Chapter 29: Strolling
VIRGO CLIMBED UP THE STAGE. Sinalubong siya ng dumadagundong na hiyawan ng mga tao, ng kumakaway na mga banner at poster na may mukha niya, pangalan niya, at mga salitang nanghihikayat na siya ang dapat na iboto. Mga salita na dinedeklara na agad na siya na ang pangulo ng Pilipinas. Camera lights flashed here and there. Steady camera flashes waved along with the crowd, a sign that videos were also being recorded.
Bawat kataga na bitawan niya nang hawakan ang mikropono ay tinutugon ng pag-cheer ng mga ito. Halos mabingi ang mga ibon sa parke sa pagkakahimbing sa tuwing pumapalakpak ang mga ito nung inisa-isa na niya ang kanilang mga plataporma na sisikaping ipatupad sa oras na manalo sa eleksyon.
The way he spoke with passion captivated him.
Damn, Virgo really had the charisma of his late father, Aries Ferdinand.
.
.
VIRGO INTERNALLY SIGHED. Ilang minuto na kasing namamayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Mayor Cheska. Kapwa sila nakaupo sa backseat ng sasakyan nito, may respetableng distansya sa pagitan nila habang nakabuntot sa convoy nito ang sarili niyang sasakyan na minamaneho ni Greg. Nasa sasakyang iyon din ang kanyang campaign manager. Nakasunod din ang convoy ng mga tauhan ni Jordan. Nasa pinakadulo ang kotse ng pinsan.
The road seemed to clear for them. Tuloy-tuloy kasi ang biyahe nila.
Mukhang hindi rin nakatiis si Mayor Cheska. Nilunok nito anuman ang nararamdamang hiya at nilingon siya.
"Nagagandahan ka ba?"
He immediately nodded. Kanina pa kasi siya naghihintay na magsalita ito.
Nahihiyang napayuko ang babae, napangiti.
"I can't believe you can make Manila look like this," silip niya ulit sa bintana. "Hindi mo maikukumpara ngayon sa Singapore. Manila's the finest."
May kalakip na tensyon ang mahina nitong pagtawa.
Sumulyap si Virgo sa katabing bintana. Ilang taon nang malinis ang Manila, wala na rin ang mga pagala-galang taong-kalye o mga basura na nagliliparan kapag may mga sasakyang napapadaan. Every light post that fenced the road was lit brightly, as if they were newly built there. Hindi na rin naggigitgitan ang mga sasakyan sa sobrang traffic.
Hindi naman lingid kay Virgo ang dami ng improvement na naganap sa siyudad simula nung maupo si Mayor Cheska sa opisina.
And yet, she remained to be humble about her accomplishments. Kung hindi kasi, hindi mag-aabala ang mayora na ipasyal siya sa paligid para ipakita na sobra ang ikinaganda ngayon ng Manila. Kung napunta ang mga narating nito sa sariling ulo, makakapante ang babae na alam na niyang maganda ang siyudad, kaya hindi na siya kailangang ipasyal pa.
"Nitong nakaraang linggo," patuloy ng babae nang maihanda na ang sarili sa pakikipag-usap sa kanya, "may tatlong wi-fi and charging stations kaming dinagdag."
"You're spoiling your citizens too much," ngiti niya rito, "no wonder they love you."
"Ganoon lang siguro ako magmahal," she could feel her cheeks burn, "I spoil the one I love so much."
"And I bet you're strolling me around because of them."
Mukhang ngayon lang naalala ng babae ang pakay sa pag-anyaya sa kanya na libutin ang Manila.
"Oh, yes," humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay nito sa kandungan. "Nakita mo naman, publicly kong pinakita ang suporta ko para sa iyo. Kahit na magkaiba pa tayo ng partido, hindi ako nagdalawang-isip na dumalo sa miting de avance mo."
Virgo remained seated properly, listening with all his eyes on her.
"Kaya sana, huwag mong makakalimutan ang Manila sa oras na manalo ka, Senator."
He chuckled lowly. "How can I? Halos magiging magkapitbahay lang tayo, Mayor," magaan niyang sagot. "Kahit kailan mo ako kailanganin, puntahan mo lang ako sa Malakanyang. Katukin mo lang ako."
Mahina itong natawa. "Talaga? Kahit kailan kita kailanganin?"
"Oo naman!" he placed a hand on top of hers to give it a reassuring squeeze. Once he got her eye contact, he smiled and let go. Tumuwid ulit siya ng upo. "I really appreciate your support. Sobrang loyal ng mga Manilenyo sa iyo. Sigurado ako na kung sino ang sinusuportahan mo, susuportahan na rin nila."
In fact, Virgo just watered down the compliment to make him sound genuine. Ang totoo kasi, alam niya na hindi lang buong Manila ang hawak ni Mayor Cheska sa leeg. She also already have the admiration of the whole country. On social media, some people wanted Cheska to become a mayor of their cities too.
Ganoon kalaki ang paghanga ng mga Pilipino sa babaeng kasama niya ngayon.
She smiled and shyly lowered her head.
"I am glad it never mattered if I am a Ferdinand. Kilala ko naman ang partido ninyo. Nung simula ka lang, oposisyon na sila laban sa ama ko."
"Hindi naman kasi isyu sa akin kung sino ang isang kandidato," tingin nito ulit sa mga mata niya. "Ang mahalaga sa akin, kung ano ang makakabuti para sa mga tao."
"And you think I'll be a good leader to them?"
"Of course, Senator!" her innocent eyes widened in shock. "Don't ever question that. Simula pa lang, nakikita ko nang gusto mo talagang makatulong. You are proving people wrong about the Ferdinands. After so many bashings, you just returned the hurtful words with kindness and service—" at biglang tila nahiya ito sa sunod-sunod na pinagsasasabi. "All I'm trying to say is," she calmed down, "I respect you for choosing kindness."
"Thank you, Mayor."
"Susuportahan mo ang plano kong mga proyekto para sa Manila, ha?" magaang biro na nito kahit na parang masyadong trying-hard ang dating kay Virgo.
"We'll see. Mas priority ko pa rin ang makakabuti para sa lahat."
She giggled. "Yes. I can't argue with that!"
He nodded and looked outside the window. Deep inside, he was having a little celebration. Malakas ang magiging hatak ni Mayor Cheska sa mga botante para iboto siya. Sapat na iyon na rason para mas lalong gumaan ang mood niya ngayong gabi.
"Pero sana hindi ka nakakalimot na i-prioritize din ang sarili mo."
"Like?" lingon niya ulit dito.
"Like..." nahihiyang iwas nito ng tingin. "Your family... or having a family."
"Ang lakas ng loob ni Mayor magpayo, hindi naman niya magawa para sa sarili niya," ganti niya rito.
Ganoon talaga ang buhay-pulitika. Kailangang makisakay kung saan gustong dalhin ng kausap ang usapan.
Namilog ang mga mata nito. "You know I am single?"
He shrugged. "Everyone knows," tipid ang kanyang ngiti rito.
"Maybe, I'm just waiting for the perfect man," nahihiyang tanaw nito sa labas ng katabi nitong bintana.
"So, where else will you take me for a stroll?" tanong niya rito dahil wala na siyang makomento pa sa sinagot ng babae sa kanya. At hindi naman siya interesado sa perfect man na pinagsasasabi nito. "I hope we won't be out too late. I have somewhere else to go."
I just feel too good after a successful miting de avance, I'm having an erection that I want to share with Bree, dugtong ni Virgo sa sariling isip.
"Would you mind if we walk around Manila Bay?"
Napatitig siya sa babae. "Manila Bay? Matagal na rin akong hindi napapagawi roon."
Because it's a very public place...
"You should!" Mayor Cheska smiled sweetly. "It had a bad reputation for a long time, and it's one of the famous landmarks of Manila. Kaya talagang pinag-effortan namin na pagandahin at pabanguhin siya ngayon. It would be an honor to have the future President visit and say a good word about the new Manila Bay."
Wala namang masama sa gusto nitong mangyari. Isa pa, dagdag-exposure din iyon sa kanya para may makadaupang-palad na mga mamamayan. Bahala na kung dumugin pa sila ng mga ito. Tutal, huling stage na ito ng pangagampanya kaya itotodo-todo na ni Virgo.
He smiled politely at Mayor Cheska. "Sure. Dumaan na tayo roon."
.
.
NAGHAHANDA NG TSAA SI BREE habang nakikinig sa bukas na flat-screen TV. Dinig iyon at abot-tanaw sa counter sa kusina kung saan siya abala sa paghahanda ng panghapunan.
For tonight, she felt in the mood for some roasted chicken. Malapit na iyon maluto sa oven kaya naman naghanda na siya ng tsaa.
Until there was a news flash on TV. Doon siya attentive dahil mahilig si Bree sa mga balita kaya hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pangalan ni Virgo.
"Oh," bitbit niya sa tasa ng tsaa para lumapit sa TV.
Nanatili siyang nakatayo sa harapan niyon, pinapanood ang video ni Virgo kasama ang Manila City Mayor na si Cheska Fidel. Both were smiling at each other as they talked. Nakabuntot sa mga ito ang tatlong lalaki na naka-barong. May ilang lumapit para magpa-picture sa dalawa. Iyon lang ang interupsyon sa mga ito bago ituloy ang paglalakad-lakad sa baybayin ng Manila Bay.
At biglang siningit ang mismong video na kausap na ng reporter ang dalawa.
Akala nga nila, nagde-date kami dito, mahinhing tawa ni Mayor Cheska matapos ipaliwanag na naroon sila ni Virgo dahil gusto nitong ipagmalaki na maganda at malinis na ang Manila Bay.
Masaya ako dahil naging payapa ang naganap na miting de avance kanina, nagmamadaling wika naman ni Virgo nung kamustahin ito ng reporter. Nasa background ng mga ito ang kumpol ng mga tao na nakikiusyoso. May ilan namang dumaan lang pero napatingin sa gawi nila. Nagpapasalamat ako sa mga supporters ko sa pagdalo. Damang-dama namin ni Senator Pacito ang suporta niyo. Gayundin dito kay Mayor Cheska, nakangiting sulyap nito saglit sa nakangiting babae. She made sure that our event here in their city will be safe and successful. I am also glad to stroll around the city with her. Looking around this place made me feel like I am already in an international city.
Natawa si Mayor Cheska, obvious ang sobrang pagka-flatter.
She inspired me that if she can make Manila this beautiful, I can also help our LGUs to do this in their respectives towns and cities. Kayang-kaya namang pagandahin ang buong Pilipinas, gawing mas malinis, mas organisado at ma-alleviate ang mga isyu sa traffic at basura.
Bree reached for the remote and turned off the TV.
"Oh, ano at in-off mo ang TV?" sulpot ni Manager Ken. Nakigamit lang kasi ito ng banyo kaya ngayon lang nagpakita sa kanya.
"Eh, hindi na naman ako makakanood at busy ako sa pagluluto," dahilan niya habang pabalik na sa kusina. "Nasaan na 'yung fafa mo? Ano'ng oras pa raw ba siya makakarating dito?"
Ang fafa na tinutukoy niya ay ang boyfriend ni Manager Ken.
Naisipan kasi ni Bree na imbitahin ang dalawa na mag-dinner kasama niya sa bahay. Pakonsuwelo dahil sobrang saya niya kanina nang malamang magse-second week nang showing sa sinehan ang bago niyang pelikula.
She already changed to a pink dolphin shorts and a white-fitting shirt. Nakapusod ang mahaba niyang buhok.
Bree let out a groan when she heard the TV. Nakaupo si Manager Ken sa sofa at tinuloy ang panonood. Napalingon siya rito.
Nakakatuwa pagmasdan kung gaano kadedicated ang bakla sa trabaho nito. Maybe, it was so easy for him because he was passionately interested with showbusiness. Manager Ken didn't mind watching TV a lot or reading a lot of showbiz news and blind items. Susi kasi iyon sa manager na tulad nito para maging one step ahead. Lalo na sa pago-obserba ng mga trend.
Wala na ang news flash sa TV. Isang election ad na ang humalili mula sa isang kandidato mula sa kalabang partido ni Virgo. Tumalikod na siya, nilapag sa counter table ang cup at sinilip ang niluluto sa oven.
"Next week na ang eleksyon ah," Manager Ken looked at her over his shoulder. "Sino ang iboboto mo?"
"Ikaw ba?" tanong niya rito.
"Si Mayor Lazaro," walang gatol nitong sagot.
Tumuwid siya ng tayo at tinanaw ito. "Bakit?"
"Ano'ng bakit?" upo nito pero halos nakayakap na sa back rest para harapin siya. "Ang ganda ng records niya, darling. At nakita mo naman kung gaano kaganda ang Bacolod City dahil sa kanya."
"Well, yes," she placed a hand on her hip. "What about the other candidates?"
Manager Ken rolled his eyes. "Definitely, hindi ko iboboto si Mayor Zamora. Mahilig sa warla ang lolo mo!"
She nodded. Naalala ni Bree nung pinanood ang video sa internet nung latest na debate, nung nagpasaring si Mayor Zamora kay Virgo tungkol sa ama nito.
"Lalo na si Senator Pingu. Hello? Ilang beses nang nakasuhan ang corrupt na iyon, lakas pa ng loob tumakbo, huh?"
Napabungisngis siya. "Innocent daw, eh."
"Bwisit na innocent 'yan. Innocent his face."
Nagtawanan sila. Tumalikod saglit si Manager Ken. So that he can threw his head back, laid it against the top of the backrest and laugh loud.
"Diyos ko!" tawa pa rin ni Manager Ken. "Lakas niyang magpa-inosente sa pinaggagawa niya, mukhang que horror naman!"
Unti-unting humina ang mga tawa nila nang maka-recover.
Sinadya niyang igitna sa mga itatanong si Virgo. "What about Vi— Senator Virgo?"
"Hmm," lingon agad nito sa kanya, naniningkit ang mga mata. "Of course. Siya ang iboboto mo, no?"
"Hindi pa ako makapag-decide, no," tukod niya ng kamay sa counter nang makalapit doon. "Kaya nga inaalam ko ang impression mo sa kanila."
"Eh, mukha naman siyang okay," iwas nito ng tingin pero nakaharap pa rin sa kanya. "Hindi lang ako mapalagay. Lalo na nung sumulpot siya bigla sa premiere night ng movie mo. At bumisita pa siya sa iyo."
"Huh? Bakit naman?" maang-maangan ni Bree.
"Parang nang-i-insider sa showbiz industry. Hindi ko alam kung bakit."
Kumunot ang noo niya. "Paano mo naman nasabi?"
"Eh, kasi hindi naman gawain ng pulitiko iyon. They are more on, taking people from the showbiz industry to politics, not the other way around. Kaya nga may mga artista na nakikipagrelasyon sa pulitiko, 'di ba? O mga artista naman na nagiging politician? That's how things were."
"Part of campaign, I think," ngiti niya rito. "Yung pagbisita naman niya sa akin, sabi ko 'di ba, fan kasi ako nung ate niya. Gusto na makipagbonding ako, whatsoever. Pero until now, hindi pa rin naman ako nakikipagkita."
"Sigurado kang iyon lang ang hiniling sa iyo, ha?" balik ng nagdududa nitong tingin sa kanya.
Nerbyos na tumawa siya. "Oo naman, no? Ano pa ba ang pwede niyang maging agenda?"
"Ikaw," prangka nitong taas ng kilay. "Ang katawan mo."
Napaiwas siya ng tingin dito, pero nanatili sa pagkakatayo sa may counter.
She was hoping she'll hear the bell from the oven. Para makatalikod na siya sa manager at asikasuhin ang nilulutong manok doon. Pero wala silang narinig na tunog.
"At bakit naman?" kunwari natatawa siya.
"Come on, Bree, alam ko na iyang mga politician na iyan. Oo, may mga matitino naman, pero meron ding mga pilyo."
Tumalikod na siya. Kunwari, tsine-tsek ang manok sa oven.
"Eh, huwag mo na akong idamay diyan," her eyes darted here and there. Wala sa manok ang paningin niya. "Sinabi ko na sa iyo ang lahat."
"Kunsabagay, kasama daw niya si Mayor Cheska ngayon, 'di ba?"
Mukhang narinig niya sa banyo 'yung balita kanina...
"Siguro mas pipiliin niyang dumikit sa magpapabango sa kanya sa pulitika."
Bree shrugged. "I think so too." Tumayo na siya. Nasa oven pa rin ang tingin. "Do you think, bagay sila, Manager Ken?"
Nanonood na ang bakla ng TV. "Siguro. Magkalapit lang age nila, 'di ba? Parehong single. Parehong nasa pulitika. Magkakaintindihan sila panigurado. Pareho sila ng field, eh. At naku, sinong hindi magugustuhan si Mayora Ikay, eh naku, ang galing na mayora n'un. At saka ang bait-bait, 'di ba? Maganda rin si Mayora, no."
A faint smile was on her lips. "That is true."
"Oy, mamaya tingnan na natin online kung saang precint tayo, ha? Baka pagkaguluhan ka or whatsoever, darling. Magandang kasama mo kami para safe ka at hindi pa tayo masisi kapag nagkagulo!" ani Manager Ken.
Pero wala sa mga sinabi nito ang isip at pandinig ni Bree.
.
.
***
AN
Hi, everyone! Hanggang dito na muna ang UD for this week! Thank you so much! I know you've been waiting for Chapter 29 aaaaand it took me a while, kasi kinumpleto ko ang finale chapters for A Man of His Word and Lost Angels Series #3: Sir Sparks. <3 <3 <3 You can read them now if you are searching for complete MxM story (AMOHW) or paranormal story (Sir Sparks).
Thank you and kitakits next week (and same schedule) sa new chapters ng Slide! <3 <3 <3 You better be there because mababasa ninyo ang chapters na may kinalaman sa Election Day at (hopefully) umabot ang UD ko sa vacation-escapade ni Bree at Virgo!
Okay, enough with the spoilers! See yaaa~
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro