Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Chapter 15 #smashedsrs

Natawa na rin ako nang umamba sa pagkain ko. "Akala ko magpapa-baby ka talaga. . . Eh, mas matangkad ka nga sa 'kin. Sa 'min nina Ate Kajina!"

Maliit na napangisi lang naman siya.

"Pero ang hassle tuloy sa 'yo. Ihahatid mo 'ko sa bahay mismo namin," I raised when I remembered. Pumalatak ako. "Si Daddy, oh."

"Wala 'yon. I'd do the same sa anak kong babae kung ako ang ama."

Napangiti ako sa pagiging maintindihin niya. . . saka tama naman talaga. I admit that I was partly at fault by not seeking for Mommy and Daddy's approval first before we went away. Biglaan din kasi.

"Ipaliliwanag ko na lang sa kanila na ginusto mo lang naman mapagaan ang loob ko dahil sa nangyari with my ex. Para naman hindi sa 'yo ang lahat ng sisi as if tinangay mo lang ako."

"Really, Vi, there's no need. . ." he replied firmly. "Okay lang naman sa 'kin mag-take responsibility since sabi mo nga, ginusto ko. I really did."

Napanguso naman ako kaya saglit na nanatili sa bibig ko ang pasta bago ngumuya uli.

Tatahimik na dapat ako nang umingay naman ang cellphone ko sa tawag ni Kuya Rivo. I was not surprised because I already expected this. Kaya nga inuna ko nang tawagan ang parents namin kasi sure akong nakita niya ang Instagram update ko.

"Another that I should face?" pabirong tanong ni Uno.

"Apparently," sakay ko. "Pero ako na 'to."

"Sabihan mo lang ako. Ready naman akong panindigan ka," seryosong sabi ni Uno habang kumakain na natalo na sa boses ni Kuya Rivo sa tainga ko.

"Nasa Baguio ka? Kasama ni Uno Zorca?" my brother asked sternly. Isa naman siya sa mga nanukso sa akin kay Uno kaso tulad kina Mommy, naiintindihan ko ang reaksyon.

"Alam nina Daddy, Kuya."

Saglit na natahimik si Kuya bago nakapagsalita. "No shit?"

"Yeah. Binilin na rin ni Daddy na ihatid ako ni Uno sa bahay."

He hummed from the other line as if thinking deeply. "Okay, fine," he conceded.

I smiled to myself because I already predicted this. Kapag talaga ayos na kina Daddy, wala nang nagagawa si Kuya Rivo at nirerespeto niya na lang ang mga desisyon. Mabuti na lang hindi siya kasing higpit ng ibang older brothers. Sinuwerte rin naman ako.

Matapos naming kumain na masasabi na ring early dinner, nagpalipas muna kami nang kaunting oras bilang pagpapahinga na rin ni Uno. Ginawa ko ba namang driver, eh? But to my defense, it was voluntary of him!

When we were about to leave, both were already settled on our seats, the two towers rang the tower I was with. Saka ko lang naisip na napaghiwalay ko ang tatlo at hindi yata ako sanay na hindi sila magkakasama.

"Nauumay na 'ko sa 'yo. Busy pa rin ba si Rivi?!" ang boses ni Ulrich.

I was engrossed in editing all the images I took the whole time I was in the summer capital of the country on the shotgun seat. Kaya hindi ako makasali sa video call ni Uno kasama ang dalawang kaibigan habang nakahinto ang sasakyan.

Dahil kay Ulrich ay napatingin ako kay Uno na nasa puwesto niya, nakapatong sa manibela ang kamay na may hawak ng cellphone habang nasa ibabaw ng hita niya ang isa.

I burst into laughers as I leaned towards Uno to fit myself into the frame. Nakaharang iyong isang braso niya kaya kinuha ko iyon at inilipat sa likod ko. Sunod kong naramdaman ang akbay ni Uno habang itinatapat niya ang screen sa akin upang hindi na ako mahirapan.

"Oo, busy ako lagi kung ikaw naghahanap sa 'kin," biro ko kay Ulrich.

But he seemed to be captured by something else, seeing how he gaped at his screen. Ganoon nga rin si Stance na naputol ang tawang dulot ng biro ko.

"Screen..." Ulrich suddenly said as if in a hurry, "shot. . ." Humina ang boses niya sa dulo nang tila may napagtanto.

I eyed Uno on our reflection on the screen and saw him frowning. Naagaw nga lang agad ang atensiyon ko nang magsalita si Stance.

"How cold is it there? Pinagpalit n'yo ang pawis sa training, ah."

"Ngayon lang naman!" natatawang depensa ko. "Sayang, dapat sumama kayo ni Ulrich! Dapat nandito rin kayo—mas masaya. The more the merrier!"

Sabay silang napaubo-ubo. Napakunot ang noo ko kasi... ang timing naman ng samid nilang dalawa? Pero agad akong nag-alala nang napansing lumala yata ang ubo nila.

"Hey, okay lang kayo?" I mused, leaning closer to the screen as if that would contribute help. "May water ba kayo? Drink, please."

I made sure that the boys were okay before we hung up the cellphone conversation. Actually, gusto ko pa talaga na kausapin sila at pabirong inggitin sa mga ginawa namin dito sa Baguio kaso lang sinabi ni Uno na ibaba na.

He was not persistent in ending it, but I was too shy to prolong since it was his cellphone in the first place. Malay ko at kailangan niyang gamitin o tinitipid ang battery kahit na puwede naman siyang mag-charge sa sasakyan.

"Vi? Matanong ko lang. . ." ani Uno nang umayos ng upo sa driver's seat.

Hindi siya mukhang naghahanda na iabante na ang sasakyan kaya naintindihan kong balak niya lang munang makipagkuwentuhan sa akin. I felt the sudden struck of guilt again, concluding that he was that worn out from driving all day that he wanted a long rest.

"Uhm. . ." si Uno, mukhang distracted habang nakatingin sa bibig ko. Did he assume that I was about to say something? "Matanong ko lang. . ."

Napakunot ang noo ko sa pag-uulit niya ng sinabi. "Matanong mo ang?"

Ikinapit niya ang dalawang kamay sa manibela. Nakita ko ang muntik na nagtatagpo niyang mga kilay bago siya sumandal at idiniretso ang tingin sa harapan.

"Hindi ka ba masaya na kasama mo 'ko? Uh. . ." Parang nailang siya bigla. "I mean, hindi ba kita napasaya? Mas. . . masaya ba kasama mga kaibigan ko? Do you wish you were with them instead?" sunod-sunod niyang tanong.

My jaw almost landed on the flooring of his vehicle. Ilang beses akong napakurap-kurap sa kaniya habang bothered naman siya kung ibalik ang titig ko.

Napaisip tuloy ako kung naparamdam ko ba sa kaniya iyon. Kasi bakit naman niya maiisip ang ganoon? Sa tawag ba kanina nina Ulrich?

Uno couldn't hold my stare any longer, so he looked away. Nakakapit siya sa manibela habang nakatingin sa labas. Pero halata na iniisip niya pa rin iyong nabanggit niya.

I breathed out. "Ano ka ba. . ." Natatawa naman talaga ako, mas ipinakita ko lang para hindi na siya ma-bother. "I just said na masaya rin kapag kasama natin ang friends mo. Pero 'di ko naman sinabi na hindi ako masaya kung tulad nitong tayo lang, ah?"

Hindi ko alam kung kumbisido na siya. He still didn't look at me, but I know he wasn't mad or anything close to that. He was just terribly agitated by his false conclusion, leaving me squeezed by guilt.

Simula talaga noong nakilala ko si Uno, lagi nang present ang guilt. Pa'no ba naman kasi, ang gan'tong tipo ng lalaki. . . Napakahirap magawan ng masama o ng kahit anong hindi niya deserve. It feels as though a crime that would haunt me to death.

Especially today that I know exactly why he brought me here in Baguio. He wanted to distract me from that Zeo incident and lighten my mood. Nagtatagumpay naman siya sa purpose niyang iyon—sobra-sobra nga.

After a moment, I raised my hand to hold his arm. "Psst, uy. . ." masuyo kong tawag, hindi na nakatiis.

Nasaksihan ko ang gulat niya kahit na side profile lang ang nakikita ko. Mabagal pa siyang napabagsak ng tingin sa kamay ko at kasunod, napakuyom ng panga.

"H'wag ka na ngang sad d'yan, please?" I smiled brightly, even clinging on his arm. Talagang yumakap na ako sa isang braso niya tulad din ng yakap niya sa akin kanina sa Pancake House. "Sobrang masaya ako na kasama ka, okay?"

I was looking up at his face while in this position, so I see how his eyes were now flickering in happiness. Umangat na nga iyong isang sulok ng halatang malalambot na lips niya. Hindi dry tingnan kahit na hindi niya naman binabasa.

Umahon na ako at napaupo na uli nang maayos. I was late to realize that I actually brought his arm with me above my lap. He clenched his hand in a panicky manner and had his fist placed on my thigh instead of his entire palm.

"You know, I don't want to cause you any awful feelings. Iiwasan ko at all cost," taos-puso kong sinabi, nilalaro iyong corners ng Apple watch niya sa palapulsuhan. "Deserve mo lahat ng magaganda lang, eh."

His eyebrow rose up in amusement. Napatitig pa siya sa akin kaya tumitig na lang din ako. I also arched my eyebrow to challenge that expression of his na sa totoo lang, hindi ko rin alam kung para saan.

Itinabingi niya ang ulo niya habang tinatanaw ako sa shotgun seat. "So. . ." Napahinto siya sa labis na pagpigil ng maliit na ngiti. "I deserve you?"

Inabot ata bigla ng kilay ko ang tuktok ng Mount Apo. "Hm?"

Hindi niya na pinigilan iyong ngiti niya bago ako sinagot. "Maganda ka, eh."

Napahagalpak ako sa tawa at tinampal ang braso ng bolerong kasama ko. "Sus! Small thing! And duh, matagal ko nang alam 'yan!"

He jerked his chin for a single nod, still with that charming smile. "'Buti."

Nagtawanan kami ni Uno. Puro bliss lang ang naramdaman ko sa dibdib ko na kahit sa isip ko, wala nang puwang ang tungkol kay Zeo at iyong nangyari. Hay. . . Uno Zorca.

Halos hindi ko namalayan ang oras na nakaupo lang kami sa loob ng sasakyan niya. The car didn't even move an inch because we were so engrossed in our conversation.

Nakuwento na nga rin ni Uno iyong tungkol sa Bradiez.

So, the story started with the three of them being grouped for an academic task back in junior high school. Si Ulrich iyong thick-faced na naki-close agad kaya brad nang brad sa kanila ni Stancent hanggang sa nakasanayan na nilang tawagan.

The personalities had a spark and the bond blossomed. It reached the point that Ulrich recalled that date they were grouped. Diez ang date kaya friendship anniversary raw nila, at bilang corny na lalaki, he gave birth to the term Bradiez. Pangalan ng grupo at group chat nila.

Siya nga rin daw nakaisip na "10" na lang ang jersey numbers nilang tatlo habang wala namang mga girlfriends at couple anniversary dates. Hindi na rin umalma iyong dalawa dahil baka umiyak daw si Ulrich.

I cracked up because even if I already knew that Uno was kidding, that scene had a potential to be true. Baka iyakan nga ni Ulrich. Kung makamaktol pa nga lang kapag hindi napagbibigyan na mag-Romantic Baboy!

My laughter only died down when it was my turn to share about my experience in friendships. Hindi ako nagkaroon ng chance na makaipon ng maraming friends kasi homeschooled ako lagi noon.

I was only able to collect acquaintances but. . . none of those type of friends that I can consider as my siblings not by blood but by heart. Saka minsan, feeling ko hindi rin talaga ako lapitin ng solid na friendships.

Going back, senior high school nang tuluyang nag-aral na ako sa isang school at nagkaroon ng dalawang ka-close na girls. But just before graduation, they opposed my relationship with Zeo which I clearly understood.

Kasi tama naman sila na naging red flag nga si Lizeo kalaunan. Sadyang concerned lang din sila bilang friends ko, alam ko.

Pero as someone na nagmamahal lang naman noon at naniniwala sa probability na titino rin muli ang boyfriend, hindi ako nakinig sa break-up 'dictations' nila. . . agad. Ganoon naman, 'di ba? Iba sa atin, hindi mabilis matuto matapos gawing tanga ng love. I was that girl.

Hindi nila naintindihan o kahit inintindi iyong side ko until they started treating me intolerably. Naging toxic na rin sila katulad ni Zeo, the one they were pushing me to dump. Pero friends version nga lang sila.

They were the ones who had the face to cut me off before college. Nasaktan ako kasi tine-treasure ko ang friendship na nabuo namin, as someone na hindi masiyadong nakaranas niyon. Pero hindi na rin ako humabol. Para saan, 'di ba?

Importante lang, mayroon naman na akong Uno.

And, oh. . . Ulrich and Stance and Rhea and Jenica and Patrice!

Sulit ang mga naging kapalit.

It was past ten in the evening nang nahatid ako ni Uno sa bahay namin. Even if he didn't voice it out, I knew that his back was already craving for a soft bed mattress. Pauuwiin ko na nga sana kaso nagpumilit na ilahad ang sarili kay Daddy tulad ng napag-usapan nila.

Nagbahagi ang mga labi ko nang mag-abot si Uno ng isang bottle ng. . . strawberry wine! I saw him buying that from the farm but I wasn't expecting that it's for my Dad. Nakaarko ang kilay ni Daddy habang mangha na sinuri ang wine bottle. Halata ko rin na miski siya, hindi inasahan na may matatanggap ngayong gabi.

Daddy casted a glance at Kuya Rivo seated on the high chair of our small bar counter. Nilalaro niya iyong moist sa baso niya ng tubig habang nakangising nakamasid sa amin.

"Marunong 'to. . . Marunong. . ." komento ni Daddy, nakangiting napapilig ng ulo.

Humalakhak si Kuya mula sa kinalulugaran. "Marunong ba, Dad? Marunong?"

Kinuha ni Mommy ang wine na inabot ni Daddy sa kaniya bago ito tumingin ulit kay Uno. "Juno Jupiter Zorca, huh?"

Uno cleared his throat as he straightened his body more. "Yes, Sir."

Tumango lang si Daddy at ako naman ang nilingon. "S'ya, sige at gabi na rin. Thanks for sending my Rivithymia back home and for the wine. Mag-ingat ka sa pag-drive mo pauwi. Ihatid mo..."

Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa likod ko nang ihatid sa labas si Uno. Huminto kami sa tapat ng Civic na pagkatapos niyang i-unlock gamit ang fob, hinarap niya ako.

Napanguso ako. I resisted the urge to apologize about what happened inside the house. Obvious namang malisyoso ang pamilya ko kanina kaso ayoko na gawing issue at banggitin kay Uno. There's just something wrong with the people around us. Nagsama-sama na talaga sila.

"Thank you, Uno," sabi ko na lang.

"Thank you also. Sa magandang araw na 'to." He grinned as if he was about to do some teasing. "Kasing. . . ganda mo."

I snorted. "Sus! Ano? Pagod ka na sobra, umaasa ka na ng free lodging tonight?"

He chuckled boyishly while shaking his head in amusement. "Good night, Vi."

"Good night!" masaya kong balik.

Naglinis lang ako ng sarili at nagpalit ng damit. Naitulog ko na yata ang antok ko sa biyahe pauwi kaya nahirapan makatulog. I ended up spending time on TikTok and I happened to stumble upon Ate Kajina's new video following a trend.

I liked that song used so I thought of searching it on my Spotify. Before I could even type the title, I was hindered by my collaborative playlist with Uno displayed on my home. Pinindot ko na lang muna tuloy iyon at nabigla na. . . there was already one added song.

Fallen – Lola Amour

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro