Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8 #smashedsrs

"Hi."

My eyes rounded a little when I lifted my gaze. "Uy. Hi."

The last time we talked was that night, a few hours before the New Year's Eve. Specifically, it was four days ago. Hindi rin naman kami nagka-text. Because for what?

Uno was wearing our school's black jogging pants for P.E. but his top was a gray Nike dri-fit shirt. Hindi suot ang I.D. dahil nang ipinatong niya ang sports bag sa mesa, nakita kong nakarolyo ang lace sa isang kamay at hawak niya lang ang I.D. card.

Pinagsalubong ng itsura niya ang mga kilay ko. Maybe he was from P.E. class? But he looked fresh that as in his skin impossibly exuded sweat? Papunta pa lang siguro?

He was smiling boyishly while settling himself on the concrete seat across me where his friends sat before they left earlier. Ma

"Sabi nina Ulrich, nandito ka raw," he supplied with a shrug.

"Ah, oo. Nandito nga silang dalawa kanina. Halos kaaalis lang nga. Diyan nakaupo."

"Kinulit ka ba?"

Kumibit balikat ako. "Medyo. Ayos lang."

I couldn't tell if he noticed my reluctance with how I responded. Napaisip lang ako kung bakit siya nandito. This is how friends are, right? You approach them at school. Napasinghap ako sa isipan ko. Are we friends now?

He scrunched his nose. "Sorry. Ganun talaga sila."

Kumibot ang isang kilay ko. "Sila lang?"

Natigilan siya at halatang hindi inasahan iyon. Tumiim ang nakangiti niyang mga labi nang tumango isang beses. "Kami."

Bumunghalit ako at aliw na pinilig ang ulo. Uno bit his lower lip to stifle a wide smile. His eyes dropped to my iPad when I looked back at it too.

"Busy ka ba?" he asked.

I failed to instantly formulate a safe answer. Dahil tama siya at busy talaga ako kaso kung sasabihin ko iyon, magmumukhang pinapaalis ko siya o istorbo siya. I think it would be an impudent move.

"Ah, wala, advance reading lang," tipid ko na lang na sagot.

"Ay, sorry."

I hastened a smile, though I didn't make it look like it. "Okay lang, baliw."

"Sige. Patambay, ha?" He quickly raised a hand like he was about to pledge. "Hindi ako manggugulo. Iidlip lang ako."

"Go lang!" tumatawa kong sinabi. "'Di naman akin 'tong spot para paalisin ka. Nagbabayad ka rin naman sa school."

"Nauna ka rito," he pointed out.

Kumibit balikat ako. "Kahit na."

He just smiled. Nginuso niya ang cellphone ko. 

He was obviously urging me to resume reading. Tumango ako. Hinilig niya na ang ulo sa mesa para simulang umidlip tulad ng sinabi. Payapa naman akong nakapagbasa habang nakayuko si Uno sa harapan ko. Mag-iisang oras din 'yon. Mula noong humilig siya ay hindi siya bumangon. He napped nice, huh? 

May klase na ulit ako. Magbubukas na rin ang ilaw dito dahil didilim na since this is an open area. Napaigtad bigla ang mga balikat ko nang may sumabog na tune. It didn't take me long to know that it was from Uno's cellphone. I was sure that it was... He set an alarm.

Pupungas-pungas pa siya nang iangat ang ulo at hagilapin ang cellphone. He was rubbing his eye when he cut the tune attacking our eardrums.

"May klase ka?" tanong ko.

Napatingin siya sa akin at umiling. "Training."

My mouth formed a small circle in amusement. May biglang lumiwanag na bumbilya sa utak ko dahil sa naisip. "OMG, badminton varsity ka ba?" I gasped out.

Inarkuhan niya ako ng isang kilay. "Boyfriend mo 'ko ta's 'di mo alam?"

Napakurap-kurap ako sa naging tugon nito. Nanatiling nakaarko ang kilay niya pero may pilyong ngiti sa mga labi nang pinilig ang ulo. Kunwaring dismayado.

Pinilit kong maglabas ng tawa. "Malay ko ba!"

He chuckled out of it. "But yeah..." He shrugged without any trace of bragging. "Badminton."

Magiliw akong tumango. "Cool! Saang division? Sa halo?"

"Sa women."

I snorted. "Ayos kasi!"

Humalakhak siya, magaan lang. "Sa men." Napatayo rin siya nang nakitang tumayo na ako bitbit ang bag ko kaya sabay kaming naglakad. "You still have class?"

"Oo, eh," sagot ko. "Tinatamad nga ko. Ang lamig na naman do'n sa room namin ngayon. May mga specific rooms talaga sa school na parang freezer na, eh, 'no?"

"Bakit? Wala ka bang jacket?"

"Nakalimutan ko!" I growled.

"Sa'n ba room mo ngayon?"

"Diyan sa building natin. 304."

"Hatid na kita."

A subtle panic rose in my chest as I shook my head in a panicky manner. "'Wag na! Baka mahuli ka pa sa training mo. May mga parusa kapag ganun, right? Kaya sige na."

Matagal pa niya akong tinitigan, bahagyang umusli ang nguso at tumagilid ang ulo. Halatang nagdalawang-isip sa sagot ko.

Pero sa huli, tumalima naman ang lalaki sa sinabi ko kaya mag-isa akong tumungo sa aking building at umakyat sa angkop na silid sa oras na ito. Maingay ang mga kaklase ko palibhasa wala pa ang Prof namin. May bakanteng upuan pa sa unahan kaya roon ako lumapit. 

Before claiming the seat, I smiled at the girl beside the chair who smiled back at me. I had to look away from her pretty cherubic face. Pakiramdam ko nginitian ako ng anghel.

"Sio!"

Mula sa cellphone screen ay napatingin ako sa lalaking kaklase. "Oh?"

Nanliit ang mga mata ko nang pagmasdan siyang lumapit bitbit ang isang hoodie jacket na hindi naman pamilyar sa akin. Hindi ko agad iyon kinuha kahit inabot niya na sa akin. I stared at it.

"Sa'yo daw sabi ni Zorca. 'Yung athlete."

"Huh?" Mabilis kong nilingon ang dako ng pinto. It was already closed.

"Umalis na, eh," sabi ng kaklase ko.

Tinanggap ko na lang ang hoodie jacket kaya umalis na rin siya sa harapan ko. Dali-dali naman akong nag-send ng text kay Uno.

Me:
Hoy ka!

Mabilis ang sagot niya, halatang nakuha agad ang ibig kong sabihin.

Uno Zorca:
Sorry kinuha ko pa kasi sa dorm kaya hindi ko nabigay kanina.

Me:
Hala thanks! Nagulat ako. Isoli ko rin agad later. Ano bang oras tapos ng training nyo?

This time around, he didn't reply anymore. I quickly understood that maybe he sprinted to their training location already. Bumalik pa kasi siya sa dorm. Si Uno talaga!

Napanguso na lang ako at sinuot ang hoodie jacket nito. Halos above-knees ko iyon at wala nang nakita sa mga kamay ko. It was almost triple my size and it smelled really good. Not that I memorize Uno's smell but I strongly think that this hoodie smelled like Uno, I noticed. 

Eh, gaga, siyempre kaniya nga!

Dumating na rin ang Prof namin kaya nakinig na ako sa lecture. Pagkatapos ng klase namin, si Uno kaagad ang naisip ko. Nag-type ako ng text sa kaniya habang palabas ng room.

Me:
Tapos na klase ko. Training nyo?

Nag-send ulit ako ng isa pa.

Me:
Isosoli ko yung jacket mo

Nakababa at nakalabas na ako ng building namin, hindi pa rin nakapag-reply si Uno. Naintindihan ko naman iyon. Sa isip ko, baka hindi pa tapos ang training?

Umupo na lang muna ako saglit sa plaza para maghintay. I was in the middle of deciding to go home already when he finally responded.

Uno Zorca:
Hala sorry late reply

Uno Zorca:
Nandito ka pa?

Me:
Hiii! It's okay

Me:
Oo nandito pa sa plaza

Me:
Hindi pa kayo tapos?

Uno Zorca:
Not yet

Uno Zorca:
Sige puntahan kita ngayon habang break

Hinayaan ko na iyon at hindi na nag-reply. Makikita rin naman ako ni Uno dito.

Nakalimutan ko rin pala itanong kung saan pa siya galing. But according to my inkling, it would only take him a short time to travel from where he was to where I was. Correct or not, I patiently anticipated his arrival.

And while waiting for Uno, an email was sent to me. I wasn't doing anything so I didn't waste time and read the whole of it.

Dear Rivithymia Sio,

This email is to inform you that one official member surrendered her slot due to matters and you are the next in the waitlist hence you are given a second chance to be a part of the Badminton Team - Women Division.

If still interested, I will be in the main office of Physical Education tomorrow from 1PM-3PM. Thank you. Have a nice day.

Sincerely,
Coach Karen Quimpo

I swear I held myself so much but a quiet shriek escaped. Ilang beses kong inulit-ulit basahin mula umpisa hanggang dulo.

"Oh, my shit," usal ko, hindi pa rin talaga lubos na makapaniwala. "Oh my shit!"

"Anong nangyayari sa'yo?"

I looked at Uno who just arrived, still with a gigantic and triumphant grin. Litong-lito naman ang mukha niya habang lumalapit sa table ko. Umupo siya sa harapan ko.

Pinakita ko ang screen sa kanya. "Look!"

At first, confusion was still visible oh him but slowly, his eyebrow arched like he was proud of something. Pakiramdam ko ay binasa niya rin talaga lahat dahil medyo natagalan.

"Wow, congrats!" he said, now eyeing me so I retrieved my cellphone already.

Halos mapunit na ang mga labi ko sa lawak ng aking ngiti. Kasing kinang din siguro ito ng mamasa-masang balat ni Uno dahil halatang galing sa pawis. Kahit nang iabot ko sa kaniya ang hoodie jacket niyang nakatupi ay nakangiti pa rin ako. Kahit hanggang sa pag-uwi.

Please! I just couldn't help it!

Masasabi kong nasobrahan ako dahil nanaginip akong naglalaro ng badminton noong gabi at nagising na nagwawasiwas ng kamay sa ere tila nakikipag-rally sa multo.

This might be an exaggeration but it felt like that changed my life. After the meet up with Coach Karen, I was required to stay in a dorm with other players. There's a dorm building for athletes which was provided by the school.

Pumayag naman sina Mommy at tinulungan pa ako na mag-impake ng mga damit at gamit ko. They've always been supportive. Maybe because they were once in my shoe or simply because I am their daughter.

Mabuti na lang din at nakaabot pa ako sa adjustment period ng semester na ito. I had to alter the schedule of my classes and because of that, I wasn't anymore a part of a block section. Kailangan kasi ang mga adjustments na iyon para sa mga oras ng training.

Ang daming adjustments at ayos lang naman sa akin. Hindi naman din ako bago sa mga ganito dahil naranasan ko na noong high school.

Mahirap talagang maging student athlete. Of course, it's crystal clear that academics should be the top priority at my age. Kaso may iba ka pang commitment at parehas namang importante. Dapat magaling magbalanse.

Nitong college, nag-tryout din talaga ako kaso hindi ako nakapasok. It bruised my feelings during the early months of my freshman year but I managed to move on. Ngayon naman, kinuha na ako ulit. All I could ever think was to jump every seconds!

"Will you be okay here?" naninigurong tanong ni Kuya Rivo nang ihatid ako sa mismong room ko sa dormitory building.

Si Kuya lang ang naghatid sa akin dahil may mga trabaho sina Mommy. Hindi rin naman buong kwarto ko ang dinala ko. Only the important such as things I couldn't live without. For example, strawberry jam.

Pinasadahan ko ng tingin ang espasyo ko. Pati ang kama ko na nasa lower deck naman dahil iyon ang puwesto ng pinalitan ko. Buti na lang nga't ayoko sa upper deck! Ang hassle umakyat-baba nang umakyat-baba!

Sa kapatid ko dumestino ang aking paningin. Ngumiti ako nang malaki.

"Yup. Thanks, Ahia!"

My roommates were nowhere in sight. Might be because it was weekends and we were allowed to go home. Nasa kaniya-kaniyang bahay siguro ang mga ito.

I decided to stay in the dorm today which was Sunday. Kaya hinatid ko na lang si Kuya sa baba. Marami pa siyang bilin sa akin tungkol sa independent living habang naglalakad kami na akala mo ay may experience na siya. 'Di nga siya pinapayagan ni Mommy na bumukod.

Honestly, I think Mommy would allow him. Pero malulungkot nga lang siya bilang ina. For that very reason, Kuya Rivo doesn't attempt to raise the idea.

"Umayos ka, Rivi. Kahit hindi ka naman na sa bahay madalas uuwi, mababantayan naman kita sa school." He narrowed his eyes at me before he reached his car's door handle.

Bumungisngis ako. "I won't do anything vile, calm down!"

"We're not that strict to you. Kung may boyfriend ka, sige, basta ipakilala mo. There's no reason for you to hide things from us."

Nakangiti lang akong lumapit sa kaniya at tumango-tango, hindi na nagsalita pa. I tiptoed and kissed his cheek, but it didn't change his stern expression.

"Good luck sa pagiging student athlete. I believe in you," were my brother's last words before he vacated the vicinity.

Kaya naman inspirado akong pumanhik sa kuwarto ko. 

Si Kuya Rivo rin ay varsity noong high school. I asked him about it now that he was college too, he said he wanted to solely prioritize academics. Sapat na raw sa kaniya ang malaro ito sa P.E. at kapag trip niya minsan. Sayang nga dahil mas magaling siya sa akin.

Unti-unti namang dumating ang mga roommates ko dahil Monday na rin bukas. We were four girls in our room. Nagpakilala kami sa isa't isa at magaan naman silang kasama. O siguro, factor na rin na hindi naman ako sobrang mahiyain na tao.

"OMG..." bulong ko sa sarili nang mamataan si Uno sa baba kinaumagahan. "Uno!" excited ko siyang tinawag, hindi na nakapag-isip.

Uno instantly turned his head towards my direction. At first, he was sporting those wrinkles across his forehead until he recognized me. Nagbahagi ang mga labi niya nang pinanood akong lumapit.

"Rivi?" he uttered questioningly.

"You forgot? Part na rin ako ng team!"

His face brightened in enlightenment. "Right..." he mumbled. "Kailan ka pa nakalipat?" Tinanaw niya ang dorm building na nilabasan ko.

I did the same and looked at their building. Magkatabi lang naman saka parehas na malawak at four-storey. Hiwalay ang mga babae sa lalaki.

"Kahapon lang. Are you heading to school? Sabay na tayo?" I grinned sheepishly.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro