Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47: Anger

SA TINGIN NI BREE, walang personal na Facebook account si Virgo. She tried searching for it while waiting in the dressing room today. Mayroon itong FB Page, pero nag-aalangan siyang mag-send ng message doon. Baka admin ang makabasa. Ini-off na lang niya ang cellphone at nilisan ang kinauupuan. Sumilip naman si Manager Ken sa kanya mula sa pinto.

"Sigurado ka bang hindi ka na sasabay sa akin ng uwi?" nag-aalala na naman ito.

"I'll be fine."

"Bree," sumilip pa ito sa labas para maniguradong walang nananainga sa kanila, "hindi ako nagkulang ng paalala sa iyo. Si Sir Kaiser tapos ngayon, 'yung Jordan na iyon? Hindi ka pa ba nadala sa inyo ni Ano?"

Alam niyang si Virgo ang Ano na tinutukoy nito.

"I know what I'm doing," matamlay niyang ngiti rito.

"Bree, pakiusap," anito bago tuluyang umalis.

At kaya ko nga rin sinasabi sa iyo ngayon lahat-lahat, Manager Ken. Para kung sakaling may mangyari sa akin... titig pa rin niya sa nilisan nitong pinto.

Hinintay lang niya na mag-text si Jordan bago lumabas ng building. Bree immediately got inside Jordan's car. Inutusan ng lalaki ang driver na magmaneho na paalis ng tapat ng gusali ng PH Channel. Then, he gave her a loose smile as he turned to her.

"Hi," bati nito. "Masyado mo yata akong na-miss?"

"Totoo ba?" pigil ni Bree ang sumabog nang salubungin ang tingin nito.

His face crumpled slightly with worry. "Totoo ang alin?"

"Is Virgo dating Cheska?"

Bree immediately swallowed. Muntik nang manginig ang kanyang boses, pero nanunuot ang panginginig na iyon sa lalamunan niya... sa kalamnan niya... sa kanyang buong katawan. Chills crept within her, scattering like poison in every fiber of her body. It's making her feel tensed and cold.

"Bree..." tila naaawa nitong titig sa kanya.

"Huwag mo nang pagtakpan ang pinsan mo," mariin niyang saad. "Sabihin mo sa akin!"

"Don't worry..." Jordan shrugged. "Cover up lang iyon ni Pinsan, panigurado. Para wala nang mag-involve sa kanya sa kung sino-sino."

"Cover up?" her pitch slightly raised. "With that woman? Seseryosohin ng babaeng iyon 'yung ginagawa ni Virgo!"

Napaiwas na lang ng tingin ang lalaki, nagkibit-balikat.

"Dalhin mo ako sa kanya," tutok ni Bree ng paningin sa harap.

"Bree..." reluctance was in Jordan's tone.

"Ang sabi ko," diin niya, "dalhin mo ako ngayon kay Virgo. Kung hindi, goodbye kayong mga Ferdinand sa iniingatan ninyong imahe."

Nagpakawala ang lalaki ng malalim na buntong-hininga.

.

.

.

MINASAHE NI VIRGO ANG SARILING SENTIDO. Nakaupo siya sa opisina mula kanina pang umaga hanggang ngayon na magta-tanghalian na. He only had coffee and bread for breakfast. He knew that work can wait for his breakfast, after all, he only slept for a few hours and woke up at four in the morning— he had a lot of time; kaya lang, wala talaga siyang gana.

He already checked the documents left for him. Sa ngayon, kausap niya sa telepono ang dating pangulo na si Timoteo.

"I still don't understand kung paanong nanghihingi na naman sila ng budget," aniya habang nakasilip sa nakalapag na papel sa mesa. "You already approved 15 Million for this project, right?"

Yes. Nasa filing cabinet ng mga approved budgets ang kopya nung pinirmahan ko.

"They don't attach a breakdown for where they spent that 15M? Ang nandito lang ay breakdown kung para saan 'yung hinihingi nilang dagdag na 2.5 M."

Well, you can just clarify it to them.

Virgo rechecked who needed the budget and let out a groan.

It was Mayor Cheska Fidel.

Ang 2.5 Million budget na hinihingi nito ay pandagdag pondo para sa pinapatayong maliit na eskwelahan sa Manila. Despite the Mayor's successful renovation of the streets and traffic issues in the city, it ate up a lot of Manila's budget from taxpayer money.

"And isn't this supposed to be submitted by DepEd? Idadaan muna sa DepEd, right? May budget na ang DepEd, at sila dapat ang magre-release."

*You approve that one, then the Manila City Hall will send it to DepEd, para i-release nila 'yung budget na hinihingi nila.

Virgo let out a patient sigh. "Yeah, right," mariin niyang pikit.

Are you okay? mahinang tawa ng kanyang kausap. Kaya pa?

"I'm okay," he sighed again, Virgo open his eyes and mindlessly flipped the pages of the documents. Nakatutok doon ang mga mata niya pero wala roon ang isip. "Thank you."

Ano ba, anytime! And I am expecting you'll call... I am glad you called. May iba kasi na nahihiyang magtanong sa previous president kapag nasa posisyon na. I am glad you know how to double check, after all, I'm the one who initiated that project, you can always ask me to be familiar with it and what I've done about it.

"Thank you," tuwid niya ng upo.

Have some lunch, President. You don't sound good.

"I will," matamlay niyang ngiti. "Thank you."

Pagkatapos ibaba ang cellphone, muli siyang bumalik sa pagta-trabaho. Inalis na naman ng dalawang naka-Barong na gwardiya sa pinto ang paningin sa kanya.

Then his phone rang.

"Hello?"

Hi, bati ni Mayor Cheska, nag-lunch ka na?

Bagot na sulyap ang binigay niya sa suot na relo. "It's only 11:30."

Exactly. At bibiyahe pa tayo papunta sa restaurant, you should be on the way right now.

Minasahe na naman niya ang sentido. On the way? Wala naman silang usapan ng babae na sabay silang magla-lunch.

Look, I'll just send you the address of that restaurant, okay? Doon tayo sa seaside. At this hour, tahimik sa place na iyon. Kadalasan naman kasi na gabi dumadagsa ang mga diners sa resto na iyon.

"Fine," he sighed. "Just let me know kung malapit ka na. I'll be over."

Great! See you.

Binaba na niya ulit ang cellphone.

"Maybe, I should also ask her about this 2.5 M extra budget," he murmured.

.

.

"ARE YOU SURE you want to see him?" lingon ni Jordan sa kanya. "I'm already starving, we should have lunch first."

"Pagkatapos ko siyang makausap," irap niya rito. "Please lang."

Naiinis siya. Parang pinapasikot-sikot lang kasi siya ni Jordan para lang magbago ang isip niya tungkol sa pakikipagkita ngayon kay Virgo.

"But they are going to be in this restaurant," he sounded worried. "It's a public place."

"So?" baling niya ulit dito. "Since nagpapanggap na rin naman tayo na may namamagitan sa atin, hindi naman siguro masama kung may makakita sa atin na kasabay ang pinsan mo at ang date niya na mag-lunch."

His eyes looked shocked.

"Hindi ba?" she pressed.

"Please, huwag kang mage-eskandalo doon."

"I'll just talk to your cousin," Bree smiled sweetly. Dangerously sweetly.

This is another reason why she did not push Jordan away. Alam niya na pwedeng gamiting option ang lalaki para makalapit siya kay Virgo at makausap ito. If Virgo didn't want to answer her calls and messages or see her personally, then she would do it for him.

.

.

"HI," tayo ni Cheska sa tapat ng mesa kung saan nakaupo si Virgo.

His eyes were still on the menu, his peripheral vision at the guards securing the entrance door of that private dining area reserved just for them.

Naghintay pa yata ang babae na ipaghila niya ng upuan bago ito nagkusa na paupuin ang sarili. Cheska sat across him, in her white blouse and pencil skirt. Maayos na nakapusod ang buhok nito. Her make-up was lightly applied with a subtly pink lipstick.

"How's work?" masayang tanong ng babae sa kanya habang binubuklat ang menu card.

"The waiter will back in fifteen minutes, we should order first," pirmi niyang sagot.

Ngumiti lang ito at sinunod siya. After the waiter got their order, doon na hinarap ni Virgo ang dalaga.

"I hope you don't mind if I ask, paano kinulang ang 15 Million para sa school building project na ini-propose mo last year?"

Mahina itong tumawa. "Virgo... we're having lunch. Ngayon mo pa ba ako itatanong about work?"

"That's why I'm hoping you won't mind, right?" sarkasmo ang mahihimigan sa kanya.

"Look, why don't we just talk how we can convince people that we are really dating?"

"Because I'm busy," direkta niyang sagot. "Maraming trabaho ang naiwan para sa akin. I want to focus on that."

"You can't focus on that kung inaatake na ng mga tao ang personal life mo," malumanay nitong saad. "And now, where's that Bree Capri? Hooking up with an older man at Alabang yesterday?"

Naningkit ang mga mata niya.

"Alam mo naman sa trabaho natin," she spoke with a sympathetic tone, "dapat laging updated sa current events. I just saw that article accidentally."

"I saw it personally," malamig niyang saad, "which means, you telling me that news is not necessary since it's of highest possibility that I already know it before you did."

"You must be really hungry, you're easily upset," tila naaawa naman ito ngayon sa kanya.

"Because you just have to answer my question, kung saan-saan mo pa dinadala ang topic."

"Virgo, we won't get along if you keep resisting."

"Resisting what?"

"Our set-up."

"Mga guards lang ang nandito ngayon. Do we still have to roleplay in front of them?"

"Practice makes perfect," ngiti nito.

Tumanaw na lang si Virgo sa pinto. Dumating na sana ang order nila.

Pero hindi waiter ang pumasok doon, si Jordan.

Kasama si Bree.

.

.

VIRGO SAID SOMETHING that made Cheska smile. Iyon ang nadatnan ni Bree nang marating ang restaurant na kinakainan daw nito kasama ang Mayora. Panghihina ang nararamdaman niya. Sobra-sobrang pagkokontrol kasi sa sarili ang kumakain ngayon sa kanyang lakas. She needed to keep a straight face, and just swallow how embarrassed she was feeling right now.

She was ashamed because Cheska was there, giving her a look.

Hindi man alam ni Cheska na siya si Claire, alam naman ni Bree, kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkapahiya dahil pagkatapos ng mga pinagsasasabi niya rito, nasaan siya? Heto siya, ang talunan.

"Hi," masayang bati ni Jordan sa mga ito kaya sumunod na lang si Bree sa lalaki, nakangiti. "I hope you don't mind if we have our lunch here too?"

Tumayo si Cheska para bumeso rito. Then her eyes returned to her. Nilagpasan nito si Jordan para lapitan siya.

"Hi," ngiti ng babae sa kanya, "Bree."

Wala sa loob ang pag ngiti niya rito. "Hello."

"Nice meeting you!" hindi pangkaraniwan ang sigla nito at bumeso sa kanya pagkabati. "You're stunning!"

Stunning in what? In a pair of jeans and white, stretchable halter neck top?

"Ikaw rin naman," ganti niya rito.

"You know what?" lapit nito ng mukha sa kanya para makabulong. "'I highly disapprove those photos of you and Jordan. Pretty scandalous." Sumulyap na ito sa dalawang lalaki na seryosong nag-uusap. "But I am happy for the two of you, by the way. I am glad, hindi kinahiya ni Jordan 'yung pagkalat ng ganoong mga photos ninyo."

"We're not yet naked in those photos, kaya wala siyang dapat ikahiya roon. He should be thankful, hindi sex video ang kumalat," and Bree knowingly smiled, pertaining her lines to Virgo... not Jordan.

She was hoping Virgo heard.

Nasulyapan ng peripheral vision niya ang klase ng titig na binigay sa kanya ni Virgo.

Maybe, he heard.

May nag-iba sa timpla ng mukha ni Cheska. Napaatras ito. Tila may nasaling si Bree sa babae kaya lumambot ang mukha nito.

Two chairs were finally added. Apat na sila ngayon sa mesa na iyon. Magkatabi sila Bree at Jordan, si Virgo at Cheska naman sa kabila. Magkakatapat ang lalaki sa lalaki, babae sa babae.

It was the most awkward place to be.

Hindi pa nakakarating ang order nila, tumayo na si Virgo.

"I'll just smoke a bit," paalam nito. Hindi na naghintay ang lalaki ng sagot nila at nilisan ang mesa.

Awtomatikong sumunod sa lalaki ang mga gwardiya nito.

Napatanaw na lang si Bree sa pinto na dinaanan nito.

He looks mad... mad at what I did.

Pagbaba niya ng tingin, nagtama ang mga mata nila ni Jordan. He gave her a nod.

Ibig sabihin... cue ko na ito para makausap ng sarilinan si Virgo?

He smiled and gestured using his head for her to follow Virgo.

Tumayo na siya at bumaling kina Cheska at Jordan. "I'll be in the ladies' room."

At nagmamadaling umalis na siya.

Pinanlakihan ng babae ng mga mata si Jordan.

"Relax," ngisi nito. "Habang kausap mo si Bree, sinabihan ko na si Pinsan. There's nothing to worry about."

"Nothing?" simangot nito. "Alam mo naman siguro kung ano ang binabalak ng babaeng iyan."

"I know, and I'm letting her self-destruct." Jordan looked around. "Damn, why bring him to this place?"

Tumaas ang isang kilay ng babae. "Paano? And yes, I brought him here kasi mas malaki ang chance na makita kami ng mga tao rito."

Jordan nodded in approval and answered her question, "You know, Virgo only has two choices," ngisi nito. "Ang isahan tayo o itaboy si Bree. He'll choose Bree's safety first, of course." Mahina itong tumawa. "As if he can make Bree run away."

"If she did not run away, ano pang silbi nitong plano mo ngayon?"

"If she did not run away, lalo siyang didikit sa akin. Kukulitin at kukulitin ako na makita si Virgo. And I'll ask for something in return, of course," malisyoso ang naging ngisi nito. "Hanggang sa mag-sawa siya sa kakadedma sa kanya ni Pinsan. At sa akin niya ibaling lahat ng... pananabik."

Doon lang naka-relax ang babae.

"Kaya ikaw," pagseseryoso na ni Jordan, "galingan mo."

"How can I? Ang hirap makuha ng cooperation niyang pinsan mo."

"Eh, 'di..." ngumisi ito, "pagtiyagaan mo. Mananabik din iyon... Hindi makakatiis... If you know what I mean."

She breathed in deeply. "I have to be ready then."

"Yes, you do," ngisi nito. "Prepare to enjoy. I've seen how my cousin does it in that car with Bree."

Sumama na naman ang timpla ng mukha nito. Nag-iwas ng mukha sa lalaki. She was so green with envy her soft face crumpled.

Mahinang natawa lang si Jordan sa babae. "Magsi-CR lang ako. Dito ka lang at baka dumating na ang order natin."

"What? You're all leaving me here?"

"What?" nakatindig na ito. "I have to make sure na hindi tayo maiisahan."

Nagbaba na lang ng tingin ang babae.

Nakangising iniwanan na lang ito ni Jordan.

.

.

PUMUSLIT SI VIRGO sa likuran ng restaurant na iyon. Sumunod sila Greg at ang isa pang guard na orihinal na tauhan ni Jordan. Sumandal siya malapit sa nilabasang pinto. Pumuwesto naman sa magkabilaan niyon ang mga gwardiya. Bree looked around and saw the guards, kaya tumungo rin siya roon.

She gave Greg a look. "Greg," maluwag niyang ngiti, "kakausapin ko lang si... si Mr. President."

He gave her a polite nod. Tinuro nito ang pinto.

"Salamat," kabadong ngiti niya. There was just something cold about Greg. Ni hindi siya nito magawang ngitian.

Hindi naman talaga palangiti sa kanya si Greg, pero parang iba lang sa pakiramdam ang titig ngayon nito sa kanya.

Nang makalabas sa likuran ng restaurant, hindi niya agad nakita si Virgo. Nagulat tuloy siya nang malingunan na nakasandal lang pala ito sa pader katabi ng bukas na pinto. He was not smoking, just casually leaning against the wall as if he really waited for her to arrive.

"V-Virgo..." harap niya sa lalaki.

"What do you think are you doing here?" his eyes narrowed at her, his tone was low yet disapproving.

"Gusto lang kita makausap."

"Now I'm here. What else are do you want to say?"

She took in a deep breath. "Virgo, sa tingin mo ba makakatulong talaga itong set-up na ito? Pinapalabas natin na kay Jordan ako nakikipagkita, at ikaw naman, kay Cheska?"

He stared at her as if his eyes was searching something within her soul.

"Hindi ba nakatulong? Wala nang mga isyu, 'di ba? Wala namang pakialam ang mga tao kay Jordan, at bagay naman kami ni Cheska, 'di ba?"

Bagay?

Bagay?

Tears filmed in her eyes. "Virgo, si Cheska... seseryosohin n'un ang set-up ninyo. You can't pretend with someone who will do something para mahulog ng totohanan ang loob mo sa kanya."

Nakatitig lang ito.

"You should know now, na may gusto sa iyo ang Cheska na iyon. Nung kinausap niya ako sa party, halatang-halata naman kahit hindi niya direktang sabihin sa akin."

"At ano iyon sa iyo kung may gusto siya sa akin?" lapit nito sa kanya.

The look in his eyes weakened her knees. She could not see Virgo hating her, he was rather upset and troubled.

"Muntik na tayong madiskubre, Bree," patuloy nito. "Sinuwerte tayo at nagawan natin ng paraan—"

"Kaya ayaw mo na?" nginig ng kanyang boses.

Humalo ang pagkabigla sa intensidad sa mga mata ng lalaki.

"Kaya ayaw mo nang makipagkita sa akin? Kaya pinapaubaya mo na lang ako sa pinsan mo—" panlalambot niya, halos pigil ang hininga.

"Akala ko, alam mong mahal kita?" naiiyak niyang saad nang makahugot na ulit ng lakas ng loob. "Bakit ganito? Bakit bibitawan mo na ako?"

Tumitig lang ito.

"You already rejected me, Bree. Mukhang masaya ka na naman na na-recognize ka na ng network mo, 'di ba?"

"You think I rejected you? Ang gusto ko lang naman, huwag muna natin ilagay ang sarili natin sa sitwasyon na mapapahamak tayo! Dahil handa ako maghintay na matupad mo ang mga plano mo bago kita makasama! Dahil ayokong makasira sa mga plano mo... sa mga pangarap mo... At iyon din sana ang nararamdaman mo para sa akin! That you will allow me to live my dreams... even if it's just for a short while... just within your six years of term, Virgo! Bakit ganyan?" pigil niya sa sarili na maiyak. "For once, naramdaman ko, Virgo, na hindi ko kailangan ng salita para maunawaan mo ang posisyon ko? Ang iniisip ko at nararamdaman? You just look at me and you already know the questions running in my mind... the ideas I am having... Bakit binigyan mo ako ng ganoong feeling?"

Hindi siya nito sinagot. But there was something tortured within him with the way his eyes softened and stared at her.

"Akala ko ba, mahal mo ako? Bakit hindi ka nakapaghintay? Tinuruan mo akong mangisda, pero bakit hindi mo ma-apply iyon sa sitwasyon natin? Ang maghintay? Ang maglublob ng pain sa mga kalaban natin at maghintay na sagpangin nila iyon? Akala ko ba, partner tayo? Kukunin natin ang PH Channel, 'di ba? Kukunin natin ang hustisya mula sa mga paninirang ginawa nila sa akin, sa iyo at sa pamilya mo."

"I lied," he hissed, fighting his surging emotions. "I lied. Hindi ko gustong i-acquire ang network na iyon, Bree. Ginamit lang kita para magkaroon ako ng insider view tungkol sa kung paano tumakbo ang network na iyon para magkaroon ng ideya kung paano ipapasara iyon."

She froze, tears rimming her eyes. "V-Virgo..."

"Dahil sa iyo, may ideya na ako kung anong mga shows sa network na iyon ang pwedeng gamiting basis para maidiin na biased sila," anas nito. "Dahil sa iyo, may ideya na ako sa baluktot na pamamalakad ni Kaiser Peralta." His eyes were glossy. She did not know what emotion caused them. Mula sa galit at paghihiganti ang mga salita ng lalaki, pero hindi iyon ang bumabahid sa nanghihina nitong tinig. "Madidiin ko sila ngayon bukod sa taxes nila. I'll shut them down, Bree."

"Pero Virgo..." iyak niya, "mawawalan ako ng trabaho kapag... k-kapag ginawa mo iyon..."

"Kaya nga binibitawan na kita," he hissed. "Ayaw mo namang iwanan ang trabaho mo, 'di ba?"

"Hindi!" she blurted. "Alam ko, alam ko na hindi iyan ang totoo! Hindi iyan ang dahilan kaya ginaganito mo ako! You're understanding, Virgo! Mababaw lang para sa malalim mong pang-unawa ang mga dinadahilan mo ngayon sa akin!" Tears streamed down her cheeks. "Para kanino mo ba ito ginagawa? Sino ang nagtutulak sa iyo?"

"Ayaw mong maniwala?" his emotions were on rise. "That's the original plan! Isang news center lang ang ititira ko rito! Handled ng gobyerno na network. Monitored ang bawat shows. Lahat ng nanira sa amin, dudurugin ko, Bree. Iyon ang totoong plano! Me, acquiring PH Channel? It's just like taking over those crooks' legacy! Sa tingin mo, maaatim ko iyon?"

Napailing-iling siya. "Akala ko pa naman... papatunayan mo lang na... na mabuti kang tao... iyon pala..."

"I have more plans, Bree. Get ready for changes," madilim na banta nito.

Tumango-tango na lang siya.

"Mahal mo ako, Virgo, kaya alam mo kung ano itong binibitawan mo. Sana... S-Sana hindi mo pagsisihan itong mga ginagawa at gagawin mo, Virgo," yakap niya sa sarili habang basang-basa na ng luha ang mga pisngi, kita sa hirap niyang magsalita ng maayos ang paghihirap ng kanyang kalooban. "Sana hindi bumalik ang lahat ng ito sa iyo. Sana 'yung mga taong pinag-aalayan mo nitong mga pinaggagagawa mo... sana ma-appreciate nila." Humalili ang galit dahil hindi niya matanggap na ganito ang kahahantungan nila. "Sana matanggap ka nila... at ni Cheska... ang lahat ng baho mo. Dahil... D-Dahil ako... alam ko ang lahat! Lahat ng plano mo, lahat ng baho mo, alam ko, Virgo! If they are scaring you, then you should be more scared of me! Of what I can do!"

His eyes looked pleading.

"Alam mo kung ano ang kaya kong gawin! I don't care if I cause a scandal or controversy, matagal na akong walang pakialam sa mga mapanirang tao anuman ang sabihin nila! Wala naman talaga akong pakialam kung ayaw ng mga tao sa akin, 'di ba? Ilang beses na ba akong pinagtsismisan? Siniraan?" Mapait niyang ngiti habang dumadausdos pa rin ang mga luha. "Nagkaroon lang naman ako ng pakialam dahil sa iyo! Dahil iniisip kita! Lagi kitang sinasaalang-alang! Iniingatan kita! Ayokong masira ka sa mga tao, Virgo!" Her voice lowered now, slightly wavering. "Dahil mahal kita."

Hindi niya napigilan ang pagpatak ng mga luha nang masabi iyon sa lalaki kalakip ang buong puso niya at damdamin. Pakiramdam ni Bree, kaawa-awa siya, tila nagmamalimos ng pagmamahal at pansin ni Virgo sa pagbubuhos ng mga pinagsasasabi niya rito.

Kaya tumakbo na siya paalis.

She ran straight out of that restaurant, tears streaming her eyes.

Alam ko na naman, 'di ba? Alam ko na naman in the first place na baka ginagamit lang niya ako... Bakit ang sakit pa rin? Bakit ang sakit-sakit?

Mainit ang pumalit na panibagong hibla ng mga luha sa kanyang pisngi.

Her eyes were blurry with tears as their memories flashed in her mind— how Virgo took care of her after having a blackout and vomiting in that yacht, how they stargazed, how they united on a sunset, in his car, in her own bed... Piniga ng mga alaala ang puso niya, at parang basahan iyon na nagpapatak ng tuloy-tuloy sa kanyag mga luha.

Pinunasan niya agad ang mga luha at kumaway ng taxi.

As she rode the backseat, Bree was reminded of whereit all started... in the backseat of Virgo's car. She kissed the lips that lied to her, and what made her cry more was the confirmation that she still wanted him. She wanted those lying lips.

Those lips started all these miseries she heavy on her chest right now. Labis ang panghihinayang niya noon sa mga labi ng lalaki. Laging sigarilyo ang humahalik sa mga iyon. She decided that night that if he wanted, he could allow her lips to be his new vice.

And sadly, like every other vices, she was one of those that Virgo already quit on because he thought she would be bad for him.

.

.

.

***
AN

Good morning everyone! <3 <3 <3

Maaga ako nagising today and I am feeling better naman so, yes, I wrote this chapter! Alam ko na hindi siya masaya, pero sana na-enjoy niyo pa rin. At least now, nakabawi na ako sa kulang kong isang chapter kagabi! hahaha~

Kitakits this Friday para sa continuation ng story ng #BreeGo <3

And please, note: 'Yung may asterisk na part, hindi ko sure na ganyan talaga ang proseso for budget approval kapag pinahabol or padagdag lang. I tried to search via Google 'yung process pero wala akong mahanap na reliable source, so for now, (and since this is a "fictional" story) let's assume that one is legit in this story's universe lang hahaha~

With Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro