Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31: In Demand

NANGUNGUNA PA RIN SA BILANG NG BOTO SI SENADOR VIRGO KRISTOFER FERDINAND... mabilis at malinaw na balita ng nagsasalita mula sa bukas na radyo ng sasakyan.

Nakaupo sa backseat si Bree katabi si Manager Ken. She picked a black dress. It had a square neckline where the top of her cleavage line sexily peeked. May kalaparan ang shoulder straps niyon at fit na fit sa kurba ng kanyang katawan ang tela niyon.

Wala sa nagsasalita sa radyo ang atensyon ni Bree. Excited pa rin siyang nakikipagdaldalan kay Manager Ken.

"Naku, Manager Ken!" hindi niya mapigilang yugyugin ito. "Si Sir Kaiser pa mismo ang tumawag sa akin!"

Ngiting-ngiti naman ito. "Sige lang, kahit mahilo-hilo na ako rito, iyugyog mo lang ako at nang kalmado ka na mamaya kapag na-meet na natin siyaaaa!"

Natawa siya rito at tinigilan na si Manager Ken. Her hand smoothly ran over his shoulders, where she wrinkled the cloth of his button-down polo shirt.

"Bakit hindi ka naglagay ng lip gloss?" hilig niya ng ulo, nasa mga balikat pa rin nito ang kamay.

"Gaga, ngayon pa lang kami magkikita ni Sir Kaiser, gusto mo na agad na ma-awkward siya sa akin!" natatawang alis na nito sa mga kamay niya.

Bree sexily bit her lower lip. Hindi niya sadya na ganoong impresyon ang ipakita, pero nagpipigil na kasi siya ng tawa habang nakatitig sa mga labi ni Manager Ken.

"Eh kasi naman no, ang plain mo tingnan."

"Hindi ako ang artista dito," pabirong irap nito. "Tama lang na pormal at malinis lang ako tingnan para seryosohin niya ako. And I am perfectly fine with my clear lip balm, thank you."

"So, hindi seseryosohin ni Sir Kaiser ang pagiging aktres ko dahil sa hitsura ko?" pagtataray-tarayan niya.

"He will. You look like a very prominent actress now, darling," pasimpleng salo nito sa maluwag na pagkakakulog ng kanyang buhok. Manager Ken tossed it behind her shoulder, making her locks bounce.

Maluwag ang ngiti ng mapula niyang mga labi. "Buti naman."

"Aba, syempre, hahayaan ko ba na hindi prepared ang alaga ko sa pakikipagkita sa mga exec?"

Kapwa sila nagbungisngisan.

.

.

"I CAN'T BELIEVE YOU'RE DOING THIS," Krista gritted.

Nakalublob ang babae sa bathtub na puno ng puting bula. Nakapusod ang buhok nito habang tanaw sa kabilang sulok ng silid si Kaiser.

Nakasuot na ang ginoo ng long-sleeved polo na asul. Nakatayo ito sa harap ng salamin sa banyo at sinusuklay ang may kanipisan na nitong buhok.

"Are you threathened?" tusong taas ng sulok ng labi nito.

Hindi makuha ni Krista ang magsalita.

"Hindi ka threatened kay Bree, hindi ba?"

"Hindi," sagot nito pero parang wala sa tono nito ang kasiguraduhan. Ni hindi na nga nito maibalik ang tingin sa likuran ng lalaki.

"I'll just see if the girl will bite my offer."

"Desperada iyon eh!" Krista snapped. "Malamang tatanggapin niya anuman ang ialok mo! Kahit pakainin mo pa ng tae 'yun, gagawin niya!"

Mababa ang naging pagtawa ng ginoo. "Kung ganoon ang kaso, wala naman pala kayong pinagkaiba."

Shame washed all over Krista's face. Hurt was in her eyes and she was silenced.

"You won't mind, right? If I did not come home," balik nito ng suklay sa holder na nasa kalapit na shelf.

"Tatapusin ko lang itong pagligo ko, uuwi na rin ako."

"Good," harap ng lalaki sa babae.

"Huwag kang masyadong mag-enjoy sa babaeng iyon."

"The audacity to dictate me," ngisi nito, patungo na sa pinto.

"I tried being friends with her," she gritted.

Huminto ito sa pinto, nilingon siya. "Then try harder. Kung hindi, ako na lang ang kikilos para masiguradong matatali sa PH Channel si Bree. And that would mean, me, replacing you."

Hindi na ito nakaimik kaya umalis na si Kaiser.

Gigil na napatili si Krista. Hinampas ang mga bula at tubig bago mariing napapikit. She clutched the hair at the top of her head.

Hindi pwede ito! Hindi pwedeng mapunta sa wala ang pagpapakaputa ko sa matandang ito!

.

.

HER INSIDES WERE STILL FLIPPING LIKE CRAZY. Nakaupo na si Bree sa pribadong silid ng hotel restaurant. It was a table for four. Magkatabi na silang nakaupo roon ni Manager Ken. Nasa harapan na rin nila ang isa sa mga producers ng PH Channel na si Arlene Pascual. Medyo nagkakahiyaan pa silang lahat kaya tahimik sa silid, nagpapalitan lang sila ng mga sulyap at ngiti.

The doors opened once more. A waiter entered assisting Kaiser Peralta. He was already slightly slouching, but still had authoritativeness in his stature. Napalunok siya dala ng kaba. Sana mabuti ang maging impression sa kanya ni Kaiser. Sana isawalambahala na lang nito ang pagiging eskandalosa niya at lapitin ng kung anu-anong mga isyu mula nung nagsimula siya hanggang nitong mga nakaraan.

Nag-behave naman siya nung shooting ng The Rightful One 'di ba?

Tumayo na sila para kamayan ang lalaki. She gave her hand lastly, but Kaiser moved his fingers and took her hand to kiss it. Bree felt herself blush with appreciation and flatter.

"Nice meeting you, Sir Kaiser," kontrolado niya ang magtata-tumbling o maging OA.

He smiled back at her. "The pleasure is mine, Miss Bree."

"Let's have a seat?" anyaya ni Arlene nang hindi pa bumibitaw sa kamay niya si Kaiser.

Bree cocked her head to the side, trying to figure out what was taking Kaiser to let go of her hand. Why he was taking the time to stare into her eyes this deeply. She knew these kind of gestures, pero hindi niya naman pwedeng i-associate ang mga iyon sa sitwasyon nila.

This is a business-matter type of dinner, not something like her past dates where the men focused on trying to lure her into wherever they wanted to fuck her.

She felt his thumb stroke the back of her hand upward, before his touch began slipping away.

Bumitaw na rin ito para sundin ang suhestiyon ni Arlene.

Naupo na sila at doon na nagsimula ang pag-uusap.

She could not keep up with everything going on. Pakiramdam niya, nasa alapaap siya nung sinabi ni Kaiser na gusto nitong makipagtrabaho siya sa kasama nilang producer para makabuo ng isang TV series.

Naging teknikal na ang usapan sa pagitan ni Arlene at Manager Ken. Ayaw kasing sunggaban agad ng kanyang manager ang offer.

"Excuse me," paalam niya na nagpatigil sa palitan ng diskusyon ng dalawa "I'll just use the restroom."

Their nods were all she needed. Tumayo na siya at gumamit ng banyo.

Bukod sa pag-ihi, impit na nagtitili siya roon sa sobrang saya.

Then, Bree retouched and took a lot of breathings to calm down.

Paglabas ng pinto, nagulat na lang siya nang matanaw sa hallway si Sir Kaiser. She gracefully walked towards him.

"Sir Kaiser," ngiti niya rito.

He smiled back. "I never knew you're more gorgeous in person, Miss Bree."

Nahihiya man, hindi niya magawang yumuko. "Thank you."

"They're talking a lot about the project, so I decided to escape for a while."

"Actually, tumakas lang din po ako," mahina niyang tawa.

He chuckled too. "What I want is to just announce it to you, tapos magce-celebrate tayong apat at magdi-dinner. Masyadong mainit lang yata 'yung dalawa at gusto na yatang simulan agad ang project."

"Oh, ganyan po talaga si Manager Ken. Kapag work mode na siya, work mode na talaga."

Tumango-tango ang matanda.

"But what really confuses me," her smile faded, "is why you have to personally approach me, Sir?"

"I'm rooting for you," simple nitong sagot. "Gusto ko ngang matampal 'yung management kung bakit hindi nila na-recognize agad ang talento mo. Kaya ako na mismo ang kumilos."

Hindi niya napigilan ang mapangiti. "T-Talaga?"

"Of course," without her knowing, he was inching closer to her. "Buti na lang at madali na lang mag-viral ang mga bagay ngayon," anito. "It made way for me to know you, to know that you're one of our talents... that you've been trying to get the recognition you wanted for years. You don't deserve to wait like that... Hindi dapat pinaghihintay ang mga taong katulad mo na may passion at dedication."

She shoved in a deep breath. Hindi ito ang oras para maging masyadong humble. Kaharap na ni Bree ang lalaking posibleng tumulong sa kanya para ilampaso si Krista.

"You're right, Sir. And I believe that now is my time."

"So I'll back you up," his hand gently held her arm. At first it was a pat, then a firm hold.

Nagdududang nagtaas siya ng kilay. "Why me? I'm sure there's a price for this special treatment, Sir."

His eyes widened in surprise. Nahuli iyon ni Bree.

"I don't mean to offend," was her knowing smile, "Realistic lang ako, Sir. Ilang taon na ako rito sa showbiz kaya... kaya may idea na ako na 'yung ganitong mga project, hindi basta-basta binibigay para lang makatulong."

A mysterious smile crept on Kaiser's face. He leaned down to whisper in her ear what he wanted in return. Nung lumayo ito, wala sa loob na tumango-tango agad si Bree.

"We both want that, don't we?" magaan na ang ngiti nito sa kanya.

"Opo naman! Yes, Sir..."

Tikom ang bibig na nakangiti pa rin ang lalaki sa kanya. "Baka magtaka na 'yung dalawa. Let's go back now?"

She smiled. "Sure."

It was sad that in this moment, she forgot Virgo and their plans.

Huli na nang mapagtanto niya iyon.

.

.

THE BLACK CAR HALTED IN FRONT of Bree's house. Bumaba ang bintana at lumantad ang mukha ni Greg. Hawak ng isang kamay nito ang manibela ng kotse.

Pagkatapos, nilingon nito sa likuran si Virgo.

"Sir, affirmative, walang tayo sa bahay."

"How come?" he muttered, looking through the dark-tinted window beside him while wearing the hood of the jacket over his head. "Eleksyon ngayon. Karamihan sa mga tao, hindi magta-trabaho sa ganitong araw."

"Patay ang mga ilaw sa bahay, Sir."

"But not in the front yard," bukas niya ng pinto. "Magdo-doorbell lang ako."

After his numerous doorbells, kulang na lang na mapudpod ang daliri ni Virgo bago natanggap na wala nga sa bahay si Bree.

.

.

"THANK YOU," nakangiting silip ni Bree kay Manager Ken sa loob ng kotse.

Nakataas lang ang mga kilay nito. "Basta, pag-uusapan pa rin natin muna iyang project na iyan, okies?"

"Oo naman, no," kindat pa niya rito.

"Bruhilda ka!" naeeskandalong panlalaki ng mga mata nito sa kanya.

Malakas na natawa si Bree. "Isasara ko na itong pinto!"

Hindi niya ito hinintay makasagot. She closed the door and went to the gate. Hinalungkat niya ang dalang pouch para kunin ang susi. Napamaang siya nang itaas ang susi na nakakabit pa sa padlock niyon.

Nanlalaki ang mga mata na sinilip niya ang pantaong pinto ng gate. Walang padlock iyon.

Tinanaw naman niya ang kotse na binabaan kanina. Saktong lumiko na iyon paalis sa street kung nasaan ang bahay niya.

Dala ng excitement ko kanina, hindi ko na na-double check itong gate. She frowned. At nakalimutan ko i-lock 'yung pinto. Hindi ko na binalikan kasi akala ko naka-lock naman 'yung gate.

"Oh, my God," yuko niya para hubarin ang mga sapatos. This is a highly secured villa, but an independent girl has to be always sure...

Tumuloy na si Bree. She tiptoed across the front yard with her bare feet. Hawak ng isang kamay niya ang hinubad na kaliwang high heel at pouch. Nasa isang kamay naman ang pang-kanang paa na high heel, nakaamba na ang takong kung sakaling may kailangan siyang tuktukin.

Tinulak niya pabukas ang pinto at nagtago sa pader.

Walang lumabas.

Walang kakaibang ingay.

Okay, silip niya sa pusikit na kadiliman bago kinapa ang light switch.

She pressed it on then hid again.

Walang nangyaring kakaiba.

Bree's eyes narrowed. Sumilip siya mula sa pader na katabi ng bukas na pinto.

Her eyes swept from left to right. Malinis ang paligid, katulad pa rin nung hitsura niyon nung iniwanan niya. Pumasok na siya sa bahay. Nag-gagala pa rin ang mga mata sa paligid. Binaba niya ang isang sapatos, nilabas ang cellphone sa pouch bago initsa iyon sa sofa katabi ng isang jacket.

Her heart stood still.

Jacket?

Bumalik sa sofa ang mata niya.

"Home late," wika ng mababang tono mula sa bandang kusina ng bahay.

Bree turned to that direction, nakita niya na kakalabas lang ni Virgo sa banyo malapit doon. His hard frame leaned on his side against the wall beside the door he left opened. His dark, sharp eyes were intent on her, an alarm that swam through her every fiber. Fear stirred with surprise. The tightness of his lips and hard jaws was a picture of his disapproval.

Didn't her dress even manage to impress him?

"Virgo." Her sultry voice had a tinge of estrangedment. Taas-noong humarap ang mukha niya rito, pero ang katawan ay nakaharap sa sofa kung saan nito sinadyang iwanan ang hoodie jacket.

"Late voter, I suppose," pasada nito ng tingin sa kanya, parang sinisilaban pahubad ang suot niyang damit. "But wait," tanaw nito sa orasan sa kusina sa likuran nito, "it's almost midnight."

"Oh, yes," she sighed, dropping her phone on the sofa. "I went to a dinner."

"Obviously," mainit na titig ng mga mata nito sa suot niyang damit. "You in that sexy outfit with your peeking cle-" he abruptly stopped when their eyes met.

Her insides melt for some reason. She was cowering but not afraid. A strange combination of emotions his dark stare brings her. A hint of mellow sparkle in her eyes could not hide it. Her lips parted, but failed to voice out anything.

"What are you here for?" iwas niya ng tingin sa lalaki.

"Tinatanong mo pa iyan?"

"I'm tired," tuluyang harap na niya sa lalaki. Handa na siyang lapitan ito.

"Tired of eating dinner?" he scoffed.

"Tea?" sulyap niya sa lalaki, palapit ng palapit sa direksyon nito.

"Yes. Spill the tea, Bree," he hissed under his breath.

"What are you talking about?" lagpas niya sa lalaki kaya hinablot na siya nito.

She felt her back slam against his chest. Virgo's back hit the wall as he clutched on her arms from the back firmly.

"A new boy?" he peered on her face from her being pressed against him with her back on him.

"None of your business."

"It should be," he muttered. "Para alam ko kung anong oras ako pwede pumunta rito. Your boy might not appreciate it, sharing you with me, hmm?"

"Stop me-"

It was no use when she try to fight Virgo's hold. She was too soft when he yanks her back to her place- within his reach, within his arms.

His hand let go of an arm and rubbed against her throat, making her lift her face up. His hand grabbed on her neck, under her jaw.

"It's insulting, being uninformed," his hot breath touched her cheek. "I thought we had an agreement."

"I thought so too," matabang niyang sagot.

"What do you mean?"

"I can't talk kung yung posisyon ng kamay mo eh parang sasakalin mo na ako."

"You like it when I choke you," mayabang nitong ngisi.

Tinampal niya ang kamay nito kaya pinakawalan na siya ng lalaki. She wildly turned to face him, her hair tossing.

"You left me hanging for three days, Mr. President," she hissed at him, pointing a finger against his hard damn of chest. "Three days! You said, you'll call me, keep me updated, whatever. Pero sa tingin ko, masyado kang busy."

"Of course," he inched closer to her as he kicked his back off the wall. "Eleksyon. What should you be expecting? Na pakuyakuyakoy lang ako?"

"Of course," gaya ng dalaga sa lalaki, may sarkasmo sa tinig.

"What is your problem with that now, Bree?" nanghuhuli nitong ngisi. "I'm quite sure you have a fully occupied weekend as well."

"Occupied?"

Ano ang gustong iparating ng lalaking ito sa kanya?

"I get it, you're getting famous now," his jaws tensed. "Someone's becoming so in demand, whose bed this time?"

"Bed? Ano ba ang pinagsasasabi mo? If I don't know how smart you are, iisipin ko na nag-aassume ka na nagpapakama ako sa iba-"

"Assume?" he scoffed. "I don't speak about my assumptions, Bree. I only speak of it when I'm already sure it's true."

"Sure it's true?" She could not believe him! Napailing-iling si Bree, namewang. Sarkastikong tumawa. "My God, Virgo! So sinasabi mo na nakipagkita ako sa ibang lalaki?"

"Why not? You're Bree," bumagsak ang anino sa mukha nito. "You're always free kapag may nagyaya sa iyo." He maintained a low voice, heavy with his intensity.

"So are you," she spat, "papasyal-pasyal pa kayo sa Manila Bay! Gaano kalalim ba ang pagkakabaon niyang ano mo kay Mayor Cheska? Kahit hanggang kaninang umaga, hindi kayo mapaghiwalay eh!"

Realization dawned on him that silenced Virgo. The silence made his heavy, intense breathing obvious.

"I see now..." nanunukat nitong titig sa kanya.

Ano'ng nakita na nito? Pinagtagni-tagni ni Bree ang mga sinabi.

It was foul.

So, so, foul.

Why did she even say that?

Bakit dinidikit niya sa ganoong karumi na termino ang future President at isang respetadong Mayor?

Nakakahiya... Nakakahiya ang mga pinagsasasabi niya.

Ano ba ang pakialam niya? Ano ba ang karapatan niya?

"I was only away for three days, you got bored, so you began playing around," konklusyon nito.

"You know what?" mabigat niyang buntong-hininga. "Get out... please."

Nagtaas-noo lang ang lalaki. "Really? You're sending me out?"

"Oo," mariin niyang turo sa pinto. She even tilted her body a bit to manage to do that. "Umalis ka na rito."

"That's not what you want, Bree," he stepped closer.

"Virgo," she warned.

He immediately caught her wrists when she was about to shove him away. Hinatak siya ng lalaki padiin sa dibdib nito.

"Masakit!" angil niya rito.

"Of course," he murmured knowingly, a hint of smile on his lips in their nearness as his eyes adored her lips. "You always say that it hurt... at first."

Nag-init ang mga pisngi niya.

"Fuck, I am not talking about that!" singhal niya rito.

Then a twirl followed. Bumangga ang likod niya ngayon sa pader. Virgo pinned his body against her to make sure she'll stay in place.

"Bree," his fingers combed up the strands of her hair that fell over her eyes, "did I make you wait so long you can't bear it?"

Bree puffed a breath. She was about to speak but only left her parted lips hanging.

Hindi niya pwedeng sabihin sa lalaki na ayaw niya dahil sa tingin niya may namamagitan na rito at kay Mayor Cheska. Hindi pwede dahil ano ba ang pakialam niya sa personal nitong buhay? Pinahiya na niya kanina ang sarili sa mga nasabi tungkol sa kanila, gusto niyang umalis ito para makapagtago na siya sa sobrang kahihiyan dahil sa pakikialam niya, pero heto, determinado ang lalaki. He is Virgo Ferdinand for Pete's sake. Obviously, he was not the type of man would would accept a rejection as fast as that.

"Did this wait for me for too long?" his hand slid on her thigh against her tight dress, searching for her slit.

Inabot niya ang kamay nito at pinigilan na maabot ang dulo ng kanyang palda.

"Don't make me stupid, Mr. President," she stared defiantly at him. "What does it mean, you always being with Mayor Cheska? I may be a slut, but I don't enjoy the idea of being a third party. Never akong magpapakalbo nang dahil lang sa isang lalaki."

"At hindi naman hahayaan ng isang matinong lalaki na makalbo ka dahil sa kanya," his face drew close to hers, a soft smile on his lips. "There is nothing between us."

"Bakit-"

"I don't know," he murmured, their lips brushing against each other. "Siya naman mismo ang pumunta sa miting de avance ko. I am just being polite when I accepted her offer to stroll me aroud Manila too. Kailangan ko iyon para makahatak ng maraming boto. At ginawa lang niya iyon para ipakita sa akin na kapag naging pangulo na ako, gusto niyang suportahan ko lahat ng mga plano niyang proyekto para sa Manila."

Unti-unting nakaramdam ng panlulumo si Bree. Iyon ay dahil sa inasal niya. Dahil sa mga baluktot na imahe na naglalaro sa isip niya. Sabi daw nila, malakas ang radar nilang mga babae, pero bakit fail itong mga pinaga-a-assume niya?

Nakakahiya.

Sobrang nakakahiya.

Nakakahiya rin kay Mayor Cheska, lalo na at wala pa itong kamuwang-muwang sa mga pinagsasasabi niya kanina na damay ito.

"It also just so happened na sa iisang school lang ang precint namin kaninang umaga. Her surname is Fidel, mine is Ferdinand, hindi nagkakalayo ng arrangement, 'di ba? Also come to think we are Manila citizens too."

"What about nung weekend?" parang musmos nagtatanong ang kanyang tingin na nag-angat para salubungin ang mapang-unawang titig ni Virgo.

"Hindi ako nakatakas sa campaign manager ko nung natapos ang miting de avance. Nakabuntot sila habang pinapasyal ako ni Mayor Cheska. After that, we worked on our last minute campaign tactics. I have a new video online, they made it trend kasi sa Linggo, hindi na raw pwedeng mangampanya o maglabas ng anumang bagong ads for campaigning."

Hindi siya mahilig tumingin sa internet simula nung nakakatanggap si Bree ng mga bashing, kaya naman madalang siya maging updated sa mga ganoon. May nag-trending pala na video si Virgo.

Hindi man lang siya nakapag-participate para suportahan ito.

"At may," his hand gently touched her shoulder, "mga inasikaso pa kami..."

May naalala siya.

"May kinalaman ba ito kay Senator Zamora?"

Tumitig lang sa kanya si Virgo. Napawi ang ngiti nito.

"Nakikiusap daw siya sa supporters niya na huwag na siyang iboto," patuloy ni Bree.

"You think I can make him do that?" his eyes deeply probed within hers.

She pecked on his lips that brushed against hers and breathed her reply.

"I'm sorry." Then she gasped. Nakita niya kasi ang nakakalokong ngisi sa sulok ng labi nito. "At hindi ako nagselos, okay?"

Pinanlalakihan niya ito ng mga mata, ngingiti-ngiti lang ang lalaki.

"Sorry sa mga nasabi ko. Hindi ako nagselos. Okay lang sa akin kung may something kayo ni Mayor Cheska," iwas niya ng tingin. "Ayoko lang na nagmumukha akong tanga. Ayoko rin maging third party at-"

He grabbed her chin so that their gazes would meet.

"I don't need that," his fingers now played with the strap of her dress. "Walang halaga ang paghingi ng tawad kung hindi ipapakita nung tao na nagsisisi na siya."

"Alam mo naman ang dapat gawin sa akin, 'di ba?" begging was in her voice as he slowly let herself be consumed by his gaze. "Kapag naging sobrang pasaway ako..."

"Iunderstand that people say things they don't really mean when they're upset.And yes, I know what to do with you tonight," he answered under his breath.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro