Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

I was worried sick.

Nagising ako nang tuluyan sa pag-aalala na naglalasing ang lalaking iyon ng ganitong oras. Ako na sana ang tatawag sa kaniya kaso naunahan niya ako. Sinagot ko agad ito.

"Hello, Uno?" aburidong bungad ko. "Nasa'n ka? Please tell me you're not alone naman."

"Riviiiiii.... Riviiiii..." he was slurring my name. "You anshwered... Hah! Hi, Vi... My Shtrawbe-Wivi..."

"Nasa'n ka nga? Sino'ng kasama mo mag-inom, ha?"

"Gagi, brad, sinagot siya!" I heard Ulrich in his disbelieving tone. "Gagi, kunin mo cellphone, dali! We must protect his dignity at times like this! Susmaryosep, what the fuck is Shtrawbe-Wivi?!"

"Hey, Shtance, give it back chu me—" Nakarinig ako ng mga lagabog at naputol na ang linya.

Hinayaan ko na. I just breathed in relief knowing that he was with his trusty homies. Despite my worries, I trust that the two towers would call me if a trouble will arise.

Hindi naman ako nakabalik sa mahimbing na tulog kasi iniisip ko pa rin si Uno. Halos isang oras yata ang lumipas na nakadilat pa rin ako at nakatulala sa wala. Tapos... kung kailan naman ako nagpasyang babalik na sa tulog, nakatanggap ulit ako ng tawag!

"Hello? Oh?" sambit ko matapos mapabalikwas. 

"Hey, it's Ulrich here."

"Ulrich? Bakit?"

"Uhm, we need a hand?" he sounded so unsure to ask me a favor. "Specifically, your hand. Apparently."

I scooted away from the comfort of my bed. "Yes, bakit?" I seemed to be in a hurry and it might be because of my relentless concern for them, especially for Uno.

"Nasa labas kami ngayon ng dorm building natin. Do you, uh, mind going down? And definitely not just for a bit, Rivi..."

Naririnig ko sa background si Uno na binibigkas nang binibigkas ang pangalan ko. Naririnig ko rin si Stance na nagpapatahimik sa lasing na kaibigan. 

"Pababa na," sagot ko.

"Bubusulan na kita, brad, ah!" ang huling narinig ko na banta ni Stance.

Mabilisan ko lang sinuklay ang buhok ko at itinali. Nag-wipes na lang din ako ng mukha at nag-gargle dahil galing nga ako sa tulog. Hindi na ako nagpalit ng pares na pantulog ko. I was in a pink padded blouse and shorts with scattered tiny flowers as its design.

May isang sasakyan lang akong nakita sa labas na hindi ko kilala. Lumingon-lingon ako upang hanapin iyong tatlo nang bumukas ang pintuan ng sasakyan. It was them! I hurried and entered the shotgun seat with Ulrich as the driver.

"Ano ba'ng nangyari?" I looked at Stance aiding to Uno who was now unconscious in the backseat.

"Passed out, brad."

I eyed Ulrich when he spoke. "Ikaw ang hinahanap, eh. Gusto ko na ngang magpanggap na ako ikaw just so he'll shut up kaso ang layo naman ng mukha natin."

I frowned. He laughed. I rolled my eyes and looked at Stance instead with question mark on my face.

"Iuuwi namin sa kanila ngayon. Puwede ka bang sumama? Ate Ka knows Uno's state and she said na ipapaalam ka niya sa kapatid mo. If it's okay with you."

Napakagat ako ng ilalim kong labi. Sa bahay nila? I'd only been there noong ipinakilala niya ako bilang fake girlfriend. Hindi ko nga sure ngayon kung ano na ba ang sinabi ni Uno sa kanila! Paano ba ako aakto? Had we already broken up? Did we end it in good or bad terms?

"Actually, tumahimik lang 'to siya ngayon kasi sinabi nga naming papunta ka na."

"Okay, sige... tara." I sighed. Bahala na. I'd cross the bridge once I got there.

"Aba, dapat lang!" bulalas ni Ulrich. "Dahil kasalanan mo 'to! Aba, tinaga mo ba naman puso ng brader namin?!"

Sinamaan ko siya ng tingin habang nagkakabit ako ng seatbelts.

He smiled sheepishly. "Charot lang. 'Di mo kasalanan na 'di mo siya gusto. It's not your fault that the feeling is not mutual, okay? It is what it is lang talaga. He has to accept it like a man."

Natahimik ako. Ewan. Basta, natahimik lang ako.

"Huy, charot nga lang, eh. Baka 'di mo na 'ko bati niyan, brad, ah?"

"Gago ka kasi, eh," Stance harshly joined the conversation. "Tinutulungan na nga tayo ngayon ni Rivi kahit 'di niya naman obligasyon 'to..."

"Hoy, Rivi!" Halos alugin ni Ulrich ang braso ko. "Takte, lagot ako nito kay Uno. Hoy, sorry na!"

I slapped his hands away. "Baliw, 'di ako galit! Bilis na, mag-drive ka na. Hindi ka naman lasing, 'no?" iniba ko ang topic upang hindi na siya mang-usyoso.

"Hindi kami uminom. Pinanood at dinamayan lang talaga namin si Uno," sagot ni Stance.

"Okay, then drive," I told Ulrich.

Sumandal na lamang ako at tahimik na nanood sa mga nadaanan namin. I appreciated the silent but daunting surroundings at this ungodly hour. Only one thing was for sure—something struck me and I was unprepared for it.

Nag-text na rin ako sa kapatid ko habang nasa biyahe.

Me:
I'm helping out Uno. He's wasted.

Dalawang magkasunod na replies ang natanggap ko.

Ahia:
Yeah, the Kajina Zorca reached out. I got mom and dad. Take care.

Ahia:
I trust you.

Matiwasay kaming nakarating sa bahay nina Uno. Hindi na rin kasi nagmulat pa ang lasing na lalaki. He totally passed out and it was kind of a good thing for us.

Ate Kajina with her arms crossed was already waiting for us outside. Kita ko rin ang worry ng ate ni Uno sa mukha nito. Mukhang nasa dorm pa lang kami, naghihintay na siya rito sa labas. Pagkahinto nga ni Ulrich, she was even the one to open the car door at the back.

"Rivi..." was the first thing Uno mentioned noong inalalayan na siya palabas ng sasakyan.

"'Tang ina," I heard Stance whisper.

Bumuntong-hininga ako at lumabas na rin ng sasakyan. "I'm here..."

Iyong dalawang lalaki ang tumulong sa kaniya na maglakad. Ako ay nakahawak lang sa braso niya. Si Ate Kajina naman ay nakasunod sa amin. We gently set Uno in his bed when we reached his bedroom upstairs.

"Sorry po, Ate Ka."

"'Di po namin akalain aabot siya sa ganito. Sorry, Ate."

"It's okay. Importante lang sa 'kin ngayon, he's home safe," Ate Kajina softly responded to Uno's friends. "You can crash here tonight. You know naman na aling room kayo, right?"

"No need, Ate. Hindi naman po kami nakainom."

"Dinamayan lang po talaga namin si brader. Kaya po namin makauwi nang buo."

"I insist. It's too late na, oh," sabi ni Ate Kajina.

Nagpumilit din ang dalawa na umuwi na kaya wala ring nagawa ang babae. She just sent them off until the staircase and immediately went back to Uno's bedroom. Naabutan niya akong nakatingin lang kay Uno na mukhang nakatulog na ulit.

"It's his first time to be this wasted kaya sobrang nag-alala ako."

I swallowed slyly. "Nag-alala nga rin po ako..." Pero hindi ko alam na ito ang unang beses ni Uno sa ganitong estado. Sabagay, hindi naman siya mukhang mahilig magwalwal.

"I know. Kaya ka nga nandito. Thank you, Rivi." Nginitian niya ako. "Hayaan mo—"

"Kilala mo ba si Rivi..." Uno talked in his slumber that cut his sister off.

Napailing-iling si Ate Kajina nang nakangiti. "Hayaan mo siya at bukas na lang 'yan magbibihis. I'll just have your room prepared for tonight," she continued.

"S-salamat po."

She opened the door widely as she stepped out. "I can't break Rivo Sio's tiwala." Kinindatan niya ako bago siya umalis.

Naramdaman kong uminit ang aking mukha kahit malamig na sa kuwarto ni Uno gawa ng air con. 

"Sabihin mo kay Rivi, 'di naman kami nag-break! Ba't 'di na siya nagpaparamdam?!" Mas malinaw nang magsalita si Uno ngayon kahit nakapikit naman siya.

Sino kaya'ng kausap nito? Saka 'di ba nga... siya rin 'tong hindi na namamansin? Quits lang kami, 'no! Ewan ko nga lang ano'ng pumasok sa isip niya at inaya niya ako ng badminton match. Akala ko hindi na siya mamamansin kahit kailan.

"Siguro 'di niya na rin kinakain 'yong strawberry jam na ginawa ko?"

"Ubos na kaya. Pinapak ko," I couldn't resist replying to him. Hindi ko naman sure kung naririnig niya talaga ako.

"Ni hindi rin siya naglalagay ng kanta sa playlist namin. Ginawa niya pang 'tunes of two souls' kung puro ako lang naglalagay. Bakit, dalawa ba kaluluwa ko?!"

A smile broke my lips. Shit, ang cute niya naman malasing?

"Nagkabalikan na ba sila ni Acerbobo?"

I laughed but I quickly silenced myself by slapping my mouth. Oh, no, Lizeo Acerbo, he was this mad at you! He made a name! It was so mean of me to see a humor in it, but that rascal disrespected me every chance he got anyway, kaya wala akong pakialm.

"Sabihin mo naman... pansinin niya na 'ko uli..." Humina ang boses niya sa magkahalong lungkot at desperasyon. "Please..."

Napanguso ako. Ang daldal! Ang daming sinasabi! Napaka-cute rin at the same time!

"Okay," I replied quietly.

And then... silence. As if Uno was done speaking his thoughts out loud. 

Sakto namang nakabalik si Ate Kajina dahil ready na raw ang guest room para sa akin ngayong gabi. Maayos kong tinabunan ng comforter si Uno bago namin siya iniwan dahil nahimbing na siya ulit. Hinatid din ako ng ate niya sa tutulugan ko.

"Uno confessed. He can't lie to me nang matagal..." Ate Kajina suddenly spoke while I was behind her. Nilingon niya ako. "I know the truth between the two of you."

Kinabahan ako. Pero naramdaman ko ring may tinik na nabunot sa dibdib ko. At least now I was relieved to know that there was no need for me to fake matters here tonight.

Inilahad niya sa akin ang guest room na nakabukas ang pintuan dahil kalalabas lang ng isang ginang na mukhang househelp nila. My initial impression was it's quite huge for a guest room. It smelled of a five star hotel.

"Ayaw n'yo bang totohanin?"

Natigilan ako sa tuluyang pagpasok at napatingin kay Ate Kajina na nanatili sa labas. "H-hala! H-Hindi naman po sa gano'n..." Hindi ko malaman ang isasagot.

She sighed, but there was a ghost of a smirk. She shrugged her shoulders in mischief. "Okay. Sleep well, Rivi, and thank you again."

"S-salamat din po."

Siya na ang nagsarado ng pintuan pagkaalis niya kaya dumiretso na ako sa kama. Noon ko lang napansin na iyong fluffy dorm slippers ko pa ang suot ko at tanging cellphone lang ang nabitbit ko. It was already quarter to three in the morning.

Gising ang diwa ko kaya hindi ko alam kung paano ko mapapatulog ang sarili ko. Most especially that there was something lingering in my head. Ngayon ko lang papayagan ang sarili na dalawin ang lugar na ito sa isip ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang isang application kahit hindi sigurado sa ginagawa. Basta, ginagawa ko lang. Ito ang tinutulak ng dibdib at isip ko na gawin ko.

The next thing I knew, I was already in a serene sleep. 

Nagising ako nang maaga kinabukasan. It was just 8 a.m. in the morning, siguro dahil na rin sa body clock. Lumabas agad ako ng kuwarto since kailangan ko na ring umuwi. Buti na lang at 10 a.m. pa ang first class ko.

Matinding hangover na lang siguro ang iindahin ni Uno pagkagising. Hindi ko na siguro siya maaabutan na magising. Baka nga mamayang hapon pa iyon magmulat at hindi na makapasok sa classes niya ngayong araw. Nagpakalasing-lasing pa kasi.

"Magandang umaga. Bilin ni Ma'am Ka na dumiretso ka sa hapag pagkagising para sa agahan." Nakasalubong ko ang helper nila na iba sa nakita ko kagabi.

"Good morning po. Salamat po."

Kahit nahihiya ay sumunod ako sa kaniya sa malawak na dining area. I'd been here as well noong dinala ako ni Uno. Only the rooms upstairs were something foreign to me this time around.

"Uhm, ang parents po nila?" tanong ko.

"Maaga silang umalis kanina. Heto, oh..." Ipinaghanda niya pa ako ng kakainin ko. "Mamili ka na lang ng gusto mo, ha. May aasikasuhin pa kasi ako."

"No problem po. Thank you very much po."

I suited myself when she left and chose to make only a bacon and egg sandwich kahit natakam din ako sa rice. I added a lettuce leaf since I spotted it on the many choices. Sayang nga lang at walang mayonnaise rito. It would taste better with it. 

I only had one bite yet when Uno came into sight. Mukhang nakaligo na at halatang makirot ang ulo dahil sa kunot ng noo. Kitang-kita rin na nagulat siyang makita ako.

"Good morning, Juno Jupiter," I greeted with a blissful smile. Buti maliit lang iyong unang kagat ko kaya naubos ko agad.

"Last night wasn't a fucking dream? You were real?"

I pulled out the chair next to me. "Sit here and eat your breakfast. Hindi ko naisip na maaga kang magigising sa estado mo kagabi, ah..."

"My alarm blasted for a morning class that... I now missed. Sinubukan ko sana kaso hindi na talaga makakaabot..." he explained as he neared and sat beside me.

Tumango ako. "Ano'ng gusto mong kainin?"

Hindi siya sumagot. Sa gilid ng mga mata ko, kita kong nakatitig siya sa akin. I repeated my simple question so I could prepare the food for him, but I received no answer again. Kaya bumaling na ako sa kaniya.

"Fuck. I'm sorry I dragged you into this. Anong oras na ba 'yon kagabi? Tinawagan ka ba nila? Fuck. I'm sorry. You didn't have to..."

"I wanted to." I stared straight into his eyes. "Kagabi... Nagtatampo ka pala sa playlist. Pero check mo na. Naglagay ako ng songs. Dalawa agad 'yan, ah."

His eyebrows furrowed. But I sensed the eagerness when he checked his cellphone without saying any word. He just wanted to see it in an instant and I watched him patiently.

Para akong papawisan kahit hindi naman mainit. Nakausap ko na ang sarili ko kagabi. I opened up to myself last night which I never did. It was the something that struck me and had been bothering me even if I had been ignoring it for a long while. 

I figured out last night how to fix it.

"The first one's a song I think I've been meaning to add no'ng iniiwasan kita... at noong hindi mo na rin ako pinapansin..." kuwento ko. "Hindi ko lang ginawa."

Touch — Stephanie Poetri

"And the other one..." Huminga ako nang malalim dahil nakaramdam ng bigat sa dibdib gawa ng kaba. "Gusto ko lang ilagay na sa ngayon."

I figured that fixing it... meant finally admitting it.

Falling for U — Peachy!, mxmtoon



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro