Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46: Denial

NANG MARATING ANG SUITE na tutulugan, umupo agad si Bree sa gilid ng kama at ini-connect ang cellphone sa wi-fi. Mga isang buwan na rin siyang hindi nagche-check ng social media accounts niya dahil a) umiiwas siya sa mga bashers, b) wala naman siya masyadong kaibigan na celebrities kaya hindi niya kailangang maging updated, at c) hindi niya nakalakihan ang paggamit ng social media kaya hindi siya na-hook sa panay-panay na pagche-check o pagpo-post.

Nag-log in na siya sa Facebook, wala siyang makita masyado na mga posts na related sa kanya sa Newsfeed. Wala rin namang nagta-tag masyado sa FB page niya. Pero updated ang mga posts doon dahil kay Manager Ken, ang nag-iisang co-admin niya sa page na iyon.

Puro mga larawan lang naman niya ang pino-post nito para i-update ang mga fans niya. One photo was a stolen shot of her shooting a scene for a TV series. Nahagip ng picture ang mga crew at camera na kinukuhanan ang eksena na magkatitigan sila ni Jason.

May litrato din ng kanyang mga guestings, at ilang mga larawan na aware siya at kinuha sa dressing room, matapos siyang ma-make-up-an. May kuha din ang manager niya na picture niya habang sumusuntok sa boxing pads. Hindi niya mapigilan ang mapangiti.

Nitong nakaraang mga buwan lang, halos stagnant ang FB page niya dahil wala masyadong ganap kundi ang shooting sa pelikula niyang The Righteous One. Hanggang sa napo-post na roon ang ganda niya noong premiere night. There was a side view shot of her throwing a flying kiss. Nahagip ang imahe ni Virgo mula sa kabilang dulo ng red carpet na matiim ang pagkakatitig sa kanya. A hint of his lips about to smile was there too.

Bree shook her head. Naalala niya ang tunay na pakay kaya nag-online.

She typed her name on the browser. She paused. Sinunod niya na ang pangalan ni Virgo.

At doon na lumabas ang iba't ibang search results:

Is PV Dating a Sexy Star?

Mysterious Date of the President: Revealed?

PV and Bree Capri Viral Photos

The President's Secret Affair

Binuksan niya ang link para sa PV and Bree Capri Viral Photos. Napasinghap siya sa accuracy ng mga larawan. Accurate dahil alam niya na sila talaga ni Virgo ang mga nasa larawan. Medyo madilim ang kuha sa kotse, pero alam ni Bree na sila iyon, mula sa suot niyang puting-shirt at ayos ng buhok, kahit nakatalikod siya sa camera. Bahagya niyang natatakpan ang mukha ni Virgo habang naghahalikan sila sa kotse nito. It was that night when they sneaked away from that boxing gym.

May larawan din niya na bumaba siya mula sa kotse ni Virgo at suot ang Maria Clara gown.

Nanlulumong naibaba niya ang cellphone.

Paano namin ito ie-explain?

Bree could not relax after that. Halos lahatin na niya ang pagbabasa ng mga article at blogs tungkol sa mga larawan nila. May mga naniniwala na may involvement sila ni Virgo, mayroon namang hindi.

May mga commentary na interesting couple sila; mayroon namang nagdududa na seryoso sila sa isa't isa- Bree Capri has been rumored these past few years to be the showbusiness' instant girl, rumored for one-night stands and scandalous sex sprees from co-actors to directors; and it will be really disappointing if the new President is really involved with the sexy star. It would change our mind about seeing the President as this young, decent gentleman that we thought he is.

And another article: If these rumors are true, then it shows that PV in pre-marital affairs which, frankly, is not the best thing to have for a person who represents our country that has a strong and big population of Catholics who firmly believes in decency when it comes to sex and marriage.

One of the articles she read also said: We wish these photos are edited.

And: Whoever thought of involving the President with the notorious sexy starlet should be ashamed for being disrespectful.

And: This is a work of a basher.

The last article that Bree read goes: There seems nothing wrong if these viral photos are true. People, in powerful position or not, are entitle to their own choices. But it's hard to imagine that a relationship with a girl who goes around and a man as decent as the President would last. There will also be problems if our conservative culture would allow a woman as liberated and femininely empowered as Bree Capri to represent as the President's partner, if not the First Lady.

.

.

.

.

PINILIAN SI VIRGO ng mas pribadong table sa rooftop restaurant ng hotel na kanyng tinuluyan. He requested to be alone, but his guards would not settle being too far. Abot-tanaw pa rin niya ang mga ito, nakaharang sa kanyang mesa habang napapasaglit ng tingin ang ilang mga diners sa kanyang direksyon.

These guards are well-paid, madilim ang anyo na titig niya sa nakatalikod na mga lalaki. Naninigurado sila na hindi ako magkakaroon ng contact sa kahit sino.

His eyes returned to his food. Nandito si Bree. Kasama ang Kaiser Peralta na iyon.

Sumimple siya ng sulyap sa kasama sa dining table na si Jordan. Masigla ito at maganang kumakain.

I'm sure, Jordan has an idea that they're here. Kaya ito ang pinili niyang hotel na tulugan namin. Maingat na sumubo siya ng pagkain at inalis ang mga mata sa pinsan. Maipilit lang talaga niya ang gusto niyang mangyari.

But I have to know if my assumptions are right.

"I saw Bree," basag niya sa katahimikan.

Natigilan ang pinsan. Kulang na lang ay mabilaukan bago dumeretso ng upo at nanlaki ang mga mata sa kanya.

"She's here?"

Okay. He didn't know.

Pigil niya ang mapangisi. Conscious na nagnakaw ng tingin sa paligid ang pinsan. Akala yata ngayon niya nakita si Bree, sa mismong rooftop restaurant na iyon.

Dama niya ang pagka-alarma nito.

"Don't worry. Mukhang nag-work naman ang pagtaboy mo sa kanya," pinilit niyang manatiling relaxed habang sinasabi iyon. "May kasama na siyang iba. Nakita ko sila."

"Ooh," paling ang ngisi nito. "In this hotel?"

Damn. Hindi ko na pala dapat sinabi sa kanya. Paano kung hanapin dito ni Jordan si Bree?

Tinuloy na niya ang pagkain.

"Kung anuman ang binabalak mo, alam mo ang magiging consequences, Pinsan," Jordan's threat was subtle.

"Alam mong hindi ako magtatangka. Binanggit ko lang sa iyo na nandito si Bree para pagsabihan ka. Huwag na huwag mo siyang gagalawin."

Pilyo ang naging ngisi ng lalaki.

Damn.

.

.

BREE WAS WONDERING WHERE VIRGO WAS STAYING. Napapagod na siyang isa-isahin ang mga pasilyo ng hotel na iyon. She wondered around the restaurants pero hindi na rin niya naabutan pa si Virgo kung kumain man ito sa isa sa mga iyon.

Hindi na rin siya nagtagal pa sa mga restaurants dahil pinagtitinginan na siya ng mga tao. Bree decided to head by the poolside. Nakatanggap siya ng text message mula kay Manager Ken kung bakit hindi na siya bumalik ng Manila, lalo na at may training pa siya sa gym. They just had a short phone call before Bree felt alone again.

Nakaupo siya sa isa sa mga pool benches doon, nakaharap sa swimming pool na may asul na tubig.

Gumagawa naman ng paraan si Virgo para makapuslit, 'di ba? Para mapuntahan ako... makausap.

Sumulyap si Bree sa hawak na cellphone, pero hindi iyon in-on.

Kailangan ko siyang makausap ngayon. May mga pictures na kami sa internet. She sighed. Sinubukan naman naming maging discreet, 'di ba?

Her eyes squinted upon seeing a familiar silhouette approaching her. Hindi alam ni Bree kung paano aayusin ang sarili, kung paano ia-approach ang lalaking palapit sa kanya, umikot ito sa pool para makalapit sa kanya. Nakasuot na ang lalaki ng jeans at polo shirt, malayo sa Barong na halos suot ng lahat ng mga kasama ni Virgo kanina.

Inokupa ni Jordan ang pool bench na katabi ng kinauupuan niya.

"Hi," malumanay nitong bati.

"Hi." Nag-aalala siya na baka usisain nito kung bakit hindi na siya nakipagkita ulit sa lalaki. Baka rin may idea na ito tungkol sa mga larawan nila ni Virgo sa internet. Kaya naman, nanunukat pa rin ang titig niya rito.

"It's cold out here," anito. "And you're also alone."

Isa sa mga dahilan kaya wala nang katao-tao sa poolside ay ang lamig ng panahon. It was already July, the rainy season was slowly approaching. Nababalita na rin sa TV ang namumuong mga bagyo na ang direksyon ay patungo sa Pilipinas.

"I'm alright," alanganin niyang ngiti sa binata. "Gusto ko lang umupo rito at magpahangin."

"I hope you don't mind, if I tell you why I am here," anito.

Umiwas ng tingin si Bree sa lalaki. Medyo malabo ang repleksyon nila sa asul na tubig ng swimming pool na kaharap niya.

"I don't mind," sagot niya.

"Totoo ba 'yung... 'yung tungkol sa inyo ni Pinsan?"

She stiffened.

"I mean... si Virgo... the President."

Sana hindi rinig ni Jordan kung gaano kalalim ang ginawa niyang paghinga ngayon.

"I'm just concerned," anito. "Siguro naman... may idea ka kung ano ang tingin ng tao sa issue ninyo... doon sa nagkalat na mga pictures. Some are even thinking na may mas mahalagang mga bagay na dapat inaasikaso si Pinsan pero... sorry for the term, pero pakikipaglandian daw ang inaatupag."

Tumuwid siya ng pagkakaupo.

"There's nothing between us."

"Eh... paano 'yung mga pictures?"

"Iyon ang hindi ko alam."

Nahihirapan si Bree na saluhin ang titig nito sa kanya.

"You know," nanatiling kaswal ang pananalita nito, "you can just admit it to me."

Inirapan niya ito. "Eh mukhang alam mo na naman pala ang sagot, bakit tinatanong mo pa sa akin?"

"Easy!" natatawang taas nito ng mga kamay. "I just don't want to alarm you..."

Inalis na niya ang mga mata rito. Humigpit ang kapit ni Bree sa kanyang cellphone.

"Look, nandito ako dahil inutos ni Pinsan."

Doon na umahon ang interes para sa kanya. Nilingon niya agad si Jordan.

"Pinapunta ka sa akin ni Virgo?"

He nodded. "Alangan namang coincidence ang pagpunta ko rito sa poolside."

Humarap na siya ng pagkakaupo rito. "Bakit ka niya pinapunta sa akin?"

Mabigat ang naging pagbuntong-hininga nito. "Eh... sasabihin ko pa ba sa iyo 'yung saktong dahilan?"

"I want to real reason," mataray niyang taas ng kilay dito.

Jordan was here again with his awkward laugh. "Eh... he wants me... to distract you."

"Distract me?"

Paano'ng distract? Naguguluhan pa siya.

"Huwag mong sabihin sa kanya, ha?" Jordan leaned closer to her. "Huwag mong sabihin na sinasabi ko sa iyo kung ano itong pinagagawa niya sa akin. Gusto ko lang namang sabihin sa iyo kasi..." he shyly looked away, "... kasi ang sagwa naman kung sasakyan ko ang trip niya. I have respect for women. I just can't... I just can't lie... you know," balik ng mga mata nito sa kanya.

Sa mga sinasabi ni Jordan, may ideya nang pumapasok sa kanyang isip. Nakakaramdam na si Bree ng panlalambot.

"Sabihin mo na lang sa akin," mahina niyang usal.

"Dahil ito sa nagkalat na mga pictures," ani Jordan. "Nase-sense mo naman siguro na iniiwasan ka ngayon ni Virgo."

Totoo iyon. Malungkot siyang napayuko.

"Parehong ayaw ninyo na ma-isyu, kaya ang plano ni Pinsan, palabasin na ako ang kasama mo sa mga pictures."

"Ikaw?" angat niya ulit ng tingin dito.

"Yup," Jordan shrugged. "Iyong naghatid sa iyo sa bahay nung Inaugural Ball? Kunwari ako na lang daw ang kasama mo, hiniram ko lang 'yung... 'yung kotse ni Pinsan. Tapos, faux date ka na lang daw ni Pinsan. Iyon ang palalabasin para reasonable, kasi wala naman ako sa party."

Nage-gets na ngayon ni Bree. Kahit papaano, heto at gumagawa si Virgo ng paraan para tulungan siyang matago ang involvement nila. Babaligtarin nila ang kwento. Palalabasin nilang si Jordan ang kasama niya sa mga pictures. Pero paano 'yung mga pictures na kita ang mukha ni Virgo?

Siguro naman... naisipan na iyon ng idadahilan ng lalaki.

"What do you think?" Jordan sounded breathy with tension.

Tumitig si Bree sa mga mata nito.

"Sana makisakay ka na lang. Pamilya namin ang lagot nito, eh, kapag nasira ng issue na ito ang imahe ni Pinsan."

"Kunwari," yuko niya, "nag-succeed tayo. Napaniwala natin ang mga tao na walang namamagitan sa amin ni Virgo... ano na ang mangyayari?"

He sighed heavily. "Bree..."

"Sinabi ba niya sa iyo?"

"Kung iniisip mo na matutuloy pa rin kung anuman ang involvement ninyo..."

Bree looked at Jordan who just slowly shook his head. His sad eyes stared deeply into hers.

"Bree..." patuloy nito. "Ayaw na ni Virgo."

Bumagsak ang mga balikat niya.

"Mahirap daw pala," dagdag ng lalaki. "Iyon lang ang sinabi niya sa akin. Na nahihirapan na siya."

Nahihirapan ba siyang itago ang involvement namin? O nahihirapan siya dahil sa mga sinabi ko sa kanya nitong nakaraan?

Bree unconsciously placed a hand on her chest. It was as if her heart broke. She wanted to reach her heart and securely hold it together... if only she could.

"Tell me, Jordan," higa na lang niya sa pool bench, umusog tuloy ng upo ang lalaki para makatitig pa rin sa kanyang mukha. "Bakit ganoon, no? Ano nga ba ang masama kung ma-involve kami sa isa't isa?"

Bree stared at the dark, somber sky. Sobrang itim, walang kabitui-bituin, at naglalakbay ang kulay abong mga ulap doon. The chill of the wind caressed her face.

"Alam ko... ang pangit ng image ko. Kung kani-kaninong lalaki na ako pumatol, ganoon... pero hindi ba pwedeng isipin nila na what if nagbago na ako? What if this time... isang lalaki na lang ang gusto ko? Isang lalaki at siya lang at hindi na ako magkakagusto pa sa iba."

Nakaharap pa rin sa direksyon niya si Jordan, pero umiwas ng tingin ang mga mata nito sa kanya.

Nilapat ni Bree sa dibdib ang cellphone at inipit iyon ng sariling mga kamay.

"Ang imahe ng tao... wala naman iyon sa mga ginagawa niya, 'di ba? Naka-depende ang imahe ng tao sa kung ano ang tingin ng ibang tao sa mga ginagawa at sinasabi niya. Kung maganda ba o pangit ang pagkakaintindi ng mga tao sa ginawa nila..."

"Eh ganoon talaga," malungkot na kibit-balikat ng lalaki, nakatanaw sa malayo. "We're in a society where... we have to survive. Survive by pretending we're acceptable to their standards, or get bashed for being real. You're a celebrity. I think you know what I'm trying to say, Bree."

Bree closed her eyes. "So, iyon lang? Papalabasin natin na tayong dalawa, Jordan, 'yung talagang nagde-date?"

"Why not? We already went out before, remember? Niyaya kita noong mag-dinner."

Humugot siya ng malalim na paghinga.

"Virgo said he believes you're a great actress. You can do it."

Nanatili siyang nakapikit, nakahiga sa pool bench na iyon. Bree gave a slight nod while still frozen in that position.

.

.

.

***

.

.

.

"MAHIRAP DAW PALA. Iyon lang ang sinabi niya sa akin. Na nahihirapan na siya."

Bree opened her eyes.

"There!" atras ng make-up artist.

Panibagong araw na. Nasa dressing room siya at inaayusan para sa interview niya sa talk show ni Frenchie.

She had been to this show before, where Frenchie slyly asks her about Krista. Kung tatanungin siya ulit nito tungkol kay Krista, iba na ang magiging pakiramdam niya. Sigurado doon si Bree.

At hinahanda na rin niya ang sarili kung sakaling maisipan nito na tanungin siya tungkol sa mga viral photos nila ni Virgo.

"Hello, Bree!" masayang salubong nito sa kanya.

Bree stepped in from the backstage. She wore a pair of white high heels and changed to a shimmery champagne-colored tube dress. Nagbeso-beso sila.

"You look fabulous!"

"Thank you," was her soft reply.

Maybe she does look fabulous, but she didn't feel like it. Mahirap maramdaman iyon kung hindi naman siya pinapansin na ni Virgo. Kung isang isyu lang, binitawan na agad siya ng lalaki. Makakaya pa niya kung gusto lang nito na pagtakpan ang involvement nila, pero hindi... tuluyan na rin nitong pinutol ang koneksyon nila.

Makakaya pa niya kung sasabihin ng lalaki na maghintay siya rito. Maghintay siya na mapagtagumpayan ang mga plano nila, then they can be together.

Hindi ba iyon naiisip ni Virgo?

Umupo na siya sa couch na nakalaan para sa kanya. Frenchie occupied the other across the table between them.

"Whoa, Bree Capri, look at you. From whirlwind romances to whirlwind career boost!" masigla nitong saad. "Ever since The Rightful One, I see that you've been so busy lately."

Alanganin ang ngiti niya. She didn't even feel like smiling. "Yeah... It's also a little tiring, but I love it. I love what I do and I love the projects I am having right now."

"I sense the stress, you're speaking softer now."

Ngumiti lang siya.

"Ang balita ko, mga projects ni Krista raw ang mga sinalo mo, kaya sunod-sunod bigla ang trabaho mo. Does that mean, ikaw na ang reyna ng sexy roles?" excited nitong bungisngis. "Do you think you have already dethroned Krista?"

She smiled. "You know, I love Krista. Sometimes I hate her, because she's been so challenging. Ang hirap niyang pantayan, sa totoo lang. She's a great actress, too."

Hindi nito inasahan ang kanyang sagot. Ewan ni Bree kung bakit napasandal ng dahan-dahan ang babae at napaawang ang mga labi.

"Oh, that's nice."

"But it is worth it, 'yung pag challenge niya sa akin. Napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko, at napatunayan niya sa sarili niya na kaya kong saluhin ang mga trabaho niya. So, if she is unable to do the projects, I feel that she is hoping na pinasa niya 'yung project sa tamang tao. And to know that it's me, I believe she's relieved. Kasi, I know, deep inside, that Krista didn't want to disappoint her fans or the directors and staff na maiiwan niya."

"That's a little refreshing, considering the hush-hush for years na may rivalry daw kayo."

Bree giggled. "Ano'ng rivalry? 'Yung parang Nora at Vilma lang o 'yung talagang magkaaway as in, in person?"

Tawanan.

At sunod-sunod na ang naging palitan nila ng tanong at sagot ni Frenchie. Mula sa pag-isa-isa sa mga pinag-cameo-han niya lately na mga TV series, ang mataas na kinita ng The Rightful One at ang latest cover niya sa isang men's magazine. Everyone gasped in awe when her magazine cover appeared on the LCD screen. Naka-pose si Bree na nakataas ang dalawang braso. She looked carefree and laughing while her luscious waves covered the middle portion of her bare breasts. A string of pearls were the only cover between her thighs.

"Oh, my God!" tila naeeskandalo pero tuwang-tuwa naman na reaksyon ni Frenchie.

Natawa na lang siya.

"You look stunning! Are you really 38?"

Napayuko siya. "Oh, thank you."

"July na July, ganyan ang magazine cover mo, pahabol ba ito sa summer?"

But the hottest questions were always reserved at the last part of every interview.

"Now," ayos ni Frenchie ng pagkakaupo, "alam mo naman siguro na hindi rin ako nahuhuli sa mga latest na isyu. I don't care how controversial it is, we want the truth, Bree, kaya, I hope you don't mind if we ask you about this."

Lumingon ito sa LCD screen at lumabas ang mga larawan nila ni Virgo.

"True or False: Kayo ba ni President Virgo ang nasa mga pictures?" balik nito ng tingin sa kanya.

Memories began to scramble in her mind. Flashes of images and echoing of words. Naghalo ang mga masasayang alaala nila ni Virgo na pinapaalala ng mga larawan. Ang paghahalikan nila sa kotse nito at pagbibiruan, ang paghatid nito sa kanya pauwi mula sa Inaugural Ball, ang mga sinabi ni Virgo kay Jordan na nahihirapan na ito. Dumagdag pa roon ang naging sagutan nila ng lalaki nung nagselos ito sa kanila ni Jason.

Bree was not proud of her answer. She could not smile about it.

"Ako," aniya. "Ako 'yung girl... 'yung lalaki... H-Hindi siya iyon..." pagak ang tawa niya. "Paano naman kami magkakasama?" harap niya kay Frenchie.

"Pero 'yung dress na suot mo sa isang photo, iyon din ang suot nung girl na date daw ni President nung Inaugural Ball."

Napayuko siya. "I am really dating Jordan," she looked at Frenchi's face and she was relieved to see that the woman looked shocked but convinced. "Nakiusap nga siya na ako ang mag-proxy na date ni Mr. President. Kaya nga ang kapal ng make-up ko noon, para walang makakilala sa akin."

"So you are really there!" Frenchie gasped.

"Oo. But it's Jordan..."

"Jordan?"

"Yeah, pinsan siya ni President. He's Jordan Ferdinand."

"Siya 'yung kasama mo sa pictures?"

Bree reluctantly nodded.

"Really?" titig ulit ng babae sa mga larawan.

"You know," sulyap na rin niya sa mga larawan. "May angle lang siguro na hawig sila. Magpinsan sila eh."

Hindi umimik si Frenchie pero tumango-tango bilang pagsang-ayon

"At... at nakiusap siya na mag-proxy ako na date ng... ng presidente. We all know that the President is single. At the same time, priority niya ang bansa, wala siyang time these days makipag-date. At alam mo naman ang pride ng mga lalaki, minsan..." she awkwardly smiled and shrugged.

"Well, we're not sure about that," ngiti nito. "May kumakalat ngayon na pictures na nagde-date na sila ni Mayor Cheska ng Manila."

Everything stopped for Bree since Frenchie said those things.

"At dahil parang presidential cousin ka na rin naman," tuwang-tuwa nitong bungisngis, "siguro naman, updated kayo ni Jordan sa presidente natin! Mag-share ka naman. Totoo ba na nagde-date sila?"

She just stared at Frenchie.

.

.

.

***

AN

Uh-Oh~ hahaha! There we go, I hope na-enjoy niyo 'yung mga updates today ;) <3 Kitakits sa same UD sched next week (Fri to Sun)... pero baka nasa mood ako mag-UD bukas ;) Let's see hahaha~

Kitakits ;) <3

With Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro