Chapter 34: Worried
BREE HEADED TO THE NORTH. Mahaba-haba ang biyahe pero matiwasay silang nakarating doon ng driver nila ni Manager Ken. Nang matulungan siya sa pagbaba ng mga bagahe sa private vacation house na iyon, umalis na rin ito agad. Sa daan na lang daw ito kakain dahil gustong makauwi ng maaga sa Manila.
The one-day rental for the vacation house was a bit pricey. Hindi nakakapagtaka dahil hindi lang basta vacation house iyon. It was a private beach house. Aside from it facing the beach, it had no neighboring houses too, an assurance that any guest would have a very peaceful stay. Mayroon ding wifi doon at kumpleto ang mga gamit. Pinaliwanag naman ng may-ari na may times na mahina ang wi-fi signal dahil sa sobrang seklusyon ng lugar. Bree booked for a stay for today and the end of the month. Iyon ay para hindi mahalata na umalis siya roon sa oras na sunduin siya ng driver pagkatapos ng kanyang bakasyon.
In-accommodate siya ng may-ari ng vacation house. Nakipag-picture din ito sa kanya dahil naging avid fan nung mapanood siya sa The Rightful One. Nakiusap nga lang siya na kung pwede sana, next month na nito i-upload 'yung selfie photo nila. Ayaw lang kasi niyang may makaalam na nagbabakasyon siya at baka ma-recognize ng mga makakakita sa picture kung nasaan siya. Um-oo naman ito.
"Are you sure that you'll be fine being alone here?" tanong ng magandang babae sa kanya. "I think, throughout the trip, nakita mo naman na ang layo ng mga bilihan dito. It will take you at least, three hours to reach the nearest town with market from here."
"I can manage," ngiti niya rito. "I really love this place."
"Oh, thank you, I hope you'll enjoy your stay," masaya nitong ngiti sa kanya.
Nang maiwanan na siyang mag-isa sa bahay, binuksan ni Bree ang sliding door sa likurang bakuran niyon.
Nakahara pang sliding doors sa maliit na hardin na nalalatagan ng Bermuda grass. Abot-tanaw mula roon ang puting buhangin ng beach. Bree spread a wide smile and lifted her hand to cover her face from the scorching sunlight.
In an hour or so, a helicopter finally arrived.
Ayon sa plano nila ni Virgo, magre-renta siya ng pribadong vacation house. 'Yung nasa liblib na lugar. Hihintayin niya ang pagdating ng helicopter ng binata na magdadala sa kanya sa lokasyon nito.
Kung saan iyon, hindi sinabi sa kanya ng pilyong lalaki.
Surprise daw.
Bree closed the sliding doors as the helicopter descended. Leaves, sprinkle of water and sand flew in swirls, following the wind swooshed by the blades of the flying machine. Nang humina na ang pag-ikot ng mga elisi, binuksan niya ang sliding doors. Sumalubong sa kanya ang batang piloto. He was around eighteen or nineteen, tall and slender with cute, puppy eyes.
Tinulungan siya ng mismong piloto ng helicopter sa pagsakay ng mga gamit niya roon. Iniwanan din niya ang duplicate keys na pinahiram sa kanya ng may-ari sa coffee table sa salas na may kasamang note. Habang nilalagay nung piloto ang mga gamit niya, nilinis ni Bree ang kayang punasan sa nabuhanginan na sliding door. Sinigurado niyang nasarado ng mabuti ang sliding door bago lumapit sa naghihintay nang piloto.
Then he gave her some ear muffs with a mouth piece.
"You'll need that," tulong nito sa pagpapasuot sa kanya niyon. "Kung may mapansin ka na problema sa seat mo sa loob, just let me know, Ma'am."
Napatitig siya sa piloto. Hindi kaya nito i-tsismis na siya— si Bree Capri— ay nakikipagkita kay Virgo Kristofer Ferdinand? Kilala naman siguro nito kung sino ang nagbayad ng service fees nito, 'di ba? Siguro din naman, aware ito kung sino siya... 'di ba?
"I will," nag-aalangan niyang sagot. Nag-aalangan dahil sa mga naisip tungkol sa piloto.
Pinasakay siya nito sa passenger seat ng helicopter kahit wala naman itong katabi sa harapan ng sasakyan. Then, the door slid close before he got on his seat and put on his accessories. Binilinan din siya nito na suotin ang seatbelt at nagdagdag ng mga emergency precautionary measures na dapat niyang gawin kapag kinailangan.
Then she felt the helicopter lift.
Tinanaw niya ang iniwanang vacation house.
She may have done a lot of outrageous things in her life, and called out for it. But this must be on the top of the list— a grand, pricey sneaking away with a future Philippine President.
It had to be sneaky or else, Virgo would earn the dirty reputation of being one of her temporary, play things. And her ugly image as a celebrity slut will relive in entertainment pages, online columns and TV talk shows.
She had to recall these reasons to keep her guard up. To remind her to stay careful. Medyo nakakalimot siya dahil nakumbinsi siya ni Virgo sa ganito ka-engrande na bakasyon. Medyo nakakalimot siya dahil nakumbinsi siya ni Virgo na lumabas sila sa mall nang magkasama.
Medyo nakakalimot siya, maybe because she was enjoying herself too much with him.
But isn't that the reason why she teased him?
To enjoy?
"Ma'am?" pukaw sa kanya ng piloto.
"I'm—" tinapat niya ang mouthpiece sa bibig. "I'm alright."
"Good, Ma'am. Just checking."
She let out a sigh of relief. Pagsilip ulit sa bintana, saka lang niya napagtanto na sobrang taas na nila.
Tila hinahangin na asul na kumot ang dagat sa ilalim nila. Maliliit na butil ang mga dahon ng puno na nagdikit-dikit sa hanay ng mga bundok. Natabunan na rin ng mga iyon ang vacation house. At parang nakalatag na puting papel ang buhangin na pinasilaw ng tumatamang liwanag ng araw.
The helicopter flew for almost forty minutes and then it smoothly swerved, spinning carefully as it descended.
Napuno siya ng pagtataka.
Bakit bumababa ang lipad nito? Nasa ibabaw pa rin naman sila ng tubig? Hindi isla o beach ang sasayaran ng sasakyan kapag nagpatuloy ito sa pagbaba.
.
.
And you did not let me know? pang-apat na ulit nito sa tanong.
"Look," sagot ni Virgo sa kausap sa cellphone, "if I let you know this, I'm sure that you'll want to send guards with me."
Why not? Jordan replied. You need it. Lalo na at baka may magtangka sa buhay mo ngayong nangunguna ka pa rin sa dami ng boto.
He let out a sigh. Dapat kanina pa talaga niya ini-off ang cellphone. Kaya lang, naghihintay siya ng tawag ni Bree kaya hinayaang naka-on muna iyon.
"That's why I am taking a vacation," he was tired of this. "Call this, me hiding away from everything there. So, please, give me a break and stop calling me. I'm obviously escaping from you too."
I'm just concerned.
"Then don't be concerned for one month."
One month?
"You're choppy," he sighed and turned off the phone.
Ini-off niya agad iyon at iniwanan sa isang drawer. Tapos nang maglagay ng mga bag sa cabinet si Virgo kaya nilisan niya ang cabin. He headed to the side of the yacht and placed his hands on the railing.
Tumingala siya, tinakpan ng kamay ang naaarawang mukha at natanaw ang isang helicopter.
He smiled.
.
.
"SIR," gamit ni Bree sa mouthpiece.
"Yes, Ma'am?"
"Pabagsak yata itong helicopter," silip niya rito.
Mahina itong natawa. "Huwag po kayong manakot, Ma'am. Pababa lang po tayo."
"Pababa?"
"May yacht po sa baba."
Tumingin ulit si Bree sa bintana. Habang pababa sila ng pababa, palinaw ng palinaw ang puting cabin yacht na nasa tubig. It stretched quite long, the sunlight made it look like a dazzling pearl. Pinakintab din ng liwanag ng araw ang kulay silver na mga bakal at accents niyon. The windows have black tints.
Dahil sa anggulo ng helicopter at paggalaw niyon pababa, nahirapan siyang basahin ang naka-stud na bakal sa gilid ng cabin yacht na pangalan niyon.
"Sabi ni Sir Virgo, matapang daw kayo na babae, kaya hindi naman po siguro kayo matatakot bumaba gamit ang rope ladder."
"Rope ladder?" pamimilog ng mga mata niya.
Loko talaga minsan itong si Virgo! Lapat niya ng kamay sa palda ng suot na bulaklaking dress. He knows that I will wear this dress today!
Buti na lang, bikini ang nasa ilalim niyon. Nagbigay naman kasi ng clue sa kanya si Virgo na magsu-swimming sila.
"Yes, Ma'am..." sulyap nito sa kanya at nang makita siya, naalala nito na naka-sundress siya. "Uh, well..."
Alam niya, hindi pwede bumabang-baba roon ang helicopter. Walang pwedeng paglapagan ang sasakyan sa estilo ng cabin yacht na bababaan niya. Isa pa, posibleng masagi rin ito ng elisi.
"Natatandaan niyo pa naman po ang instruction ko, 'di ba, Ma'am? Kung paano bababa sa rope ladder?"
Bree let out a heavy sigh. "Yes."
Nang bigyan ng signal ng piloto, hinubad na ni Bree ang seatbelt. She collected all the safety harness and the pilot kept glancing at her to double check if she wore them right. Siya na rin ang nagbagsak sa rope ladder. Natanaw niya ang pagkilos ng isang lalaki sa baba. He securely tied the end of the ladder on the railing of the cabin yacht.
Pagkatapos, kinabit niya sa mas maliliit na clasps ang handle ng dalawang bag na dala niya. They snapped close around each side of the rope to make them slide down the cabin yacht. Nasalo ang mga bag niya nang marating ang dulo ng lubid, tinanggal mula sa mga grips.
Then it was her turn. She stepped down on the ladder first. Muntik na siyang mapasigaw nang iugoy iyon ng hangin. Nanginginig ang mga kamay na ini-attach niya sa magkabilang side ng lubid ang clasps ng suot na safety harness. The clasps carefully tinkled and slid down after her as Bree step down one step at a time. Isa pang tulak ng hangin sa lubid at napayakap siya roon ng mahigpit.
My God!
The wind wildly blew some strands of her hair off from her high ponytail. The ends of her skirts left nothing for her to hide underneath them.
Nang marating ang dulo ng hagdan, naramdaman niya ang mga kamay ni Virgo sa kanyang bewang. As she turned, Virgo spread a smile for her. Admiring how she looked. Her body leaned against him as he carefully removed her harness. Halos nakayakap sa kanya ang mga bisig ng lalaki.
The scent of the ocean, slapping wind and Virgo's clean, newly bathed skin slurred her senses. For a moment, she just wanted to remain nested by his arms, her back caught by his hard bare chest. At alam ni Bree na mainit ang naging dating sa lalaki nang pagbaba niya sa helicopter, ang pagkaway ng kanyang palda para manukso sa kung ano ang suot niyang bikini sa ilalim niyon, ang matamis at subtle na amoy mula sa kanyang pabango at shampoo na ginamit na malapit lang sa gilid ng mukha nito habang nakayakap mula sa likuran niya.
Maingat siya nitong binaba at hinawi ni Bree ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha. Nasalubong niya ang paghanga sa mga mata nito, ang wala-sa-loob na pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Virgo.
It was as if she was looking at one of those hot summer flings that they show in movies— sunkissed, masculine and playful. His damp hair was tousled, his chest and torso were firm, and his swimming trunks sexily hugged his hips and muscled thighs.
"Oh," he snapped back to reality and turned to untie the rope ladder.
Nanatiling nakalaylay iyon nang lumisan ang helicopter.
Binalikan siya ng lalaki nung dinadampot na ni Bree ang mga bag.
"Bree."
Tumuwid siya ng tayo at hinarap ito.
"Are you scared?" nag-aalala nitong hawak sa kanyang mga balikat para ilapit siya rito.
"Sa pagbaba ko sa lubid?"
He nodded. "Nung... nung una... at saka kapag hinahangin siya," amin niya rito.
"Pasensya na, 'yung piloto lang ang kasama mo roon. There should be someone assisting you and—"
She serenely smiled at him. "Look, Virgo, alam ko ang sitwasyon natin. At kung 'yung piloto lang na iyon ang mapagkakatiwalaan mo na magdadala sa akin dito na hindi tayo itsi-tsismis, I'm already fine with it."
"But, something could happen, you could fall there—"
"Of course," tawa niya. "Haven't you assumed that already before you planned this?"
Natigilan ito. Napatitig sa kanya.
She met his gaze.
"Welcome to Constallacion," pinasiglang anunsyo nito, tila umiiwas sagutin ang tanong niya.
.
.
"BUT, SOMETHING COULD HAPPEN, YOU COULD FALL THERE—"
What was he so worried about? He trusted Prince to orient Bree very well. Si Prince ang isa sa mga ini-sponsor-an niya para makapag-aral sa isang pilot school. Dahil doon, maipapalagay na may utang na loob sa kanya ang anak ng hardinero sa mansyon ng mga Ferdinand, kaya ginawan siya ng pabor na ganito. Another reason why he also let the kid take piloting courses was, of course, to work for him in the future.
"Of course," tawa ni Bree sa kanya. At nakuha pa talaga nitong matawa! "Haven't you assumed that already before you planned this?"
Natigilan siya sa sinabi nito. Napatitig si Virgo sa dalaga. His heart sunk deeper as her eyes met his worried gaze.
Yes, what was he so worried about? Tiwala naman siya na maabilidad na babae si Bree. Na hindi naman problema kung bumaba ito ng ganoon mula sa helicopter.
Yet, while he was watching her, almost struggling, stopping every once in a while to hug the swinging ropes in fear, every fiber of his muscle itched to run and climb that rope. Aakyatin niya talaga ang lubid para siya na mismo ang magbaba sa dalaga sa cabin yacht. Kaya lang, pinigilan siya ng sariling logic. His weight on the rope and movements might compromise Bree's safety.
He decided to let change the topic. Bree should be excited, not listening to his worries.
"Welcome to Constallacion."
"Constallacion?" kunot-noo nito habang pinapanood ang pagyuko niya para bitbitin ang mga bag nito.
"Yes," he stood straight and gave her a nod to follow him inside one of the cabins. "That's the name of this cabin yacht."
"Oh," masayang ngiti nito. "Bakit naman Constallacion?"
"It means Constellation," lagpas niya sa ilang mga pinto bago huminto sa tapat ng sadya. "Madalas kasing gamitin ang yacht na ito sa pagi-star gazing."
"Ikaw? Nagi-stargazing?" disbelief was in her voice.
Gusto niyang matawa. Ganoon ba kawala sa hitsura niya na tumitingin siya sa mga bituin? Was he that tough and intimidating?
Ruthless?
He pushed the door open.
"Occassionally. Kapag kailangan ni Mama ng kasama."
"Siya ang mahilig mag stargaze."
"Yes. Iyon kasi ang lagi nilang ginagawa noon ni Papa," ngiti niya dahil kahit nakikipag-usap si Bree, panay naman ang gala ng mga mata nito sa paligid.
The awe was all over her beautiful face, seeing the luxurious, wood-finish interior of the cabin yacht's living room studded with installed lighting fixtures overhead. A couch stretched along a wall across a C-shaped couch with a wooden dining table on it. There was also a flat screen TV. Tanaw ni Bree sa daan patungo sa kusina.
Virgo led her to a black, metallic winding stairs that led them to the bedroom of the cabin yacht. Sa area na nao-overview ang deck, naroon ang windshield at mga controls ng yate. Sa likuran ng controls nakalapag ang puting sofa at side table sa dulo niyon. Nakahawi ang puting mga kurtina, kaya kitang-kita mula sa salaming pader banda doon ang nakapaligid na tubig sa yate.
Dinala ni Virgo ang babae sa opposite side niyon. As he opened the folding door, the white bed welcomed them, some cabinets and night tables. Nilapag niya ang mga bag ni Bree sa kama.
"Yung iba mong mga gamit, nasa cabinet na," aniya. "You can start checking your things or have some rest," tapik niya sa gilid ng kama nang umupo doon katabi ni Bree. "If you need to use the bathroom, pagpunta mo ng kitchen, may pinto doon na gawa sa kahoy. That's it."
"Thank you," ngiti ng dalaga sa kanya.
He felt his body leaning toward her, like a hard metal being pulled by her magnetic gaze. Bree dropped her lips open in wonder as she met his gaze.
Virgo stopped.
He was afraid she would not enjoy their vacation if he would be too forward now. Bibigyan niya na lang ito ng oras para magpahinga muna.
Tumayo na siya.
"I'll prepare some refreshments," paalam ni Virgo rito.
.
.
KRISTA LET OUT A PUFF OF BREATH. Nakasuot ito ng tank top at shorts. May naka-wrap na bandages sa mga kamao habang sumusuntok sa pads na hawak ng napapaatras na boxing trainer. Pumipitik ang bawat suntok sa boxing pads nung una, pero ngayon, nakakaramdam na ang babae ng pagod. Kasama ng pagod ang panlalagkit nito dahil sa pawis. Nasasalo naman ng sweatband nito ang pawis sa noo.
She was currently training to be fit for Forbidden. Madre ang role nito, pero magkakaroon daw ng matindi-tinding action scenes dahil makikipagsabayan daw ang karakter ni Krista sa leading man nito. Sa ganoong eksena rind aw isho-showcase ang ganda ng pangangatawan ng babae na hindi agad mapapakita sa unang mga eksena na nagdadalawang-isip pa ito kung itutuloy ang pagmamadre.
So here she was, serious and seemingly angry at the pads.
Not really. She was imagining Bree's face on one pad, and her manager's on the other one.
"Krista!" tabig ng trainer sa kamay nito nang hindi madala sa salita na huminto sa pagsuntok.
"Are you alright?" kunot-noo ng may katandaang lalaki rito.
She blinked. It was as if vertigo was taking place, a black cloud within her sight before it cleared. Nasilayan na ni Krista ang mukha ng kausap.
"I am," she panted.
"Then, pay attention," gesture nito na nagsasabing gamitin niya ang tainga.
"You're overworking yourself for nothing," paliwanag na nito. "Dumadaplis na ang huli mong mga suntok."
"I guess, I'm just tired..." atras niya.
"Hindi mo pa tapos 'yung goal natin na—"
"I said I'm tired," she gritted. "Obviously, you know I am overworking myself for nothing! So, maybe, it's best I take a break. I deserve one, right? For overworking myself here?"
Nag-aalalang sumaklolo sa babae si Melody.
"Krista..." mahinang saway nito sa pagtataas ng sexy star ng boses sa trainer.
Nahihilong napailing-iling ito. "I'm... I'm just tired..." this time she was apologetic as she gazed at the boxing trainer. Pagkatapos, hinarap na nito si Melody. "My towel, please, and water."
Nang masolo na nila ang isa't isa sa locker room, kinausap na ng manager si Krista.
"Ano ang nangyari, Krista?"
Patuloy ang babae sa pagpupunas ng sariling pawis.
"Wala," matabang nitong sagot.
"Wala? Muntikan ka na. Ano na lang ang iisipin ng mga makakakita nung ginawa mo?"
"He said I am overworking for nothing," padabog na baba nito sa kamay na may hawak ng towel.
"Magaling na trainer si Sir Jake, Krista. He knows what he is saying, kaya matuto ka na lang mula sa kanya."
"That's not it," frustrated na buntong-hininga ng babae.
Kaya lang, tao ni Kaiser si Melody. Gustuhin man ni Krista na maglabas ng sama ng loob dito, nakakatakot dahil tiyak na malalaman lahat ng iyon ng TV executive.
"Tell me, what's the problem, Krista? Para maayos na natin ito."
When Melody says maayos na natin ito, it means, Kaiser will be consulted about her problem soon.
"Pagod lang ako," dahilan ng babae. Pero ang totoo, ilang gabi na nito pinag-aalala ang sariling posisyon sa mga mata ni Kaiser.
Tinanggihan daw ni Bree ang offer nitong TV series. At nanggigigil si Krista dahil kilala nito si Kaiser. Kung o-oo ka kaagad sa lalaki, ibibigay nito ang lahat. Kung tatanggihan mo naman ito, mas lalo itong magpupursige sa paghahabol.
Lalo na kung malaki ang magiging pakinabang ni Kaiser sa hinahabol nito.
At minsan, marumi maglaro ang lalaki.
Paano na si Krista kapag binitawan na ni Kaiser? Saan ito pupulutin?
Yes, she already had a reputation to maintain her demand for TV and movie projects. But nothing beats the ease of having Kaiser on an actress' back. Mga proyekto na mismo ang nagsisilapitan sa makursunadahan ng lalaki. Mga proyekto at magagandang katrabaho na mga direktor, staff at artista. Alagang-alaga ang magiging paborito nitong artista. May VIP treatment.
Nirerespeto.
"Krista?" tawag dito ni Melody.
Pero bakit ganoon?
Parang ang layo-layo ng boses nito?
Nilingon din ni Krista ang babae.
Hindi nito makita ang manager.
Kadilimanlang ang sumalubong dito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro