Chapter 41: The Speech That Killed Him
HINDI MAHULUGANG KARAYOM ang dami ng mga tao sa grandstand na pagdadausan ng oath-taking ni Virgo. Nakapalibot ang mga reporters, photographers at videographers nakumakatawan sa media. Pabalik-balik sa paglilibot ang buong security team na nakatalaga, maging ang mga kapulisan para siguraduhing magiging matiwasay ang event na nagsimula sa pag-sworn-in ng newly-elected Vice President, mula sa kalabang partido, na si Norman Rosendo. Nung palapit na ang oras ng oath takin niya, doon na tuluyang bumaha ng mga tao. Maraming kumakaway na mga flaglets at banner na may pangalan o mukha ni Virgo.
There were drum rolls, playing of 4 Ruffles and Flourishes, honor guards and 21 gun salute for him and the man he will replace as Philippines' president— Timoteo Asis. Bumaba sila mula sa presidential car, makisig sa kanilang mga barong, at doon na tumindi ang mga hiyawan at palakpakan.
Naghalo-halo ang reaksyon ng mga tao nang makita siya. Masaya, masigla at masigabo ang palakpakan at hiyawan, ngunit may sumingit na pag-Boo at ilang panghahamak sa pagkakalulok sa pwesto bilang pangulo.
Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang pagsigaw ng ilan ng Hindi makatarungan!, Anak ng Corrupt!, Mandaraya!
Sinamantala naman iyon ng media para mabigyan ng ibang anggulo ang ire-report ukol sa event. Ngunit nanatili siyang kalmado. Years of rehearsal made him insensitive to these people's remarks. Years of experience made him strong.
Something he wished Bree has learned, if only she had been with the right people early on in her life.
Virgo believed one thing that Bree didn't— that what majority of the people say is not always the truth. A reason why after the elections, people stay disappointed. Nadadala sila sa sinasabi ng majority kung sino ang pinaka-magaling, kung sino ang karapat-dapat.
Then their expectations were proven wrong.
And who do they blame?
Other voters or the person they elected, but never themselves.
Kaya kung iniisip ni Bree na hindi sapat ang galing nito dahil kakaunti lang ang nakakapansin... nagkakamali roon ang dalaga...
But Virgo cannot just tell her that. It is in human's nature to see or experience first, before they believe something. Words are not always easily believed in despite their power.
Tumugtog ang Lupang Hinirang, at nagpaalamanan ang Armed Forces of the Philippines kasama ang mga mataas na opisyales nito sa paalis na dating pangulo. Matapos ang speech ng Dating Pangulo, alinsunod sa tradisyon ang hindi nito pagtapos sa seremonya para umuwi na kaagad sa sarili nitong tahanan.
Then, it was time for Virgo's oath-taking.
"I, Virgo Kristofer Ferdinand, do solemnly swear that I will faithfully and conscientiously fulfill my duties as President of the Philippines, preserve and defend its Constitution, execute its laws, do justice to every man, and consecrate myself to the service of the Nation...." He paused to look at the wave of people before his very eyes.
The wave of people who were now looking up to him, hoping that this time, they chose the right person to pull them out from poverty and the country's issues.
The wave of people who also shouted insults at him.
The wave of people who probably still doubt him.
"So help me, God," mabigat na pagtatapos niya sa panunumpa bago iyon sinundan ng 21 gun salute at tugtugin ng 4 Ruffles and Flourishes. Then the presidential anthem.
.
.
"YOU MUST BE OUT OF YOUR MIND," wika kay Bree ni Manager Ken habang naglalakad pabalik sa kanyang bahay.
Kagagaling lang nila Bree sa isang spa. Ala-una na ng hapon kaya nabahala siya. Ibig sabihin kasi, nagsimula na ang inaugurational ceremony ni Virgo. They said it will be televised. Too bad she didn't get to watch it from the very beginning. But she was relieved by the thought that there will be a video of it on the internet.
"What?" nakangiting sulyap niya rito. "Gagalingan ko naman ang pagme-make-up," masigla niyang tawa habang sinususian pabukas ang pinto.
"Nahawaan ka na ng overconfidence niyang Mr. President mo, Bree," iling nito.
"Shhh!" she placed a forefinger on her lips and looked around. Wala namang katao-tao sa loob ng kanyang bakuran. She slyly smiled at her manager before entering the house.
"You're already a great actress, okies? Huwag mo nang dalhin sa pulitika iyang pagiging aktres mo!" sara nito nang pinto.
"Halika," excited na kaway niya kay Manager Ken papasok sa kanyang kwarto. "If you see the gown that Virgo gave me, papayag kang um-attend ako!"
"Hay naku, darling, eh 'di hindi ko na lang titingnan iyang gown na iyan—" nasa kalagitnaan pa lang ito ng paglilitanya at patalikod na nang hinablot ito ni Bree sa braso para hilain. "Ah, bruha ka!"
"Tara na!" hila niya athalos lumuwa ang mga mata ni Manager Ken nang makita ang gown na nakahiga sa kanyang kama.
"You see!" she almost squeaked behind her manager and held his shoulders. "Isn't it beautiful?"
"Alam naman niya ang risk," matabang nitong sagot. "Ano at gusto ka niyang um-attend sa ball na iyan? Baka ibang ball ang gusto niyang puntahan mo."
"Ewan ko sa iyo!" natatawang palo niya sa braso nito bago umupo sa paanan ng kama at dinama ang tela ng ball gown. "Hawakan mo, oh," tingala niya rito. "Ang ganda nung tela."
Manager Ken let out a sigh. Sanay na ito sa paminsan-minsang pagiging inosente ni Bree. Why wouldn't she act that way? Eh ngayon-ngayon lang ito nakakaranas ng mga magagandang bagay sa buhay nito. Kahit na simpleng mga pa-merienda nga lang, basta libre, nagliliwanag na sa tuwa ang maganda nitong mukha. Now that Bree was having her big break in showbiz, people are starting to treat her better. And surprisingly, she was also starting to lose the bitterness and disillusionment she used to have.
Bree was smiling more.
Aside from that, she was already in her late thirties, the age when women become more carefree and relaxed with their lives. Where women have the courage to take more risks even if it was just for fun. Women can't do that in their early twenties, when they were young and scared of failure. When they were young and hungry to change the world. A woman in her thirties was already aware of it all. And what is the best course of action for a wise, older uncommitted woman but to take things easy and just be... happy?
Tulad ngayon. Para kay Manager Ken, nakikita nito na nag-eenjoy si Bree sa anumang involvement nito kay Virgo. At nakikita rin ng lalaki na mukhang inuunti-unti na ng presidente ang pagi-spoil dito.
Ayaw namang isipin ni Manager Ken na pag-ibig ang nagtutulak kay Virgo na gawin ang mga ito para kay Bree.
Manager Ken cares for her so much. So, so much.
That's why he remain restless about Virgo's real intentions for Bree.
Manager Ken was gay— old and experienced— to know that men didn't just settle with a woman or a gay at first, without getting something in return; because men are smart by being practical.
They only let themselves fall when it's safe to let go of their limitations and just fall in love.
Manager Ken let out a heavy groan. "Eh nitong nakaraan lang, may pa-emote-emote ka pang bruha ka na natatakot kang madamay kung may death threat nga diyan kay Mr. President mo, 'di ba? Anyare?"
"He's Virgo," Bree smiled at him. "Sisiguraduhin niya na magiging safe ako. Kaya ka nga nandiyan, 'di ba?"
Naeeskandalong nasapo nito ang dibdib. "Naku, Diyos ko! Anon'g kaya nandito ako? Pakiusap, Bree, hindi ako madadamay kapag may gustong pumatay sa inyo!" Nag drama na ito. "Diyos ko, Bree!"
She giggled. "You have so little faith," Bree stood up and sashayed toward her manager. Hinaplos niya ito sa mukha bilang paglalambing ng isang kaibigan. "I'm a celebrity, right? Presidente si Virgo. Kaya ano ang kinakabahala mo?"
"Iyan. Na celebrity ka at Presidente si Virgo!" tabig nito sa kamay niya. "Diyos ko! Bakit ba kayo nag-joined force? Ano'ng meron? Divide and conquer? Sa iyo ang media, sa kanya ang pulitika?"
Bree smiled knowingly. Manager Ken accidently say things that make sense.
But she would not give him a clue about that.
It was true that days ago, she was scared why Virgo needed to be extra about her safety. Pero naunawaan na rin niya ang sense niyon. Kahit walang banta sa buhay nila, mas kailangan nilang maging discreet sa pagkikita at tungkol sa involvement nila.
Para na rin iyon sa kanilang plano na makuha ang PH Channel.
.
.
TUMAYO SA TAPAT NG PULPITO si Virgo para ibigay ang kanyang inaugural address. Tinanaw niya ang mga tao na nakapaligid, patuloy sa pag-cheer sa kanya bago unti-unting humupa ang ingay ng mga ito. Nadala yata ang mga ito sa kanyang determinadong titig.
Now, he got everyone's attention of him.
The camera's continued clicking,the videographers pointed their lenses on his direction.
Nilapit niya ang mga labi sa mikropono, walang kahit anong kodigo sa lapagan ng pulpitong iyon habang kinakalma niya ang malakas na pagkabog ng sariling dibdib.
Nakaabang ang mga mata ng lahat. Saksi maging ang importanteng mga opisyales ng gobyerno at mga local officers na kinabibilangan ni Mayor Cheska Fidel.
Nagsimula nang bumati si Virgo. Nakakabinging katahimikan ang sinagot sa kanya ng mga tao kaya nagpatuloy na siya sa pagsasalita. Nilahad niya lahat ng kanyang plano para sa bansa, the usual improvements and development. Pro-poor projects, pro-Mother nature concerns, and abundance in national economy within his term.
Same old, same old.
Because it is human nature, not to reveal all of their real intentions to get people's side.
"Maraming salamat sa paghihintay ninyo sa akin," at may kung anong sumaling sa kanyang damdamin. Hindi niya inaasahan na iyon ang unang katagang bibitawan. "Maraming salamat dahil sa kabila ng paulit-ulit na pagsubok sa inyong katatagan at pasensya, nandito pa rin kayo at ginagawa ang parte ng bawat isa bilang mamamayan ng Pilipinas, isa na roon ang paghalal sa akin bilang inyong pangulo.
Maraming salamat sa paghihintay ninyo sa akin, dahil patuloy kayong naniniwala na may pag-asa pa rin ang bansa. Na makakahanap kayo ng mabuting lider na mamumuno rito at tutulong sa bawat pagsusumikap na ginagawa ninyo makatulong lang sa ating bansa.
Minsan, nakakasawa ang paghihintay. Lalo na kung wala naman tayong kaalaman kung darating pa ba ang taong hinihintay natin... o ang pagbabago na inaabangan natin. Dahil may kurapsyon pa rin sa paligid, iba't ibang uri ng pang-aabuso, banta sa kaligtasan ng bansa at kakulangan sa hustisya dahil sa mga opisyal ng gobyerno o kasapi ng media na may mas kinikilingan.
At sa tingin ko, hindi natin ito kasalanan. Nagkamali tayo pero hindi nagkasala.
At nagkamali tayo dahil may nakaligtaan tayong matutunan o malaman.
Nakakatuwang isipin na bukas ngayon ang kaisipan ng bawat isa sa pagbabalik ng nakaraan sa kasalukuyan, hindi para maulit kundi para sa pagkakataong ito... ay itama.
At ngayong nandito na ako," hope glinted in his dark eyes as he smiled handsomely, "tapos na ang ating paghihintay."
Nang umatras siya mula sa pulpit bilang senyale na tapos na siya, may pumutok na baril.
.
.
.
***
AN
At hanggang dito muna ang updates today! Kitakits bukas para sa kasunod na mga chapters! Share to your friends too na updated na ang #SLIDE! Happy weekend too!!! <3 <3 <3
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro