Chapter 28: We're Just Getting Started
YOU SHOULDN'T.
"Are you sure?"
Yeees.
Pinatong ni Virgo sa ibabaw ng desk ang mga binti. So out-of-personality, but he did what he thought would feel more comfortable for him in their mansion's office room.
Nakadikit pa rin ang tainga niya sa cellphone.
"And why not, Miss Bree?" a teasing smile formed on his lips.
Bakit hindi ka na lang mag-focus sa personal mong paglilibot-libot para mag-campaign. This is the best time to do that, right? Iyon ang madalas kong nakikita na strategy ng mga kumakandidato.
Ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa isang TV guesting. Nakatanggap kasi ng imbitasyon si Virgo at tinatanong si Bree kung maganda ba ang mga palakad sa TV show na iyon. Hindi pa raw nai-interview sa late night talk show na iyon si Bree, pero tulad nga ng sinabi na nito, hindi sang-ayon ang dalaga na tanggapin niya ang imbitasyon.
"That is exactly the point. Madalas na 'yun ginagawa. So I figured, I'll do something different to get people's attention and interest."
Mahinang tumawa ang babae sa kabilang linya. Come on, Mr. President. You already have that.
"Including yours, right?"
She giggled. Tigilan mo ako.
Natawa tuloy siya. Pero dumaan lang ang tuwa sa kanyang mukha. Naalala na naman kasi ni Virgo ang nangyari kagabi. Saglit lang sila nakapag-usap ni Bree dahil nasa publikong lugar sila. At nang matunton siya ng bodyguard, malayo pa lang ito nagpaalaman na sila agad ni Bree nang matanaw na papalapit sa kanila.
They just had a conversation on that parking lot. Medyo umiyak ang babae nung ikwento ang pagbisita raw dito nung Krista.
"But hey," he spoke softer this time, "remember what I told you last night, okay?"
Napabuntong-hininga ito.
"Bree..." he intended to press a warning tone to it.
Yes, Sir, she sighed. So sexy. I am going to be a very good girl.
He could imagine her biting her lower lip while saying that. Damn. His. Dirty. Imagination.
"Make sure of that or you'll get a spanking," pilyong ngisi niya. He shifted how his feet on the table criss-crossed atop one another.
Now I want a spanking.
Mababa ang naging pagtawa niya. Oh, this woman.
"Ayokong mananakit ka na naman. Clear?"
Kasama kasi sa kinuwento nito ang pananakit kay Krista. He advised Bree to never do that again. Kung gusto kasi nito na manatiling maganda ang image, kailangan na nitong mag-let go sa pakikipag kumpitensya kay Krista.
Yes, Sir... she dragged, getting tired of being reminded about that.
"You know it's for your own good. It will also help you to let go of your issues with that Krista."
Mr. President, I have to hurry this up, so... au revoir.
"Oh, never say goodbye to me," nakangiting baba niya ng mga paa mula sa desk.
Puputulin ko na itong phone call natin.
"I'll be changing my sim card too. So, wait for me to call you later in the night, okay?"
Sige.
At naputol na ang phone call. Tumayo si Virgo at hinatak pataas ang garter ng suot na pajamas. Nakasabit ang tuwalya sa kanyang balikat. Imbes kasi na maligo, inuna pa niyang atupagin ang pakikipagdaldalan kay Bree.
Siguradong inaamag na ang campaign manager niya sa kakahintay sa salas. That's when he muttered a curse under his breath, rushing back to his bedroom's own bathroom.
This was so unprofessional of him. Making his work wait.
He needed to win this election. Hindi siya dapat nagkukuyakoy kahit na siya pa ang may pinaka-mataas na ratings sa mga survey.
.
.
BINABA NI BREE sa dresser table ang cellphone para tapusin ang pagsusuot sa strap-on high heels na katerno ng pula niyang dress. Kailangan na niyang magmadali dahil kinakatok na siya ni Manager Ken. Mag-iisang oras na raw kasi siya sa kwarto at 10 A.M. daw ang schedule niya sa TV network para mag-shoot ng video na nagpapasalamat sa lahat ng mga nanood ng The Rightful One. Sigurado na raw kasi na ipapalabas ulit ito sa susunod na linggo at gagamitin ang video nilang mga bida para sa promotion na panoorin pa ang pelikula. Manager Ken was optimistic that if they promoted the movie right, it would reach three weeks in cinemas.
Sapat na siguro iyon para ma-push ang victory party nila.
Lumabas na si Bree ng kwarto. Pulang-pula ang mga labi, bagsak ang unat na buhok at humahakab sa maganda niyang pigura ang pulang dress na may flowy skirt. She made a little twirl to show off. Napangiti si Manager Ken.
"Gorgeous," Manager Ken spoke in his gay voice. "Now let's go, darling."
"Yes," angat niya sa hawak na pouch patapat sa ilalim ng kanyang dibdib. Taas-noong nilisan nila ang tinitirahan niyang bahay at sumakay sa naghihintay na sasakyan.
Habang nasa kotse, inalala niya ang panenermon sa kanya kagabi ni Virgo.
Huwag daw siya masyadong nagpapapatol lalo na kay Krista.
Nagdahilan siya na tinataboy lang naman niya kahapon si Krista. Hindi naman siya ang laging nauuna sa pananakit.
Pero kahit na daw.
Isipin daw niya kung ano ang iisipin ng mga makakakita. Sa kanya din daw ang damage niyon.
She reasoned again that she didn't care about her dirty reputation anymore. Tutal, matagal na naman iyong sira.
But he retorted with something like, hindi ba, gusto niyang maayos ang imahe niya?
Yes. She wanted. But at the same time, she could not be fake just to get the kind of image she wanted, right?
Iyon ang gusto niyang maging leverage bilang artista. Na sa kanilang lahat, siya ang pinakatotoo. Siya ang pinaka-prangka. Hindi siya peke o puro pakitang-tao lang...
Pero nakakainis talaga ang babaeng iyon. Nag-effort pa talaga na puntahan ako para lang ipamukha sa akin na siya na naman ang nanalo. Na nakuha niya ang role para sa pelikula nung Direk Karlos na iyon.
Fine. Magbe-behave na ako. Future President of the Philippines na rin ang nagsabi sa akin niyon, kaya—
Ano bang pakialam ni Virgo sa image ko?
Napalabi siya.
Maybe, he just wants to help me out.
Kumunot ang noo niya.
I know that man. Bawat kilos niya may kinalaman sa mga plano niya. Kailangan ba na maganda ang imahe ko para reasonable na ako ang magiging owner ng PH Channel?
.
.
"I SEE," Kaiser spoke darkly before darting his gaze on Krista.
Umiwas lang ng tingin ang babae sa matanda.
Kasalukuyang nakasuot pa rin ito ng puting bathrobe sa mansyon na iyon, nakaupo sa dining table katapat ng malaking bintana.
Hindi inaasahan ng babae na masasahugan ng sermon ang almusal nito. Lalo pa at nagreport na ang manager nitong si Melody sa lalaki na may hawak sa PH Channel. Unipormado na si Melody, handa na para sa trabaho nito. Si Kaiser naman ay nakasuot ng satin na roba na kulay itim. It had stitched designs on it and a stitching of a big Japanese dragon on the back.
"Krista," tawag na ng lalaki sa dalaga.
Ibig sabihin, mahigpit nitong inuutusan na ituon ang buong atensyon dito.
Humugot si Krista ng lakas ng loob bago nakipagtitigan sa mga mata nito. Kailangan dahil ayaw na ayaw ng matanda na hindi tumitingin dito ang kausap.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari nung binisita mo si Bree Capri?"
"Para saan pa? Hindi naman successful, 'di ba?"
Malamig ang titig ng lalaki rito pero nanunuot ang pagbabanta.
"I told you. You better watch out for that woman. She's becoming a hot topic everywhere."
Ano pa ba ang bago sa showbusiness? Kapag may sumisikat na bago at pwedeng pangtapat sa isang artista, tinatakot na ito ng mga nasa paligid nito na mag-iingat at baka mapalitan sa pwesto. Kung ito man ang kasalukuyang pinakamagaling na komedyante, drama actress, o sexy actress, nakakatikim ng ganoon kapag may sumisikat na bagong talent na kapareho ng mga genre na forte nila.
"Hindi ba pwedeng i-ignore ko na lang siya?" ekis ni Krista ng mga braso. "Ano ba kasi ang kinatatakot ninyo sa Bree na iyan? I have already beaten her once! I have already proven that I am better than her. Wala namang threatening sa babaeng iyon."
"What's threatening is she has a movie that earned a hundred plus million in just one week, Krista," diin ni Kaiser. "Kahit pagsamahin ko pa ang Divinagracia mo, ang Komedi Familia at Que Horror, mas malaki pa rin ang kita ng The Rightful One!"
"You sure are happy. Malaki ang parte mo sa pelikulang iyon," matabang na nagpaikot pa ito ng mga mata.
"What I am saying is, get in good terms with that Bree, before people get the idea of pitting the two of you against each other."
"Wouldn't it be better? If they pit us against each other, I'll definitely win. Mas malaki ang fan base ko. Mas marami ang pelikula ko. Mas maganda ang imahe ko."
"Bobo!" anas nito. "Kapag pinagtapat kayo, doon sila papanig sa mas bago! Iyan ang kalakaran sa showbusiness, Krista. Mas gustong i-try ng mga tao 'yung mas bago! Bagong artista, bagong pelikula, bagong palabas sa TV... bago! Naiintindihan mo? Tingnan mo ang nangyari sa Forbidden, kanino inalok 'yung role nung tinanggihan mo? At masyado ka nang nakakampante kaya nakasingit iyang Bree na iyan. Tinatamad ka lang kaya hindi mo tinanggap nung una ang role sa pelikulang iyon!"
She just let out a groan.
"Now, take action and just do what I say," tayo ng lalaki mula sa kinauupuan nito para paikutan si Krista. He stopped behind her, firmly placing a hand over the top of the chair's back rest, right beside her left shoulder. Napalingon si Krista sa kamay nito. "If you'll get Bree's favor and be friends, like what I want you to do, mahihiya ang mga tao na pagtapatin kayo. Iisipin nila na nakakabastos dahil magkaibigan kayo. They will want you two to collaborate on projects instead. Or they'll look at the two of you like that fucking trend called... goals..."
"BFF Goals," tulong ni Melody sa matanda para maapuhap ang termino.
"That!" sang-ayon nito. Then he continued, "At kung hindi mapipigilan ang mga fans niyo na pagtapatin kayo o may mang-intriga sa iyo? Hindi makakasira sa iyo, kasi dedepensahan ka ng babaeng iyon. Makakakuha ka pa ng magandang compliment mula sa Bree na iyan para tigilan ka nung mga maninira sa iyo. Oh, tapos, sino ang mas sisikat? Sino ang magmumukhang mabait? Ikaw! Lalo na kapag kinuwento ng Bree na iyan na ikaw ang unang nag-approach sa kanya."
"You don't know what you're talking about. Alam ng mga insider sa showbiz na galit kami sa isa't isa."
"That's why," Kaiser squeezed her shoulders, "you need to be friends with that bitch, Krista. Siguradong maraming magugulat. Magiging usap-usapan kayo. Think, Gloria Romero-Nida Blanca—"
"Taylor Swift and Katy Perry," dagdag ni Melody na hindi pinansin ng nagsasalita pa ring ginoo.
"—Vilma Santos-Nora Aunor! Isip-isip din."
She let out a groan. Hindi pa rin makakapayag si Krista na gawin iyon. Parang lumalabas pa kasi ngayon na nakasalalay kay Bree ang pagtutuloy-tuloy ng kasikatan nito at showbiz career.
"Don't you like that? You can get a personal access with her life too. Malalaman mo kung paano siya pabagsakin ulit."
Nagbago bigla ang timpla ng mukha ni Krista.
Sumilay ang ngiti sa mga labi nito.
.
.
"THANK YOU," paalam ni Bree nang matapos ang shoot para sa video. Ipapalabas daw ito agad sa TV para mapanood at ma-appreciate na rin nung mga fans na nasa likod ng malaking kinita ng pelikula nila ni JD at Leticia.
Dinaanan niya ang dalawang artista na naunang natapos para kawayan ang mga ito.
"Wait," habol sa kanya ni JD.
"Yes?" harap niya sa binata habang nakatanaw si Manager Ken sa kanila mula sa pinto ng studio na pinagkuhanan ng video.
"Sana pumunta ka sa victory party kung magkakaroon na talaga, ha?" ngiti nito. "Nahihiya kasi si Letty, pero gusto ka maka-close."
He was unaware that Leticia was already sneaking up behind him. Pigil ni Bree ang matawa nang magtaas ng hintuturo ang dalaga at ilapat iyon sa sarili nitong mga labi. She smiled at Leticia with understanding.
"Huwag ka rin sana ma-offend kung magtanong siya kung paano magpalaki ng—" he placed two hands in front of his chest, gesturing the word boobs.
Napadaing ito nang pabirong sabunutan ni Leticia.
"Bruha ka!" tawa nito kaya natawa na rin si JD.
"Whaaat?"
"Baka ikaw kamo ang gustong magtanong niyan kay Bree!"
Pigil niya lalo ang matawa. Hindi naman siya manhid, no. Nung panahong shinu-shooting pa ang pelikula nila, medyo nakakahalata na siya sa mga kilos at pananalita ni JD. Pinapalagay na lang niya na lalaki pa rin ito dahil sa mga ispekulasyon na nagde-date sila ni Leticia dahil madalas na magkasama.
Now, seeing these two seemed to confirm her impression before that JD was gay.
And for the sake of his career, and the continuous fame of his love team with Leticia, they were making sure no one would know.
"Be careful, ha?" mahina niyang wika sa mga ito para hindi marinig ng mga staff sa paligid. "You're still young, that's why you are not yet that careful."
"About what?" nakangiti pa rin si Leticia.
"Tungkol sa sexuality ng isa sa inyo," safe niyang sagot.
Nawala na ang ngiti sa mga labi nila.
"Halata na ba ako?" lapit lalo ni JD sa kanya, takot din na may ibang makarinig sa sinasabi nito.
"Hindi pa. Pero medyo dumadaplis, hmm?"
Tumango-tango ito. Bree turned and approached Manager Ken.
"Oh, bakit parang nalungkot 'yung dalawa?" sabay nito sa kanya sa paglalakad sa pasilyo.
"Kasi nagtatanong sila kung bakit aalis na raw ako agad," dahilan niya. "They suddenly want to hang-out with me."
"Oh, bakit hindi ka pumayag? Wala ka namang schedule na pagkatapos nito. Medyo lie-low pa muna tayo naman sa mga projects para hindi maagaw ang atensyon ng mga fans mo sa pagsisigurado na malaki ang kikitain ng movie mo."
She sighed.
"Kakailanganin mo rin ng mga kakaibiganin dito sa showbiz. Makakatulong din ang mga papuri nila sa iyo para lalong magboost ang career mo."
Gamitan nga yata talaga ang puhunan dito. I don't know. Why is talent not enough to be recognized?
"At saka ko na iisipin iyan. For now, gusto ko na umabot ng third week ang The Rightful One."
Nag-iwas na ito ng tingin mula sa kanya. "If you say so. 'Yung commercial mo pala para sa kape, okay na. Hintayin na lang daw natin kung kailan magi-start ng shooting."
"Okay."
.
.
"THANK YOU. THANK YOU," kamay ni Virgo sa bawat nakakasalubong habang patungo sa entablado. He just greeted them briefly. The tension was already seeping through his veins. His gaze was heavy. Lumukob na ang dilim sa kalangitan. Maga-alas-sais na kasing natapos sa pagsasalita si Pacito San Juan. Kasalukuyang nasa Rizal Park sila ng kanyang tumatakbong Bise-Presidente, kung saan gaganapin ang miting de avance.
"Virgo," tapik ni Jordan sa kanyang balikat.
He was caught off guard. Ano na naman ba ang kailangan nito? Kailangan na niyang makaakyat sa stage para makapagsalita na. This would be his last chance to convince the people to give him the victory. To become the President. This was the election that he definitely have to win. He needed to speak now before the worry completely consumes him.
Matalim ang tingin niya sa pinsan nang lingunin ito.
Not, now Jordan.
"Si Mayor Cheska Fidel," pakilala nito sa babaeng nasa likuran nito.
Cheska Fidel had won two elections as Manila's Mayor. It was kind of mindblowing how her mild manner managed the wild side of one of the country's busiest cities. She was close to his age. Decent and mild-mannered at forty. She was kind of petite. Signature na nito ang pagsusuot ng puting mga dress o pencil skirt at blouse kapag lumalabas sa publiko o nagta-trabaho. Kaya hindi na siya nagulat nang makitang nakasuot ito ng puting dress. It had a flowly skirt that reached her knees and sleeves that hugged her slender arms up to her elbow. Her hair was neatly tied in a low ponytail. Her lips had a touch of light pink. Matamis ang ngiti ng babae sa kanya.
"I am here to support, Senator," tila nahihiya ang ngiti nito sa kanya. Kahit sinong tumingin sa maamo nitong mukha iisipin na ang bawat kilos nito ay mahinhin at mahiyain.
He gave her a nod before turning to face her. Nginitian niya ito at kinamayan agad. Kasabay niyon ang mabibilis na click at flash ng mga camera.
"Thank you, Mayor," tango niya rito.
Nahihiyang napatitig ang babae sa kanilang mga kamay. Bahagyang nanlumo nang bumitaw siya agad dito.
Virgo looked at Jordan. "I've got to go," tapik niya sa balikat ng pinsan bago nagmamadaling inakyat ang stage.
Nakangiti na tinanaw siya ni Mayor Cheska at Jordan. Dumikit ang lalaki sa babae.
"Let me assist you to the backstage, Mayor," presenta nitong humawak na siko ng babae.
But she did not nudge and let him hold her.
"No, need," malumanay nitong tugon, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Virgo na umaakyat na sa hagdan ng sinet-up na entablado. " Gusto kong panoorin si Senator. At nandiyan naman ang mga guards ko," tukoy nito sa naka-barong na mga lalaki sa likuran nila.
"Just in case lang, Mayor," maluwag nitong ngiti. "Baka kasi mangalay ka at walang upuan dito sa labas."
She chuckled gently. "Naku, hayaan mo na lang ako rito. Nakakahiya naman. You should be helping Senator Virgo out. For sure, he's feeling so tired and pressured right now."
"Maybe, you should invite him out, Mayor," Jordan slyly smiled. "My cousin really needs to chill after the election."
Natawalang ito.
.
.
***
AN
So, hello and welcome sa mga new characters natin this week-- Kaiser and Cheska! HAHAHA <3 <3 <3
I hope you enjoyed the new chapters tonight! ;) Kitakits bukas! :* <3
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro