Chapter 50: Communication
AUGUST— nagsimula na ang filming para sa Forbidden. Nung katapusan ng July, nagkaroon ng press conference regarding sa pagsisimula ng movie project. It was another milestone for Bree. Labis siyang pinagkaguluhan at pinutakti ng mga tanong.
The people could not help wondering about the issues that she had been involved with way too many men in her past.
Is it true that you used your body to get to where you are now?
Bree wittily answered with a smile. Why yes. Hindi ba, katawan ko ang laging nakukuhanan ng camera?
Ismarte ang sagot, namangha ang ilan. May mga natawa naman.
At ngayong may free time na siya, sinadya niyang makipagkita kay Sir Kaiser. They had a dinner in a private dining room of a Japanese restaurant. Bree struggled with her chopsticks.
Kaiser had a good laugh watching her fumble with the jumping sticks.
Nginitian niya ang matanda. "Sorry, ngayon lang ako nakakain sa Japanese restaurant."
"It's fine," he waved a hand. "You should have told me earlier. We could have chosen another place to eat at."
"Eh, gusto ko naman kumain dito," tila hugalpos niya sa saya. "Gusto ko rin makatikim ng bagong mga dishes."
Lumapit na ang waiter na kinawayan ni Kaiser. Tumalima kaagad nang mag-request ito ng kutsara't tinidor para sa kanya.
"Nabalitaan ko ang naging press con ninyo last week," ngiti na sa kanya ni Sir Kaiser. "I am very glad with how trending it was. I saw vlogs and posts about it anywhere on the internet."
"Thank you, Sir Kaiser," aniya. "Alam mo naman na—" she leaned forward, her breasts almost squeezed against the table, "—you made it possible."
"No, you did," he smiled, adoring her with his eyes. "You and your wit. People immediately changed their mind about you once you began answering the press' questions."
"Thank you," usal ni Bree nang abutan ng waiter ng mga kubyertos. Then she turned to Sir Kaiser. "Do they have sake here? I want to taste that too?"
"Let's not get too drunk though," maluwag na ngiti ng matanda, komportable na itong sumandal sa backrest ng upuan. "You wouldn't want where it might lead us."
.
.
BREE LET OUT A GROAN. Si Sir Kaiser ang nagbabala sa kanya na huwag masyadong mapapainom pero ito pa ang mas nalasing sa kanila.
As midnight approaches, Bree invited him out of the restaurant. Ayaw pa raw nito dahil nag-e-enjoy sa kwentuhan nila. For Bree, it was getting boring, that's why she wanted to leave already. Isa pa, medyo nagkakaroon na siya ng tama dahil sa iniinom nilang alak.
Pasan niya ngayon si Sir Kaiser na nakaakbay sa kanyang balikat. For sure, mabubuhay na naman ang intriga na sumisipsip siya sa executive ng PH Channel kaya ang dami na niyang movie projects. But who cares? From the very beginning, they labeled her that kind of girl— a social climbing woman who uses her body for exposure and fame.
"Sir Kaiser," tapik niya sa pisngi nito para mas maging alerto. Patulog na kasi ang lalaki, dama iyon ni Bree sa mas pagbigat ng katawan nito.
"B-Bree..." he slurred.
"Saan po ba naka-park 'yung driver ninyo?" aniya habang inaalalayan ito sa paglabas ng elevator.
Tumuro lang ito. "Doon."
Dumere-deretso ng lakad si Bree. Mukhang natanaw naman sila ng driver ni Sir Kaiser kaya nagmamadaling sinalubong sila. Ito na ang nag-ako sa pagbuhat sa matanda.
"Bree!" lingon nito habang inaalalayan ng driver.
"Sir," tanaw niya sa mga ito.
"Sumabay ka na."
Napatitig lang siya sa matanda. Huminto ang driver sa paglalakad dahil nakalingon sa kanya si Sir Kaiser."
"I insist," lapad ng ngiti sa mamula-mula nitong mukha. "For the inconvenience I caused you. Come."
Nandidiri ako sa sarili ko. Walang paligo ang makakaalis sa mga ginagawa niya sa akin, naalala niyang amin sa kanya noon ni Krista. Sa kanya ko nakita na ganoon ang mga lalaki... na madadaan mo sila sa ganoon para makuha mo ang gusto mo... kapag ginamit ko ang katawan ko... makukuha ko ang gusto ko. Tulad na lang ng sinabi nila na ginagawa mo.
Hindi siya maka-oo agad dito. Napuno ng katanungan ang kanyang isipan.
Maniningil na ba si Sir Kaiser? gulo ng kanyang isip.
.
.
"YOU'RE ALREADY BACK," malamig na wika ni Cheska nang lumapat na pasara ang mga pinto sa opisina ni Virgo sa Palasyo.
It was already late at night. Mas tahimik at kaunti lang ang mga phone calls ng ganoong oras, kaya sinasamantala niya para magbasa ng mga files at pumirma ng kailangang aprubahan. Apparently, Jordan shared that observed routine of his' to Cheska. At dahil kalat na nagde-date sila ng dalaga, maluwag ang Palasyo na tinatanggap ang babae anumang oras nito maisipang bisitahin siya.
"Obviously," suot niya ng reading glasses habang paupo sa upuan niya.
"Last week pa," dagdag nito, nasa himig ang pangongonsensya.
Pero wala na yata niyon si Virgo.
"Yes," buklat niya ng mga naiwanang folder sa desk. "And what about it?"
"You are not informing me," anito.
"Pwede ka namang magtanong sa secretary ko," matabang niyang saad. "O kay Jordan. Monitored naman niya lahat ng lakad ko, 'di ba?"
Ang bawat kilos niya, to be precise.
"What is your problem?" gusot ng maamo nitong mukha. "As far as I know, maganda ang kinalabasan ng trip mo sa UAE. You've closed some good deal. Hindi na rin daw mamomoroblema ang bansa natin sa inaangkat na langis galing sa kanila."
"I have no problem," walang emosyon niyang sagot. "In fact, I am more in the mood to do the work I left here." He checked every folder and arranged them. Inibabaw niya ang mga folder na gusto niyang unahin bilang priority.
"Just to remind you, Virgo," lapit nito sa kanyang desk. "People also wanted to know kung kamusta na tayo. Our lovelife."
"You're there, dapat sinagot mo kung ano ang tanong nila. Kita mo naman, wala akong oras na itsismis sa ibang tao kung kamusta ang lovelife ko. I have a lot of work to do. Isa pa, aren't you supposed to be focusing on your job?" titig niya rito.
"I am doing my job."
Virgo returned his eyes on the folders. "Looks like you have so many time in your hands then. I'll swap for your position if only I could."
Nahimigan yata nito ang sarkasmo niya.
"You know what, Virgo? Concerned lang naman ako sa reputasyon mo. People are expecting that as much as you are a great president, you are also capable of being a—"
"A what?" relaxed na titig niya sa babae. "A doting boyfriend of yours?"
Expectant na napatitig sa kanya ang babae.
"Cheska, you know our real score. Dapat hindi mo ka na dumadagdag sa sakit ng ulo ko," balik niya ng mata sa mga sinisipat na folders. "You know that I am not taking any of these seriously, so you don't have to make so much effort. The least you can do is help me make this country a better place."
"May off ka naman. Bakit hindi mo malaan iyon para sa akin?" dinig niya ang sama ng loob nito.
"Bayan muna," pagtatapos niya sa diskusyon.
Siyang pasok ni Jordan sa silid.
"Excuse me," lagpas nito kay Mayor Cheska bago inabot ang cellphone niya. "Presidente, may tawag ka mula sa secretary ng DOH."
He lifted his narrowed eyes on Jordan, then at the cellphone.
Matapos ang matamang pagtitig sa pinsan, inabot niya iyon para tanggapin ang tawag. He swiped a finger on the phone screen.
"Hello," sagot ni Virgo sa nasa kabilang-linya.
.
.
MAINGAT NA INUPO NI BREE si Sir Kaiser sa couch. Madaling-araw na nang marating nila ang mansyon nito sa isang pribadong villa. Hindi agad nakagalaw ang matanda dala ng matinding hilo. He remained seated as Bree looked around the place.
Everything was adorned in a quite somber, vintage fashion. A mix of neat contemporary style and the colors of brown made the place seem vintage. Nakaukit ang disenyo ng mga upuang kahoy. May mga bulaklak na palanta na. The tables have knitted tapestry.
Nilingon niya ulit si Sir Kaiser.
Nandidiri ako sa sarili ko. Walang paligo ang makakaalis sa mga ginagawa niya sa akin. Kahit pumatol ako sa ibang mga lalaki nang hindi niya alam... nanunuot pa rin sa akin kung paano ako angkinin ni Kaiser... balik sa kanya ng mga sinabi ni Krista tungkol dito.
Her eyes began wandering on Kaiser's brownish lips. On the thin layer of stubbles on his jaws and above the upper lip. Gray strands of his hair cascaded sideways over his forehead. Hindi mabilang ang guhit na lumalim sa mukha nito.
Kung hindi minahal ni Krista si Kaiser, isip niya habang umuupo sa tabi ng matanda, hindi siya magtatagal sa kanya, 'di ba? Women can be more wicked than these men. If we don't love them, we leave them when we can't use them anymore.
Sa kaso ni Krista... kahit sabihin pa niyang si Kaiser ang nagbibigay ng magagandang projects para sa kanya... kung sumikat na naman siya, it won't be a problem if she finished a five-year contract and be signed to another network, right?
Alam din naman ni Krista na hindi magagamit ni Sir Kaiser anuman ang nangyari sa kanila... dahil ayaw ni Sir Kaiser na ma-issue... na masira ang pangalan ng pamilya niya.
Kaiser moved his head, turning to face her.
At si Kaiser... ilang dekada na ang nakakalipas pero... nagtagal ng ganoon ang involvement nila ni Krista... natigil lang nung nabuntis siya.
Inihilig niya ang ulo, tinitigan ng malapitan si Kaiser.
Pareho ba silang nangingisda? At nagbuhol ang mga bingwit nila? At dahil nagbuhol, doon nagsimula ang tug-of-war?
Gigil na napadaing si Bree. "Diyos ko," layo niya kay Kaiser, "nahahawa na ako sa kalaliman ng Virgo na iyon!"
Pagod na sumandal siya sa backrest ng upuan.
"Stop thinking about pamimingwit, okay? It's over," titig niya sa kisame. "Magtu-two weeks na rin..." mahina niyang bulong sa sarili habang pinapanood ang tila pag-alon ng imahe ng nakabitin na light fixtures sa kisameng tinitingalaan niya.
I said I'll stick around... to watch you damage yourself, Virgo... pero mukhang kahit kailan, hindi ka magkakamali. Laging tama ang mga ginagawa mo... ang mga sinasabi mo... ang mga desisyon mo... tears rimmed her eyes. Ang ganda ng rating mo... o baka ganoon lang talaga kapag nagsisimula ka pa lang bilang pangulo ng bansa... Pero napapanood ko naman sa mga balita... Kung saan-saan ka nagpupupunta... mga events... mga meeting kasama ang presidente ng ibang mga bansa...
She displayed a weak smile.
Mukhang wala kang pagsisisihan sa mga ginawa mo, Virgo... Nakakainis!
"Hmm?"
Napapitlag si Bree, tumuwid ng upo at nilingon si Sir Kaiser.
Nakaupo na ng tuwid ang lalaki. "Sir Kaiser!"
Nakakaloko ang ngisi nito. "Hindi ako tulog kung iyan ang inaakala mo," lasing nitong saad.
Nag-aalalang pinag-aralan niya ang hitsura nito. Bagsak at namimigat ang katawan.
"Kailangan niyo po ba ng tubig?"
Tumawa lang ito at sumandal sa upuan. "Narinig ko ang mga pinagsasasabi mo kanina... so, tama nga talaga ang mga tsismis nung nakaraang buwan."
Kinabahan siya. "A-Ano'ng tsismis?"
"Tungkol sa iyo... at ang Presidente."
Hindi niya maapuhap kung ano ang isasagot. Her laughted was tensed. "N-Naku naman... Ano ba iyang sinasabi mo, Sir Kaiser?" she nervously laughed again. "Ano'ng pinagsasasabi ko?"
"Wala kang maikakaila sa akin. Pinamanmanan kita bago ako nakipag-meet sa iyo."
She felt a pang in her chest. "Kung ganoon... ikaw ang nagpakalat ng mga picture namin ni Virgo sa internet?"
He shook his head. "Of course not! Gusto nga kitang pasikatin, 'di ba? Gusto kitang ipalit kay Krista bilang in-demand na artist ng network ko. Kaya bakit gagawa ako ng bagay na ikakasira mo?"
He was right. Nahihiyang nagbaba siya ng ulo.
"I paid that person to keep his mouth shut. Kontento na ako malaman lang kung ano ang risk kapag pinagpatuloy ko ang pag-prioritize sa iyo."
"At tinuloy mo dahil hindi malaking risk sa iyo na nagkaroon kami ng relasyon ni Mr. President?"
He smiled. "Yes. Because I've known it from the start... na hindi kayo magtatagal. Kapag hindi na siya nage-enjoy at nasa alanganin ang imahe niya, he'll drop you off like a hot coal."
Umahon muli ang pagkainis niya kay Virgo. Parang pinipiga ang puso niya sa bawat pagdidiin ng mga sinabi ni Sir Kaiser sa sugat na mayroon siya.
"Iyon din ba ang dahilan kaya binitawan mo si Krista?" basag ng kanyang tinig.
Nakita niya ang pagguhit ng gulat sa mga mata nitong nakatitig sa kawalan. Tila may mga alaalang bumalik na nagpabasa sa mga mata nito.
"Ano ba ang pinagsasasabi mo?" bahagyang pag nginig ng boses nito.
"You loved her, right?" harap niya ng pagkakaupo sa lalaki. "Si Krista."
A wry smile escaped from his dry lips.
"Because if you didn't, you won't keep her that long. Wala naman kayong pinagkaiba ni Virgo, 'di ba? Ikaw na rin ang nagsabi, na 'yung klase ng relasyon na mayroon kami... na mayroon din kayo ni Krista... alam mo sa simula pa lang na hindi magtatagal. Na kapag hindi niyo nae-enjoy at nalagay ang imahe niyo sa alanganin..." she felt her throat tightening. Hindi kasi si Kaiser at Krista ang nakikita niyang imahe habang binabanggit ang mga iyon. She could see her and Virgo. They were having fun, strolling on disguises in a mall, eating together, making out in his car, kissing... and then the very moment she cried in front of him, spilling her heart and soul only to be rejected by him.
Namintana ang luha sa kanyang mga mata.
"I am not proud of what I did to have her," matamlay na paliwanag ng matanda. His voice was raspy. "I intimidated her to it," amin nito. "Kahit na um-oo siya, alam ko na hindi iyon bukal sa puso niya. Alam ko na ginawa lang niya iyon dahil akala niya, iyon lang ang paraan para matupad ang mga pangarap niya."
Malungkot na nagbaba ng tingin si Bree at nakita ang bahagyang pag nginig ng kamay nito.
"If you wanted someone so bad," he sighed, "just have their dreams in your hand. Threaten them that you can crush it if they say no to you, and you'll have them, Bree."
"Pwede ko namang gawin iyon," pag-relate niya sa sinabi ni Kaiser sa sitwasyon nila ni Virgo. "I can exploit him..." She stared at him. "Pero hindi ko po magawa."
"That's the difference between us... women and men," pikit nito. "Kami, kaya naming magmukhang masama para makuha ang gusto namin. We don't mind hurting the person we love, if it would mean that in the end, they'll be in a better place."
Dumulas ang mga luha sa kanyang pisngi.
"At kayong mga babae naman," mapait nitong ngiti, "naniniwala kayo na kapag mahal mo ang isang tao, hinding-hindi mo siya kayang saktan sa anumang paraan." Sir Kaiser turned to her. "At pareho namang tama ang paniniwala natin. May sitwasyon na... kailangang manakit ng damdamin kung makakabuti sa isang relasyon... may sitwasyon naman na, kung hindi naman worth it na magkasakitan, palalagpasin mo na lang ang mga pagkukulang ng taong mahal mo, 'di ba?"
Bree nodded.
"Nasaktan lang ako, kaya binitawan ko si Krista," malalim nitong buntong-hininga. "I know that behind my back, she's having sex with these... these men. Kaya kong tanggapin iyon. Matanda na ako, Bree... alam ko na hindi ko na mabibigay sa kanya kung ano ang... kung ano ang mga hinahanap-hanap niya. Ang hindi ko lang matanggap... nagpabuntis siya."
"Paano kung ikaw ang ama?"
He stared at her. Kaiser let out a soft laugh. "At my age, you think makakabuntis pa ako?"
"Krista may be too naïve about everything, it's your fault," she hissed. "You sheltered her too much! You protected her from the world too much! Pero naniniwala ako na hindi siya magpapabuntis sa kung kani-kanino lang!"
Lumambot ang mukha nito. "Kahit sa akin, hindi—"
"At bakit hindi?" her voice strained. "Sir Kaiser, may mga bagay na hindi kayang idaan ng tao sa salita. Kaya dapat marunong ka ring makiramdam!"
Tulad lang ng pamimingwit ng isda... dugtong ng kanyang isip. Natigilan tuloy si Bree. Nahihiyang napailing-iling.
"S-Sorry... Sir Kaiser," kalma niya habang sapo ang ulo. "Naparami nga yata talaga ang inom natin. Kung anu-ano ang mga nasasabi ko..."
She heard his soft chuckle. "You think, I'm the father of her child?"
"Bakit hindi?" mahina niyang tugon, hindi makatingin dito. "For powerful men like you, nothing is impossible, right?"
His smile was painful. "I tried to make her love me for years... pero..."
"Ginawa lang iyon ni Krista para makalimot," she sighed. "You forced her to this. Kaya ang tumanim sa isip niya, napipilitan ka lang... It's her only way to stay unattached with you. Dahil siguro iniisip niyang masasaktan siya kapag hinayaang mangyari iyon." Pagak siyang natawa. "Funny isn't it? Naimbento ang telephone... ang mga sulat... ang social media... para pagkonektahin at makapag-communicate ang mga tao na nakatira sa magkakalayong lugar o ibang bansa. At heto kayo, sobrang lapit ninyo sa isa't isa... pero walang komunikasyon."
Sir Kaiser fell silent.
"Alam mo ba, Sir, na kung kaya kong ibigay sa kung sinuman ang buong mundo, ibibigay ko, matulungan lang niya ako na makapag-usap ulit kami ni Virgo? Na magkaroon ulit kami ng komunikasyon?"
.
.
.
***
.
.
.
PAGMULAT NI BREE NG MGA MATA, ilang minuto pa ang lumipas bago niya napagtanto na nasa ibang bahay siya. Takot na bumangon siya. Muntikan pang mahulog dahil may kakitiran ang couch na kinahihigaan niya. Dumausdos sa kanyang balat ang kumot. Awtomatikong yumakap siya sa katawan at nakahinga ng maluwag dahil suot pa rin niya ang puting dress na may manipis na strap.
Wala namang kakaiba sa kanya.
Kinilala niya ang silid. Pamilyar ang palantang mga rosas, ang puting knitted tapestry.
Nasa bahay pa rin siya ni Sir Kaiser.
"Good morning, Miss Bree," lapit sa kanya ng isa sa mga katulong. "Hinabilin po ni Sir Kaiser na kung gusto niyo, pwede niyong ituloy ang tulog niyo sa guest room namin."
She blinked. Her head felt floaty and heavy at the same time. Hindi naman pala ganoon karami ang nainom niya kagabi.
A feeling swept over her chest upon remembering that conversation with Sir Kaiser. Hindi niya alam kung mamamangha dahil kailangan lang palang lasingin ito para mapagkwento ng mapagkwento. O maaawa dahil sa isyu nila ni Krista.
"Tubig, please," tingala niya sa maid. Tumango ito at umalis para ikuha siya ng baso ng tubig.
Binaba ni Bree ang mga paa. Wala na ang suot niyang sapatos kagabi. They were neatly placed at the foot of that couch. Hindi niya muna sinuot iyon. Dinama niya ang lambot ng carpet. Her toe scratched against its soft yet rough fur.
Sir Kaiser, may mga bagay na hindi kayang idaan ng tao sa salita. Kaya dapat marunong ka ring makiramdam!
Nasapo niya ang noo. I gave another unsolicited advice again last night! At kay Sir Kaiser pa talaga!
"Ma'am," balik ng katulong at pinanood nito ang pag-ubos niya sa baso ng tubig. Nakaabang ito na ibalik niya ang baso.
"Si Sir Kaiser ho?" tingala ni Bree ulit dito.
Tinanggap ng katulong ang baso. "Nasa kwarto na po niya, natutulog," magaan nitong ngiti. "Gusto man kayong ipalipat ni Sir Kaiser sa guest room, ayaw naman daw niyang maistorbo ang himbing ng tulog mo kaya pinakumutan ka na lang."
Bree nodded with a faint smile. "Pakisabi naman po na umuwi na ako pagkagising niya. Ite-text ko rin naman siya pero pasabi na rin."
Umatras ang katulong nang makitang tatayo na siya.
"Sige po, Miss Bree..." nahihiya pa ito pero hindi nakatiis. "At... Miss Bree... okay lang po ba na magpa-picture sa inyo?"
"Ako?" gulat niyang singhap. "Naku..."
"Kahit sa labas na po ng mansyon," anito. "Alam ko po na baka ma-tsismis kayo ni Sir Kaiser kung dito tayo sa loob mismo magpi-picture-picture."
Magaan siyang tumawa. "Hindi naman sa ganoon. Ang wino-worry ko lang, hindi pa ako nakakapag-retouch!"
Natawa na sila pareho.
"Eh maganda ka naman kahit walang make-up! Halos hindi nagbago ang mukha mo, Miss Bree may make-up man o wala."
"O siya, dahil nambola ka, may libreng video greet ka sa akin!" masayang wika niya rito bago sinuot ang kanyang high heels.
.
.
PAGKATAPOS MAG-PICTURE TAKING, nagpaalam na si Bree sa mga katulong. Nakatayo na siya ngayon sa tapat ng batong bakod ng mansyon ni Sir Kaiser. She fished out the phone from her pouch and called Manager Ken.
Nakakailang tawag na siya pero laging busy ang numero nito.
Ganoon na ba ako ka-in demand? Laging busy ang linya ni Manager Ken, titig niya sa in-off na cellphone.
Napatitig siya sa kotseng nakahinto sa kabilang kalsada.
Kumunot ang noo niya. Dama ni Bree na sa kabila ng dark-tinted niyong salamin, may nakatitig sa kanya.
Inihilig niya ang ulo.
Siyang bukas ng pinto ng kotse. Swabeng bumaba roon ang isang binata na nakaitim na pantalon at polo shirt. Hindi maikakaila ni Breen a gwapo ito, sa kabila ng sobrang kaseryosohan ng bata nitong mukha. She was assuming that he was five years younger than her, nicely built with a neatly side-swept dark hair and cleanly shaved face.
"Selfie?" pamewang niya rito.
Naglahadng kamay ang lalaki. "I'm Marco."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro