Chapter 38: Good News
NANGANGATONG ANG MGA TUHOD NI KRISTA nang patuluyin sila ni Melody sa pribadong silid sa mansyon ni Kaiser.
She knew that this would be her doom. Krista would be an idiot to not figure out why Kaiser wanted to see her right now.
Sinabihan sila ng katulong nito na maupo muna ang tatawagin lang nito ang amo. Melody sat on a chair by the table set close to a big window.
Si Krista naman, pumuwesto lang sa tapat ng upuan at nanatiling nakatayo.
"Krista," tingala ng manager sa dalaga.
"Hindi ako uupo," mariin at walang lingon nitong sagot, nakayuko at hawak ng mahigpit ang sariling mga kamay. "I'm sure, hindi rin naman tayo magtatagal dito."
Siyang pagdating ni Kaiser. Tinaboy nito ang katulong na naghatid dito at padabog na sinara ang pinto. He immediately rounded the table to reach her side.
Krista had already prepared herself. Taas-noong hinarap nito si Kaiser.
Sumalubong ang madilim na anyo ng matanda.
"Krista," he seethed.
Sinalo ng dalaga ang matalim nitong titig.
Lumagapak ang palad nito sa pisngi ng babae.
She almost lost her balance. Krista stepped back to kept herself standing. Napahilig ng malakas na sampal ang mukha nito. Nag-aalalang napatayo sa kinauupuan si Melody. Hahawak sana ito sa mga balikat ng aktres para alalayan pero nagbabantang dinuro ito ni Kaiser.
Then he turned his furious glare back to Krista.
"Ano ang nangyari?" anas nito.
Krista defiantly looked back to his ugly, wrinkled face.
"Ano ang nangyari?" hinanakit nito. "Itatanong mo pa sa akin kung ano ang nangyari?"
Nilapit nito ang mukha sa dalaga. "Sabihin mo ang totoo, Krista. Nag-iinarte ka lang, 'di ba? Ayokong maniwala sa pinagrere-report sa akin niyang si Melody."
The manager guiltily hung her head down.
"Sabihin mo!" demand ng matanda.
Pigil ni Krista ang maluha. She bit her lower lip as if that would stop it from quivering, but her shoulder began shaking.
"Sagutin mo ako!" galit na sigaw nito. "Ano ang totoo!?"
Nalukot ang mukha ng babae. Napasapo sa sariling puson.
"B-Buntis ako... Sir Kaiser..." iyak nito.
Gimbal na napaatras ang matanda, nanghihilakbot ang titig sa kanya.
Umiiyak na napailing-iling ang babae.
Nakahuma ang matanda. Magkabilaan at sunod-sunod ang naging pagsampal nito.
Humahagulgol na napaupo sa upuan ang babae.
"Walanghiya ka! Nandito ako at ilang taong sinasalba iyang pag-aartista mo! And you had the audacity to get pregnant!"
Nakuyom ni Krista ang mga kamao.
"Sino ngayon ang ipapakilala mong ama niyan?" duro ng nanginginig nitong daliri sa babae. "Dahil sigurado ako na hindi ako ang may kagagawan niyan! Hindi ko anak iyan!"
Napahagulgol ito.
"Magtago ka. Magtago-tago ka na," banta nito. "Hayaan mong si Bree Capri ang sumalo ng mga maiiwanan mong trabaho—"
"Hindi!" sumabog na ito. "Hindi! Hindi! Hindi ako papayag! Ayoko! Hindi!" pagwawala nito kaya hindi na napigilan ni Melody na makialam.
The manager tried to hold Krista, pero nagpupumiglas ito.
"Ayoko! Hindi ako papayag! Kahit sino, huwag lang siya! Hindi ako papayag!"
.
.
NATIGILAN SILA BREE AT VIRGO. Ngayon lang kasi sila nanood ng TV sa yate at napalitan ang pinapalabas doon na cartoons ng isang news flash na nagdedeklarang si Virgo ang nanalo sa eleksyon.
Nang lingunin ni Bree ang lalaki, nakatitig lang ito sa screen.
"Mr. President!" she squealed not knowing what to do to make it more obvious that she was happy.
She didn't know why Virgo had to look so shocked.
"Uy," patong niya ng kamay sa balikat nito. Sa wakas, nilingon na siya ng lalaki. "Presidente ka na ng Pilipinas."
Kinapa nito ang kamay niya. He took it off his shoulder. Kinulong ng dalawang kamay ni Virgo ang kamay niyang iyon.
"Ano at parang hindi ka makapaniwala diyan?" ngiti niya rito. "Let's celebrate!"
She held her breath upon realizing that Virgo was already leaning close to her.
Bree felt so hurt trying to keep her eyes locked into his deep gaze.
"Right? Let's celebrate?" she repeated in a small voice.
"Yes... we should," he whispered before his lips gently pressed against hers.
Why he needed to do that... Bree didn't know.
And she should not ask, right? Or put any meaning to it?
It was so hard to be an adult. You can't ask sometimes... People might give you a look and say why do you need to ask what people at your age should already know?
Napapikit siya at dinama ang halik ng lalaki. Mas dumiin ang mga labi nito, banayad na kumilos. She kissed him back. Bree always made it a point to kiss him back. This was the reason they were together, to do this. To share kisses, to fuck, to enjoy...
Dahan-dahang naglayo ang mga labi nila.
Gumuhit ang alanganing ngiti sa mga labi ng binata.
"For sure, gusto ka nang interviewhin ng mga reporter... ng mga writers sa magazines," patong ng isa niyang kamay sa kamay ng lalaki na nakahawak pa rin sa kanya.
"They can wait," he weakly smiled. "For now, tama ang suggestion mo. We should celebrate first."
.
.
BREE WAS RIGHT.
Ngayong naipanalo na ni Virgo ang eleksyon, mas magiging mahirap nga ang lahat.
Ilang araw na siyang kinukulit ng publicist na bumalik ng Manila. Ilang representatives ng mga sikat na magazines at TV stations ang halos magmakaawa na para magkaroon ng appointment sa kanya. They wanted an exclusive interview, a series of photoshoots, a documentary... maraming request ang mga ito para lang masinsinan na makilala ang bagong pangulo ng Pilipinas. Virgo already said no.
Hindi pa rin siya nagwa-warm up sa media.
Sinira ng mga ito ang kanyang ama.
Sinira ng mga ito si Bree.
He was sitting on the couch now. Gusto niyang tumulong kay Bree sa paghahanda ng hapunan pero nagpumilit ang babae na ito na. Kaunting regalo na raw iyon ni Bree para sa kanya dahil sa pagkapanalo niya.
"Ikaw ha?" daldal ni Bree na muling sumulpot mula sa kusina. May bitbit itong bowl ng Sinigang na Bangus. "Siguro ilang araw mo nang alam na nanalo ka, hindi mo pa sinasabi sa akin."
It was true. Kaya nga parang pinagsakluban siya ng langit at lupa nang mapanood iyon ni Bree sa TV. It was that night when Bree slept on him when they were supposed to play beer pong. Naisipan niyang mag-on ulit ng cellphone at nakatanggap ng text mula sa mga katrabaho at kakilala na kumukumpirma sa pagkapanalo niya sa eleksyon.
He just didn't want to say it to her yet because he was thinking it might intimidate Bree. Siyempre, presidente na talaga ang magiging tingin nito sa kanya, eh. Isa pang dahilan ay baka mag focus na naman ito sa plano nila para sa PH Channel. Ang gusto nga niya ay nasa kanya lang ang buong puso at isipan ni Bree.
Ang gusto niya, nasa kanilang dalawa lang ang bawat alalahanin nito.
Kahit ngayon lang, at sa pagkakataong ito lang.
But maybe, he was wishing for too much.
He was a man who held so much power but did not have the power to give what his heart wants.
"At..." pangalawang balik na ni Bree bitbit ang kaldero ng kanin, "ang tahi-tahimik mo diyan, Mr. President, ha?"
Pagkalapag niyon sa mesa, umupo na ito sa tabi niya. He felt her arms hugging him.
In an instant, all his worries were lifted.
"Hindi mo siguro inaakala na magkakaroon ka ng shock, no?" mahinang tawa nito. "Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo iyan." She looked up, her chin over his shoulder. Virgo met her sparkling gaze. "Nung una pa lang, Mr. President na ang tingin ko sa iyo, kasi nakikita ko naman na doon ka talaga papunta. Na para ka talaga doon... sa pagiging Presidente."
"And you?" wala sa loob na tanong niya. "Have you envisioned yourself as the First Lady?"
Pagak itong natawa. Lumayo agad sa kanya. "Ako? Ano ka ba?" umiwas ito ng tingin. "Hindi ko naiisip ang ganyang mga bagay. Hindi naman ako para sa ganyan."
He weakly smiled and shrugged.
"Ano na lang ang sasabihin ng mga tao, 'di ba? 'Yung First Lady ng Pilipinas, masamang ehemplo," iling-iling nitong ngiti. "Oh, para hindi ka na mag-worry diyan, tikman mo na itong sinigang ko."
Pinanood niya ang dalaga na sinasalinan ng ulam ang sarili niyang bowl.
"Mainit-init iyan at may asim pa—" Bree gave him a sidelong glance, "—parang ako lang."
Hindi niya magawang matawa. Pero kailangan. He didn't want to hurt Bree for not chuckling lowly at that.
"Oh," dampot ni Bree sa cellphone nito na nasa gilid ng mesa. "Si Manager Ken," bukas nito sa text message.
Virgo knew it would be rude but he secretly peered over her shoulder. Nakibasa siya sa text.
Bree kung avail. ka, tawagan mo ko. This is abt Krista.
.
.
"OH..." Bree stopped pacing in that room after Manager Ken narrated what happened.
Ito na ang chance mo, darling! Excited nitong wika.
"Hay, Manager Ken," upo niya sa seat sa control area ng yate. Nakapaikot ang salaming pader at para kay Bree tila kinokopya ng katamlayan ng madilim na karagatan sa labas ang kanyang nararamdaman. "Bakit parang excited ka pa sa mga nangyari?"
Huwag nang impokrita. Alam ko naman na inis na inis ka kay Krista, 'di ba?
She lowered her head. "Oo, pero hindi ako naniniwala na conflicting of schedule ang dahilan kaya nag-quit siya sa mga projects niya. Kung lahat ng projects niya, bibitawan niya... ano ang paglalaanan niya ngayon ng oras?"
Related sa personal matter daw kaya conflicting ang sched, pero alam mo, tama ka. Sa tingin ko may something pa sa personal matter na iyan.
Nag-aalala si Bree para kay Krista. Hindi niya alam kung bakit, pero kilala niya kasi ito. Hinding-hindi gagawa ng ganoon si Krista kung hindi dahil sa mabigat na dahilan. Hindi nito basta-bastang hahayaan na maagaw nila lahat ng mayroon ito.
"Baka magbago ang isip niya," buntong-hininga ni Bree. "O baka trap lang niya iyan. Baka problematic 'yung mga project, nag-quit siya at sina-suggest na ako ang bet niyang pumalit sa roles kasi akala niya kakagatin ko agad 'yung opportunity na lamangan siya."
I'll see further into it, Bree. Pasensya na, darling. Na-excite ako kasi big break mo na ito!
Hindi niya maintindihan ang sarili. It was logical for Manager Ken to feel that way. Siya nga dapat ang kauna-unahang na-excite, tapos ito ang magbibigay ng reality-check sa kanya. Or maybe, she didn't want to leave this yacht yet?
Napatitig siya sa seat at manibela niyon. Bumalik sa kanya ang pagkandong noon kay Virgo at pag-iwas niya sa halik nito.
Bakit ko ginawa iyon? I am always game, right? malungkot niyang isip.
Muling nagsalita si Manager Ken. Oh, kamusta naman ang pagbabakasyon mo diyan sa beach house na nirentahan mo?
"Beach house?" She gasped. "Ah! 'Yung beach house!" alanganin niyang tawa. "Ang peaceful! Ang peaceful dito."
Nakakapagpahinga ka ba ng mabuti diyan?
"Oo naman, Manager Ken!"
Lubusin mo na, darling. Once ma-confirm ko na wala namang problema sa mga projects na iniwanan ni Krista, we'll get it. Imagine mo parang chess lang, sunod-sunod ang kain mo ng piyesa.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. It was scary how things felt so connected, in one way or another.
"That will be great then, Manager Ken," pagbaba ng tono niya. "Kung kinakailangan, babalik ako agad diyan."
Nang maibaba na niya ang cellphone, at saka lang tumuloy-tuloy ng akyat ng hagdan si Virgo na kanina pa nakaupo sa isa sa mga hakbang niyon at nananainga.
"I chose to stay here, and you're willing to leave as soon as you can," madilim ang anyo na saad nito.
Nahigit ni Bree ang paghinga. Sana hindi iniisip ng lalaki na pinaglilihiman niya ito kaya patagong tinawagan si Manager Ken dahil sa text nito.
"Eh..." tayo niya mula sa kinauupuan. "Okay lang naman, 'di ba?"
He just stared.
"I don't mean to offend you, Mr. President," alanganin niyang ngiti. "Pero kasi... may nangyari kay Krista... ako ang napipisil na pumalit sa kanya sa mga movie projects niya."
"In what movie projects? Those sexy movies? With men? With bed scenes?"
"Ikaw naman!" magaan niyang tawa, kahit gumagapang na ang takot sa loob-loob niya. "Ano pa ba? Alam mo naman na ganoong mga movies ang ginagawa ko."
"I'm just curious," he shrugged. Unti-unting kinukubli ng binata ang pagdidilim ng anyo nito. He tossed his head up.
She nervously laughed. "For some reason, akala ko nagseselos ka na diyan."
"Why should I, right? It's your job."
She nodded and crossed their distance.
Mainit na yumakap siya kay Virgo, nakangiti.
Bakit ganoon? Naghahalo ang kaba at takot na nagpapabilis sa pintig ng kanyang puso. Ayaw naman niyang mag-assume na masama ang loob ni Virgo sa kanya kasi siya pa itong gusto nang bumalik agad ng Manila.
But this is her chance. She was willing to throw all her woes about showbiz out of the window just for this exposure... this recognition... this big break.
"My dreams are coming true, Virgo," higpit ng mga braso niya rito. "Magkakaroon na ako ng lead roles."
"But don't forget, kukuhanin natin ang PH Channel," dahan-dahang hagod ng kamay nito sa likod ng kanyang buhok. Ni hindi man lang ito yumakap sa kanya.
"It's okay," pikit ni Bree. "Kapag akin na ang PH Channel, I will still be acting there."
"Unless I change my mind," he darkly stated.
Bree was too happy she let it slide.
"You won't change your mind," hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap sa lalaki.
He let out a sigh.
"Hug me, Mr. President."
Virgo was still and stiff for a moment. Then his arms rubbed against her arms. They warmly enveloped her with his embrace.
.
.
LATER THAT NIGHT, VIRGO WAS ALONE AT THE DECK OF THE YACHT. Kaunti na lang ang brandy sa hawak niyang baso habang nakaupo doon at nakatanaw sa malayo.
I shouldn't have partnered up with Bree... She can easily forget, pagdidilim ng anyo nito. Kalapati nga siya. Isang palakpak lang, babalik at babalik sa hawla.
Inangat niya ang kamay para uminom pa ng kaunti.
He put the glass down.
Sinarili ko na lang sana ang plano para sa PH Channel. I can bring that station down and still have Bree anyway— even her career... will be upon my own discretion. No more of those sexy roles. No more leading men. I don't know what to allow...But... none of those.
Sinaid na niya ang laman ng baso.
"Ah..." baba niya ng baso. He licked his lips dry.
Why did I even fell in love with her? This is not even part of my plans.
Pain scarred across his handsome face. His jaws tensed.
How could I let my guard down and let this slide?
.
.
.
***
AN
Tadaaaa!!! Hanggang dito muna ang updates! I hope #BreeGo 's story helped you relax and enjoy this loooong weekend! I am so thankful for your warm support! Kitakits ulit next week! ;)
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro