Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49: Share Your Blessings

BUONG MAGHAPON na yata nakadapa si Bree sa kama.

She should not be crying, she was used to it.

Men came and go in her life.

Correction- she came then go and leave them.

Way back then, Bree knew the logic of this game. Men wanted to feel special and powerful. One fuck with her gave them that feeling. Why not? She's Bree Capri, a reputable slut in the indie movie industry. She had so many x-rated scenes in movies, men wondered if she was hot for real. And she was a trophy they proudly announce they had, or a shameful night they wanted to forget- para lang ipagyabang sa mga nakakainuman ng mga ito na hindi sila tulad ng karamihan na patay na patay sa kanya. Na mataas ang mga standards nito kaya hindi papatol sa kanya.

And as a woman who knew that, Bree didn't hurt when they're gone.

If she enjoyed the sex, it was to her advantage. Dagdag sex vocabulary. Mas lalo siyang nalalayo sa masamang karanasan noong baguhan pa lang siya sa showbiz. If not, at least she learned what kind of men to avoid having sex with.

Plain and simple.

But when it comes to Virgo...

She frowned.

What is so special about him? nginig ng kanyang mga labi. Nanlalambot ang nakalaylay niyang braso na may hawak na bukas na bote ng alak. Is it because... he treated me... like human? Unlike them? Unlike those stupid men I've been with?

Mapait ang naging ngiti niya.

It's so sad... minsan lang ako nakatisod sa matino-tinong lalaki tapos...

She closed her eyes.

Ang babaeng tulad ko kasi... wala nang magseseryoso, 'di ba? I thought that with Virgo... for once, someone looked beyond how damaged I am... damaged in all angles.

Basag ang naging pagtawa niya.

"Ako? Damaged? Paano'ng damaged?" sinubsob niya ang mukha sa kama. Her laughter was muffled... a laughter replaced by sobbing. Lalo niyang kinuskos ang mukha sa kama. Luluhang nag-angat ng ulo para makahinga ng maayos. "God! Oh, God!" tawa niya ulit, manginig-nginig ang boses dahil tinatalo iyon ng kanyang pag-iyak.

She chugged some wine before dropping her arm on the side of the bed again.

Damaged... was I really damaged by my past? Kasi kung ganoon bakit... bakit parang buong-buo naman ako... at parang ngayon lang ako na-damage...

Durog na durog... pag-apaw ng mga luha sa kanyang mga mata nang maalala ang mga pinagsasasabi ni Virgo sa kanya.

"I can't understand, Virgo..." daing niya. "Mahal mo ako... tapos..." she shook her head. "I don't get it."

Lalong gumusot ang kanyang mukha. Buong maghapon na yata siyang isip ng isip. Nagkamali ba siya sa mga sinabi sa lalaki? Isa bang pagkakamali na inamin niya na may feelings siya para rito? Isa bang pagkakamali na umasa siyang totoo ang mga sinabi at pinadama ni Virgo sa kanya?

Pagkakamali ba niya kung nagtiwala siya?

Pagkakamali ba niya kung humiling siya ng kalayaang i-pursue ang pangarap niya?

Her mind was in a whirl. Everything mixed. Pumipintig ang ulo niya- epekto ng alak o labis na pag-aalala, hindi na niya ma-track. She felt more fucked up than she had been.

"I want to see you destroy yourself, Virgo," mapait niyang pikit. "And I want to show you that you... you did not damage me..." garalgal niya.

"My God, Bree!" pasok ni Manager Ken sa bintana ng kwarto niya.

Bree did not move.

"Ano'ng ginagawa mo?" lapit nito sa kanya. "My God! I was worried! Kanina pa ako doorbell ng doorbell!"

"How did you get in?" matamlay niyang tanong.

"Hindi mo ni-lock ang gate mo. Pero 'yung pinto dito sa bahay mo, locked," luhod nito sa gilid ng kama para kunin ang bote ng alak na hawak niya.

Humigpit ang kamay ni Bree doon.

"Bree," was Manager Ken's warning tone.

"Hindi ko pa ubos ito, Manager Ken..." nanlalambot na bangon niya.

"At never mong uubusin ito!"

"Eh!" yakap niya sa bote. "Ano ba ang ginagawa mo rito? Wala na akong sched ngayon, 'di ba? Tapos na ang interview ko sa French Talk!"

"I know," he sighed. "And just as I thought, kung anu-ano na naman ang gagawin mo dahil nabanggit na nagde-date si Mr. President mo at si Mayor Cheska."

Bumilis ang pagbagsak at pag-ahon ng kanyang dibdib. Mukhang sasabog na naman ang kanyang mga luha. Umupo si Manager Ken sa likuran niya. He soothingly rubbed her back.

"Natakot ako..." nanukal na naman mga luha sa kanyang pisngi. "Natakot ako, Manager Ken! All these years, akala ko mas tumatag na ako, mas tumibay ang loobh. Sa dami ng dinanas ko-" napalunok siya pero nanginginig pa rin ang tinig, "- akala ko wala nang sasakit sa akin ng ganito... o tatakot sa akin! Pero Manager Ken-" pinasandal ng lalaki ang ulo niya sa dibdib nito, malapit sa balikat "-iba pala kapag 'yung mahal mo ang involved... kapag mahal mo pala ang isang tao... matatakot ka... manghihina ka..."

She ran her hands all over her face.

"Manager Ken!" sising-sisi niyang iyak. "Manager Ken... am I too late? Too late ko na bang inamin kay Virgo ang feelings ko para sa kanya?"

Narinig niya ang malalim na paghugot nito ng hininga. Tila isang maarugang ama na nakayakap ang mga bisig nito sa kanya.

"Bree," malumanay nitong sagot, "hindi ba, kinuwento mo sa akin na tinuruan ka ni Mr. President mangisda?"

Tumango-tango siya.

"Sinabi niya sa iyo na kapag nangisda, dapat marunong maghintay. Mapagpasensya. Kung hindi kinagat ng isda ang pain mo, pwede mong iahon ang bingwit, tapos papalitan mo ng mas makulay o mas fresh na pain."

"Oo," sang-ayon niya.

"Ibig sabihin, alam niya ang importance ng paghihintay. Kung hindi niya magawa iyon... ibig sabihin, hindi ganoon ang pagpapahalaga niya para sa iyo."

Lalo siyang nasaktan sa mga sinabi nito.

"Ilang lalaki na ba ang mabaliw-baliw sa iyo, Bree. Si Mr. President, wala iyan kung ikukumpara sa lalaking mami-meet mo na mapapangasawa mo talaga."

Nagpahid siya ng mga luha.

"Ang mahalaga, nasabi mo pa rin ang true feelings mo para sa kanya. It wasn't too late, Bree. Because I believe, hindi hahayaan ni God na late mo nang masabi iyang feelings mo. Maraming pagkakataon na ibibigay si God masabi mo lang kay President ang feelings mo. At hindi naman necessary na by word mo ipaalam iyon sa kanya. Dapat nararamdaman na iyon ni President."

Natigilan siya.

Lalo siyang binalot ng pagkalito.

"Alam niyang mahal ko siya..." mahina niyang usal.

"Bree?"

Nanatili siyang nasa bisig ng manager. "Alam ni Virgo... sabi niya... sabi niya matagal na niyang alam na may feelings ako para sa kanya... at mahal niya ako..."

"What do you mean?"

Humiwalay siya rito. Nakatitig sa kawalan at mas napapaisip.

"Naguguluhan ako," aniya. "Pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa... bakit kanina sinabi niya sa akin na ginagamit lang niya ako? At kung totoo man na ginagamit lang niya ako... bakit ngayon pa niya ako tinataboy? Ngayon na mas kailangan niya ng insider para pabagsakin ang PH Channel? Ngayon na mas may capacity na akong gawin lahat ng gusto ko sa PH Channel para makuha ang mga info na gusto niya?"

Napatanga lang si Manager Ken, hindi nito ma-gets ang mga pinagsasasabi niya dahil wala naman itong ideya sa mga plano ni Virgo.

"At noong nalaman ni Virgo na nakipag-meeting sa atin si Sir Kaiser... gusto niyang lumayo ako kay Sir Kaiser... kung ginagamit niya lang talaga ako... he will encourage me to be closer to Sir Kaiser... to know his plans... or how he thinks..."

"Hay naku, Bree," pinasigla na lang nito ang tinig at pinihit siya paharap dito. "Huwag mo na ngang isipin masyado si President."

She was distracted upon seeing Manager Ken's hopeful face. May bahid ng pag-aalala iyon na pinipilit nitong pagtakpan ng excitement. Manager Ken was not a good actor after all. Pero pinilit na lang niyang gawaran ito ng malungkot na ngiti.

"Ang isipin mo, itong mga endorsements na magaganda ang offers," patuloy nito. "I received calls earlier. Tapos-" nanadya itong mambitin para tingnan ang reaksyon niya. Nang masiguradong nasa lalaki lang ang atensyon nito, Manager Ken continued, "-may iha-hire din ako na bodyguard para sa iyo. Of course, I want you to be with me on our meeting, para mapag-usapan ang mga boundaries mo."

Napatanga siya saglit. "Bodyguard? At bakit naman naisipan mo na kunan ako?"

"Syempre," taas ng mga kilay nito, "hello, you're becoming the hottest star of PH Channel! Siyempre, kailangan mo na ng guard na magpo-protect sa iyo kapag dinudumog ka na ng mga tao!"

She thought that sounded reasonable. "Do I need one now?"

Sumaya ang mukha nito. "Of course! That's part of stardom, Bree!"

Kumunot ang noo niya. Hindi na rin naman sila magkikita pa ni Virgo, so she thought, it would not be inconvenient for her, after all, to have one.

"Sige," balik niya ng mga mata rito.

.

.

.

***

.

.

.

YEARS AGO, Virgo dropped the print-out of scripts he was holding.

Nagmamadaling pinulot niya iyon. Siyang assist ng dalawang security guards.

He threw a glare at them.

"Sorry, Sir," wika ng isa.

"Hindi ba pwedeng hintayin niyo na lang ako sa parking area?" pagsasalubong ng kilay niya sa mga ito.

"Pero Sir, mahigpit ang instruction ni Ma'am Laila," paliwanag ng isa pa.

"Kahit na," anas niya sa mga ito. "I'm already twenty-two!"

Hindi na sumagot ang mga ito, pero alam niyang hindi pag sang-ayon ang dahilan niyon. Gagawin at gagawin pa rin ng mga ito ang habilin ng kanyang ina na bantayan siya kahit saan magpunta.

Nung mga panahong iyon, kakabalik lang nila galing ng US. Medyo sensitibo pa rin ang kanyang ina sa dinanas ng kanilang pamilya noon. 'Yung may bumabato pa noon sa bintana ng kanilang bahay hanggang sa mabasag ang salamin. 'Yung may nagbabanta sa buhay nila bilang kapalit daw sa pagpapahirap nila sa bansa... Despite Laila acting fine, she showed those fears with how overprotective she was with her children.

Tumalab iyon sa ate niyang si Ginnie, na piniling maging blogger para nakakulong lagi sa sarili nitong mundo.

But not with him.

Ang paniniwala nga kasi ni Virgo noon, inosente sila. At kung inosente sila, bakit siya magkukulong? Bakit niya ikukubli ang sarili? Why would he need guards?

And so, he decided to run away from them.

Niligaw niya ang mga ito bago tinungo ang theater room ng isang filming company kung saan gaganapin ang audition. Matiyaga siyang pumila roon. Inabot siya ng hapon sa sobrang tumal pa noon ng audition process at dami ng tao.

Nabitawan na naman niya ang papel ng manuscript.

Inatake agad siya ng pagka-aburido dahil may mga pares ng kamay na tumulong para salansanin iyon.

He was ready to remind his guards that he was already old enough to do things on his own, but he changed his mind. Nakadalawang sulyap siya. 'Yung una, para alamin kung sino itong tumulong sa kanya. 'Yung pangalawa, para i-check kung namamalik-mata lang ba siya.

"T-Thanks," abot niya sa papel na binalik ng dalaga.

She smiled at him sweetly, yet with thrift. Nakikita niya na gusto lang nitong maging polite sa kanya kaya ganoon ang ngiti.

"Ang haba ng pila niyo," tanaw nito sa linya mula sa unahan.

"Ah, oo," maluwag niyang ngiti.

"Ano'ng role ang pag-o-audition-an mo?"

Siyang labas ng isang staff para mag-anunsyo na hindi na tatanggap ang mga ito ng mago-audition.

"Bumalik na lang ulit kayo bukas! At itabi niyo ang number stub ninyo para bukas!" patuloy nito sa pagsigaw.

Virgo let out a sigh. Kanina pa kumukulo ang sikmura niya. Ni hindi nakabili ng pang lunch dahil ayaw niyang malagpasan kapag tinawag na ang numero niya.

Medyo malungkot ang ngiti sa kanya ng babae.

"Tara, kain muna tayo," anyaya nito.

Dinala siya ng babae sa isang mumurahing bakery. Dumungaw ang babae sa glass display at kumislap ang mga mata nang makita ang gustong bilhin.

"Wow," hindi nito napigilan na panulasin iyon sa mga labi nito.

Then she checked the few money in her pocket. Lalong lumapad ang ngiti nito.

"Ah... eh..." silip niya sa maganda nitong mukha. "Baka wala ka nang pamasahe, heto-" kukunin na sana niya ang wallet nang itaas nito ang kamay sa tapat ng kanyang mukha.

"Kasya na ito," nguso nito.

"P-Pero-"

"Magkakaroon din naman ako ng pera, no," anito at bumili na.

"Ito," abot nito ng egg pie sa kanya. "Treat ko."

"Treat?" kunot-noo niya habang umuupo na ang babae malapit sa kanya. Iisa lang naman kasi ang bangko roon na gawa sa isang pahabang kahoy.

"Oo," masaya nitong wika. "Kasi, nakakuha na ako ng una kong acting role."

Namilog ang mga mata niya. "Oh, really?"

"Oo. Hindi pang-bida, pero malaking bagay na sa akin," labas nito ng egg pie mula sa plastic. She bit and closed her eyes as if she had the taste of heaven. Kinikilig sa sarap. Masayang sumayaw-sayaw ang mga balikat. "Sabi na, ang sarap nito! Ang tagal ko nang gustong bumili nito, alam mo ba 'yun?"

Ginaya ni Virgo kung paano iyon ilabas sa plastic at kainin. He thought that the pie tasted so sweet and too soft. He smiled. It was just like how this girl looked- so sweet... too soft.

Ngumiti ito, kontento sa reaksyon niya nang matikman ang egg pie. "Sinama kita rito dahil wala na akong ibang mati-treat. Gusto ko manlibre ng egg pie, kasi ang sabi nila, kapag nagshare ka ng blessings, doble ang balik sa iyo."

He nodded. "I agree with that."

"I'm Aubrey nga pala," at kumagat na naman ito ng egg pie.

"Kristoff," ngiti lang niya. Kadalasan na Kristoff ang pakilala niya noon para hindi agad maisip ng tao na isa siyang Ferdinand. Most people knew him for being Virgo Ferdinand.

"Alam mo, Kristoff," mabilis nitong lunok ng pagkain, "kaya ko kayo iniisa-isa sa pila kanina kasi gusto ko magka-idea kung ano ang hitsura ng magiging rapist ko."

Nagimbal siya. "Rapist?"

"Sa movie lang naman," she shrugged. "Halo-halo daw na roles ang pinag-o-audition-an sa pila niyo, pero kahit na."

Mukhang inosente nga ang babae, hindi madaling magimbal sa kung gaano kabigat ang salitang binanggit nito. Mabigat dahil traumatic at criminal ang ganoong klase ng tao. Pero mukhang papel lang ang tingin ni Aubrey doon. Hindi totoo. Kathang-isip lamang.

Habang siya naman ay kinikilabutan.

Lalaki siya at hindi ma-imagine kung bakit may mga taong nakakaisip gumawa ng ganoon...

"Ah... eh..." iwas niya agad ng tingin. "Hindi iyon ang pago-audition-an ko na role..."

Ang ini-highlight kasi ni Virgo sa kopya niya ng script ay iyong para sa bellboy sa pelikula. He was starting off with small roles as well.

Napabungisngis ito. "Mukhang hindi nga! Hindi mo pa yata kaya ang ganoong role. Parang first timer ka pa lang nga eh."

"Huh?"

Aubrey nodded. "Oo. Kasi kung hindi, dapat sa pila pa lang, may baon ka nang pagkain, eh 'di hindi kukulo-kulo kanina ang tiyan mo sa gutom."

"Ganoon ba iyon?"

"Oo. Alam mo, dama kita, iyang gutom na dinanas mo at sobrang haba pa ng pila. Naranasan ko rin iyan kaya nga naisip ko, ikaw na lang ang ililibre ko ng egg pie." May pride na sa tinig nito. "Swerte ka nandito ako. Kasi ako talagang nalipasan noon ng gutom, walang nagpakain sa akin. Ang dami ko nang pinilahang audition. Kaya nasanay na ako na laging may baong tubig at tinapay. Minsan, doon na rin nga ako natutulog, para may chance na mauna ako sa pila."

Hindi siya makapaniwala. "G-Ganyan ka ba ka... kapursigido maging artista?"

"Oo naman. Ito lang ang nakikita ko na patutunguhan ko eh."

"How come this is the only way?" nakalimutan na niya ang hawak na egg pie at isa lang ang naging kagat niyon.

Aubrey shrugged. "Feeling ko lang. Kahit na parang alanganin.... Feeling ko... dito talaga ako dapat mapunta." She turned to him and smiled. "Gusto mo, bigyan kita ng acting tips?"

"Talaga?"

"Oo, pero siyempre may bayad na fifty pesos bawat tip."

Pumaling ang ngiti niya. "B-Bakit nilibre mo pa ako ng egg pie kung maniningil ka ng ganyan kamahal?"

She cutely laughed. "Biro lang! Hindi ka naman siguro magtitiyaga mag-audition na ganoong kahaba ang pila kung may pera ka." Aubrey scooted closer to her. She seemed years younger than him, but carried more confidence than him. First acting role pa lang nga ang nakukuha nito, buo na ang kumpiyansa na may mabibigay na expert acting advice sa kanya. "Ito ang unang tip," panimula na nito.

.

.

"ANAK," pukaw ni Laila kay Virgo kaya naalis sa mga gamit ang kanyang paningin.

Nakakahon pa rin kasi ang ilan sa mga iyon kaya iniisa-isa niya ang mga ilalagay sa bagong kwarto. Mabilis niyang sinuksok ang kopya ng movie script sa pinagkuhanang kahon.

"Ma," tayo niya para salubungin ang ginang na pumasok na sa kanyang kwarto.

"Kailangan mo ba ng tulong diyan?" sulyap nito saglit sa mga kahon ng kanyang gamit.

"Ma..." he rubbed her arms, "kaya ko na ho ito, hmm?"

"Lagi namang iyan ang dahilan mo sa akin," anito. "You're a President now. I am sure, may mga trabaho ka na gusto mong asikasuhin pa. Ipaubaya mo na lang sa akin ang pag-aayos dito."

His smile was awkward. Another reason why he didn't want his mother to touch his things were those dirty copies of nude posters he was keeping.

"Please, Ma," ngiti niya rito. "Ako na po ang bahala sa mga gamit ko."

"Well, then," upo nito sa gilid ng kama. Tinabihan ni Virgo ang ina. "Matanong na lang kita, bakit lagi mong kasama si Jordan sa mga lakad mo?"

"Lagi? Hindi naman masyado, Ma."

"Napapansin ko lang," titig nito sa kanya. "Hindi naman sa ayaw ko. I know you two are very close. Why not? He's your dad's favorite nephew, right?"

Virgo nodded.

"But then, hindi rin magandang tingnan dahil may mga tao na gagawan iyan ng issue. Lalo na at hindi naman pulitiko si Jordan."

"Yes, Ma, I see what you mean."

"I know, you see what I am trying to say. I bet, matagal mo na ring napapansin. Do you need my help? Pwede ko siyang kausapin kung nahihiya ka sa pinsan mo."

"Ma, no," he smiled to reassure her. "Let me handle this, okay? Naghahanap lang ako ng magandang tiyempo. And besides-" he held her hand, "-Jordan is like a part of the security team for me. I can explain that to people who don't get it. May social media na, kaya hindi basta-basta maa-out of context ang gusto kong iparating sa mga tao."

Tumango-tango ito. "At..." nahihiya na itong tumingin, "gusto ko sanang malaman kung ano ang nangyari kay Claire."

Humigpit ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ng ina.

"Ang sabi mo noon," tama ng mata ni Laila sa kanya, "there's nothing between you and Mayor Cheska. Tapos sa French Talk, malalaman ko na may dine-date na kayo pareho ni Jordan. At ang sa iyo, si Mayor Cheska. Bakit hindi ako updated, anak?"

Tumabingi ang ngiti niya. "Ma..."

Naningkit ang mga mata nito. "Is this for political reasons?"

"Well..." he sighed.

"I will give you an advice, anak," mapang-unawa nitong hagod sa braso niya. "Kapag hindi maganda ang sitwasyon sa isang tahanan, mas lalong hindi maganda ang magiging performance mo sa trabaho."

Napatitig siya sa mga mata nito. Laila's brave stare let him know that she meant every word she said.

"Kaya nga 'di ba, kahit ang lala ng pagbagsak ng ama mo, nagawa niyang umahon ulit. Nag-try mag pulitika bago siya namatay dahil sa sakit niya?" Her smile was full of wisdom. "That is because, we loved him. We made him feel that he can perform better. He had a home, a happy one. And that motivates a person to do better in their job, dahil hindi sapat na mahal mo ang trabaho mo, anak."

Now he wore a smile that felt so unsure.

"I know your true feelings. You never looked at Mayor Cheska the way you looked at that Claire. Halos hindi mo na pansinin kaming lahat nung dumating siya sa party at sumayaw-sayaw kayo."

"Ma," he groaned. He needed to act like he was an embarrassed teenage boy or else he would tear up.

"Andnow, I am disappointed with Claire," pabiro nitong saad habang tumatayo. "Paanosiya nasulutan ni Mayor Cheska na iyon?" tungo nito sa pinto.

.

.

.

***

AN

Hello, everyone hahaha~ back at the comshop. Today medyo ultimate update ang datingan. Expect to read Chapters 49 to 53 *wink* Enjoy reading <3

With Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro