Chapter 36: Wishing Star
MAHINA ANG NAGING PAGTAWA NI BREE. It felt as wispy as the cool breeze that touched their skin on that deck. Hanggang sa unti-unti na iyon naging masigla. Naramdaman ni Virgo ang pagkilos nito. Bree turned to him. Namumungay ang mga mata na tumitig sa kanya. Hinahanap ang sinseridad sa kanyang mga sinabi. Paling ang ngiti nito. Nakukuha niya na naguguluhan ito sa narinig... Nagtataka... Nahihirapang maniwala.
"You love me?" she giggled.
His smile was awkward. He didn't want to look away from her eyes. Virgo wanted to show that he really meant what he said and was not afraid he said that just now.
He loves her.
Bree fell silent and cupped his face. Nahihiwagaan ang mga basang mga mata na nakatitig sa kanya.
It was as if he was a fragile pricey figurine in her hands, looked at with wonder and admiration... but also with a worry that one wrong handling, he could fall and break.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito.
"Virgo..." her voice broke, so she laughed it off gently.
Nilapat niya ang isang kamay sa ibabaw ng kamay nito.
"I love you, Virgo..." she breathed out, then followed by a cracked laugh. Tears brimmed in her eyes again. "Hindi ba masakit pakinggan? That I'm in love with you." Pagak na tumawa pa ito. "It's unbelievable, coming out of my mouth... from this... this slutty... slutty Bree Capri's mouth..." lumuwag ang ngiti nito. She threw her head back and laughed.
Sinalo ni Virgo ang likuran ng ulo nito sa takot nung sumobra ang pagliyad ng babae. Akala niya babagsak na ito pahiga. But she flung her head back forward and met his gaze.
"Ikaw ha," she pointed a finger at him, smirking. "Baka naman pinaglololoko mo lang ako." Napailing-iling ito. "Ako... h-hindi. Alam mo kung bakit? Kung bakit hindi kita niloloko? Kung paanong mahal kita talaga?"
He gently shook his head.
Kinawit ni Bree ang mga kamay sa leeg niya.
"Ka-si-" ngumiti muna ito at hinilig ang ulo, "sa lahat ng lalaki na humawak sa akin... ikaw... ikaw lang ang tumarato sa akin na parang tao!" Lumiyad na naman ito para tumawa. "Sila?" she pursed her lips. "Brrrft." Napatingin ito sa bandang kanan nito. She was staring at nothing in particular. "Sila... gusto lang nila makatikim, Virgo. I'm like a candy wrap... They'll eat what's inside then... gugusutin nila ako at itatapon." She gazed into his eyes. "You know what I mean, right?" Tumango-tango ang dalaga at ngumiti. "Gugusutin ako. Pagmumukhain nila akong may gusot sa mga tao. Pangit. Kaladkarin. May issue. O nagsisinungaling na may nangyari sa amin. Tapos, tapon sa basurahan." Tumawa na naman ito, pero panay ang dausdos ng mga luha sa kanyang pisngi. "Nalulungkot ako kasi mahal kita, Virgo..." pagbabago ng emosyon nito. Her lips quivered as her shoulders shook. "Kahit ako hindi ako makapaniwala..." She chuckled and shook her head. "God, what am I saying?"
He let out a sigh and combed her hair with his fingers. His reassuring smile did not even stop Bree from crying.
.
.
.
***
.
.
.
BREE KEPT VOMITING. After one last plop of it in the toilet bowl, she lifted her head and gasped for air. Pa-ponytail ang pagkakahawak ni Virgo sa kanyang buhok. Maingat na hinawi ng isa nitong kamay ang ilang mga hibla ng buhok ni Bree sa kanyang noo at mga pisngi.
"God..." pikit niya habang naghahabol pa rin ng hininga.
Naramdaman niya ang pagpunas ng lalaki ng tissue sa gilid ng kanyang bibig. Nanginginig ang kamay na kinuha niya iyon mula rito para siya na ang maglinis sa sarili.
"Oh, Mr. President," abot niya sa flush knob ng toilet para mawala na sa paningin niya ang nangangamoy na suka. "Ano bang nangyari kagabi?"
Nagtataka si Bree kung gaano karami ba ang nainom niya. Bakit hilong-hilo siya ngayon? Sukang-suka? At parang bugbog na bugbog sa sobrang panlalambot ang katawan niya?
He rubbed her shoulder. "Obviously, sumobra ka ng inom."
Napatitig siya sa kawalan. Nagmumukmok si Bree noon sa deck nung naglasing siya habang nagpapahangin doon. Alam din niya ang dahilan kung bakit gusto niyang maglasing ng maglasing. She thought that would help her resume her sleep. Hindi kasi siya makabalik ng tulog dala ng kung anong konsensya na kumakatok sa kanyang dibdib.
Nakokonsensya siya dahil parang sobra-sobra na 'yung mga ginagawa ni Virgo para sa kanya. Eh ano lang naman siya, 'di ba? Parausan lang naman nito. At iyon din naman ang pinapalabas niya na halaga ng lalaki sa kanya.
Everything looked so perfect when she woke up that night.
Even Virgo's damn, handsome face and hard sculpted body.
"Paano ako nakabalik sa kwarto?" matamlay na lingon niya rito. "Paggising mo ba, nandoon na ako?"
"Seems like..." titig nito sa kanya, "someone was black out drunk last night. Bakit hindi ka nagyaya?"
Napanguso siya. "Wala."
"Why would you even drink that much?"
"Hindi lang ako makatulog ulit," nanginginig ang mga tuhod ni Bree sa pagtayo. Mabilis tuloy na umalalay si Virgo sa kanya.
She wanted to steer away from this position- the side of her body leaning against him. Nakatapis lang siya ng tuwalya, boxers lang ang suot nito. Just a few more friction between their skin and something could happen again. Balewala na kung pumipintig pa rin ang pananakit sa kanyang ulo at parang pinipiga ang buong katawan niya.
"At bakit?" steady nito sa kanya para makalapit sa lababo.
She sighed. "Virgo, ang sakit ng ulo ko, please, huwag puro tanong."
He scoffed. "So? Is it my fault?"
Bree let out a groan. Dumukwang na siya sa lababo at binuksan ang gripo. Nagmumog bago pinunasan ng kamay ang bibig at hinayaan ang pagpulupot ng kamay ni Virgo sa kanyang bewang. Pinasandal siya ng lalaki sa katawan nito.
"Inom ka pa ulit ng marami, ha?" anito nang marating ang kusina at patungo na sa mga upuan sa yateng iyon.
Fear crept through her. Alam ng kaibuturan niya na seryoso ang sarkastikong panenermon na iyon ni Virgo.
"Have I done anything crazy?" upo niya sa couch. "Or said anything crazy?"
Nanghihina pa siya kaya pinatong na rin ni Bree ang mga paa sa upuan. Iniwanan siya roon ni Virgo para tunguhin ang kusina.
"Virgo!" pisil niya sa sentido habang pinapabalik ang lalaki.
Damn. What happened last night?
Bumalik ito, may dalang mug ng mainit-init na tubig at isang bote ng malamig na orange juice. Umupo ang lalaki sa likuran niya at pinatong sa mesa ang mug. He didn't need to tell that the warm water was for her to drink. Kaya lang, ayaw pa niyang uminom.
Pinipilit niyang halungkatin sa alaala kung ano ba ang nangyari nung nag-black out siya.
Virgo occupied the corner of the seat. He pulled her to lean her back against his chest. Nakasandal naman ang likod ni Virgo sa backrest ng C-shaped couch na iyon. His hands, swept her hair to fall over her left shoulder. Comportableng sinandig niya ang ulo sa kaliwang balikat nito.
"Virgo, may tinatanong ako," kulit niya sa lalaki na minamasahe na ngayon ang mga sentido niya. Bree closed her eyes, feeling the pressure of his fingertips numbing the piercing pain from her hang-over.
"What?"
"Sabi ko, may ginawa o nasabi ba akong mga kabaliwan kagabi? Nung nakainom ako?"
"Try to remember."
"Ikwento mo na lang, please... Wala akong maalala."
"Well, you have to try to remember what happened."
"Itong taong ito," pagtataray niya. Bree had to admit, her hang-over was making her easily irritated too. "Please, Mr. President, pakikwento na lang kung ano ang nangyari kagabi."
"If I do that, you won't learn your lesson, Miss Bree."
Hmph.
"And what lesson is that?"
"Responsible drinking," mahina nitong tawa.
"Bwisit ka," kurot niya sa hita nito na nakabakod sa kanya at nakapatong na rin sa upuan.
Humalakhak ito.
But how happy he sounded only made her sad.
"Have I been a trouble last night?"
"A trouble?"
"Ilang beses ako nagsuka?" nanatili siyang nakapikit dahil baka masilip ng lalaki ang nararamdaman niyang guilt. "Malikot ba ako? Maingay? Makulit? Pinaghahahampas ba kita?"
He chuckled lowly. "All of the above."
"I'm really a handful, eh?"
"Ayos nga iyon eh. Gusto ko naman sa babae 'yung medyo may topak," tawa nito.
"Tigilan mo ako," kurot niya ulit dito kaya napakislot ang lalaki.
Pero imbes na pagalitan, tinawanan lang nito ang pangungurot niya habang patuloy sa pagmamasahe sa kanyang sentido.
There was a short silence before Bree found something to say.
"Ang bait mo talaga, Mr. President."
"Hmmm."
"Salamat sa patience. Nakakahiya talaga, pinag-alaga pa kita sa akin," nahihiya niyang tawa. "I shouldn't be doing this, 'di ba. 'Yung hinahanap ko sa ibang tao 'yung treatment na hindi binigay sa akin ng mga magulang ko. May mga ganoon daw eh. Nabasa ko siya sa libro." Napatitig siya ulit sa kawalan. Pilit niyang binabalik-balikan talaga ang mga nangyari kagabi pero wala pa rin siyang naaalala. "Pwede mo naman ako pabayaang mag-swimming sa sarili kong suka. Bakit ba ang bait mo sa akin, no?"
"Sinabi ko na kagabi kung bakit."
"Ano ba iyon?"
"Try to remember," tukso nito.
"Bwisit ka talaga."
Mahina itong tumawa at binitawan ang sentido niya. "Uminom ka na ng tubig."
She obeyed him. Gumuhit ang init ng likido mula sa kanyang lalamunan pababa sa sikmura. She flinched at another poke of pain on her head. Sumandal ulit siya, pumikit at bumalik ang lalaki sa pagmasahe sa kanya.
Another silence.
But for some reason, it felt just right.
That it wasn't wrong for them to have still, silent moments like this.
Dama naman niya ang pagkakalapat ng mainit na katawan ni Virgo sa kanya. Dama niya ang presensya at atensyon ng lalaki kahit na hindi sila nag-uusap.
Even silence was comfortable with Virgo.
"Siguro, sobrang baliw ko talaga kagabi," mulat niya, naniningkit ang mga mata. "Tuwang-tuwa ka siguro. Tawa ka siguro ng tawa."
"Sabi mo nga kagabi, hindi ikaw ang pumatay kay Lapu-Lapu, bakit hindi ko tanungin 'yung kusinero."
"Bwisit ka!" natatawang harap niya rito. "Hindi ko alam iyang pinagsasasabi mo! Hindi ko sinabi iyan! Pang-80s iyang joke na iyan, eh!"
"How sure are you?" gwapong ngisi nito. "Eh, wala ka ngang maalala. Tapos, alam mo pang galing sa 80s 'yung joke."
She stroked the side of his face. Pabiro ang pang-aakit sa kanyang tinig. "Eh, 'di ipaalala mo sa akin ang lahat... Mr. President."
He grabbed the side of her face. "Kapag may lakas ka na ulit ng loob," misteryosong ngiti nito sa kanya.
"Ako?" salubong ng mga kilay niya.
He shook his head and chuckled. Then he cocked his head to the side to give her a stare.
Well, at least, natawa si Mr. President sa kung anumang mga kabaliwan ang nagawa niya nung nalasing siya. Sabi nga ni Manager Ken, kapag naba-black out siya, lumalabas daw ang talent niya sa pagkanta at pagsayaw. Maybe that entertained him, kahit na naging pahirap siya sa binata nung nagsimula na siyang magsususuka.
She probably reenacted some of her favorite movie scenes too. Dama kasi niya ang hapdi ng mga mata, bahagyang namumugto at sigurado siya na dahil iyon sa mabigat na pag-iyak.
.
.
.
***
.
.
.
"THEN WHERE IS HE?" Mayor Cheska smiled, but intimidating threatening was in her eyes.
Hindi naman tumatalab iyon kay Jordan. He may look harmless and cute, but that only helped to conceal how sly he was. He tossed his head and gave her a look. The two of them, surrounded by their own guards, being in the vacation house in Tagaytay where Aries Ferdinand had his last breath was the most comfortable place for him to hold meetings like this. Dahil ni-isa sa mga Ferdinand ay hindi kayang bumisita pa rito.
Well, except him and Virgo too.
Virgo who was the topic of the conversation now.
"Am I my cousin's guardian now?" ngisi ng lalaki sa babae.
"Ang sabi mo, single ang pinsan mo," ayos nito sa pagkakahawak ng puting pouch sa tapat ng tiyan nito. "He was looking for someone nice to date. Pero bakit parang hindi naman siya nakiki-cooperate sa iyo?"
He let out a sigh. Maybe it would not hurt if he would tell the truth now, right?
"There's a small problem, Mayor."
"What?" deretso ang titig nito sa kanya.
Jordan shoved his hands to the pockets of his jeans. "He's trying to... to fulfill his needs, you know."
"Can't you just be straight to the point? I don't have all day," nawala na ang ngiti sa mga labi nito.
Jordan stepped closer to her. "He's probably on an escapade right now, non-stop fucking with somebody."
Naningkit ang mga mata nito. Nainsulto.
"I have competition and you're not telling me?"
"You call that competition?" mayabang na ngisi ng lalaki. "Eh, hindi naman iyon maipagmamalaki ni Virgo, Mayor. Inaaliw lang niya ang sarili niya kasi single siya. Lalaki. First time nakatikim kaya sabik pa," he shrugged.
Mayor Cheska could not believe she would know this much about Virgo too soon. Jordan was not really the right person to talk with. Sigurado ang babae na may hidden agenda kaya paligoy-ligoy kausap. Pero kapag dineretsahan naman ito ng usap ng lalaki, masyadong marami ang nalalaman ng mayor. Kahit mga detalye na hindi na dapat ini-specify pa.
"So, when is he coming back? Kailan mo siya makukumbinsi na i-date ako?"
"Nagpaplano pa kami kung ano ang dapat gawin sa babae niya," kibit-balikat nito. "Pero, mas magiging madali ang lahat kung may itutulong ka."
Her eyes narrowed at him.
"We might need five million," nakakalokong ngisi nito.
"Five million?"
"Come on," mahina nitong tawa. "We all know why that woman wants my cousin. Magiging presidente ng Pilipinas si Virgo. Sinasamantala niya na makuha ang loob ng pinsan ko dahil siya rin ang makikinabang. She had to, since she's not really that successful in what she does," he bitterly spat.
Napansin ni Mayor Cheska ang saglit na pananahimik ni Jordan. Naaaninagan nito ang tila pagkainsulto. Tila may naalala ang lalaki na yumurak sa pagkatao at ego nito.
"For her," balik ng mga mata ni Jordan kay Mayor, "my cousin will be easy and unlimited money. Kaya kung magbibigay ka ng limang milyon, she won't have to know it's from you. And she'll accept it to get out of my cousin's life."
"But if she's smart, she won't take it," seryosong saad ni Mayor Cheska. "Nauubos ang five million. Pero kung habambuhay siyang didikit kay Virgo, araw-araw siyang magbubuhay-reyna."
"Trust me, Mayor," maluwag nitong ngisi. "Hindi niya aambisyunin na makilalang asawa ng pinsan ko. Kahit ang pinsan ko, mahihiyang ipakilala siya sa mga tao. We've been planning for his presidency for so long. Nadadala siya siguro ng kapusukan niya, pero naniniwala ako na nasa isip pa rin niya ang mga plano namin. Once he becomes the president, his hours will be occupied. He won't even have the time to think about sex. Or most probably, he'll seek who's closer to where he is, which, should be you; instead of going into trouble, sneaking around, considering his busy schedule. He would not let a woman he can't take seriously, ruin our plans."
"So, you're saying that the only problem we have is a woman? At sa iisang babae lang na iyon, hirap na hirap kang ilipat ang atensyon ng pinsan mo sa akin?"
"You can't belittle a woman, Mayor," ngisi nito. "Lalo na 'yung mga babaeng ginagamit ang kahinaan nila para mabilog ang ulo naming mga lalaki. Kahit sino kasing kumanti sa kanya, magmumukhang masama."
"And if Virgo finds out that we are going to negotiate with that woman-"
"He will think we're the bad guys," kumpirma ni Jordan. "Kaya sa oras na magkasama na kayo ni Virgo, aliwin mo ng maayos, Mayor. Gawin mo siyang busy sa'yo, para ako naman..." ngisi nito. "Ako naman ang bahala sa babae niya."
.
.
MALUWAG ANG NAGING PAG NGITI ni Bree bago inangat ang piraso ng Chess para tumira. Virgo lifted his eyes o her, admiring that light-hearted smile as they sat by the C-shaped couch that had a table.
Tatlong beses tumuktok sa board ang piyesa nito. At sasayaw-sayaw na pinagdadadampot ni Bree ang mga nakaing Chess pieces ni Virgo.
"Dama!" masayang deklara nito sa kanya.
"Ahuh..." ngisi niya rito. "Ubos!" tukoy niya sa kanyang mga piyesa.
Napabungisngis lang ito.
The woman thought she outsmarted him.
Nagpatalo lang naman siya kasi alas-diyes na ng gabi.
"Tara," ligpit niya sa Chess board at mga piyesa niyon.
"Ay, bakit magliligpit ka na agad?" pamewang nito. "Madaya ka. Ngayon lang ako nanalo tapos ayaw mo na?"
He stifled a chuckle. "Magpahangin naman tayo sa labas."
"Asuuus..." alis na nito sa kinauupuan. "Ang sabihin mo, natatakot ka lang na manalo ako ng sunod-sunod kasi nakuha ko na iyang technique mo!"
He could not really hold it in. Tumawa siya. "Eh 'di patunayan mo iyan mamaya. Maglaro ulit tayo pagbalik dito sa loob."
"Ano ba ang gagawin natin sa deck? Bukod sa pagpapahangin?" nood ng dalaga sa kanya.
Virgo felt damn stupid for being too shy to catch her gaze now as he folded the Chess board and locked it.
"Ikaw? Baka gusto mo na ring magpainit tayo doon."
He stole a glance at her and caught Bree's mouth drop in surprise. It slowly stretched into a knowing smile.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" iwan niya sa Chess board sa mesa para samahan ang dalaga palabas ng cabin.
They had no sex today so far. It was Bree's hang-over that got in the way. Kadalasan tulog ang dalaga. Siya naman inaaliw ang sarili sa pagtse-tsek dito o 'di kaya'y pakikipag-usap kay Ryan sa cellphone. Kahit pilitin niyang magbakasyon ng tuluyan mula sa trabaho sa Manila, hindi rin niya pala kayang tiisin iyon. Nangunguna pa rin daw siya at ilang mga balota na lang ang hinihintay na mabilang.
Pero sigurado na raw ang panalo niya kahit hindi pa inaanunsyo. 'Yung bilang daw kasi ng boto sa natirang mga balota na iyon, hindi raw sasapat para makahabol ang mga kalaban niya sa pagkapangulo sa bilang ng mga botong natanggap niya.
Still, he was not yet assuming he already won.
Not until it was announced.
May ilang mga text messages na rin siyang natatanggap na nagko-Congratulate sa kanya at tinuturing na siyang pangulo ng bansa.
He turned to Bree and saw her curious reaction.
Now, Virgo was wondering how she would react when he tells her he won.
"Hindi ka naman nakikinig eh," balik nito ng tingin sa harapan at binilisan ang lakad.
"Sandali lang," abot niya sa kamay nito.
It made her stop and look down to see his hand grasping hers. Hinigpitan ni Virgo ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga. At parang humihilab ang puso niya sa sinisikil na saya nang unti-unting yumakap sa kamay niya ang mga daliri ni Bree.
Namimilog ang mga mata na napahakbang ito pabalik sa kanya. Her straight hair pushed gently by the breeze from the open door behind her. Tinaas nito ang isang kamay. She tucked a hair strand behind her ear.
"Ano 'yung sinagot mo sa tanong ko kanina?"
"Ang sabi ko, okay na ako," nahihipnotismong titig ng mga mata nito sa kanya.
His free hand reached for her waist. Virgo pulled Bree closer to him.
"So..." dikit ng noo niya sa noo nito, "pwede na?"
His soft murmur made Bree smile. " Sa deck?"
"No. Pagbalik natin dito sa cabin mamaya."
"Bakit..." bitaw ni Bree sa kamay niya para humagod sa kanyang mga balikat, pababa sa dibdib, "hindi na pwede sa deck?"
"Ayokong ginawin ka," he rubbed her shoulders.
She lowly laughed. "Why are you so concerned with me, Mr. President?" her tone was teasing and playful.
"Nasagot ko na iyan, kagabi," mainit niyang bulong sa tainga nito.
"Nakakainis ka," bulong rin nito sa kanya kaya natawa na siya.
Virgo parted from Bree and pulled her outside. Nang marating ang deck, umupo sila roon.
There was darkness everywhere. The lightings from the yacht softly glowed and danced against the ripples of the still waters. Bahagya ang pag-ugoy niyon habang nakatingala siya sa langit. Sinundan ni Bree ang kanyang tingin.
"Ah, oo nga pala, dito sa Constallacion nagi-star gaze ang parents mo, Mr. President," anito.
"Yup," he replied, still looking at the stars that dotted across the sky.
Kalikasan lang ang pumapaligid sa kanila kaya klarong-klaro ang langit. Itim na itim na siyang nagbibigay-daan sa pagningning ng mga bituin. They sparkled and twinkled brightly that their eyes could even identify some of their colors- there were blue stars, red stars... white stars...
"Are you looking for a wishing star?" biro ng dalaga. "Iwi-wish mo ba na makialam ang universe at manalo ka sa eleksyon?"
"No," his eyes were already on Bree, smiling at her carefree open-mouthed smile while looking at the stars wide-eyed. Tinaas pa nito ang kamay na para bang pinagko-connect the dots ang mga bituing nakakalat sa langit. He almost melted as he smiled. "I already have a movie star beside me. She makes all my wishes come true."
Natigilan si Bree. Binaba nito ang kamay at nilingon siya. It was as if something magical as she turned her head to his direction slowly, at an angle where the yellow lightings of the yacht reflected her eyes so perfectly- making her eyes as soft as Ilsa's teary ones in Casanova.
Hereyes crinkled as she giggled. "Tigilan mo ako, Mr. President."
.
.
.
***
AN
Here's the last set of chapters for this week! Enjoy po sa pagbabasa and kitakits sa inyong lahat sa bagong mga chapters next week! <3 <3 <3 Pasensya na rin if hindi ko na naiisa-isa ang mga comments ninyo tulad ng dati T^T I will find an available time for it soon! <3 Maraming salamat sa inyong lahat!
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro