Chapter 53: Filtered
NAG-ANGAT NG ULO SI VIRGO nang marinig ang pagbukas ng mga pinto. Nasa library room siya, nakaupo at nagbabasa ng libro nang datnan ng bumisitang si Mayor Cheska. She wore a pale pink blouse and white slack pants. Her hair was neatly ponytailed.
"Good morning," malumanay nitong bati, mahinhin ang ngiti.
He gave her a nod and returned his eyes on the book. "Morning."
"I just dropped by," anito. "I want to check how's your preparation for your birthday party."
"Hinihintay ko na lang 'yung suit ko. How about you?"
Virgo was trying his best to concentrate on what he was reading.
"Nasukatan na ako. I will be wearing this white gown. But... I can make some changes for the design this week."
He nodded.
"How about you? Ano ang susuotin mo?" umupo na ang babae sa solohang sofa sa kabila ng mesa na pinapatungan ng lamp shade. "What color? Is there any certain patterns?"
Hindi siya umimik. How could he if he already got to the most interesting part of the book?
On that part, the female hero thought that her leading man was already dead.
Labis ang pagsisisi ng babae sa pakikisakay sa set-up na palabasing nagkakabutihang loob sila ng ibang lalaki at nakatakdang ikasal. Ngunit huli na ang lahata para rito sa pag-aakalang namatay na ang kanyang tunay na minamahal na tinutugis ng gobyerno at simbahan.
She was already stating her woes in the form of a confession to a priest.
"Sabi ko na naman kasi sa iyo," buntong-hininga nito. "Sabay na tayo dapat nagpasukat. Doon na lang sana kay Katty Pilar ka rin nagpasadya."
"Alam mo naman siguro na pwede lang ako pumunta sa mga lugar na papayagan ako ni Jordan, 'di ba?" matalim ang tingin niya sa babae.
Hindi naman lingid kay Virgo ang malaking posibilidad na aware din si Mayor Cheska sa panggigipit na ginagawa sa kanya ni Jordan.
"Hindi siya mapapakali madikit lang ako sa ibang tao. Iniisip niya na baka may mapuslit ako na sulat o anumang clue sa kung ano ang ginagawa nilang pang gagago sa akin kaya paanong sa sastre pa kaya?"
Napahalukipkip na lang si Cheska.
"May pumunta na rito sa Malacañang at sinukatan na kaming lahat. Office hours mo noon kaya hindi ka na pinapunta pa rito ni Mama."
Lalong sumama ang timpla ng mukha ng babae. Yet as usual, Cheska chose composure over anything else.
"Can I also ask," anito. "Ano ang tingin ng Mama mo sa akin?"
"I think I don't have to speak for her. Nandito siya sa Palasyo, pwede mo siyang hanapin at kausapin."
"Virgo naman," sinubukan nitong maglambing. "Nakakahiya namang itanong ko iyon mismo sa kanya."
"Mas nakakahiya naman na magpalagay ako kung ano ang tingin niya sa iyo kahit hindi ko alam. That would be me spreading false news. You know how our family got traumatized for that."
\ "I'm sorry," mahinang bawi nito at bumagsak ang mga mata sa hawak niyang libro. "Oh, I don't know you fancy reading that book too."
"Too?" nagtatakang angat niya ng ulo para kwestiyunin ang babae sa pamamagitan ng tingin.
Sumandal ito. "Yeah." Her eyes was sad and contempting the book... or maybe the memories she had attached to that copy of Noli Me Tangere.Virgo was not really sure.
"A classic," he smiled bittersweetly, remembering Bree.
.
.
TULAD NG BINANGGIT NI VIRGO, napilitan si Cheska na hagilapin sa Palasyo si Laila. Natagpuan nito ang ginang na nakatayo sa Reception Hall, bahagyang nakatingala sa nakabitin na portrait ng yumao nitong asawa na si Aries Ferdinand.
Cheska stood beside her, looked at the portrait and smiled.
"Sigurado po ako na naging mabuting asawa siya sa inyo," aniya.
"Hindi," mapait nitong ngiti. "He cheated on me... For a couple of times."
Hindi alam ni Cheska kung nananadya ba talaga ang ginang na kontrahin ang bawat komentaryo niya. Napapadalas na kasi iyon. O baka naman hindi lang talaga siya maka-relate sa ginang.
"Pangulo siya ng Pilipinas, laging abala, laging wala sa bahay. Nalulungkot din siya. Nangangailangan. Tao rin na hindi nakakapagtiis kahit sikapin niya." May kung anong panlalamig na humalili sa pangungulila sa mga mata ng matandang babae. "At may mga babae naman na panay ang aligid sa kanya. Gagawin ang lahat, ahasin lang siya sa akin. Alam ko na may kasalanan ang asawa ko, pero may kasalanan din ang mga babaeng iyon. Alam nilang may asawa na ang tao..."
Laila turned to her.
"Naniniwala naman po ako na hindi ganoon si Virgo," ngiti ni Mayor Cheska. "Hindi ko hahayaan na makaramdam siya ng lungkot, ni magtiis."
Pagak itong tumawa. "Sinasabi mo ba na hinayaan kong mangyari iyon sa asawa ko? Na hinayaan ko siyang malungkot?" bumahid doon ang sarkasmo. "Na sinadya kong pagtiisin siya?"
Hindi maapuhap ng mayora ang sasabihin.
Laila's smile was sarcastic. "Ang sinasabi ko, magsisisi ka kapag pinakasalan ka ni Virgo para lang sa pulitika."
Nasaling niyon ang damdamin ng babae. "Iyon ba ang dahilan kaya parang ayaw mo ako para sa kanya?"
Saglit na pinasadahan ito ng tingin ng ginang. "Hindi lang iyon. Hindi ko rin gusto ang pananalita mo kay Claire."
Gumusot ang mukha ni Cheska. "Si Claire. Ano ba ang mayroon sa Claire na iyan? Madam, hindi niyo ho siguro alam pero ang Claire na binabanggit mo... She's a fake. She's a pretend. She's not really Claire! She's not as decent as you think!"
Nagbaba ito saglit ng tingin. "You seem to know her too well. Iyon ba ang dahilan kaya ganoon na ang bungad mo sa kanya sa library? Nananahimik ang tao, pasasaringan mo? Pagtatarayan mo?"
"If you only knew,"| pagtitimpi ni Cheska, "I met her last night. Kung ano-ano na namang pagpapasaring ang pinagsasasabi niya sa akin."
"That's because you started it," mataray na balik nito ng tingin sa portrait ng asawa. "And that's what I did with Aries' women. They started it, then I'll show them what they deserve." Sumulyap muli ang ginang kay Cheska. "Ako ang legal na asawa, kaya bakit ako matatakot?"
"But you've never been scandalous... walang na-isyu na nakipag-away ka—"
"Of course," mataray nitong talikod sa portrait ni Aries. "Some wars have to be done in silence, Mayor. Kung may reputasyon, mga anak at imahe kang iniingatan, that's what you'll do. And for you who is so hungry for people's attention, you can't do that."
"Mali ho kayo ng akala sa akin!"
"Mali ba?" ngisi nito. "Kaya ba gusto mo na laging may exposure ang relasyon ninyo ng anak ko? Kaya ba lagi kang nagpapa-media kapag may nagawa kang maganda sa iyong siyudad? Kaya ba pati personal lifestyle mo, nagpapa-schedule ka ng coverage para mapanood sa TV?"
Hindi makasagot si Cheska.
"Manila still has issues. 'Yung nakaraang Mayor, pinapublicize niya kung ano ang mga magaganda niyang nagawa, pero ganoon din ang kinahaharap niyang mga problema. If you think Claire is fake and a pretend, then so are you, for filtering out the truth that Manila remains to have problems. Hindi mo pinapakita sa mga tao ang hindi maipaliwanag na killings sa lugar ninyo. And I know there's more. Makikita lang din iyon kung hindi ang mga main landmarks ng Manila ang papasyalan mo."
"Sorry but, do I have to expose the bad aspects of Manila? Should I degrade our city instead of pride about what's good in it? Ginagawan naman ng paraan ang mga problema, just in case you're thinking we don't."
"You should. Paano magiging aware ang mga nakakataas at publiko na kailangan mo ng tulong? You can't run the city just on your own decisions, Cheska, or actions. You will need people's help, especially your own citizens'."
At umalis na ito.
.
.
.
***
.
.
.
BREE was done rehearsing. Panay lang ang kanta niya sa salas, sinasabayan ang kanta na pinapatugtog niya sa cellphone. She turned off the phone and went to the kitchen. Sumunod si Marco na kanina ay nanonood lang sa kanya.
"Ano, Marco, award-winning na ba ang pagkanta ko?" masaya at walang lingon na tanong niya sa bodyguard.
"Hindi ko nga alam na magaling ka kumanta, Ma'am."
"Alam mo," prepara niya ng maiinom nila, "kapag artista ka, hindi mo dapat limitahan ang talent mo sa pag-arte lang. Nagself-study lang ako ng pagkanta-kanta." Inabutan niya ito ng tubig na malamig. Siya naman, maligamgam ang iinumin. "Swerte ko na rin na maganda na talaga ang boses ko," himig pagyayabang pa niya para matawa ang kasama.
Hindi naman ito natawa dahil uminom na ng kaunting tubig.
"Eh 'di paano iyan? Next time, paggawa naman ng album ang gagawin mo?"
Tumawa siya. "Ewan ko! Matrabaho kasi mag-maintain ng boses, 'no! At unang-una sa babawasan o iiwasan mo eh, kumain ng matamis! I can't take that!" tawa niya bago maingat na uminom sa baso.
"Salamat, ha, Ma'am at tumuloy ka sa pagkanta sa birthday ni Presidente."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Hoy, Marco. Hindi dahil sa gusto mo makipag-selfie sa kanya kaya pumayag ako."
He chuckled lowly. "Alam ko naman iyon, Ma'am, pero salamat pa rin."
Tinukod niya sa counter ang kamay at mataman itong tinitigan.
"Tell me, Marco, are you single?"
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Single?"
"Walang syota... walang asawa... walang kahit anong sabit?"
"M-Ma'am..."
"Sira, hindi kita talaga papatulan no!" panlalaki niya ng mga mata rito. "Kasi gusto ko lang mag-pretend tayong magkarelasyon para tigilan na ako ni Jordan. Gusto ko nang alisin ng tuluyan sa buhay ko ang mga Ferdinand na iyan pagkatapos na pagkatapos ng birthday party ni Virgo."
Nilihim ng lalaki ang ngiti. "Ma'am, huwag niyo muna isipin ang gagawin pagkatapos ng party. Ang isipin ninyo, 'yung party mismo. Posibleng makausap mo n'un si Presidente. Ano ang sasabihin mo, kung gan'un?"
Natigilan siya. Tama si Marco. Hindi niya naisip iyon.
"As in, face to face... pwede nga na mangyari iyon..." tingin ni Bree sa kawalan, nag-iisip-isip na.
"Sigurado ako, kakamustahin ka n'un," ngiti nito. "At alam ko ang magandang pwedeng sabihin."
"Sige nga," she smiled, challenging him playfully. "What is it, Marco?"
"Sabihin mo, ganito," baba nito sa baso, "I have a boyfriend from Buenos Mafios that keeps me safe, and I am perfectly fine."|
"Talagang kailangan saktong ganoon ang sabihin ko?"
"Mas maganda kung gan'un, kasi English, parang mataray ang dating mo n'un. Masasaktan ang ego niya kasi laging may lalaking nakadikit sa iyo."
"Masasaktan ang ego, eh pinagpalit na ako n'un."
"Alam mo, masasaktan pa rin ang ego naming mga lalaki kapag kaka-iwan lang namin sa babae tapos malalaman namin na may aali-aligid nang lalaki sa kanya."
"Interesting," she smiled and drank water again.
"Napagdadalawang-isip kami n'un kung tama ba ang desisyon na ginawa namin. Kasi kung tama, bakit may ibang lalaki nang aali-aligid sa iniwan naming babae? It makes us feel that she was perfectly fine and it was us who did the wrong thing."
Binaba na ni Bree ang baso. "Kilala ko si Virgo. He always make the right decisions for him. Hindi siya nagbabago ng isip ng gan'un gan'un lang."
Marco shrugged. "Eh, basta iyon na lang ang sabihin mo, Ma'am."
"Inuutusan mo ba ako?"
Alanganin ang naging pagtawa nito at dinepensahan ang sarili, "Hindi, Ma'am! Nagsa-suggest lang!"
"Oh siya," kolekta ni Bree sa mga baso, "ihanda mo na 'yung magandang kotse ng security agency ninyo. May lakad tayo ng 1PM. Dapat 3PM nasa Doña Eloida Mallari Foundation na tayo para sa event nila."
"Yes. Ma'am," lisan na nito sa dining room, dumeretso ng labas ng bahay.
Naihilig na lang ni Bree ang ulo. Bodyguard na medyo dominante.
.
.
INIISA-ISA NA NI LAILA ELOIDA ang mga staff ng foundation na pinangalan sa kanyang lola— ang Doña Eloida Mallari Foundation. Mayroon itong tatlong gusali na nagsisilbing tahanan ng mga batang babae o dalagita na nakaranas ng pang-aabuso. Bukod sa libreng pagpapaaral, mayroon ding artwork, handicrafts at gardening activities ang mga ito. Sa oras na tumungtong na ang mga ito sa edad na desi-otso, pinapaalis na ito sa upang mamuhay ng kanila. Pero siyempre, sinisigurado ng kanilang foundation na bago umalis ang isang babae roon, na-hire na ito ng mga kumpanyang sponsor o donor ng institusyon sa available nitong mga job slots para sa kanila. Kung hindi sa mismong kumpanya, by recommendation sa associate companies nito.
Karamihan sa mga sponsor at partners ng foundation ay ang mga tao na malaki ang naging utang na loob kay Aries Ferdinand, kaya naman hindi matanggihan ang pabor na hinihingi ni Laila sa mga ito nang maisipang itatag ang Doña Eloida Mallari Foundation.
Sumilip si Laila sa isa sa mga silid ng admin at saktong may palabas naman na staff.
"Good afternoon, Ma'am!" masiglang bati ng dalaga na noon ay isa sa mga batang inalagaan doon, at ngayon, isa na sa mga full-time staff ng foundation.
"Good afternoon," ngiti niya. "Nandito na ba si Bree Capri?"
"Naku, Ma'am, wala pa po, pero ang sabi ni Miss Princess on the way na raw po siya."
"Oh, good," anito. "Ipaalam niyo kaagad sa akin kapag nandito na siya. I need to talk to her before the event."
"Opo, Ma'am," anito.
Then, Laila pulled the phone out of her shoulder bag. She dialed a number and slightly rolled her eyes. Hindi na kasi kasimbilis ng dati kung sumagot ng mga tawag niya si Virgo. But she understood that his presidency could be making him extra busy. Kaya hindi na niya bine-verbalize pa ang naging obserbasyon.
"Anak," aniya, "ano'ng oras na? On the way na ang guest natin. Ikaw, nasaan ka na?"
Ma, wika ni Ginnie, On the way na rin ako, okay? Dumaan lang ako sa mall kasi pinalitan ko 'yung lens ng camera ko.
"Bakit kasi hindi mo pa inasikaso iyan last week?"
Ma, alam mo namang nagkasakit din si Gerry last week. I'm very hands-on when it comes to my kids!
She sighed. "Just get here already. Para tayong dalawa na ang mismong mag-welcome kay Bree."
Of course, Ma! You know how much I like her!
"Sigurado ka sa pag-recommend mo sa kanya bilang guest ha?" Laila's eyes cautiously looked around that hallway, making sure no one could neavesdrop on her. "I had a few research on the internet about her. She's a sexy star. Baka ma-trigger 'yung ilang mga girls dito sa foundation natin, lalo na 'yung may rape cases."
Ma, lumambot ang tinig ni Ginnie na nakaupo lang sa backseat ng kotse, if there's anyone who can relate more to those girls, it's Bree Capri. Years ago, she exposed being raped while on set. Walang naniwala sa kanya. Pinalagay na publicity stunt ng isang starlet iyon.
Nalungkot ang ginang. "And do you think that's true? Na hindi nga talaga publicity stunt iyon?"
A starlet, na walang malakas na back-up sa showbiz industry tapos gagawa ng ganoong mga efforts para mapansin ang kaso niya? I don't think she's lying. Iba talaga ang panahon noon. Ngayon kasi, mapost lang sa social media, nagva-viral agad. Napapaniwalaan kaagad.
"You seem to know a lot."
You never know, I'm her die-hard fan, Ma!
"I also read on the internet that she was linked with Virgo, then now with Jordan. Do you know that?"
Of course, I know.
"Siguro, may idea ka rin kung ano ang totoo, 'di ba?"
Mahina itong natawa. If it's with Virgo, mas kapani-paniwala pa, eh. Pero si Bree na rin ang nag-confirm na kay Jordan talaga siya involved. Uy, interested si Mama!
Nagbaba ito ng tingin. May kung anong misteryo sa pagkislap ng mga mata nito.
Ano ba ang mayroon sa Claire na iyan? naalala nitong wika ni Cheska kahapon. Madam, hindi niyo ho siguro alam pero ang Claire na binabanggit mo... She's a fake. She's a pretend. She's not really Claire! She's not as decent as you think!
"May naalala lang kasi ako na napag-usapan namin ni Mayor Cheska."
I think it's better to ask her personally, Ma. I'll put the phone down now. See you.
Malumanay ang ngiti ng ginang. "See you."
.
.
BREE STEPPED DOWN FROM THE CAR IN THE PARKING AREA IN FRONT OF THAT PLACE. Narinig niya ang pagsara ni Marco sa pinto ng kotse habang siya naman ay nakatitig sa compound na nakatayo sa kanyang harapan. Mayroon itong tatlong puting gusali, semento na may bakal na spikes ang bakod at gawa sa metal ang gate na puti. May arko sa itaas ng mismong gate, nakasulat sa bold letters ang Doña Eloida Mallari Foundation. At may logo iyon ng puting sampaguita.
She took in a deep breath. Nung tinanong siya sa phone nitong nakaraan ni Manager Ken kung interesado ba siyang aliwin ang mga babae sa foundation na iyon, hindi siya nag-atubiling um-oo kaagad. Lalo na nung nalaman niya kung para saan ang institusyon na iyon. Siya rin daw kasi ang nire-request ng mga dalaga roon na nakapanood sa kanyang movies. Pakiramdam nga raw ng ilan sa mga ito, tamang-tama ang pagsalamin niya sa dinaranas ng mga rape victim sa pinakauna niyang pag-ekstra sa pelikula.
Ang hindi nila alam, buong puso ang naging pagkatawan niya sa role. Kaya nagkaroon ng bigat at tumagos sa puso ang bitaw niya ng mga linya, lalo na sa court hearing scene. Ang pelikula kasi ay umiikot sa kwento ng isang pulis na may iba't ibang kaso na nae-encounter.
"Ma'am," tawag ni Marco.
She snapped out from her thoughts and turned to him with a smile. "Tara na ba?"
"Kayo po?"
Natawa siya. Minsan ang cute talaga ni Marco kapag nao-off guard.
"Let's go," she sashayed toward the gate.
Nang makapasok sa loob, pinagkaguluhan kaagad siya ng mga babaeng staff. Nakipag-selfie ang mga ito sa kanya at groufie. Nauunawaan naman ni Marco na hindi nito kailangang bumakod, kaya nanatiling nakatanaw lang sa kanya at paminsan-minsan ay inoobserbahan ang paligid. She would also catch him taking pictures of her too.
"Haven't I told you to call me when she's already here?" mariing wika ni Laila kaya natahimik ang mga staff.
"Ma'am Laila," halos sabay-sabay na bulalas ng iba na napangunahan ng gulat.
Humakbang ang ginang palapit kay Bree— she was still the same woman she met on Virgo's Inaugural Ball, reeking with authoritativeness and snobbish sophistication. Nakaladlad ang buhok nito. Her flat necklined dress was neat and formal caramel in color.
"Good morning, Ma'am," magalang niyang ngiti rito.
Of course, she was given a head's up by Manager Ken that she might meet Virgo's mother here. Pero umasa pa rin si Bree na hindi mangyayari iyon. Kadalasan naman kasi sa mga ganitong events hindi present ang may-ari o CEO 'di ba?
"Good afternoon," pagwawasto nito. She seemed to be about to smile but managed to stop it.
Napapahiyang napangiti na lang si Bree. "Afternoon po pala..."
Sinadya ng mga staff na iwanan sila para ituloy ang paghahanda para sa event. Hinintay ni Laila na tuluyang makalayo ang mga ito bago tinuloy ang pakikipag-usap sa kanya.
"How's the trip?"
"Mabilis lang naman po," mas confident na ngayon si Bree, taas-noong kausap ang ginang para mag-level ang mga mata nila.
Laila seemed please to see her finally getting herself together.
"Great. Now, I have time to stroll you around the place. I want you to see our facilities and how the girls here are doing."
"Sige po," paunlak niya sa imbitasyon nito.
At habang nililibot siya ni Laila, nagkukuwento na ito tungkol sa bawat facilities ng institusyon at kung ano ang mga activities ng mga babaeng naninirahan doon. Noong napatalsik sa pagiging pangulo si Aries, naisipan ng ginang na magtayo ng foundation. Para sa ginang, iyon lang ang magagawa nito bilang pagbibigay tulong sa mga komunidad. May balak din sana raw ito na magtatag ng foundation para sa mga lalaki naman kaya lang, tumakbo sa mababang posisyon sa gobyerno at maagang namatay si Aries na sa tingin nito ay mas may insight tungkol sa behavior ng mga kalalakihan at may oras na i-handle iyon.
"Kahit sabihin pa kasi na may mga staff," paliwanag ng ginang, "iba pa rin kapag 'yung mismong nagtatag, na may passion para sa mission at vision ng foundation ang nagmo-monitor paminsan-minsan. Kaya nakikita mo naman, bumibisita kami rito ni Ginnie. Surprise visits kadalasan. I want to be helpful for young boys as well, kaya lang hindi ko na rin naman maaasahan sa ganoon si Virgo dahil masyado siyang abala sa political career niya."
"Pero posible naman ho siguro iyon kahit hindi mismong lalaki ang magha-handle ng Foundation, 'di ba?"
"It will be awkward for them if we paid them a visit," ani Laila. "No one understands a man better than a man."
Bree thought that Laila was just limiting herself with that reason, but chose not to speak about it.
"Ginnie highly agrees na ikaw ang maglibang sa mga girls namin dito sa event today," harang sa kanya ni Laila kaya tumigil siya sa paglalakad. "I hope that whatever trauma you had in your past, hindi mo i-bring up sa kanila. But you can use that if it's necessary... if a girl asks for your advice... or needs some inspiration."
"My past?" mahina niyang saad, walang kasiguraduhan.
"Yes. Ang sabi ni Ginnie, you have claims of being raped in a movie set? At walang naniwala?"
Parang tumigil ang pintig ng puso niya sa narinig. Parang bumalik na naman sa kanya ang nakaraang pinipilit niyang tabunan sa pamamagitan ng pakikipag-involve noon sa iba't ibang mga lalaki. Naging mapait ang kanyang pag ngiti sa ginang.
"Is it okay to know if that is true?" usig nito.
"Ayoko na pong pag-usapan iyon," ngiti niya.
"Then the wounds are still fresh."
Umiling siya. "Sa tingin ko, wala na."
Pero panibagong sugat ang kapalit ng paghilom ko mula sa nangyaring iyon sa akin...
"Then why you don't want to talk about it?"
"Kasi hindi na po iyon mahalaga," matatag niyang wika, and for the first time, Bree felt proud of herself. "Ang dapat po nating pag-usapan ngayon, ay 'yung mas mahalagang mga bagay, kung paano ko mapapasaya ang mga girls dito."
Tumango-tango ito. Pigil ang mapangiti. Pero hindi napigilan kaya tinipiran na lang iyon ni Laila.
"You can sing. You can dance. You can chitchat with them. They would love that. Gustong-gusto ka nila."
She felt the tears rimming her eyes. "Bakit ngayon ko lang nalaman itong foundation ninyo? I needed this place before." Her voice slightly shook as she chuckled. "No offense meant po, Ma'am... Ano lang kasi... I'm glad! I'm glad na may ganito nang mga lugar... para sa mga nakaranas ng... ng mga pangit na bagay."
God, she was at loss for words she began fumbling on them and making poor word choices.
"But look at you now, aren't you already in a better place?" giya ni Laila sa kanya papunta sa admin room. Doon kasi siya aayusan at bibigyan ng briefing tungkol sa event.
Hindina sinagot pa ni Bree ang sinabi nito.
.
.
.
***
AN
Hi, everyone! I hope you all had a great weekend! Enjoy today's 3-Chapter Update! HAHAHA <3 <3 <3 And maraming salamat sa pagbabasa, magpapaload ako ng mobile data mamayang gabi para masagot ang mga messages/comments ninyo na hindi ko nasagot T^T
Thank you so much and happy reading! <3
P.S. Dahil September na, abangan ang very, very special cameo from Mr. JMC. (- -,)
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro