Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 61: Back To Normal...?

VIRGO ROLLED ON THE GROUND and stayed still. Dama niya ang paghinto ng sasakyan sa tapat niya. Bumaba ang mga lulan niyon para damputin siya.

"Iharap niyo sa akin iyan!" galit na sunod ni Jordan sa mga tauhan nito na palapit na sa kanya.

Nang iangat si Virgo ng mga ito, walang anu-anong naniko siya sabay bunot sa kasadong baril para paputukan ang isa pa sa mukha. Patay na ito nang bumagsak. Sinunod na rin niya ang nasikong lalaki at tumama iyon sa dibdib nito. Medyo nangisay pero sumuko na rin sa paghinga.

Siyang tutok niya ng baril kay Jordan.

Alam niyang malakas ang loob ni Bree na itulak siya palabas ng kotse dahil nakapa nito ang baril sa tagiliran niya nung yumakap ito. Kung anong kahilingan nito na lakihan ang tiwala niya rito, ay ang siyang laki ng kumpiyansa nito na kayang-kaya ni Virgo ang sarili ngayon.

Paling ang naging ngisi ni Jordan, hindi inaasahan ang liksi ng kilos niya.

"Isa ito sa mga kinaiinisan ko sa iyo, Pinsan," nakakabwisit ang sarkasmo sa tono nito. "Masyado mong ginagalinga. Palagi na lang."

"Where is my phone, Jordan?" he hissed.

"You need it?" dukot nito ng gadget at akmang iitsa sa kanya nang pigilan niya.

"Hindi! Hindi mo iitsa iyan sa akin. Ilagay mo iyan ng maayos sa dashboard."

Nakakaloko ang ngisi sa kanya ni Jordan.

"Ngayon na, Jordan," anas niya.

Wala itong laban kaya sinunod na lang ang utos niya. Pero hindi maaaninagan sa mukha ni Jordan ang takot o pangingilag kahit na may nakatutok siyang baril dito.

"Now go," he snapped. "Go!"

Umatras ito, kampante ang pagtalikod para lumakad palayo.

"Sigurado ka ba, Pinsan?" nakuha pa nitong mang-inis. Jordan casually glanced at him over his shoulder. "Alam mo naman siguro ang mangyayari dahil sa ginawa mong ito!"

"Ikaw ang humanda sa mga mangyayari sa iyo! Hayop ka!" putok niya ng baril malapit sa paanan nito para mapatakbo ng kaunti.

Lumapit na si Virgo sa kotse, pero nasa pinsan pa rin ang mga mata.

Nang makalayo na ito, inokupa niya agad ang driver's seat at pinaharurot iyon palayo.

.

.

BREE CASUALLY WALKED IN the office. Nakasunod sa kanya si Marco at ang isa sa mga naka-suit dapat na Mafioso ngunit wala nang suot na blazer dahil inalok na iyon sa kanya. With the blazer draped over her arms, Bree could already withstand the cold air conditioning of the room.

"Miss Bree," hilig ni Zoref ng ulo habang pinapasadahan siya ng tingin. "Welcome."

Umupo siya agad sa isang visitor's chair. Walang paligoy-ligoy na tinapatan ang titig ng lalaki.

"Ikaw daw ang Big Boss nitong organisasyon ninyo."

"I am," pagseseryoso nito. "At mukhang ikaw na ngayon ang Big Boss ng Presidente."

Inirapan ni Bree ang mga tauhan ni Zoref na nagpipigil ng tawa. Maging si Marco.

Her eyes returned to him. "There's nothing funny with that if it's true, right? Tell me, to what extent can you do for a woman you love so much?"

"Now, let's not get too personal," tuwid nito ng upo. "Nandito ka dahil kailangan mo ng proteksyon namin. Hindi mo na kami kailangang pakiusapan pa dahil matagal na kaming natimbrehan ni Presidente, na posibleng magkaroon ng banta sa buhay mo."

"At Boss," pagre-report na ni Marco, "kasama dapat namin dito si Presidente kung hindi lang tinulak ng babaeng ito palabas ng kotse."

Dama ni Bree na nasa kanya na naman ang mga mata nito.

"Oo, pero pumayag doon si Virgo," taas-noo niyang wika, napaghandaan na kasi niya ang pag-uusap na ito. "Gusto namin na sundin ang orihinal na plano. Mananatili sa Palasyo si Virgo para ituloy ang trabaho niya. Hindi kasi katanggap-tanggap na maapektuhan ang pagsisilbi niya sa mga tao nang dahil lang sa mga hayop na tulad ni Jordan."

"Mukhang, naikwento na nga niya sa iyo ang buong sitwasyon," ani Zoref.

"Oo." Bree crossed her legs. "At nandito ako para makiusap na pabilisin ang pagligpit diyan kay Jordan."

"You want him dead already? Won't that compromise Virgo's reputation?" Zoref leaned forward to take a closer look at her. "Won't that hurt his feelings?"

"Alam naman natin na iyon ang pinakamagandang solusyon, 'di ba? Ang burahin sa landas niya si Jordan."

"Pero alam mo rin kung ano ang mararamdaman niya. Na kahit inahas si Presidente ni Jordan... tinuring pa rin niya itong kapatid. At hindi na basta-bastang tao ngayon si Jordan. Kilala na siyang spokesperson ng Presidente. Siguradong mababalita anuman ang masamang mangyari sa kanya."

"Kaya nga ako na mismo ang gagawa nito para sa kanya," matapang na saad ni Bree. "Para walang clue ang mga tao, para hindi mainvolve si Virgo."

"Walang clue? You will be asked about this too, Miss Bree. Ang alam ng mga tao, may namamagitan sa inyo ni Jordan. At si Mayor Cheska ang karelasyon ni Virgo."

Natahimik siya sa sinabi nito.

"People have very playful imagination, Miss Bree. Once Jordan is dead, and the people sees you and Virgo together... they might be able to connect the dots. Masisira si Virgo. Because it is most likely for people to think that he had his cousin killed to have you. He has all the power and means to have his cousin killed, right?"

"Eh 'di kapag namatay na si Jordan," angat niya ng tingin dito. "Pwedeng maglabas si Virgo ng statement... kung ano ang totoong nangyari..." Napaisip siya. "Or let's make his statement more in favor with him."

"This is one of the reasons why Virgo doesn't want you meddling with this," pamamarangka na ni Zoref. "First is your safety will be at risk, the second is the fact that he knows he's not clean. Anuman ang mangyari kay Jordan, alam namin na hahanap ng paraan ang batang iyon para magantihan si Virgo, para sirain si Virgo kung sakaling mamatay siya. And there's Mayor Cheska too."

Sumama ang timpla ng mukha niya nang marinig ang pangalan ng mayora.

"Posibleng alam niya ang lahat ng ito kaya nakiki-cooperate kay Jordan. She might use what she knows to ruin you and Virgo. Hindi naman pwedeng iligpit na lang din siya ng basta-basta... it will be questioned."

"So," taas niya ng kilay, "ang main problem lang pala natin ay kung ano ang kalalabasan kapag nabalitang patay na sila. Kung ano ang iisipin ng mga tao, is that it, Mr. Zoref?"

Pinagtagni-tagni ng lalaki ang mga sinabi. "Well, you can say that," salubong ulit nito sa mga mata niya.

Tumaas ang sulok ng labi ni Bree. "Then, I'll make some arrangements," tayo niya mula sa kinauupuan. "And I assure you once I'm done that you can proceed with the killings."

Napamaang na lang ang mga ito nang tumalikod na siya para umalis.

"Cold-blooded woman," hindi makapaniwalang titig lang ni Zoref sa papalayong babae. "With her around, no one can really mess with the President."

.

.

VIRGO PARKED THE CAR and grabbed his cellphone on the dashboard. Pinatay muna niya ang ilaw sa loob ng sasakyan bago inisa-isa ang contact list.

Alanganing oras na ng gabi, pero magbabaka-sakali pa rin siya.

Tinapat niya ang cellphone sa tainga, maingat na tumingin sa paligid ang mga mata.

It took him two calls before it was finally answered.

Good morning, Sir, bati ng baritonong boses sa kabilang-linya.

"Good morning, Chief David," seryoso niyang tugon. "I need a security team from your men."

From PNP? Hindi po ba may designated na kayong mga PSG, Presidente?

He let out a sigh. "To be honest, I am having a little problem with them. I figured I can entrust your men to do the job. If not from PNP then get me from sources you trust. Alam ko na pagiging bodyguard ang pinagmulan mo, Chief David, kaya siguro naman, magaling kang pumili ng mga pwedeng i-assign para sa akin."

I'll make arrangements first thing in the morning today, Sir.

"Make it quick," aniya. "I'm in danger."

.

.

"MISS BREE," sulyap sa kanya ni Marco sa salamin sa ibabaw ng dashboard, "sa tingin ko, mas magiging ligtas talaga kayo kung doon ka na lang nag-stay sa headquarters ng Buenos Mafios."

"Alam mo, Marco, kaya nga pinagkatiwala sa iyo ang pagbabantay sa akin, 'di ba? Ibig sabihin, kahit saan ako pumunta, magiging safe dapat ako dahil nandiyan ka."

Napailing na lang ito. "Now, I am not enjoying my job. Masyado ka nang seryoso."

"Ano ba ang gusto mong maramdaman ko?" hasik niya sa lalaki. "All this time, nanganganib ang buhay ni Virgo! At ang buhay ko! At kargo niya lahat ng iyon habang ako, ano ba ang ginawa ko? Nagdrama lang ng nagdrama sa pag-iwan niya sa akin!"

Tumanaw siya sa bintana.

"I should have been more understanding. Ginawa iyon ni Virgo para sa akin kahit na... kahit na hindi niya ako maunawaan. Bakit hindi ko iyon nagawa para sa kanya? How can I easily doubt him, Marco?" balik niya ng tingin dito. "Alam ko nung una pa lang na parang may mali sa biglaang pagbabago ng isip niya, pero ano ang ginawa ko?"

"Miss Bree," he sighed, "hindi ito ang oras para sisihin ang sarili mo. Si Presidente nga, sinisisi rin ang sarili sa nagawa niya sa iyo, 'di ba? Nag-react ka lang naman sa mga ginawa niya sa iyo. Ang mahalaga, pareho niyo nang alam na hindi niyo ginusto iyon. Na hindi ninyo kalaban talaga ang isa't isa."

Bree clenched her teeth. "Ang mga hayop na iyon," bumalik sa kanya ang mga mukha nila Jordan at Cheska. "Wala silang pakialam kung madamay ang kapakanan ng bansa, makuha lang nila ang mga gusto nila."

Huminto ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay ni Bree.

Kapwa sila bumaba ng sasakyan, nakabakod sa kanya si Marco habang binubuksan niya ang gate para mapasok nito ang kotse.

Nang makapasok ng bahay, binagsak ni Bree sa upuan ang hiniram na blazer.

"Mamayang umaga dapat ayos na ang kotse, Marco," instruksyon niya. "May schedule ako ng shooting bukas sa Cavite para sa Forbidden. Kung hindi maaayos kaagad iyong mga tama ng baril at basag na salamin, then, rent a car. O hiramin mo 'yung sasakyan ni Manager Ken."

"Yes, Miss Bree," sagot nito habang tinitiklop ang iniwanan niyang blazer.

Papasok na sana siya sa kwarto nang makarinig ng doorbell.

Her heart stood still, along with how her breathing stopped as tension crept through her.

Dahan-dahan namang binaba ng bodyguard niya ang tiniklop na blazer at hinanda ang baril nito bago lumabas ng bahay.

Hindi maiwasan ni Bree ang mag-alala para rito kaya sumimple na siya ng silip sa pinto. Madilim sa bakuran dahil sa pagbagsak ng makapal na anino mula sa puno at mga halaman, kaya malapit-lapit na sa pinto si Marco kasama ang isang lalaki nang maaninagan ang mga ito.

As they stepped inside the house, Bree could not help staring at Virgo.

Her face was delicately strained with worry. Iundyok ng damdamin ang kanyang mga paa para lapitan ito. Walang pagdadalawang-isip na yumakap siya sa lalaki.

"Virgo..." lapat ng pisngi niya sa dibdib nito, malapit sa balikat at sinisikil ang kagustuhan na maiyak.

Maingat na humagod ito sa likuran niya. Oh, how warm his hand felt... His arms enclosed her in.

"Magbabantay lang ako sa labas," paalam ni Marco bago sinara ang pinto para makapagsolo sila.

Tiningala ni Bree ang binata nang maglayo ang katawan nila mula sa pagkakayakap. Her smile was faint and uncertain because of Virgo's face lined with all the trouble and stress he went through.

"Hindi ba ang sabi ko..."

"Sinunod ko naman ang sinabi mo, ah?" he softly defended, brushing away the hair strainds from her cheek. "Hindi ako magtatago kasama ka. Itutuloy-tuloy ko pa rin ang pamamalakad sa gobyerno. Gagawin ko pa rin ang trabaho ko."

Bree nodded. "Very good."

"Tumawag na rin ako kay Chief David," balita ng lalaki, "para ihanap ako ng panibagong security team."

"Bakit hindi sa National Defense Secretary?"

"I just don't trust him. At hindi ko pa naaasikaso ang pagproseso sa pag-assign sa gusto kong tao para sa posisyong iyon."

Inakay ni Bree si Virgo patungo sa sofa. "Okay, umupo ka muna."

Hindi bumitaw sa braso niya ang lalaki. "Eh, ikaw?" Masuyong dulas ng kamay nito para gagapin ang kamay niya. She felt him squeeze. "Umupo ka rin muna."

"Ipaggagawa muna kita ng tsaa," lapat niya ng kamay sa pisngi nito. "I know you were badly hurt when I pushed you off the car."

Naging mabilis siya sa kusina at sinamahan na si Virgo sa salas.

Hindi muna nito ginalaw ang tsaa kaya lumapit si Bree sa lalaki. Ngayong nahubad na niya ang high heels, malaya niyang naitaas ang mga paa sa sofa. Hinila siya ni Virgo pakandong dito at lalo siyang nagsumiksik sa dibdib nito nang yumakap ang mga braso ng lalaki sa kanya. He planted a soft kiss on her temple. Nilingon niya ito at tinitigan sa mga mata.

"I still hate you for putting me through so much pain," amin niya rito.

"I'm sorry. I just thought it's for the best."

"Hurting me and leaving me?"

Dumikit ang noo nito sa noo niya. "I thought, if I leave you, you'll easily pick yourself up, move on and stay away from me. You're Bree Capri, I've seen you come and go with different men. I don't think I am that special to you that time... especially when you've chosen your career over me."

"At naniwala ka namang mas matimbang kaysa sa iyo ang career ko?"

"Bakit hindi? Ilang taon mong pinaghirapan na marating ang gusto mong marating. It's my mistake to make you feel bad for it when you shouldn't. You earn this, Bree. You should enjoy your career and not let me get in your way. Lalo na noong mga panahon na ginipit na ako ni Jordan."

Pinikit niya ang mga mata. Nararamdaman ni Bree na okay na sila ni Virgo kaya pipigilan niya ang maiyak. Sa oras na pumatak ang mga luha niya, mas lalo lang magi-guilty ang lalaki at ayaw niyang mangyari iyon.

"Pero ang kulit ko. Lumapit pa rin ako sa iyo."

"Don't feel bad about it. Kasalanan ko dahil nanatili kang walang alam sa mga nangyayari."

"Dahil natatakot ka na makialam ako at mapahamak ako," malungkot niyang ngiti. "Wala ka namang masamang intensyon, eh... kaya hindi mo kasalanan din ito, 'di ba?"

Virgo's breathing staggered. "Pero nasaktan pa rin kita."

"Ibahin mo ako sa mga taong nasaktan mo na, Virgo. Mahal kita," yakap niya rito. " Kaya naman kung nasaktan mo lang ako para sa ikabubuti ko, hindi na ako galit. I'll just think of this as you, giving me a hard spank for being so difficult."

"Oh, Bree," he almost squeezed her with his embrace while planting soft kisses on her face.

"Virgo!" natatawang iling niya para tigilan na nito ang pagpugpog ng halik sa kanya.

Ito siguro ang kinaibahan ng romance nilang matatanda kaysa sa mga mas bata. They easily get things settled just by talking it out.

.

.

.

***

.

.

.

TULOY-TULOY ang naging palitan nila ng halik. Naramdaman ni Bree ang pagpihit sa kanya ni Virgo bago naisandal sa pader ng banyong iyon. She upped her game and made her kiss more torrid, making him slightly moan against her lips.

A smile stretched on her face. Her jaw suddenly dropped as Virgo's hand felt her shape, rubbing his palm against the skin of her waist then hips.

"Kailangan ko nang magbihis," titig niya sa mga mata ng lalaki. "Are you sure you'll be fine here?"

Virgo nodded. "Na-contact ko na naman ang mga tao sa Palasyo. Maging si Ate Ginnie, in-inform ko na tungkol kina Mama."

"Eh 'di alam na niya na si Jordan ang may kagagawan ng mga ito?"

Malungkot ang naging ngiti nito.

"Virgo, you're being too nice on him! 'Yung mga pinagdaanan natin—" hindi na niya malaman pa ang susunod na sasabihin.

"I know. Hindi ko lang naman sinabi kay Ate Ginnie dahil baka madala ng impulse. Kumontak ng mga kapwa niya writer at magblog ng magblog tungkol doon." He caressed her cheek and gently murmured. "The important thing here is to make sure that the war is silent. Na hindi maaalarma ang buong bansa, okay?"

She reluctantly nodded her head.

"Masyado nang maraming isyu ang Pilipinas para isipin pa itong sa atin."

Nauunawaan niya. Kaya naman hinayaan na niya ang topic na iyon.

"Aalis na kami mamaya ni Marco," her finger gently stroked across Virgo's bare chest. Kakaligo lang kasi nila pero wala pang tapis ng tuwalya. "Pupunta ng Cavite para sa filming ng movie ko." She gave him a soft underlook. "Please, stay safe here."

"Oo naman," dampot nito sa baba niya para patingalain siya rito. "Hinihintay ko na lang ang ipapadalang mga tao rito ni Chief David para maging PSG ko."

Bree gave him a soft kiss on the lips.

They both smiled— happy for being together, yet filled with worries for each other's safety.

Nang makagayak na si Bree, naghintay pa siya na huminto sa tapat ng bahay ang kotse ni Manager Ken. Si Marco na ang nagmamaneho niyon papunta sa isang magubat na lugar sa Cavite. Kasama niya ang Manager pero lingid dito na nasa bahay niya ngayon si Virgo. Ayaw niyang i-update ang lalaki tungkol doon dahil minsan ay mabilis itong magpanic. Mabuti na rin na wala itong masyadong maging alalahanin.

Habang nasa kalagitnaan ng biyahe, sa wakas at tumawag na rin sa kanya si Sir Kaiser.

Kaninang umaga pa niya kasi sinusubukang ma-contact ang lalaki pero hindi siya sinasagot. Kaya lang, bad timing naman ang tawag nito dahil kasama niya si Manager Ken.

Bree prepared herself. Napapalingon na sa kanya si Manager Ken dahil sa pagri-ring ng cellphone niya. She showed that it was only Sir Kaiser calling before she answered.

"Hi, Sir Kaiser!" masigla niyang bati. "Good morning!"

Hi, Bree! I received your missed calls. Is there something I can help you with?

Malakas ang hampas ng hangin kung nasaan man ngayon ang kausap niya. Bree chose to ignore how noisy it sounded on the phone.

"Opo sana. Kailan ko po kaya kayo pwedeng ma-meet?"

Mahina itong natawa. If you need something, you better just say it now on the phone, kasi baka matagalan ang balik ko sa Manila.

"Oh, bakit naman po? Kung okay lang naman na matanong ko sa inyo?"

What can I say? Pinag-isip mo ako masyado dahil sa mga sinabi mo. Hindi ko tuloy matiis na hindi makita si Krista. And now, we're okay... and more than okay.

"T-Talaga po?"

Yes. And I'm sorry, I forgot to thank you for this.

"Asus," pigil niyang masobrahan ang pagkakangiti. "You don't have to thank me, Sir. Ikaw ang kumilos kaya ikaw pa rin ang nakadiskarte niyang happiness na nararamdaman mo ngayon."

Now, why did you call me earlier?

Sumimple siya ng sulyap kay Manager Ken na abala na sa cellphone nito. Pero palagay ni Bree ay nanainga ang manager.

"Ite-text ko na lang po," sagot niya bago sila nagpaalamanan.

Habang nagtitipa na siya ng text, humarap sa kanya si Manager Ken.

"Hoy, ano iyan at parang ayaw mong malaman ko kaya ite-text mo?"

Bree smiled. "I just need some help."

"Tulong para saan? At bakit si Sir Kaiser pa?"

"Dahil executive siya ng PH Channel. I am sure, he can somehow manipulate the news that will be aired in his network."

Nagimbal ito. "At bakit mo naman ipapagawa iyon sa kanya? May bagong intriga ka na naman ba?"

Tipid lang ang naging ngiti ni Bree.

"Sige, huwag mo akong sagutin. Makikita ko pa rin iyon, Bree!" surf na nito online para maghanap ng mga articles na posibleng nang-iintriga na naman sa kanya o patama sa kanya na mga blind items.

Napatingin siya sa manager, inihilig ang ulo.

"Oh,Manager Ken," natatawa niyang nood sa nagmamadali nitong pag-scroll at pagkunotng noo sa sobrang pagco-concentrate sa cellphone, "you worry too much!"

.

.

.

***
AN

Hanggang dito muna ang UD ko for Saturday! <3 <3 <3

Abangan ang susunod na 3 Chapters this Sunday! <3 Let's see rin kung magiging finale chapters na ba ang mga iyon T^T <3

With Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro