Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54: Encounter

NANG MATAPOS ANG EVENT, masaya na nagtagal pa si Bree sa admin room. May gusto raw kasing ialok sa kanya si Laila.

Abala naman si Ginnie sa kakakuha ng litrato nila.

"Ganito kasi iyon," upo ng ginang sa tabi niya sa isang couch doon. "I am thinking if you can give them acting lessons or activities."

Mahina siyang natawa. "Hindi ko po sigurado. I am sure kasi na may mga acting workshops na may mas experienced na mentors. Pwede niyo naman po silang i-hire siguro."

"Bree, I know that," Laila grasped her hand encouragingly. "Pero iba pa rin na ang magtuturo sa kanila ay 'yung dama ang struggles nila. There may be roles in your acting workshop that could remind them of their traumas. And if you are there who understands, you can choose the best scripts for them to act out. Naniniwala rin ako na pwede mo magamit ang acting para maharap nila 'yung mga issues nila. I just can't specify what or on what terms, but I have a vision about right now that it can help."

They seemed to share the same vision. Nai-imagine na rin iyon ni Bree kaya mabilis siyang tumango-tango.

"Internalization po, Ma'am," paliwanag ni Bree. "Sa pamamagitan ng internalization, nakiki-relate ang isang actor sa character na gagampanan niya. Minsan pa nga, gumagamit siya ng past experience niya para mapanindigan ang hinihinging emosyon ng isang scene. Ang maganda kasi sa pag-acting po at internalization, minsan, hindi mo kailangang i-release directly lahat ng pain... you can cry it all out in a movie scene at it relieves you."

That's how I managed to handle it somehow... napagtanto ni Breen a may kinalaman sa masalimuot niyang dinanas.

"Then let's apply that. You can work with our resident nurses and psychologists para mas ma-hone down iyang nae-envision nating dalawa, hija."

Bree smiled. "Sana po, makatulong ako. Tatapusin ko lang po sana 'yung sunod-sunod kong mga projects. Natambakan po ako kasi may mga roles si Krista na sinalo ko."

"Krista... the iconic Divinagracia, right?"

Bree nodded. "Yes, very iconic," and she meant that compliment with her whole heart this time. Every bit of her bitterness was gone ever since she found out what made Krista mad at her. "Kaya nakaka-pressure saluhin ang projects niya. Magkakaroon ng expectations and I want to show people that Krista made the right choice of supporting me with carrying the roles she left."

"Pwede ka naman namin mahintay. Habang hinihintay ka namin, pa-planuhin na namin ang bagong acting activity ng mga girls dito. Tapos re-review-hin mo na lang at pag-uusapan natin kasama ang ibang mga staff."

Mukhang wala talaga siyang kawala rito.

Kaya lang hindi siya pwedeng mag-gravitate palapit sa mundo ni Virgo. She didn't want to make it too obvious that she wanted to steer away though.

"Pumayag ka na. I bet your boyfriend, Jordan, will be really happy too."

Napaling ang ngiti niya. Pati ba naman doon updated din siya?

Napabungisngis si Ginnie.

Napailing na lang si Bree.

Paglabas ng opisina, tumalima kaagad si Marco at binuntutan sila ni Laila. Sumabay na rin si Ginnie. Sabay-sabay na raw silang pupunta ng parking lot para sumakay sa sari-sarili nilang kotse at umuwi na.

Nasa hallway pa lang sila nang dumating ang isa sa mga PSG na naka-Barong.

"Madam, sa presidential car na po kayo sumakay. Dinaanan na namin kayo ni Presidente."

Diyos na mahabagin.

The pleasant surprise made Laila smile. "Oh, sige... nasabihan niyo na ba ang driver ko?"

"Kanina lang, Madam, kaya nandito na po ako."

Nilingon siya ni Laila. "Let's go then."

"Ah... Eh..." lalong pumaling ang ngiti niya at kumapa sa sarili. "Sige po, Ma'am, mag-iingat kayo sa byahe," atras niya. Kahit si Marco nagtataka sa kinikilos niya.

"Oh, bakit?" puna nito. Nag-alala na rin si Ginnie.

"Naiwan... Naiwan ko yata sa admin room 'yung pouch ko," she smiled sheepishly. "Sige po, tumuloy na kayo. Mahirap paghintayin si Mr. President, panigurado at maraming lakad iyon. Ingat po. At thank you po ng marami sa pag-imbita sa akin!"

Tumango ang ginang kaya sa wakas nakatalikod na siya at nagmamadaling lumakad pabalik ng admin room.

Lumingon siya at nakitang nakatanaw lang sa kanya ang nagtatakang si Marco.

"Marco!" kaway niya sa lalaki para sundan siya at tumalikod agad si Bree.

Nagtataka ang tingin ng mag-inang Laila at Ginnie sa kanila ni Marco bago hinarap ang PSG.

"Let's go," deretso ng ginang bago sinundan ng PSG at ni Ginnie.

Nung malapit na si Bree sa admin room, tinawag siya ni Marco.

She turned. Laila and Ginnie were already out of sight. The hallway was clear. Huminto na siya ng tuluyan sa paglalakad at hinarap ang bodyguard.

Tinaas ni Marco ang hawak nitong pouch niya.

"God," the awkwardness could not make her smile.

"Nagpa-panic ka kaagad, eh," himig panunudyo nito.

Inagaw niya ang pouch dito. "Panic ka diyan?"

"Paano na iyan kapag um-attend ka na sa birthday party ni Presidente?"

"Prepared na ako n'un," taas-noo niya. "Ngayon kasi, hindi ako prepared."

"Akala pa naman namin, best actress ka."

"Tse!" lagpas niya sa lalaki at tumigil ulit sa paglalakad para tanawin ang pasilyo.

There was silence between them.

"Sa tingin mo ba, nakaalis na sila?" she asked softly.

"It takes an average of five minutes to leave this building. Ten minutes naman ang lalakarin papunta sa gate," sumulyap ang lalaki sa suot nitong relo. "Kaya naman... maya-maya pa ng kaunti."

Bree let out a sigh of relief. "Eh, 'di mamaya na tayo umalis dito."

Lingid sa kanya ang pagsulyap ni Marco, malumanay ang ngiti sa kanya. Nawala ang ngiting iyon nang biglaan siyang lumingon sa lalaki.

"Sabihan mo ako, ha? Kapag pwede na tayong umalis." Pagkatapos, nag-check si Bree ng messages at notifications sa kanyang cellphone. Wala namang mga texts. Alas-siyete na ng gabi, malamang abala na sa program ng mall tour ng isa sa mga talent nito si Manager Ken.

Pagka-check ng notifications, natambakan naman siya ng mga comments at messages. Sa bahay na siya magbabasa, kapag malakas-lakas na ang loob niya sa posibilidad na makatanggap ng pangba-bash at kritisismo.

"Ma'am, tara na po," basag ni Marco sa katahimikan.

She shoved the phone back in her pouch. "Tara."

Saktong pagkababa ng hagdan, may comfort room doon. Napatigil si Bree dahil may nakagwardyang mga lalaki sa pinto. Ginawaran siya ng isa sa mga ito ng matiim na titig.

Kasama ko si Marco. I'll be fine, palakas niya ng loob sa sarili.

Siyang labas ni Virgo mula sa banyo. Inaayos nito ang cuff ng suot na barong nang malingunan siya. Nakabuntot sa likuran nito si Greg at ang isa pang gwardya— mga naka-barong din ngunit light blue ang kulay at hindi kasing transparent tulad ng sa pangulo.

Bree felt her lips move, but she could not pull out any word to tell him. Nakakapanlumo na titig lang ang nagawa niya sa binata.

"Good evening, Miss Bree," he greeted, low and gentle. It seeped through her soul, like her most awaited message on the phone.

She broke eye contact from him. Virgo moved closer to her. His bodyguards stiffened, cautiously observing them. Pagtataka naman ang makikita sa mukha ni Marco na sa mga gwardiya ni Virgo nakatingin at hindi sa kanila.

He stepped closer and Bree was supposed to step back but she felt Marco gripping her arm firmly, keeping her in place.

Nagtaas-noo si Bree. Virgo almost towered because of their closeness.

A stare. He just gave her a stare that seemed to probe within her soul through her eyes. He was still the same neat man with a fresh perfume that teased her nose to come closer to his chest... smell him at the side of his neck, then plant a soft nibble to taste if he tastes as good as he smells. Virgo seemed to know what she was tempted to do. He stepped an inch closer. One more step and their bodies would touch.

"You look great," he murmured, his eyes stared heavier at her. "You always do."

Umiling lang siya para itapon sa ibang direksyon ang paningin. "You and your men are blocking our way, Mr. President."

Tumitig pa ito sa kanya. Ewan kung humihingi ba ito ng saklolo o ano. Pero sa ngayon, gusto ni Bree na matapos na ito. She didn't want to be overcome by feelings, be mistaken for a desperate fool.

"Thank you for being here," tila pigil nito ang paghinga habang kinakausap siya, hindi maalis-alis ang mga mata sa kanya. "I hope you'll have your dinner already. I think The Tin Royal serves the best desserts."

Bree rolled her eyes. She didn't need his suggestions. Mostly, his concern if she's feeling hungry or not. Hindi niya napansin ang bahagyang paniningkit ng mga mata nito nang makitang pinaiikutan niya ito ng mga mata.

"Rolling your eyes, Miss Bree. Being a brat, I see. Someone has to tame you," he darkly muttered that made her heart thump harder.

Tame her... Virgo knew how to do that. He knew how hard she was to tame. Only a spank would never be enough. She was uneasy with how her belly lit with excitement. Between her thighs, she could feel an anticipation to be tamed really hard. Nanunuot sa sistema niya ang mainit na suhestiyon na kalakip ng mga binitawan nitong salita.

Umatras na si Virgo at nilingon ang mga tauhan nito. He turned back to give her one last look before walking on. Bree saw everything in her peripheral vision. Nung nakalayo na ang lalaki, dineretso na niya sa harap ang tingin para tanawin ito na nakalayo-layo na. They were supposed to follow his direction. Iyon kasi ang daan palabas ng gusali.

Nang nakalabas na ang mga ito, doon na dahan-dahang pinakawalan ni Bree ang pinigilang paghinga.

"Init," hila-hila ni Marco sa collar ng suot na polo shirt.

Inirapan niya ang lalaki. "Tara na."

"Did you see how he looked at you?" komento pa rin ni Marco. "Kulang na lang hubaran ka."

"Alam mo, masyado ka na yatang nagiging komportable, Marco," she gently snapped at him. "Ang dami mo nang side comments. Exposure ba ang hanap mo?"

Tumawa lang lalaki.

Ngumiti na lang si Bree.

Well, that was true... Nakakainis kasi parang ganoon kabigat ang titig sa akin ni Virgo kanina... konting-konti na lang at parang pupulupot na ako sa kanya.

The heels of her shoes tapped against the floor.

You look great. You always do, she mockingly mimicked at the back of her mind. Ano ang gusto niyang palabasin sa pagsabi ng ganoon sa akin? Napasimangot siya. Hmph.

.

.

"FINALLY," Laila breathed out as Virgo seated beside her in the presidential car's backseat.

"Sorry I made you wait, Ma," tingin niya sa harapan para ikondisyon ang sarili.

He hid his clenched fist at the side of his thigh.

Of course, he didn't know Bree would be there. Sumaglit lang naman siya roon at nakigamit ng banyo bago bumiyahe pabalik ng Palasyo. Kagagaling lang ni Virgo sa isang importanteng meeting at nung nabalitaang nasa Doña Eloida Mallari Foundatin ang kanyang ina, naisipan niyang daanan ito roon.

Then they would have dinner outside. Sigurado naman si Virgo na hindi gugustuhin ni Jordan o ng mga tauhan nito na baguhin ang isip niya tungkol doon lalo na at kasama niya ang ina.

"Do you want to have dinner outside with me, Ma?"

"Where to?"

"The Tin Royal," he smiled at her.

Kuminang ang mga mata ng ginang. "Oh! I remember that place! Let's go there then. Ang sarap ng cheesecakes nila roon."

"They also have egg pies," he tugged a lopsided grin.

"Egg pies again," tukso nito. "Simula nung bumalik tayo rito sa Pilipinas to stay for good, around twenty years ago, egg pies na iyang bukambibig mo."

He chuckled lowly. "Sharp memory."

"Ulit-ulitin mo ba naman iyan sa akin, eh, tingnan lang natin kung malimutan ko pa."

Dumeretso ng tingin si Virgo, panakaw ang sulyap sa nagmamanehong si Greg at isa pang gwardya na katabi nito.

"Speaking of pagbabalik ko sa Pilipinas, don't you miss going back naman to US?"

"To US?" baling ng ginang sa kanya. "Bakit mo naman natanong?"

"You have to admit, our lives are more peaceful there."

"Iba na ang sitwasyon doon ngayon. I am glad we are back here ten years after your father left his position as President. Aware ka naman sa mga mass shootings na nagaganap doon."

"Well, try another country then," magaan niyang wika. "Macau. Maldives..."

"Are you suggesting na magbakasyon ako?"

"Ikaw. Si Leo. Si Libby."

"Eh, ikaw?"

He turned to her. "Ma, alam niyo namang may mga trabaho akong hindi pwedeng iwanan dito."

Hindi ko na nga rin alam kung ano ang uunahin. Top priority ko ang bansa... ang taumbayan... pero kailangan ko pa ring gawan ng paraan kung paano maaalis sa landas ko si Jordan at ang mga tao niya. With them in-control of my routines, hindi ako malayang i-pursue ang makakabuti para sa lahat. Jordan was just buying his time before he force me with the plans versus the TV networks and radio stations. At dinagdag na rin niya ang publication ng mga diyaryo.

"Nauunawaan ko. At kung ganoon, sana maunawaan mo rin na hindi ko gugustuhing iwanan ka rito, anak." Napalingon si Virgo dahil sa tila pag-amo ng boses ni Laila. "Ni hindi ako umalis ng Pilipinas noong naging pangulo ang ama mo. Tumulong ako sa abot ng makakaya ko. Kaya para sa iyo, anak, iyon din ang gagawin ko."

He could feel his mother's heart with the words she said. Yet, it increased his worry.

Paano ko siya makukumbinsi nito na umalis ng bansa? Nagnakaw ulit siya ng tingin sa mga nasa upuan sa harapan. Nahuli ng saglitang pagsulyap ni Greg sa salamin sa ibabaw ng dashboard ang kanyang tingin. Virgo did not mind locking his gaze to intimidate him. Paano lalo na at nanainga rin ang dalawang ito sa pag-uusap namin?

Napayuko na lang si Virgo. Ngumiti.

.

.

HINDI NA NAMALAYAN NI BREE kung gaano katagal na siyang nakatanaw sa labas ng salamin ng sasakyan. Nang umikot iyon at nadaanan ng kanyang paningin ang signage sa entrance patungo sa restaurant ng The Tin Royal, doon na siya tila bumalik sa ulirat.

Sumilip siya kay Marco na nasa driver's seat.

"Where are you taking me?"

"Uhm..." hinto nito ng sasakyan kaya sumilip ulit si Bree sa labas.

Sumalubong ang inilawang kulay dilaw na sign ng The Tin Royal. May outline iyon na tila aluminum na bakal ang disenyo.

Mabilis niyang naalala ang engkwentro nila kanina ni Virgo.

"Bakit dito mo ako dinala?" hasik niya sa lalaki.

"Eh, gutom na ako, Ma'am."

"Gutom ka na? Eh 'di ideretso mo na ako ng bahay, ipagluluto pa kita!"

"Masarap daw ang dessert dito sabi ni Presidente."

"Diyos ko, sino ba ang masusunod sa ating dalawa."

"Ma'am," paawa ng cute nitong mukha, "hindi ako makakapagmaneho ng maayos kung nanlalabo na ang mata ko sa gutom."

"Aba, hoy, ang alam ko nagpamerienda kanina sa admin! Kumain ka n'un!"

"Bumaba na kayo, Ma'am at hahanapan ko pa ng parking space itong kotse."

Aba, siraulo talaga. Kung hindi lang alam ni Bree na bodyguard niya ito, baka base sa suot ng lalaki at asta, isipin niyang gangster ito. Mga mafia, ganoon. Pero masyado naman itong bata para roon. Siguro, gangster sa isang college school na hari-harian doon. Ganoon.

"Hindi ako bababa," pagsusuplada niya rito.

"Sige, Ma'am," anito. "Dito lang po kayo, ipapabuhat ko kayo sa waiter."

Mabilis na bumaba ito ng kotse.

"Hoy! Marco!" nagdadalawang-isip pa si Bree bago bumaba. Awtomatikong sumara ang pinto. Siyang balik ng binata sa kotse at pinaandar iyon bago niya na-realize kung ano ang ginawa ng lalaki sa kanya.

"I'll fire him!" gigil niyang saad at hahalungkatin na sana ni Bree ang cellphone sa pouch nang matigilan.

She turned at the restaurant again... on its open doors. May nakapwestong podium doon at staff. Naaaninagan din niya sa glass walls ang mga diners ng restaurant, masaya at maganang kumakain. The ambience was a fusion of monarch and steampunk— vintage and metal. Bree let out a sigh.

Fine. Baka dala ng gutom ang pag-init agad nitong ulo ko kay Marco.

Tinungo na niya ang pinto.

Siguro gutom na gutom na rin siya kaya ganoon na umasta. Nadala lang din siguro siya ng gutom.

She stopped between her tracks.

I should invite him to eat with me then.

.

.

PAGKAPARADA NG SASAKYAN, sinadya ni Marco na manatili muna sa tabi niyon. He received a text message from Bree:

Pasensya na, Marco. Baka nga gutom ka na talaga. I understand why you acted that way. But don't do that to me ever again. I almost thought of firing you. So unprofessional. Halika rito. Sabayan mo akong kumain. Or else, itutuloy ko ang pag-fire sa iyo.

Tumaas ang sulok ng labi ng binata. May bali-balita na noon pa man na palabang babae si Bree Capri, may secret rivalry daw sila ng sexy star na si Krista at eskandalosa. Kaya naman hindi na nagulat pa ang bodyguard kung pakitaan ng amo na hindi ito nagpapatalo.

Sorry, Ma'am.

Nang matanaw na parating sa parking lot ang presidential car, iniwanan na ni Marco ang kanilang kotse.

.

.

BREE WAS HOLDING THE MENU CARD. Napaawang ang mga labi niya nang makita sa menu ang Royal Eggpie Deluxe. Mayroon ding Creamy Egg Brulee pie— isang masarap na fusion daw iyon ng Crème Brulee at Egg pie.

"Gusto ko nito," turo niya sa dalawang dessert. "Tapos, gusto ko rin nito—" lipat niya sa pahina para sa iba pang meal courses. Siya na rin ang pumili ng kakainin ni Marco dahil natatagalan siya sa lalaki.

"Thank you," balik niya sa menu card matapos magpaalam ng waiter.

Bree sat straight and looked around. Maganda naman ang ambience ng lugar. Custom-made ang steampunk chandeliers na gawa sa bakal na pinagmukhang pinagtagpi-tagping scrap metal at dinikitan ng mga basag na salamin.

The tables carried a vintage design. Pakurba ang bakal na mga paa niyon. Salamin ang table top at makikita sa ilalim niyon ang larawan ng mga rosas. It looked like a print-out of a hand painted vintage roses with a soothing pale yellow-green background.

Natanaw ni Bree na nakapasok na si Marco sa restaurant. Kakawayan niya sana ito nang may naglakad pabalik sa lalaki.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Virgo iyon. Si Greg lang ang gwardya na nasa tabi ng lalaki dahil in-assist ng isa pang gwardya ang ina nito papunta sa pribadong dining area ng restaurant. Nag-usap ang dalawa, nagkamay.

Naglabas ng cellphone si Marco. Nakipag-selfie.

Ang tindi talaga niya, dismayado niyang nood sa mga ito.

.

.

"PRESIDENTE!" tawag ni Marco na nagpalingon sa binata.

Lumuwag ang ngiti sa mga labi ng bodyguard nang bulungan ni Virgo ang isa sa mga PSG na samahan ang ina nito. Isa sa mga PSG naman ang nanatiling nakabuntot sa lalaki na palapit na ngayon kay Marco.

"Hi, Sir!" alok ni Marco ng handshake. "Ako nga po pala si Marco! Bodyguard ni Miss Bree! Good Hands ang security agency ko."

"Good Hands?" hilig niya ng ulo.

"Yes, Sir! Hanapin mo lang sa internet, Sir— Good Hands! Agency ko iyon! Ang tagline ng company namin, Your Body Is In Good Hands! Kung kailangan niyo pa ng maraming bodyguard, marami kami roon na gustong-gusto maging parte ng PSG team mo!"

Virgo displayed an awkward smile. Hindi iyon nakaligtas kay Marco na piniling magkunwari na walang napansin.

"That would be nice."

"Pa-selfie po!"

Hegave Marco a nod. "Sure!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro