Chapter 4
Chapter 4 #smashedsrs
Saying I got confused will be the understatement of the century. Kinailangan kong basahin ulit ang sender at si Uno Zorca nga talaga. Now... wrong send again?
I was sure that it was wrong sent. Hinintay ko na lang na bawiin ni Uno ang text at sabihin na nagkamali na naman siya. Inisip ko tuloy kung mahihiya na naman ba siya niyan sa akin?
The last conversation we had was that one near the restroom. We didn't text anymore but there were a lot of times that we crossed paths inside the school. Hindi naman kami nagkakausap dahil hindi naman talaga kami malapit.
The last I saw him and his friends was when finals week. Noong nahuli ko sila na parang pinag-uusapan ako sa canteen. Pero hindi naman ako sigurado. Hindi ko na sila masyadong nakita nitong consultation week hanggang holiday break. O baka hindi ko lang gaano napansin.
"Rivo, tulungan mo ang Daddy sa garlands!" utos ni Mommy.
It was afternoon of December 21 and we were decorating the whole house. Mommy is just that type of mother and we were left with no choice but to comply every time. Gusto ko rin naman ang ginagawa. Our house looked merry as it should be and it felt so much home.
To also feel the spirit of Christmas through these decors elates me. Sa paglipas kasi ng panahon, hindi ko na ito masyadong ramdam. I don't know what changed but I'm sure there was. Hindi na katulad dati noong mga bata pa kami nina Kuya Rivo ang excitement.
Or is it because we are aging?
"Ano, Mom? Do you plan to cover the whole house with garlands?" tanong ni Kuya, ginugulo ang buhok. Halatang tinatamad tumulong.
Pagpasok pa lang ng ber months ay nag-set up na talaga ng Christmas tree si Mommy and we were just improving the decorations. If our mother is a full Filipino, our father is a half Chinese but he was born here and totally grew up to the Philippine traditions.
"Ang daming reklamo ni Kuya, Mommy! Pagalitan mo!" tumatawang gatong ko.
But I understand his reaction. In the past years, kaunti lang naman mag-decor si Mommy kasi. Ngayon ay may garlands na rin sa kitchen arc at maging kada hamba ng pintuan namin. Pati ang barandilya ng hagdanan.
Pabiro akong inirapan ni Kuya Rivo habang kaladkad ang mahabang kulay pula na garland tungo kay Daddy. Humalakhak lang ako.
Meanwhile, I was helping Mommy with the gift wrapping. Pinapabalot niya na talaga ang mga regalo niya sa shop pero mukhang sinisipag siya ngayon kaya heto kaming dalawa at magkatulong na magbalot.
It was almost half an hour since Uno's text and he haven't sent another. Binaba ko muna ang scissors at ribbon to text him again.
Me:
Hi, I think wrong send ka.
Binaba ko ulit ang cellphone ko. I stared at it for a while before I decided to pick up the scissors and ribbon again. Kaso lang ay nakapag-reply na si Uno.
Uno Zorca:
I'm not.
Matagal akong napatitig sa bago niyang reply. I lifted my gaze to his earlier text. Dadalhin sa bahay nila sa pasko? Sino? Ako?
Mukhang nakarating kay Uno ang kalituhan ko na kahit hindi pa ako nakasasagot ay may text na ulit siya sa akin.
Uno Zorca:
Sorry, this is my friend's idea and I somehow think it would work.
Dahil naisip na wala akong makukuhang sagot kung puro kunot lang ako ng noo rito, nag-type ako ng reply ko.
Me:
And what idea is that?
"Tapos na tayo, Rivi. You can do your thing."
Lumingon ako kay Mommy. "Hmm? Last na 'yan, Mommy?"
She nodded her head. "Thanks for helping, anak."
Sinimulan ko sanang ligpitin ang mga kalat sa paligid kung hindi lang pinigilan ni Mommy ang mga kamay ko.
"Hayaan mo ang Kuya mo na maglinis diyan mamaya."
I glanced at Kuya Rivo's direction and caught him messing his hair while setting the garland on the wall. Napahagikhik ako. Ayan kasi, ngayon lang kumilos! Target tuloy ni Mommy!
Bitbit ko ang cellphone nang umakyat na ako sa kuwarto ko. I plonked my body on my bed and as soon as I was settled, I saw Uno's new replies.
Uno Zorca:
May inaasar kasi sakin yung ate ko. I'm thinking she will stop pushing me to that girl if I finally introduce a girlfriend.
Uno Zorca:
Ikaw yung naisip ni Ulrich. Okay lang ba?
Namilog ang bibig ko. The thought that this might be the one where he will need my help instantly dawned on me. Ito na ba ang kapalit ng mga sinira ko?
Nag-type agad ako.
Me:
You mean? I will be a pretend girlfriend?
Uno Zorca:
You can say that
"I can say that..." mahinang sabi ko. "Kasi 'yon naman talaga!"
Saglit akong natulala sa kisame ng kuwarto ko. He will introduce me to his sister. He will bring me to their house. On Christmas day or... eve... whatever. Him. And. Me.
Me:
Pwede bang isipin ko muna?
Uno Zorca:
Sure! Hindi naman to sapilitan 😅
Uno Zorca:
But I will be expecting your answer before Christmas. Thank you!
Bumuntong hininga ako. Alright. I didn't feel the pressure right there. It really didn't hit me so bad, Uno, thank you very much.
Hindi na ako nakapag-reply. Pero muli akong natulala sa kisame. Pinaglaruan ko rin ang mga labi ko habang nag-iisip nang malalim.
I will be his pretend girlfriend... but we barely even know each other! Saka hanggang kailan naman ako magiging girlfriend? Plus there will be the need to act sweet, right?! OMG!
Maybe the time span of my decision making would be lesser if he would only introduce me and just that. Iyong hindi na ako dadalhin sa kanila. Iyong kailangan lang ang katauhan ko o ang pangalan ko. Kaso dadalhin ako sa kanila.
I mean, that's... this... I'm understandable, am I not?!
I was already done typing a decline but before I could send it, I deleted it. Bigla kong naisip na sinabi ko nga pala na nariyan lang ako kung sakaling kailanganin niya ang tulong ko... at heto, kailangan niya na.
I don't... I don't want to be all talk.
Kaya naman, naisipan ko na subukan munang alamin ang buong balak ni Uno. Maybe it wouldn't be that intense as how it was in my thoughts.
Me:
May I know first kung anong mga gagawin ko?
Me:
Saka hanggang kailan?
Mukhang nag-aabang si Uno ng sagot ko dahil naka-read at typing agad siya. I was biting my bottom lip while waiting for his text.
Pinaliwanag sa akin ni Uno na sa Pasko lang naman daw niya ako dadalhin sa kanila. Sinabi niya na mabait naman ang mga tao sa bahay nila kaya huwag akong mag-alala at kabahan. He also told me that a few days after Christmas, he will drop our breakup news to his family so that they won't be looking for me.
Kung ganoon ay saglitan nga lang talaga. Mukhang hindi naman ako mahihirapan. Parang kaya ko naman... siguro? Parang ano lang naman ito compared sa nasira ko.
Still, I didn't text Uno about my decision that night because I was still torn. Halos nahirapan akong makatulog kakabuo ng magiging desisyon ko. Pero mabuti na rin at hindi naman nangulit ang lalaki.
But the attention-seeking pressure was still there. Siyempre at sa Pasko niya balak magpakilala ng girlfriend. Kung aayaw ako, dapat magsabi ako agad.
Bumuga ako ng hininga alas otso ng December 22. I swallowed before I sent my text.
Me:
Uno? Payag na ako 😊
I squeezed my cellphone as my insides tensed. Matagal ko pang tinitigan ang text ko. I didn't regret sending it, but I was still feeling extremely nervous.
Uno was able to reply after almost two hours. Sa mga oras na hindi pa siya nagre-reply ay sobra-sobra ang kaba ko kaya agad kong binasa noong mayroon na.
Uno Zorca:
Hala
Uno Zorca:
Hala thank you! 🙏🏻
Kinagat ko ang ibaba kong labi. I felt relief washing over me.
Me:
You're welcome!
Tama lang, Rivi. It's okay. Saglit lang naman ito. Sa Pasko lang daw. Saka madali lang din naman ang gagawin. Pagkatapos nito, bayad ka na rin sa nagawa mo. Mutual benefits!
Masasabi kong nakahinga naman ako nang maluwag sa mga naisip ko. Sabi rin naman ni Uno, mabait sila at naniniwala naman ako roon. He seems nice, like he grew up in a nice household with good parenting. I don't know how I can tell. It just... shows.
Patulog na ako nang nag-text ulit si Uno.
Uno Zorca:
Pwede ka ba bukas?
Inayos ko na ang sarili sa kama bago sumagot. Nalito nga ako. Ano'ng ibig niyang sabihin na bukas? Iba ba ang calendar sa kanila?
Me:
Diba sa pasko pa?
Uno Zorca:
Ayaw ko naman nang hindi ko kilala yung girlfriend ko. So it's for a one day getting to know stage hahaha
Uno Zorca:
My sister can be nosy about stuff such as our special date and the likes too. Do you mind if we meet tomorrow for that?
Bigla na naman akong binundol ng kaba. Of course, we must meet for that! Pero kung tutuusin, tama nga lang naman 'yon at ayoko ring mapahiya sa kanila sa Pasko?!
Me:
Sure!
Saglit lang kaming nagkasundo, nag-usap ng mga detalye, at nagplano sa text.
He will be picking me up before lunch tomorrow and we will go to the mall. I suggested it since we can do so many things there. Sa lagay namin na hindi naman malapit sa isa't isa, hindi kami dapat sa intimate places. Or we would be the favorite toys of awkwardness.
In addition, I thought of buying presents for his family. Pinilit nga ako ni Uno kagabi na huwag na at pinilit ko rin. I will not let him win this time with regards to that.
Siyempre! Pangit naman kung sarili ko lang ang dala ko. Pangit na nga na magpapanggap lang akong girlfriend sa kanila, eh.
I already explained the directions to Uno last night. Hindi malapit sa entrance ang bahay namin pero ilang liko lang naman. Our house is also distinguishable if described properly which I did so that must help my fake boyfriend.
It was already around ten in the morning when he sent me texts.
Uno Zorca:
Good morning!
Uno Zorca:
Nasa tapat na ako ng bahay niyo... yata haha
Uno Zorca:
Silver na civic
Nakaayos na talaga ako kaya naman nagpabango na lang ako at bumaba na.
Kuya Rivo was out early. I wasn't sure but he might be with his friends. Sina Mommy at Daddy naman ay tutok sa negosyo dahil malakas ito sa ngayon. Siyempre kasi marami ang namimili ng mga ihahanda sa darating na occassions.
Nagpaalam naman na ako kaninang umaga sa kanila na mamimili ako ng gifts ko. I couldn't find the guts to tell them the true story. Hindi naman na siguro nila kailangang malaman na magpapanggap na girlfriend ng kung sino ang anak nila!
Ni hindi ko nga sure kung aware na ba sila na break na kami ni Lizeo? Baka malito lang ang parents ko saka temporary lang naman itong sa amin ni Uno. Kaya 'di na kailangan.
Indeed, I saw a silver Civic parked across our house. Medyo nanginginig pa ako sa kaba nang lumabas at sinarado ang gate namin.
Dahil sa kabila siya nakaparada, patawid ako nang lumabas siya sa sasakyan. He was just wearing a dark gray hoodie jacket, light faded jeans, and white sneakers. Nainggit ang light pink na sleeveless rompers ko dahil medyo malamig nga ang panahon ngayong December. Pero hindi naman siguro sobrang lamig.
Pinagbuksan ako ni Uno ng pinto sa passenger seat kaya pala siya bumaba.
I didn't dare to make an eye contact with him given that my heart was beating abnormally dahil sa kaba at hiya sa lalaki. Kagat ko lang ang ibabang labi nang sumakay. It smells good and it looks neat inside his vehicle. Iyon ang una kong napansin bago ako nagsuot ng seatbelts.
"Nice car," komento ko nang nakasakay na rin siya at nang nakaipon na ako ng lakas ng loob to strike a conversation.
He glanced at me briefly before he started the engine. "Ah... not mine. Sa ate ko. Ako lang ang lagi nang gumagamit."
"Oh! Eh 'di... sa 'yo na rin?"
"Hmm. Siguro. May bago na rin naman siyang sasakyan," he answered with a small smile. "Nagugutom ka na ba?"
"Hindi pa naman," sagot ko.
Namilog agad ang mga mata ko habang nakatingin sa bintana dahil walang maisip na idugtong. Para akong nasa impromptu na recitation! Gusto ko na lang mapapikit sa katahimikan. Shit, Uno! Play some music!
Matunog ang buntong hininga nito. "Matulog ka muna..."
Gusto ko sanang matawa. Matulog?! Hindi naman province to city ang biyahe namin! It would not even take us half a day to get to the mall!
"Okay," I mumbled and adjusted myself in my seat. Heto akong si gaga, umo-o rin naman. Ah, bahala na.
Hindi na siya sumagot. Narinig ko na lang na nagpatugtog na siya. Ako naman, as in nagpanggap lang talaga akong tulog buong biyahe. Salamat sa stiff neck, Uno!
"Kain muna tayo, ha?" Uno said gently when we were inside the mall. "Saan mo gusto?"
"Uhm, wherever. Hindi naman ako mapili," sagot ko kahit strawberry ang nasa utak ko.
He nodded his head. Sumunod na lang ako sa kaniya dahil mukhang gutom na siya. Kawawa naman. After all, he was the one who went to me and drove us here. Mag-a-alas dose na rin kasi ng tanghali.
Dinala niya ako sa isang Filipino cuisine. Magkatapat kaming dalawa sa upuan. And waiting for the dishes we ordered was another moment of awkwardness to endure.
Inipit ko sa loob ang mga labi ko nang napansin ang pagsulyap-sulyap sa akin ng lalaki. He then cleared his throat in a way that he was asking for my attention. I gave it to him. He was biting his lower lip while we were staring at each other at first. Pinakawalan niya iyon nang magsalita.
"Juno Jupiter Zorca..."
I arched an eyebrow. Kaagad ko namang naintindihan. I smiled at him. Sa wakas, may matinong mapag-uusapan na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro