Epilogue
BREE LEFT HER SEAT IN THAT WAITING ROOM. Hindi mapakali na gumawi sa mga bookshelf hanggang sa madikitan ng humahagod niyang kamay sa mga spine ng libro ang titulo ng Noli Me Tangere. Naalala niya si Maria Clara.
Nag-iba siguro ang takbo ng kwento kung nalaman niyang buhay si Ibarra, at mahal pa rin siya nito. Kinuha niya ang libro mula sa shelf. Wala sa loob na binuklat-buklat iyon. Virgo and I chose to be safe, pero ang aklat na ito ang magre-remind sa akin na huwag laging safety ang piliin. Because Maria Clara always chose to be safe- to keep her good image, to secure her singlehood by being a nun, to listen to other people in fear of making a mistake, and look what happened to her. Sa ngayon, iyon ang mabuting gawin, pero malaya rin ang tao na piliin kung ano ang tama.
Bumukas ang pinto at pumasok si Laila. Nilingon niya ito, magalang na nginitian.
"How are you?" hakbang nito palapit sa kanya. "Nauuhaw ka ba?"
Umiling siya. "Ayos lang po ako."
"Hindi pwede ang mahiyain dito," mataman nitong titig sa kanya. "If you need anything, let us know immediately, alright?"
"Opo naman," harap niya sa ginang at inabangan na makalapit ito sa kanya.
"Handa ka na ba?" titig nito sa kanya.
Bree nodded.
"I know you'll make it," humahangang saad nito sa kanya. "Hindi ka tulad ng iba na image mo lang ang pinapahalagahan. Because if you only love your own image more than my son, you'll be bragging about dating the President. And because of that, I am sure that you really love him. I know that through thick and thin, you'll stay by my son's side. Artista ka, kaya tiyak ko rin na mauunawaan mo kapag may mga kontrobersya kayong kahaharapin."
"Makakaasa po kayo. Hinanda ako para sa araw na ito."
"At asahan mo rin na aalagaan ka ng anak ko. Kung hindi, lagot siya sa akin."
Mahinang natawa roon si Bree para pagaanin ang loob. Huwag sana dumating ang araw na iyon, na matotoo ng ginang ang banta na lagot si Virgo kapag hindi siya inalagaan.
Ngumiti ito. "O, siya, baka papunta na rito si Virgo, aasikasuhin ko muna ang mga anak ko. Mag-iingat kayo sa byahe lalo na at-" sumimple ito ng sulyap sa tiyan niya.
Bree gave Laila a nod. "Opo, Ma. Thank you po.
Ilang minuto pa at nasa Presidential car na si Bree katabi si Virgo. She could not help glancing at her clothes- a beautifully fitting pink Filipiniana made of the finest pineapple material with a sweetheart neckline and a pencil-cut skirt. A small Philippine flag brooch was on the chest part of her clothing. Nakaladlad ang unat niyang buhok, may customized na enamel sampaguita flower design na naka-clip sa kanyang buhok. Her make-up was decent and subtle, which toned down her seductress image and emphasized on her deep, emotional eyes- as expressive as a great actress' eyes.
Naramdaman niya ang paggagap ni Virgo sa kanyang kamay. Makisig ang lalaki sa puti nitong barong na may Philippine flag brooch sa dibdib. The Barong was made of a clear, white, almost translucent material with gold details. Virgo preferred to wear something close to how traditional an actual Barong looks like to keep his image formal with a striking elegant simplicity. His hair was nicely swept in a neat fashion, handsomely set aside to show his handsome face clearly.
Hinayaan ni Bree na sumingit ang mga daliri niya sa siwang sa pagitan ng mga daliri ng lalaki. Sinuklian niya ang higpit ng paghawak nito sa kanya, ang magaan na pagpisil sa kanyang kamay hanggang sa nagtama ang mga mata nila.
Her heart skipped because he caught her staring at him. And it completely melted as he granted her a soft, light, loving smile.
"Nervous?" he asked.
"Medyo," aniya.
"Iniisip mo pa rin ba kung ano ang iisipin ng mga tao sa atin? Sa relasyon natin?"
"Medyo," aniya. "I'm proud to be in love with you. I just hope that people won't use this to ruin you."
"Now don't be full of trepidation. Hindi ba ikaw ang nagsabi sa akin, don't let people use the ones I love to destroy me? Kaya wala kang dapat ikatakot kung subukan nilang gamitin ka para sirain ako. That won't happen as long as I don't allow it."
She smiled. "I said that?"
"You did," tumagos sa kanya ang madamdamin na pagtitig ng mga mata nito sa kanya. "At kailan pa ba natin ia-announce sa mga tao na may relasyon tayo? Kapag nanganak ka na?"
Nahihiyang napayuko si Bree. She felt her unobvious belly bump.
"If ever," his eyes caught hers, "people attack you personally, bear in mind that people who do that are those who think you're doing a great job they can't find something wrong with it to judge you for, so they stoop low and attack you personally. Okay?"
Bree took in a deep breath and smiled. "I already know that."
"Just making sure," relaxed na nito sa pagkakaupo. "And when people ask us, I'll tell them we're getting married. That's it. Then, we'll marry immediately next week."
Nanlaki ang mga mata niya. "Next week?" humarap siya ng pagkakaupo rito. "At hindi mo man lang ako tinanong ng Will You Marry Me?"
"Because you'll say yes. Ilang beses na ba nating pinag-uusapan ang kasal at oo ka naman ng oo sa akin kapag may naiisip akong plano."
"Oo, pero kahit na! Wala bang pa-surprise? O 'yung dramatic na prank at kapag paiyak na ako, at saka mo ilalabas 'yung singsing? O pwede rin namang ihalo mo 'yung singsing sa champagne!" medyo biro niya.
"Kapag ginawa ko ang mga iyan, imbes na makasal tayo eh baka madamay pa ang baby natin sa sobrang gulat o galit mo. At 'yung sa champagne, baka mabilaukan ka pa."
"Diyos ko naman, nasaan na ang romantic bone mo, Mr. President?" she playfully challenged.
"My romantic bone? Mamaya, sa kwarto," mainit na bulong nito sa kanyang tainga nang maakbayan siya at ilapit nito ang mukha sa kanya. Their intense eyes seductively gazed into each other. He slid his other hand at the small of her waist to push her closer to his chest. Kulang na lang ay isampay na rin niya ang mga hita sa kandungan nito. Their position made them so hot it might burn the whole town into lust paradise. His smile was playful and knowing, Bree's was a smirk that subtly suggests something sexy. His hand slipped slyly under her tight skirt, roughly and slowly stroked her thigh. "Pwede pa naman, 'di ba? Three months pa lang naman."
Kinurot niya ito sa tagiliran. Dumaing ang lalaki na natatawa.
Nang mahawi ang tawanan, humiwalay ito sa kanya. May dinukot sa bulsa ng suot nitong slacks.
"Bree, para sa Bonifacio Day, babasahin ko itong na-research ko sa internet," buklat nito sa nakatuping papel. "Gusto ko kasing i-focus ang tema ng speech ko sa pagmamahal sa bayan ni Andres, pagmamahal na katulad ng sa kanyang asawa. At sa letter niyang ito, pinaparating ni Andres na kung ihahalintulad ito sa isang Presidente na nagbibigay ng mensahe sa mga nasasakupan niya, ang scenario rito eh, kung nawawalan sila ng pag-asa na magagawan ng paraan ng Pangulo na iahon ang bansa, nagkakamali sila. At dapat na manatili ang faith nila, at huwag silang susuko sa paniniwala at pagtulong sa pag-unlad ng Pilipinas."
Bree scooted closer to him to peek at the paper Virgo unfolded.
"Maganda. Ang ganda ng tema ng speech mo."
And Bree began reading a print-out copy of a fictional love letter of Andres Bonifacio for Gregoria De Jesus. Ayon kay Virgo, sinulat daw iyon para sa isang play ni Eljay Castro Deldoc.
As her eyes went through every word, she could not help recalling every moment they shared which matched the words of the letter- like a slideshow. At nang mabanggit ang mga kasamahan nila, hindi pumalyang sumagi sa kanyang isip ang mga tao na mahalaga sa kanilang buhay- ang pamilya ng binata na binigyan siya ng warm welcome bilang karelasyon nito, sila Krista at Kaiser, at siyempre, si Manager Ken at Marco.
Dama niya ang pamumuo ng mga luha sa sulok ng kanyang mga mata, pero saya ang pumigil sa pagpatak ng mga iyon. Bree pulled a soft smile, her heart overflowing at such beautiful writing.
When she turned to Virgo, he caught her gentle gaze. Both of them, without words, understood, that he also wanted to dedicate that fictional letter for her. Lalo na at sa araw na ito mismo rin sila maga-out sa publiko na may relasyon sila.
At habang papalapit na sila sa Bonifacio Monument sa Caloocan City para sa speech ni Virgo ukol sa selebrasyon ng Bonifacio Day, bumagal na ang andar ng kotse dahil sa makapal na kumpol ng mga tao. May ilan na humagod ang mga kamay sa kotse, sumisilip sa dark tint niyon kung sino ang mga nasa loob.
Mabilis ang security team, they cleared the way for the car to halt in front of Bonifacio's statue. It stood tall, despite how many buildings trying to steal its spotlight. May nakalatag na pulang carpet at sa isa sa mga hakbang patungo sa monument ay may nakahandang hanay ng mga upuan at pinosisyon na harang para magsilbing balkonahe na tumatakip sa mga upuan. May makulay na larawan ng watawat sa balkonaheng iyon at mga bulaklak. May nakahanda rin na pulpito para sa Pangulo na pupuwestuhan nito pagkatapos ng ilang mga pagsaludo sa hanay ng mga sundalo, flag raising at seremonyas. Matikas ang pagkakatindig ng mga sundalo roon, masigla ang pagwagaywag ng mga tao sa bandila ng Pilipinas bilang parte ng selebrasyon.
Bumaba ang driver para pagbuksan sila ng pinto, sa gawi ng upuan ni Virgo. Naghanay sa magkabila ng red carpet ang mga sundalo para bakuran sila.
Virgo took in a deep breath and turned to her.
"Are you ready to be set free, my lovely dove?"
"Worry not," ngiti niya, "I'll always come home to you, no matter what."
He smiled wider, his happy heart made his eyes shine. "I know you will. I never waited for so long if it's not as worth it as this, my love. Ilang beses man kumawag ang isda, tiyaga lang at mabibingwit ko rin," kindat nito.
"Lumabas ka na nga," natatawang taboy niya rito.
"Be ready," paalala pa nito bago lumabas.
Masayang naghiyawan ang mga tao, mas pinagwagaywayan pa ang mga flaglet na hawak. Tumugtog ang mga tambol at trumpeta, nagbabadya na masaya na ang lahat dahil dumating na ang Pangulo.
Yumuko si Virgo sa kanya at ngumiti habang nakalahad ang kamay sa kanya. Walang pagdadalawang-isip na pinatong niya sa palad nito ang kanyang kamay, makinang ang singsing na isa sa mga regalo sa kanya noon ni Virgo. He held her gently and helped her out of the car.
As she stood beside him, Bree took in a breath of fresh air. It felt liberating as the cool December air filled her senses and uplifted her heart with excitement. Sa kanyang pag ngiti, nakuha na ng nabigla at napasinghap na mga tao ang mensahe na nais nilang ibatid sa mga ito. Naging masaya ang mga ito sa pag-cheer, may panunudyo pa ng magaan na panunukso dahil may lovelife na ulit sa wakas ang Pangulo ng Pilipinas. They waved their flags and threw beautiful petals of flowers at them. Hindi sila pinaligtas ng mga reporter. They recorded videos of them, their lenses followed their moves, caught their loving gazes toward each other and smiled. Walang humpay ang tunog ng shutters ng mga camera. Napapatili ang ilan na nasa kanilang mga bahay at napapanood ang TV coverage ng event.
Virgo clung her arm to his arm and guided her toward the red carpet.
Taas-noo niyang nilingon ang mga tao, nginitian at kinawayan.
Bree turned to Virgo and caught his magnetic smile, what charm he beheld that kept on making the people trust and respect him.
Hindi maaalis ang mga mapanghusga. One day, they might face more of them, lalo na at malalaman na ng lahat ang relasyon nila. But it would not be too bad if they decide to just let it slide.
Because they don't matter and they can't destroy Bree, nor Virgo, nor the two of them together and their love.
Their love that is as free as a white dove, ignoring the people below it, soaring across the sky only to come home where it should be.
And Bree's home is anywhere, as long as she was like this, in Virgo's arms. To be anywhere with the man she loves this much.
They shortly stopped midway the red carpet, looked into each other's eyes and smiled.
A camera man caught that monumental moment into a photograph that would be published in a newspaper that would sell millions of copies soon. Nasa gitna ng red carpet sila Virgo at Bree, nasa magkabilang tabi nila ang imahe ng mga taong masayang naghihiyawan, ang kumakaway na mga Philippine flaglets, mga sundalong nakatayo para magbigay daan, ang monumento ni Bonifacio at ng mga Katipunero na nakatayo sa ibaba ng tore na may ibon sa taas niyon- the bird of triumph.
It was an image of two people who are, finally, powerful on their own and in love together. And that image would make history as it stayed still on photo paper.
END OF THE SLIDE SHOW
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro