Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43: A Mother's Concern

NAIWANANG MAG-ISA SI BREE SA LIBRARY ROOM na iyon nang sabihan si Virgo ni Mayor Cheska Fidel na hinahanap ito ng tiyuhin nitong si Senador Owen. Virgo told her to wait for his return, so she remained seated. Tumingala si Bree, baka sakaling umatras ang mga luha niyang namimintana. Siya namang pasok ni Cheska sa silid.

She felt Cheska's eyes scanning her, as the woman elegantly and primly walked towards her. Tumapat ito sa solohang sofa sa kabila ng mesa na pinapatungan ng lampshade na nakapagitan sa upuan nila.

"Hi," upo nito nang masalansan ang palda ng suot na Filipiniana.

Yumuko saglit si Bree at sinara ang aklat. Then she breathed in deeply before confidently addressing Cheska.

"Hello, Mayor," magalang niyang bati.

"You're Virgo's girl..." was Cheska's dry reply.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot. "Just... Just his date... for tonight."

"Only tonight?" hilig nito ng ulo, parang hindi kumbisido.

"Well..." alanganin niyang tawa, "kung gusto niya na araw-araw ako maka-date... sino ba naman ako para tumanggi kay Mr. President!"

Akala niya matatawa rin si Cheska, pero titig lang ang binigay nito sa kanya.

Umayos na lang siya ng pagkakaupo. Medyo nako-conscious.

"What's your name?" was Cheska's dangerous smile. "Hindi ka man lang pinakilala ni Virgo sa amin kanina."

Pinigilan niyang paningkitan ito ng mga mata. Bakit Virgo lang ang tawag nito sa lalaki? Halos lahat ng taong nakabatian kanina ni Virgo nung kasama siya, Presidente ang tawag dito.

Napatingin siya sa libro na nasa kanyang kandungan.

"I'm..." she smiled back at Cheska, "I'm Claire."

"Claire?"

Magaan siyang tumawa. "Why are you so interested?"

"You're the President's date tonight," may sarkasmo sa ngiti nito. "Hindi lang ako ang interesado kung sino ka.. kung saan ka napulot ni Virgo at bigla kang sumulpot dito."

She mockingly grinned. "I don't like how you talk."

"I don't like how pretentious you are either."

Medyo masakit, kasi mukhang natutumbok ng kanyang kausap na nagpapanggap siya ngayon na hindi si Bree Capri. Nagtaas-noo na lang siya.

"Is it my fabulous gown?" iling niya. "It's Virgo. He wants me to wear this. I thought it's lovely. Take note, a fashion designing student made this. How impressive, right? So what with all the murmur I heard earlier? That I am overdressed? Na pang-pageant itong suot ko?"

"You can't blame them. You're in politics, not in a beauty pageant, miss."

Naningkit ang mga mata niya.

"I told you," mariin niyang ulit, "Virgo gave this gown to me. He chose this for me to wear. Nasa pulitika man ako o wala, susuotin ko ito dahil event niya ito. Celebration ito ng pagiging pangulo niya, kaya gagawin ko kung ano ang dodoble sa nararamdaman niyang saya ngayon."

Pinasadahan na naman siya nito ng tingin.

"How nice," Cheska bitterly spat.

"Thanks," Bree was insincere but, whatever.

Now, she gets it. Mayor Cheska was not as warm and welcoming as she thought.

O marahil, sa mga mahihirap lang nito kayang maging ganoon ka-sweet at mabait? Sa mga taong nasasakupan nito. Sa mga kapwa pulitiko.

Hay, siguro magbabasa na lang siya ng Noli Me Tangere...

"How did you two meet?" basag nito sa katahimikan.

Napaangat siya ng tingin dito.

"How did you convince Virgo to have you as his date in this ball?"

Konting pasensya pa.

"I thought he likes... you know, simple and decent women."

"Simple and decent like you?" nang-uuyam niyang ngisi rito.

Bahagyang kinagulat iyon ni Cheska. That was the reason of Bree's internal evil laugh.

"Oh, Mayor," she sighed dramatically. "I bet, Virgo likes you. He really does." Balik niya ng tingin dito. "If he doesn't, he won't praise how good you do your job as Manila's Mayor. Hindi siya matutuwa sa pagpasyal mo sa kanya, just to brag your achievement which is funded by Filipinos, by the way."

Tumapang ang mukha nito.

"I bet he likes you, since he likes everyone. But I don't think he loves you," ngiti niya bago inabala ang sarili sa pagbabasa ng Noli Me Tangere.

Narinig niya ang pagsinghal ng babae bago nito nilisan ang upuan.

Nasa kalagitnaan na ito ng paglalakad nang huminto at lingunin siya.

"Just to let you know, ang kapal ng make-up mo. Sigurado ako na ibang mukha ang nakatago diyan." At nagmamadaling lumabas na ito ng silid.

Napatitig si Bree sa pinto. Masyadong manipis ka lang mag-make up!

Napabuntong-hininga si Bree at binalik ang mga mata sa binabasa.

"Thank God, hindi kayo gumawa ng eskandalo."

Bree gasped loudly.

Halos mabitawan niya ang libro nang malingunan ang isang nakatatandang babae. Sumulpot ito mula sa likuran ng mga hanay ng book shelf sa silid.

.

.

NATAWA NA LANG SI VIRGO SA MGA SINABI NI SENADOR OWEN.

"You know, Senator," akbay niya rito at mahinang tapik sa balikat, "it's too early to make announcements."

"Too early?" mahina nitong tawa. "Eh halos hindi ka na namin malapitan, President. Iyang mga mata mo, hindi na maalis doon sa kasayaw mo."

Magaan na naman ang naging tawanan nila.

"Siya na ba ang magiging First Lady?"

"I told you, it's too early to make announcements," layo niya rito. "Bayan muna."

Senator Owen shrugged. "Well, yes, you're right. At this point, hindi mo pwedeng unahin ang paggawa ng arrangements para sa kasal. Maraming trabaho na naghihintay sa iyo."

"Make sure may sense 'yung ipapasa niyo sa akin na mga bill," pabirong irap niya rito.

"Susmio naman, oo naman, President!"

Tawanan.

Tumanaw ang ginoo sa likuran niya, kaya naman napalingon na rin si Virgo at nakita ang paglapit sa kanila ni Cheska. She brightly beamed at them.

"Hi," bati nito sa kanila.

"Hi, Mayor," maluwag na ngiti niya rito bago binalik ang tingin kay Senator Owen.

"I just talked to your date," ngiti sa kanya ni Cheska.

Pumitik ang kaba sa dibdib ni Virgo dahil sa sinabi ng babae. "My date?"

"Yes. Si Claire?"

It took him a while to understand who Claire is.

Tumango lang si Virgo. "That's nice. Is she being too shy?"

"Oh, not at all," Cheska sighed. "She's a little feisty though." Napalitan ng pananamlay ang masigla nitong tinig. "Hindi ko naman sinasadya. Masyado lang akong na-excite kaya ang siguro nainis siya sa pagiging matanong ko masyado."

Napansin ni Virgo na inaanyayahan na ng staff ang mga bisita sa Rizal Ceremonial Hall. Doon kasi naka-set-up ang mga dining tables para sa kanilang buffet dinner. Hindi niya tuloy napaghandaan ang biglaang pag gagap ni Mayor Cheska sa kanyang mga kamay.

"Tell me, President, siya na ba ang magiging First Lady?" ngiti nito.

Binawi agad ni Virgo ang mga kamay. "You know what? You should all head to the Rizal Ceremonial Hall like everyone else. I bet you'll love tonight's dinner."

Tumaas ang sulok ng labi ng dalaga. "Ikaw ha, umiiwas ka sa tanong ko."

"Come on, Cheska," yaya na rito ni Senator Owen. Hindi na naman nakatanggi ang dalaga sa tiyuhin nito.

Nakalagpas na ang mga ito nang lingunin siya ni Mayor Cheska.

"President?" anyaya nito.

"Go ahead. I have someone waiting for me."

Pagkatalikod niya, sumama agad ang timpla ng mukha ng dalaga.

"Don't worry, she's just the President's bling."

Nagliwanag ang mukha ng babae sa sinabi ng tito nito. "His bling?"

"Oo. Dekorasyon."

Masama pa rin ang timpla ng mukha nito. Hindi kumbinsido.

"Alam mo naman kaming mga pulitiko kapag single," ngisi nito habang patungo na ang mga ito sa Rizal Ceremony Hall. "Nagdadala lang kami ng maganda at seksing babae sa mga party para hindi nakakahiya. Iyon lang din iyon kay President. Ni hindi nga niya masabi sa akin kung ano ang pangalan nung kasayaw niya."

"She's Claire daw," matabang na inform ni Mayor Cheska rito.

Senator Owen shrugged. "I know you like him, but now, it will be harder for you, hija. Presidente na siya ng Pilipinas. And he's single. It means, halos lahat ng babae, gusto na rin siya. That'll be a lot of competition on your part."

"Pero mas malapit ako sa kanya," ngisi nito. "Mas makakatrabaho ko siya ng malapitan... maisipan ko lang ng magandang strategy kung paano mapapanay-panay ang punta niya sa Manila."

Nabahala ito. Napalingon sa kanya. "But that will compromise your reputation. Alam mo naman kung paano nakukuha ng local government ang atensyon ng presidente."

"Oo," anito. "Kapag may problema."

.

.

HINDI ALAM NI BREE KUNG PAANO MAGRE-REACT. The woman walked and stood in front of her seat. Nilapag agad ni Bree sa katabing mesa ang aklat at tumayo.

"G-Good evening po."

She knew this woman— Laila Eloida Ferdinand. The one and only. The fiercest First Lady during Aries Ferdinand's term. Tinagurian din noon ang ginang na the Iron First Lady, dahil nasasabayan nito ang tapang at conviction ng asawa.

Now that she was standing at the very same ground as Laila, all Bree could feel was awe.

Pumaling ang ngiti niya nang maalala ang sinabi nito.

Buti raw at hindi sila nag-eskandalo ni Mayor Cheska.

"So, you're Claire," aristokada nitong taas ng kilay sa kanya.

Bree took a deep breath and tried her best to match Laila's air of sophistication.

Now, she knew why the women in the part were skeptical about how she looked. Ito ngang mismong si Laila, simple at pormal sa suot na Filipiniana.

Gayunman ang kasuotan ng babae, nakaka-intimidate pa rin. Maganda at makikita na sobrang maalaga ito sa sariling kutis at katawan.

Parang gusto niya tuloy ngayong kurutin sa singit si Virgo.

"You know, Claire," matiim nitong titig sa kanya, "if you're really Claire." She inspected her clothes. "It's nice to meet you. For sure, bukas, usap-usapan na naman ang anak ko dahil sa iyo."

Sinalo niya ang muling pagtitig ng mga mata nito sa kanya.

"Virgo is obviously picking what techniques his father used to captivate the mass— a tragic backstory, being the Good Samaritan... and now, a fabulous woman."

Tumalikod na ito.

"Take a seat."

Tahimik siyang umupo. Mukhang mahaba-habang litanya ang matataganggap ngayon ni Bree mula sa mismong nanay ni Virgo.

Umupo ang ginang sa iniwanang upuan ni Cheska. Muling tumitig sa kanya.

"Now, people will wonder who you are," hilig nito ng ulo. "Mahahati ang atensyon nila kay Virgo at mapupunta ang kalahati sa iyo. At habang abala sila sa kaka-investigate kung sino ka, ano ang background mo at bakit ka nagustuhan ng anak ko, sasamantalahin iyon ni Virgo para wala masyadong makialam sa mga agenda niya. Walang media na papansin sa kanya masyado.

And while he's busy, you'll be busy too. You'll give the mass something to be entertained about— they'll follow your fashion sense, aalamin ang beauty regimen mo, tatanungin kung sino ang stylist mo, anong brand ng bag ang prefer mo—"

"Excuse me po," sa wakas nagkaroon na siya ng lakas ng loob na mag-interrupt sa ginang. "Bakit niyo sinasabi ang mga ito sa akin?"

"Dahil hinahanda kita sa mga mararanasan mo kapag naging First Lady ka na."

Lalong pumaling ang ngiti niya.

"N-Naku..." her laugh was awkward. "First Lady... W-Wala po sa usapan namin iyan ni Virgo..."

"You can't give that reason, Claire. Once you involve yourself to my son... or to any President of a country, you'll have to be one-hundred percent dedicated. Kaya 'yung ginawa mo kay Mayor Cheska?" Sumilay ang tusong ngisi sa sulok ng labi nito. "Very good."

Very good? Ano'ng tama sa ginawa niya kanina? Nagtaray siya?

"It's going to be really hard to be the First Lady. Every woman will try to claw their way to get inside your husband's pants and pockets!" she gritted, triggered by a past memory.

"Ma."

Kapwa sila napatingin kay Virgo sa pintuan. Hindi man lang nila namalayan na naroon na ito. Laila immediately recollected herself and was calm again. Siya naman ay nakaawang pa rin ang mga labi sa gulat.

"Ladies, let's go. It's time for dinner."

Laila stood up and headed to her son.

"Ma, ano ba ang mga pinagkukukwento mo sa kanya?"

Sumimple ito ng sulyap sa kanya bago sinagot ang binata.

"Ikaw. May kailangan kang ikwento sa akin."

At hindi na hinintay pa ng babae ang isasagot ni Virgo. Bumeso ito at lumabas ng pinto.

Napunta sa kanya ang titig ng binata. "Bree."

"Shh!" saway niya rito. "Claire!" correction niya habang inaayos ang palda bago lumapit dito.

"Wala bang chill ang mga tao rito?" aniya ngayong katabi na ang binata.

Giniya siya nito palabas ng library room at sinara ang pinto.

"What happened?"

"Oh, my God, Virgo!" nagpipigil lang talaga si Bree na mapatili. "You don't know what I went through!"

He chuckled lowly. "Hey—" hinto nito para harapin siya at hawakan sa mga braso, "—take it easy, okay?" Tumitig ito sa mga mata niya. Para siyang matutunaw. "I told you, learn to relax."

How can she relax with his eyes penetrating her deeply with his gaze?

"It's crazy," iling niya. "SI Mayor Cheska... tapos 'yung mama mo, kung anu-ano na ang tinuturo sa akin kasi magiging First Lady daw ako—"

Hinawakan siya nito sa baba. Virgo tilted her face to meet his eyes.

"What if I make you one?"

Natigilan siya. "The First Lady?"

He smiled.

Seryoso ba ito?

Bakit inaalok siya ng ganito ni Virgo?

Bakit gusto niyang himatayin ng five seconds?

"What can you say?" nakangiting usig nito.

"Virgo..." nahihiya siyang tumingin sa lalaki. Napailing si Bree.

"You're not ready?"

"Alam mo naman na... na hindi ko kaya iyan. At bakit naman ako pa? Hindi ka naman siguro in love sa akin." Her glossy eyes searched within his eyes.

Her heart cracked when she saw pity in them.

"Wala namang nakaka-in love sa akin. Bakit pakakasalan mo ako? Political strategy? How? You know my reputation. At sabi mo nga, malaking scandal kapag nalaman ng mga tao na involved tayo sa isa't isa."

Kada segundo na tumatagal ang matiim nitong titig sa kanya, mas lalong hindi siya mapakali. Mas lalong nagwawala ang kalooban niya.

Natatakot.

"Mr. President."

The voice came from a gentleman in a black Barong. Lumipat ang tingin nito mula kay Virgo papunta sa kanya. He politely gave her a nod and smiled. Ngumiti si Bree sa lalaki. Nung bumaba ang tingin niya, at saka lang niya napansin ang nakalahad nitong kamay.

"I came late. My apologies," wika nito.

Mukhang okay naman kay Virgo kaya pinatong niya ang kamay sa palad nito.

The man gently took and kissed the back of her hand. Mabilis din itong bumitaw.

"Good evening," bati nito sa kanila.

Virgo sighed at turned to her. "This is Mr. Zoref Buenavista. We'll just talk a bit." Makahulugan ang sulyap nito sa lalaking kasama nila. "In private."

Bree smiled. "Alright."

"Kasalo natin sa table si Mama, go and find her there," turo nito sa bukas na pinto ng Rizal Ceremonial Hall.

.

.

"WHY NOW?" madilim ang anyo ni Virgo habang patungo sila ni Zoref sa isang sulok ng Reception Hall, malapit sa portrait ng kanyang ama.

"You better thank me," magaan nitong wika kahit puno ng kaseryosohan ang mukha. "I just saved you. Nakakahiya ang ma-reject."

Naningkit ang mga mata niya.

"Anyway," pag-iiba nito ng topic, "I am not on your guest list. I am sure your cousin is blocking me from communicating with you."

"I have a phone. Why not call?"

"I lost mine."

Hindi siya naniniwala sa dahilan nito. At mukhang nabasa iyon ng lalaki.

"What? I really lost it. I won't just lie about it, papatayin ako ng asawa ko kapag hindi ko nasagot ang mga calls niya so I had it replaced. Hindi ko memorized ang cellphone number mo."

"You're a mafia boss," mariin niyang saad. "Paano kung may makakita sa phone mo at mabasa ang mga laman niyon."

"Do you think I don't erase every record in it everyday, Mr. President?"

Hindi pa rin siya kampante. "What do you want? I already agreed with what you want. Tinanggap ko ang limang milyon. Protektado na ang organisasyon ninyo."

"What I want to know is what's your cousin's deal? Hinaharang niya kami."

"Paano'ng hinaharang?"

"You were on a vacation when one of my men visited the mansion," paliwanag nito. "Ayaw kaming kausapin ng Mama mo, kaya si Jordan ang humarap sa amin. We want your number, he didn't give it. Papalit-palit ka raw ng sim cards."

But I have a permanent, private number. He could have given that.

Pero kunsabagay, baka ayaw niyang ibigay nang hindi ko alam.

Pero kailan pa ako nakabalik galing sa bakasyon ko.

Nalimutan lang ba ni Jordan na i-inform ako?

"Kaya si Jordan ang ginawa naming contact person," patuloy ni Zoref. "Nagmumukhang tanga na ang mga tao ko kakatanong sa pinsan mo, kung kailangan mo na ba ng mga tao ko. Handa naman sila para doblehin ang seguridad mo."

"Ano ba ang sinasabi ni Jordan kapag nagtatanong kayo ng ganyan?"

"Hindi mo raw kailangan," he hissed. "Wala akong tiwala sa kanya. For sure, he's just saying that because he has his own men. Gusto ng pinsan mo na iyon, mga tauhan lang niya ang maging security team mo."

"What's wrong with it?"

"What's wrong is, we already had a deal, Mr. President," giit nito. "Kaya responsibilidad na rin ng Buenos Mafios ang kaligtasan mo. You're our protector, so in return we're making sure you're safe."

Napasulyap siya kay Greg na nasa pinto ng Rizal Ceremony Hall, nakatanaw ito sa kanila... tila nakabantay.

"So far, I feel secured," baling niya kay Zoref. "Come join us," anyaya ni Virgo sa lalaki. "Have dinner."

Umatras ito. "There's no need."

"I insist," makahulugang titig niya kay Zoref.

And it was as if he was a mind reader who understood what he meant with that.

"Sure," he devilishly grinned. "Sure, Mr. President."

.

.

SUMILIP SI BREE SA LIKURAN NG KOTSE. Huminto na kasi iyon sa tapat ng kanyang bahay. Tahimik naman si Greg sa driver's seat. Then she faced Virgo.

"You shouldn't have. Baka may nakasunod sa atin."

Tumingin din si Virgo sa likuran. Nginitian siya nito. "Wala. Kaya nga maaga tayong umalis sa party."

"Hindi ka man lang nagpaalam."

"Babalik din naman kasi ako roon."

Napayuko siya. "Baka masyado kang mag-enjoy."

"Eh, kung pumayag ka na lang sana sa inaalok ko... eh 'di hindi ka mag-aagam-agam ng ganyan," dampot nito sa kanyang kamay.

"Virgo..." she gasped, teary eyed and struggling to meet his gaze. Mas pinili niyang manatiling nakayuko, nakatitig sa kanilang mga kamay.

Bumitaw ito, may dinukot sa backpocket ng suot na pantalon. Basag ang naging mahina niyang pagtawa nang makita na lalagyan iyon ng wet wipes niya. Mukhang hindi naibalik iyon sa kanya ng binata nitong nakaraan. He pulled one out. Virgo scooted closer to her.

"Kaya gusto kitang ihatid dito," alalay nito sa kanyang mukha, "para masilayan ko ang mukha mo. 'Yung totoo mong mukha."

She smiled and allowed him to wipe off her make-up. Bree pulled off the nose and scar wax on her jaws, returning her face's original shape. Nakailang wipes sila bago tuluyang nabura ang makapal na make-up.

"There," he breathstakingly declared. "Beautiful," unti-unting paglapit ng mukha nito sa kanya.

Bree smiled.

Hindi tinuloy ng lalaki ang paghalik sa kanya. The sweet scent of red wine touched her nose and tickled her imagination. Sayang at hindi ito humalik sa kanya. He would really, really taste so good.

"Do you remember that stupid magazine?"

She laughed softly. "Yung... may mga pictures mo? 'Yung nasa yate?"

"Yeah," he smiled. "I thought that will help me get into showbiz... work with Bree Capri..."

Napawi ang ngiti niya. Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

"But I'm a Ferdinand... My father punished me for it. He said that I should be in politics."

"But look at you now," sagot niya rito, "you're in a better place."

"And yet," he breathily answered, gazing lovingly on her lips, "you don't want to be in this better place with me."

"Because you haven't answered my question yet," titig niya sa mga mata ng lalaki. "Bakit mo ako inaalok na maging First Lady? Dahil kakutsaba mo ako sa mga plano mo? Kaya aasawahin mo ako? Para sigurado ka na wala akong pagsasabihan na kahit sino? O dahil sa mga sinabi ng Mama mo? Gagamitin mo ako, para madistract ang mga tao at sa akin sila mag-focus? Ako ang sasalo ng mga intriga habang ginagawa mo ang mga agenda mo?"

"I love you, Bree."

I love you's were supposed to act like balm. It should heal the heart. It should be that sunlight that make a girl automatically smile and feel energetic. A chilly water that makes her feel refreshed and shake with giddiness.

But why does Virgo's love make her heart break?

Naaawa ba siya dahil sa kasamaang palad, sa kanya pa ito na-in love? O naaawa siya sa sarili niya dahil hindi niya kayang ibigay kay Virgo ang pagmamahal na deserve nito?

Ang buhay na deserve nito?

Ang babaeng deserve nito?

Because she was sure of one thing— his life would be chaotic when the people find out that she was involved with him.

"Hindi mo ba maiisip ang consequence," malumanay niyang wika, "kapag naging First Lady mo ako ngayon? Tapos malalaman ng mga tao na ia-acquire ng gobyerno sa pangunguna mo ang PH Channel?"

He lowered his eyes.

"Iisipin nila na ginawa mo iyon dahil may personal kang interes. Dahil sa akin.You'll never get the people's favor—"

She swallowed. Nararamdaman na niya ang pag nginig ng sariling lalamunan... ng kanyang mga labi.

He let out a harsh breath. "Should we care about that?"

"Oo," naluluhang titig niya sa mga mata nito. "Mapapahamak ka. Naalala mo ba kung ano ang nanyari sa tatay mo? Nung nagalit sa kanya ang mga tao?"

He gave her a stare. Virgo was recalling the past, and sizing her up at the same time.

"No," mabigat nitong wika. "It's about your image. It's about your career, right?"

Hindisiya makasagot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro