Chapter 45: Kaiser
"IUWI MO AKO... Iuwi mo ako..." mahinang tugon ni Krista kaya malakas ang pagkakabuntong-hininga ni Bree. After that sigh of relief, Bree turned to her manager to help. Nilakihan na rin ng gwardiya ang pagkakabukas ng gate at sinikap na matulungan sila sa pagbuhat kay Krista.
Makikita sa salas na nakahanay na roon ang ilang mga maleta. Hiniga nila ang dalaga sa sofa, bahagyang nakasandal ang likod sa arm rest niyon. Nanghihinang umayos si Krista ng pagkakaupo.
"Do you need anything—" Bree gasped. "Tubig!" she turned to Manager Ken.
Hindi man nito kabisado ang bahay ni Krista, nagmamadaling umalis ito para ikuha ang babae ng tubig. Umupo naman siya sa tabi ng babae, pinasadahan ito ng tingin.
"How are you?" abot ni Bree sa braso nito.
Tinabig nito ang kamay niya. "I'm fine. Kailangan ko lang kumalma," sunod-sunod ang paghinga nito ng malalim. "Umalis na kayo."
Napasulyap si Bree sa mga bagahe nito. "Saan ka pupunta? Ang dami mong dalang gamit."
"It's none of your concerns, Bree," she hissed.
Kadalasan, ginagantihan niya si Krista kapag ganito ang asta sa kanya; pero ngayong nauunawaan na ni Bree ang lahat ng pinaghuhugutan nito, mas pinili niya ang maging mapag-unawa. She internally groaned. Gaya-gaya na ba siya ngayon kay Virgo? Na puro pag-unawa na lang ang ginagawa para sa kanya?
"I'm sorry sa ginawa ko," nahihiya siyang tumingin sa babae. "Eskandalosa, I know. Pero kung hindi ko iyon gagawin, hindi ka magpapakita sa akin."
"Huwag na huwag kang magpapapunta ng reporters dito sa bahay ko," mariin nitong saad, sapo ang puson.
"Of course," titig niya rito. "Hindi ko naman talaga gagawin iyon, gusto lang kitang makausap."
"Tungkol saan?" iwas nito ng tingin.
"Krista..." paano niya ba malalaman kung galing nga dito ang package? "Ano ba ang nangyari? Bakit binitawan mo lahat ng projects mo?"
Nanatili itong tahimik, nasa ibang direksyon ang tingin.
She let out a sigh. "That's not you."
"I know."
"You won't give me any opportunity... na makuha 'yung mga projects mo."
"Bakit hindi ka na lang magpasalamat?" Krista turned to her. "Ayan na 'yung mga gusto mong makuha. Ayan na 'yung mga oportunidad na ilang taon mo nang pinaghirapan para makuha."
Napayuko siya. "But it will be unfair for me... to have this things if I don't really deserve them."
"You deserve them," matabang nitong wika.
Nanatili itong nakayuko, pero nakaangat na ang mga mata sa kausap.
"You deserve them. Karma ko ito," tears filmed in Krista's eyes as she shoved in a deep breath. Dama ng babae na magiging emosyonal na naman ito kaya pinapakalma ulit ang sarili. Her breathing was measured. "All these years, hinaharang ko lahat ng projects na pwedeng mapunta sa iyo. All with Sir Kaiser's help."
She nodded.
"Pabor sa kanya kung ako ang makakakuha ng mga projects naman, kasi, nasa network na ang loyalty ko. Simula nung... nung may nangyari sa amin. Ayokong may makaalam n'un, kaya... kaya pinangako ko ang loyalty ko sa kanya. Alam ko, ayaw din ni Kaiser na may makaalam, pero alam ko, pwede niyang baligtarin ang kwento para palabasin na ako ang masama kapag nagsawa na siya sa akin... Kaya hindi ko pinahalata sa kanya na iyon talaga ang dahilan kaya nangako ako ng ganoon. Sa loob ng ilang taon, bago ko siya nakilala, natutunan ko na kapag alam ng isang tao ang kahinaan mo, o mga kinatatakot mo... gagamitin nila iyon laban sa iyo kapag nagipit sila." Krista stared into her eyes. "Kaya ang sinabi ko na lang sa kanya, magiging loyal ako sa network kung ibibigay niya lahat ng projects na gusto ko."
"And he did," Bree added.
"Oo. Pero kapalit niyon... katawan ko ang kapalit niyon," she looked away. "Nandidiri ako sa sarili ko. Walang paligo ang makakaalis sa mga ginagawa niya sa akin. Kahit pumatol ako sa ibang mga lalaki nang hindi niya alam... nanunuot pa rin sa akin kung paano ako angkinin ni Kaiser..." her lips shuddered. "Sa kanya ko nakita na ganoon ang mga lalaki... na madadaan mo sila sa ganoon para makuha mo ang gusto mo... Kaya masasabi mo na rin na... na at some point, naubusan ako ng faith sa sarili ko. Ang natira na lang, ay kapag ginamit ko ang katawan ko... makukuha ko ang gusto ko. Tulad na lang ng sinabi nila na ginagawa mo."
Bree's eyes landed on Krista's hand that was over her belly. Gusto niyang hawakan ang babae sa kamay, iparamdam dito na magiging ayos din ang lahat.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ganito... ganito ang mga kailangan kong danasin?"
"Tulad ng sabi ni Manager Ken, napunta lang tayo sa maling mga tao," gagap niya sa kamay ni Krista na ikinagulat nito. Bree placed another hand on top of their hands.
"Kahit ganoon... wala naman akong pagsisisi," ani Krista. "Nakuha ko naman 'yung career na gusto ko, 'di ba?" mahina nitong tawa sa pagak na boses. "Pinahirapan ko na rin naman ang buhay mo dahil sa panloloko mo sa akin."
She knew it was a lie. Bree knew that Krista was trying to console herself.
Tulad kasi ni Krista, ilang beses na iyong ginawa ni Bree sa sarili.
They lie to themselves that things were good. But no matter how great they can act and pretend in front of everyone, they can't apply the same thing to themselves.
"Hindi kita niloko," naluluhang salo niya sa titig nito. "Nagkamali lang ako ng akala... I've been too optimistic, Krista."
"Umalis ka na," alis nito ng kamay sa pagkakahawak niya.
"Saan ka pupunta? Kailan ka babalik?"
"Ewan ko," baba nito ng mga paa sa sahig. "Bahala na."
"Ano'ng bahala na?" Tumayo si Bree nang tumayo na ito. "Ang dami mong dala!"
"Kung hindi na ako bumalik, then you can celebrate."
"Krista," sunod niya rito.
At saka lang kumilos si Manager Ken na kanina pa nakikinig sa kanila habang hawak ang tall glass ng tubig.
"Krista, uminom ka muna..." anito.
"Leave me alone already."
"Bakit ka aalis?" matiim niyang nood sa pagkilos ng babae. "Nabuntis ka ba ni Sir Kaiser?"
Natigilan ito.
"Krista."
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung sino," iyon lang at pumanhik na ito sa grand stairs para kunin ang iba pang mga gamit.
Natatakot si Bree sa kondisyon ng babae kaya hindi na niya ito kinulit pa.
"Sige. Paalam."
Mabilis na sumunod sa kanya si Manager Ken palabas ng townhouse na iyon.
"Hindi mo tinanong ang tungkol sa package," paalala nito.
"No need," bukas niya sa pinto ng kotse. "Nakita mo naman siya, 'di ba?" lingon ni Bree dito. "Wala siya kondisyon para gawin iyon sa akin, para manakot o magpadala ng ganoong package."
At sumakay na siya.
Manager Ken immediately returned to the driver's seat and started the car.
"So, uuwi na tayo?"
"Sige," sandal niya sa backrest ng upuan. "Tapos, sana, i-set mo ako ng meeting kay Sir Kaiser."
Namilog ang mga mata nito. "Seryoso ka ba?"
"I'm sure he'll be glad to see me," titig ni Bree sa harap. "Kung ako ang isusunod niya kay Krista, dapat mapag-aralan ko na siya." She turned to her manager. "Hindi ko pa ba nasasabi sa iyo? I've been with different men all these years, alam ko kung paano sila gamitin. Basta mapag-aralan ko lang sila ng mabuti."
"As your manager, I advise you to not go on with that idea," pinausad na nito ang sasakyan. "Nakita mo naman ang nangyari kay Krista. Tinapon nang mabuntis."
"That won't happen to me," her smile was faint upon remembering Krista's somber face. "Alam ni Krista ang ginagawa niya; if she went through what I did, she's already smart enough to make sure no one can impregnate her."
"What do you mean?"
"I think she's in love with Kaiser."
"Ha?" napasulyap ang nagulat na manager sa kanya.
"You see," buntong-hininga ni Bree, habang pinagtatagni-tagni ang lahat, "malamang, sinadya niyang mabuntis para mapikot si Sir Kaiser."
"And that didn't work. Mukhang hindi naman nag-work, 'di ba?"
"Kasi matanda na siya," patuloy ni Bree. "Mga nasa 60s na siya, 'di ba? Kaya paano niya mapapaniwala si Sir Kaiser na siya ang nakabuntis sa kanya? Posible naman... with careful planning, Krista could make sure he will father her child... pero sa tingin ko, aware din si Sir Kaiser na pumapatol siya sa ibang mga lalaki... kaya naman..." napayuko siya.
"Kaya ngayon, lagot ka, dahil ikaw na ang target ni Sir Kaiser," masungit ang tono nito.
"Kaya nga gusto ko na siyang makita," Bree murmured.
.
.
.
***
.
.
.
HUMINTO SI VIRGO sa tapat ng isang bukas na bintana sa Malacañang nang makitang may nakadapong ibon doon. It was a black-striped white dove. Patuloy siya sa pag-aayos ng cuff sa kaliwang pulsuhan habang inaalala si Bree dahil doon.
"Virgo," lapit sa kanya ng pinsang si Jordan na tulad niya, nakasuot din ng puting Barong. "Handa na ang presidential car."
He turned to his cousin. "Nagawan mo na ba ng paraan ang tungkol sa mga nag-leak na pictures?"
Jordan grinned. "Alam mo naman ang media pagdating sa ating mga Ferdinand, mga walang patawad."
"Kung hindi mo magagawan iyan ng paraan, sa iba ko ipapatrabaho," pagdidilim ng kanyang anyo.
"Come on, Pinsan, ginagawa namin ng mga tao ko ang best namin. Hindi naman kami pwedeng magbanta sa kanila. Media iyan. At mas malalakas na ang loob nila. Hindi na sila tulad ng dati na pwede mong daanin sa death threats para makuha ang gusto mo."
"Pwede mo naman sigurong gawan ng paraan ang files nila. Mabura 'yung mga pictures. Manakaw kung saang memory card naka-save."
"Pinsan, naka-post na nga online, 'di ba?"
"At hihintayin pa ba nating mag-viral iyan?"
Jordan smirked. "Ginagawan ko na ng paraan, okay?"
Naglalakad na sila palabas ng Malacañang. "Ang hindi ko maintindihan," aniya, "paano nila nakuha 'yung mga litratong iyon?"
Ang tinutukoy ni Virgo ay ang larawan noong hinatid niya si Bree pauwi mula sa Inaugural Ball. There was a photo of their silhouette in the back seat of the car, faces close to each other. The other was with Bree walking toward her house, wearing that Maria Clara gown. May kasama pa iyon na larawan nila ng dalaga na naghahalikan sa kotse noong sinundo niya ito sa boxing gym. May comparison din ang mga larawan sa kuhang litrato nila ni Bree nung Inaugural Ball at halos hindi ito makilala dahil sa ginawang make-up.
"Obviously," Jordan answered, "may mga taga-media na nasundan ang kotse ninyo."
"We used my private car, Jordan," baba ni Virgo sa grand stairs. "At maagang pinauwi ang media at press. Hanggang dinner lang ang in-allow natin na maging coverage ng mga report nila."
"Malay mo, nakaabang sila sa mga kotseng palabas ng Malacañang."
"And they figured out that my private car is worth tailing to, because they are sure I'm in it?"
Jordan was left with nothing to say. "Now, I'm confused too, Pinsan."
Hindi na umimik pa si Virgo. Abot-tanaw na nila ang presidential car.
"Look, pwede mo namang aminin na lang, 'di ba? Na may namamagitan sa inyo ni Bree," he shrugged.
"I can't," he sneered.
"Why not? It's rude if you'll tell me na kinahihiya mo siya."
Huminto si Virgo at hinarap si Jordan. "Kahit kailan, hindi ko siya kinahiya."
"But you're hiding her," ngisi nito.
"Because I respect her. I can't walk around and announce that we're only having sex. And that's our only relationship," he hissed.
Yes. That's their only relationship.
At hanggang ngayon, ang sakit-sakit para kay Virgo na aminin na iyon at hanggang doon pa lang ang nararating nila ni Bree. Sa kabila ng lahat ng pago-open up sa isa't isa, sa mga panakaw nilang pagtatagpo na walang trabaho, estado o balakid ang kayang pumigil... iyon pa rin ang label nila.
"I can tell everyone she's my girlfriend," dama ni Virgo ang panginging ng mga kamay. "But she doesn't want it. She's has other priorities. Gumaganda na ang career niya, she doesn't want people to judge her and affect that. She also wants something better for my image, lalo na at nagsisimula pa lang ako sa pagiging Pangulo. She's not ready."
At tinuloy na niya ang pagpanaog sa hagdan.
"Then, maybe, we can do a little cover up."
Nanatili lang siyang nakikinig sa pinsan.
"Para lang mawala na sa isip ng mga tao ang involvement ninyo ni Bree sa isa't isa."
Pinagbuksan na siya ng pinto sa backseat ni Greg.
"Ayaw mo naman siguro na lalong sumama ang loob sa iyo ni Bree kapag lumaki itong isyu tungkol sa inyo, 'di ba?"
His jaws tensed. Napaisip si Virgo.
"We can tell everyone that it's all a big misunderstanding. Na ako ang laging kasama ni Bree, nahawigan lang sila sa atin."
His eyes narrowed.
"And... we can make people believe that you're dating Mayor Cheska," makahulugang ngiti nito. Sinamantala ni Jordan ang pananahimik niya at hindi paglingon dito. "That won't be bad, right? At sa mga sinabi mo naman, Pinsan, mukhang lumalabas na hindi naman magiging big deal kay Bree itong gagawin natin. Mas pabor pa nga sa kanya, since she has already rejected you being her boyfriend."
Sumakay na si Virgo ng sasakyan. Mabilis na sinara ni Greg ang pinto at tinanguan si Jordan bago inokupa ang driver's seat.
.
.
.
***
.
.
.
BREE MADE SURE THAT BEING DECENT WON'T DROWN OUT HER SEXINESS. Umikot-ikot siya sa harapan ng salamin para sipating mabuti ang hitsura niya, suot-suot ang kulay asul na cross-front halter neck dress. Yumakap ang tela sa hubog ng kanyang katawan hanggang sa mga hita. Her upper abdomen was slightly visible due to the top's design.
Nakaladlad ang kanyang buhok, pero tulak sa likuran ng kanyang mga tainga para makita ng mabuti ang kanyang mukha. Her lips were painted bright red. Her eyes were smoky, applied to attract Kaiser Peralta.
The white high heels elevated her height. She slung a chain-strapped shoulder bag and Bree was ready to go.
Nag-aalala man si Manager Ken, napakiusapan niya ito na huwag nang sumama pa. Kaya ang driver lang ang kasama ni Bree sa sasakyan, tahimik as usual, trabaho kung trabaho lang.
Mahaba-haba ang biyahe. Hindi talaga kasi pumayag si Kaiser na makipagkita dahil may afternoon golf game daw ito sa Alabang. Pero nanaig ang impatience niya. She decided to compromise, na siya na mismo ang sasadya rito. So from Manila, she arrived to Alabang around 7 in the evening. Sobrang late na siya, pero umaasa na naroon pa rin si Kaiser. Hindi naman nagre-reply sa kanya ang lalaki kapag tine-text niya kung nasaan na siya at kung bakit male-late.
The car turned around a block, and Bree already had a glimpse of the hotel's restaurant where they would meet. It had big glass windows, the size of a wall and paneled. Golden chandeliers hung and cozy, patterned cream-colored seats scattered around. Iyon din ang tumambad kay Bree nang marating ang restaurant.
She felt clueless, feeling the heavy stares from everyone she passes by. Mula sa ilang mga staff hanggang sa mga customers. Kung gusto ng mga ito na magpa-picture, okay lang naman sa kanya. Pero hanggang tingin lang ang ginawa ng mga ito.
A waiter assisted her to Kaiser's seat, which was beside one of those big glass windows.
Tumayo ang lalaki para humalik sa likod ng kanyang kamay.
"Good evening, Sir," upo ni Bree.
"Good evening," upo na rin nito, maluwag ang ngiti.
He wore a pair of cream-colored slacks and a white striped polo.
"I already had some wine," angat nito sa wine glass. "I hope you don't mind."
"Oh, not at all," nahihiya niyang ngiti rito. "I've been late."
"I expected it," he was gracious. "Kung bakit ba naman kasi ngayon mo pa ako gustong makita," mahina nitong tawa.
Nakitawa na lang din siya. "It's your fault na ngayon lang ako may free time, Sir Kaiser! You've given me a lot to handle!"
"Well," he shrugged, "what did I tell you? You have a talent that I don't want to go to waste. At kung maaga lang kita nadiscover, matagal na kitang binigyan ng ganito karaming mga projects, right?"
"Thank you," she smiled.
Kaiser turned to the waiter. "Um-order ka muna."
Bree smiled and reached for the menu card. Hindi doon naka-focus ang kanyang atensyon. Ngayon na magkasama na sila ni Kaiser, paano niya kaya makikilala ang lalaki sa ganitong kaikling oras? She needed to be home early, may shooting kasi siya kinabukasan para sa isang talk show.
Matapos um-order, doon na nagsimula ang pagkukuwentuhan nila ng matanda.
"Why come all the way here just to play golf?" ekis niya ng mga hita habang hawak ang wine glass. "I'm sure, may magagandang golf courses sa Manila."
"Yes, but I swing by here during weekends. Most of my friends are here."
"I see..." lapit niya sa rim ng baso sa mapulang mga labi. "No wonder you spoil your friends too."
"Well," lumuwag ang pagkakangiti nito, "good friends deserve to be spoiled."
Mapang-akit ang ngiti niya rito. "Now, I want to be one of your friends."
"I know you, Bree," mahina nitong tawa. "At hindi mo ako madadaan sa ganyan."
She just smiled. Alam na niya ang mga galawang ito ni Kaiser. Magkukunwari ang lalaki na hindi interesado. That's how men trap women, by the way. They chase you, then lie low. Then, the woman would notice and check how he's doing, and the man will act uninterested.
Now that would drive the woman crazy, trying to get his attention back.
Makikisakay na lang si Bree. "Madadaan sa alin?"
"You want to be my friend?"
"Yes. There's nothing wrong with that, right?"
"Para sigurado ka na tuloy-tuloy ang magiging projects mo," he side glanced before sipping some wine.
Tumawa siya. "Oh, you can really read my mind!"
Nagbaba ito ng baso, nangingiti sa kanya. "They're right about you. You really don't stop until you get what you want!"
"And I do everything to get it," dagdag niya.
"Everything?" matiim nitong titig sa kanya.
"Yes," she cheekily winked and sipped her wine. Hindi inaalis ni Bree ang mga mata sa lalaki.
Nahuli niya ang pagpawi ng ngiti nito. He stared at his wine glass and stretched a faint smile before drinking.
Ilang oras pa at nasa receptionist area na sila ng hotel na iyon.
Again, she could sense people secretly looking at her. They must be wondering this time why she was with Kaiser.
Malamang marumi na rin ang mga ideyang pumapasok sa isip ng mga ito.
But at least, it's Kaiser she was with. He could simply prove their accusations wrong. Lalo na ngayon na hindi naman sa hotel magpapalipas ng gabi ang lalaki.
"Are you sure you don't want to spend the night here?" yakap niya sa braso ni Kaiser.
"It's not necessary," anito habang naghihintay sila sa staff na mag-a-assist sa kanila papunta sa suite na binayaran ng matanda para sa kanya. "Malapit lang dito ang bahay ko."
Namilog ang mga mata niya. Kunwari, impressed siya. "Whoa, you have a house here! Ilan ba ang bahay mo?"
Mababa ang naging pagtawa nito. "Hindi naman ganoon karami."
"I believe magaganda ang designs," hilig niya ng ulo. "You look like a man who has taste."
"Now you're flattering me too much."
"Baka may guest room na house mo. Doon na lang kaya ako, Sir? Nakakahiya naman kasi na mapapagastos ka pa."
"It's okay. You came all the way here just to thank me, and that means a lot to me. So, have a good rest here. Mahirap nang bumiyahe ka pa ng ganitong oras pauwi. Just get your sleep here at dumeretso ka na lang bukas sa PH Channel para sa talk show interview mo."
Bumungisngis siya. "Thank you."
Then they heard a commosion by the hotel's entrance. Humawi ang mga tao sa pagdating ng grupo ng mga lalaki. They were all dignified and formal in their Barongs. Hindi nakaligta kay Bree ang matiim na titig ni Virgo sa kanila. Hindi pa nakakalapit ang grupo nito sa receptionist area nang lumapit ang isang bellboy. Bumati ito at naglahad ng kamay, senyales na ito ang maghahatid sa kanila sa sarili nilang hotel suite.
Inalis ni Virgo ang mga mata sa kanya at sinundan ang bell boy sa elevator.
Of all the places, why is the President of the Philippines in this very same hotel?
"I hope the rumors are not true."
Napatingala si Bree kay Sir Kaiser. "What rumors?"
"You don't know? Kalat sa internet ngayon ang pictures ninyo ni Presidente."
Napaawang ang mga labi niya sa narinig.
.
.
.
***
AN
Good evening everyone! <3 <3 <3 Thank you sa patience! Heto na ang 2-Chapter Update for today para sa #SLIDE !! <3
I hope you are all doing great! Maulan ngayon (at may bagyo raw) and I also had a slight fever and colds last night and today. Pero magically, I am feeling better nung gumabi na today~ and much better while I am typing. Typing lang yata ang magpapabuti kaagad sa pakiramdam ko hahaha~!
Enjoy reading this chapter and chapter 46 ;) <3
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro