Chapter 55: Please, Be Careful With My Heart
GOOD HANDS. Your Body Is In Good Hands.
Masyadong nagpapatawa ang lalaki para sa isang bodyguard. Parang wala itong takot sa kung gaano kadelikado ang linya ng trabaho nito. Nakipag-selfie pa sa kanya.
Virgo shook his head. "Gusto lang niya magpa-selfie," paliwanag niya sa wakas sa ina nang magtanong kung bakit binalikan niya ang lalaking naka-itim.
"Good for him," anito. "Kasi halos lahat ng tao rito, parang hindi interesado na nandito tayo."
"That's what I like about The Tin Royal," he smiled. "People cared less who comes here. But I bet they'll talk about us behind our backs."
"Oh, I am used to it," focus na ulit ng ginang sa menu card.
Napatitig siya rito. Kung nasa restaurant ang bodyguard na iyon ni Bree, malamang na nandito rin ang dalaga. His smile was faint.
I am glad that she took my suggestion... pero ayokong umasa na ang ibig sabihin niyon, wala na sa kanya ang ginawa kong pananakit sa feelings niya.
She's free to never ever forgive me for what I did.
Dumaan ang kalungkutan sa kanyang mukha na lalong nagpalalim sa ilang guhit na lumilinya na roon.
"Anak, be honest with me," nagseryoso na ang ginang. "May mga death threats ka na bang natatanggap?"
"Ma," saway niya rito.
"Napapansin ko lang na parang kahit saan hindi ka na nilulubayan niyang mga gwardiya mo."
Virgo knew his mother would not be able to hold it in. She would voice out whatever her concerns were.
"Para sa ikabubuti rin natin ito."
Nagdududa ang iniwan nitong titig sa kanya bago bumalik sa pamimili ng kakainin.
"Alam ko. Ganyan din naman kami noon ng Papa mo. Pero hindi naman kami umaabot sa puntong pati sa loob ng kwarto namin, eh, may mga nakabantay."
"You own't be able to make Leo if not," nanunukso niyang ngisi para lang alisin ang pag-aalala ng kanyang ina.
Umahon ang pagiging defensive nito. "Ang sinasabi ko lang, eh, komportable ka ba sa ginagawa mong ito?"
"Everything will be alright, Ma," he assured her, and meant those words deeper than his mother probably knew.
Laila just sighed.
Bumalik ang isip niya kay Bree. At sa bodyguard daw nito na taga-Good Hands.
Ibig sabihin, hindi sinunod ni Manager Ken ang suggestion ko kung saan magha-hire ng bodyguard. Lalo siyang nag-alala. Why would he? Malamang nagalit na rin iyon sa akin dahil sa ginawa ko kay Bree...
Napaisip siya lalo.
Good Hands.
Buenos Mafios.
If that Marco used Good Mafia... that would be quite inappropriate. Magdududa ang mga makakarinig... tulad ng PSG ko.
They are trying to give me a message.
Naalala niya ang boses ni Marco. Ang tagline namin, 'Your Body Is In Good Hands'.
Bree... is in good hands, he analyzed.
He could not help smiling at that thought.
Napatitig naman si Laila sa kanya, kanina pa napapansin ang pananahimik niya. Uusisain na naman sana siya nito pero nang makita ang pag-unat ng maliit na ngiti sa kanyang mga labi, nagbago ang isip nito.
I hope I am not assuming... Sana tama ang analysis ko.
That Marco is cunning. He managed to slip through Jordan's men and reach me.
I think, it's time to ensure my family's safety now.
Sinalo niya ang titig ng ina.
Pero kailangan kong makahanap ng oportunidad para roon.
.
.
.
***
.
.
.
SEPTEMBER 1 – NAPUNO ANG MALAKING bulwagan ng mga guests. Naghalo-halo ang mga negosyante, pulitiko at may mga artista rin na kung hindi VIP o performers para sa salu-salo, sila naman ay mga date o asawa ng mga negosyante at pulitikong naroon. The theme of the party was white and pale dark blue hues. Nagkalat ang bilugang mga lamesa. Kumikislap ang mga glass decors at chandeliers.
It was the President of the Philippines' birthday— an event that is not the whole country's concern, so they chose to make it exclusive and no media coverage. Kaya malayang nagkwentuhan ang mga magkakakilala. Pumailanlang ang masisiglang mga tinig at halakhakan.
Sa hotel na iyon, may kalapit na private lounge ang ballroom. Divider ang pumapagitan dito at sa ballroom kung nasaan ang mga guests, at hinawi ang divider na iyon para takpan ng makapal na tela na nagsisilbing telon. Doon lalabas ang mga performer kada palitan ng mga ito para aliwin ang mga bisita.
Bree appeared and saw two singers who were already in there. May ilang mga parte ng orchestra na nakaupo doon para may energy sa mahaba-habang pagpe-perform ng mga ito. Wala silang dalang mga instrumento dahil naka-set na iyon sa ballroom, sa harapan ng dining table ng mga bisita at ng mismong celebrant.
"Hi," bati ni Bree sa kanila.
They could not hide how surprised they were. Bree had her hair lusciously and loosely curled, side swept to make it drape over her shoulder with ease. The sweetheart neckline was plunged way too deep. At nakasunod iyon sa hulma ng kanyang malusog na mga dibdib. She was a temptress who would not content herself with just wearing a gown that gave attention to her breasts, the slit teased every eyes everytime she walked and the side of her right thigh peeked.
For Virgo's birthday, she decided to adapt a Jessica Rabbit theme— the sinful sexiness of her body and tight red dress, the sultriness of her bright red lips, and the smokiness of her purple eye shadow. May kaunting pagkapula at brown ang buhok niya kapag natatamaan ng liwanag.
"You're the surprise gift!" namamanghang tayo ng isa sa mga musicians.
Bree smiled. "Actually, it's Honey Lagran, but she can't come here so... here I come."
Her smile was playful which lightened everyone up.
At napunta ang paningin niya kay Jose Mari Chan na nakaupo sa isa sa mga seat doon.
"I wonder if we can have a duet," magaang ngiti ng lalaki sa kanya.
Kung hindi nakondisyon ni Bree kaninang umaga pa ang sarili, baka nagtititili na siya.
"Yung Be Careful With My Heart po, ha?" excited na lapit niya rito. "Ayoko muna kumanta ng Christmas songs!"
Natawa lang sila.
.
.
BINATI NI VIRGO ANG BAWAT MADADAANAN nang marating ang ballroom ng hotel na iyon. He did seem very pleased, but who cared? Masaya naman ang mga guests dahil sa dinami-rami ng mga tao, sila lang ang napiling imbitahan para sa pribadong selebrasyon ng kanyang 43rd birthday. Sinamantala na ni Virgo ang pagkakataon para makapag-network sa mga bisita. Siyempre, may nahahalo ring kaunting personal na pangangamusta at mga kwentuhan. Iyon din ang pinagkaabalahan ng kanyang ina na nakatinginan lang niya.
Hindi siya nag-atubiling alisin ang nakakawit na kamay ni Cheska sa kanyang braso para bigyan ng bro-hug ang isa sa mga bisita room. They tapped each other's backs before that guest gave his attention to Cheska and kissed the back of her hand.
"Aba, 43 ka na ngayon, bukod sa birthday, magse-celebrate na rin ba tayo ng pagiging engaged mo?"
He did not smile at that. "That's not yet on my mind. Kakaupo ko lang bilang pangulo."
Tabingi ang ngiti ni Cheska nang marinig iyon, natawa naman ang mga nakarinig.
Then he felt her cling her arm to him again.
"Hindi mo na sana sinagot 'yung sinabi niya, he's obviously joking," pasimple nitong bulong. Wala nang humarang pa sa kanila dahil malapit na sila sa kanilang table.
Sa mesang iyon, si Virgo at Mayor Cheska lang ang uupo para i-highlight ang birthday celebrant at ang plus-one nito.
Hindi niya pinansin ang sinabi ni Cheska. He reached for a chair and pulled it for the woman to sit.
Maingat na hinawi ng babae ang bagsak na palda ng dress nito na kulay puti. She looked prim and ethereal in it, like a Greek nymph. Could have been a goddess, but the softness of her delicate features made her more fairy-like.
"Thank you," upo nito at pinanood ang pag-upo niya.
Habang pinag-aaralan ni Virgo ang magandang arrangement, lalo na ang itim na telon at ang musical instruments sa harapan ng ballroom na iyon, dama niya ang mainit na titig ni Mayor Cheska.
"Yes?" puna niya rito nang hindi ito tumigil sa kakatitig sa kanya ng ganoon.
"I know it's just a joke, but aren't you wondering... what people would think now that you're already 43... we're dating... and we're not yet engaged..."
"As far as I know, ang alam ng mga tao, mga isang buwan pa lang tayo magkarelasyon," aniya. "And I bet, their concern is that I prioritize the country and its problems, not my love life."
Ang kulit.
"What I am saying is, sa tingin, maganda lalo ang magiging tingin ng tao sa iyo kapag nakita nila na kayang-kaya mo pagsabayin ang personal na buhay at ang pagpapatakbo ng bansa."
He returned his cold eyes on her. "Tataas ang expectations nila sa akin kung ganoon. And it's bad. Most cases like that ends up with disappointing the people. It's more important to let them be unimpressed at first, not be too showy about what you're working on. Surprise them with the results. Then finish strong."
Cheska looked away.
"Look at you. You raised the bars too high with how you handled Manila. Now you're having problems to either raise it higher or stay consistent. Sunod-sunod ang bagsak mo ng mga projects, kaliwa't kanan ang exposure. Now you're about to face failure because you misused your budget to impress people. Of course, they're impressed, that's good, but will it help you in the long run?"
"It's your birthday," mahina nitong usal. "I guess, we should not talk about work now."
"You know the objective of this party, Cheska. Work."
Ina-assist na ng mga waiters at waitresses ang mga bisita sa kani-kanilang mga table. Nang maayos na ang lahat, siyang sulpot ng host para bumati at mangamusta sa kanila. There had been opening remarks too from his mother, a video tribute for him which also promotes his vision for the country— a smart move to convince the politicians and business men there that the can work with him and help him with projects for Philippines.
Pasimpleng nagsipagbalikan sa ballroom na iyon ang mga waiter at waitress. Sine-serve ang appetizers, nagsasalin ng alak sa mga wine glasses. Mayor Cheska immediately drank hers.
Tumingin saglit si Virgo sa likuran at natanaw na kadarating lang ni Jordan. Tumabi ang nagse-serve na waiter para padaanin ito. He watched until Jordan was finally seated. Sinalo ng pinsan ang tingin niya.
May mga guards sa bawat sulok ng bulwagan na iyon. Mas lalo na sa labas. Pero kahit na mas may oportunidad ngayon si Virgo na humingi ng tulong, tanging ang pamilya lamang niya ang sigurado si Virgo na tutulong sa kanya. He could not just stand in front of the guests and tell them his situation, the war has to remain silent because it gets complicated when uninvolved people and the media meddled in.
"Okay!" masiglang wika ng host matapos ang video tribute para sa kanya. "Ngayon, habang sine-serve pa ang mga appetizers, I know you would love a little dance with your dates tonight!" Lumapit ito sa mesa nila Virgo at Cheska. "It will be initiated by our lovely First Couple— the celebrant himself, The President and Mayor Cheska Fidel!"
Dumagundong ang palakpakan.
Yet those claps reminded Virgo of calling a dove— Bree.
Napipilitan man, nanatili siyang composed at tumayo para alukin si Cheska na makipagsayaw. Masayang tinanggap iyon ng babae.
"For everyone who wants to accompany our First Couple in this one-time dance part of the program, please come forward!"
Inalalayan ni Virgo si Cheska sa maluwag na espasyo ng ballroom na pumapagitan sa pwesto ng host at ng mga musikero, at sa kinalalagyan ng mga bilugang mesa. Nagharap sila. Salo ng nakalahad niyang kamay ang kamay ni Cheska. Their arms stretched, He placed another hand on her back, making him lift his arm in a rigid position, while the Mayor's other hand rested over his shoulder. Tiningala siya nito, matamis na nginitian. Glee filmed her soft eyes.
Umiwas siya ng tingin dito. On his left was the musician's area, on his right were the tables where some guests remained seated to watch them dance.
Sumaliw ang romantikong tugtugin, bumagsak ang kadiliman sa paligid. Tumutok ang spotlight sa telon at mula roon lumabas si Jose Mari Chan. Alalay nito sa kamay si Bree Capri. Hindi maapuhap ng mga tao kung ano ang magiging reaksyon. Hindi nakaligtas kay Virgo ang pagsinghap ng ilan kaya napagawi roon ang tingin niya.
And all at once, he felt damned.
Bree in that slutty red dress.
She smiled, her head lowered to express how honored yet shy she felt for being with one of the Philippines' iconic singers of all time.
Nagharap ang dalawa. Nanatili si Virgo na nakapako sa kinatatayuan kahit na niyayaya na ng paggalaw ni Cheska na sumayaw na rin siya. Nagtataka tuloy na napalingon ang babae sa kung saan siya nakatingin.
Bree began singing, her eyes sparkled as she gazed at Jose Mari Chan's. Nakangiti naman ang singer sa dalaga, bahagyang tumatango para bigyan ito ng assurance na maganda ang pagkaka-execute ng mga linya para sa Please, Be Careful With My Heart.
"Virgo," usig ni Cheska kaya sumaglit muna rito ang atensyon niya. They slowly swayed and spun around. Ngayong nakaharap na siya sa direksyon nila Bree, hindi na umikot pa si Virgo.
"From the very start... please, be careful with my heart..."
He watched Bree finish the chorus, then she lifted her gaze that seemed to catch his stare. Tumaas ang sulok ng labi nito. It was like using the demure façade to seduce a man as her red lips did that before shyly looking away.
Napunta na ang mga mata ng dalaga kay Jose Mari Chan na kinanta na ang parte nito. His soothing voice complimented well with her husky, sultriness.
Nagulat siya nang maramdaman ang pag-akyat ng kamay ni Cheska sa kanyang batok. Huminto iyon sa likuran ng kanyang ulo at tinapik siya payuko. Pasalubong sa mga labi nito na lumapat ng halik sa mga labi niya.
Mabilis niyang binawi ang sarili, naguguluhang napatitig kay Cheska na nginitian lang siya.
"We're not moving," tangay nito sa kanya para hindi na siya tumayo lang at makisayaw na rito.
"You don't have to do that," he darkly warned.
"Why not? As far as people know... we're in a relationship."
His eyes lifted to see Bree again. Nahuli niya ang titig ng babae, ang pagkupas ng ngiti na suot nito kanina dahil sa nasaling na damdamin. She did bravely met his gaze, no signs of her wanting to pull away from their locked eyes.
Nagtaas na ito ng mikropono, hinarap si Jose Mari Chan at sinabayan ito sa pagkanta sa chorus. Hanggang sa nagbabatuhan na ang dalawa ng mga linya.
"From the very start..." Jose Mari initiated.
"From the very start..." Bree answered.
"From the very start..."
"You should have, baby..." adlib ni Bree nang nakapikit.
There was a climactic pause. Kapwa sila ngumiti ni Jose Mari.
"From the very start..." sabay nila. "Please, be careful... with..."
The singers kept them hanging.
"My heart..." they finished.
Nawala na ang spotlight sa dalawa para makabalik sa backstage nila. Siyang pagliwanag naman ng mga ilaw sa paligid. Hindi na inalalayan pa ni Virgo si Cheska sa upuan nito. His eyes immediately searched for Jordan. Nakatayo ang pinsan niya kasama ang ilang guests habang nagpapalakpakan.
Tinugon ng pinsan niya ang talim ng kanyang titig.
"Virgo," tawag sa kanya ni Cheska na umaasang ipaghihila niya ito ng upuan.
Iniwanan niya ito para lapitan si Jordan.
Parang makakasapak siya ngayon ng tao.
Kinuyom niya ang mga palad. Nang magkaharap sila, binaba na ni Jordan ang pumapalakpak na mga kamay. Gumuhit ang maluwag at nakakaaburido nitong ngiti sa mga labi.
"I did not invite her," he hissed.
"She's a surprise. Like it?" ngiti nito.
"Ano pa ba ang gusto mo mula sa akin, Jordan?" gigil niyang pagtitimpi rito.
"It's your night. Why don't you relax?"
"Bakit ang laki ng galit mo sa akin?" anas niya, maingat na walang makakarinig. "Dahil ikaw ang sumalo ng mga bugbog na dapat para sa akin? Nadamay ka sa galit ng tao sa amin dahil isa ka ring Ferdinand?"
Jordan mockingly smiled, cocking his head to the side.
"Get seated, President," nakangiti nitong banta. "Everyone you love is in this room."
At naalala niya ang presensya ng kanyang ina at mga kapatid.
At si Bree.
Virgo turned and returned to his seat. Nagulat man si Cheska, hindi na ito naghintay pa na tumayo siya ulit para ipaghila nito ng upuan. Umupo na ito. She leaned closer to him.
"Pinagalitan mo ba ang pinsan mo dahil lang na-late siya sa birthday party mo?"
"Huwag ka nang magkunwari," hindi niya na napigilan ang sarili. "Alam mo naman, 'di ba? You know what's going on. And you're making the most of it to have me."
Hurt was writ in her eyes. "Why not? Rather have me than that woman, Virgo. You already saw her tonight. Look how she openly flaunt her body like that for men to ogle at.You have no clue how many dicks fucked her dirty cunt—"
"Manahimik ka o makikita ng mga tao rito ang pagtampal ko diyan sa bunganga mo," mariin niyang hasik. All under his breath to keep his voice low and unheard by the guests.
Shock made Cheska withdrew from leaning close to him. She was heavily offensed her hurt was replaced with an upset kind of dismay. Binalik nito sa harap ang mga mata, nagpipigil na maiyak.
The host spoke again and reminded them to enjoy the food. Doon na sila nagsimula sa maganang pagkain ng appetizer. At sunod-sunod na ang naging pagserve ng mga pagkain para makumpleto ang dinner course. Habang kumakain sila, nagpapalit-palit ang mga singer na nagtatanghal sa entablado. May mga instances din na ang mga musikero lang ang natitira para magpatugtog ng mga instrumental versions ng ilan sa mga paborito niyang kanta.
Until their dinner were served.
From behind the curtains, Bree slipped in. First, her sexy leg from a skirt's long slit that made the men lose their formality. A few whistles echoed in the ballroom. Then a cheer followed by gallant claps from the guests when Bree completely appeared before them.
She sashayed toward the center, enjoying the spotlight of her as if she was only sunbathing. Her cleaveage teasingly peeked between the plunging neckline of the red shimmery dress. It was a Jessica Rabbit inspired gown— a gorgeous red mermaid skirt with a slit that reached her thigh. The red stretchable gown hugged her figure tightly, the red sequins that completely covered the cloth made her shimmery.
Makamundo at makamandag ang dating niya.
"Good evening, ladies and gentlemen," she huskily greeted as she walked before her eyes soldered on him. "Good evening... Mr. President."
Nakarinig ng mga pangangantyaw at pagsipol si Virgo dahil sa pagbati ng dalaga sa kanya.
Damn, Bree could even make the most decent and formal of men misbehave. She didn't have to rub that to his face right now. Dahil nagsisimula nang magdilim ang kanyang anyo.
Tinungo ni Bree ang grand piano na nasa kabilang sulok ng pwesto ng mga instrumento. Nakikipagtaguan sa likuran ng palda nito ang makinis na hita at binti. She walked gracefully. Sinasadya yata nitong patagalin ang exposure ng hita para mas lalong maglaway ang mga lalaking nanonood.
"On this very special occasion," wika ni Bree sa kanyang paglalakad, "I had a little struggle," her tone was effective and dramatic, like a movie monologue.
"With your clothes?" someone catcalled that made him stiff with disgust, jaws tensing.
Bree huskily chuckled. "That's only one of my struggles, honey. There's one more."
Kantyawan. Tawanan.
"I also struggled with my song choice," pose nito sa tabi ng piano na may piyanistang uma-adlib ng ilang mga piyesa. Bree faced the audience. "You see, our revered Mr. President... he just does everything right!" painosente nitong pagkibit pa ng mga balikat.
The men in that room had gone kahoots.
Bree sexily smirked, stole a malicious glance at him from his head to toe. Then back to his eyes.
"With a man like that, imagine how hard he must be..."
Kantyawan na naman.
Her voice remained husky. "... to please," dugtong niya sa swabeng timing para pagtakpan ang malisya sa nauna nitong statement.
Nagkatawanan tuloy. Pero hindi na natatawa si Cheska. Lukot na lukot na ang mukha nito. Nanatiling neutral lang si Jordan, hindi malaman kung magfofocus sa pagtitig sa katawan ni Bree o sa reaksyon ng ilan sa mga bisita sa mga pinagsasasabi ng dalaga.
"So, I guess... I'll just sing whatever," she smiled, more happy and less teasing. "I know that our Mr. President can be very forgiving." Her mood shifted back to flirty again, humagod ng naka-gloves nitong kamay sa makinis na finish ng piano, naging mainit at mailap ulit ang titig mula sa mga mata nito. "If he's not pleased," pasimpleng tingin ni Bree sa kanya, "he can have me punished for it later." She scoffed and chuckled to make her next statement appear as a joke, "If he can still stand... to do that," Bree tossed her hair back with a hand.
And the audience had gone wild, mostly the men.
Nilingon ni Bree ang pianist at sinimulan na nitong patugtugin ang kantang hinanda ng dalaga para sa kanya.
"To all the men out there, this is to motivate you to do it right, like our dearest President," may kung anong paghihiganti sa malagkit at mainit na titig ni Bree sa kanya, sarkasmo sa bawat pagdiin nito ng mga salita.
Titig nga ba talaga ni Bree ang malagkit at mainit ngayon?
Nagdidilim ngayon lalo ang anyo niya. Virgo was sure that Bree's intent for tonight was to lowkey shame him. But instead of going ballistic, he felt himself in flames. His erection is like a white flag that raised to wave in surrender.
ThenBree began singing. Virgo was ready to listen intently. Paniguradong patama angkanta sa kanya.
.
.
.
***
AN
Okay, until here muna XD Kitakits next week ulit! T^T <3 <3 <3
At sa mga interested po, I have no book signing this MIBF 2019, pero pupunta ako ng MIBF ng Sept 11, 2019 :O Kaya kung on that day mapapadpad din kayo roon at may utang ako sa inyong sign para sa copies niyo ng books ng Attention at Relinquish. Tapikin niyo lang ako roon hahaha~ I'll gladly sign them!
And now, back to the story... just in case you need a reference on what a Jessica Rabbit-theme looks like, it is inspired by a character from Who Framed Roger Rabbit? movie (Jessica Rabbit is a character there) and this is how she looks like:
So that's all for now, maraming salamat sa suporta and kitakits sa updates next week (paulit-ulit, hahaha!) <3 <3 <3 Natatanaw ko na ang ending para sa story ng #BreeGo #TeamEggPie <3 <3 <3
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro