Chapter 48: Guards
THERE WERE VERY FEW occasions when Virgo cried. Of course, he cried on the day he was born. Maybe that cry was a sign that he didn't want to exist. Because as he grew up, what welcomed him is indifference. Hindi siya umiyak nang dahil sa mga sugat o galos dahil hindi naman siya aktibo noon sa pakikipaglaro. Bukod sa mahigpit na seguridad na pinagkaloob para sa kanilang pamilya noon, pagbabasa lamang ang kanyang hobby.
Masyado pa siyang bata noon para maunawaan kung bakit parang may iba sa pakikitungo ng mga tao sa kanya. May mga kaedad lang niya na ganoon din kung itrato siya.
Na para siyang naiiba.
He saw how people tried to flock around his father... his family.
At a young age, he wondered if that was normal.
Ang gusto lang naman niya noon ay magkaroon ng oras para mapag-isa. Para makapaglaro mag-isa o magbasa ng libro.
Hanggang sa unti-unti na niyang nauunawaan ang lahat.
His father was a political figure. Labis na humanga noon ang mga tao sa talino nito at kapasidad na gumawa ng mabubuting desisyon. People criticized him for being unable to complete an education. Iba pa kasi noon ang pulitika, hindi madadaan sa pinag-aralan ang kwalipikasyon kung nararapat bang maging tagapag-lingkod sa bansa o hindi dahil sa limitadong kaalaman.
Dahil doon, pinaligiran ni Aries Ferdinand ang sarili ng mga taong sa tingin nito ay higit ang nalalaman kaysa rito. At dahil sa dami ng tao sa paligid ng ama, nakakalapit din ang mga ito sa kanya.
Napupuna siya.
Matalinong bata itong si Virgo, ah, kadalasang naririnig niya sa mga lalaking bumibisita sa opisina ng kanyang ama. Susunod na ba ito sa iyong yapak?
Bakit hindi? Sagot naman ng kanyang ama. Tingnan mo at mukhang nawiwili naman sa pag-upo-upo rito sa opisina ko.
Totoo iyon, naaaliw siya. Marami kasing libro.
Pero hindi naman pulitika ang tinitibok ng kanyang puso.
Kundi ang pagsusulat ng mga nobela.
He loved books and hoped that one day, he would be able to read his own stories.
Hindi. Abogasya ang kukunin mong kurso, Virgo, iyon ang mariin na utos ng kanyang ama.
He did not cry, but Virgo felt that his heart did.
Sinunod niya ang nais ng ama dahil tulad ng mga taong nasasakupan nito, ganoon din ang naging koneksyon ni Virgo rito. He felt that his father is not his father anymore. But the president, that every disobedience would mean a punishment from him.
Another time when he cried was in an audition.
Iba-ibang emosyon ang hiniling sa kanya ng mga casting directors at staffs noon. May isa na pina-arte siya na galit. Mayroon namang isa na gusto siyang umiyak.
He only managed to make tears rim in his eyes. Walang pumatak.
Hindi siya nakapasa noon. Medyo malungkot.
Gusto pa naman niya 'yung role.
Hindi niya ginustong maging rapist. Pero nung mga panahong iyon, ginusto niya dahil sa makaka-trabaho daw niya sa eksenang iyon. Tamang-tama daw pati ang edad niya dahil medyo mas matanda siya sa aktres.
Oh well...
Now here goes the tears again.
Virgo immediately turned and headed toward the door.
Naunahan ang isip niya ng emosyon at mga paa.
Gusto niyang humabol kay Bree.
Nagulat ang mga gwardiya na nakabantay sa magkabilang pader ng pinto. Mabilis na humabol ang mga ito sa kanya.
Abot-tanaw na ni Virgo ang pinto . Tears filmed his eyes, making them glossy.
Tila nanginig ang mga labi niya nang biglang humarang si Jordan.
Sinalubong siya ng pinsan ng ngisi.
Ilang minuto lang at nasa loob na sila ng presidential car.
Nakaupo sa unahan si Greg at ang isa sa mga tauhan ni Jordan.
"Magtatangka ka pa," Jordan scoffed.
Deretso lang ang tingin ni Virgo sa harap. "She's crying."
"Don't worry. People will assume it's me who made your precious Bree cry," maluwag na ngisi ng pinsan.
Hindi niya napigilan ang pagkuyom ng palad.
Inalala niya ang nangyari noong araw na nag-away sila ni Bree.
Dumeretso siya sa office room ng mansyon ng mga Ferdinand. Pinapakalma ni Virgo ang sarili habang pabalik-balik ang isip sa naging palitan nila ng dalaga ng masasakit na salita. He realized how immature he had been. How irrational.
She's an actress. Malamang na isa sa mga dahilan kaya hindi nagse-settle ang babae sa mga lalaking naka-relasyon nito ay dahil inaasahan na nito ang ganoong isyu. Na pag-isipan ng mga lalaking iyon ng masama ang paraan ng pagta-trabaho ni Bree.
There he was, wanting to be different from the men that used to hold her, yet he failed her.
"Bree, Bree, Bree," he murmured. Minasahe niya ang sentido.
His head ached. The very pit of his stomach unsettling.
She had been so supportive of him, kahit na hindi pa ganoon kabuti ang mga plano niya. And what did he give Bree in return? Be jealous?
Tama ang babae, dapat hinahayaan niya na lang ito na gawin ang trabaho. Heto naman siya, 'di ba? Suportado nito. Hindi nito pinapakialamanan kung paano niya gawin ang sariling trabaho.
But she'll lose her job if I pursued my plan... my original plan.
It was hard to believe, but in a twinkling, Virgo changed his mind.
I can't imagine hurting her so much. I can't close down the TV networks here... not when Bree was starting to earn what she worked hard for. Not when Bree was starting to have the opportunities and big break she's dreaming of.
It was a very painful choice.
Maybe, I can postpone my plans. Or just... just find another way.
Siyang bukas ng pinto. Siyang sulpot ni Jordan sa office room na iyon.
"We need to talk," seryosong lapit sa kanya ng pinsan.
Virgo sat straight. "About what?"
"About our plans," tukod nito ng mga kamay sa desk. "You have already won the elections, Pinsan. Congratulations."
"Nagsisimula pa lang ako, Jordan," titig niya rito. "Don't get me started with our plans this early. Kailangan ko pa mag-catch up sa naiwang mga trabaho ng dating pangulo."
"I have to," matiim nitong titig. "Because I am already getting worried."
"Worried about what?"
"About you getting too involved with that Bree Capri."
Tumayo siya. He let out an arrogant scoff. "And what about it?"
Naningkit ang mga mata nito at tumayo na rin ng tuwid. "I guess, you are aware... siya na ang bagong apple of the eye ng PH Channel. Kaliwa't kanan na ang projects niya sa network na iyon. Hindi naman siguro makakaapekto iyon sa plano nating ipa-close down lahat ng mga TV networks na nanira sa ating mga Ferdinand."
Interesanteng inihilig niya ang ulo. "What if I changed my mind about it."
"I knew it," he hissed.
"Maybe, it's not that bad if we don't exact our revenge, isn't it?" mapanghamong titig niya sa mga mata ni Jordan.
"Then what is the point na pinaghirapan natin na maging pangulo ka ng Pilipinas?" nagtitimpi nitong saad. "All the hard work and in the blink of an eye, you're changing plans because of a woman?"
"Hmph," pamewang niya. "Bree went through worse than I did, Jordan. And did she choose revenge?" tama ng mga mata niya rito.
"Nakakalimot ka yata," mainit nitong saad. "The press ruined our family's reputation. They kept spreading false news during Tito Aries' time! Ni hindi nga tayo nakapagtapos ng pag-aaral dito sa Pilipinas dahil kung tatanggapin naman tayo ng mga eskwelahan, binu-bully tayo ng mga kaklase natin. Binubugbog. Sinusubasob ang mukha sa inidoro. Umuuwi tayong sugatan. Palibhasa hindi ka masyadong na-injured dahil lumipad kaagad kayo sa ibang bansa. Eh kami? Akala namin hindi kami madadamay sa problema ninyo! Pero dahil Ferdinand ang apelyido namin, kargo din naman ang galit ng mga tao sa inyo at sa pamilya mo!"
As usual, he chose to be more understanding. As he aged, he learned. And being with Bree taught him a lot about being understanding.
"Pinsan, let's face it. Times have changed," umaasa siyang makakaunawa ito kaya lumapit siya rito. "Ang mga nangyari noong panahong iyon, hindi na mangyayari ulit. Kaya hindi na necessary na ipa-shutdown ang mga TV networks at radio stations na kumalaban sa pamilya natin."
"Alam mo na inosente ang pamilya natin, Virgo," gigil na ito. "Ginusto lang ni Tito Aries na gawing Imperialismo ang bansa dahil nadiskubre niya na pinagtataksilan siya ng mga advisors niya. Hindi niya kasalanan ang mga dinanas noon ng tao dahil wala siyang kamalay-malay—"
"My father has a fault in it," he murmured, realization slowly dawning in. "Aminado siya roon, kahit hindi pa niya ianunsyo sa lahat. Pagkakamali niya ang pagdepende sa payo ng mga advisors niya imbes na maniwala sa pulso ng sarili niyang kakayahan at sa boses ng mga tao. He let his critics get the best of him by attacking his lack of college degree. Wala tayong dapat patunayan sa mga tao. We don't even need to prove our innocence! Because even if my father did not intend to hurt the people he leads, nasaktan pa rin niya ang mga ito. That's the matter, Jordan. That's their deal with us. At kapag ang tao nasaktan, nakakalimot sila sa lahat ng maganda mong ginawa. Nasa atin na ang pag-unawa na ganoon ang nature ng tao, na dapat nating tanggapin iyon."
Ngayon lang niya napagtanto ang mga bagay na ito dahil ilang taon nang iniiwasan ni Virgo ang mga mapapait na alaala na hatid ng pagbagsak ng kanyang ama sa kanilang pamilya. He was steering his feelings away from the pain it caused them. He chose to believe that they were innocent, like what Jordan also did. Masarap kasi sa pakiramdam. Nakakabigay ng assurance na wala silang dapat problemahin.
But now that he was starting to rewind everything that happened, all the things that his father told him to inspire him to be a better politician than him... it started to make sense for Virgo.
"I don't agree. Look at you, you're not hurt. Nasa maganda ka nang posisyon, kaya nakakalimot ka," matalim na titig ni Jordan sa kanya.
Nagtaas-noo siya. "Alam kong hindi mo ito inaasahan..."
"Hindi inaasahan?" bunot nito ng baril para itutok sa kanya.
Hindi niya alam kung matatawa. Bahagya siyang napaatras, naalerto ang napaangat na mga kamay.
"Jordan... put that gun down," kalmado niyang titig sa pinsan.
"Hindi inaasahan?" nang-uuyam nitong ngisi. "I'm one step ahead, Virgo."
Napatiim-bagang na lang siya, pasimpleng pumindot sa aparatong nakatago paloob sa collar ng kanyang damit. It was the same device that will record his voice to let Greg hear him and arrive in case of emergency. Pinalabas lang ni Virgo na hinila niya ang collar palayo sa sariling leeg, kunwari nahihirapan siyang makahinga. "You wouldn't dare fire that gun at me. Pinsan mo ako."
"Kailangan lang kita para sa planong ito," anas nito. "Alam mo, ilang beses akong nag-attempt na mapunta sa posisyon mo. Pero mukhang mas gusto ng mga tao 'yung anak mismo ni Aries Ferdinand. I'm just his nephew, what's so interesting with that, right? Kahit nga ang puta mong si Bree, ganoon ang tingin sa akin, 'di ba? I'm just a mere nephew of Aries Ferdinand, kaya mas pinili ka niya. Hindi ba?"
Virgo could not focus anymore. Wala masyadong pumapasok sa isip niya mula sa mga sinasabi ni Jordan dahil palipat-lipat ang atensyon niya sa hawak nitong baril at sa mga salita nito.
"Isang pagtataksil itong ginagawa mo, Virgo," patuloy nito. "Pagtataksil ito sa ating pamilya! Hindi ako makakapayag na hindi mo bigyan ng hustisya ang ginawa nila sa atin! Lahat ng paghihirap na pinaranas nila sa atin! Lahat ng diskriminasyon! Lahat ng pangyuyurak nila sa pamilya natin! Pamilya tayo, Virgo! Pero sino ang pinili mo? Ano ang pinili mo?"
Humigpit ang kamay ni Jordan sa baril. Lalo tuloy siyang kinutuban ng masama.
Nagsasalubong na ang mga kilay niya dahil wala pang mga gwardya na sumasaklolo sa kanya. Greg should have already heard their noise. Greg should have barged in and checked what was going on.
Napansin ni Jordan ang pagsaglit ng kanyang paningin sa saradong mga pinto kaya mahina itong tumawa.
His eyes returned to his cousin.
"Ano?" hilig nito ng ulo. "Nagtataka ka kung bakit hindi pa tayo pinapasok ng alalay mo?"
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano ang ginawa mo kay Greg?" anas niya.
Maluwag at nakakaloko ang mala-demonyo nitong ngisi. "Wala naman, Pinsan. Papuntahin mo pa si Greg dito."
Lalo siyang kinutuban ng hindi maganda.
"Greg," mahigpit niyang anas.
Ilang minuto pa at dumating na ito kasama ang iba pang mga tauhan ni Jordan.
Isang sulyap lang ng pinsan sa mga ito at tinutukan na siya ng baril ng mga lalaki.
Kasama sa mga iyon ang tila nag-aalangan pa na si Greg.
He gave his bodyguard a glare that could kill— if not Greg's physical body, then his conscience. Ni hindi nito masuklian ng tingin ang binigay niyang titig.
"You see, Pinsan," baba ni Jordan ng baril dahil nakatutok na naman sa kanya ang baril ng mga tauhan nito. "Sometimes, we belittle the middle part of the group, isn't it? Like, the guards."
Mayabang itong humakbang palapit sa kanya.
"You focused on getting the favors of the poor— the lowest people in the dynamics here. And then, the higher ups. But what about your guards?"
Naningkit ang mga mata niya.
May dahilan kaya hindi ina-attach ni Virgo ang sarili masyado sa kanyang nagiging mga guard. Sa loob ng ilang taon sa pulitika, napagtanto na niya na sila ang pinaka-temporary na tao sa kanyang mundo.
These guards would fight for him to death. Taga-salo ng bawat bala na gustong ibaon sa kanya ng mga kalabang businessman o pulitiko. Hindi niya maikakaila na kasama sa mga kalaban niya ang mga negosyante dahil may mga agenda siya na hindi makakabuti para sa mga illegal nilang transaksyon.
Having any kind of emotional attachment with his guards would not do him any good. It would hurt him when they die. And the bitter truth is that, in the world he lives in, he didn't need that kind of pain to distract him from his plans.
At mukhang naobserbahan iyon ni Jordan sa kanya.
"Greg wasn't pleased with how much you pay him," ngisi nito. "Kaya nung nalaman naming pinapamanmanan mo ako sa kanya, nakipag negosasyon ako. Madali naman akong kausap. At ganoon din naman siya."
His eyes narrowed.
"Ngayon, itutuloy mo ang plano natin. Dahil alam mo naman siguro na hindi kita mapapatay. Dahil kailangan kita para tuparin ang paghihiganti para sa pamilya natin."
Nakaramdam siya ng panginginig dala ng sobrang galit.
Ng sobrang panggigigil.
Nakuyom niya ang kamao.
"Alam mo ba kung sino ang sasalo ng bawat atraso mo, Virgo?" kislap ng tuso nitong mga mata.
He gritted.
Natawa ang lalaki sa galit na nagpapadilim sa kanyang mukha.
"Who else? But the other person who knows our plans other than us?"
"I thought you liked Bree," he hissed.
"I did," ngisi nito. "But it won't be so bad to kill her after I use her, right? Paninigurado lang na hindi dudulas ang kanyang dila kapag pinutol mo na ang anumang relasyon na mayroon kayo."
"You can't force her," he hissed.
"I know, that's why I'll do it the smartest way. It's either she keep her mouth shut for my sake when she falls for me, or... she'll bury our plans six feet deep with her."
"Gago ka," nagpipigil niyang anas dito.
Humalakhak lang si Jordan.
Now back in the present, Virgo just kept his mouth shut after everything that Jordan told him. Again, he won't be involved if people see Bree crying. They will assume it was Jordan's fault.
Pero hindi naman iyon ang isyu roon.
The issue was, it made him feel like crying too.
To see her stream that much tears, just because of him.
Pero iyon lang ang naiisip ni Virgo na paraan. Tama ang dalaga. May kung ano silang koneksyon na tila nababasa nila ang iniisip ng isa't isa, nararamdaman ang takbo ng damdamin ng isa't isa.
Kaya sa mga sinabi niya, makuha sana ni Bree ang mensahe na dapat itong lumayo.
Lumayo ito kay Jordan.
Virgo knew that his cousin would assume that if he drive Bree away, Bree would keep begging for Jordan's help to get closer to him. Ang hindi alam ni Jordan, hindi ganoong kababang klase ng babae si Bree.
Bree would not chase him after everything that he said.
Virgo made sure of that.
Walang paalam itong maglalaho, one of these days. Magpapahinga. Hihilumin ang sugatang puso.
Then she would bounce back, stronger than before.
That's her.
That's his Bree.
Sana nga lang, hindi magbago ang ihip ng hangin.
Hindi sana pairalin ni Bree ang katapangan.
Like what she said, they seemed to read each other's feelings and thoughts sometimes.
Kapag napagtanto na ng dalaga na kailangan niya ng tulong, baka hindi ito mag-atubiling sumaklolo sa kanya.
He would not bear it if something happens to Bree just because of him.
Gusto man niyang sabihan ito ng totoong sitwasyon, nananainga ang mga guards na tinalaga ni Jordan para magbantay sa kanya. This was a problem where he needed to strategize. If he tries to escape, he may be able to run away with Bree, but his family's safety in Malacañang would be at risk. Nakapaligid sa kanila bilang security team ang mga tao ni Jordan.
Virgo finally understood why his cousin was putting all that effort in having this so-called security agency.
He shoved in a deep breath. Maybe that would help stop the tears intending to fall down his cheeks.
Manager Ken... 'yung binilin ko sa iyo.
.
.
.
ABALA SI MANAGER KEN sa cellphone. Paano kasi, sunod-sunod na ang tawag dito tungkol sa pagkuha kay Bree bilang endorser ng kung anu-ano— mula sa shampoo hanggang sa napkin. May iba naman na humihiling na mag-guesting sa isang TV show. Mayroon ding interview request.
Maloloka na yata ito. Kalbo na ako pero feeling ko, may ikakalbo pa ako. Kaloka!
Yet, he was happy.
"May appointment kasi ako ngayon," paliwanag ni Manager Ken sa kausap. "Pwede ba na
Pagkababa ng cellphone, natanaw na nito ang lalaking nakaupo sa café na iyon.
The man was finely sculpted, muscles bulged in the right places of the black polo shirt and slacks he was wearing. Medyo nakaramdam ng pagkahiya si Manager Ken.
Diyos ko, 'day, may syota ka na, talandi ka! saway nito sa sarili bago nakaapuhap ng ngiti na ibibigay sa ka-meet nito sa café na iyon.
"Hi," ngiti nito sabay abot ng kamay sa nakaupong lalaki. "I'm Ken!"
Tumayo ang lalaki at nakipagkamay dito. "Good afternoon. I'm Marco."
Maingat na nagpalipat-lipat ng tingin sa paligid si Manager Ken. "From Buenos Mafios, right? A security agency?"
Ewan ba ni Manager Ken kung bakit sinusunod nito ang suhestiyon ni Virgo na sa security agency na may wirdong pangalan siya daw dapat kumuha ng bodyguard para kay Bree. Matagal na iyon sina-suggest ng lalaki, nung stalker pa ito ni Bree pero hindi nito sinusunod..
Kasi nga stalker ito ni Bree. Kahit dala pa ng pagmamahal ang ginawa ng Virgo na iyon, stalker pa rin ang dating kay Manager Ken. Gusto na naman nitong mag-cringe nang maalala iyon.
Ngayon, gusto nitong kumuha ng guard para kay Bree para hindi basta-bastang nagpupupunta ang babae kay Jordan o kay Sir Kaiser. Isa lang naman itong simpleng manager na nag-aalala para sa talent nito. Lalo na kung kasing kulit ni Bree na hindi nito ma-gets kung ano ang plano sa lovelife nito.
Kung papatol ba si Bree sa thunders na si Sir Kaiser o gaganti sa Presidente ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpatol sa First Cousin.
Diyos ko, wala na yatang pag-asang tubuan ako ng buhok dahil kay Bree!
"Sir Ken?" usig dito ng lalaki kaya bumalik ang manager sa reyalidad.
Alanganin ang naging tawa nito. Nakakaloka at Sir Ken agad ang tawag ng binata sa kanya. Feeling dominatrix ang peg nito. Sinaway na naman ni Manager Ken ang sarili at ang pinapairal na kalandian.
Umupo na ito.
"Hi, Marco," pagseseryoso nito. "My talent needs a bodyguard."
"We already expected your call," malumanay at magalang nitong saad. "Na-endorse na po kayo sa amin ni Presidente noon pa."
Nagdududang naningkit ang mga mata ni Manager Ken. "Don't tell me, ire-report niyo lahat ng galaw ng alaga ko sa Presidente. Aba, akala ko ba, may Mayor Cheska na siya?"
Marco gave Manager Ken a slight smile. "May confidentiality agreement tayo, Manager Ken. We can have a signing once you've made up your mind. Nasa agreement na iyon na mananatiling pribado ang anumang nangyayari sa client namin."
Napaisipsi Manager Ken.
.
.
.
***
AN
Good evening, everyone! <3 <3 <3
Medyo revelation ang dating ng chapter na ito hahaha, but oh well... I think it's time for that! <3 Anyways, bukas na lang ako magbabawi sa kulang kong 2 chapters today. Something happened kasi at sa comshop lang ako ngayon nag-type. So... yeah. HAHAHA! <3
Babawi ako bukas T^T I know you've waited so much for today's updates kaya sorry kung isang chapter pa lang tonight.
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro