Chapter 65: Love What We Hate
"I REGRETFULLY INFORM EVERYONE that my spokesperson, Jordan Ferdinand, has already passed", wika ni Virgo habang nakatayo sa pulpitong iyon sa loob ng isang conference room sa Malacañang. Nasa likuran ng lalaki ang logo na may larawan ng Palasyo.
Puno ng media sa harapan ng binata na nakasuot ng Barong nito. Kita pa rin sa mukha at katawan nito ang pagod at pananamlay.
"And that from now on, I will be personally speaking for myself. I won't be hiring another spokesperson for me. Until when, I can't tell."
May nagsalita sa mikropono na isang reporter.
"May we know the cause of his death, Mr. President?"
Virgo gave off a blank stare before lowering his head to speak closer to the microphone.
"I hope we'll respect our family's decision to keep the details of his death private."
"Mr. President," singit naman ng isa sa mga reporter, "ano po ang masasabi ninyo sa bali-balita na hiwalay na raw kayo ni Mayor Cheska Fidel?"
"What made you say that?"
"Hindi na po kasi kayo madalas makitang magkasama."
"I don't think this is the right time to talk about my lovelife."
"Just a yes or no, Mr. President."
"You can't say na naghiwalay kami. We just dated, not yet in a relationship. I hope you know the difference between the two. And some things just don't work out, kaya hindi natutuloy."
Nagkaroon ng bulung-bulungan.
Virgo shifted his eyes on another reporter who began speaking.
"Sir, itatanong ko po sana kung ano ang masasabi ninyo sa kaligtasang pambansa laban sa napapansing pag-aligid ng mga warships ng ibang bansa sa katubigan ng Pilipinas?"
And more questions were thrown at Virgo.
"Mr. President, pakikumpirma po kung talagang nakidnap noong birthday ninyo ang First Family?"
"Sir, ano po ang opinyon ninyo sa equal rights?"
"Ngayong Setyembre na po ang approval ng budget para sa taong 2020, maibabahagi niyo po ba ngayon kung anong department ang makakakuha ng pinakamalaking budget para sa taong iyon?"
At habang abala si Virgo sa silid na iyon, nasa waiting room naman si Laila kasama ang anak na si Leo. Nagbabasa ng libro ang ginang nang umupo sa katapat nitong sofa ang binatang anak.
"Ma," pangangamusta ang nasa titig ng lalaki.
Binaba ng babae ang libro at binigyan ito ng pansin. "We're all fine, anak."
"I still can't believe Kuya Jordan can do that," titig nito sa kawalan. "He had been really good to us. Ni hindi nga iyon makatiis ng isang araw na hindi tayo nababati o nakakamusta, right?"
Laila sadly smiled. "Let's just say, your Kuya Jordan looked up to your father a lot. Kaya through all these years, siya ang pinaka nag-suffer sa pinagdaanan ng Papa ninyo." At nagkwento na ito. "You know, anak, your Kuya Jordan have always wanted to be like your Papa. It's frustrating how life works sometimes. Na napupunta ka sa mga sitwasyon na hindi mo pinalano para sa sarili mo. Even your Kuya Virgo, he never really wanted to be a politician. But it's his calling. He took some time to learn and accept kung para saan talaga siya."
Leo nodded.
"Your Kuya Jordan did not die in vain. You can learn from him. That our purpose in life is not the things that we've always wanted to be. Dahil kapag pinilit mong kontrahin iyon tulad ni Kuya Jordan mo... it will ruin you everyday."
Leo shook his head. "I still can't process this."
"It's okay. You learn as you grow and mature. You don't have to rush on understanding things, anak. Even your own Papa learned too late about what he should understand in life."
Pinilit ng binata na ngumiti sa ina.
.
.
NAPAILING SI KAISER NANG MARINIG ang mga sinabi ni Bree rito.
"Sabihin na nating nakumbinsi mo ako," anito sa kanya. "Pero, hindi lang naman PH Channel ang network dito sa Pilipinas, Bree. Siguraduhin ko man na hindi lalabas at lalabas ang mga isyu ng Presidente, may ibang network na gagawa pa rin niyon."
"But you're the leading channel, Sir Kaiser," negotiate niya. "Once you show disinterest in trying to compete by copying the kind of news other networks are airing, they will lose every reason to dig deep about the President. Hindi ba ganoon naman ang mga balita? Kapag nagbalita ang isang network tungkol sa isyu ni Ganito, maglalabas naman ang kalabang network ng side nila tungkol sa same isyu at same person sabay dagdag na mas detalyado ang balita nila at may mga info na never na-present ng kalabang istasyon kasi mas nag-research sila."
Kaiser pressed his back against the chair ang gave her a look.
"You really love this field, don't you, Bree? Ang dami mo masyadong naoobserbahan sa kung paano tumakbo ang TV at media."
A small smile lifted at the corner of her red lips.
"What can I say? I learned to love what I used to hate."
"You hated the TV and media, eh?" na-a-amuse ang matanda sa kanya.
Bree shrugged. "Inaamin ko, I came to a point that it disillusioned me. Natutunan ko na hindi ganoon kasaya at kasarap ang maging parte ng media... o ang showbiz. Na medyo magulo rin pala. Na may mga maling tao na kapag nadikit ka sa kanila, nag-iiba ang tingin mo sa isang bagay."
"But now, you're with the right people. Maybe you should stop looking at one angle and observe the other side of things... like showbusiness."
Napangiti siya. Sinabi rin iyon ni Virgo sa kanya noong nagtatago sila sa kweba ng mga bato. Na huwag niyang tingnan ang mga bagay sa isang anggulo lamang. Na matuto siyang tumingin sa other side ng isang scenario o statement.
"I am already doing that, Sir Kaiser," balik ng mga mata niya sa mata ng matanda.
"So, your request about keeping the media out of the President's personal life," recap nito sa pinag-usapan, "you can count on that. But expect us to still share a little insight about his personal life. Of course, with his permission."
Bree saw nothing wrong with that. Naisip niya na okay na rin na may kaunting exposure ang personal life ni Virgo para hindi magtaka ang mga tao at isipin na pinagtatakpan ito ng PH Channel.
"Sige na nga," buntong-hininga niya. "Basta, huwag na huwag mong ia-allow na may lumabas sa network na kahit anong balita na related kay Jordan. At sila Direk Karlos. You have to negotiate with him and the crew and staff of Forbidden na manahimik tungkol sa mga nasaksihan nila."
"Ano ka ba? Makakasigurado ka na mananahimik sila," maluwag nitong ngisi. "Ayaw naman siguro ni Direk Karlos na magkaroon ng negative publicity ang so-called controversial erotic film na ida-direct niya. What happened makes an interesting story, pero alam naman siguro niya na gobyerno ang madadamay niya kung gagamitin ang mga pangyayari para magkainteres ang mga tao na panoorin ang Forbidden. Ako na ang bahala roon."
Napalingon sila nang maramdaman ang presensya ni Krista sa salas ng mansyon ni Kaiser Peralta. Tumayo ang lalaki para lapitan ang asawa.
"O, ano at nandito ka?" sulyap nito saglit sa tiyan ng babae. "Huwag kang masyadong magkikikilos, ang dali mo pa namang mahilo."
Bree could not help smiling at the touch of concern on the old man's face.
"Ano ba, mamanasin ako kung hindi ako kikilos ng kikilos," taray-tarayan ng babae para lang hindi na kulitin pa ni Kaiser. "Did I interrupt? Tapos na ba kayong mag-usap?"
"Well..." Kaiser reluctantly glanced at her.
Bree just shrugged. Ang lalaki naman kasi ang may choice kung tapos na ba ang usapan nila o hindi. Kung tapos na, ibig sabihin, pumapayag na ito sa gusto niyang mangyari.
Tuso ang ngiti niya. Bree knew it was bad of her to do, pero tinakot niya rin ng kaunti si Kaiser na naisip ni Virgo na tirahin ang TV Network nito. Na alam ng Presidente ang bawat rason para madiin ang pasya na ipasara ang PH Channel. That Virgo has the option to do that if Kaiser did not agree to what she was requesting him to do.
She knew it was bad. But it was not a matter of what's right or wrong.
But safety.
Iyon ang mapait na katotohanan. Iyon ang kalakaran ng mundo.
Kaiser smiled at Krista and gave her a nod. She gently rubbed his arm before walking past him to approach Bree.
Tumayo na si Bree mula sa kinauupuan para batiin ito.
"Hi," pigil niya ang maluha nang magkaharap sila ng dating kaibigan.
Nasasalamin yata ni Krista kung ano ang nararamdaman niya. Takot itong mahalata na naluluha ang mga mata kaya kinabig siya para yakapin ng mahigpit. Bree could not lift an arm out of shock. Lumapat sa balikat niya ang baba ni Krista. Hindi ito umimik.
Ngumiti na siya at ginantihan ng mahigpit na yakap ang binigay na yapos sa kanya ng babae.
.
.
NANG MATAPOS ang press conference, sumabay kay Virgo ang sekretarya para i-inform na tapos na ang mga appointments at schedules niya para sa araw na iyon. Palihim siyang nakahinga ng maluwag at pinag-dismiss na ito.
Palagpas na sana siya sa pinto ng opisina nang harangin ng isa sa mga gwardiya roon.
"Presidente, may bisita po kayo at nasa office room niyo siya ngayon."
"Who is it?"
"Si Mayor Cheska po."
Yeah, right. He got too occupied with making sure that his family and Bree would be safe, also with Jordan's cremation and work that he lost his thought about advising the staffs in Malacañang about Cheska's access to just get in and out of the place.
"Alright," kalmado niyang sagot dito, "pakiikot na rin ang Palasyo. Sabihan mo ang mga staff na gusto kong i-meeting sila sa waiting room mamayang alas-tres ng hapon. I'll just talk to my guest and have my lunch."
"Yes, Sir," talima nito para gawin ang kanyang pinag-utos.
Virgo gestured for his PSGs to stay out of the room before he got in.
Tumayo agad si Cheska na nakaupo sa visitor's chair. Malalaki ang mga hakbang ng dalagang naka-puting pencil skirt at blouse palapit sa kanya. Nang magtapat, walang anu-anong sinampal siya nito.
Matatag si Virgo, binigyan lang ang babae ng matalim na tingin.
"Ano ang tingin mo sa sarili mo? May karapatang i-assault ang Presidente?"
She hissed. "Hindi ka na talaga nagkaroon ng kahihiyan para sa sarili mo, ano?" tinatalo ang babae ng galit at pagkadismaya na pilit nitong nilalabanan. "You did not even dare to speak about those pictures of you and Bree!"
Nabalita nitong nakaraan ang nagkalat sa internet na picture nila ni Bree na kuha ilang oras pagkatapos ng birthday party niya. There were assumptions that they were sneaking out, cheating on Jordan and Cheska.
"Sometimes, you don't need to explain yourself to anybody, Mayor," mayabang niyang ngisi. "Ano pa ang ginagawa mo rito? Hindi ka na pwedeng basta-bastang pumunta rito nang walang permiso ko, nang wala kang approved appointment sa akin."
Nagtangis ang bagang ng dalaga. "Dahil ano? Ipu-push mo na iyang relasyon mo sa Bree na iyan?" She scoffed. "Hah! Nababaliw ka na! Goodluck na lang sa approval ratings mo!"
Pigil niya ang matawa sa desperadang babae.
"Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa inyong dalawa, hmm?"
"Kung may kinalaman sa Pilipinas ang opinyon nila, may pakialam ako. Pero kung may kinalaman sa amin ni Bree na may relasyon na hindi naman makakasira sa trabaho ko, wala akong naririnig."
"Lalabas ang mga baho niyo, Virgo. Kayo rin," she smugly smirked, a subtle hint of threat in her tone.
Aalis na sana ito pero marahas niyang hinablot ang babae sa braso.
"First of all, you can't address me by only my name, Mayor. I'm Your Excellency, the President. And you should address me either of the two, lalo na at nandito ka sa Palasyo at kaharap ko," anas niya.
Cheska let out a cry as his grip tightened to a torturous hold.
Virgo caught her frightened gaze.
"Pangalawa," diin niya sa bawat kataga, "sa oras na subukan mong sirain si Bree, lalabas din lahat ng baho ninyo, ang mga pinaggagagawa ninyo ni Jordan sa akin."
"Bitawan mo ako!" she was becoming defiant, the only way to save her bruised pride.
"Pasalamat ka at naawa pa sa iyo si Bree," he hissed. "Dahil may mga magaganda ka rin naman daw na nagawa sa pagiging Mayor mo sa mga nasasakupan mo. Kung hindi, pinaligpit na rin kita. Walang magtataka, talamak naman ang killings sa siyudad mo, 'di ba? Magugulat lang sila dahil kapag namatay ka, wala nang magsisinungaling sa mga tao na okay lang sa Manila kahit hindi pa."
And he allowed Cheska to break free from his hold. Her sharp eyes stared at him in a horrified realization that he lost all sympathy and respect for her.
Taas-noo at tila mababang nilalang ang klase ng tingin na ginawad niya sa babae.
"Now, go. Your privilege to visit me is already over."
Manginig-nginig sa galit na lumayo ang babae, nanatili sa kanya ang mga nang-uuyam na mata bago umiling at dinala sa harap ang tingin. Mabigat at nagdadabog ang mga hakbang bago tuluyang nakalabas ng pinto.
.
.
HUMINTO ANG KOTSE SA TAPAT NG GATE. Napunta kay Marco na nasa likuran ng mga manibela ang tingin ni Bree na nasa backseat naman.
"Marco," aniya na nagpalingon sa lalaki, "sa bahay ka na mag-hapunan."
Nalulungkot siya dahil nawala na ang pagiging kengkoy ng lalaki. Ngayon na nagkaalaman na ng mga agenda, malaya na si Marco na umakto base sa tunay nitong personalidad. Nakakalungkot dahil nararamdaman ni Bree na may kinikimkim ang lalaki na lungkot sa dibdib. Sapat na dahilan na yata iyon para ilagay sa panganib ang buhay at maging isang Mafioso imbes na ituloy ang pag-aaral sa kolehiyo.
"Miss Bree, hindi na po. Ito na ang huling hatid ko sa inyo at dederetso na ako sa Buenos Mafios para mag-report."
She smiled, yet sad.
"Iyon na nga eh, huling pagkikita na nga natin, hindi mo pa papaunlakan itong pag-aaya ko. Masarap naman akong magluto, 'di ba?"
"Minsan matabang," pigil nito ang matawa sa pag-amin.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata kaya magaan na nanulas ang tawa sa mga labi nito. Natawa na rin siya. Pero walang sigla masyado ang mga tawa nila. Labis na nakakalungkot pakinggan ang naghalo nilang mga tawa ngayon.
"Wala na naman po kayong dapat ipag-alala," patuloy nito. "Mas magiging safe na kayo ngayon lalo na kapag dumating na ang guards na ipapadala ni Presidente para sa iyo. Legal pa."
Bree nodded.
"At kung magkagipitan, makakaasa ka, Ma'am, na magvo-volunteer ako para tulungan ulit kayo."
She smiled at him. "Maraming salamat, ha, Marco?"
He politely gave her a nod. "No one thanks a Mafioso. You pay us, so we just give you what's worth the money you paid for."
At doon na nagtapos ang pag-uusap nila. Malungkot na nilisan ni Bree ang sasakyan. She walked toward the gate in her tight white jeans and fitting pink shirt. Her hair was tied in a low ponytail, her high heels were white and crispily clicked on the ground despite her light-footedness.
Nilingon niya muna ang sasakyan na umalis din kaagad.
Hindi lingid sa kaalaman ni Virgo na ganito ang mararamdaman niya sa pag-alis ni Marco. Ang sabi nga ng Presidente sa kanya, sobrang naging close daw ito noon sa bodyguard nito kaya labis ang paghihinagpis noong namatay sa pagprotekta sa kanila. Mula raw noon, kinondisyon ni Virgo sa sarili na iiwasang makapalagayan ng loob ang mga taong temporary lang sa buhay nito— tulad ng mga guard.
But she knew that deep in Virgo's heart, he could not help letting out his natural kindness. Hindi ba temporary lang din dapat siya sa buhay nito?
Bree smiled to herself and lowered her head to focus her eyes on unlocking the gate.
Pumasok na siya sa bahay.
.
.
.
***
.
.
.
TATLONG BUWAN na ang nakakalipas mula nang mangyari ang habulan at pagkamatay ni Jordan sa shoot-out. Naging pribado ang paglamay para sa binata na ulila na palang lubos kaya panay ang dikit sa mga Ferdinand, ang nalalabi nitong mga kamag-anak. As soon as he was confirmed dead, Jordan was cremated. His ashes were kept in the room that usually uses in the Ferdinand's vacation house in Tagaytay. At tuloy-tuloy na ang naging takbo ng buhay para sa First Family. Sa ngayon, unti-unti nang bumabalik sa reyalidad si Bree. Tinutuloy na niya ang mga trabahong dapat tapusin, kinakausap ang mga dapat kausapin, sinisimulang isakatuparan ang mga pinagplanuhang gawin.
She managed to recover this fast, thanks to Krista.
Mula noong araw na niyakap siya nito, unti-unti nilang sinikap na mabuo muli ang pagkakaibigan nila. Kapag may mga araw na hindi sila pwedeng magkita ni Virgo at wala siyang shooting, binibisita ito ni Bree sa mansyon ni Kaiser. Magkukwentuhan sila. It was awkward at first, both of them sitting in silence every once in a while because they were too shy to talk and talk.
But familiarity with the old friendly feelings gradually make their words come out naturally. Hanggang sa nagse-share na sila ng mga karanasan sa showbiz sa isa't isa, napag-uusapan ang mga taong naka-trabaho, ang mga artistang gusto nila makatrabaho, at gayundin ang pagbabahagi sa isa't isa ng mga technique pagdating sa pag-arte.
As Krista's pregnancy resumed, she was becoming more soft-spoken, very careful for the sake of her child with Kaiser. Lalo na at lakas-loob na inanunsyo na rin ni Kaiser sa isang interview na magkakaanak na silang dalawa. Isa iyon sa mga isyu na nakatulong upang tuluyang mabaon sa limot ang tungkol kay Bree at Jordan, o sa kumalat nilang mga litrato ni Virgo.
Pinagpala talaga ang kaibigan niya, kasi nagulat man ang mga tao, karamihan ay bukas na ang kaisipan sa mga relasyon na malaki ang age gap. Everyone were amazed how the two of them managed to keep their relationship, at the same time, happy.
Kung pagkukunwari lang naman iyon na masaya sila dahil sa reputasyon ni Sir Kaiser, ang mahalaga kay Bree, hindi nai-stress si Krista ng rebelasyon na iyon.
Bree never failed to bring her fruits when she visits, or things her friend crave for and still healthy enough for her to eat.
She managed to recover fast, thanks to Manager Ken.
And to those afternoon chats she was having with him at the front yard of her house.
Nitong nakaraan din, tinext niya si Marco. Inimbita ang lalaki na maghapunan sa bahay kasama niya, ni Manager Ken at ang boyfriend ng manager niya.
Hindi niya maipaliwanag ang saya nang sumulpot ito matapos ang ilang beses na pagte-text sa binata na hindi nare-replyan. Naging masaya ang hapunan dahil tinutukso niya si Manager Ken sa mga pasaring nito noon na parang interesado kay Marco. Siyempre, hindi magkanda-ugaga ang loka dahil naha-hot seat lalo na at kasama nila roon ang boyfriend ng kanyang manager. Pero lahat ng tuksuhan ay nauwi lang sa tawanan.
Malungkot nga lang na nagtapos iyon nung ihatid niya sa gate si Marco.
Marco turned to her, "Maraming salamat, Miss Bree. Hindi ko po malilimutan itong pa-dinner ninyo."
"Alam mo, malaki ang utang na loob ko sa iyo, Marco. Anytime, huwag kang mahihiya na bumisita."
Lalo itong sumeryoso. "Miss Bree, hindi na tayo pwedeng magkita pa kung walang kinalaman sa trabaho ko. Malalagay sa panganib ang buhay mo kapag may nakatimbre na malapit kitang kaibigan. Alam mo naman siguro kung gaano kadelikado ang sitwasyon ko."
She gave him a stare. Medyo nakikita niya ang sarili kay Marco. Sa murang edad, kinailangan nang harapin ang marahas na palakad ng mundo. Sa murang edad, kailangan nang matutong humarap sa mga pagsubok at maka-survive kahit na hindi pa maganda ang pamamaraan. For Marco, he chose the life of being in a mafia.
Bree gave him an understanding smile. "Alam ko, at nauunawaan ko. Ito na ang huli."
Dama niya na pareho silang nalungkot. Tumalikod na ang lalaki at sumakay sa itim nitong kotse.
And that was the last time she ever saw or heard of Marco.
Of course, she recovered fast from everything that happened, thanks to Virgo.
It had been three months of making love and flirting at the outskirts of the town, secret meetings and staycations on Constallacion. What made each moment precious was the fact that they longed so much for each other. The longing was intensified by Virgo's rigorous work as the President, at siya naman ay tinuloy na ang mga proyekto na para bang walang nangyari.
There were times when they would also secretly laugh at peoplein Virgo's private car for wearing weird disguises and not being recognized for it. Tumatawang pinunasan nila ang mga mukha ng wet wipes hanggang sa tuluyang matanggal ang makapal na make-up. Patay ang ilaw sa loob ng kotse, tanging source lang nila ng liwanag ang poste ng ilaw ilang mga hakbang ang layo mula sa pinaparadahan nila. Tumama iyon sa dashboard at bahagya sa kanilang mga mukha.
After having their faces cleaned, they immediately put on their caps to keep their faces shadowed. Hindi muna nila inabala ang sarili sa paghuhubad sa suot nilang mga wig. Mahabang platinum blonde ang buhok ni Virgo. Purple naman na bob cut ang kay Bree.
"Muntikan ka na roon, ah!" bukas ni Bree sa kahon ng eggpie na binili nila sa mall.
Virgo smugly scoffed. "Muntikan lang," nood nito sa ginagawa niya. "Ako pa. Trained mo na ako pagdating sa pag-arte, eh. At hindi ko pa kailangang magbayad ng fifty pesos."
"Fifty pesos!" malaki ang tawa niya habang inaabot ang isang slice sa lalaki. "At bakit fifty pesos naman ang sisingilin ko sa iyo? Kulang pa ang fifty pesos, Mr. President!"
"Iyon ang una mong charge sa akin, para sa tips mo sa pag-arte."
"Tips ka diyan?" at kumagat siya ng egg pie.
Virgo seemed helpless, unable to take his adoring eyes from her even if he needed to. So he surrendered and just smiled.
"At kailan ako nag-offer ng ganoon?" usisa niya nang malunok ang kinakain.
"Years ago, nakita mo akong nago-audition," maluwag nitong ngisi, humaharap ng upo sa kanya mula sa driver's seat. "Naawa ka. Nalipasan kasi ako ng gutom. Sabi mo nga, halatang first timer lang ako, kasi wala man lang akong baong pagkain at tubig habang nakapila."
The strange feeling of nostalgia got Bree's heart in shuffles. That audition was for a movie where she was raped. At unti-unting bumabalik sa kanya ang mga alaala na pinipilit niyang limutin. For years, it had helped her cope from that traumatic incident— to stop recalling every detail possible about that movie.
Including looking at the line of auditionees to have an idea how her co-actor would look like.
What could have possibly happened if it was Virgo who got the role?
Napayuko siya.
"I'm sorry," he was feeling guilty now. "Oo nga pala... that movie..."
Gumuhit ang payapang ngiti sa mga labi ni Bree. No, Virgo should not feel sorry. If ever it was Virgo who she worked with... would they ever meet again? Would God give her this man to help her heal all her wounds if she was not wounded in the first place?
May resolusyon sa pagkislap ng kanyang mga mata.
"T-Talaga? Ikaw iyon? 'Yung nilibre ko ng egg pie?" masiglang angat niya ng tingin dito.
Naghalo ang gulat at pagliwanag sa mukha nito. Nag-aalangan pa ang binata kung matutuwa na nakaalala siya o mag-aalala sa nararamdaman niya sa pagbabalik-tanaw sa panahong pinaka-kritikal noon para sa kanya.
He nervously chuckled lowly and nodded.
Bree found herself in a muted laughter. She could not find the words to say at such circumstances... at such coincidences...
"Buti naman, naalala mo na ako," paling ang ngiti nito. "Some people, including you, may forget how many times you have helped them, but me—" handa na nito sa pagsubo sa hawak na egg pie, "—I won't forget every kindness you've shown to me, Bree. And have faith, na hindi lang ako. Na may iba ka pang natulungan, personally man o sa mga roles na ginampanan mo. At makalimutan mo man ang nagawa mo para sa kanila, sila, hindi. Hindi sila makakalimot sa kabutihan mo."
Hindi nila nilihim ang naramdamang kilig. Her smile must be already wider than the Nile river right now. Nahihiyang nagbaba siya ng tingin sa hawak na egg pie.
"Oh, binigyan kita ng tips, 'di ba? Bakit hindi mo nakuha 'yung role?"
"Hindi raw ako mukhang gago, eh."
Ewan niya kung nagmamayabang ba ang lalaki o natatawa.
"Wow, ha?"
At muli silang nagtawanan.
Nagtuloy-tuloy din ang shooting niya para sa Forbidden. May ilang awards night siyang dinaluhan at ang bawat pagkapanalo ng supporting actress award ay sine-celebrate nila ng binata sa pamamagitan ng pamamasyal, lulan ang helicopter na pinipiloto ni Prince o 'di kaya ay mangingisda gamit ang yate ng mga Ferdinand.
Napatili si Bree nang maramdaman ang paggalaw noon ng tali sa pamingwit niya.
"Virgo!" tawag niya sa lalaki. "May huli na ako!" at mapang-asar ang tawa niya sa lalaki na nakalublob pa rin ang fishing rod sa tubig. He turned to her and watched her with amazement, as Bree rolled back the string to pull out the fish.
Pakiramdam niya mabigat iyon kaya binilisan pa niya ng binilisan ang pagpapaikot sa tali. Pero naisip ni Virgo na masyadong matagal ang kilos niya kaya pumuwesto ang lalaki sa kanyang likuran.
"Virgo!" saway niya rito. "Madaya ka! Huli ko ito!"
"Makakawala 'yung isda!" he grunted as he pulled her by the waist to press against his body.
A soft gasp escaped from her lips, instantly scorching the sensation of being this close and leaning against his hard body. Sunod na dumulas ang mga kamay ng lalaki sa kanyang mga braso, para hilain pataas ang pamingwit. With their hands together, Bree allowed Virgo to control her movements.
They waved the remaining string to flung the fish out of the water.
Kapwa sila napanganga sa tuwa. Ang laki nga ng isda! Kaya pala hirap siyang maikot pabalik ang tali ng mabilis!
Pero nang iwagayway ang isda sa paahon sa tubig, siyang bitaw nito mula sa pain.
Dismayadong napatanga na lang si Bree nang makita ang pagbagsak nito pabalik sa tubig.
Dahan-dahang bumaba ang mga kamay nila.
"Hindi bale," yakap na sa kanya ni Virgo, malapit sa kanyang tainga ang mga labi. "Kumawag man ang isda, mahuhuli mo rin." He gently released her. "Just use your best bait, keep still and be patient."
Naningkit ang mga mata niya.
He chuckled lowly, as if reading her mind. "Yes. It works. I used that tactic on you, didn't I?"
Nagtataray-tarayan ang irap niya sa lalaki pero hindi nakatiis at napangiti na lang.
They once stayed in at the vacation house of Virgo's family in Tagaytay, but Jordan's urn made them feel uneasy they never returned to that place again.
They kept their relationship a secret for a bit longer because it would definitely be the talk of the town. Gusto ni Bree na patibayin muna ni Virgo ang pundasyon ng pagiging Pangulo nito, na mag-focus ang mga tao sa bawat proyekto na ina-aprubahan ng lalaki para sa ikabubuti ng bansa. Hindi maiiwasan na may mga kontrobersya itong kaharapin na related sa trabaho. At higit ang pasasalamat ni Bree dahil hangga't pribado at tago ang relasyon nila, walang maka-atake sa personal nitong buhay maliban na lang sa pagre-remind ng mga kumakalaban kay Virgo na anak ito ni Aries Ferdinand. And just like every controversy and scandal, people let it slide since many years have already passed.
Keeping their relationship had been easy because that's what she and Virgo had been doing since day one— hiding it from the prying eyes of other people. They hate not being their real selves, but they learned to love the privileges of having a romantic relationship where people don't keep sharing their side comments about it... Where people don't try to meddle with it because they know nothing. Mapanira pa naman minsan ang publiko, isa sa mga dahilan kaya naghahanap pa sila ng maganda-gandang pagkakataon para ilabas ang tungkol sa status nila.
So for now, Bree laid down on her bed, sexily lifting her legs, making her knees rub as the smooth satin cloth of her robe slid down, revealing her legs... her thighs.
Nakatayo sa paanan ng kama si Virgo, pantalon na lang ang suot. Mainit ang hagod ng tingin nito sa kanyang katawan na roba lang ang takip, at wala nang iba pang panloob. Nanunuksong sumilip ang cleavage niya sa nahawing tela sa bandang dibdib niya pababa sa tiyan. Naputol ang tanawin ng tali na nasa bandang bewang pa rin ng kanyang kasuotan.
Bree lifted her hand and curled her fingers, gesturing Virgo to come closer.
Malamlam ang ilaw ng lampshade sa kanyang silid, madilim at malamig ang hitsura ng mga puno at halaman sa labas ng bintana na may mabibigat na mga anino.
Pero ngayong umiimbabaw na si Virgo sa kanya, pakiramdam ni Bree ay muli siyang nalipat sa ibang mundo. Ang matamlay na larawan sa labas ng kanyang bintana ay napalitan ng paraisong maalab... komportable... payapa... Like a slide show that shifted from one image to another, like every episode of her life from the very beginning up to this very moment. It felt like a slide show because looking back, Bree realized that those long, long years happened that fast... as fast as a slide show.
Her soft smile was touched by the yellow light, making Virgo's heart almost heave in its ribcage. She felt the gentle pounding as he moved aside the satin and exposed her breasts, before pressing them against his warm chest. Hindi nito makuhang ngumiti, masyadong nakonsumo ng pagkabighani sa kanya napatitig ng buong paghahangad na maangkin siya.
She parted her legs, allowing every distance of their bodies to come to an end.
Virgo lowered down his head and Bree welcomed his kiss, as thirsty and torrid as his'. Habang nagpapalitan ng halik, dahan-dahang kumikiskis ang mga katawan nila. Kumikiskis hanggang sa unti-unting sumilab. She was almost breathless as his arms held her tighter.
And now, on this bed, she felt like a delicatedove, encased in a cage made of Virgo's arms... the kind of home she would keepcoming back to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro