Chapter 51: Another Chance
NAKATITIG LANG SI BREE sa lalaki na nasa driver's seat. She was seated on the passenger seat, still studying him.
Gwapo. Mukhang bata pa. Sure siya na kaya niyang i-risk ang buhay niya para sa akin? That's part of a bodyguard's job, right? Isn't he too young to put his life in this too much risk? He can do a lot of things before he put himself into this...
Nakahawak pa rin siya sa cellphone, pasimpleng nag-text kay Manager Ken para tanungin kung si Marco na ba talaga ang bodyguard niya.
Nitong nakaraang Linggo, they had a meeting with a staff from Buenos Mafios— a security agency recommended by one of Manager Ken's friends daw. Hindi niya alam kung sinong friend pero hindi na naman niya concern ang identity niyon. Her concern is if the person who will work for her would be professional.
Dinala sila sa isang pribadong office kung saan na-meet nila ang isa sa mga staff doon. May portfolio doon ng mga listahan ng bodyguards na may kasamang pictures. Sigurado si Bree na hindi si Marco ang pinili niya roon.
Marahil hindi niya ito napili dahil bata pa. Mukhang baguhan. She wanted an experienced man for a bodyguard. Iyong maalam na maalam na talaga sa trabaho nito.
Napatingin siya sa nag vibrate na cellphone.
Yes, darling. Siya na nga.
Okay. Mag-uusap sila mamaya ni Manager Ken. Humanda na ito. She didn't want a youngling for a bodyguard. Pero nang masulyapan ang kaseryosohan sa mukha ni Marco sa salamin sa ibabaw ng dashboard, medyo nakonsensya siya.
Hindi ba iyon din ang dinanas niya noon? She was too young and naïve that she only got accepted in a good role when she was eighteen? Bakit hindi niya bigyan ng chance si Marco? Maybe he just needed a good start for his career. At paano magkaka-experience ang isang baguhan sa trabaho kung hindi bibigyan ng oportunidad.
Bree internally sighed. Baka naawa si Manager Ken sa binata kaya pumayag na ito ang ipalit sa pinili niya. Baka hindi na available ang napili niyang guard.
Baka na-cute-an si Manager Ken kay Marco.
Doon na naningkit ang mga mata niya.
Manager Ken!
.
.
"MAY LALAKING NAGHATID SA KANYA?" tuwid ni Jordan ng pagkakaupo sa library room ng Malacañang.
Affirmative, Boss, sagot ng tao niyang palaging nakamanman kay Bree.
He squeezed his temple. I just got back from UAE, I am not ready for this.
What's more unsettling was, Bree was gone since last night. Nasundan ito ng tauhan niya na pumunta sa isang restaurant para makipagkita sa isa sa mga big boss ng PH Channel na si Kaiser Peralta. Lasing na umalis doon ang dalawa. At sa mansyon ng matanda raw nakatulog si Bree.
He already had a bet something dirty happened between those two, a reason why Bree did not come home. Jordan gave less fucks. Ang mahalaga sa kanya, sa kanya ang magiging huling bagsak ng babae. Kailangan lang niyang maging maingat. He would not want to trigger Virgo too early. Alam niya na kung mautak ang pinsan, hindi ito magpapadalos-dalos. But that man almost ran after Bree on their last encounter. Baka kung ano pa ang madiskubre ni Virgo na kaya nitong gawin para labanan siya. Jordan would not want to risk it.
What he wanted to do is kill Virgo's hopes. That way, his cousin would stay motivated in lashing all that anger and hopelessness on the people who put them in this situation— the people who ruined their family's reputation years ago.
It was a cruel thing to do... but Virgo forced him to it. Hindi naman sila aabot sa ganito kung tumutupad lang ang pinsan sa usapan at plano nila.
He would not tolerate a betrayal— something that ruined his Tito Aries... the man he always looked up to since he was a young child.
"Just keep an eye on her," anas niya sa kausap sa cellphone. "At hangga't maaari, alamin niyo kung sino ang lalaking iyan. Kung kaano-ano ni Bree. Maliwanag?"
Yes, Boss.
"Hay," baba niya ng cellphone sa side table na pinapatungan ng lampshade. Sino kaya ang lalaking iyon? That Bree... masyadong lapitin ng mga lalaki. The young... the old... Sheesh. He shook his head. No wonder she got my cousin that jealous... Maluwag na ang ngisi niya. Wait, I have an idea.
.
.
NGUMITI SI CHESKA nang makapasok sa dining area ng Palasyo. That day, she was invited by Laila herself to have lunch with the First Family.
Umupo ang babae sa tabi ni Virgo na nasa kabisera. Laila sat across her. Also, Virgo's siblings. Wala si Jordan, wala silang ideya kung saan pumunta, pero bantay-sarado sila sa silid na iyon ng mga guards nito. Mukhang hindi naman big deal iyon kina Laila na nasanay sa ganoon nung naging pangulo ang asawa nito.
"I'm glad you came," Laila's smile was polite, or rather civil.
Hindi nakaligtas sa obserbasyon ni Cheska na hindi ito ganoon ka-welcome sa ginang. Sa loob ng ilang linggo na napapabalitang nagde-date sila ni Virgo, ngayon nga lang ito nag-imbita para makipagkita o kumain ng magkasama.
"Of course po, I wouldn't miss this for anything in this world," pigil ni Cheska ang sumabog sa saya nang lingunin si Virgo. "Anything for my Virgo and his family."
Gwapong-gwapo talaga ang babae rito. Medyo naiinis din ito dahil hindi lingid sa kaalaman nito na may nangyaring sekswal sa binata at sa Bree Capri na iyon. She felt a sting in her pride knowing that she was not the first woman who touched him.
But she always kept it in mind that if she was not the first, at least, she would be the very last. That Bree Capri could die in envy now.
Ngumiti ulit si Cheska sa magiging mother-in-law sa hinaharap.
"Good," anito. "Because I want us to talk about Virgo's birthday party."
"Ma," mabigat ang tinig ng lalaki, halos lahat sila nakatutok ang mga mata rito, "like what I said, that's not necessary. May mas makabuluhan pa tayong magagawa kaysa mag-allocate ng isang gabi para lang mag-party."
"I am thinking of a simple dinner night," paliwanag ni Laila. "Isang wine toss lang tapos kakain na tayong lahat. If they have gifts, kokolektahin na iyon sa entrance pa lang sa pag gaganapang lugar. While we are all having dinner, there will be music and singers performing for us."
Nagbaba ng tingin si Virgo, nag-iisip-isip.
Cheska was hoping he would finally agree. A gathering would mean another chance to remind the people that they were in a relationship... or dating... whatever. Call it romantically-involved.
"Ano?" usig ng ginang sa anak nito. "Natatakot ka na baka maging isyu na naman? Remember, your Mama owns a hundred of pawnshop branches. We have farms. People can't accuse us of using their money, for Pete's sake! At hindi ba, ikaw na rin ang nagsabi noong na-interview ka tungkol sa Inaugurational Ball mo na ano ang masama sa magarbong selebrasyon? That we should quit of this mindset of making our country appear poor to get other country's respect? So they'll stop thinking we're too weak so it's okay if they bully us?"
"Ma," Virgo used a warning tone.
Laila shrugged. "Ang sa akin lang naman, gusto ko na magkaroon tayo ng time magsocialize. You know how that helps with your job as the President. Kailangan mong makuha ang loob ng mga tao, kahit hindi pa sila taga-gobyerno. It will be good to have funding and promotional kind of assistance from business people and such."
Virgo sighed. "I'll think about it, Ma."
"Your mom is right," ani Cheska kaya dito napunta ang tingin nila. "And you've been working too much as well."
"It's not too much, it's been only a month—" pagwawasto rito ni Laila bago binalik ang atensyon sa anak. "Partying is not going to be the main priority, anak, I promise. You can move forward with your work by networking there. We will invite influential people there, even some small entrepreneurs." At hininaan pa nito ang boses. "You might meet some fine ladies too."
Kumain lang si Virgo. Siyang paniningkit ng mga mata ni Cheska. Laila sa oblivious with the mayor's reaction.
"But of course," sumusukong buntong-hininga ni Laila, tinutok nito ang mga mata sa pagkain, "nasa sa iyo pa rin ang desisyon, anak. I just wanted to help."
Mapang-unawang ngumiti si Virgo sa ina. "Ma, I'll be fine."
Hindi maiwasan ni Cheska na humanga. How she wished Virgo would be this endearing and gentle with her too, along with a smile like that.
"I know you wanted my presidency to turn out fine," anito. "Natatakot ka na baka mangyari ulit ang nangyari kay Dad, this time, sa akin. So, I thank you for doing your best to help me out."
Ngumiti ang ginang kay Virgo. "Nasa sa iyo pa rin naman ang final say."
He nodded. "Don't worry, I'll consider your suggestion, Ma."
.
.
.
***
.
.
.
MARCO WAS LOOKING AROUND THE PLACE. Abot-tanaw naman ito ni Bree na abala sa paghahanda ng inumin para sa kanyang bodyguard.
She wanted to make him confortable first before inquiring things.
Nilapag niya ang tall glass ng malamig na orange juice sa mesa at umupo sa pahabang sofa. Marco, who occupied the one-seater seat, glanced at the tall glass. She gave him a look that encouraged him to drink a little.
"Hi, Marco," bati niya pagbaba nito ng baso. "So, ikaw 'yung pinalit na bodyguard para magbantay sa akin? Or is this just temporary?"
"Permanent, Ma'am," walang ngiti o simangot nitong sagot.
"Permanent? What happened doon sa napili ko?"
He gave her a stare.
"No offense meant," magaan niyang wika. "I am just worried. I hope hindi dahil sa... sa masamang dahilan kaya ikaw ang pinalit sa kanya."
"Nag-extend ng contract 'yung client niya," simple nitong dahilan. Yes, Marco spoke like he could easily simplify things.
"I see," tango niya rito. "Am I yourn first client?"
"Hindi naman po, Ma'am. Nitong nakaraang eleksyon, nag-assist ako sa ilang politicians."
"Whoa. And you survived?"
Tumango-tango ito. There was a slight smile on his face, yet his lips did not curve that way.
"That just seems to say that you're good," siya naman ang uminom ng juice.
"Maaasahan niyo ako, Ma'am."
"Dapat lang," baba niya ng baso. "Buhay mo rin ang nakasalalay dito."
"Bakit po? May nagtatangka ba sa inyo?"
Natigilan siya. May magtatangka ba sa buhay niya? Lalo na ngayong isa na siyang sikat na artista? Nung kumalat ang mga pictures nila ni Virgo... may nakaisip kayang pagtangkaan siya para lang patayin ang isyu?
Bree felt something strange at the pit of her stomach.
She could not name it. Napatitig siya kay Marco at mukhang hindi ito nagtataka sa kinilos niya. In fact, he remained seated, like a fisherman waiting for the fist to be caught by its own mouth.
"I don't know..." mahina niyang sagot sa lalaki. "Manager Ken suggested that I should get a bodyguard kasi... baka lang dumugin ako masyado ng mga tao. We're starting off with just one bodyguard for now."
Tumango ito. Uminom ulit ng juice. Tumingin sa paligid.
"You like my place?" puna niya.
"Opo, Ma'am," he sat straight upon putting down the glass on the small table. "Ayos lang po ba na mag-inspection ako mamaya?"
"Inspection?" pagsasalubong ng mga kilay niya.
"Just to make sure your house is bug free."
"Oh," natawa siya. "I assure you, walang mga insekto dito sa bahay ko. Walang anay, walang—"
"Not that bug, Ma'am," titig nito sa kanya. "I mean, mga device na pwedeng mag-wire tap sa telepono ninyo, o mga hidden surveillance cameras."
Nayakap ni Bree ang sarili. Hidden surveillance cameras? Paano kung mayroon nga? Ibig sabihin may ibang tao na nakakakita sa hubad niyang katawan kapag nagbibihis sa kwarto?
O nung nagse-sex pa sila ni Virgo?
"W-Wala naman sanang ganoon," na-conscious na tuloy siya at pinasadahan ng tingin ang buong silid.
.
.
NASA SASAKYAN SI JORDAN, nakikinig sa report ng inutusan nitong tao para alamin ang katauhan ng bagong lalaki sa buhay ni Bree.
Marco Paulo Meneses ang buong pangalan niya, Boss. Isang college student.
Lalong gumusot ang mukha nito. "College student?"
Yes, Boss. Nasagap ng recording device namin iyon noong nag-uusap sila ni Miss Bree.
"At doon kayo nag-base kung paano sisimulan ang pagre-research sa kanya?"
Opo, Boss. Sa internet, may nakita kaming mga social media accounts niya. Pero lahat ng iyon naka-private maliban sa Instagram.
"Any insight on his Instagram account?"
Grid photos ang naroon, parang puzzle na picture niya na nakaupo sa hagdan.
Jordan grew more frustrated. The young man was secretive and sly, not gonna lie.
"Anything else?"
Nalaman namin na college student siya dahil sa naka-public na posts ng mga kaklase niya, Boss Jordan. Kamakailan lang in-upload ang mga picture.
A college student sporting a sleek black car and taking Bree home after sleeping over Kaiser Peralta's mansion. Ano ang nais iparating ng babae? Ano ang ginagawa nito kasama ang isang matanda ng magdamag, at ngayon naman, lalaki na college student pa lang?
That woman.... He felt infuriated.
Kung pagbabasehan ang binibigay na info ng tauhan ni Jordan, wala itong mapagtagni na dahilan para magkrus ang landas ng dalawa.
May nahagip ang peripheral vision ni Jordan kaya bumaling sa driver.
"Itabi mo muna dito ang sasakyan," at nagpaalam na rin ito sa kausap sa cellphone.
He immediately headed to a flower shop and picked one of the priciest bouquet which he thought Bree would like.
.
.
MAY MALANDING PAGTILI-TILIAN pa si Manager Ken nang maabutan sa salas si Marco.
Inuna kasi ng binata na i-inspect ang kwarto niya. Bree did not stay there to watch because of her thongs and lingeries. She felt her privacy so invaded, but she understood that the young man was doing his job. Kasama kasi sa sinipat ng lalaki ang mga cabinet niya at damit. Ayon dito, may mga voice chips na nadidikit sa damit kaya dapat daw nitong tingnan iyon kahit idahilan pa niyang nalabhan naman ang mga iyon at wala namang nakita na nakadikit doon na hind dapat.
Nang matapos sa kwarto niya, si Bree na lang ang nag-ayos ng mga damit niya pabalik sa mga drawer at cabinet. Marco inspected the bathrooms, the kitchen, and now, the living room.
Kumakapa-kapa ito sa sofa.
"Aba, busy na busy ka ah, Marco," bati nito sa lalaki.
Hindi ito sumagot. Lumipat lang ito sa pahabang sofa para isuksok ang kamay doon at pakiramdaman kung may makakapang kakaiba roon.
"Manager Ken," sunod ni Bree nang maisara ang pinto. "Kamusta?"
"I dropped by, kasi alam ko, magtatanong ka kung bakit hindi 'yung pinili mong guard ang sumundo sa iyo," he turned to her and sighed. "Kasi—"
"No, it's fine," taas niya ng mga kamay at sumimple ng sulyap kay Marco. "I think Marco is doing great. And na-explain na naman niya sa akin kung bakit siya ang naging guard ko."
"At ang cutie no?" bulong ni Manager Ken kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata.
"Ang bata pa niya para maging bodyguard. In-enjoy sana muna niya ang pagiging binata, in my opinion, bago sumabak sa ganito kadelikadong work!"
Tumungo siya sa kusina at sumunod si Manager Ken.
"Tea? Juice?" tanong niya rito.
"Tubig lang, darling, hindi rin naman ako magtatagal dito." Nagnakaw na naman ito ng sulyap sa abalang si Marco.
"Oh, bakit hindi?" harap niya agad para abutan ito ng baso ng tubig."
"Kasi," uminom muna ito ng kaunti. "Kasi," lumunok pa ito, "sasamahan ko ang talent ko. May mall tour sila ngayon ng mga kasama niya. First movie niya ito, so kailangan niya ng stage madir, ako iyon, darling." Bumungisngis pa ito.
"Oh, alagaan mo siyang mabuti, madir."
"Aba, of course! Ikaw lang naman ang mahirap alagaan!"
"Kasi, matanda na ako, okay? Hindi na ako alagain," tukod niya ng kamay sa counter table.
Nilapag ni Manager Ken ang baso at nagnakaw ng sulyap kay Marco. He looked busy so he turned to her. Sinadya rin nitong hinaan ang boses.
"I am still worried about you," sinsero nitong titig. "Bakit ngayon ka lang nakauwi? May nangyari ba sa inyo ni Sir Kaiser?"
"Wala, ano ba? Sa tingin mo, papayag ako, after everything I've been through?"
"Malay ko. Eh alam ko namang hindi mo makakayang bitawan itong career mo, 'di ba?"
Totoo iyon. Pero ewan. Matatag na ang prinsipyo niya ngayon.
"Promise, walang nangyari. Nalasing lang kami."
"Bakit hindi ka nagpasundo sa driver?"
"Nag-presenta si Sir Kaiser na isabay ako sa sasakyan niya."
"O, tapos walang nangyari? Am I supposed to believe that? Kilala kita, Bree."
"I'm not the same Bree," she smiled half-heartedly.
"Asus, kung da-dramahan mo na naman ako ng may kinalaman kay Virgo, naku, huwag ako! Not this time, darling!"
"Ikaw naman!" natatawa na tuloy siya. "Minsan na nga lang ako magdrama. Parte ito ng moving on process ko, okay?"
May nagdoor bell.
Halos sabay-sabay silang tatlo na napatutok ang mga mata sa pinto. Bree and Manager Ken exchanged glances.
"Ako na, Ma'am," presenta ni Marco.
Pipigilan niya sana ito pero naagapan siya ng kamay ni Manager Ken sa kanyang braso.
"Hayaan mo na siya, Bree. Mas maganda na 'yung guard mo ang unang humarap sa bisita mo."
She started to feel worried for Marco. Sana kung sino man ang nakaisip na bumisita sa kanya, hindi masama ang intensyon.
Ilang minuto pa at bumalik si Marco kasama si Jordan.
Nakangiti ito sa kanya. Pinabitbit ng lalaki sa kanyang bodyguard ang malaking bungkos ng mga bulaklak para sa kanya.
"Ikaw na muna ang bahala kay Marco mamaya," lingon niya kay Manager Ken bago pinuntahan ang dalawa. "Marco, sumunod ka sa amin." Then she placed an arm on Jordan's arm. Giniya niya ito sa table set sa bakuran. Malamlam ang tama roon ng installed na mga ilaw mula sa pader ng bahay.
Pinalapag niya sa mesa ang mga bulaklak bago ito pinaalis para ituloy ang pag-inspect sa salas.
"Have a seat," Bree gestured a hand before she sat.
Sumunod na rin si Jordan. "Hi, Bree. I hope I came in good timing."
"It's fine," hindi niya magawang ngumiti rito. She was reminded of their fake relationship to cover up for Virgo and his reputation. "Bakit naparito ka? What with the flowers? Ano ang okasyon?"
"Ikaw kasi, eh," tila nahihiya nitong ngiti sa kanya. "Simula nung nag-CR ka sa restaurant hindi ka na bumalik."
Napayuko siya. "Well, you never checked up on me either."
"So lousy of me, isn't it?" mataman nitong titig sa kanya. "But I called that evening. And the days after. You're not answering. Siguro nga, nagaraan ka sa sobrang late kong pagkamusta sa iyo. Pasensya na. Kapag kasama ko kasi ang pinsan ko... nahihirapan akong hatiin ang atensyon ko. Presidente na siya ng Pilipinas kaya... medyo protective lang ako sa kanya."
"Ang dami na naman niyang gwardiya, bakit kailangan mo pa pahirapan ang sarili mo, Jordan?"
He shrugged. "Well... that's the thing with guards. You're not sure if they are really to be trusted." Sumimple ito ng tanaw sa naiwang bukas na pinto. "Yung lalaking iyon? Is he really your bodyguard? Iyon ang pakilala niya sa akin, eh."
"Ah, yes," Bree crossed her legs. "He's Marco."
"Why hire a bodyguard?" pinasadahan nito ng tingin ang kanyang kabuuan. Napalitan na ni Bree ang kasuotan ng isang dolphin shorts at fitting shirt. "Is there something going on?" balik ng mga mata nito sa mata niya.
Bree shook her head. "Wala naman. Para lang hindi ako dumugin ng mga tao, just in case... lalo na sa mga events."
"That's nice," a shadow crossed his face before Jordan lit it up with a smile. "He looks too young. Inexperienced."
"That's my first impression too."
"If you need additional guards, like what I mentioned before, may security agency ako. Pwede akong magpadala ng mga bodyguards."
Mahina siyang tumawa. "I have to be honest, Jordan. Lumalayo na ako sa inyo."
"Because of Virgo," bahagyang paniningkit ng mga mata nito.
Hindi makasagot si Bree. Obvious na naman siguro sa lalaki ang sagot. Napasandal na lang siya sa backrest ng kinauupuan at matamlay na ngumiti.
"Bakit? Ano ba ang pinag-usapan ninyo? I know, ayaw mo i-share kaya hindi mo na sinasagot ang mga tawag ko. I got quite busy, but now that I am back, we can talk about it, Bree. I promise, I'll listen."
She let out a heavy sigh. "Jordan," hilig ng ulo niya.
"Don't tell me, seryoso na si Virgo kay Mayor Cheska? Is that what he told you? Hindi ka naman lalayo kung hindi ka tinaboy ni Pinsan, right?"
"I'm sorry," pinilit niyang ngumiti pero wala pa rin eh.
Masakit pa rin sa loob niya. Kapag nababanggit ang pangalan ni Cheska kasunod ng kay Virgo, parang dinidikdik ang puso niya... pinupulbos.
"I'll talk to him."
"Ano ka ba?" bahagyang pagtaas ng tinig niya, pero hindi galit. She sounded more worried. "Huwag na. I'm fine. I've moved on."
Oo na. Nagdadahilan na naman siya.
"Ikaw naman kasi, eh," hilig nito ng ulo. "Niyaya na nga kita noon mag-date, hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako pinapansin."
Jordan gave her a sheepish smile. It seemed adorable, but her heart was not digging it. Hindi iyon nagpakilig sa kanya, o pumukaw sa damdamin.
O baka dahil hanggang ngayon nakatali pa rin ang puso niya kay Virgo.
"Ganito na lang," wika ng lalaki. "Why don't you be my date on Virgo's birthday party?"
Nababaliw na ba ito? "At bakit mo naman naisip na mapapapayag mo ako?"
"You said you've moved on," he shrugged, "so let's put it to a test."
Hindi pa rin siya makapaniwala.
"Alam ko, nakakagago ang ginawa sa iyo ni Pinsan pero mabuting tao iyon, Bree. If he hurt you, I'm sure he felt guilty about it. But if he sees that you are doing well, mababawasan din ang bigat sa kalooban niya dahil sa ginawa niya sa iyo. And you'll feel confident to confirm you've moved on from him. Win-win, right?"
Paano kung hindi ganoon ang kalabasan niyon?
Paano kung lalo lang ma-guilty si Virgo kapag nakita siya? Sa mismong birthday party pa nito. That would be so rude of her to do to him. Pero hindi ba, walang anu-ano rin siyang sinaktan ng lalaki? Wasn't he rude for keeping her hanging? Na sa iba pang tao niya malalaman na may iba na itong ka-date?
Inabot nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. He firmly held and massaged it with his fingers.
"Please, Bree," his eyes begged. "Be my date on that party."
"It will be awkward, maintindihan mo sana, Jordan," pilit niyang bawiin ang kamay pero hindi ito bumitaw.
"How can it be not awkward?" malungkot nitong ngiti. "If we hire you to sing in the event, it would mean you're just there for your job, right? Pwede na ba iyon?"
"Jordan," she gasped.
"Come on, Bree," sumamo nito.
"What makes it awkward is I am seeing Virgo again."
"So you're still affected with my cousin."
"Of course not!" depensa niya. She felt embarrassed to raise her voice like that. Umiwas siya ng tingin. "Of course not..." mahina na ang boses niya. "It's only been two... three weeks..."
"Moving on doesn't have to meet a specific deadline. It can be too long or too short, basta kapag wala ka nang feelings para sa isang tao, iyon na 'yun, Bree."
"Ang kulit mo rin, no?" she playfully rolled her eyes.
"Lahat ng pangungulit gagawin ko, bigyan mo lang ako ng chance, Bree."
She let out a sigh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro