
Chapter 10
Tinungga ko ang flask ko habang pinanonood si Jenica na pulutin ang mga nagkalat na shuttlecock. She lost the match and that was her consequence. I was about to stand and lend a hand when somebody did it first.
Napalingon din si Jenica kay Uno na tinutulungan na siyang magpulot.
"Oy, Zorca!"
Tumango si Uno bilang pagbati. "Natalo ka?"
"Oo, wala ako sa mood, eh." Jenica laughed over it. "Ayos lang. Sports!"
Nagkita na kami ni Uno kanina. We were training at the same court. We only had several eye contact and exchange of smiles earlier because we didn't have a chance to talk given that we're in a different division. Doon siya sa side nilang mga lalaki.
In the end, I still pulled myself up to help them. Napatingin silang dalawa sa akin at napasinghap si Jenica.
"Hala sila!" she exclaimed laughingly. "Humindi na nga ako sa tulong nila kanina, eh!"
"Hey. It's okay!" I said on a bubbly voice.
Napatingin ako kay Uno na sa may puwesto ko naman namumulot ng mga shuttlecock. I glanced at his previous area and saw no shuttlecocks already. Hinayaan ko na lang siya at inubos ang sa mismong kinalulugaran ko.
Pagkalagay ko sa lalagyan ng pinagpatong-patong na shuttle, pumihit muli ako para balikan iyong isa pang sulok na nakita ko kanina. But Uno's built blocked my way.
Inabot niya sa akin ang ilang napulot. "Ako na ro'n. Pahinga ka na."
Natulala ako sa likod niya nang mag-jog siya papunta sa dapat ay pupuntahan ko. I tightened my grip on the shuttlecocks he gave me. Kapapahinga ko lang at tumulong na ako kay Jenica kasi nakapagpahinga naman na ako nang kaunti.
But I just sighed in the end and decided to help Jenica again.
"Uy, Rivi, ako na bahala rito," sabi ni Jenica na iniipon na ang mga lalagyanan. "Mauna na kayo. Ano'ng oras na."
"You sure? Parehas naman tayo ng uuwian," katuwiran ko.
"Ay!" she gasped. "Gusto mo ba sabay tayo? Sige, next time. May lakad ako ngayong gabi, eh. Sorry. Sa sunod talaga. Promise."
"Oh, no," I said in a panicky manner. "No, don't be guilty." Napatawa ako at kinampay ang aking mga kamay. "Next time, then."
She smiled broadly at me. "Alright! Una na ko, ha?" paalam niya, nakakapit na sa cart kung saan naroon na ang mga iniligpit namin.
Pinagmasdan kong sinalubong siya ni Uno para roon sa mga huling batch na napulot nito. She waved at Uno after and Uno nodded with a smile.
Lumakad ako pabalik sa upuan kung nasaan ang flask at bag ko. Nakatayo kong inayos ang mga gamit ko. Naaninag ko naman sa gilid ng aking mga mata ang paglapit ng bulto ng lalaki. Obviously, it was Uno.
"We're eating dinner. Gusto mong sumama?" anyaya niya pagkaupo sa upuan katabi ng bag ko.
I stopped in my tracks and looked at him. My eyes slitted when I contemplated. Kakain din naman talaga ako. Hindi ko pa lang talaga alam kung saan.
"Zorca, men! Una na kami."
Napalingon ako sa mga lalaking lumapit sa amin na hindi na pawisan. Mukhang mga nakapagpalit na. May mga bitbit din silang sports bag. Ka-division yata sila ni Uno.
"Sa'n ka kakain? Kasama mo sina Jones?"
"Yeah, as usual. Kayo ba?" tumango-tangong sagot ni Uno.
"Ah. Sa bahay na 'ko. Sila rin ata, eh."
"Hey. Mauna na kami. Nagugutom na talaga 'ko."
"'Ge, 'ge, ingat," si Uno at nakipag-fist bump sa mga lalaki.
Both Uno and I watched the guys walk away from us like they were some sort of an interesting movie. Sabay pa naming pinutol ang panonood at nagkatinginan kaming dalawa.
His eyebrow arched. "So...?"
Sinukbit ko sa balikat ang bag ko. Binitbit ko na rin ang flask ko. "Saan ba?" tanong ko.
Napangiti si Uno at tumayo na rin. "Still undecided. Puntahan muna natin sina Stance. Naghihintay sila sa gate. Let's go?"
"Okay," I replied.
Sabay kaming naglakad papunta sa pinto ng indoor court. Noon ko lang din napansin na kami na lang ang tao. That was why our voices were echoing, huh?
Palabas na kami nang bigla siyang tumigil. My forehead crinkled when I heard him exhale loudly and stopped walking. I stopped too and eyed him worriedly.
"Bakit?"
"Naiwan ko 'yung gamit ko," paliwanag niya at napakagat nang kaunti sa ilalim na labi.
My lips pulled apart. "W-what?" Pinigilan ko ang matawa kaso nakatakas talaga.
Suminghap siya at lumingon sa may puwesto nila. Binalingan niya rin agad ako ulit. "Hey, wait here. Kunin ko lang."
"Seriously, Uno!" malakas kong sabi habang natatawa nang pumihit na siya at kumalahating takbo. "Buti hindi pa tayo nakakalabas!"
Narinig ko rin siyang humagalpak sa tawa kahit hindi lumingon. "Wait lang! Diyan ka lang!" aniya na nag-echo.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong indoor court. For some reasons, I enjoyed how our voices were echoing. I cleared my throat.
"Hello?" mahina kong sinubukan. Napangiti ako nang mag-echo nga. "Hello? Anybody home?" ginaya ko ang minsang linya sa mga palabas. Ginandahan at tinonohan ko pa ang boses ko. "Anybody home?" I loudened my voice.
I only stopped when I heard Uno's shoes screeching against the maple flooring. I saw him running back to me, holding his sports bag.
"Tama na kaka-mic test," aniya nang huminto sa harapan ko.
"Anong mic test ka riyan?" sabi ko. "Ang cute lang kasi. Nag-e-echo."
He jerked his chin. "Parehas na kayong cute nung echo sa ginagawa mo."
Ngumisi ako nang malaki. "Heh! Papalibre ka lang ata ng dinner!"
He laughed a bit. "Tara na. Nagugutom na 'ko." He lightly brushed his tummy as he secured his bag's strap on his shoulder. I chuckled because his nose was slightly twitched.
"Okay, tara na!" Hinila ko siya sa braso at lumabas kami.
Nakasalubong pa namin ang guard na magsasarado siguro ng indoor court. Binati iyon ni Uno na parang malapit sila kaya ginaya ko siya at nakibati rin.
Madilim na sa campus kung hindi lang sa tulong ng mga ilaw sa bawat post. Halos wala na rin akong makitang estudyante. I presume, these students I spotted were the athletes and students who had classes scheduled this late.
"What are you two arguing about?" bati ni Uno kay Ulrich at Stance na halatang may pinagtatalunan malapit sa gate.
Nakasimangot si Ulrich nang bumaling sa akin. "Sasama si Rivi?"
"Well, if it's okay with you?" I replied reluctantly.
"Brad, chicken wings o samgyupsal?" atake agad ni Stance ng tanong sa akin.
"H-ha?" I stuttered because his approach pressured me. "Uhm... chicken wings?" I answered instinctively. Parang iyon ang bet ng panlasa ko ngayong gabi.
Lumala ang pagkalito ko nang sumabog ang halakhak ni Stance animo nagtagumpay siya sa isang laban. He laughed right in front of Ulrich who had a scowl drawn on his face. Nakaramdam ako ng kaba nang makita na masama ang tingin ni Ulrich sa akin. What was going on? I couldn't keep up with them! I was asked, at sumagot lang naman ako!
Natuldukan lang ang masamang paninitig ni Ulrich sa akin nang tinakpan ni Uno gamit ng kamay niya ang mga mata nito.
"Gusto ko ng Romantic Baboy!" maktol ni Ulrich kasabay ng pagtabig niya sa kamay ni Uno.
"Tigilan mo nga. Para kang bata," sita naman ni Uno, nakakunot na ang mga kilay.
"Ako naman 'yung taya. I should be the one deciding," Ulrich argued with crossed arms, his chin was slightly lifted.
In all honesty, I still couldn't keep up but I had a little guess. Pakiramdam ko ay nagtatalo sila sa kung saan o ano ang kakainin namin ngayong gabi. Ulrich desired for samgyupsal but I chose chicken wings.
Pero hindi naman porke iyon ang gusto ko, roon na kami dapat kakain, 'di ba? Kung si Ulrich ang taya, marapat nga lang na siya ang magdesisyon.
"De wala," Stance interfered. "Chicken wings! Chicken wings! Chicken wings!" he chanted with a bright grin, clearly with a purpose to make Ulrich more pissy.
"Sorry, 'wag na lang chicken wings. Samgyupsal na lang," I blurted out my change of mind caused by the glares that Ulrich was sending me.
"No," alma agad ni Uno. "Chicken wings din gusto namin ni Stance." He glimpsed at Stance and cocked an eyebrow. "Right, Stance?"
"Yep."
"Tss. 'Di ko kayo ilibre, eh," Ulrich murmured before turning his back. Medyo nag-alala tuloy ako. Did he walk out?
Pero tumatawa namang sumunod si Stance sa kaniya hanggang sa sabay na rin silang maglakad. Kami ni Uno ay nakasunod. My worry lessened when I saw a grin carved on his face too.
"Is he annoyed at me?" I still asked to completely wash off the worry.
Sinulyapan niya ako habang naglalakad kami. Iniling niya ang ulo. "No. He's just like that. Hindi 'yon seryoso. Don't worry," aniya na nagpagaan sa loob ko.
"Pero pwede rin naman kasi tayong..." humina ang boses ko nang walang sabi siyang lumipat sa kabila ko kaya siya na ang nasa tabi ng kalsada, "sa samgyup na lang."
"Don't worry about him too much. Kakakain lang naman namin no'n last week."
Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan na lang ang likuran ni Ulrich na nasa harapan namin. Stance and him were already talking like the bickering didn't happen. I sighed again, letting it go.
I didn't voice out the fact that we were just walking. If I did, it would be a complain. Pagod na kasi ako para maglakad. Mabuti at sobrang lapit lang din naman pala niyong kakainan namin.
"'Kakahiya ka!" biglang sigaw ni Stance.
Dumipa kasi si Ulrich sa may Romantic Baboy na nadaanan namin bago ang wing house. It seemed like Ulrich embraced his beloved. Pinagtinginan tuloy siya ng mga diner sa loob. He was laughing so hard when he jogged back to us. Kinutusan siya ni Stance.
"Kaka-crave talaga, eh."
"Oo na. Bukas," sabi ni Uno. Nilingon niya ako. "Do you want samgyup tomorrow night?"
"I'm fine with anything," sagot ko agad.
It was a safe answer so I wouldn't get into trouble this time. Malaking tulong na hindi naman ako masiyadong mapili sa pagkain, basta huwag ang mga exotic na tulad ng rats. I can't imagine myself eating that even if the chef would assert that it's edible.
I wouldn't care if it would be edible. It's a damn rat. Preferences.
I brushed the thought aside and followed the boys to the wing house. Naunang pumasok si Ulrich at Stance. Uno held the framed glass door for me to enter before he did.
The restaurant had a working air condition. It was cold, but manageable. Magkatabi nang nakaupo sa apatan na lamesa ang dalawang kaibigan ni Uno.
"Uno, ikaw mag-order. May sama ng loob 'to, baka manabotahe," sabi ni Stance habang papaupo kami ni Uno sa harapan nila.
Ulrich looked at me. "Ano'ng flavor mo?"
"I'm fine with anything."
"Ano nga?" tanong ni Ulrich, naniningkit ang mga mata.
"You're pressuring her, Jones," nagbabantang singit ni Uno na hindi man lang binigyan ng kakarampot na pansin ni Ulrich.
"Okay, garlic parmesan," I answered like it was the default.
Sandali pang tumitig sa akin si Ulrich gamit ang naniningkit na mga mata. He drew out a blue bill from his wallet with his eyes still glued to me.
"Oh." Inabot niya ang pera kay Uno. "Wala dapat garlic parmesan sa order mo."
Uno clicked his tongue. Kinutusan ni Stance si Ulrich. The victim's nose flared as he brushed the back of his head.
"Ugali mo talaga," komento ni Stance.
Nasilaw ako nang lumitaw ang dimple ni Ulrich sa kabilang pisngi dahil sa mariing pagkalapat ng mga labi niya para magpigil ng tawa. "Biro lang, brad," he told me. Hanggang sa hindi siya nakapagpigil at bumunghalit na ng tawa.
Pinanood ko si Uno na umiling-iling na tumungo sa counter. Binalik ko ang tingin ko kay Ulrich na hindi pa rin natigil sa pagtawa.
"Baka... you're gonna be bitchy the next days," ani Ulrich nang medyo kumalma na sa pagtawa. "Biro lang 'yon, ah? Ipa-take out pa kita ng garlic parmesan."
Ngumuso ako. "Sabi nga ni Uno, you're not serious. And I won't be bitchy."
He grinned at me. Inilahad niya ang palad niya kaya nag-apir ako roon. Parang ewan nga dahil siya pa ang kumuha ng plastic gloves ko at pinilit niya ring siya ang magsuot sa akin.
Hinatid ako ng tatlo sa entrance ng dorm namin pagkatapos naming kumain. And that night repeated, until it kept on repeating.
Mag-iisang linggo na kaming tatlo na madalas magkasama sa pagkain. Sa umaga lang at gabi ang madalas. Iba-iba kasi ang schedule namin para magkasama pa pati sa tanghalian o kaya snack breaks.
My roommates were nice. I got along with them too. It was just that each of them already had their own circle. Minsan ay iniimbita naman ako nina Jenica at sumasama naman ako. Mas madalas lang talaga akong nakakabit kina Uno.
Iyong tatlo rin naman kasi, kinakabit nila ako sa kanila.
That was also why I received a text from an unknown number last night. Hindi porke't nakatulog ako ay hindi na nasira niyon ang gabi ko.
Unknown Number:
Balita ko tatlo tatlo lalaki mo ngayon ah?
Hindi ko alam kung kaninong number iyon. But I was hundred percent sure who it was. Hindi ko na siya masiyadong nakikita. Pero ayaw niya talaga akong tantanan, ha?
Hindi ako nag-reply. I deleted the text. I blocked the number for my peace of mind.
Pero... medyo napaisip ako sa text na iyon ni Lizeo. Hindi naman siya nanahan sa utak ko buong araw. But when I saw Uno coming my way while I was heading to our floor's restroom, my ex-boyfriend's text rang in my head.
"Hey. Dinner later," nakangiting anyaya ni Uno nang magkalapit na kami. Kahit doon na siya galing sa pupuntahan ko, tinabihan niya pa rin ako sa paglalakad.
Maliit ang ngiti ko nang umiling. "Sorry, Uno. I can't come. Sa dorm ako kakain."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro