Chapter 8: Image
UMUPO SI BREE sa hinandang seat para sa kanya sa studio na iyon. Inimbita siya sa pang-hapong showbiz talk show na iyon para na rin mai-promote niya ang pelikulang The Rightful One. May pag-aalangan sa kanyang ngiti. Hindi pa siya naige-guest kasi ng solo para sa isang interview, at mas lalong hindi pa niya nararanasang maimbitahan sa mismong show ng sikat na host na si Frenchie Toraya na French Talk. Nagbeso-beso sila ng may katabaang host. Kahit na ganoon pa ang size ni Frenchie Toraya, hindi maikakaila ni Bree na maganda ito. Hindi lang basta mahal ng camera ang features nito, dahil kahit sa personal, maganda at makinis ang babae. May katarayan nga lang ang pagkakatikwas ng mga kilay nito at pagiging tsinita.
Nasa background nila ang choreographed na palakpakan ng audience. Naroon din ang presensya ng naka-attend na mga miyembro ng kanyang fans club na Bree-lliance, kung saan Bree-lliant o Bree-lliants ang tawag sa member. Sila rin ang dahilan kaya hindi nagkadaupang palad si Bree at Frenchie sa backstage o dressing room. Kasama niya kasi si Manager Ken na nag-encourage sa kanya na puntahan niya ang mga fans para makapag-take ng pictures at kamustahan na rin.
Habang nakangiti ngayon kay Frenchie, pakiramdam ni Bree ay nanginginig sa pagkamanhid ang panga at mga labi niya kakangiti. She secretly scolded herself.
Kapag ginagamit mo 'yang panga at labi mo kay Virgo, wala kang reklamo, pagkatapos ay nakaramdam siya ng pagkairita na naman dahil sa pambibitin ng lalaki sa kanya.
Hindi nakakatuwa. Hindi.
Bree broke away from her cheek to cheek with Frenchie. Frenchie smiled at her sweetly, lifting her softly blushing cheeks. Halos magmistulang diyosa ito sa isang Renaissance painting dahil sa loose curls na istilo ng brown nitong buhok.
"Oh, my God, Bree, you are really gorgeous! You'll definitely make this afternoon sizzle, right, Bree-lliants?"
Lumikha iyon ng sigawan, tilian at pag-cheer mula sa kinauupuan ng kanyang mga fans. Pumalakpak lang ang iba roon na ordinaryong audience lamang.
"That's so nice of you," ngiti lang niya kay Frenchie.
Medyo kinakabahan siya dahil hindi pa siya kinukutuban kung pine-peke lang ba siya ng babae o hindi. Iyon ang unang-una niyang inoobserbahan sa bawat taong nakakakilala. If they were just being fake nice or genuine.
Takot na kasi siyang umasa at maniwala na mabuti ang tingin ng isang tao sa kanya. Ayaw niyang mangyari na naman iyon. Kahit na paulit-ulit na siyang naloko noon, naniniwala pa rin si Bree na magiging successful din siya sa pag-iwas sa ganoong klase ng mga tao.
They would not hurt her feelings again. Not again. What Miss Jill did to her recently won't happen ever again.
She would not let anyone do that to her again.
"Take a seat," anito.
Kaya ngayon, heto at nakaupo na siya at nasa kalagitnaan ng interview. Hindi niya nagawang itago ang gulat nang matapos ang batian ay tinanong agad siya ni Frenchie kung kamusta ang naging career journey niya.
Frenchie enumerated some of the movies where she starred as extras or had supporting roles. For some reason, it made her feel really humbled.
Napayuko siya saglit. "It had been a really long journey, Frenchie," sagot niya rito. "Can you see? I'm already in my thirties, at ngayon lang ako nabigyan ng ganito kalaking break."
Mapang-unawang tumango-tango ito. "Honestly, you're right. Simula nung mapanood kita sa Milagro, I am already wondering kung paanong hindi ka nabigyan ng big break after that. Like Divinagracia."
She felt a pang in her chest. Ibang aktres ang orihinal na gumanap sa papel na Divinagracia ngunit ang imahe na ni Krista ang awtomatikong nakaukit sa kanyang isip kapag nababanggit iyon.
Frenchie let out a nervous laugh because of how the audience reacted.
"I know, I know... Krista gave justice to the role!" tawa nito. "But I can really imagine Bree as Divinagracia. Kung magkakaroon ng remake, why not, 'di ba?"
Her screaming fans sounded encouraging. Ngumiti na lang siya.
"I'm so sorry," nahihiyang ngiti ni Frenchie sa kanya, "I did not really intend to mention Krista. I know the issues between the two of you."
"Ano ka ba?" mahina niyang tawa. "I'm fine with it, Frenchie."
"I'm glad you are," ayos nito ng upo mula sa solohang sofa. May maliit na glass table na pumapagitan sa kanila na may flower vase na puno ng pulang mga rosas. "Kasi, naiintriga ako kung ano ba ang meron sa inyo ni Krista?"
She was slightly taken aback.
Nilihim nga lang iyon ni Bree.
She concealed her nervousness with a slight laughter.
"May tsika raw na nag-away kayo sa isang event last year. And recently, usap-usapan daw na nag-away ulit kayo sa isang party."
Her smile became sarcastic. Frenchie appeared to be really nice, pero na-assess na ito ni Bree. Tulad ng mga nakilala niya sa showbiz, Frenchie is no different from those hosts or interviewers who just wanted to get something out of her. Wala silang pakialam anuman ang maramdaman niya. Basta may mapapala sila na juicy information.
Why not? That's what they are paid for!
Inihilig ni Bree ang ulo. "I wonder if you have already asked Krista about that, Miss Frenchie."
That's right. That's her subtle way of distancing herself emotionally from a person, by addressing them with courtesy, with Mister and Miss and Mrs...
"Kasi I believe, she can explain our relationship better," makahulugan niyang ngiti.
"Relationship?" pamimilog ng mga mata nito. Excited na sumiksik sa dulo ng sofa si Frenchie, kulang na lang ay tumayo ito at umupo sa mismong armrest na kanyang kinauupuan para makalapit lang. "Ano'ng relationship?"
Mahina siyang tumawa. "Let's say, we are like sisters, Frenchie." Kuminang ang kanyang mga mata. Walang makakapagsabi kung dahil ba iyon sa lighting o dahil sa emosyon na umipon sa brown niyang mga mata na parang ginto kapag nasisinagan ng araw. "At normal lang sa mga mag-sisters 'yung nagkakasagutan sila... you know."
Humahangang tumango-tango ito. "You're brave, you know. Krista has always dodged questions about you in recent interviews she had." Nilingon nito ang audience. "I'm just being honest here!"
Doon naman kilala si Frenchie. Prangka ito kung prangka. Hindi pa nga lang masabi ni Bree kung ang pagiging prangka ba nito ay applicable sa tunay na buhay o hanggang tv show lang.
"Don't be like that," pinatamis niya ang pagkakangiti. "Siguro ayaw lang ni Krista na pag-usapan ang mga issue. She's right about focusing on the positive things, kaysa sa mga bagay na makakasira lang sa kanyang career, right?"
.
.
BREE CHUCKLED TO HERSELF when the interview ended. Sigurado siya na makakatanggap siya kaagad ng reaksyon mula kay Krista kapag napanood iyon.
She was also itching for a glass of wine... or beer... or gin. God. Pakiramdam ko nangangati na ang dila ko dahil sa mga pinagsasasabi ko kanina. Parang lason ang pangalan ng Krista na iyon. I need alcohol to clean my mouth for telling those things about her.
Hindi pa rin siya makapaniwala kung paano nalagpasan iyon. Kung paano niya na-handle na magpanggap na mabuti ang tingin niya kay Krista. Pero ngayong tapos na iyon, pakiramdam ni Bree ay worth it ang ginawa. Sana nga ay higit pa sa expectations niya ang mangyari. Magwala sana si Krista at ipangalandakan na nagsisinungaling lang siya para mawirduhan o mainis ang mga tao sa ugali nito.
After all, that was the intention of the good things she said about Krista. Ang palabasin niyon ang tunay at masamang ugali ng babae. Dahil gusto naman nitong kontrahin lahat ng ginagawa niya, makikita na nila ngayon kung paanong si Krista mismo ang magpapabagsak sa sarili.
"I'm so proud of you," wika ni Manager Ken nang makaupo na ito sa tabi niya sa kotse nito. "I can't believe na magiging composed ka nung tinanong ka ni Frenchie tungkol kay Krista."
Nag-de-cuatro siya at humalukipkip. "Bakit ko ibabaling kay Frenchie ang iritasyon ko, Manager Ken?" mapait niyang wika. "Alam ko namang ikaw ang may kagagawan kaya naisipan niyang tanungin ako tungkol kay Krista."
There was hurt in Manager Ken's eyes. Manipis man ang maikli nitong buhok, maayos pa rin iyong sinusuklay ng manager niya. Aside from the side swept hair, his white pants and yellow ethnic-patterned loose shirt.
"Bree," malumanay nitong lingon sa kanya nang ma-start ang sasakyan, "hindi ako nagkulang sa instructions kay Frenchie, kung ano 'yung mga tanong na pwede niyang itanong, at ano ang mga topic na dapat niyang iwasan."
"Exactly!" she snapped. "Hindi mo na dapat kasi sinasabi pa ang mga ganoon! Nagkaka-idea ang mga tao tungkol sa amin ni Krista dahil sa pakikialam mo sa interviews ko!"
"Aba," pagsasalubong ng mga kilay nito, "eh 'di para saan pa na naging manager mo ako? Ito ang trabaho ko, Bree. Kung gusto mo na hindi itong The Rightful One ang maging huli mong pelikula, umayos ka!"
She scoffed in disbelief and smiled. "Hah. Iyan naman ang lagi ninyong panakot sa akin," abot niya sa katabing pinto. Kita ni Bree ang pagkaalarma sa mga mata nito nang masulyapan ang pagbukas niya sa pinto. "Na hindi ako makakausad kung wala kayo. Na para bang sa inyo lang nakadepende kung magiging successful ako o hindi."
Nainis siya lalo dahil hindi galit ang humaliling emosyon sa mukha ni Manager Ken.
Alam niya na awa iyon.
Lungkot at awa.
She despised seeing people feel that way toward her. Hindi siya ganoon kababa para kaawaan ng mga ito. Walang nakakalungkot din tungkol sa kanya. Napakalaking insulto na sa ganoong paraan siya nakikita ng mga ito.
At nakakadagdag sa iritasyon niya ang isipin na hindi sinsero iyon. How could Manager Ken genuinely feel sad and pity for her? They were not even that close. Hindi rin sila magkaano-ano.
Hindi siya nagpadala sa pagpigil nito, bumaba si Bree ng kotse at bumalik sa loob ng gusali ng TV network na iyon.
.
.
.
***
.
.
.
VIRGO TURNED TO THE MAN ON THE VISITOR'S CHAIR IN FRONT OF HIM. Nakasuot ito ng itim na suit, makisig pa rin kahit nasa early forties na nito. He was not really allowing anyone to smoke in his office room. Hindi dahil sa usok. Damn, aminado naman siyang naninigarilyo at sanay na sa amoy niyon. Ayaw lang niya dahil baka matakam siyang magsindi ng sariling sigarilyo. Campaign period pa rin. He needed to keep a very pristine public image.
"So," upo niya sa sariling swivel chair, "you are proposing five million pesos?"
"Oo," seryoso nitong saad bago siya ginawaran ng pailalim na tingin. Para bang sinusundan ito ng anino para tabingan ang gwapo nitong mukha, ngunit ang titig ng mga mata ay malinaw. The guest's eyes sparked with dark intent and grave confidence. "And take note, Senator, that's only for your campaign fund."
He smirked. "Don't make me laugh," aniya. "Patapos na ang campaign period."
"In two weeks time," anito. "Ibig sabihin, marami ka pang oras para gawin ang mga gusto mong gawin sa limang milyon. Pwede mong gastusin pa para sa paraphernalias. Pwede mong..." sumilay ang tusong ngisi sa mga labi nito, "ipamigay... if that's your cup of tea, Senator."
This man was truly insane. Sa tingin ba nito, ngayon pa niya gagawin ang vote buying? Being the President was the moment he had been working toward to for all these years. Ngayong abot-kamay na niya ang posisyong iyon, hindi niya ilalagay sa malaking risk ang tsansa na manalo, tulad na lang ng pagbili ng mga boto. Mga dalawa o tatlong beses lang ginawa iyon ni Virgo, noong bagong salang pa lang siya sa pagiging pulitiko.
Kailangan eh. Pangit kasi ang reputasyong iniwan ng ama para sa kanilang mga Ferdinand. Naging diskumpiyado ang mga tao sa kahit sino na nagdadala ng apelyidong iyon kapag tumatakbo tuwing eleksyon. Kaya kailangan niyang idaan sa ganoon para maluklok sa posisyong gusto niya.
"O," relaxed pa rin ang kanyang bisita, malaki ang kumpiyansa na makukuha ang loob niya, "pwede mong tanggaping regalo ko na lang iyang limang milyon. Patikim sa mga makukuha mong pera kapag nakuha ko ang kooperasyon mo."
Sumandal lang si Virgo sa backrest. Pinanood ang paghithit ng lalaki ng sigarilyo. The man was brave to keep their gazes locked, as if trying to intimidate him. Kung kalmado ang kausap niya, mas lalong dapat niyang ipakita rito na mas relaxed siya. Mas matatag. Mas walang kaluluwa. Mas lalaki kaysa rito.
"I don't know, Mr. Buenavista," he grinned. "Marami na akong commitments. Hindi pa ako nananalo sa eleksyon, marami na akong kailangang gawin sa oras na iproklama akong pangulo."
"Dahil naniniwala kami sa iyong magiging tagumpay, Senator," tuluyan nang nag-angat ng ulo ang lalaki, lumapad ang pag ngisi. "Napakalaking bagay niyon, kung ikukumpara sa hinihiling ko."
Nanatili lang siyang nakatitig dito. Medyo kumupas ang kanyang ngisi.
"You have to recall how much your father trusts us, Virgo. Kung nabubuhay pa siya ngayon, malamang na papayuhan ka niya na makipag-cooperate sa amin."
He remained silent, just listening.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit sa kabila ng dami ng taong may tangkang pumatay sa ama mo, walang nakakitil sa kanyang buhay? Na sakit lang sa puso ang kinamatay niya at hindi dahil sa dahas?"
Damn. This man was right. The Ferdinand owe something to the Buenos Mafios.
"All I wanted," baba ni Zoref Buenavista sa hawak nitong stick ng sigarilyo, "is the assurance that our organization will stay protected from the government's prying eyes. I could go as far as ask you to legalize us, but that would only compromise your credibility and cause controversy on your part. Both of us don't want that, Senator."
"Yes," iyon na lang ang kanyang nasabi.
"So," maluwag nitong ngisi, "ibig sabihin ba nito, nagkakasundo na tayo?"
Matatag na tumitig siya sa mga mata ng lalaki. "Oo. Pero kulang pa ang limang milyon."
Parang pinigilan lang ni Zoref Buenavista ang matawa sa kanya. Tumaas lang ang sulok ng labi nito.
"What else do you want, Senator?"
"Some of your men to guard me," mariin niyang demand.
Pagkatapos magkasundo, lumabas din kaagad ang Big Boss ng Buenos Mafios, isang mafia organization sa Pilipinas. Nang puminid ang pinto ng office room kung saan naiwan mag-isa si Virgo, nagpakawala ng ubo si Zoref at inabot ang hindi pa nangangalahating sigarilyo sa tauhan nitong nakaabang doon.
"Itapon mo nga iyan," pagpag nito sa suit na suot, nangangambang baka nabagsakan iyon ng abo ng sigarilyo.
Apparently, Zoref knew that Virgo smoked cigarettes. He just faked being a smoker for a bigger chance to get his approval about protecting the mafia organization.
.
.
Nang maiwan sa office room si Virgo, binuksan niya ang bintana para tanawin kung nakaalis na ba si Zoref Buenavista. Sinalubong siya ng madilim na kalangitan. Malaki, maliwanag at bilog na bilog ang buwan. Nagkalat ang mga bituin. Pero malayo sa mga iyon ang mood niya. He could not appreciate something magical or romantic because of his mafia boss guest. Hindi pa niya natatanaw ang mga ito na pasakay sa mga kotseng nakahanay sa loob ng bakuran, sa harapan ng malaking gate ng mansyon ng mga Ferdinand, kaya kumuha muna siya ng pack ng sigarilyo sa drawer ng kanyang desk.
Then, he stood by the window again. Sumandal siya sa hamba niyon, tinataktak na niya ang pack ng sigarilyo nang marinig ang pag-ring ng kanyang cellphone.
He headed back to the table, left the cigarette pack in place to answer the call.
It came from Bree.
He grinned. Muntikan ko nang isipin na hindi siya tatawag.
"Hello," sagot niya sa tawag.
Oh, Virgo! She groaned on the other line. May nauulinigan siyang ingay. There was a muffled music and echoes of voices in an enclosed room. How come you've got the time to answer? Halos nilahat ko na kayo rito sa contacts list ko—
He chuckled lowly. Mukhang hindi yata tumawag si Bree para magmakaawa na ituloy ang nangyari kanina sa kotse. He was actually expecting her to be so horny she could not help asking him to see her and get dirty.
Well, that was a little disappointing...
"Bree," putol niya sa paglilitanya nito, "I don't have time for that," mariin niyang wika. Virgo had to show this woman who's the boss. "Ano ba ang kailangan mo?"
If it's not fucking me then you can't talk to me, dugtong niya sa sariling isip.
Virgo, pinipilit yata nitong pakalmahin ang sarili, pwede ba... pwede ba na magpadala ka rito ng guard mo?
Sumandal ulit siya sa hamba ng pinto, tinanaw ang pagsakay ni Zoref sa sasakyan nito. Sinara ng driver nito ang pinto bago umikot sa sasakyan para okupahin ang driver's seat.
His forehead creased. "My guard?" he sounded slightly appalled. "Why do you want him?"
Hindi ako makalabas ng banyo. Nandito ako sa... sa La Grilla. There's these guys who are... ayoko nang ikwento— nagdadalawang isip yata ito pero napasuko na rin. They are sort of harassing me.
"You went there alone?" pagdilim ng anyo niya.
Of course!
Naningkit ang mga mata ni Virgo. Napaisip siya.
Please, Virgo, ikaw lang ang nakasagot ng tawag ko. I am begging you. Pahiram lang nung guard mo. Magpapahatid lang ako pauwi.
"I'll send Greg over there," he replied coolly. Nawala na ang kaseryosohan sa kanyang mukha.
Oh, thank you, Mr. President—
He smirked. "Pero hindi ka niya ihahatid pauwi."
Ano'ng—
"He'll send you over to my place," he playfully grinned.
Virgo! protesta nito.
He chuckled. "You can say no. Then I won't send Greg over there. After all, I believe you are a capable woman. You can defend yourself. Or you can ask for help at the bouncers in that club."
Kapag ginawa ko iyan may mga makakakilala sa akin, mai-issue na naman ako!
Virgo just shrugged. "Well... That's all I can offer, Bree."
Nakakagalit ka talagang hayop ka! Sobra-sobra na itong stress ko, alam mo ba iyon?
Natawa siya at hinagod ng kamay ang hamba ng bukas na bintana bago tinukod doon ang braso. Natanaw niyang palabas na ng gate ang mga kotse ng kanyang bisita at ng mga tauhan nito. They were a convoy of four cars.
"Kaya dito ka na sa akin dumeretso." That was his raw, throaty voice in his cooing reply. "Dumito ka at nang matanggal ko na iyang stress at galit mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro