Chapter 3
Chapter 3 #smashedsrs
I stopped after a few steps. Pumikit ako nang mariin at bumuga ng hininga. May mga bagay kasi na kung lagi mong tatakasan, lagi ka lang din hahabulin. People often ask how to break the cycle. I think it's pretty simple. Just stop and face what you are running from.
I did something that entails a consequence. I have to face it. Kaya hindi man malakas ang loob ay pumihit ako.
I saw Uno Zorca's eyes still directed to me. Bahagyang nanlaki ang mga iyon nang humakbang ako palapit. Bigla niya ring itinagilid ang katawan na tila umiiwas. Bakit siya ganyan?
His two companions noticed him and they saw me too. Bakas ang pagkabigla sa dalawang lalaki nang makita ako. Sila rin yata iyong kasama nitong si Uno noong nakaraan.
"H-Hi," I greeted shyly when I stopped in front of them. Sinulyapan ko rin ang dalawa niyang kasama saka ngumiti nang maliit.
"H-Hey," utal na bati noong isa. Unlike sa akin na hiya ang rason, pagkabigla ang sa lalaki. "Rivi Sio!" he mentioned my name.
It was my turn to be taken aback. "Kilala mo 'ko?"
Nagkaawang ang mga labi nito. His hand flew to his nape and although my eyes couldn't access, I know he brushed it. "Ah... Naging kayo kasi ni Lizeo Acerbo, 'di ba? Classmate namin 'yon dati kaya kaibigan na rin."
I hindered myself from showcasing a scowl at the mention of Zeo's name. Tumango-tango na lang ako sa lalaking nagsasalita.
"Ulrich," pakilala niya sa sarili. "Ta's Si Stance. Saka... si Uno... na kilala mo naman yata."
That was like a reminder that made heat hover on my cheeks. Oh, yeah, si Uno... na nagkamali ako ng pagkakakilala.
Pero ipinagtaka ko kung bakit nagpigil ng tawa iyong si Stance. Hindi rin nakatakas sa akin ang sinubukang ilihim na pagsiko ni Uno kay Ulrich.
"Uhm... Uno," tawag ko.
I was hesitant because their reactions agitated me. Were they making fun of me in a way that they're the ones who could only understand? O iniisip ko lang ba ito?
"Uy," si Ulrich sa kaibigan. "Uno, tawag ka ni Rivi. Snobber ka na?"
"Uno, umayos ka. Walang snobber sa Bradiez. Wrong sender lang."
Nakita kong sinamaan ng tingin ni Uno ang mga kaibigan. Ulrich and Stance just laughed over it.
Sa wakas ay tiningnan ako ni Uno. He cleared his throat. "Bakit?"
"I'm sorry."
Kumunot ang makinis na noo niya. "Para saan?"
Medyo nagulat ako roon. Pati si Ulrich at Stance ay nakatuon ang atensiyon sa akin. Their eyes were all inquisitive and puzzled. I eyed the three of them successively with confusion too. Para tuloy kaming nagkakalituhan na magkakaharapan.
Pero agad ko ring napagtanto kung saan may mali.
"'Wag ka na mag-worry sa wrong send mong text. Uhm... Kapatid ako ni Rivo. Nagkausap tayo sa tawag kahapon. A-Ako 'yung..." hindi ko na nagawang ituloy sa hiya, lalo at nag-iba na rin ang itsura ni Uno.
His friends emitted manly gasps. Para tuloy kaming may sound effects sa background.
I bit my inner lower lip when Uno remained staring at me with furrowed eyebrows. He wasn't speaking which caused a dead air between us.
"Sorry talaga. Ayaw mo ba talagang palitan namin ni Kuya?"
"'Wag na," mabilis niyang sagot.
Ang bilis nagbago ng atmospera namin. Kanina lang ay hindi pa ako maharap ni Uno pero ngayon, ka-ugali niya na rin iyong Uno sa tawag kahapon.
"Nakokonsensya kasi talaga ako sa nagawa ko kahit hindi ko naman mini-mean na makasira ng gamit ng iba," saad ko, hindi na pumreno.
I heard Ulrich clear his throat. Inayos nila ni Stance ang sarili at sumandal sa magkabilang gilid ni Uno habang nakikinig na lang sa amin. I didn't mind them and continued my litany.
"Lalo na at galing pala 'yun sa Ate mo."
"Oo. Kaya parang lucky charm ko 'yun."
Hindi ako nakasagot agad. Nothing was really lessening my guilt. It was just being intensified. I sighed sadly after a while.
"Kaya rin ako ganito kasi may Ate rin ako na nagbigay sa akin ng badminton set. Like you, it's also my lucky charm. And my sister died already."
"Sorry..." sabi ni Uno, halatang hindi inasahan ang nabanggit ko.
"That was long ago." Sinubukan kong ngumiti. "As I was saying, 'yun nga. Medyo relate tayo. Parehas tayo kaya..." I shrugged my shoulders.
Mabilis na nagsalubong sa gitna ang mga kilay ni Uno. "Buhay pa Ate ko."
Namilog ang mga mata ko sa biglaan nanamang pagbabago ng awra niya. His tone was like he got provoked or something. He was like suddenly armored for a war!
"Huh? Bakit, sino nagsabing patay na si Ate Ka?"
"Ikaw ba, Miss Rivi?!"
My eyes enlarged at their sudden aggressiveness. Para bang isa akong conqueror at nakaharap ko itong mga magiting at handang magpakabayani para sa kanilang iniingatan.
"No! Hindi naman gano'n 'yung ibig kong sabihin," tanggi ko habang ang mga mata ay nakay Uno na unti-unti namang kumalma.
"Okay," he breathed.
Hindi ko nagustuhan ang nagbabadyang katahimikan kaya huminga ako nang malalim. "Pero kung ayaw mong palitan namin, at least let me do something for you."
Umiling naman si Uno. Nagsalita agad ako.
"Like you can ask me to do your assignments? Or let me treat you lunch? Dinner?"
Bahagyang kumunot ang noo ni Uno. Peke namang umubo si Ulrich sa tabi kaya sinulyapan ko siya na nakay Stance ang tingin.
"Parang iba na ata 'yung huli, brad..." I heard him murmur to Stance.
"Yeah, synonym kaya ng treat ang date," nakangising bulong ni Stance kay Ulrich. Kaagad binura ang ngisi nang mapansing sa kaniya ako nakatingin.
I mentally sighed. Hay, nako, when will they stop misinterpreting my words?
"Kaya kong gawin ang mga assignments ko. I can also buy myself a meal," sabi ni Uno. Hindi naman siya tunog naiirita na. He just simply replied to me.
Saglit pa akong napatitig lang sa kaniya. Iniisip ko kung ano pa ba ang kaya kong i-offer kaso mukhang imposible lahat na tanggapin ng lalaki. I also don't want to nag him more. Baka makulitan sa akin at dumoble pa ang kasalanan ko.
"Alright..." I breathed, already surrendering. "Ganito na lang. If you need help one of these days, I'm just out there. Ring my number. You have it, 'di ba? Binura mo na ba?"
"Hindi ko binura."
His answer relieved me because it's as if he was indirectly conceding. I showed a smile and didn't point it out, scared that I might ruin what I built.
"Sige... uhm..." Nginuso ko ang restroom. "Una na 'ko."
Hindi na ako naghintay ng sagot at dumiretso sa restroom. Bumuntong hininga ako sa tapat ng salamin. Alright, Rivi, you've done something.
Kuya and I offered to replace what we lost. Pero si Uno Zorca naman mismo ang tumanggi at halata naman sa kaniya na hindi lang siya nahihiya o ano. He was serious when he declined our out-of-decency offer.
On top of everything, I'm not just doing this for my guilt. I was really after making it up to him. Because I know that the impact of what I have done was bad.
Wala na ang tatlo pagkalabas ko. Naubos na rin ang mga naghihintay sa hallway kaya malamang nasa classrooms na lahat. Hindi nga ako nagkamali dahil may instructor na ang klase namin noong pumasok ako.
Magaan ang loob ko halos buong araw na iyon because of the fact that I've done something. I haven't totally done something for Uno but at least nasabi ko sa kaniya na kung kailangan niya ng tulong ay nandito ako.
Ayos na lang muna iyon sa ngayon.
Pero medyo kinakabahan din ako. Kasi parang walang limit iyong pagkakasabi ko. Parang lahat ay handa akong gawin para lang makabawi sa lalaki. And my wild imaginations didn't help at all.
Hindi naman siguro niya ako pagtutulakin ng something... illegal? Hindi naman siguro niya ako gagawing criminal, 'di ba?
Simpleng pagtulong lang sa courseworks niya o paglibre sa kaniya ng pagkain o ano ang nasa utak ko nang sabihin iyon. Huwag sanang lalala roon!
But Uno seems nice. Umiling lang ako sa mga naiisip ko at hinayaan ang sarili na i-comfort ng mabait na appearance ni Uno. Malayo naman siya sa mukhang bad boy na malala ang bisyo, eh.
Napasimangot agad ako sa bumungad na tweet sa timeline ko kinagabihan.
Zeo @acerbolizeo
Ilan kaya kausap mo ngayon? Lima lima siguro kasi ikaw pa ba? Lol
Malakas ang instinct ko na ako iyon. Ramdam ko na hindi lang ako assumera. Most of the times, a woman's instinct is almost the truth.
Hindi man lang ako nakatagal ng isang minuto sa Twitter. I went back to my home screen as soon as I was done reading Zeo's tweet.
It caused me pondering on it. Naalala ko lang bigla... may kaibigan ako na nagsabi dati na kapag may nanligaw na lalaki, sagutin ko na kung tipo ko rin naman.
Because during the courtship, there is a big fat chance that they are doing things for show. Siyempre, nagpapasikat para mapasagot ka kaya mabait at maginoo. Kapag kayo na, lalabas na ang tunay niyang ugali kasi kayo naman na.
Kaya sagutin na raw agad, dahil tipo ko rin naman, para kita na agad ang tunay na ugali nito. If it doesn't sit well with you, then leave him.
May punto naman at kita ko rin. It's just that I'm not sure if it will work or it's the same for everyone. Hindi ko alam. Depende na lang siguro dahil iba-iba naman ang tao.
It's saddening how the essence of courtship fades.
Sa naging sitwasyon ko kay Zeo na nakakabilib noong nanliligaw tapos noong sinagot ko ay nagbago na, I might consider that idea. I sometimes wonder what if that's what I did?
Hindi ko talaga maintindihan sa kaniya, eh. Siguro iintindihin ko siya kung may nagagawa ako para pagdudahan niya ako. I will reassure him. Kaso wala naman akong ginagawa. It never crossed my mind to fool him the whole duration of our relationship kahit nga noong ginagago niya na ako.
He was okay before.
Pero unti-unti, lahat na lang nagseselos siya kahit kagrupo ko lang sa assignment. The result, he won't allow me to participate most especially if there are guys! Imagine that? School works 'yon at hindi niya naiisip na grades ko ang nakasalalay?
Another annoying thing about him is his strictness when it comes to my clothing. Seryoso siya noong sinabi niyang rule na namin sa relasyon ang hindi ko paglabas ng naka-sleeveless o shorts. What the hell was that?
Kapag nag-aaway kami, tinatadtad niya talaga ako ng mura. All the curses were directed at me. They were not just solely his expression. Minumura niya ako. Hindi naman ako ganoon sa kanya. I will accept if it was burst of expression but his way was disrespectful. He was disrespecting me.
He was always drinking too. I allow him occasionally. Kapag binabawalan ko na siya dahil minsan ay halos araw-araw na silang magkakaibigan, ako pa ang mali.
It's normal in a relationship to be jealous and protective. Pero kapag sumosobra na, iba na iyon. That's already toxic.
I am a part of the group who dates to marry. Ngayong boyfriend ko pa lang siya ay ganyan na... Ayoko ng ganyang asawa.
I snorted at those thoughts and decided to start studying for finals week.
Sa unang minuto rin ng pag-aaral ay lumilipad lang ang isip ko. Mabuti at nakayanan ko rin naman kalaunan na isiksik sa utak ang mga inaaral.
Hanggang sa narating ko na ang huling araw ng finals week. Isang minor course subject na feeling major na lang ang kailangan kong ma-take-an ng exam.
I was in our building's canteen, studying for the last exam I was going to take and eating at the same time. Habang nagkakabisado ay napatingin ako sa kawalan.
Pagkalagpas ng isang schoolmate na may hawak na tray ay tumama ang mga mata ko sa may katapat na lamesa. But there was still a vacant table in between of mine and that table.
It was Uno and his friends occupying that table. My forehead crinkled because Ulrich was nudging Uno while pointing me with his lips. Mukhang iritado na si Uno sa kanya.
Hindi ako sigurado. Pero may kinalaman ba ako sa kung anong usapan nilang dalawa? Bakit ako nginunguso ni Ulrich?
Hindi nila alam na nakatingin na ako sa kanila dahil sa isa't isa lang sila nakatingin habang magkausap. Ulrich was like suggesting something to Uno who was just shaking his head.
Si Stance ang nakapansin sa akin. He gestured his friends and so the two finally got aware too. Ulrich noticeably froze a little.
Si Uno naman ay napatuwid ng upo. Mula sa simangot dahil kay Ulrich, napalitan ng pagkagulat ang ekspresyon nito nang magtama ang aming mga mata.
Sila itong nahuli kong pinag-uusapan yata ako pero nadamay din ako sa hiya. Awtomatiko kong binagsak ang tingin sa reviewer ko. That moment of staring at them while they were staring back at me without saying anything was awkward!
Nang sinubukan kong pasimple na tumingin, wala na sila sa lamesa. Umalis na sila at iniwan akong nagtataka sa pinag-usapan nila.
Pero isang araw during holiday break, ilang araw bago mag-Christmas, nakatanggap ako ng hindi inaasahang text mula kay Uno.
Uno Zorca:
Dadalhin sana kita sa bahay sa pasko. Okay lang?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro