
Chapter 17
Chapter 17 #smashedsrs
"Bibilhan kita ng strawberry farm kapag may trabaho na 'ko."
Mabilis na napabaling ako kay Uno bago ko matanggal ang seatbelts. Saktong kahihinto lang ng sasakyan niya sa tapat ng bahay namin dahil hinatid ako.
Pagkatapos ng kantahan, saglit lang kaming nagkuwentuhan before we noticed the clock. Inawat nga lang namin si Kuya Rael sa karaoke. Hindi naman ako na-inform na concert niya pala iyong pinunta ko sa bahay nina Uno.
He sang too many song songs in a row. He just couldn't let go of the microphone. Passion, he'd tell us to which the couple and Yzl would boo as a tease.
I was speechless while Uno still managed to smile. It wasn't so wide but it was bright. Itinuloy ko nang hubarin ang seatbelts nang tumawa. It was beyond me why my laughter erupted with an awkward sound.
Ano raw? Ibibili niya ako ng strawberry farm when he's already got a job? But for what... and why? A farm?
"Baliw ka..." sambit ko. "Probably, may girlfriend o baka asawa ka na no'n. Why would you buy me a farm? Baka magselos 'yon!"
I forced out a chuckle. Kasi hindi ba iyon common sense na? Is that how he is as a friend? Eh 'di ang hirap pala nito maging boyfriend lalo na kung selosa ako?
I mean, hindi naman ako selosa, saka buti at fake relationship lang kami.
"Hm. That depends. Magseselos ka ba?"
I darted my widening eyes to him, completely taken aback.
Ilang sandali akong nakatanga sa kaniya habang siya naman, diretso lang ang tingin sa harapan. But when I spotted no humor in his entire face nor aura, I started feeling the butterflies in my stomach.
I emitted awkward laughs. "Crush mo ko, 'no! Umaamin ka na n'yan?" biro ko, binabago ang nakasasakal na ere. "Crush mo ba 'ko, huh, Juno Jupiter?"
My laughter died down when he didn't share the supposed fun with me. Unti-unti niya pa akong binalingan, mukhang seryoso kahit habang may maliit na ngiti.
"Oo, eh." Kinagat niya ang ibaba niyang labi bago yumuko saglit saka ako binalikan. "Okay lang ba?" he asked softly, definitely sounding like one asking for a consent.
Ninakaw niyon ang boses ko. Matiyaga naman siyang nag-abang ng sagot, nga lang ay nababahiran ng worry ang mukha habang tumatagal ang pananahimik ko.
Naiilang uli akong tumawa nang umiling. "Sa inyong tatlo, it's not you who I take for a joker. Ulrich is closer." I breathed out. "Baba na ako... Thanks. Good night!"
"Vi—" I cut him off by closing the door then walked to our gate with the fake composure I managed to build.
Hindi bukal sa loob ko ang pagsarado ng gate nang hindi man lang siya nililingon uli. 'Di bale, ngumiti naman ako noong nagpasalamat.
I was just suddenly unsure of how to act. Frankly, it brought awkwardness between him and me in my head. Shit. He must be kidding about it. Yes, tama, at dapat lang. Kasi, please, ayoko na uling nawawalan ng friends.
Pinilig ko ang ulo na parang nababaliw na. I've spent unreasonable time in my pink robe rewinding the scene earlier. Pati sa bathroom ay tungkol doon ang nasa isipan ko. Saka lang tuloy ako nakapagbihis ng sleepwear set.
Patulog na ako noong tumunog ang cellphone ko. I opened my eyes and they widened upon the guess that surfaced, but not quite long after, there was another notification again.
Napapikit ako at bumuga ng hangin bago abutin ang cellphone ko sa nightstand. I was right that they were texts from Uno.
I disabled the read receipt first before I directly viewed his texts on our conversation. Kasi alam ko na agad na hindi ako makakapag-reply ngayong gabi kaso ayoko naman na makita niyang nabasa ko rin.
Uno:
I can't sleep.
Uno:
Am I doing it wrong? 😔
Mahigpit ang pagkakapikit ko. I almost squeezed my cellphone in both my hands when I brought it near my chest while trying to sort out my thoughts. Hindi ako mapakali na itinabon ko pa ang comforter blanket hanggang ulo.
Uno, not at all helping me, sent another text.
Uno:
But you have to know that I'm not blaming you if I lack of sleep tonight. Good night, Vi.
Suminghap ako at ini-lock na ang cellphone saka ibinalik sa nightstand. I sighed under the blanket, doubting my initial belief that he was just kidding... about it.
Hindi ako napalagay. As if I was at sixes and sevens! Because just earlier back at their home, I even concluded that he's secretly into Yzlrey. Ngayon naman, ipinahihiwating niyang ako bigla?
Guess what, Uno Zorca, I think we'd have the same fate tonight. Let's deprive ourselves of sleep together, then.
Pagkatapos ng weekend, bumalik na rin ako sa dorm. Ibig sabihin din siyempre ay balik sa trainings. Mas matindi na nga lang at humigpit sina coach dahil sa nalalapit na interschool competition bago matapos ang academic year kalaban ang ibang schools.
Umiinom ako sa flask ko noong break nang may naaninag na tore sa tabi ng inuupuan kong bench. Tumikhim si Uno. I could sense his uncertainty whether to approach me or not.
Our awkward night was just last week. It must be because of that. Kasi iyon din ang dahilan ng akin.
"Uh... Hey, uh." Hindi niya alam umpisahan. "Rivi..."
I took advantage of the flask of water filling my mouth. Kahit wala na ni patak, lumunok-lunok pa rin ako na akala mo hindi laway na ang iniinom. I just had to muster the guts before I face him.
"Hi, Uno. Yes?" nakangiti kong tanong nang ibaba ang flask. Patay-malisya rin.
I clearly saw his face brighten from despair when our eyes met and exactly when he heard me speak to him. Inakala niya bang hindi ko siya papansinin? 'Di naman ako gano'ng rude na tao, ah. May pinagsamahan naman kami.
Pero if given the choice, I'd rather not have any conversation with him for the mean time. Nilapitan niya lang kasi ako ngayon, e. Ewan ko na, shit! Bakit ba nasa ganito kami bigla na kalagayan kasi?
"Get back! Get back with the head cover of your rackets!"
Napatingin ako kay coach na biglang sumigaw. Oh, no, wala akong dala...
"I can lend you an extra, kung wala ka," alok ni Uno na mukhang nabasa ang mukha ko.
I stared at him unsure. Gusto ko nga siyang iwasan kaso ginagawa niyang imposible iyon, lalo na at kailangan sa training namin. Bumuntong hininga ako at walang nagawa kundi ang tumango.
I focused into improving my game especially my swings with a racket head cover on. Nagkaroon ng kaunting bigat dahil doon. May isang beses ko ngang nasulyapan si Uno na tila ba easy as pie na lang sa kaniya ang lahat ng ginagawa namin.
I sighed to myself. In this challenging times, it's so hard to admit that he looked perfect while in his element. Guwapo na nga siya, mas lalo na kapag nasa sports mode. Ang OA ng 'challenging times', but that's how it exactly feels.
Natagpuan ko na nga lang talaga ang sarili na desididong umiwas sa lalaki. Iba ang tama o epekto niya sa akin simula noong... Basta 'yon.
Pagkatapos ng training ay ibinaba ko na lang sa tabi ng bag niya iyong head cover habang nagpupunas siya ng pawis. He watched me do that with examining eyes.
I smiled feebly. "Thank you." And then I walked to my things.
Pinigilan kong ipahalata ang napakalalim kong buntong hininga nang naramdaman ko ang pagmamadali niyang sumunod sa akin. Juno Jupiter Zorca, you are becoming a headache no matter how hard I try not to regard you as that.
You're supposed to be a fucking ball of sunshine, Uno!
"Balik ka na sa dorm? I'll walk you there." Himala na sigurong hindi niya ako inalok ng hapunan. He's getting it at least, huh?
It was another moment of awkwardness to endure. I was even so thankful na walking distance lang talaga ang dorm building namin dahil hindi ko talaga siya kinausap. Hindi rin nagtangka ang lalaki. In fact, we were both drowning in our own phones. Siya lang ang may nakakabatian sa mga nakasasalubong dahil pugad ng mga estudyante itong area na ito.
I murmured a thank you when we neared the entrance of our dorm building. I quickly felt guilty and sorry when I thought that Uno might have heard it.
"Vi..." Oh, shit, there he goes. Medyo napabilis ako ng lakad bigla. "'Di ko sigurado kung nararamdaman mo na ba. Pero—"
"Uh, nandito na tayo," singit ko sa kaniya. "Pasok na 'ko."
Ni hindi ako nakatingin sa lalaki nang dumiretso ako sa loob ng ladies' dormitory. Sa kabila ng bilis ng mga hakbang ko, ganoon kabigat ihakbang ang mga paa ko.
Isang linggo muli ang lumipas. Hindi ko na talaga siya pinapansin, at oo, ako lang. Halata naman sa makailang beses na pagsubok ni Uno na magkausap kami na... ako nga lang ang umiiwas.
Midweek nang nakita kong may bago na ulit kanta sa playlist namin. Nakakatatlo na siya at ako, wala pa ring ambag mula't simula.
Laro — Autotelic
Since when this whole fiasco began between us, I think I developed an overthinking habit. Kaya naman at some point, napagtuonan ko na ng ibang atensiyon ang specific playlist na ito most especially ang mga nakapaloob nang kanta. Fallen and Maybe Maybe were the first.
My cheeks were flushing at the idea that came into my mind. Ayaw ko naman sanang mag-assume kaso roon talaga ako nauuwi.
Nalilito na nga rin ako, e. Because the reason why I'm choosing to avoid him is already clear to me. It's because I don't want to taint our friendship with some unnecessary feelings. Some feelings that can be temporary or worst, destructive. Ganoon kahalaga sa akin ang pagkakaibigan namin.
I don't want to even communicate because I was too terrified of mistake. I wasn't ready to handle a situation like this.
Pero sa nangyayari ngayon, tila ba nasisira na rin naman ang nabuo naming pinagsamahan sa saglit na panahon. And this thought leaves a pang in my chest.
Hindi ko na malaman kung tama ang naging pasya ko. Kung tama ba ang ginagawa ko. Kung tama ba ang mga nangyayari.
Heto nga't nasa iisang lugar na naman kami ngayon dahil sa training. Pero nasa magkabilang sulok naman kami kaya ayos na rin sa akin.
"Gather and compress, everyone!" magkakasunod na sigaw ng coaches namin.
Huminto kami. I got too curious why was there a need for us to assemble as one. May announcements kaya? Ano naman? Nariyan na ba talaga ang inter-school competition? Nakakakaba tuloy.
"For today's training is attackers and defenders, so you guys..." Nakaharap si Coach Quimpo sa mga senior varsity players. Sa kanila Uno. "Pumili kayo ng ka-match sa kahit sino rito. You will be the defenders. Go, double time!"
OMG. Here we go again!
For some reasons, mabilis ang instinct ko kaya nakatunog agad ako. I searched for a match around even though hindi naman dapat ako ang mamimili. Okay lang naman sigurong ako na ang mag-offer, 'di ba?
Nagningning nga ang mga mata ko nang makita si Patricia. Pero naalala kong senior varsity players ang mamimili ng match sa amin. Ligwak! Binati ko na lang ang babae.
Pagkatapos... ang bilis ng pangyayari... Ito na si Uno sa harapan ko. Bakit ba ang bagal kong nakapaghanap naman, oh?
"Hey," malumanay niyang bati. "Will you be my attacker?"
Ngumiti ako nang maliit. "Sorry, I have to go to the restroom first. Excuse me lang, ha." Iniwan ko na siya roon.
Tinotoo ko naman na mag-restroom. Pagbalik ko nga ay may attacker na siyang lalaki, malamang ay kinailangan na. It's obvious that Uno is a coaches' favorite, so kasali agad siya sa first batch.
I just stepped aside and waited for my turn. Mayroon naman sigurong lilitaw mamaya na wala ring nakuhang attacker. Iyon na lang ang akin.
Sa ngayon, kahit gusto kong pigilan ang sarili ko, manonood na lang muna ako kay Uno bilang defender at sa attacker niya. And damn, was he so cool in those stances.
Nalilito na ako. Pero mamaya ko na iintindihin. Manonood muna ako.
"Congratulations, guys! Uno, congrats! Break a leg, y'all!"
I was mopping my sweat when I heard that. Marami ang nag-congrats kay Uno. Nasa huling batch kasi ako at katatapos lang namin nang may big announcement ang coaches.
Uno was included in the official badminton team to defend our school for the interschool competition coming soon. Sa singles game edition siya lalaban.
I was happy for him too. I just couldn't voice it out.
"Vi..." Kahit nandito na naman siya sa harapan ko. "Did you hear the announcement?" mahina ang boses niya. Parang hindi confident na may sasagot sa kaniya.
Napatikhim lamang ako. Hindi ako mapakali sa loob-loob ko. Kung iiwas ba ako o babatiin na lang din siya sa achievement na ito.
"Kasama ulit ako sa official players ngayong taon. Congrats lang, Vi..." He sounded unhappy and it clenched my heart.
Napakagat ako sa labi ko habang nakaiwas ng tingin sa kaniya at nagpupunas pa rin ng pawis sa leeg kahit tuyo na yata. Should I greet him too? Kahit ito lang naman, no? Para ito lang naman, Rivithymia, 'di ba? Ayan, sige, i-gaslight mo ang sarili mo!
But then I heard him sigh. "I guess I did it wrong, huh..." he said, almost a whisper.
Natigilan ako at halos nabato sa kung saan nakatayo. Hindi rin lalo makatingin sa kaniya. My tongue completely backed away at that moment. Nang hindi ako nagsalita, Uno finally left me without saying any more word.
I gulped when he was gone. Yes, Uno... I think so, too.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro