Chapter 63: Home
MARCO, naniniwala ako na alam mo ang gagawin. Don't let them hurt you! Sisishin ko ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa iyo!
Bree's mind dashed as fast as her feet did. Sa sobrang sukal at dahil sa maliliit na mga bato kaya hindi maiwasang medyo matapilok siya.
"Bree!" narinig niyang tawag sa kanya.
She turned and saw Jordan, carrying a gun with him.
Paano niya ako natunton? Paano niya nalamang nandito ako!?
She heard his loud, taunting maniacal laughter before firing her a warning shot.
"Iyan ang gusto ko sa babae, Bree! 'Yung medyo pakipot! 'Yung nagpapahabol!"
Panay ang paroon niya at parito. The costume she was wearing was only slowing her down. Panay kasi ang pagaspas din ng tela niyon at nasasabit minsan sa mga nakausling sanga ng mga puno.
Kailangan kong mahubad ito! hanap ng mga mata niya sa pwedeng pagtaguan.
"Masarap ka sana! Kaya lang, dapat ka nang mamatay! Dapat lang iyan dahil sa pagtalikod ni Virgo sa mga plano namin! At ikaw ang malanding nagbago sa isip niya!"
It would be useless to talk back to Jordan. He was clearly out of his mind.
Psychologically insane.
Pagod na siya at panay ang lingon sa likuran. Nang hindi makita si Jordan, mas lalo siyang nag-alala. Mabuti sana kung may ideya siya kung gaano kalapit o kalayo ang lalaki. She halted and decided to make a turn instead of running further.
Napatili siya nang matiyempuhan ng isa sa mga tauhan ni Jordan na nagpanggap na stuntsmen.
"Halika rito!" unat ng kamay nito para hablutin siya pero tinabig iyon ni Bree at mabilis na umiba ng direksyon na tinakbuhan.
Hindi rin ako dapat lumayo masyado. Mahihirapan sila Marco sa pagtunton sa akin. Ang dapat kong ma-execute ng tama ay kung paano ililigaw sila Jordan!
May inikutan siyang mga puno. Minsan ay dumapa siya para makubli ang sarili nang may matanaw na nakatalikod na lalaki mula sa kanyang direksyon. She crawled and got back on her feet to sneakily walk around. She ran when a goon sees her and starts to chase.
Sa sobrang pagod, unti-unti nang naging mabagal ang mga hakbang niya. Sobra ang pamimigat ng kanyang mga binti. Until she heard the crisp running of water behind some tall, dry plants. Binaybay niya iyon hanggang sa makita ang isang sapa. Sa kabila niyon, may mga naglalakihang bato. Bree looked around.
Hindi nila ako nasundan.
Nagmamadaling hinubad niya ang costume, naiwan na lang sa kanya ang hanggang-tuhod na cycling shorts na itim at tube top na puti. Tinanggal niya ang pagkakatali ng buhok at magulo na pinusod iyon bago siya lumusong sa tubig habang bitbit ang veil. Kung sakali kasi na malalim ang tubig, gagawin niya iyon na floatation device. May napanood siya na jeans na ginawang parang salbabida. Hindi siya sigurado kung tatalab din iyon sa telang dala niya, pero sobrang desperado na siya at ito lang ang mayroon siya sa ngayon. She would use anything available just to get away from Jordan.
.
.
NAGKAKAGULO NAMAN ANG MGA staff sa viewing deck na iyon nang huminto ang convoy nila Virgo. Mabilis siyang bumaba, nakabuntot ang mga PSG niya para usisain ang mga ito. He grew frustrated because his presence only doubled their shock. Ang bawat lalapitan niya ay napapatanga dahil hindi makapaniwalang kinakausap niya ang mga ito. Ang ending, halos hindi nasasagot ang tanong niya.
"What happened?" hablot niya sa isa pang crew na napatitig sa kanya bago takot na nagpumiglas para tumakbo.
"Sir," lapit sa kanya ng isa sa mga PSG, "may binaril daw po na isa sa mga crew nila at nawawala si Miss Bree."
Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari sa dalaga.
"Si Marco?" anas niya. "Nakita niyo ba ang bodyguard ni Bree?"
"Naiwan siya!" singit ni Manager Ken, naghalo ang pag-aalala nito at galit sa kanya. "Naiwan siya para habulin si Bree! Hanapin si Bree! Mag-isa lang ang alaga ko!" iyak nito. "At ang dami ng mga gagong iyon na humahabol sa kanya!" galit na tinulak siya nito. "Bakit ka nandito? Alam mo siguro na magkakagulo rito kaya nandito ka! Sa anong gulo mo na naman dinamay si Bree? Ha? Bakit ba hindi ninyo tantanang magpinsan ang alaga ko!?"
Galit na nahablot niya ito. "Bakit hindi mo na lang akong tulungan na iligtas siya?" kontrolado niya ang tinig habang nakalapit ang mukha rito. "Saan banda nangyari ang barilan? Saan siya tumakbo para magtago?"
"Kapag may masamang nangyari kay Bree—"
"Hindi ko pahahantungin sa gan'un, kaya nga nandito ako at ang mga tauhan ko!"
Binitawan na niya ito at tumanaw si Virgo sa malayo.
Marco...
.
.
NAKIKINIG SI MARCO SA SUOT NITONG BLUETOOTH EARPHONE.
He grasped his hand gun securely while carefully threading through the thick tress of that forest. His eyes kept shifting everywhere, searching for Bree while making sure his enemies would be unable to sneak past him.
Nagkalat na sa buong perimeter ang back-up mo.
"PNP ang mga iyan," klaro nitong wika, sinisikap na manatiling mahina ang boses. "Presidente, pasalamat ka naka-vibrate lang itong cellphone ko. Bigla-bigla ka na lang tumatawag."
I have to know the situation there, anito. Hindi mo pa rin nahahanap si Bree?
"Hindi pa."
Nagpapatawag na rin ako ng mga piloto—
"Piloto? Ano'ng piloto? Nasisiraan ka na ba? Anong nangyari sa keep the war silent?"
Iisipin ko pa ba iyan kung nasa panganib na si Bree?
"Ang Buenos Mafios ang pag-asikasuhin mo rito, Presidente," tago ni Marco sa likuran ng isang malaking puno. "Mas tahimik pa at hindi takaw sa atensyon ng media!"
Damn, it's the police's job to keep this country secured! Just let them do their job!
At pinatayan na ito ni Virgo ng cellphone.
"Kainis," mahinang usal ni Marco. "Sigurado ako na magkakasalisihan dito ang BM at mga pulis!"
.
.
NAGKUBLI SI BREE sa tila kweba na nilikha ng nagkapatong-patong na mga bato. Niyakap niya ang nakataas na mga tuhod nang maramdaman na malamig doon at nakailang kurap siya dahil sa sobrang dilim. What added to the chills she was trying to endure was being wet from her swim. Mababaw naman ang sapa ngunit madulas ang mga basang bato, ilang beses siyang bumagsak at nalamog ang braso nang mapasama ang pagkakabagsak sa isa sa mga iyon. Dahil napakamalilim din ng lokasyon ng mga batuhang iyon, wala siya ngayong maaninagan masyado na liwanag.
Sa gabi sana, pwede akong pumuslit. Mahihirapan sila Jordan na makita ako... Pero mahihirapan din akong makakita. Baka lalo lang akong maligaw dito.
May narinig si Bree na mabibigat na mga hakbang. Lalo siyang nagsumuksok mula sa pinagtataguan.
.
.
NAPATIIM-BAGANG SI VIRGO nang mapagmasdan ang kalangitan. Nagkalat na ang kadiliman sa paligid.Crickets could be heard around. He received a call from one of the men he sent to search for Bree and Marco.
Mr. President, may natagpuan po kaming damit ng madre sa tabi ng sapa.
"Ibig sabihin, nasa paligid lang si Bree," aniya. "Pag-igihan ninyo ang paghahanap diyan."
Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng mga ito.
He received another call from the pilots.
Masyadong makapal ang mga puno, may ilang movements kaming nakita at binigay na namin ang coordinates sa mga naghahanap kay Miss Bree sa kagubatan. Aalis na muna kami, Presidente, dahil madilim na.
At alam niyang hindi makakatulong kung gamitan ng ilaw ng mga pilotong nasa helicopter ang vicinity. Baka kasi malantad ang pagko-conceal ng mga pulis na nasa kagubatan at maisahan ng kalaban.
His frustration grows. Gustong-gusto na niyang sumama sa mga pulis sa paghahanap kay Bree. Nawala na roon ang mga sasakyan at tent ng mga katrabaho sa pelikula ni Bree kaya malayang nakahinto sa may kalayuan sa likuran niya ang hanay ng mga itim na sasakyan.
Na-alerto ang mga PSG na nakapaligid kay Virgo. Naglabas ang mga ito ng baril habang pinapanood ang paglapit sa kanya ni Zoref.
"Bakit ka nandito? Hindi ba delikado para sa iyo at... sa mga tao mo?" mahina niyang wika nang magtapat na sila.
"Isa sa mga bata ko ang nasa gubat, kasama ni Bree na nawawala," he cooly replied, formal in his black suit. "Responsibilidad pa rin siya ng aming security agency," anito at nakuha na ni Virgo ang larong gustong palabasin ng lalaki.
"Siguro naman, may mga sinama kang tauhan."
"Oo. In-infiltrate na nila ang kagubatan," harap nito sa view ng nakalatag na hanay ng mga puno at ang kabundukan sa dulo niyon.
"I can't just stand here and wait," Virgo hissed.
"Kapag mag-uumaga na at wala pa sila, doon na tayo tumulong sa paghahanap."
Napalingon siya sa lalaki. "Ayoko na sanang paabutin ng umaga. Ilang oras pa at mapapagod din ang mga tauhan ni Jordan. Aantukin o maiidlip. I will take that as an opportunity to search for Bree."
"Magsasalit-salitan ng tulog ang mga iyan, Presidente."
"Still, that would mean that their force will be cut by half. I'll take any chance available just to find Bree."
"I've met her already, President. I think she's a very capable woman. She'll make it through this. Masyado kang nag-aalala imbes na magtiwala sa kanya."
"Hindi sa ganoon. Ginagawa ko ito para sa kaligtasan niya."
"Is that it? Or is it because you want to prove her something?"
Natigilan siya.
"We are men. We have our own pride. We take pride in proving something to the woman we love. Pero minsan, hindi iyon ang gusto nila mula sa atin. Sometimes, for the women who loves us, we don't need to prove anything."
"Pero hindi ko siya pwedeng pabayaan dito."
"Oo naman. Ang pinupuntirya ko lang eh kung ano ang nararamdaman mo para sa sitwasyon. Huwag kang susugod, Presidente. Isipin mo na alam ni Bree na mangyayari ito dahil pinoprotektahan ka niya. At ang mga kalaban, unang pinupunterya ang protektor ng kanilang target, bago atakehin ang mismong target nila." Then Zoref smiled. "Like in Chess... the oppononent aims to checkmate the King, but gets rid of the pawns, the bishops, the towers... or the Queen first to be able to do that."
There was silence. Nakaabang ang mga mata nila pero wala pa ring bumabalik sa kanila na mga pulis na kasama si Bree. O kahit mga tauhan man lang ng Buenos Mafios.
"And as the King, you should not panic. Panicking make you move that much," Zoref sighed. "And moving too much for a King is not advisable."
"No. As the King, you reserve your move for the right moment," pagwawasto niya kay Zoref. "You give your Queen and pawns their time to take charge."
.
.
NAPAKISLOT SI BREE. Lumingon siya at nakita ang pagtilamsik ng mga patak ng ulan sa kanya. Doon lang nanuot sa kanya ang sobrang lamig. She shuddered and peeked from where she was hiding. Napaliguan ang mukha niya ng ulan na tuluyang gumising sa kanyang diwa.
She slightly shook and felt herself starving. Isang gabi siyang walang kain.
Alam niyang madaling-araw na, sa kabila kasi ng pagbuhos ng ulan, may liwanag na nagpa-dark blue sa kalangitan. Sumilip ang kulay na iyon sa mga siwang mula sa mga dahon at sanga ng nakapaligid na mga puno. Sobrang tamlay ng kalangitan, walang kagalaw-galaw ang mga puno na mukhang mga anino lang. Gumapang siya para manatiling tago ng malaking bato na mukhang nakaharang sa maliit na kwebang tinaguan niya.
Bree carefully looked around, squinting her eyes to stop the rain from wetting them.
Natanaw niya ang tinawirang sapa. Sa sobrang dami ng tubig ulan na sinasalo nito, lalong rumagasa ang pag-agos ng tubig.
Dahan-dahan siyang tumayo, at napasinghap nang makita na may nakadapang lalaki sa tapat ng batong tinataguan niya. Mukhang pagapang ito papunta sa mga batuhan para patagong makahanap ng masisilungan. Nag-angat ito ng ulo sa kanya, nakakaloko ang ngisi.
"Nandito ka lang palang babae ka!" tutok nito ng baril sa kanya.
She let out a groan as she leaned over the rock to reach him. Bree swatted her hand to knock off his gun before running.
Mabilis tumakbo siya, halos magkandarapa dahil sa mga nagkalat na bato. Wala sa isip niya ang tawirin ang sapa dahil baka mas lalo siyang madulas doon at kung saan matangay ng tubig.
Nakabangon agad ang lalaki, pinilit nitong mahanap ang baril pero nang masulyapang palayo na siya, tumakbo na ito para habulin siya. Bree knocked her foot on a stone and cried as she stumbled down.
Tuwang-tuwa na binilisan ng malaking lalaki ang paghabol. Pero tumihaya si Bree para harapin ito. At the right moment, she lifted her foot to give his groin a kick. Galit na napaatras ito, malakas ang daing na parang umaalulong na aso. She turned to get up but he quickly grabbed her foot. Hinahatak na siya nito patayo nang biglang may bumutas sa ulo at dibdib nito. Nanukal kasama ng dumadausdos sa katawan nito na patak ng ulan ang matingkad na kulay ng dugo.
Gimbal na binawi ni Bree ang paa, paupong kinaladkad ang sarili palayo sa lalaking bumagsak. Mabilis na iniwas niya ang mga paa na mabagsakan nito at nag-angat ng tingin sa lalaking basang-basa ng ulan at tubig-sapa.
May ilang mga galos sa mukha nito at braso, dala ng pagkukumahog kanina na languyin ang sapa para masaklolohan siya.
This was not the right time to cry, but her joy let a few tears stream from her eyes and mix with the raindrops.
"Virgo..." akmang tatayo na siya nang lumapit agad ang lalaki para tulungan siya.
Bree cautiously looked around then took his hand.
Hinila niya ito pabalik sa pinagtaguan niyang mga bato.
With the two of them in it, the space felt a perfect fit. The rocky walls clad them closer. Hinilamos ni Virgo sa mukha ang kamay para matuyo ang pagkakabasa niyon. Gumaya si Bree at pinagmasdan ang lalaki.
Virgo was left wearing a black t-shirt and slacks. Kapansin-pansin rin ang suot nitong black shoes. Kaya siguro nagkanda-dulas-dulas ang lalaki sa sapa, hindi akma para roon ang sapatos na suot nito.
Awang-awa siya sa naging hitsura nito ngayon. Nagulo na ang buhok nito at marumi ang kasuotan, maging ang mga braso at leeg. Bree didn't know if she looked as terrible as him right now, her heart sank more for him. Inangat niya ang basang kamay para punasan ang gilid ng leeg nito.
"Bakit nandito ka? Ang dami mo namang mga taong pwedeng utusan para iligtas ako."
"But they don't have the same dedication as I do," he smiled wearily, staring into her eyes. "Bumagsak lang ang malakas na ulan, tumigil na sila dahil daw sa visibility."
"Pero ikaw..."
"Alam naman natin na hindi ako masasaktan ni Jordan, Bree."
She nodded.
"At kahit pa gawin niya iyon, hindi pa rin ako mapipigilan niyon para hanapin ka. Buong magdamag ka na naming hinahanap, Bree."
Naluluha na siya. "Si Marco?"
"Hindi pa namin siya nakikita," malungkot nitong balita.
Sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. "Oh, Virgo! Ang bata-bata pa niya... nakakapanghinayang kung may mangyayaring masama sa kanya!"
His arms wrapped around her. The metal of the gun he was holding pressed against her upper arm as he embraced her.
"Ang alalahanin muna natin ay kung paano tayo makakalabas dito. May training si Marco, Bree, mas may kakayahan siyang maka-survive sa ganitong sitwasyon."
"Maalam ka namang gumamit ng baril," titig niya sa mga mata nito, her tone was softly encouraging him.
"Yes. But I have never actually used a gun."
"Really?"
"I can't kill people by myself... I haven't done it ever, Bree."
Her lips quievered. "Masyado ka talagang good boy."
He pulled a lopsided grin, seemingly out of shyness and being unconvinced.
"Let's go?"
"Patilain muna natin ang ulan," tanaw nito sa labas.
"Pero, magandang chance ito para makatakas tayo. Sabi nga ng mga tao mo, mahihirapan tayo pagdating sa visibility. Ibig sabihin, mahihirapan sila Jordan na makita tayo."
"At iyon ang ie-expect nila. Kita mo at may natiyempuhan ka pa kanina na tauhan niyang paikot-ikot sa paligid? They will expect you to come out, iniisip rin kasi nila na iyan ang iisipin mo."
"So, we go out when the rain stops."
"Oo. Hindi pa tayo mahihirapan makakita o madudulas masyado kapag tumawid sa sapa."
Bree huddled closer to him. She was shaking and needing his warmth. And Virgo, like the gentleman he had always been, was generous with his warmth. His arms wrapped around her tighter.
Namayani saglit ang katahimikan habang hinihintay nila na tumila ang ulan.
"Naalala ko noong tinawag mo akong kalapati," mahina niyang wika. "Na makarinig lang ng palakpak, bababa at bababa ng lipad para lang lumapit kung saan iyon galing. You probably hate me for that. That I live for the applause. What could have happened if I did not choose my career over you in the first place?"
"Bree, don't look at things on one direction. Look at it now in this way, ang kalapati, hindi iniisip na papuri ang palakpak sa kanya. Ang iniisip ng kalapati, tawag iyon para umuwi siya sa bahay. The good thing about a dove is because no matter where they go... no matter what they prioritize first, like searching for food, at the end of the day, they wait for someone to call them home. That clap. They keep their ears open to hear it. And they loyally keep coming back home when they heard that clap. Umalis ka man, alam ko na babalik at babalik ka pa rin. Uuwi ka pa rin sa tahanan mo, sa taong mahal mo. Sa akin. That's why doves completely represent love... one true faithful love... a love that never ends... a love that you keep coming back home to."
Umiiyak na sinubsob niya ang mukha sa dibdib ng lalaki.
"Virgo... I want us to stay alive. I want to be in that moment when I can really come home to you... after everything, after a hard day's work... after all of these..." pigil niya ang mapalakas ang pagkakahagulgol.
"Then work with me," mapang-unawa nitong hawak sa kanyang mukha para punasan ng malayang kamay ang kanyang mga luha.
Unti-unti na siyang kumalma.
"Tanda mo pa ba ang direksyon pabalik, Virgo?" tanong niya.
"Just run straight."
Namilog ang mga mata niya. "That's it?"
He smiled and nodded. "It's okay. Sometimes, fear gets the best out of anyone. Lalo na at hindi mo naman inaasahang ngayon mismo at sa mismong shooting mo pa ikaw guguluhin ni Jordan at ng mga tauhan niya."
Determination dawned on her face. Then, a sweep of uncertainty and sadness.
"May plano ako, pero kailangan ko munang malaman mula sa iyo..." Napalunok siya. Virgo's expectant eyes waited for her question. "Virgo, kaya mo na bang mag-let go sa bond ninyo ni Jordan? Kaya mo na ba siyang tingnan bilang kalaban?"
Gumuhit ang sakit sa mga mata nito.
"Kasi kung hindi," ani Bree, "hindi natin magagawa itong plano ko."
Natahimik ang lalaki.
"Alam ko, mahirap sa parte mo na saktan si Jordan, sa kabila ng mga panggagagong ginawa niya sa iyo. Pero Virgo, buhay natin ang nakalalay dito. He may not kill you, but he'll make you suffer for life. Tinuring mo siyang kapatid, napamahal na siya sa iyo, pero hindi naman ganoon ang nararamdaman niya para sa iyo, Virgo."
He understood and nodded. May kung anong panibagong lakas ng loob na nagpatapang sa mukha ng binata.
"What do you mean with that nod?"
"Since that night you pushed me off the car," titig ng mga mata ni Virgo sa kanya. "Natanggap ko nang kalaban ko siya."
Bree gave him a nod.
"Remember, Virgo," she touched his face tenderly, "don't let other people use your heart against you. Doon ka naisahan ni Jordan. Alam niya kung sino ang mga mahal mo, ginagamit niya iyon laban sa iyo. Alam niyang mahal mo siya, halos kapatid mo na ituring, kaya malakas ang loob niya, dahil naniniwala siyang wala siyang kakaharaping masamang consequences."
Lumingon ang lalaki sa labas. Bree knew the reason why.
Humihina na ang patak ng ulan.
Bree swallowed and internally braced herself.
"Virgo," aniya kaya napatingin sa kanya angbinata, "I have a plan."
.
.
.
***
AN
At abangan ang kasunod sa susunod na UD! And alsoooo, finale chapters na rin iyon! T^T <3 <3 Let's ready our hearts and souls hahaha~
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro