Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

"Galing din dito sina Ulrich at Stancent kanina. Kakaalis lang nila," biglang nagsalita ang ate ni Uno kaya sabay kaming nag-angat ng tingin.

"Really?" si Uno. "Dumiretso sa kusina?"

"How did you know?"

Uno chuckled. "Mga buraot ng handa."

Pumalatak at umiling-iling ang kapatid ni Uno. I felt miserable not knowing this deity's name. Ka lang ang narinig ko. Para nga ring nakita ko na talaga siya somewhere. I just couldn't pinpoint where exactly. Malamang sa internet? O saan ba?

"What's your name?"

Bahagya akong nanigas. Hindi ko nga lang ipinahalata sa babae. "Rivithymia Sio po. Puwedeng Rivi na lang po."

"Okay, Rivi. Ngayon lang kita nakita. I've only heard about you as in right now too. Sigurado bang hindi ka lang kinuha niyang kapatid ko to pretend?"

Exactly.

It was followed by Uno's successive coughs. Nasamid yata uli sa sariling laway. Habang ako, kabang-kaba na talaga. I had to stop my eyes from enlarging. Gusto ko na ring busalan ang bibig ko para less talk, less mistakes.

Ano kaya kung mag-kiss tayo? Gaga ka talaga, Rivi! Paanong ano kung mag-kiss kayo?! Alam kong buhos effort ka sa mga bagay lalo sa school. Pero hindi mo ikaka-A na letter grade kung hindi kayo mabisto ni Uno rito, ha!

But in my defense, I only meant a kiss on the cheek—not on the lips!

"Rising artist ka, Ate. Hindi writer o story maker."

Uno's sister glared at him. "Sandali, akyat lang ako."

Tahimik namin siyang pinanood na umakyat sa hagdanan nilang puno ng decorations hanggang sa hindi na siya tanaw mula rito sa baba. Doon lang ako lumingon kay Uno.

"Natatakot ako," I admitted.

Napahagod siya ng buhok pataas dahil sa inamin ko. "'Di ako aalis sa tabi mo. Don't worry."

"Sobrang ganda ng ate mo kaso... scary. I'm scared."

"Baliw nga 'yon. Parang ang sungit yata ngayong gabi. Hindi naman siya gano'n," aniya, nakanguso at salubong ang mga kilay. "Minsan lang."

Well, that was probably because she liked somebody else for Uno. Sinarili ko ang takot ko sa maaring trato sa akin dito mamaya. Kahit mukhang mabuti ang angkan ni Uno, may ganoon, 'di ba? Pangit ang trato kapag hindi bet ng kaanak ang ipinakilala?

"What's her name?" tanong ko na lang.

His lips suddenly stretched to a grin, humor radiating in his face. "Kanina."

"Huh?"

Pinalaya niya na ang tawa na kinimkim. Umiling-iling din siya kahit natatawa pa rin. "Sabi kasi ni Mommy dati, namali siya noon ng type sa 'kanina'. Nagandahan siya sa 'kajina' kaya ayun ipinangalan kay Ate Ka. Cute."

"Oh? Nice... Sana lahat ng typo, suitable for a name," I replied laughingly. "But what's her real name?"

"Kajina Cashana."

Humaba ang nguso ko habang tumatango-tango. May isang bagay rin na pumasok sa isipan ko. Ayoko na sanang banggitin na kaso lang ay hindi ko mapigilan.

"So, uhm. Alam ba niya 'yung nangyari sa badminton set mo na... galing sa kaniya?" I asked nervously. Ilalaglag din ba ako ni Uno mamaya? I was the culprit of what happened.

Natigilan si Uno sa narinig. Sinasabi ko na nga ba. Ayan, wrong move ka, Rivi.

Suminghap siya at umiling. "Hindi ko alam paano sasabihin."

Just with that, the guilt resurfaced in me. "I'm really sorry, Uno."

He shook his head. "Let's not cry over a spilt milk."

Nanikip tuloy ang dibdib ko. God, he wasn't even intentionally guilt-tripping me. He was neither rude nor harsh toward me. Alam ba niyang mas lalong nakaka-guilty 'yon?

"Ba't kasi nangpapahiram ka, eh? Special pala 'yun sa'yo. Eh, 'yung gano'n ko nga na galing sa Ate ko, ipinagdadamot ko," sunod-sunod kong sabi. "Ba't ka kasi nangpapahiram!"

Umarko ang isa niyang kilay at hindi makapaniwala akong minata. "Sinisisi mo ba 'ko?"

I breathed heavily and plonked my back on the backrest of the couch. "Hindi naman..." Napasimangot ako. "Si Ahia kasi! Bakit nanghihiram!"

At ako rin kasi! Ako, higit sa lahat! Bakit sa dami ng mapagdidiskitahan, eh?! Kung saan-saan ko na ibinaling ang paninisi ko sa nangyari.

"I actually don't let others use it. Kaso lang naawa ako sa kapatid mo no'ng lumapit sa 'kin sa court no'ng P.E., eh. Magiging absent siya kung hindi maglalaro."

Mayroon namang sports equipment ang school. Maybe they were just required to bring their own that time... because all of these were meant to happen. Kaya heto, saan ako dinala ng sinira ko? Sa pagiging fake girlfriend lang naman ni Uno Zorca.

"So you let him borrow kahit 'di mo kilala?"

He let out a sigh. "Nandoon din naman section nina Zeo no'n. Zeo told me he knows that guy so..." He shrugged his shoulders.

I snorted. Si Lizeo na mali pa ang naibigay na number sa kaniya noong una. Si Lizeo na ex-boyfriend ko na ayaw ko na ngang isipin kaso nabanggit. Uno naman, eh.

Napansin ko ang paglipat ng atensiyon ni Uno sa kung ano sa likuran ko. Napalingon din ako roon kasabay ng maliit na boses.

"Uno, nakauwi ka na pala."

It was another girl and not Ate Kajina. She was wearing a beige halter top, tucked in a white shorts. I was slightly taller than her because she was petite and she had an easygoing feminine aura. Her round, curious eyes were fixed on me.

"Yzl," Uno uttered. "Oo. Hinanap niyo raw ako kanina sabi ni Ate?"

Yzl's eyes transferred to Uno and she laughed softly. "Oo. Kanina noong picture taking. Pero ayos lang. Puwede naman uli mamaya." Bumaling uli siya sa akin.

"She's Yzlrey," I heard Uno mutter to me before he eyed Yzl again. "Yzl, si Rivi. Girlfriend ko."

Saglit na natigilan si Yzl. Ngumiti rin sa akin kalaunan. She raised her hand to wave at me. "Hi, Rivi. Merry Christmas!"

I returned the smile. "Merry Christmas!"

"Naks, may girlfriend ka na pala, Uno, ha!" tudyo ni Yzl kay Uno. "Edi titigil na si Ate Ka sa pagiging tulay kuno natin!"

"Sana nga!" segunda ni Uno, natatawa na rin. "Kulit no'n, eh. Kung hindi ko lang talaga 'yon mahal. Nako," he said, clicking his tongue.

Nailing-iling naman si Yzl habang lumalapit sa katapat na upuan namin ni Uno, kung saan umupo si Ate Kajina kanina.

Bago pa man makapagsalita si Yzl, may mga tunog na ng yapak mula sa hagdanan. It was obviously a sound of heels hitting the floor. Magkakasabay kaming tatlo na lumingon. Si Ate Kajina iyon na pababa sa hagdanan.

Not to exaggerate but she was really like a deity descending from her kingdom above. Kitang-kita ang kurba niya sa dress na suot at... at... Hala! She was the girl from TikTok!

"Uno." Itinuro ni Ate Kajina ang malaki nilang Christmas tree. In her other hand was a polaroid camera. "Puwesto kayo ng girlfriend mo."

"Tara, Rivi," anyaya ni Uno sa akin gamit ang magaan na boses.

Naunang tumayo si Uno. I was still trapped in my previous realization. Matindi tuloy ang pagpipigil ko na tumitig kay Ate Kajina. I blinked my eyes to wash off the astonishment.

Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko. Kanina ko pa talaga naiisip na pamilyar siya. Isa pala siya sa mga napapanood ko. Hindi ko nga lang tanda ang mga pangalan ng madalas kong mapanood dahil minsanan lang naman ako gumamit ng TikTok.

Sumunod ako kay Uno sa sobrang tangkad nilang Christmas tree banda sa kanilang hagdanan. It was too tall for us that we seemed like dwarfs next to it. The star decoration at the top of it had already reached the second flor of their huge house.

Itinapat ni Ate Kajina ang camera sa amin ni Uno. I felt my cheeks heating because I was utterly aware of how awkward everything was. Uno and I were just standing beside each other before their grandiose white Christmas tree.

"What, Uno? Napakalaki ng space sa gitna. Are you waiting for somebody else to fill that?" mataray na tanong ni Ate Kajina sa kapatid.

Nagkatinginan tuloy kami ni Uno. He cleared his throat.

"Magdikit naman kayo!" natatawang mungkahi ni Yzl. "Para kayong LQ niyan, ah?!"

Ako na ang umusog palapit kay Uno, sapat lang upang magdikit ang mga braso namin. It was to save us both from his sister's scrutiny. Saka maglapit lang naman, eh.

"Mukha kang tuod. Hindi mo manlang akbayan? Walang sweet bones? Kapatid ba kita?" si Ate Kajina na hindi pa rin kuntento. It was followed by Yzl's laughters.

Napasinghap na si Uno. "Si Ate ang kulit, oh. Parang ewan," reklamo nito.

"Ang arte mo! Kayo naman, eh," katuwiran ni Ate Kajina. "You two are standing there as if you're awkward. Kaka-official niyo lang ba, ha?"

"Mag-iisang buwan na kami," sagot ni Uno bago ako nilingon. "Akbayan kita, okay lang? Si Ate kasi ang kulit," bulong niya sa akin. A small frown was etched on his face.

Tumango ako. Napatili pa si Yzl nang umakbay na sa akin si Uno. I forced a natural smile out of me. Syempre medyo nakakahiya lalo at hindi naman talaga kami ni Uno.

Ate Kajina's shoulders sagged. Ibinaba niya saglit ang camera. I was sure that she hadn't took a photo of us yet. Bakit, ano'ng mayroon?

"Parang dati lang, epal ka pa sa lovelife ko. You were just a teenager then—you were seventeen," madramang aniya kay Uno. "Now, you've grown and you have a girlfriend too."

"Anong epal? 'Di kaya! Papansin lang kasi miss kita no'n," Uno defended himself. His arm was still on my shoulders. "Katakot kasi baka sa LU mo na gustuhin tumira at 'di na bumalik dito. But can you take the photo first, please?"

I kept silent. LU? La Union?

"Mas maganda naman talaga tumira doon sa amin," Yzl intervened. "No offense."

"None taken," sagot ni Ate Kajina, nasa likod na uli ng camera ang mukha.

"'Di ba, Ate Ka?"

"Yeah... Peaceful. Serene. But my work's here kasi. Sayang."

Ate Kajina took two shots of us, so we consumed two films. Wow... at nagkaroon pa talaga kami ng remembrance as a fake couple.

Hinintay namin na malinaw nang magpakita ang kuha namin sa huling shot. Nakayakap si Ate Kajina sa baywang ni Uno na nakaakbay naman ang isang braso sa kaniya habang inaalog nito ang film. Magkatabi kami ni Yzl habang nakadungaw rin doon.

Slowly, the faces were revealed on the film. Nabigla pa ako dahil hindi halatang awkward ang smile namin ni Uno. It was a nice capture. Iyong nauna naman ay candid shot. I think that was when Uno whispered before placing his arm on my shoulders. Nakatungo kasi siya sa akin at nakatingala naman ako sa kaniya.

I'd love to keep one of the films kung ibibigay sa akin. I was with my first ever fake boyfriend so this was a quirky remembrance.

Nahihiya nga lang akong hingiin. Siyempre, ito ang kakaibang plot twist ko ngayong taon. Please, give it to me, Uno!

"Kuya Leal!"

Nakisabay ako sa kanilang tatlo sa pagpaling ng ulo. May lalaking naglalakad papunta sa amin. Kaagad na humiwalay si Ate Kajina kay Uno na napapalatak pa. Parang reklamo na inabandona agad na may bagong dating.

"Si Kuya Leal. Boyfriend ni Ate," bulong sa akin ni Uno.

I stared at the guy nearing us. He was wearing a simple beige v-neck and a maong jeans. Para siyang kabilang sa isang banda base sa datingan. Guwapo, moreno, at matipuno. Katulad ni Ate Kajina, imposibleng hindi ko rin ito nakita sa internet, ha?

I sighed dreamily in my head. Kitang-kita ko ang perfection ng visuals nila ni Ate Kajina bilang couple. Oh, to be their child!

"Nilasing ka na ni Daddy?" humahagikhik na tanong ni Ate Kajina at sinalubong ito ng yakap din sa baywang.

Kuya Leal chuckled as he wrapped his arms around Ate Kajina who was clinging on him too. "Hindi naman masyado. Mas maraming usap kaysa sa shot."

"Kapag may kinwento na negative about sa'kin si Dad, 'wag ka maniwala. But if it's about Uno, maniwala ka."

Napabulusok ang tawa mula sa lalamunan ni Yzl. Pero tiniim niya rin ang mga labi niya upang hindi na magtuloy-tuloy. I forced myself not to laugh too.

"Ha. Ha. Ha," sarkastikong usal ni Uno, matalim ang tingin sa kapatid.

Sa akin sunod na tumigil ang tingin ni Uno. Walang ano-ano ay kumapit siya sa palapulsuhan ko at marahan akong hinila. "Tara nga kina Mommy. Inaaway nanaman ako rito."

"Hoy! At least introduce the girl to Leal!" natatawang habol ni Ate Kajina.

Nilingon lang ni Uno ang ulo pero patuloy kami sa paglalakad. "This is Rivi, Kuya. My girlfriend."

Mas lalong humagalpak sina Ate Kajina at Yzl sa tipid na sinabi nito. Halata kasi na gusto nang umalis. Nakita ko namang napanguso si Uno katabi ko. Nang lumingon ako ay nakatingin silang tatlo sa amin, maging si Kuya Leal. He was smiling at me as he waved his hand.

Pinakilala rin ako ni Uno sa parents nila na nasa malawak na dining area at may ka-video call na mukhang relatives sa ibang bansa. Parehong hospitable sina  Tito Joseph at Tita Jamaica kaya nawala ang pangamba ko. It was hard to miss how Ate Kajina inherited the latter's eyes.

Nagtanong lang naman sila ng mga karaniwan na detalye tulad ng pangalan ko saka mga hilig ko at pinakain habang nag-uusap kami dahil nabanggit ni Uno na uuwi agad ako. Their restrained curiosity were evident since I discovered that I was Uno's first girlfriend. 

First fake girlfriend, to be specific.

"Your sister didn't ask much about us. Relief!" bulalas ko. Nakasakay na kami ni Uno sa sasakyan niya dahil ihahatid na ako.

Nahirapan nga ako dahil ayaw muna paalisin nina Ate Kajina at Yzl. I could be nice for my own good na muntik ko na silang pagbigyan. Buti na lang, naalala ko ang tikoy rolls ni Daddy na naghihintay sa akin.

And mostly, they understood that I needed to be with my family to celebrate the holiday of course. So all in all, they were kind and there were no mistreatments at all.

"Thanks to Kuya Leal. He took Ate Ka's full attention."

"Oo nga!" I agreed, giggling. "Grabe, Uno. Perfect nila sa isa't isa!" Napasinghap ako. Parang kung loveteam sila, kahit hindi ako mahilig sa showbiz, susubaybayan ko.

Hindi ko inakala na magiging topic namin ni Uno ang tungkol sa dalawa. He told me the beginning of their relationship. Nalaman ko rin na galing pa pala ng La Union iyong si Yzlrey at Kuya Leal na half siblings.

Half siblings din ni Ate Kajina sina Yzl at Uno. Naguluhan nga ako dahil magkakapatid tapos magkarelasyon? Bukod doon, itinutulak ni Ate Kajina si Uno kay Yzl? I got weirded out at first before Uno enlightened me about the situation.

Pati ang TikTok career ni Ate Kajina ay napag-usapan namin. Kinumpirma sa akin ni Uno na si Ate Kajina nga ang napapanood ko. Mag-aartista pala siya kaso hindi pa ganoon kakilala ng madla, though she was already famous on the internet.

I didn't ask these matters. It was Uno who deliberately told me stories until we reached our home at around nine in the evening.

"Kailan ang break up date natin?" tanong ko nang tumigil ang sasakyan. Hindi na muna ako bumaba. "Kailangan mo pa ba ng help ko?"

Uno looked taken aback as he glanced at me. "Uh... I haven't think about that yet. Siguro before new year ko na lang sasabihin kay Ate. Ako na rin ang bahala na hindi niya na 'ko aasarin uli kay Yzl." He shrugged. "Basta. Leave it all to me."

"Okay, sige. Hm, wala tayong closure?"

"You're crazy," natatawa at naiiling na bulong ni Uno.

Humalakhak ako. I couldn't believe I was already that comfortable with him. Ito na ba ang magic ng spirit of Christmas?

"Thank you for tonight."

"Wala 'yon!" I told him in haste.

"If you also need my help one of these days, don't hesitate."

Napasinghap ako. Kaya ko nga ginawa ito dahil may kasalanan ako sa kaniya, 'di ba? Now, he would also want to give back and return the favor? Unbelievable. Iba ka, Uno!

"Ingat ka!" bilin ko, hindi na isinatinig ang naisip. And then slowly, I grinned. "Merry Christmas! Happy break up, I guess?"

Uno chuckled. "Yeah, sure. Merry Christmas, Ex."

I bursted out laughing. "Wow! Okay, bye, Ex!"

Tumatawa ako hanggang paglabas. I know it was our last time together. Kasi nga... break na kami. Saka kahit sinabi niya, hindi na ako hihingi ng tulong 'no. I looked back and waved my hand before I went inside our house.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro