ayan lang naman pala, then let's go," si Stance at naunang maglakad.

Ulrich followed him. "Follow the leader, leader," he sang.

Nanatili namang nakatitig sa akin si Uno, naghihintay na kumilos ako. Bumuntong hininga ako at umamba na ring maglakad.

"Wala pa ba kayong klase?" tanong ko. Why would Ulrich head to the other side a while ago? Nasa iisang building lang naman kami.

"We have about thirty minutes left. Tatambay muna sana kami sa plaza."

"Dapat dumiretso na kayo ro'n."

Nilingon niya ako at inarkuhan ng isang kilay. "Malapit na tayo sa building, oh?"

Sumuko na ako dahil second floor lang naman ang klase ko. The shame would double if it was on the top floor. May elevator naman kaso more time of them to consume pa rin kasi.

"Diyan ka na?" si Uno nang ituro ko ang classroom ko.

Hinarap ko ang tatlo, nasa likod ko ang pintuan. Nakatanaw sa bandang dulo ng hallway si Ulrich at Stance. May pinag-uusapan kaso hindi ko alam kung sino.

"Yeah, dito."

Sumilip lang si Uno sa may kaunting siwang ng pinto. Si Stance naman ay bumaling na sa akin. Nang napansin ni Ulrich, tumingin na rin siya sa akin.

"Bye, brad!" si Ulrich, sumaludo sa akin.

Kumaway ako sa kanilang tatlo bago ako pumasok sa classroom. Nakatalikod na silang tatlo nang isara ko ang pinto. Pagkaupo ko, huminga ako nang malalim. Alright, the first morning of living away from my family was spent with the three towers. Not bad. Nabusog ako.

My time for appreciation and chance to linger on the relief I was feeling was cut off when our instructor came in. Nagpatuloy ang kalbaryo ng ikalawang semestre. Pagdating ng hapon, wala na akong klase. For the sake of our trainings, we were mandated to zero our class schedule during those hours.

Nagbihis ako ng training clothes at shoes. Pinuno ko rin ang insulated flask ko mula sa water fountain bago tumungong covered court. I blinked my eyes to soothe my nerves. Madami na sila... at hindi ko sila kilala lahat. Some faces were familiar, but only that.

Nang nilingon ako noong isang grupo ng mga babae na nadaanan, alinlangan akong ngumiti. The girls returned it and their smiles looked comfortable unlike mine. Hindi nagtagal, nagkuwentuhan na ulit sila.

That broke the faith I had. I thought they were going to ask me to mingle with them. But maybe, that was considered too much for now. Pumunta na lang ako sa maluwag na sulok. I sat on the maple flooring, reclined against the wall, and hugged my folded legs.

Ilang segundo pa lang akong nagmumuni-muni, naging aligaga na ang mga tao. Namataan ko si Coach Quimpo na taas-noong naglalakad at diretso lang ang tingin. Unconsciously, I stood straight and watched them all meticulously.

"Women!" sigaw niya na nagpalundag sa mga balikat ko.

As if that one word sufficed, the girls gathered in the middle. I think it's the routine when they automatically formed a platoon without being verbally told to do so. Itinaas pa nila ang mga kanang braso upang sukatin ang layo sa katabi.

Nakisunod na lang ako at dahil hindi pa pamilyar sa mga gawain, sa likuran ako nanatili.

"Uy, Rivi! Rivi, 'di ba?!"

I turned my head to the right side. Nanlaki ang mga mata ko. "Uy, Jenica!" natuwa kong tawag sa isa sa roommates ko.

She waved her hand at me with the widest grin her lips could ever make. Tumingin ulit siya sa harapan nang magsalita na naman si Coach Quimpo.

"Warm up then get your racquets," she instructed then jerked her chin. "Now, begin the warm up exercise."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro