Chapter 59: Free Virgo
BAGO LUMABAS NG SILID, nakita ni Virgo sa eyehole ng pinto na nakasilip doon ang isa sa kanyang mga PSG— ang mismong lalaki na inutusan niyang bumili ng pampatagal na mga tableta. Iritado niyang binuksan ang pinto, nag-iisip kung paano malulusutan ang kahaharaping gulo. Tiyak niya na magre-report din ang lalaki kay Jordan.
Natatakot siya sa kung ano ang maaaring gawin ng pinsan kay Bree kapag nabalitaan ito. Nagagalit na rin siya kahit wala pa itong ginagawa sa babae.
This should be the best time to talk to Bree. After sex, she was absolutely feeling tired and had no choice but to listen to him. Hindi tulad kanina na away ang hanap nito. He had been keeping an eye on her for years at hindi nakaligtas sa kaalaman niya ang mga gulo at away na pinapasukan ng dalaga. Alam niya na gagawa at gagawa ito ng paraan para kontrahin siya tulad ng ginagawa nito kay Krista. Kaya nga nagtagal ng taon ang away ng dalawa, hindi ba? Dahil alam ni Virgo na kapag sa tingin ni Bree ay wala itong ginagawang masama, she would not let her enemy convince her otherwise— nor let them talk too.
Yet, although he could keep the door locked, walk back to Bree and explain, he chose not to. Sa oras na malaman ni Bree ang sitwasyon niya, lalong hindi lalayo ang dalaga. Lalo lang ito makikisali sa gulo, at iyon ang ayaw niyang mangyari.
He just wanted her far from him... and safe.
And let him handle this by himself.
Pagbukas niya ng pinto, hindi na naapuhap pa ni Virgo ang sasabihin.
Lumagpas sa lalaki ang tingin niya at nasilayan ang dahan-dahang paglapit ni Marco mula sa likuran nito. Bihis na ang lalaki ng itim nitong pantalon at polo.
"Presidente," bati naman sa kanya ng PSG, "paanong nandito kayo sa kwarto ni Boss—"
The man let out a grunt before he dropped after Marco's strong blow at the side of his head.
Tumalim ang mga mata niya rito, naging alerto ang nakakuyom na mga kamao.
"Ano ang ginawa mo sa kanya?" anas ni Virgo rito.
Puno na ng kaseryosohan ang mukha nito. Iba'ng iba doon sa lalaking masigla kung makabati at gusto ng selfie.
"Baka may makakita sa atin dito, Presidente," mababa nitong sagot. "Ang mabuti pa, sa loob ng silid ko natin ito pag-usapan."
Lumipat ang mga mata niya sa nakabulagta nang gwardiya.
Pinanood ni Virgo ang pagbuhat ni Marco sa lalaki at dinala iyon sa silid nito na katapat lang ng suite nila Jordan. Hindi na siya nagtaka nang makita sa carpeted na sahig niyon na nakadapa rin si Greg. No wonder no one was left there to guard him.
"Ako nga pala si Marco Meneses," harap sa kanya ng binata nang maibaba ang PSG na buhat sa tabi ni Greg sa sahig. "Isa sa mga tauhan ng Buenos Mafios."
Nagbalik kay Virgo ang lahat, lalo na ang tila pagpapasaring ng binata noong nag-selfie sila na taga-Good Hands Security Agency ito.
"Tulad ng hinabilin mo sa Big Boss, nung i-hire ako ng Manager ni Miss Bree, heto at sinimulan ko na ang pagsunod sa mga instruksyon."
"Kung ganoon, bakit dinala mo siya rito?" he hissed. "Nilalapit mo sa peligro si Bree!"
"Mainam na rin na makita mong umuusad na ang mga plano, Presidente. Ang bawat tawag kasi namin, dumadaan pa kay Jordan. Mukhang kahit cellphone mo, hindi mo maitago sa kanya. Kaya hinayaan ko siyang pumunta rito, para na rin makalapit ako sa iyo."
"I am not going to lie, they planned this very well," kalma na niya. "I can't believe I am being a hostage here. Thank you for taking this risk just to inform me. Pero sa susunod, huwag na huwag mo na ulit gagamitin si Bree at ilalagay ang kaligtasan niya sa malaking risk!"
Nanahimik na lang si Marco, senyales na noted na ng binata ang mga sinabi niya.
"And I did not imagine myself being affiliated with your mafia. Iniwasan ko pero..." napaiwas na lang siya ng tingin.
Tumaas ang sulok ng labi ni Marco. "Pero wala ka nang choice."
Hindi siya nakaimik.
"Nakikita kong gusto niyo hong umiba ng landas."
Napalingon siya sa binata dahil sa mga sinabi nito.
"Ayaw mong tumulad sa Dating Pangulo, at isa sa mga ayaw mong tularan ay ang pakikipagtrabaho niya sa mafia."
Napatiim-bagang siya.
"Bakit ba ayaw mo? Kami naman ang nanigurado sa kaligtasan ng ama mo."
"Dahil labag sa batas ang ginagawa ninyo," sa wakas ay sagot niya. "At iba ang panahon niya sa panahon ko. Nung panahon niya, kinailangan niya kayo—"
"At kailangan mo rin kami ngayon."
Tama ito.
"Bantayan mo ng mabuti si Bree," utos niya rito, "at huwag na huwag mo nang uulitin ito... na hayaan siyang makalapit sa amin. Ni wala akong ideya kung ano ang maiisip na gawin ni Jordan sa kanya, lalo na ngayon at silang dalawa lang ang naiwan sa kwartong iyon."
"Alam ni Miss Bree kung ano ang gusto niya. At nandito na ako para sumaklolo sa oras na kailanganin niya ng tulong. Hindi ba dapat, mas naniniwala ka sa kanya? Na hindi niya hahayaan si Jordan na magawa kung ano ang gusto niya kay Miss Bree?"
"May ideya ka naman siguro kung para saan ang pagpunta niya rito! Nalason ni Jordan ang utak niya na pumunta rito para pasaringan ako, para lalo akong kamuhian! At paano kung hindi niya makaya si Jordan? I know she's strong, but she's still a woman, Marco! Jordan can hurt her badly if he wants to! Hindi ko iri-risk na mangyari iyon!"
"Look, President, let's make this easier," Marco shrugged. "Kayang ma-accommodate ng Buenos Mafios ang pagtatago ninyo ni Miss Bree. You can explain everything to her, be alright and be together. Just give us the order and we'll arrange it for you, Sir."
"Pangulo ako ng bansang ito, hindi pwedeng basta-basta na lang akong mawala at magtago. May ideya ka naman siguro sa mga pwedeng gawin ni Jordan. Pwede siyang mag-cause ng mass hysteria sa pag-a-announce na nawawala ang Presidente, may kumidnap sa Presidente... maaalarma ang militar, hahanapin nila ako at ipapalabas sa mga balita at kung si Bree ang kasama ko, madadamay siya... ang pangalan niya at reputasyon. Iisipin ng mga tao na masamang impluwensya siya sa akin, na siya ang nagsulsol sa akin na maging pabaya sa trabaho."
Napatitig muna si Virgo sa mga PSG na nakahiga sa sahig at wala pa ring malay. Then he faced Marco who stood by the door.
"Ang magagawa ko ngayon para sa babaeng mahal ko ay protektahan siya at itago. At kung kailangan kong maglihim sa kanya, magtitiis ako, para lang lumayo siya sa akin, at masigurado na ligtas siya."
"Hindi sa pakikialam, Presidente, pero hindi ba mas maganda na alam niya ang tunay mong sitwasyon?"
"I know Bree," he sadly sighed. "Once she finds out the truth, she'll move heaven and earth to help me out."
"Nandito na naman ako, Sir. Kung magtangka siyang makigulo, kami nang mga Buenos Mafios ang bahala sa kanya."
He gave Marco a stare. Sinusukat niya kung gaano katotoo ang tila pinapangako nito sa kanya.
"Then I'll talk to Bree," suko niya sa wakas.
Sumilip muna sila sa labas bago lumabas si Virgo at dali-daling pumasok sa kwarto ni Bree. Pero wala na roon ang babae.
Kinabahan siya.
Nagmamadaling lumabas si Virgo at tumanaw sa hallway. Walang katao-tao.
Binalikan niya si Marco.
"Marco, si Bree—"
"Look," turo nito sa bukas na TV.
Nasa kalagitnaan na ng pagsasalita ang reporter.
Ayon sa spokesperson ng Pangulo na si Jordan Ferdinand, kasalukuyan nang ginagawan ng aksyon ang paghahanap sa dinakip na First Family.
He wildly turned to Marco. A sly smile crept on his face.
"Huwag kang mag-alala, nasa mabuti silang kamay."
"Si Bree—" pagsidhi ng pag-aalala ni Virgo, "—wala na siya sa kwarto."
"Ano?"
Halos lumipad sila para balikan ang kwarto ni Jordan. Naghalughog sila roon.
"Paano'ng umalis si Miss Bree?" tensyonado na si Marco pagkalabas nito ng banyo. "Ano ang nangyari?"
At tsinek nito ang cellphone. He threw an accusing look at him.
"Hindi lang niya ako kinulit simula nung pumasok ka sa kwarto niya. Ano ang nangyari? May sinabi ka ba sa kanya?"
"Lumabas na lang tayo para hanapin siya."
"Na ganyan ang suot mo?" tukoy ni Marco sa kanyang bathrobe.
"Ano naman?"
"Ang mabuti pa, idetalye mo na lang sa akin kung ano ang nangyari."
"You wouldn't want me to detail what happened to us in this room," he hissed then headed to the door. "I'll get dressed. Kailangan, pagkalabas ko, nakaabang ka na at ang kotse mo!"
Pumalatak ito ng malutong na mura. "Magtatanong lang muna ako sa receptionist. Baka pumunta siya sa isa sa mga restaurants o facilities ng hotel. Susubukan ko ring tawagan si Miss Bree."
Pagkalabas, naghiwalay na sila ng landas. Bago pa mahawakan ni Virgo ang door knob, naalala niyang nasa silid si Cheska. Tiyak na matatagalan siya kung bubungaran na naman ng babae ng pagda-drama.
He sighed and headed back to Marco's room.
Nagpalipat-lipat sa mga PSG ang tingin niya.
He took off Greg's clothes. Iyon ang susuotin niya.
.
.
HABANG NAGHAHANAP KAY BREE, inalala ni Marco ang naging progreso ng kanilang trabaho bilang in-assign na mga Mafioso ng Buenos Mafios para umalalay sa Presidente.
First step— secure Bree Capri.
Second step— inform the President.
Third step— secure the First Family.
This is how it happened:
Nagpaalam si Marco kay Bree na kukunin lang ang mga gamit nito sa kotse. Dahil nag-presenta si Jordan na magbibigay ng silid para kay Bree, 'yung hindi magagamit nila Laila, nakita iyon ng Mafioso na oportunidad para gawin ang mga plano para matulungan ang Presidente.
Sumimple si Marco ng pagbuntot kina Laila. Siyang hinto ng isa sa mga ito sa paglalakad para tapunan siya ng matalim na tingin. Hindi napansin iyon ng ginang at ng binata nitong anak.
Marco stepped back as the girl faced him. Ang babaeng kilala niya sa pangalang Libra—ang bunsong kapatid ni Virgo na hindi nalalayo ang edad sa kanya.
"Are you tailing us?" mataray nitong kompronta sa kanya.
"Sorry, Ma'am, nasa basement parking din po 'yung kotse ng amo ko," kunwari ay nahihiya niyang tawa habang may dinudukot sa chest pocket ng polo nito.
Hindi ito kumbinsido. "Then quit staring," at pumihit na ang dalaga para habulin at sabayan ang nanay at kuya nito, pero mabilis na hinagilap ni Marco ang braso nito.
Napaatras ang babae at nilapat niya ang kamay sa likuran nito para hindi bumangga sa kanya.
She immediately broke away from his other arm. Umirap at lumayo na.
Marco let out a sigh of relief. That was damn close. At paano naman siya nahalata ng babaeng iyon na nagmamatyag sa mga ito kung hindi napapatingin sa kanya? And how did he not notice if she was looking at him, by the way?
Bahala na. Ang importante, nadikitan niya ang babae ng GPS chip sa likuran nito.
Hindi muna siya sumunod sa mga ito. Naisip ni Marco na unahan na lang ang mga Ferdinand. Ginamit niya ang hagdan ng hotel para tunguhin ang basement parking. Tinanaw niya ang sasakyan nila Laila at sumimple ng tago likod ng isa sa mga kotse. Masyadong malayo kasi sa pinaradahan ng mga ito ang kotse nila ni Bree.
Then, Marco pulled out a phone to call his brothers. It was a conference call where all of them could hear each other talk.
"Paalis na ang pamilya nila Madam Laila," seryosong saad ni Marco,"manggagaling ang sasakyan sa basement parking." At dinetalye ni Marco ang maikling description ng sasakyan at numero sa plaka niyon. "Apat sila sa sasakyan. Ang driver, si Madam Laila, ang binata niyang anak na si Sir Leo, at ang bunso na si Ma'am Libra. Kakailanganin niyo ng marami-raming kasama sa pagharang sa sasakyan nila. Hindi ko pa confirmed kung may mga armas sila."
Pag-aaralan na namin ang mapa kung saan sila madaling mahaharang,sagot ng isa sa kanila sa kanya.
"Tapos, kinabit ko sa isa sa kanila ang GPS number 13. Pagkababa ko nitong phone, gagamitin ko ang app natin para i-activate ang GPS at madalian kayo sa pagtrack sa ruta nila."
Ayos, wika ng isa sa mga ito.
"Pakibilisan," at natahimik siya nang dumaan ang kotse sa kanyang harapan. "Habang wala pa ang mga tauhan ni Jordan para bumuntot sa sasakyan nila."
Hindi mo ba kami kakailanganin diyan, Marco?
"Hindi pa. Pakibalitaan na lang ako."
At iyon nga ang ginawa ng mga kasamahan ni Marco na tauhan din ng Buenos Mafios. They immediately assessed the map of the place and assigned each other on streets where they can wait for the car of the First Family.
Sinadya nila na dumaan sa magkaibang kalsada. Dalawang kotse ang humarang sa sasakyan ng mga Ferdinand. Mabilis na umapak ang driver sa preno ng kotse nang biglang sumulpot ang headlights ng mga kotse na mula sa kaliwa at kanan ng intersection na iyon kung saan magkakatabi at matayog ang mga gusali. Wala ring mga stoplight dahil hindi naman ganoon kapubliko ang daanan.
Inakala ng driver na haharang ang dalawang kotse sa kanila kaya nag-preno, pero bago pa makalagpas sa dulo ng pinagmulang intersection ng mga ito, nagsipag-hintuan ang mga kotse.
Nag-tatakang sumilip si Laila. "What's going on?"
At mula sa dalawang kotse, bumaba ang mga armadong lalaki na nakaitim.
Pinalibutan ng mga ito ang kotse at binuksan ang sa driver's seat. Tinutukan nito ng baril ang driver at kinaladkad palabas ng sasakyan para palitan ito. Then he pointed his gun at the family.
"Huwag kayong magtatangkang manlaban para walang masaktan!"
Matapang ang titig ni Leo dito. It seemed that at the back of his mind, he was already boiling with fury and plotting on how to save themselves. Namasa naman ang mga mata ni Libra habang palipat-lipat ang tingin mula sa nasa driver's seat hanggang sa lalaking armado na umupo sa tabi nito. May dalawa pang pumasok para tabihan siya at si Leo. Nanatiling nakaupo sa gitna si Laila, kalmado ngunit makikita sa mukha na hindi nagugustuhan ang mga pangyayari.
At nasaktuhan ng sasakyan ng mga tauhan ni Jordan ang ganoong scenario kaya nagkapalitan ng putukan ng baril.
Napasigaw ang mga babae. Niyakap agad ni Laila si Libra na tinakpan ang sariling mga tainga. Sinubukan ni Leo na manlaban sa katabi nitong lalaki, naniko pa ngunit binitawan ito kaagad nang tutukan nung nasa shotgun seat. Dinagukan tuloy ito ng katabing lalaki para mapayuko. Tumama ang ilang bala sa salamin sa likuran ng kotse kaya nag-crack iyon.
Siyang apak ng isang Mafioso sa gas para paharurutin ang sasakyan.
"Sumakay na kayo!"galit na utos ng isa sa mga tauhan ni Jordan na nasa likuran lang ng manibela.
Pero hindi iyon magawa kaagad ng mga pobreng lalaki dahil nakikipagpalitan ang naiwang mga Mafioso ng bala sa mga ito. Ilan na ang bumulagta, at natatakot sila dahil malakas ang loob ng mga taga-Buenos Mafios. Hindi matitinag at lumalapit pa sa mga tauhan ni Jordan para siguraduhing patay ang kauuwian ng mga ito kapag nabaril at hindi lang basta sugatan.
Nang makakuha ng tip sa mga kasamahan na nakuha na ng mga nito ang mga Ferdinand, sigurado na si Marco na dadalhin ang mga ito sa headquarters ng Buenos Mafios. Mapapaliwanagan na rin ito kung ano ba talaga ang tunay na nangyayari.
Nilisan ng binata ang receptionist nang mapag-alaman mula sa mga ito na nakita ang paglabas ni Bree ng hotel.
"Hay," napapailing na layo ni Marco bago kinapkap ang earpiece sa chest pocket para suotin iyon. Hinubad lang naman iyon ni Marco kanina para hindi makahalata ang mga PSG ni Virgo. Dahil sa trim kasi ng buhok nito, kitang-kita iyon. He wanted to appear relaxed and not focused on his job or still doing his job when talking to Greg. Kaya nga kinapalan na rin ni Marco ang mukha na magpakita rito nang naka-shirt at boxers lang.
Nang masuot ang earpiece, may pinindot itong buton niyon.
Umaasa si Marco suot pa rin ni Bree ang binigay niyang mga hikaw. Those would serve as his source of the sounds that surrounds Bree, or any idea on what she's saying and who she was talking to.
.
.
BAKA HINDI PALABASIN SI BREE ng hotel kung bathrobe ang suot, kaya naman tiniyaga niya ang lamig suot ang Jessica Rabbit gown habang naglalakad sa tahimik na kalsada palayo sa building nang nakapaa. Bitbit niya ang pouch at high heels.
How she wished she could drive a car, but she never managed to afford one, so how would she ever learn? Kaya heto tuloy siya ngayon at naglalakad. Dahil hindi rin naman siya pinagbubuksan ni Marco ng pinto o sinasagot ang mga text niya, hindi na rin nag-abala pa si Bree na ma-contact ito.
At may sa makulit din ang isang iyon. May pagka-mausisa, kaya mabuti pa nga ang ganito na mag-isa lang siya.
Naglalakad.
Niyakap niya saglit ang sarili. Medyo nanginig sa malamig na ihip ng hangin. Mabagal ang mga hakbang niya dahil sa sobrang pananakit ng katawan, lalo na ang balakang niya. Mapait na napangiti siya bago tiningala ang langit.
Abuhin ang mga ulap, malabo ang langit. Tila nagbabadya na magpapaulan ito kapag nabigatan sa dala-dalang tubig.
Parang sa ganito lang din nag-umpisa ang lahat— katatapos lang noon ng isang birthday party, she got into trouble, kaya heto at maglalakad siya pauwi. Parang ganito lang din noon ang kalangitan— malungkot, malabo, nagbabanta na magbabagsak ng patak ng ulan.
Ngayon nauunawaan na ni Bree kung bakit dumoble ang lungkot na nadarama niya nang mapansin ang panahon at kung gaano kapareho ang scenario na ito sa gabing una silang nagkita ni Virgo. Siguro totoo nga ang sabi nila na nauulit ang mga nangyari noon para itama sa ikalawang pagkakataon.
At mukhang ito na nga ang pagtatama na dapat niyang gawin, ang maglakad pauwi nang hindi matitiyempuhan ng sasakyan ni Virgo. That this time, she would not be offered a ride home.
Yumuko siya at pinagpatuloy ang paglalakad.
Nahagip ng peripheral vision niya ang pag-unat ng liwanag ng headlights patungo sa kanyang direksyon.
Hinanda niya ang hawak na high heels. Kung may bastos na makaisip na i-pick siya, babatuhin niya agad ng sapatos.
"Ma'am!" nag-aalalang tawag sa kanya ni Marco nang malingunan niya.
Her smile was soft and weak, at the verge of crying.
"M-Marco..." she mouthed, halos walang boses na lumabas sa kanyang bibig.
"Bakit kayo naglalakad?" nakasilip pa rin ito sa bintana ng kotse.
Napayuko siya para ihanda ang sarili bago sinalubong ang tingin nito. Bree didn't want to cry in front of him. Ayaw niyang maawa ito. Ayaw niya ring idamay ang binata sa mga drama sa buhay niya. She felt that the right thing to do was to pretend she was alright.
"Ikaw kasi eh," medyo biro niya kahit wala sa loob na magbibibiro. "Hindi mo sinasagot ang mga text ko. Hindi mo rin ako pinagbubuksan ng pinto." She forced a smile.
Tila nalungkot ito. "Sumakay na po kayo sa kotse, Ma'am."
Tinungo ni Bree ang pinto sa backseat at binuksan iyon. She threw her things in and immediately got seated before closing the door.
May nahagip ang paningin niya pero hindi iyon pinansin. Kaya lang, nung kakausapin na niya si Marco, nalingunan ni Bree ang katabi sa upuang iyon.
Si Virgo.
At nasa kandungan ng lalaki ang initsa niyang mga sapatos at pouch.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" hilakbot niya at hindi na nasabi pa ang susunod na mga tanong nang maramdaman ang pag-andar ng sasakyan. "Marco! Bakit nandito siya?"
"Bree," napapitlag siya nang hawakan ni Virgo sa mga braso, "let me explain."
Umiling siya. "Hindi... Hindi mo na ako kailangang paliwanagan pa..."
His smile was understanding, the smile that never failed to melt her heart as his hands reached for her arms. Gusto na naman niyang maluha, naguguluhan na siya kung bakit biglang nagbago ang takbo ng mga pangyayari... bakit biglaang ganito na ang mood ng lalaki... Hindi ba galit ito sa kanya? Sobrang napikon dahil napaka-effective ng pang-iinis na ginawa niya rito sa mismong birthday party nito?
"Ano pa ba ang kailangan mo sa akin? I get your message, okay?! Lalayo na ako!"
Bree wanted to look away, but something in Virgo's stare demand her full attention...
Nakaabang ang naluluhang mga mata ni Bree sa isasagot ng binata.
Lalong nabasag ang puso niya nang maramdaman ang pagdulas ng mga kamay nito, lumuwag para bitawan siya.
"I'm sorry—"
Pinigilan niya ang sarili na masampal ito.
Sorry?
That's it?
Sorry?
Sorry...
Out of all the number of people who wronged her, even Krista never managed to say sorry.
Bree never put that much importance to it before. Hindi naman kasi lahat ng tao na nagsasabi ng sorry talagang sinesero doon.
Pero si Virgo... parang hinahati-hati ang puso niya habang nakatitig sa mga mata nito.
Atdoon na nagsimula ang binata sa pagpapaliwanag sa kanya kung ano ba talaga angnangyari.
.
.
.
***
AN
Hello and happy Saturday! <3 <3 <3
Maaga kong ipo-post itong new 3 chapters (today's UD) for #SLIDE para pagsusulat na lang ang gawin ko this whole Saturday, tapos post ng UD sa Sunday! <3
Things are starting to get better! Enjoy reading everyone! <3 :*
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro