Chapter 62: Take One... Action!
MAAGANG DUMATING ang mga tauhan ni Chief Bender David, ilan sa mga pinakamagagaling mula sa PNP, suot ang polo shirt na uniporme ng mga ito, sa bahay ni Bree ilang oras matapos makaalis ang dalaga para pumunta sa movie shoot nito sa Cavite.
Virgo was already wearing fresh clothes. Nakisuyo kasi siya sa mga tao ni Chief David kung maaaring dalhan na rin siya ng mga ito ng pamalit na damit.
Matapos i-relay ni Virgo ang ilan sa mga detalye tungkol sa kanyang sitwasyon, nag-usap-usap na sila ng course of action. But then, he did not finalize their discussion yet. Lingid sa mga ito na gusto muna niyang makipag-usap sa Buenos Mafios bago i-execute ang plano kasama ang bagong PSG niya na recruited mula sa PNP.
"Magre-report lang po sila Años at Torralba kay Chief, Sir," paliwanag ng isa sa mga ito sa kanya.
Tumango siya at tumayo na rin mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Sige."
"Mag-iikot lang kami rito sa bahay," paalam naman ng isa pa sa mga pulis, "para lang ma-check kung ligtas kayo rito."
He gave them a nod. Dalawa ang naiwang pulis para magbantay sa kanya. Pinakiusapan niya ang mga ito na lumayo-layo dahil may gagawin siyang pribadong phone call.
"Hello," pirmi niyang saad nang sagutin ang tawag niya.
Mr. President. I am glad you are using your phone again.
Virgo seated on the sofa and lowered his head, yet his eyes were alert on the two guards left with him.
"Yes. I wonder when I can make an appointment with you. We need to talk."
About what?
"The progress of our plans."
Great, mahinang tawa ni Zoref bago siya binigyan nito ng lugar at oras kung kailan ito available. Mabuti na lang at ilang oras lang ang deperensya. Mukhang alam naman ng Mafia Boss kung gaano kahalaga na maging mabilis ang transaksyon nila.
Siyang lapit sa kanya ng isa sa mga pulis na naglibot sa bahay ni Bree.
"Sir, nakuha ko ito sa nakasampay sa upuan sa dresser na gown," pakita nito sa isang voice chip. "Sa mismong gown siya nakakabit."
Sumama ang timpla ng kanyang mukha. He could recognize the same kind of voice chip that Greg has. By clip nga lang ang sa kanya, itong hawak naman niya ngayon ay may stick-on feature na makapit sa tela at manipis na lapad ang chip kaya hindi agad makakapa.
.
.
BREE TOOK IN THE FRESH AIR. Malapad ang ngiti sa kanyang mga labi habang nasa viewing platform ng forest resort na pinuntahan nila sa Magallanes, Cavite. Nakakuha na kasi ang staff at crew ng pelikulang Forbidden para gamitin ng dalawang araw ang lokasyon sa pagsu-shooting ng isa sa mga climax at chase scene para sa pelikula.
Ayon sa script, palalabasin na napunta ang karakter ni Bree sa kagubatan. Doon ito hahabulin at hahabulin ng mga kalaban dahil naka-witness daw ang dalaga ng isang ilegal na transaksyon ng mga ito sa simbahan. Doon din ito maliligtas ng kanyang leading man na matagal-tagal na rin niya nakukursunadahan. Doon din magaganap ang unang sex scene para sa pelikula.
She felt the wind push back her hair, its coolness on her face. Malapit na ang lunch time pero parang sa natural na tanawin pa lang ng bundok at nagtataasang hanay ng mga puno ay busog na siya. Naramdaman niya ang presensya ni Marco sa kanyang tabi kaya nilingon niya ito.
Then her eyes returned on the view.
"Nag-text si Presidente," balita nito. "Nakausap na raw niya ang bago niyang mga PSG. Magre-report lang daw ang mga ito sa PNP Chief para mabigyan ng approval ang course of action na gustong gawin tungkol sa problema niya kay Jordan."
"Akala ko ba, ayaw niyang mabalita ang pinagdadaanan niya? Bakit nakikipag-coordinate siya ngayon sa mga pulis?"
"Miss Bree, kailangan niyang gawin iyon para maging reasonable kung bakit kumukuha siya mula sa PNP ng bagong set ng PSG niya. He can make this as confidential as he wanted to. Nago-operate naman minsan ang mga pulis sa mga misyon na hindi aware ang taumbayan."
Bree nodded. "Pero paano ang usapan ninyo ni Virgo? Hindi ba, may plano rin kayo laban kay Jordan? Kayo—" nilingon niya si Marco, "—at ang Buenos Mafios?"
"Pag-uusapan nila ngayon din ang tungkol doon," nagbaba ito ng tingin. "Kaya lang..."
"Kaya lang, ano?"
"Nabanggit mo na pumayag si Virgo na ituloy ang original na plano... at kaninang madaling araw lang, isinagawa na ng Buenos Mafios ang step five ng misyon namin."
Natigilan siya. Kinabahan. "Ano'ng step five?" harap niya sa binata.
"Ang step five ay emergency procedure lang. Kapag kinailangang gawin o kapag binigyan ang Buenos Mafios ng go signal na gawin iyon. At ang step five ay tugisin si Jordan."
"At..." halos pigil niya ang hininga, "napatay niyo ba siya?"
"No. Abduction lang naman muna ang gagawin namin, para makasigurado na wala siyang takas. Kasi panigurado na sa ginawa ninyong pagtakas ni Presidente, maaalerto na siya. And we're right. He got one step ahead of us," seryosong sagot ni Marco. "Naalerto siguro siya nung nagkaharap sila ni Presidente, nung napagbantaan si Jordan ni Presidente na tapos na ang maliligaya niyang araw. Kaya nakapagtago na siya."
"Saan siya hinanap ng Buenos Mafios?" gumuhit ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Sa tirahan niya sa Manila. At sa vacation house ng mga Ferdinand sa Tagaytay. Iyon lang ang alam namin na madalas tuluyan ni Jordan."
"Naunahan niya kayo at nakapagtago siya," iling ni Bree. "Ibig sabihin... " bumundol ang kaba sa kanyang dibdib. "Marco, baka puntiryahin na niya ako."
"Miss Bree, hangga't nandito ako, wala kang dapat ipag-alala. Tandaan mo na pinagkatiwala ka sa akin ni Presidente."
Binalik ni Bree ang tingin sa view. Sa may kalayuan sa likuran nila, abala na ang mga staff at crew sa pagse-set ng mga tent at table sets para makapagtanghalian na sila. May mga nagsisipag-kilos na rin na mga camera man para kuhanan ang view ng malawak na kagubatan mula sa pwesto nila.
"Imposible naman sigurong malaman ni Jordan na nandito ako..." Lalo siyang kinabahan. Nagmamadaling umalis si Bree para hagilapin si Manager Ken sa kabila ng dami ng mga crew na paroon at parito, gayundin ang mga aktor na nagpapahinga pa sa sari-sarili nilang mga tent o 'di kaya'y sasakyan.
"Manager Ken," tapik niya sa lalaki na naabutan niyang may sinisilip sa loob ng sasakyan nila.
"Bree," gulat ito, "ano?" lumagpas sa kanya ang tingin nito. "Nasaan si Marco?"
"Susunod na rin siya rito," aniya. "May gusto lang akong itanong sa iyo."
"Ano iyon?" harap na nito sa kanya.
"Nakakausap mo ba si Jordan?"
Nag-alala ito. "Oh, bakit, kinulit ka na naman ba niya?"
Bree shrugged. Hindi rin alam ni Manager Ken ang mga nangyari kagabi, maging ang pagyaya sa kanya ni Jordan na makisalo sa kwarto nito. Kaya naman sigurado siya na ang pagkakaalam ni Manager Ken ay tinapos na niya ang lahat ng ugnayan kay Jordan at Virgo kagabi nang matapos ang party.
Umiling siya. "Hindi naman po," she met Manager Ken's gaze. "May request lang po sana ako... na huwag na huwag ninyong ime-mention kay Jordan kung kamusta na ako o kung nasaan man ako."
"Ano ka ba?" his worry lifted off like a veil. "Siyempre naman, protocol ko iyan bilang manager mo na alagaan ang privacy mo, no."
"Please," nanunukat ang tingin niya rito. "As far as I remember, ikaw ang nag-set up sa aming dalawa na mag-dinner noon."
"Nagkamali na nga ako, okay?" Manager Ken sighed and patted her shoulder. "Kaya huwag ka nang mag-worry diyan. Silent. At naka-block na ang numero niya sa akin."
"Thank you," Bree smiled.
At narinig nila ang pagtatawag ng isang crew para lumapit sila rito dahil nakahanda na raw ang pananghalian.
.
.
VIRGO JUST REASONED that his meeting with Zoref Buenavista will be for a possible financial support for future national projects from a non-government unit. Kaya naman nasa gusali siya ngayon ng korporasyon na pagma-may-ari ng lalaki. Naiwan silang dalawa sa loob ng opisina nito, sa isang sulok niyon na may nakatalaga na maliit na mesa at mga upuan.
They seated facing each other.
"Thank you for coming by, President," relax ng lalaki sa kinauupuan nito.
"Ano na ang progress?"
"Nagawa na ang lahat ng step. Kahit ang step 5."
Gumusot ang mukha niya. "Ang step 5?" pigil niya ang mapa-anas dito. "Paano? Wala pa akong binibigay na instruction na iligpit niyo ng tuluyan si Jordan."
"Nakausap namin si Miss Bree," sagot nito. "Sabi niya, kagustuhan mong mag-stick sa orihinal na plano. At nabanggit niya na magandang iligpit si Jordan kaya naman..."
"You killed him," he flatly continued.
"No," iling nito. "Our intention was to abduct him first. Keep him in our headquarters," maluwag ang ngiti nito. "Teach him a lesson or two. Hindi pa namin siya mapapatay dahil panigurado na mababalita ang pagkawala niya, lalabas at lalabas din ang katotohanang patay na siya kahit gaano pa kami kalinis gumawa ng trabaho. He's your spokesperson. A man with a reputation like that? You can't hide his death. Pinaunawa ko iyon kay Miss Bree, at ang sabi niya, may aasikasuhin lang daw siya para masigurado na hindi matutunton ang Buenos Mafios na dahilan ng pagkamatay ni Jordan."
"Hindi pa niya nababanggit kung ano ang plano niyang gawin, pero sa tingin ko, basta hindi masyadong ma-publicize ang pagkamatay ni Jordan, walang magkakainteres na ungkatin pa iyon..."
Naalala ni Virgo noong nakita niya sa receptionist area ng hotel na tinuluyan nila dati si Bree. Nakakawit ang braso nito kay Kaiser Peralta, isa sa mga big bosses ng PH Channel.
He finally had an idea was Bree must be planning to do.
Apparently, Bree and I... we are starting to love the jobs we hate... In the first place, we wanted revenge versus media— for being manipulative and biased— and now we have learned how to use it to our advantage... and we start doing what we used to hate.
We are starting to learn that in this world... in the real world... it's not a matter of what's right or wrong...
But what's safer.
"Are you trying to imply that Bree will use her celebrity status to persuade the executives of her network to be on your side?" hula ni Zoref.
Nag-angat siya ng tingin sa lalaki, tumama ang mga mata sa mata nito.
"What about Mayor Cheska? Bakit hindi muna siya ang asikasuhin ninyo, at sa mga tauhan ko na ninyo ipaubaya si Jordan?"
"Your men would need to catch up with what's going on. And catching up with all the info will take some time, President. Samantalang kami, nababasa na namin ang mga kilos ni Jordan at ng mga tauhan niya. Time is essential here. Kumikilos na si Jordan. Nag-iisip na iyon ng paraan para masigurado na hindi mo malabas sa publiko o mainform sa mga tao mo na dapat siyang hulihin dahil nagtaksil siya sa iyo."
"Then what are you planning to do now?"
"Send our men to Bree," anito. "Dahil cliché na namang galawan ng mga gago iyon, kukuha sila ng pain para lumapit at mabingwit nila ang malaking isda."
"Shit," tindig niya mula sa kinauupuan.
.
.
THE PRESIDENT just celebrated his 43rd birthday in a private ball at Priston Hotel last night. According to an insider, the party was simply arranged for important guests, the President and his family to share a more intimate moment to talk for possible collaborations while enjoying a complete three-meal course with accompanying musical performances from renowned singers like Mr. Jose Mari Chan up to, a very surprising, sexy number from today's hottest star, Miss Bree Capri.
Habang nagbabalita ang reporter sa TV, may lumalabas na mga litrato na kuha mula sa event. Ang huli nga ay litrato ni Bree habang nakaupo sa mesa ng Presidente at ni Mayor Cheska. Mapang-akit ang titig sa lalaki, tila isang sirena na umaawit para hatakin ang isang mangisngisda na sumama rito at magpakalunod.
Wherein, the performance also openly displays the star's relationship with the President's cousin and spokesperson, Jordan Ferdinand.
Lumabas ang litrato ni Bree na nakakandong sa lalaki habang tinatapos ang pagkanta.
Now, what got the people confused is the circulation of this certain photo on the internet where Bree rides the card where the President is.
Lumabas ang dalawang litrato. Ang isa ay ang pagsakay ni Virgo sa backseat ng kotse na minamaneho ni Marco. Ang isa naman ay larawan ni Bree sa tabi ng kalsada at pasakay na ng sasakyan.
Biglang lumipat ang channel na nakapalabas sa TV.
Ngayong umaga, nagkakagulo ang mga tao sa tapat ng Priston Hotel dahil sa pagsulpot ni Mayor Cheska Fidel. Kataka-taka na mag-isa lang itong lumisan mula sa suite na ang sabi ay ginamit nila ni Presidente matapos ang selebrasyon ng 43rd birthday nito.
Lumipat na naman ng channel.
Nakumpirma na ligtas ang First Family mula sa kumalat na false alarm ukol sa pagkaka-kidnap daw sa mga ito alas-onse kagabi matapos ang selebrasyon ng 43rd birthday ng mahal nating Pangulo na si Virgo Ferdinand sa Priston Hotel.
Kaninang umaga lang, nag-upload ng video ang dalagang anak ni Madam Laila Ferdinand, masaya at kinukumpirma na ayos lang ang First Family at tumakas lang daw sa mga gwardiya para mag-staycation.
Laila turned to her daughter and smiled.
"Good job, hija," anito.
Libra cheekily smiled and shrugged. "Sabi ko sa iyo, eh, my social media savviness will save us one day!"
"Still! Kontrolin mo pa rin iyang masyado mong pagka-adik sa kaka-Instagram at Facebook!" saway nito bago pinatay ang TV.
"Mom," Libra crossed her arms over the armrest of that sofa before placing her chin over it, "bakit pati personal life ni Kuya, masyadong pinapakialamanan, no?"
"They are just doing their job, anak," malumanay nitong paliwanag. "Since, hindi allowed ang media na magkaroon ng access o maka-attend sa birthday party ni Kuya mo, heto sila at nagbabase ng ibabalita sa kung ano ang makwento ng mga um-attend. O sa mga nagkalat na pictures sa internet. They still need to keep doing their job and spread news."
"Even fake news?" nguso nito.
"What fake news?"
"Eh kasi sa balita kanina, parang may gusto silang palabasin tungkol kay Kuya at sa girlfriend ni Jordan."
Inunawa na lang ni Libra ang anak. Lingid kasi sa dalaga ang katotohanang si Jordan ang banta ngayon sa buhay nila. Si Laila lang kasi ang kinausap ng Buenos Mafios ukol sa tunay na sitwasyon. Matapos, iyon, pinaliwanagan na lang ng ginang ang mga anak na mananatili muna sila sa headquarters nito para sa safety nila. At para mapalagay ang loob nila Leo at Libra, kinuwento ni Laila sa mga ito na noong sila Ginnie at Virgo pa lang ang anak nila ni Aries, nangyari na rin ang pagkupkop sa kanila ng mafia organization sa headquarters ng mga ito. Dahil kung hindi, mapapatay sila ng mga tao sa sobrang galit.
Noong kapanahunan kasi ni Aries, hindi rin maayos na naipaliwanag ng lalaki na may internal problems ang gobyerno. Para sa mga tao, gusto nito ang Imperyalismo dahil mapapasa sa salin-lahi nito ang pagiging pinuno ng bansa. Ibig sabihin, walang choice ang mga tao at dapat asahan na mga Ferdinand lang ang mamumuno sa kanila. Kahit sabihin pa na ang intensyon ni Aries kaya ginawa iyon ay dahil wala na itong tiwala sa ibang mga tao sa gobyerno, na mas may kapasidad noon na tumakbo sa susunod na eleksyon, at sa sariling pamilya lamang nito nakikitaan ng potensyal ang pwedeng maging pangulo na hindi maghahangad na mangurakot, hindi naman basta-basta paniniwalaan ng mga tao na mabuti talaga ang mga Ferdinand tulad ng paniniwala roon ni Aries.
Kasi tao lang din naman sila.
"Tulad ng ano?" kunwari ay hindi gets ni Laila ang pinapahiwatig ng dalagang anak.
"Na may something sa kanila," pag-aalala nito. "Ano'ng gusto nila ipalabas sa mga tao? Na mang-aagaw ng girlfriend si Kuya Virgo?"
"Alam mo, Libby, isa ka rin sa pakialamera sa lovelife ng kuya mo. Pabayaan mo na lang sila. Masanay ka na na may ganyang side ang media. May accurate news, at mayroon din namang mga theory-theory lang."
Dumeretso na ito ng upo. "At hanggang kailan tayo magtatago rito, Ma? I'm getting bored here," Libra sighed.
.
.
BREE WAS ALREADY wearing her white nun clothes. Nang maayos na siyang malagyan ng natural make-up, pinuwesto na siya ng isa sa mga crew malapit sa isang puno. Habang nasa tapat siya ng camera view, nakaabang naman sa labas niyon ang mga stunt man na tatayong mga tauhan ng kalaban na hahabol sa kanya.
The trees stood tall all around them. Two-PM sunlight streamed through the leaves and between the branches. Nasa malayo naman si Marco, hindi halos inaalis ang tingin sa kanya sa sobrang higpit ng pagbabantay.
"Forbidden, Scene 5, Take one..." anunsyo ng direktor na nasa mataas nitong upuan gamit ang speaker phone, katabi ang monitor na nagka-capture ng lahat ng shots mula sa mga camera man, "Action!"
Mabilis na tumakbo si Bree.
Puno ng takot ang kanyang mukha habang humahampas ang dulo ng palda niya sa mga binti at sakong. She kept looking behind, anticipating that she was being chased already by the stunt men who remained standing in their places. Nung nakalayo-layo na siya, sumimple ng sunod si Marco sa camera man para hindi maharangan ang shot nito.
At cue, the stunt men began following her, portraying the role as criminals chasing her.
Bree released a shudder. Tears rimmed her eyes. The moment she saw the stunt men running after her, Bree was having a collection of feelings about her real life. Nai-imagine niya na isa si Jordan sa mga lalaking humahabol sa kanya. Natatakot na binilisan pa niya ang pagtakbo.
May nakaabang na crew sa isang puno na senyales para sa kanya na hanggang doon lang ang itatakbo niya. Lalapit na sana siya rito nang makita ang pagsirit ng dugo sa leeg nito.
Bree gasped and felt her legs wobble. Takot na napalingon siya sa pinagmulan ng bala, isa sa mga stunt men na may hawak na baril. Labis na kinabahala din ng mga kasama niya sa shooting ang naganap na pamamaril. Tuluyang bumagsak ang crew sa masukal na lupa na nalalatagan ng ilang nalagas na dahon ng mga puno.
There was another gun shot, which made the man pointing a gun at her drop.
Nakita niya ang pagbaba ni Marco sa kamay na may hawak na baril.
Dala ng panic kaya nagsipag-takbuhan ang mga staff at crew. Hindi naman malaman ng direktor ang gagawin dahil nakita nito na nasa panganib siya. Manager Ken was already trembling before he decided to run toward Marco.
Pero naglabas na ang mga stunt men ng mga baril nila.
Nagdilim man ang anyo ni Marco, kita ni Bree sa mga mata nito ang pagkabahala.
"Takbo!" sigaw nito bago pinaputukan ang mga lalaki na umiwas bago ginantihan si Marco.
Sinamantala iyon ni Bree para tumakbo. The men already blocked her way, a reason why instead of running toward where the crew and staff went, she had gone deeper into the forest.
Mula sa pagkakakubli sa isa sa mga puno, lumabas si Jordan at sumimple para habulin siya.
.
.
.
***
AN
Hello, everyone! I hope you are safe and sound this Sunday! Grabe kasi ang kulog at ulan kahapon , no? (Sa place namin, kasi ganun katindi!) <3
For today, dalawang chapters muna ang ipo-post ko, kasi inaantok na ako hahaha~ at alanganin akong maka-type ng Chapter 64 this Sunday morning/afternoon kasi may lakad ako... and soo... here it is! <3
Happy reading and kitakits hanggang sa nalalapit na pagtatapos ng #SLIDE <3
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro