Chapter 26: Five
NAKATUTOK kay Virgo ang mga mata ni Jordan. Virgo was wondering if his cousin had a clue about the progress of his plans but this is not the right time to focus on that thought. Kasalukuyan silang binabakuran ng mga tauhan ni Jordan na nakasuot ng itim na shirt na may tatak ng mukha ni Virgo, numero sa balota at Virgo for President. Nagkakagulo ang mga tao sa paligid nila sa covered court na iyon sa Davao. Sinadya ni Virgo at ng campaign manager niyang si Ryan na ihuli ang mga malalayong lugar na pagkampanyahan, dahil advantage nila na sila ang huling maaalala ng mga ito hanggang sa dumating ang araw ng eleksyon. At dahil hindi na nagsisikap ang ibang kandidato na bumiyahe ng malayo sa huling araw ng kampanyahan para magkumahog ng luwas sa Luzon kung saan karamihan sa kanilay ay botante, sigurado sila na hindi makakapahabol ng kampanya ang mga ito sa Mindanao.
Halos hindi na maisa-isa ni Virgo ang mukha ng mga taong naisisingit ang mga kamay para lang makipagkamay sa kanya. Tanggap lang siya ng tanggap. Pasa-pasa ng mga ito ang kanyang mga kamay at may ilan pang manghihila para lang makayakap sa kanya. Mabilis ang mga tauhan ni Jordan na maglayo sa mga ito sa kanya.
Kumaway na lang si Virgo habang nasa likuran niya sila Jordan at Greg. Nasa tabi niya ang tumatakbong bise-presidente na si Pacito. May katandaan na ang lalaki at manipis na ang buhok. Maaliwalas ang mukha at maamo ang mga mata. Maganda ang tindig pero medyo umuumbok na sa suot nitong shirt ang pagiging bilugan ng tiyan.
Virgo wore a white, striped polo shirt that fitted his body. May nakakabit na brootch ng logo ng partido nila sa bandang dibdib tulad ni Pacito.
Dumikit ang braso ni Pacito sa kanya.
"Grabe, ngayon lang tayo makakapag-ikot dito pero ang dami na nating supporters!" laban ng boses nito sa ingay ng mga naghihiyawang tao.
Ngumiti lang siya at palipat-lipat ang tingin kay Pacito at sa mga kinakawayang tao.
"What can I say? Maraming natulungan ang ama ko rito sa Mindanao."
At ito lang din ang tanging lugar sa Pilipinas na sumasang-ayon sa kagustuhan noon ng tatay ko na gawing imperyalismo ang gobyerno mula sa pagiging demokratiko.
Nang makaakyat sa entablado, nagkaroon ng maikling panimula sa programa. Inaliw ng mga emcee ang mga dumalo at hindi rin nagtagal ay tinawag na nito si Pacito para hilingin ang suporta ng mga tao.
Nabalot naman ng katahimikan nang si Virgo na ang tumungo sa gitna ng entablado. He stood in front of thousands of people like Freddie Mercury in Live Aid 1985. Everyone's eyes and ears waited for him. Ang bawat pagbati at tanong niya ay sinasagot ng mga ito. Hindi niya rin kinaligtaang banggitin ang mga pangako at intensyon niya sa pagtakbo bilang Pangulo, ang mga inspirasyon niya at ang kagustuhang makatulong sa pagresolba sa mga problema sa bansa.
"Hindi ko hinuli ang pagbisita sa inyo dahil last priority ko kayo," muli niyang wika habang sinisikap na maisa-isa ang mga mata ng mga tao na natatanaw niya roon. "Hinuli ko kayo para malubos-lubos ang oras dito na kasama kayo. Ayoko naman na unahin kayo pero magkukumahog ako na makabalik agad mamaya ng Maynila."
Masayang naghiyawan ang mga ito.
"Napakahalaga sa akin na makausap kayo ng matagal-tagal, dahil ramdam ko na malayo kayo mula sa Malakanyang at kayo rin ang nagtitiis sa distansya, maiparating lang ang mga concerns ninyo. Ngayon na nandito na ako, masaya ako kung mapag-uusapan natin ngayon ang mga concern ninyo sa gaganaping Question and Answer maya-maya lang."
Palakpakan.
"Wala akong pakialam kung hanggang anong oras tayo abutin! Mapakinggan ko lang at masagot ang mga tanong ninyo. Dahil sa oras na manalo ako sa eleksyon, kakailanganin kong balikan iyang mga tanong at concerns ninyo lalo na at nasa posisyon na ako para paglingkuran kayo. Kaya ngayon pa lang, huwag na kayong mahihiya na mag-voice out sa amin." Sinulyapan niya si Pacito na nakaupo sa isang monobloc sa likuran niya sa entabladong iyon. "Hindi ba, Pacito?"
Masayang nag-thumbs up ito.
Seryosong hinarap ni Virgo ang mga tao. "Maraming salamat ulit sa mainit na pagtanggap sa amin!"
He stepped back and waved at the cheering crowd. Lumapit sa tabi niya ang emcee para abutin ang mikroponong hawak niya.
Nanatili silang masigla ni Pacito sa pagsagot sa mga tanong ng piling mga tao mula sa audience. Hanggang sa may in-assist ang staff sa ibaba ng entablado na isang lalaki.
"Good evening, Senator Virgo," medyo nahihiya pa ang ginoo na may katandaan na at payak ang pananamit. "Huwag mo sanang masamain itong itatanong ko."
"Tanong lang naman, Sir," mahina niyang tawa para pagaanin ang loob ng nag-aalangang lalaki.
"Eh, itatanong ko lang kung kailan ninyo balak mag-asawa."
Natawa ang mga tao sa covered court na iyon.
Pumaling ang ngiti ni Virgo.
"Bakit niyo naman po natanong?" pigil niya ang matawa.
"Eh, ano lang, baka kasi kalagitnaan ng termino niyo eh, mag-asawa ka bigla... baka makalimot ka mag-focus sa trabaho mo."
Lalong nabuhay ang tawanan mula sa audience. Maging ang mga kasamahan ni Virgo ay nagpipigil na mapalakas ang tawa.
He lowered his eyes as his smile turned faint. Binuka niya saglit ang mga labi pero walang katagang lumabas doon. It was as if all he could feel right now was the presence of the spotlight on him, touching his face. He pulled a renewed smile and lifted his eyes on the man.
Mahina siyang tumawa. "Sir, matagal na akong kasal kay Inang Bayan. Kaya nga sobrang loyal ko sa kanya, 'di ba?"
Tawanan.
"Huwag kayong mag-alala. Alam ko ang priorities ko," pahabol niya, malapad ang ngiti sa mga nanonood sa kanya. "Kung may darating na babae sa buhay ko, hindi siya magiging distraction. Magiging katuwang ko siya para mas mapagsilbihan ang taumbayan ng maayos."
May ilan pa ring mga natatawa, pero naging mayabong ang palakpakan. Ang iba naman ay nagsisigawan na sila na raw ang asawahin ni Virgo.
.
.
.
"HOY, BREE," pukaw ni Manager Ken sa pansin niya. Napamulagat tuloy si Bree. She looked around and recalled that she was in the front yard of her house. Nakaupo sila sa table set doon, may hinanda siyang mug ng kape para sa kanilang dalawa, palaman at pack ng tinapay. Dahil nasa bahay lang naman, silk robe na itim lang ang suot ni Bree sa ibabaw ng kanyang lingerie. Maayos ang pagkakatali ng roba pasara para maging presentable kay Manager Ken. Her long hair was tied in a low ponytail. The afternoon sun shone mildly, touching the leaves of the trees that made a black and pale yellow silhouette of their shape and gaps over them.
"Kanina ka pa hindi sumasagot sa akin," nag-aalala nitong unat sa suot na fitting shirt na pink. "Iniisip mo na naman ba si Krista?"
She shook her head. "No," angat ng kamay niya sa listahan ng mga TV shows at movie projects na pinapabasa sa kanya ni Manager Ken. Inisa-isa na naman niya ang pagbasa rito dahil nakalimutan na niya kung anu-ano ang mga ito.
"Ang sabi ko," maingat nitong saad para ulitin ang hindi niya narinig kanina, "komportable ka ba mag-comedy? Kasi mataas ang rating niyang Hapi Us—" banggit nito sa sikat na TV sitcom, "—kailangan nila ng gaganap bilang sexy na kapitbahay nung mga bida. Naka-note naman diyan ang requirements nila para sa role."
Bagot na binasa iyon ni Bree. Kailangan na sexy at maputi raw 'yung gaganap na bagong kapitbahay sa palabas. Willing magsuot ng mga maiikling damit sa palabas. Marunong sumayaw. Willing magpa-sexy. She let out a sigh.
"Hindi ba ang sabi mo, ipapalit mo ako ng genre para maalis 'yung image na pa-sexy ako? Eh bakit parang ganoon din naman 'yung role dito?" simangot niya. "They'll just put me there to be sexually objectified. The typical, sexy, flirtatious neighbor." She scoffed. "Ito? Commercial ng kape, right? Pero kailangan sultry ang boses ko, nang-aakit, swabe pakinggan. And this movie? Supporting role lang ito. Mataray na officemate. If I am going to be a big star, why would I take smaller roles?"
Buti na lang talaga at mahaba ang pasensya ni Manager Ken sa kanya.
"Iyan ang mga nahanap kong available sa ngayon, Bree," anito. "Sige," strikethrough nito sa sariling kopya ng listahan. "Hindi na natin isasama 'yung sa Hapi Us. At saka 'yung sa movie. So, okay na ba tayo sa commercial ng kape?"
Tinitigan niya ito sa mga mata.
"You'll be sexy and elegant there," pangungumbinsi nito. "Nakita mo naman siguro kung paano mag-work ang commercials ng kape, 'di ba? Desente pa rin. Subtle ang sexy element. Minsan mas classy pa nga kaysa sa sexy."
"At hindi matrabaho ang shooting, right?" paninigurado ni Bree.
"Yes."
"Okay," balik niya ng mga mata sa listahang hawak. "Itong sa kape na lang muna. Ayoko rin naman na maging full packed ngayon ang schedule ko."
"Bakit?" kunot ng noo nito, nakaabang ang mga mata sa isasagot niya.
Dahil sabi ni Virgo, magbabakasyon kami pagkatapos ng eleksyon.
She blinked her eyes and drive her thoughts away from that man.
He's no show for days now. Busy siguro sa pangangampanya.
"Ah... kasi..." sandal niya sa kinauupuan. She sexily crossed her legs. "Malapit nang mag-eleksyon. I want to vote. Ayoko na mismong araw ng eleksyon nagkukumahog ako."
"Oh, yes," sang-ayon ni Manager Ken. Pumalumbaba na ito sa mesa. "Malapit nan gang mag-eleksyon. Sino ang iboboto mo?"
"Oh, no," pikit niya at sapo ng noo. "Don't tell me, gagawan mo ng paraan na maging parte ng publicity ko kung sino ang iboboto ko."
"Hindi naman," titig lang nito sa kanya. "Mahirap na. Mabuti na iyong, nasa showbiz lang ang mundo mo. Huwag kang makisawsaw sa isyung pulitika."
"I know that already," she returned her manager's gaze. "Kung gusto kong maging payapa ang buhay ko at basher-proof, I should keep my own beliefs and opinions to myself. Lalo na kung political o may kinalaman sa bansa. Most especially if it's an unpopular opinion too."
"Exactly," tuwid na nito ng upo.
"Kasi influential daw kaming mga artista. May ability kami mag-brainwash ng mga tao ," sarkastikong kumpas niya ng kamay. Tumuwid na rin si Bree ng upo para kumuha ng tinapay. "Have some bread, Manager Ken."
"I'm good. Mamaya na," sipit nito ng listahan ng mga projects sa planner nito. "At may itatanong pala ako sa iyo, Bree."
"Yes?" sulyap niya rito bago binalik ang tingin sa pinapalamanan na tinapay.
"Alam mo na ba 'yung tungkol sa article na kumakalat ngayon sa internet?"
"What article?" buntong-hininga niya. "'Yung tungkol sa amin ni Jordan?"
"Oo."
"I'm never seeing that man again," banas niyang saad. "I don't know how the media saw us going out for that one time, but I have a feeling it's Jordan's fault."
"You mean, kinontrata niya 'yung mga bloggers na iyon?"
"Ano pa nga ba?" iwan niya ng kutsara sa lalagyan ng palaman nang matapos.
"Bakit niya kaya gagawin iyon?"
"Manager Ken, bakit interesado ka?" kumagat na siya ng tinapay.
"Malamang, damay ka kaya concerned ako," titig nito sa mga mata niya. "Bakit ikaw pa ang napili ni Jordan na idamay? Is that article a publicity stunt? Take note, may bagong release kang pelikula, mainit ang mata ng mga tao sa iyo. Kung sinuman ang ma-involve sa iyo ngayon, magiging usap-usapan din siya."
Manager Ken has a point.
Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa kawalan. Ang magpinsang Jordan at Virgo. Are they using me? One wants publicity. And one wants an inside information on how showbusiness and media works...
"But you're the one who recommended that I should go out with Jordan," balik niya ng tingin sa kausap.
"Dahil hindi naman siya masyadong usap-usapan sa mga Ferdinand. Wala ngang masyadong nakakakilala sa Jordan na iyan kung hindi pa niya babanggitin na related siya kina Senator Virgo. Kaya ang akala ko, private person siya, darling."
Sumandal siya sa backrest ng upuan. Nag-iisip.
But among them two, mas magkakaroon ako ng pakinabang kay Virgo.
He promised me leverage against Krista.
With his power, makakaganti ako sa mga tao na naging unfair sa akin.
Sa mga taong umabuso sa akin.
With Jordan, wala akong mapapala.
She bit her sandwich and chewed gently.
But still... kaya ko bang gawin iyon? Nagagalit ako sa sobrang biased ng media at ng management ng network namin, 'di ba? Kaya bakit nate-tempt ako sa offer ni Virgo? Na magiging akin ang network... at magiging biased sila sa akin... gagawin nila ang lahat ng gusto ko...
"Ah, basta, go ka lang diyan sa desisyon mo," putol ni Manager Ken sa saglit na pagkawala ng focus niya sa pinag-uusapan nila. "Huwag kang makipagkita ulit sa Jordan na iyan."
She swallowed and smiled slightly. Binaba ni Bree ang tinapay para abutin naman ang mug ng kape niya.
"Ako na ang bahalang kumausap sa kanya kung kulitin na naman ako. Iba-block ko rin siya sa contacts ko kung kinakailangan," kuha agad nito ng cellphone. "Hindi ka pwedeng ma-involve sa kung anumang balak niya. Malamang may kinalaman sa pulitika. He's a Ferdinand."
Yes. He's a Ferdinand. A part of a family of users, she bitterly thought. And the bitterness was magnified by the taste of coffee on her lips, on her tongue.
Tumigil siya sa pag-inom nang marinig ang notification sa kanyang cellphone.
Bree checked the message she received from an unregistered cellphone number.
Your movie's already one week in cinemas. I figured I should watch it again at Silver's Mall to make sure it will be showing for two weeks. – 5
Tumaas ang isang kilay niya. Sino si 5?
V-I-R-G-O has five letters.
5 is letter V in Roman numbers.
At sanay na siya sa paiba-ibang numero ng lalaki. Alam niyang hindi naman siya parte ng personal nitong buhay, kaya hinding-hindi nito gagamitin ang personal na numero para kontakin siya.
Her lips slyly grinned.
Nakaabang ang nagtatanong na tingin ni Manager Ken sa kanya.
"8888," tipid niyang sagot dito bago tinuloy ang pagsimsim ng kape.
Kumunot ang noo ni Manager Ken. Parang kani-kanina pa kasi ito may napapansin sa gate. Kita ang page-effort nito na mamukhaan kung sino iyon pero dala na rin ng edad kaya medyo hindi nito malinaw na makita ang malalayong bagay o tao.
"Bree, kanina pa yata nagdo-doorbell 'yung nasa gate."
She just shrugged. Malamang hindi nila maririnig dahil sa loob lang naman ng bahay nakakabit 'yung speaker na attached sa doorbell sa gate.
She looked over her shoulder and squint her eyes. Biglang nag-akyatan lahat ng dugo sa kanyang ulo. Mabilis siyang tumayo.
The wind slightly blew the loose strands of her hair. Her fierceness shows as she moved her hips and sashayed away from her seat after setting her mug back on the table.
Natural na kay Bree ang paglalakad na parang modelo, na parang ang gaan-gaan ng katawan.
Pero matalim ang titig niya sa tao sa gate.
KayKrista.
.
.
***
AN
Hiiiii!!! <3 <3 <3 Yieeeee~ ito na ang Chapter 26 ng Slide! <3 <3 <3 <3 I am feeling cheerful because I have read some of the early comments and how much you love this story. THANK YOU! A big, big THANK YOU! <3 <3 Sa mga hindi ko nareplyan, waitsu lang dahil today ulit ako magtse-check ng comments! ;)
New chapters will be posted next week (Fri-Sat-Sun) soooo... kitakits!
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro