Chapter 30: Election Day
BUKAS ANG RADYO HABANG nakaupo si Bree sa backseat niyon at nakatingin sa kanyang cellphone.
Good luck|
Her thumb was hovering over the keyboard on her phone's screen. Kung papadalhan niya ng mensahe si Virgo, baka hindi rin matanggap ng lalaki. Hindi ba ang sabi nito, magpapalit na ito ng cellphone number? He would even call her up so she'd know his new number.
Kaya lang, hindi naman tumawag ang lalaki kagabi.
Baka hindi ito nagpalit ng sim card.
Kaya lang, ulit, hindi naman ito tumawag kagabi.
Ano'ng oras na ba sila natapos mamasyal ni Mayor Ikay sa Manila Bay na iyon? bura ni Bree sa text message.
"Oh, umagang-umaga ganyan ang hitsura mo," puna sa kanya ni Manager Ken na abala naman sa pakikipag-chat sa nobyo nito na nauna nang bumoto.
"Inaantok pa ako," dahilan niya.
"Ang sabi ng darling ko," de-kwatro nito habang sinisilid sa front pocket ng fitting polo nito ang cellphone, "tamang-tama lang daw ang dating niya doon sa precint niya. Halos wala pang tao, at saka hindi pa kumpleto ang mga election staff na naka-assign sa bawat silid na siyang mago-obserba at maga-assist sa mga botante."
Bree yawned. "See? It's too early."
"Mabuti na rin na maaga tayo. Siguradong siksikan ngayon sa—" natigilan ito nang huminto ang kotse nila sa tapat ng gate ng isang eskwelahan. May mangilan-ngilang tao na roon na palakad-lakad.
"Sarado po ang gate," anunsyo ng driver sa kung ano ang obvious sa kanilang paningin.
They collected themselves. Naunang lumabas si Manager Ken dahil nasa side nito ang paaralan. Umusog si Bree para sumunod dito.
Sumalubong sa kanya ang haplos ng mainit-init na hangin. Naroon pa rin ang amoy ng bukang liwayway, ngunit maalinsangan na ang pakiramdam sa kanyang balat. Kumakalat na sa kalangitan ang dilaw na liwanag ng araw. The white wisps of clouds and dark blue sky made the sun light look like water spilled on yellow paint.
Alam na nila ang sarili nilang mga precint number, hahanapin na lang iyon. Sa paaralang ito, si Bree lang ang botante. Summa lang si Manager Ken para matulungan daw siya nito kung sakaling pagkaguluhan siya.
Tinahak nila ang school grounds patungo sa malaking paskil sa entablado kung saan makikita ang tarpaulin na may mapa. Nasa mapa ang mga silid sa paaralan na may kaakibat na precint number. Then, they immediately headed to one of the school building's second floor.
Nagulat ang guro na nasa silid na may precint number niya. Napamaang at napatitig sa kanya habang tsinetsek naman ni Manager Ken ang nakadikit na listahan ng mga pangalan katabi ng nakasulat na precint number. Kinumpirma lang nito kung naroon ang pangalan ni Bree bago sila matiyagang naghintay.
Nawala rin ang pagkamanghang mga guro kay Bree, tinuon na ng mga ito ang pansin sa pagsipat sa voting machine at pag-aayos ng mga papel-papel.
Then, it was already 6 AM. Hindi pa rin sila pinapapasok. Humaba na ang pila at halos nakabakod na si Manager Ken dahil sa dami ng mga gustong magpa-picture kay Bree. Karamihan ay mga kalalakihan. Nakahinga ng maluwag ang manager pagkatapos dahil hindi naman kasing gulo ng iniisip nito ang naging approach kay Bree.
Nakakailang nga lang kasi kahit tapos nang magpakuha ng litrato at video greet ng mga ito, panay naman ang titig o nakaw ng sulyap sa kanya.
Bree just hugged herself. Nakasuot siya ng fit na fit na t-shirt na pink at jeans na yumayakap sa kurba ng kanyang balakang, mga hita at binti. Her damp hair was combed neatly, a few strands cascade over her shoulders.
Fifteen minutes more and they were finally allowed inside. Pailan-ilang lang muna ang pinatuloy para makuha ng VRVM (Voter's Registration Verifying Machine) ang kanilang fingerprint. Sa oras na ma-verify na legal silang botante, bibigyan sila ng ballot, marker pen at folder. Umupo si Bree sa isa sa mga arm chair at maingat na binuklat ang folder.
Unang-una na dapat sagutan kung sino ang iboboto bilang pangulo.
Bree held her pen and scanned the names.
Ferdinand, Virgo Kristofer
Then her eyes found another name:
Lazaro., Macario
Mayroon tayong tinatawag na common sense. Kung eleksyon ang pag-uusapan, common sense na ang dapat na binoboto ng mga tao ay 'yung kandidato na walang isyu, walang naging kaso, mabuti, tapat at higit sa lahat, walang kapasidad na mangurakot sa kaban ng bayan.
Pero siyempre, mayroon din tayong tinatawag na personal na mga interes.
Na kahit hindi makakabuti para sa nakakarami, iboboto dahil may mga plano ang kandidato na sigurado na makikinabang ang boboto.
At siyempre, may mga tao na sa common sense nagbabase sa pagboto.
Kaya lang, sinong tao ba ang may kayang magsabi kung totoong walang isyu, mabuti, tapat at hindi kurakot ang taong iboboto nila? Sinong tao ba ang may kapasidad na makilala ang isang tao maliban na lang kung bigyan nila ng pagkakataon na ipakita nito kung paano mag-perform ng trabaho?
Nagsimula nang mag-shade si Bree ng kanyang balota.
.
.
NAGHIYAWAN ANG MGA TAO nang matanaw ang pagdating ni Virgo sa eskwelahan kung nasaan ang precint number niya. Nagkumpulan sa paligid niya 'yung mga palabas pa lang at tapos nang bumoto. Ganoon din ang mga papasok pa lang ng eskwelahan at hindi pa nakakapila. Hanggang tanaw naman ang mga nakapila na dahil kahit gustong-gustong tumakbo palapit sa kanya, hindi naman ma-afford ng mga ito na pumila ng panibago. May ilan naman na dedma lang dahil hindi naman si Virgo ang manok nila sa eleksyon.
Naroon din ang mga reporter ng TV at radyo. Nakaabang na talaga ang mga ito sa mga lugar na pagbobotohan ng mga sikat na personalidad at mismong mga kandidato. Ang iba naman ay nakatalaga sa mga kilalang siyudad para mag-monitor at magbalita ng mga kaganapan doon.
Nakangiti lang si Virgo, maaliwalas ang mood kahit mabigat ang katawan dala ng pagod at stress. He was tired from the previous days' miting de avance. At nang matapos ang pamamasyal nila ni Mayor Cheska sa Manila Bay, hindi na siya nilubayan pa ng campaign manager na si Ryan at ni Jordan. Tuloy-tuloy na ang mga pagpaplano nila para sa Big Day— ang eleksyon.
Kasama siya ng mga ito sa pag-aaral tungkol sa resulta ng masinsinan at matiyaga nilang pangangampanya. Napakiusapan pa nila nitong weekend ang mga volunteers at supporters niya na pagbutihin pa ang pag-promote sa kanya sa mga kakilala nito, ang pamimigay ng mga natitira pang campaign materials tulad ng mga t-shirt, sumbrero at poster.
Ang dahilan sa kanya ni Ryan, sa ganitong period daw nagla-lie low ang mga kalaban dahil paghahandaan ang pagboto ng mga ito sa araw ng eleksyon. May advantage daw si Virgo dahil mas bata sa mga ito at malakas ang pangangatawan. Which meant they could put more extra work in recording videos of him asking for people's support and making it viral on social media over the freaking weekend. Dahil ang sabi nga ni Ryan, wala pa ring tatalo sa mga bagay na may personal touch, tulad ng video niya na siya mismo ang nakikiusap sa mga tao na iboto siya. Iyon din ang paniniwala ng kanyang namayapang ama na si Aries Ferdinand, kaya hindi na siya nakatanggi pa.
Naghalo-halo ang mga reaksyon dahil tumalikod si Virgo at inalalayan sa pagbaba ng kotse si Ginang Laila Eloida Ferdinand. Dahil sa presensya ng aristokadang babae, parang nabuhay na naman ang isyu na kaakibat ng kanilang apelyido, ang tinatawag na kasalanan ng kanyang ama sa taumbayan— ang paghahangad nito ng isang imperyo.
"Kamusta, Senator?"
"Ano ang nararamdaman ninyo ngayong eleksyon na?"
"Sa tingin niyo ba, mananalo kayo ngayong eleksyon?"
He would casually glance at his mother. His siblings gained less attention and just stayed at their mother's side.
"Ano po ang masasabi ninyo na tatahakin ng inyong anak ang career na tinahak din ng inyong asawa?"
"Susunod kaya si Senator Virgo sa mga yapak ng kanyang ama?"
"Naniniwala ka ba na kayang higitan ng inyong anak ang legacy ni Aries Ferdinand?"
"May plano rin ba si Senator Virgo na ituloy ang plano ng inyong asawa na gawing imperyo ang Pilipinas?"
They kept their answers short and close ended. Minamadali na kasi sila nila Jordan na pumila sa kanilang mga precinct para makaalis na rin agad. Bumakod ang grupo ng security sa kanila, at naghiwa-hiwalay din dahil nakatoka ang mga ito sa ilan sa kanila na nasa ibang floor o gusali pa ang precinct.
Hindi sumama sa kanila si Ginnie dahil iba na dala-dalang apelyido. Sabihin man ng kanyang ate na hindi ito nakisabay sa kanila dahil gustong bumoto sa umaga kaysa sa gabi, palagay ni Virgo na ginawa lang iyon nito para hindi pagkaguluhan ng mga tao at ng mga reporter na hindi nakakaligtaang buhayin ang mga isyu na nakalipas na.
Ginnie was the eldest, and she witnessed more of the problematic era in their clan. Kaya hindi niya masisisi kung masyado itong sensitive pagdating doon. Dahil mulat ang ate niya at masasabing tunay na na-experience nito ang hirap, sakit at stress na pinagdaanan ng kanilang pamilya.
Buti na lang at mabilis na nawala ang atensyon ng mga reporter sa kanila. Mukhang niligtas pa sila ng pagdating ni Mayor Cheska Fidel. Nakangiting bumaba ito ng sasakyan, nakasuot ng puti at iyon na lang ang natanaw nila Virgo sa babae dahil kinubli na ito ng mga reporter na pumalibot dito.
He turned and caught Jordan's meaningful smile. Sa palagay niya, natuwa ito dahil distracted na ang mga reporter at makakapunta na sila sa kanya-kanyang mga precinct.
Virgo turned to his mother. "Ma—"
Nahuli niya na nakayuko ito. Nagtaas-noo ang ginang nang marinig ang tinig niya. Akala yata ng matapang na babae, maikakaila nito sa kanya ang bahagyang panghihina ng loob kanina.
"Let's go," matatag nitong saad na para bang walang nangyari kanina.
He smiled. His mother was one tough woman indeed. A woman he would always admire. Ito ang tipo ng babae na kahit anong isyu ang ibato ng mga tao, taas-noong haharap at haharap pa rin sa mga ito. Laila was the woman who stayed on his father's side despite all the threats they received; a woman who did not even ambition about charming people— but being her real self. She loved his father and she stayed true to that. Pwede nitong iwanan ang kanyang ama para magkaroon ng magandang imahe...
But she didn't.
.
.
BREE WAS LOUNGING IN THE LIVING ROOM. Nakapatong ang mga paa sa coffee table habang tutok ang mga mata sa TV. Pinapalabas sa news flash ang sitwasyon sa ibang mga lugar kung saan patuloy pa rin ang paghaba ng mga pila para bumoto. May mga botante na nagkagulo rin. Hindi na siya nagtaka pa nang malamang supporters ang mga ito ni Zamora.
Hindi niyo kami mapipigilan! Anuman ang gawin nila para panghinaan ng loob ang mahal naming Senator Zamora, siya pa rin ang iboboto namin!
Mag-isa na lang siya ngayon sa bahay dahil pumunta na si Manager Ken sa eskwelahan kung nasaan ang precint nito para bumoto. Palagay niya matatagalan talaga ito dahil mahaba na ang mga pila ngayon. Maaga man siyang natapos sa pagboto, kinakailangan naman nitong mag-commute dahil pinilit nito na siya na lang ang ihatid ng driver pauwi ng bahay.
At muling nagsalita ang reporter.
Ayon sa mga supporters ni Zamora, kinausap daw sila nito nung Sabado at pinakiusapan na magbigay daan sa ibang mga kandidato. Na huwag na ibigay dito ang buong suporta dahil wala na itong interes pa na manalo sa eleksyon sa hindi malamang dahilan...
She let out a sigh when another news appeared. Pinakita niyon ang mga Ferdinand, sa pangunguna siyempre ni Virgo. Magkakasamang dumating ang mga ito sa eskwelahan na pagbobotohan. Mukhang nasa iisang lugar lang ang precinct ng mga ito. Sobrang convenient, kaya lang takaw-atensyon kaya pinagkakaguluhan ng mga tao at reporter.
Katatapos lang ng mga itong bumoto. Palabas na ng eskwelahan. Nagsasalita ang reporter para i-narrate ang nangyayari habang nakikita niya na palabas ng gate si Virgo kasama ang nakangiting si Mayor Cheska.
Doon na tumaas ang kanyang kilay.
Her telephone rang. Umusog siya sa mesang kinapapatungan niyon. She leaned against the arm rest of the sofa before tucking the phone between her shoulder and cheek.
"Hello?"
Hello? Bree Capri?
"Who is this?"
I'm Kaiser Peralta, Miss Bree.
Namilog ang mga mata niya. Isa sa mga executives ng network si Kaiser Peralta! Ang pinaka-respetadong pigura sa PH Channel. Sa mga Peralta, ito lang ang tanging naghandle sa network na nakaisip magpagawa ng online streaming ng mga palabas sa TV Network nila. He also branched out PH Channel into many different affiliating sister companies like PH Films, PH Virtual Reality Studios, PH Charities, PH Live (for concerts and stage performances), PH Channel Cable (channel ng istasyon na sa cable lang available kung saan 24/7 nagpapalabas ng mga tv shows at may exclusive na shows na doon lang mapapanood), PH Escapade (a hotel), PH Museum (na may mga larawan, estatwa, paintings at memorabilia mula sa mga pelikula, TV show at artista ng kumpanya), at merch store na nagkalat ang mga branches sa buong bansa.
She heard he was planning a PH Restaurant too. Doon naman daw ise-serve ang mga iconic na pagkain na nafi-feature sa mga palabas sa istasyon o film company ng PH Channel.
"Hi, Sir." Damn, she felt dumb. Hindi siya dapat nagpapahalata sa phone na halos lumubog na siya sa kinauupuan sa sobrang intimidation.
Pero paano niya mapipigilan ang sarili? May-ari ng TV Network nila at executive nito na ang kausap niya.
Would you be available for a dinner tonight? You can bring your manager with you if you want.
Ano kaya ang pag-uusapan nila sa dinner na iyon? Makakatanggap ba siya ng recognition mula rito? Ng dagdag privilege higit pa sa ibang mga talent ng network? May io-offer ba na project para sa kanya?
"Oh,Sir," malapad ang ngiti niya, "I would love to! Saan po ba? Ano'ng oras?"
.
.
.
***
AN
Good evening, everyone! The wait is over! Ito a ang latest chapters ng #SLIDE ! <3 <3 <3 Enjoy reading! <3
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro