Chapter 2
Chapter 2 #smashedsrs
"So, ano na nga? Parang wala ka naman nabanggit na raketa o shuttle? Saan 'yung kinalaman ng badminton set doon?"
"Ah." I let out awkward laughs. Isinabit ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga, hindi malaman kung saan magsisimula.
My brother cocked an eyebrow impatiently.
"E, nakita ko kasi 'yon sa sala. Akala ko sa 'yo. I just got home that time. Si Zeo kasi... inis na inis akong umuwi no'n."
Pinagdiinan sa akin na lalakero ako kahit wala naman akong ginagawa. Inis na inis talaga ako dahil hindi na siya matigil. Napuno na yata ako noon dahil sa harap noong ilang co-members ko sa isang by triad coursework niya sinabi.
Halong hiya sa kanila at inis kay Zeo kaya umalis na lang ako at walang naitulong sa buong activity namin. Kaya tuloy ang baba ko sa peer evaluation ng coursework na 'yon, e.
Sa biyahe noon, halos mandilim na ang paningin ko sa paligid dahil kay Zeo kahit hindi ko naman na siya nakikita. Napikon na talaga ako noon.
Pagkauwi ko, parang nawala ang lahat sa paligid at iyong badminton set sa sofa lang ang nakita ko. Binagsak ko lang ang bag at dala ang mga iyon nang lumabas.
Nakatira kami sa isang residential estate na hindi pa lahat ay napatayuan na ng mga bahay. Ang bakanteng area na matalahib ay malapit sa bahay namin. Doon ako nagbuhos ng inis.
Itinira ko lahat ng shuttlecock. Inubos ko. Inapak-apakan ko ang mga raketa sa kalsada. Nothing was satisfying me but to see the racquets covered with scratches and ultimately destroyed. Inisip ko na si Zeo iyon that time.
I was that inflamed by him. On a normal day, maaawa at manghihinayang ako sa badminton set na hindi ko maiisipang gawin iyon. Pero ganoon ko kinailangan ng malalabasan dahil sa inis ko kay Zeo.
"Nasaan ang mga raketa?" tanong ni Kuya matapos kong ikuwento ang ginawa.
I puckered my lips. "Wala na, tinapon ko na rin pagkauwi ko no'n. Nakuha na ng mga collector ang garbage natin that week."
Natulala lang siya sa akin. Parang buhat niya bigla ang buong Earth. Pati Mars, Jupiter, Saturn—ang buong Solar System!
Napanguso ako lalo na nang bumuntong hininga na rin ito. If only I could turn back the time. I wouldn't do it had I known the set wasn't ours.
"Okay, ako nang bahala sa..." His shoulders slumped as he sighed heavily. "Sa may-ari."
"Ahia..." nahihiya kong sambit. "Sorry. Hindi ko alam."
"Yeah," tanging nasabi niya. "Alis ako saglit."
Sinarado niya na ulit ang pintuan ko nang lumabas siya. Ilang minuto pa akong natulala sa awa sa kapatid dahil binigyan ko pa ng problema. Nadamay pa talaga sa sakit ng ulo ko sa ex ko.
I wasn't able to get myself back into accomplishing my courseworks, so I started surfing on the internet instead.
TikTok ang napili kong alayan ng oras ko. Hindi naman talaga ako mahilig manood dito. Kung wala lang talagang magawa. And I avoid visiting this app too. May greatest mystery kasi sa tuwing ginagamit ko. Inaabot ako ng higit isang oras kaka-scroll nang hindi ko man lang namalayan?!
Halos maghari ang badminton contents at strawberry dishes recipe sa mga bungad dahil iyon ang madalas kong panoorin.
I also watch videos of pretty girls. And I didn't mean about the standard of society. I meant every girls including those without clear skin, slim or curvy body, and suchlike. It makes me feel good watching people being confident about themselves. Nakakagaan sa loob.
I watched a video under the current trend. It was a video of a Filipina girl with a rare eye color for Filipinos. So, I think she's half. Pero parang hindi naman ito ang unang beses kong makapanood ng kanyang videos.
A call from Kuya Rivo appeared in the middle of watching. Sinagot ko naman.
"Kuya?"
"Lagot ka."
"H-Huh?" Kabado agad ako.
Narinig ko ang singhap niya. "Lagot ka talaga..."
"B-Bakit nga? Where are you?"
"'Yung sinira mo, may sentimental value sa owner."
Napatigagal ako sa narinig. Ganoon rin kabilis na bumigat ang loob ko.
"Ano?" si Kuya nang hindi ako nagsasalita. "Lagot tayo..." he said, sighing.
"'Yung b-badminton set?" tanong ko.
"Mmm."
I bit my inner bottom lip before I spoke again. "Kuya, like A-Ate Riva?"
Bumuntong hininga siya. "Parehas tayo ng naisip. Naalala ko rin si Ate."
"Can I have the number of the owner..." sabi ko sa mahinang boses.
"Okay, ite-text ko. Pauwi na rin ulit ako. May binili lang."
I waited when the line ended. Kuya Rivo's text containing the owner's number didn't disappoint me for it arrived quickly.
Pinindot ko agad ang number para makapag-text ng apology. Pero unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang dinala ako niyon sa isang... conversation.
"Oh, no," I mumbled.
It redirected me to my conversation with a wrong sender last time... Si Uno Zorca!
"Oh, no," sabi ko, bumilis ang tibok ng puso sa kaba habang binabasa ulit ang thread ng messages para makasiguro.
But it was really it. So, si Kuya Rivo nga talaga ang nanghiram? Pero nagkamali at number ko ang nakuha nito ni Uno!
On top of everything, ako nga talaga ang may kasalanan?!
Hindi ako mapakali habang naghihintay kay Kuya. I couldn't muster enough guts to send Uno a message, though it would be an apology.
Nakakahiya dahil wrong send man nga siya sa akin, ako naman talaga ang may kasalanan sa nangyari. Given that... Parang ako na ang gustong magtakip ng bag kapag makikita siya sa school. Hay, nako, Rivi!
"Hala, thank you," sabi ko nang may inabot sa akin si Kuya Rivo pagkaakyat ulit nito sa kwarto ko. He bought me a whole strawberry cheesecake!
"'Di ako marunong mag-comfort, eh. Binilhan na lang kita ng comfort food mo." He chuckled.
Hindi ko lang comfort food ang strawberry dishes. They are my favorite, my love, my life—they are literally everything to me.
Ilang minuto lang bago nakabalik ng bahay si Kuya, tinawagan ko siya at sinabi kong gusto kong mag-sorry kay Uno Zorca. He agreed to it and told me that he will be calling Uno's number when he gets back home.
"This is our convo..." Hinarap sa akin ni Kuya ang cellphone upang ipakita ang message thread nila ni Uno kanina lang.
Unknown Number:
Hi. Nakuha ko lang yung number mo sa kakilala ko. Si Lizeo. By any chance lang naman, ikaw ba yung nanghiram ng mga raketa at shuttle? Rivo ba pangalan mo?
I pouted as I felt how his text was extremely seeking for assurance. Mukhang nadala siya sa akin, ah.
Iyon ang unang text ni Uno at ang reply ni Kuya Rivo ay noong nakausap niya na ako tungkol doon. He shot the clueless owner an apology first who expectedly asked why.
Para akong may buhat na mabigat nang nabasa kung paanong ipinaliwanag ni Kuya ang ginawa ko. I felt a hand of guilt strangling me.
Unknown Number:
Hala hindi pwedeng wala na
Unknown Number:
Galing yung set na yun sa ate ko
Unknown Number:
Kaya please pakibalik kahit sirang sira na
It stirred me how he refused to believe. Para bang umaasa talaga siya na may maibabalik pa sa kaniya dahil nga... galing iyon sa ate niya. Kaya talagang special ang value nito.
Kuya and I sat on the edge of my bed. Parehas kaming nakatutok sa cellphone niyang nakalapag na sa gitna namin. It was already ringing Uno's number.
I was playing my lower lip with my thumb and forefinger while staring at it. Si Kuya naman ay salubong lang ang mga kilay. Hindi na kasi talaga siya nakapag-reply kay Uno.
"Hello?" bungad ng boses ni Uno matapos sagutin ang tawag na naka-loud speaker. I could say he wasn't quick to answer our call.
Napatingin sa akin si Kuya Rivo bago bumaling ulit sa screen. He cleared his throat. "Hey. Sorry, tumawag na ako," kausap niya rito nang hindi dinadampot ang cellphone.
"Ah... 'yung sa badminton ko," sagot ni Uno. I could feel the urge of my chest to constrict upon hearing him tainted with sadness and disappointment.
Kuya Rivo glanced at me again. "Ano kasi... Look, I'm with my sister right now. Gusto niya raw mag-sorry sa'yo."
"Ha?—"
"Sorry," singit ko agad, hindi pinatapos ang reaksyon ni Uno.
He fell silent from the other line. Sinakop agad ng hiya ang pagkatao ko. I would accept it if he would be rude to me right now or at school though.
"I'm sorry talaga..." sabi ko. "Papalitan namin ni Kuya. Promise, agad-agad na. Grabe, sorry talaga."
Narinig ko ang marahan niyang buntong hininga. "Hindi na."
"I insist!"
"We insist," segunda ni Kuya Rivo.
"Hindi na. I own a lot, actually. Iba lang talaga 'yung set na 'yon kasi galing sa Ate ko. Kaya hindi mapapalitan." Then I heard him sigh again.
Natahimik kaming dalawa ni Kuya Rivo. Hindi kami nakasagot agad kaya si Uno na lang ulit ang nagsalita.
"So, yeah... Irreplaceable," dagdag niya sa sinabi. "By the way, ibababa ko na 'to. Marami pa kasi akong kailangang gawin."
"Sure... Sure," sagot ni Kuya at naputol na agad ang tawag.
Uno was a bit cold and indifferent towards us. Naiintindihan ko kung bakit siya ganoon kaso hindi iyon nakatulong sa konsensiya ko.
Ang totoo niyan, the way he talked to us, I think he was still nice. He wasn't rude or harsh unlike what I expected. Ni hindi siya naningil o humingi ng kapalit ng mga nasira ko kahit nag-insist kami.
"Ang pangit ng ex mo," biglang sabi ni Kuya Rivo. Nakakunot pa ang ilong nito. Iyong para bang nababantutan.
"Huh?"
"Kung hindi ka sana niya b-in-adtrip, hindi 'to mangyayari. At tingnan mo, sa kanya pa nakuha ni Uno Zorca 'yung number ko. Ba't meron siyang number ko?" he asked, sounding disgusted.
"Sorry. Kapag nakiki-text kasi ako noon sa kanya."
Umismid lang si Kuya Rivo at tumayo na mula sa kama ko dala ang cellphone. "Sige na. May gagawin pa ako. Ubusin mo 'yang cheesecake, ha."
Napabaling lang ako ulit sa cheesecake na dala niya kanina. "Thank you ulit."
"Don't blame yourself. Ako talaga 'yon. 'Di ko agad sinoli nung araw na 'yun." He tilted his head then he exhaled. "Nagkasunod-sunod lang nangyari."
I just nodded because honestly, it doesn't make me feel lighter. Kasi alam ko talagang may malaki akong parte, kahit na hindi ko naman sinadya.
But would you look at that! That's the thing! Sinadya ko 'yun na sirain!
Pero hindi ko naman kasi alam na hindi iyon amin at na may espesyal na halaga pa sa may-ari. Just... I want to pull my hair and I want to cry so bad.
The thought of our eldest, Ate Riva, occupied my mind after Kuya Rivo left me alone in my room. Mahilig kasi ang Mommy at Daddy namin sa badminton noong kabataan kaya lumaki kaming magkakapatid na iyon din ang laro.
Ate Riva was the best among us three until she was gone, Kuya Rivo replaced her spot. Katamtaman na skills lang naman ang napunta sa akin.
"Ate..." tawag ko sa kawalan habang yakap ang unan kong may strawberry print. "I feel bad," bulong ko sa hangin.
Niregaluhan kami ni Ate ng tig-isang badminton set at sabi niya ay ingatan namin iyon. Iyon din ang madalas na ginagamit namin ni Kuya kapag may seryosong laban.
Things with sentimental value are so dear to me. Lalo na at galing iyon kay Ate. Mas tumindi rin ang pagpapahalaga ko noong permanente nang ipinikit ni Ate Riva ang mga mata ilang taon na rin ang nakalipas.
Kaya naiintindihan ko si Uno. Kaya hindi ako mapakali na ganoon ang ginawa ko sa bagay na may ganoong klase ng importansya sa kaniya.
I couldn't imagine what if I was the one in his shoes. Baka ilang araw kong iyakan kapag mawala ko iyong mga bigay sa akin ng kapatid ko. Not to mention that I wouldn't be able to see my sister again anymore.
Baka nga hindi lang araw ang gugulin ko sa pag-iyak. I don't know. I'm just this type of person.
Kinabukasan, kakaakyat ko lang sa floor ng classroom namin at nang makita na naghihintay pa ang lahat ng kaklase sa labas dahil may ibang tao pa sa loob, nagdesisyon ako na pumunta muna sa restroom.
Natigilan lang ako nang makilala ko si Uno sa tatlong nakatayo malapit sa restroom ng mga lalaki. I easily recognized his face kasi naalala ko pa rin kung paano siya nagulat at nahiya sa akin noong magkasalubong kami.
Thinking about it, I think we have crossed paths multiple times given that we are in the same building. Hindi lang talaga siguro namin kilala ang isa't isa.
But now, we know each other, and in an unpleasant way. Kagagawan ko rin.
The three of them were chatting while leaning on the wall beside the door of the restroom for men. Mukhang may tao pa sa room nila at dito napiling maghintay dahil masikip na sa hallway.
At kailangan ko silang madaanan bago makarating sa women's restroom.
Noong tumama ang mga mata ni Uno sa akin at nabawasan ang ngiti niya mula sa pakikipag-usap sa mga kaibigan, awtomatiko akong napatalikod at naglakad pabalik.
Did Uno use a reverse card on me? Ako naman ngayon ang nahihiya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro